Athena Guevara Series: Cruel...

By bad_bloodSucker

174K 9.3K 2.8K

Athena live alone with one of her twin sister Althea, she's one of the black ship among the quadruplets but h... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
AUTHOR
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
♥️♥️♥️♥️♥️

Chapter 21

3.5K 206 97
By bad_bloodSucker

Walang imik lamang akong nakatanaw sa kalayuan habang naka tayo sa maliit na teresa ng silid ko, Tanaw ang kabuuan ng samot saring ilaw na nag mumula sa cuidad, napabaling naman ang paningin ko sa baba ng marinig ko ang tawanan at habulan ng mga pamangkin ko at ang mga kalaro nila.

Napa buntong hininga na lamang ako ng marinig ko ang mahinang katok na nag mumula sa labas ng kwarto ko.

"Ma'am, hinahanap na po kayo sa baba." Dinig kong sabi ng kasambahay namin.

Napatayo ang ng matuwid at ininom ang huling laman ng baso ko bago ko ito lingunin.

"M-mag sisumula na po daw."

Tumango lang ako at sinenyasan siyang umalis na. Maagap naman itong tumalikod at sinerado muli ang pintuan ng kwarto ko.

Lumapit naman ako sa whole body mirror para ayusin ang sarili ko, ayaw ko naman mag mukhang haggard sa bisita ng pamangkin ko.

Napatigil ako sa pag aayos ng sarili ko ng napatingin ako sa gawi ng tiyan ko, sinipat sipat ko pa ito habang nakata-gilid.

I think I need to go back on my workout, parang nakaka bilbil na ako.

Natatawang napa iling na lang ako ngunit agad naman nabura ng makita ko ang pag dungaw ng peklat ko sa dibdib, I slowly trace it hanggang sa diko napansin na tumutulo na naman ang luha ko.

Dali dali kong kinuha ang tissue na nasa make up table ko at nilinis ko ito agad-agad.

Why I am feeling weird..... Bakit ako napapa iyak because of that woman!!!! Damn Athena! Umayos ka nga, it's over. Wala na siya sa buhay mo and be thankful.

Mag iisang linggo na din ang dumaan mula ng ma rescue ako ni Althea, at mag iisang linggo na din akong malaya sa kamay ni Rachel.

Naka kulong ngayon si Rachel sabi ni Althea, nasa custody nila ito dahil on going pa ang kaso na sinampa nila Mommy Sandra sakanya.

Nang inuwi ako ni Althea pabalik sa bahay namin ay sinalubong agad ako nila Mama Ofelia at Mommy Sandra. Nandoon din sila Jade, Arabella at Sophia.

Tanging si Ayesha lang ang wala dahil nasa Santarini ito kasama ang pamilya niya.

Pero ang alam ko uuwi sila ngayon dahil sa kaarawan ng anak na panganay ni Althea na si Abby.

Gusto ko din siya maka usap ukol sa nakita kong pag tawag niya kay Rachel. Kung ang Ayesha na tumatawag kay Rachel noon at siya ay iisa. And I never mention it to Althea tungkol doon, gusto ko muna kumpirmahin lahat dahil kung pangungunahan ko si Althea siguradong pad dududahan din nito si Ayesha.

"Tita Athena."

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin ng mapansin kong nasa likuran ko si Abby.

Humarap ako dito at ngumiti.

"Bakit di ka pa bumababa Tita?"

"I'm sorry baby, nag aayos pa kasi ako." Nakangiting pinanggigilan ko pa ang pisngi nito at pinag hahalikan. "Happy birthday baby, eto pala gift ko for you."

Inabot ko dito ang isang kalakihang box at masaya naman niya itong tinaggap. Kinuha ko naman ang puting towel na nasa likuran nito at pinalit ko ng bago na nasa higaan ko lamang.

"Wow it so big," tili ng bata at niyu-yugyog pa ang regalo niya.

"Kelan ba kita binigyan ng chip na gift?"

"Hhhhmmm?" Tila nag isip pa ito na ikinakunot ng noo ko.

"Akin na nga yan babawiin ko na lang--"

"Jowk lang tita." Humagikhik pa ito at pinisil pisil din ang pisngi ko. "Kaya nga ikaw ang favorite kong tita because you always give me the best gift."

