Road Of Our Souls

By nikMarikit2

2.2K 1.2K 128

In the middle of the time where many people achieving their goals. Here Alma Ria Asuncion, still seeking on w... More

Road Of Our Souls
...
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 1

214 101 10
By nikMarikit2

"bulaga!"

Napaikot ang aking mga mata saka tumigil sa paglalakad at hinarap siya. "Ano na namang trip mo, ken?"

Tumawa siya sa naging reaction ko. "Haynako! Sungit mo ah?"

Kumunot ang noo ko."Hindi naman ah?loko ka talaga." Nagpatuloy ako sa paglalakad. Naramdaman ko naman ang agaran niyang pagsunod sa akin.

"Eh bakit ang sungit mo?"

Aish ang kulit naman!

"Nakakainis ka kasi!lagi mo na lang ako ginugulat kapag nagkakasalubong tayo-"

"Kung nagulat ka nga talaga?" Pagputol niya sa sasabihin ko.

Napairap ako sa isip. Bakit ba ang kulit ng isang 'to?!

"Oo nga,sabi ko nga! Lagi mo na lang ako ginugulat eh hindi naman ako nagu-"

"Oh 'di ba sabi ko sa'yo eh. Kaya huwag kana mainis diyan."

"Sino bang nagsabing naii-"

"Alam mo Ria,tignan mo 'yong langit. Ang ganda ng sunrise 'di ba? Kaya dapat hindi ka naii-"

"Alam mo sasampalin na kita! Ayaw mo 'ko patapusin sa pagsasalita eh. Ang daldal mo talaga." Pagputol ko sa sinasabi niya. Nang napahinto siya sa paglalakad ay siyang pagpapatuloy ko sa paglalakad.

"Hala gagi. Sorry naman!" Tumatawa niya akong hinabol sa paglalakad.

"Oo na,oo na. Pumunta ka na sa classroom mo. Hindi naman tayo same way eh."

"Grabe pinagtabuyan ako kaagad?"

Napatingin ako sa kaniya na nakaaktong parang nasasaktan. Haynako naman!

"Bahala ka nga diyan!" Then I left him and continue my walk. Nang 'di pa ako nakakalayo ay narinig ko naman ang pagtawa niya.

Talaga nga naman oh..

Naglalakad ako papuntang ground ng school. Sa PPP-1 building pa kasi ang room ko at si ken naman ay sa PPP-2 building. Mas malapit yung sa kaniya compare sa akin.

May mga iilang schoolmate ako na siyang nakakasalubong ko. They ignore me naman so hindi ko na lang din sila pinansin.

Tahimik lang ako sa tuwing naglalakad rito sa school. I don't want talking while walking because madali akong hingalin. And isa pa I think I'm not that madaldal thingy except kung kilala ko na talaga.

Hinawakan ko ang handle ng backpak ko. Naging dahan dahan ang lakad ko when I'm near in my classroom

"Ano na naman kayang ganap ngayon?" Napatingin ako sa lumang relo ko. "Ano ba 'yan wala naman na 'tong silbi!" I remove it on my wrist because my watch didn't working. Nakailang lagay na rin si mama ng battery dito siguro ay sira na talaga. Inihulog ko iyon sa pocket ng bag ko.

Nang makarating ako sa labas ng classroom ko ay dumiretso ako sa likod na pintuan.

"Hoy pakopya naman ng assignment!"

"Ako din!"

"Hoy tabi!ulo mo nangangamatis!"

Napangisi na lamang ako sa mga naririnig na kaingayan ng kaklase ko. What do I need to expect? Eh lagi namang ganito kada umaga.

Pagkapasok ay wala namang nakapansin sa akin. Wala rin namang dahilan para pansinin nila ako. Dumiretso ako sa upuan ko which is may nakaupo na sa gilid ng upuan ko,and that's my friend.

"Hey girl! Late ka ngayon ah?"

Napakunot ang noo ko at tumingin sa labas ng bintana. "Hindi naman ah?" Palatandaan ko ang liwanag ng kalangitan.

When the sky are still dark that's means na hindi ko kailangan magmadaling maglakad kasi hindi pa ako late. Kapag naman maliwanag na ang langit ibig sabihin ay kakaripas na ako takbo at magmamadali.

Ibinaba ko ang bag ko at inayos iyon sa aking upuan,pagkatapos ay pinasadahan ko ng aking kamay ang palda ko saka naupo. Kaunting oras na lang ay dadating na si Ma'am Gonzales,ang adviser namin na masungit.

Napatingin ako sa katabi ko. Nakakalat na naman ang mga papel sa lamesa niya. Mahilig kasi siya sa pagsusulat at pag calligraphy ng kung ano ano.

