Love and Memories

By BlondQueen

2.4M 49K 883

ZAMORA BROTHERS SERIES III Servo Callix Jamisola Zamora Servo is one of the most sought bachelors, naughty an... More

PLOT
ZAMORA BROTHER III
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 12
KABANATA 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31- Break Up
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Epilogue

KABANATA 11

39.8K 950 9
By BlondQueen

 CHAPTER 11: GETTING CLOSER TOGETHER

NAGISING siyang mag-isa sa kama. Nakailang unat pa siya bago tuluyang bumangon. Alam niyang gabi na dahil naka-on na ang ilaw sa loob ng silid. Isa lamang iyong maliit na bombilya na kulay dilaw ang liwanag at hindi din gaano kalakas ang binibigay na liwanang nito. Mang Dencio told them na generator ang gamit ng buong purok dahil hindi pa natapos ang pagkabit ng linya ng kuryent sa kanilang lugar maliban sa baryo na medyo malayo pa ang lakaran mula dito.

Tinatamad man ay sinubukan niyang igalaw ang mga kasu-kasuhan. Para siyang binugbog sa bigat at sakit ng kanyang katawan dahil sa ilang oras na lakaran kahapon. Lumabas siya at naririnig niya ang boses nila Mang Dencio sa kusina, kasama si Callix.

"Nagluluto pa ang dalawa ng hapunan pagkatapos nilang mamili ng isda sa Barrio. Maupo ka muna." Lumitaw mula sa labas si Aling Ame dala ang hiniwang mga prutas.

"Ganoon po ba. Tulungan ko na po kayo."

Inalalayan niya si Aling Ame papunta sa kusina. Kinuha niya ang iba pang hawak nitong plato.

"Oh, Callix, gising na si Gia. Luto na ba ang hapunan natin?" Tanong ni Aling Ame.

"Ito malapit na." Sagot ni Mang Dencio sa asawa.

Pagkatapos niyang ilapag ang plato na naglalaman ng hiwang hinog ng mangga sa mesa ay saka niya ibinaling ang atensyon sa masayang nag-uusap. Pinaupo siya ni Callix sa tabi nito at hinimas ang kanyang pisngi, he was trying to be intimate, she could sense that. Alam niyang kasama iyon sa kanilang pagpapanggap. She smiled lightly, avoiding his stares at kunwari ay masaya siya.

"How's your sleep?" Callix asked her sweetly. At the back of her mind, alam niyang pinapanindigan lang nito ang kanilang pagpapanggap as a couple.

"Nakapagpahinga din sa wakas." She responded. Naaamoy na niya ang pritong isda at ang sabaw na gawa nito at mas lalo siyang nagugutom sa amoy ng pagkain.

"Naku, Gia, buti at hindi ka hinika. Nasabi sa akin ni Callix na hikain ka at mahigit anim na oras kayong naglakad sa kabukiran bago makarating dito sa Sitio Dalasigan." Si Mang Dencio.

"Hindi naman po. Binuhat naman po ako ni Callix sa kanyang likuran kaya kahit papa'no po ay nakaraos ako at hindi inatake ng hika." Napatingin siya kay Callix at biglang sumikdo ng kaba ang kanyang dibdib nang magtagpo ang kanilang mga mata. He has those intense dark brown eyes na nangungusap at nagbibigay ng kakaibang feeling sa kanyang tiyan na wari hinahalukay.

She couldn't explain the exact feeling.

Ito na siguro ang sinasabi ng mga fictional books na nababasa niya tungkold sa 'love' or 'attraction'na parang may paru-paro sa loob ng tiyan dahil feeling niya hinahalukay ito kasabay ang malakas na pintig ng puso.

"Ayan ang tunay na lalaki! Hindi pinababayaan ang minamahal." Proud na puna ni Mang Dencio sabay tapik sa balikat ni Callix. He chuckled, agreeing of the compliment. She bit her lip silently.

Kung alam lamang ng mga ito ang totoo.

Nag-uumpisa na silang kumain. Mas lalong sumasaya ang hapag kainan dahil sa mga biro ni Mang Dencio at mga pangyayari sa buhay na may kapulutan ng aral. Sumasabay din naman si Callix, kahit hindi ito nakaka-relate sa antas ng pamumuhay ng mga tao dito. Marunong ito makibagay.