"Sus... Bulera. Tumalikod ka nga para maayos ko ang pagkalagay ng panyo mo sa likod, basang basa ang likod mo. Papagalitan ka na naman ng Mama Althea mo." Natatawa kong binuhat sana ito ngunit tinulak niya lang ako muling pa upo.

"Tita, ayaw ko ng mag pakarga. Malaki na ako."

"Malaki? Ikaw? If di kana takot sa kidlat doon ko masasabi na big girl kana."

"Tita, naman eh."

"Yeah... Yeah... Whatever... Halika na," muli ko itong binuhat ngunit this time ay naka pasan na ito sa likuran ko.

Pagka labas namin ng silid ay ang pagdating din ni Althea na naka kunot ang noo. Mukhang hinahanap niya ang anak niya I'm sure.

"O-oh patay."

Dinig kong bulong ni Abby sa tenga ko.

"There you are, kanina ka pa hinahanap ng Mommy Jade mo." Kinuha ito sa akin at binaba ang anak niya.

"Anjan na ang mga bisita mo, at pawis na pawis kana. Bumaba kana doon para makapag palit."

"Opo Mama." Nag mamadali naman ang bata na ikina iling ko na lang.

Kahit sa anak niya ay napaka strikta niya. Kaya ganon na lang ang takot ng bata kanina.

"Your so rude Althea." Sabi ko rito at nauna ng mag lakad.

Ramdam ko ang pag hawak nito sa braso ko na ikinatigil ko sa pag lalakad.

"Can I have word with you?"

"Of course... And what is it?"

"About Rachel."

"What about her?"

"Bakit wala kang ginagawa? Bakit hindi mo siya sinasampahan ng kaso-"

"Mom gonna take care about it--"

"Eh ikaw?" Puno ng panunumbat sa bawat tanong nito. "Bakit walang kang ginagawang aksyon---"

"Anong gusto mong gawin ko?" Mabilis kong pinigilan ang sasabihin nito. "Nahuli mo na, Naka kulong na siya, sinampahan niyo na ng kaso, ano pa ang gusto mong gawin ko?" Ramdam ko ang pag galaw ng pangga ko marahil sa gigil. "Pagod na ako at naririndi na ako sa pangalan niya. Kaya pwede ba, wag niyo muna iugnay sa akin ang babaeng yan."

Napatigil naman ito at nakatitig na lamang sa akin, na parang binabasa niya ang mga emosyon na nakikita niya sa mga mata ko.

"What's gioing on? Nag aaway na naman ba kayong dalawa."

Sabay naman kame napatingin ni Althea sa kaliwa namin kung saan nakatayo sila Arabella at Ayesha.

Bakas ang pagtataka sa kanilang mukha at palipat-lipat pa ang paningin sa amin dalawa ni Althea.

"We're just talking." Si Althea na ang sumagot.

"Hinahanap na kayo sa baba, kayo na lang ang kulang." Sabi ni Ayesha pero sa akin ito nakatingin.

Walang pa sabing nag lakad pababa ng hagdan si Althea at naiwan kameng tatlo na di maka paniwala.

"Tsk.... Thank you ha!" Sigaw ni Arabella na napa iling na lang.

Nagkatinginan na lang kameng tatlo kay Althea hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin namin.

Sumunod naman si Arabella at gayun din si Ayesha ngunit maagap kong hinawakan ang braso nito para lumingon sa akin.

"Bakit?" Kunot noong tanong ni Ayesha.

"Di mo man lang ba ako kakamustahin?" Kunot noo ko ding tanong pabalik.

"Then.... How are you?"

Bakit pakiramdam ko parang wala lang sakanya ang pagkawala ko? Hindi ba siya nag aalala sa akin?

Dahan-dahan kong binitawan ang braso nito para muli siyang mag lakad pababa,

"Sa mga panahon na nasa poder ako ni Rachel," napatigil ito ng muli akong nag salita. "May napag-alaman ako."

Lumingon naman ito at nakatingalang nakatingin sa akin at hinihintay lamang ang sasabihin ko.