"Shit!meron palang assignment sa AP?" Sigaw ni Tom na nakakuha ng atensyon naming lahat.

Bakit ba kailangan pang sumigaw?

"Hala meron?"

"Bakit 'di ko alam 'yan?!"

"Hoy! pakopya dali!"

Ito na naman po sila mga nag cellphone kasi habang nagtuturo si  Sir. Ayan tuloy lumilipad ang mga isip.

"Hala taena!may assignment sa AP, Ria?"

Napakunot ang noo ko dito sa katabi ko. "Oo bakit hindi ka rin nakinig 'no?"

Dahan dahan siyang umiling,napatulala lang naman ako. Bago ay bigla siyang ngumiti. Napaawang ang labi ko.

Mukhang ito na naman ah...

"Hoy pakopya ako dili! Nakalimutan ko eh. Hindi ko nasulat sa notes ko."

Pinilit ko na hindi sumimangot sa harapan niya saka ako tumango. I face my bag and get my notebook. Pagkatapos ay humarap ako sa kaniya and then I gave it to her.

"Yehey!thank you!" Nakangiti niyang sabi at mabilis na kinopya ang laman ng assignment ko.

"Welcome. Alam mo na.. huwag mo na lang sabihin sa iba ah."

"Okay!no problem"

Yes that's me. I don't want that thing na kinokopyahan ako ng mga kaklase ko. But that's not mean na madamot ako at sarili ko lang ang iniisip ko. Sa totoo lang okay lang naman sa akin 'yon. Pero I don't want na masanay sila na laging nangongopya sa akin.

Isa pa ay natatakot ako na baka kapag may nagsumbong sa isa sa mga kaklase ko ay madamay ako. I don't want to make a bad influence in my teachers eyes. Kasi never nila akong nakilala na ganoon.

At this moment hindi ako dinaldal ni ginger,syempre hindi 'yan papaistorbo ngayon at busy sa pangongopya sa assignment ko. That's why iniikot ko ang mata ko sa loob ng classroom.

Mga nakatayo,nagkukumpulan at naka upo sa lamesa ang karamihan.

Mga pasaway..

Nadako ang aking mata sa bandang likuran. I see a man standing near the window. Tinuturuan niya ang mga kaklase ko. Matalino nga naman ang isang 'to...

Nagulat ako ng magawi ang tingin niya sa akin. Napaiwas ako kaagad ng tingin. I sight the other window.

Bahagya akong napangiwi. "Nako naman.." I whispered.

Mabilis ang tibok ng puso ko na siyang madalas kong maramdaman. Nako naman!ito na naman!aish!lagi nalang...

Makalipas ang ilang segundo ay tumingin akong muli sa puwesto niya. Naroon na ulit sa kaklase namin ang tingin niya. Dito ay nakahinga ako ng maluwag.

Nakita kong inayos niya ang kaniyang buhok.Tila dahan dahan iyon at may kakaibang porma ang pagkakagalaw ng mga buhok niya. Bakit naman pati sa pag-aayos ng buhok ay kakaiba ang dating niya sa akin?

Parang may lumalabas na puso sa mga mata ko...

Ano ba naman 'yan!self please kumalma ka!

I bit my lower lip to stop my self to smile.

Ackk!

"Hoy anong nginingiti ngiti mo diyan?"

Biglang akong napangiwi at naibaling kay ginger ang aking tingin. "Ahm..." Hindi ko alam ang sasabihin. "Hindi naman ako nakangiti ah?". Napadako sa black board ang aking paningin.

Please naman sana hindi niya mahalata.

Tumingin siya sa kung saan ako nakatingin kanina. "Nako ikaw ah.. baka mamaya..."

"Huh?"agap kong sagot.

Binigyan niya ako ng makahulugang tingin."Kunwari ka pa.Ikaw ah may tinatago ka na sa 'kin."

Napaawang ang bibig ko. "Wala naman ah!"

"Weh talaga?" Tumingin pa siyang muli sa kanina kong tinitignan.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. "O-Oo na-naman!"

Umayos siya ng upo at dumiretso ang tingin niya sa 'kin. "Ikaw nga magtapat ka sa 'kin. May gusto kaba kay Carlo?"

---------------------------------------------
Authors Note:

Hi guys! I just want to say that you can reach me out via other social media accounts.

You can follow me in this accounts.
Instagram: @mamamarikit
Twitter: @nikMarikit

You can see my kabaliwans there HAHAHAHAH

Yun lang sana nasa mabuti tayong kalagayan lahat :))

-Comment your first impression in reading Road Of Our Souls-

-nikMarikit2


Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
2M 95.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
73.8K 1.1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023