"Bakit hindi niyo naisipang magpakasal? Nasa tamang edad naman kayo at tapos na sa pag-aaral." Tanong ni Aling Ame. "Mahirap ang pagsasama walang blessing." Dugtong nito. She maybe thought that they were living together without the benefit of marriage.

She understands it. People here are traditional. Kaya natural lamang sabihin nito ang bagay na iyon. Saglit silang nagkatinginan ni Callix.

"I was going to proposed her to marry me, right in front of her family, kaya lang nastranded po kami sa byahe pauwi." Callix answered na animo'y sincere. Gusto niyang sipain ito sa galing gumawa ng senaryo.

"Oy, nabuking tuloy ang surpresa mo Callix!" Natatawang wika ni Mang Dencio.

To be honest hindi siya sanay gumawa ng kwento o magsinungaling kaya she does not know how to react—kung matatawa ba siya o batukan ang kumag na ito. Abala siya sa pagnguya ng pagkain at tinadyakan ang paa ni Callix sa ilalim ng mesa.

Sumigaw ito ng 'ouch'. Nagtawanan ang mag-asawa sa ginawa niya at pauyam niyang nginitian ang binata with an expression of 'buti nga sayo' on her face. Medyo nabigla siya nang kabigin siya nito at hinalikan sa ulo sabay sabing 'I love you, sweetheart.'

She wanted to believe it was real. Aaminin niyang kinilig siya sa ginawa nito. Sana nga magkasintahan na lamang sila upang mas madali sa kanya ang maging sweet sa harap ng maraming tao. But this is different. She needs to hold back kahit pa kinikilig siya.

Natapos ang maingay at masayang hapunan. Lumipas ang isang mapayapang gabi na hindi sila nag-aaway.

Kinabukasan...

Sinamahan sila ni Mang Dencio na mamili ng mga personal na gamit sa Barrio ng Sitio Dalasigan. Kailangan niya ng mga undergarments dahil nag-iisang bra at panty lamang ang ginagamit niya. Buti na lang hindi siya nabusuhan last night katabi ang binata sa pagtulog dahil isang short lamang ang sout niya. Pinahiram din siya ni Aling Ame ng mga damit sa anak nito upang may maisuot siya pagkatapos niyang maghugas. Deep well ang gamit ng mag-asawa sa may kalapitan kaya pwede siyang makapaghugas sa maliit na banyo. Pinag-igiban naman siya ni Callix ng tubig.

Dahil sa kanilang pagpapanggap, pinapanindigan naman ni Callix na pagsilbihan siya na parang tunay na kasintahan. To be honest, para na nga silang mag-asawa kung pagmamasdan ng ibang tao.

Namili siya ng isang dosenang panty na simple lamang ang tabas dahil iyon lamang available sa market at sampong bra na may iba't-ibang kulay. Dahil mura lang naman ang mga damit, namili na din siya ng ilang mga t-shirts, dresses and square pants na uso yata sa lugar na ito. She bought few shorts too dahil baka tatawid sila ng mga ilog sa susunod na kabanata ng kanilang pagiging stranded sa lugar na ito.

Callix bought personal things too. May natira naman daw itong pera sa kanyang secret pocket, same as her dahil naisalba naman ang kanyang wallet when they escaped together. Dead battery na ang kanyang cellphone at hindi niya nakuha ang kanyang charger sa bus kaya naghanap sila ng pwedeng makapagcharge ng phone. Sadly, wala silang nahanap sa barrio dahil ang ibang mga negosyante ay nagsialisan na dahil sa umuusbong na giyera ng mga karatig barangay.

Swerte na lamang sila at may suki pa si Mang Dencio na nagbibinta ng mga dry goods o mga damit.

"Magsasara na kami simula bukas, masyadong mahina na ang bentahan. Namimiligro na din tayo dito, Kuya Dencio. Maghahanap kami ni Misis ng masasakyan paalis sa lugar na ito. Doon muna kami titira sa tyahen ko sa Iligan kapag nakalabas kami dito."

Narinig niya sa kausap ni Mang Dencio na isa ding maliit na negosyante sa kanilang barrio gamit ang wikang vernacular dito. She understood it.