"Then?" Kaswal lang nitong tanong pabalik.

Pero imbes na ituloy ko ang tanong ng pagdududa ko ay mas pinili kong itanong siya ng diretyo.

"Ikaw ba ang tumatawag kay Rachel?"

Bigla naman ito natigilan ngunit maagap naman itong tumawa ng mapakla at tinuloy ang paglakad pababa na parang ayaw niyang sagutin ang tanong ko.

Mag sasalita pa sana ako ng muli itong nag salita.

Nakatalikod parin ito pero bahagyang napalingon.

"No..... It's not me."
___________________________________

Tahimik lamang akong nakatingin sa pakulong laro ni Arabella para kay Abby kasama ang mga batang bisita nito.

Napapa-ngiwi naman ako minsan dahil parang nag aasim ang sikmura ko, napadami ata ang kinain kong barbeque na inilagay ng kambal ni Ayesha sa plato ko. Di kasi naubos nila Joey at Andie ang chicken barbeque kaya ako na lang ang kumain rito.

Napatayo na lang ako at lumapit kay Althea para mag paalam sana ngunit parang biglang gumalaw ang paligid ko kaya napahawak agad ako sa lamesa.

Napapikit ako ng mariin at muling dinilat para tingnan kung gumagalaw pa ba ang paligid ko, ngunit parang mas lalong lumala ito.

Hindi ko na kayang ihakbang pa ang paa ko, dahil pakiramdam ko matutumba na talaga ako.

What's happening? Bakit ko ba laging nararamdaman ito? I think I need to see my Doctor tomorrow.

"A-althea," pilit kong tawagin si Althea na nasa harapan ko lang.

Ngunit di niya ako marinig dahil masaya itong pumapalakpak kapag nanalo si Abby sa larong pakulo ni Arabella.

Di ko na talaga kaya......

Feeling ko matutumba na talaga ako, lalo pa sumasakit na talaga tiyan ko.

Tila namilog naman ang mata ko ng makita ko ang pulang likidong tumatagos sa pantalon ko at tumutulo na ito sa paanan ko.

Napa angat naman ako ng tingin sa pamilya ko na nasa harapan ang mga atensyon nito.

"M--M-mommy!!!" Buong lakas akong sumigaw na ikinatigil ng musika sa paligid at sigawan nila.

Halos lahat sila napalingon sa akin na tila nagulat sa pag sigaw ko, ngunit agad naman sila nataranta ng makita nila ang dugo sa kamay at binti ko.

Maagap na tumakbo papalapit sa akin ang mga kapatid ko dahil sila ang mas malapit.

"An-anong nanyayari sa anak ko?" Dinig kong tanong ni Mama Ofelia.

Diko na kinaya dahil parang dumidilim na ang paningin ko.

"Nasaan ang susi ng kots--"

Nabibinging nakapikit na ako, sa muli kong pag mulat ay naka tingin na ako sa mga bituin na nasa kalangitan, at doon ko lang napansin na buhat buhat na pala ako Ayesha.

Kina kausap niya ako pero wala akong marinig, bakas ang pag aalala sa mukha nito tila napapa iyak narin.

Ngumiti lang ako ng tipid bago ako tuluyang kinain ng kadiliman.

Nagising ako na puting kisame na ang nabungaran ko, dahan dahan akong tumingin sa paligid at don ko napansin na halos nandito silang lahat sa kwarto ko.

Napansin naman ako ni Sophia kaya nakangiting tinawag niya pangalan ko.

"Athena, thank God gising kana."

Nag si tayuan naman mga kapatid ko, habang si Mommy Sandra ay hinawakan ang noo ko.

"Are you ok anak? Anong nararamdaman mo?"

"I'm ok Mom, What happened?" Tanong ko.

"Nahimatay ka at dinugo ka 30 minutes ago. Ang aga mo namang mag menopause kapatid." Nang aasar pang sabi ni Arabella.

Napa irap na lang ako at muling napatingin kay Mommy Sandra.

"You've fainted anak. Di pa namin alam ang dahilan dahil di pa nakakabalik ang Doctor mo."

"Anong nararamdaman mo?" Dinig kong tanong ni Althea.

"I feel shit......" Sagot ko na ikinatawa lang nila.

Kaya pati ako ay natatawa na rin.

"Ilang buwan ko ng naramdaman to." Sagot ko habang hinihilot hilot ang ulo ko.

Tatanong pa sana si Arabella ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse at doctor.

Lumapit ang nurse para ayusin ang swero ko habang ang doctor ay nakangiting nakatayo lamang sa paanan ko.

"Doc, anong resulta? Anong nangyayari sa anak ko?" Di mapigilang tanong ni Mama Ofelia.

Napalapit na rin sila Althea at Arabella. Habang sila Zoe at Ayesha ay naka upo parin sa upuan.

"Walang problema Mrs. Nararanasan ito lahat ng mga babaeng nagdadalang tao, kaya wag kayong mag alala sa bata--"

"A--ano?" Pang uulit kong tanong.

Tila nabingi yata ako sa narinig ko. Maski sila Althea at Arabella ay napanganga sa walang pakundangan sinabi ng Doctor.

"I said it's normal for a pregnant like you--"

"I'M PREGNANT?!!!" Halos pumutok na ata ang ugat ko sa leeg sa naririnig ko.

Napatawa naman ako ng pagak at napatingin sa doctor.

"Pa--papano ako mabubuntis ni wala akong asawa!"

"Athena." Agad akong hinawakan sa braso ni Mama Ofelia para pakalmahin ako.

"But you are Ms. Guevara.... Your 6 weeks pregnant--"

"No!!! No!!! Hinde maari!!!"

Tila nagulat naman ang Doctor sa sigaw ko.

"Anong klase kang Doctor?!! Paano mag kakalaman ang tiyan ko ni wala--"

Napatigil naman ako ng parang may idiya na ako kung sino ang may kagagawan nito.

Rachel.... She's the only one who want to have a baby. She....... She impregnated me!!

Napapikit na lang ako at nakayukong na lamang humagulhol. Naramdaman ko na lang may lumapit sa akin kaya napa angat ako ng tingin at yumakap dito.

"I don't like this child Ayesha....." Halos pabulong kong sabi sakanya. "Ayaw ko sa batang ito!!!" Pinag hahampas ko ang tiyan ko para masaktan siya sa loob.

Pero maagap na hinawakan ni Ayesha ang mag kabila kong braso kaya napa higa na ako.

"Ayaw ko sa batang to!!! Tanggaling niyo to!!! Tanggalin niyo!!" Wala akong ginawa kundi labanan sila at pinilit tumayo.

Ngunit pati si Althea at Arabella ay napahawak narin sa akin para di ako maka tayo.

Naramdaman ko na lang may kung anong masakit na bagay na tinusok sa braso ko para mabawasan ang lakas ko.

Unti unti na akong nanghihina na para inaantok, pero pinipilit ko parin ipaabot ang gusto ko.

"Take this out..... Alisin niyo ang ba-ta."

Huli kong sinabi bago muling dumilim ang lahat. Ngunit bago pa ako mawalan ng ulirat ay mukha ni Rachel ang nakikita ko.

She's grinning at me.

"You are a smart woman Rachel......."
___________________________________
To be continued.....

Continue Reading

You'll Also Like

30.3K 4.9K 14
The Phoenix, embraced the shadows to protect his country. His true identity remained hidden for years, serving as a covert weapon against unseen thre...
THE PARADISE OF LIES By Vanhi

Mystery / Thriller

8.5K 1.2K 75
GENRE : Thriller , drama .......... Vaidehi is a young woman with her own set of dreams and disappointments. She faces a heartbreak when...
15.7K 527 51
رواية مُنقذي سبايا داعش للڪاتبة ورده الشيخ محمد ((منقووولـــــــة)) « فتاة عراقية تخطف وتسبي من قبل ايدٍ اتخذت الدين غطائاً لها تسمى " دا؏ـش" تروي...
5K 951 12
هەموو شت بە باشی دەڕۆیشت هەمووان دڵخۆش بوون بەڵام دووبارە ناخۆشی هات و پێویست بوو بە تاقیکردنەوەی ژیان تێپەڕن