"Wala naman kaming mapupuntahan na malapit sa lugar na ito. Baka magawa niyong isama ang mga bisita ko na sina Gia at Callix para makauwi sa Malbang." Ani ni Mang Dencio. Agad siyang nagpakilala sa lalaki na nagngangalang Dondon.

"Ayokong magpaasa sa inyo pero kung sakaling makahanap kami, sasabihin namin sa inyo kung sakali mang pwede kayong makasama sa aming pag-alis." Sagot ni Dondon, nasa trenta anyos pa ito, may dalawang anak at asawa.

"Maraming salamat po talaga Kuya Don. Huwag po kayong mag-alala magbabayad po kami ni Callix ng malaki makauwi lang po kami sa Malbang o makalabas sa lugar na ito." Sagot niya. Tahimik lamang na nakikinig si Callix sa kanyang tabi. Hindi kasi ito nakakaintindi ng Bisaya.

Tiningnan ni Dondon si Callix mula ulo hangga't paa. Sa itsura pa lamang ni Callix alam niyang nag-aalangan ito dahil matunog ang Foreigner sa mga armed conflict, madaling ma-kidnap, at isa pa she had the feeling na hinahanap padin sila ni Callix ng mga taong nag-ambush sa sinakyan nilang bus ten days ago. She could sense na aayaw ito sa kanila but she's hoping na makakasama sila sa paglisan ng mga ito from Sitio Dalasigan.

"Sige, hindi ako mangangako, pero susubukan ko, Miss Gia." Pagkalipas ng ilang minutong pag-aalangan nito.

"Salamat po." Nakahinga siya ng maluwang.

Umuwi sila sa bahay ni Mang Dencio na may dalang dalawang sakong bigas, mga delatang ulam in case of emergency, mga personal na gamit, essentials like sabon, shampoo, and toothpaste. Namili na din sila ng preskong isda at ilang kilo ng karne na lulutuin mamayang tanghali at hapunan.

"Andami naman ng pinamili ninyo. Marami pa naman tayong bigas dito." Kinuha nito ang mga dala nilang ulam at iba pang grocery.

"Marami na po kasing nagsarang tindahan sa Barrio, Aling Ame. Baka wala na po tayong mapagbilhan sa susunod. Ayaw din naming maging pabigat po sa inyo."

"Naku! Ikaw naman, Gia. Masyado mong iniisip 'yan. Natutuwa nga kami ni Dencio at may kasama kami dito sa bahay. Isipin niyo na lamang na nasa bakasyon kayo ni Callix."

Napangiti siya sa sinabi nito. She is thankful dahil hospitable ang mag-asawang kumupkop sa kanila ni Callix sa gitna ng gulo na kanilang kinasasangkutan.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya kay Callix na may hawak na axe.

"Magsisibak ng kahoy." Sagot nito habang hinuhubad ang damit. Napalunok siya.

Kahit ilang beses na niyang nakita ang hubad nitong katawan ay hindi padin niya maiiwasang ma-attract sa figure ng binata.

"Kailangan talaga maghubad?" Tanong niya na may halong pagtataka.

"Of course! Mababasa lang din ang damit ng pawis." He was grinning. Inuumpisahan na naman siya nitong asarin. Umikot ang mga mata niya at napahalukipkip sa harapan nito.

"Don't worry, you can have me whole night." Dugtong nito na may nakakalokong ngiti.

"In your dreams!" Medyo kumabog ang dibdidb niya sa sinabi nito. Isang malutong at malakas na tawa naman ang binitawan nito.

"See you later!" Inihagis nito ang damit sa kanyang mukha at napasigaw siya sa inis habang kinukuha ang damit na tumakip sa kanyang mukha. Naamoy niya tuloy ang natural na amoy ng katawan nito at hindi naman siya nandiri. He still smells so good kahit wala itong halong perfume.

"Maglaba ka na wifey!" Ngisi nito.

"Tsey! Umalis ka nga sa harapan ko!" Inirapan niya ito.

Habang nagsisibak ng kahoy si Callix kasama si Mang Dencio, siya naman ay naglalaba kasama si Aling Ame sa may spring water, malapit lamang sa bahay. Mahihirapan sila sa paglalaba sa pump well dahil medyo matigas ito maniubrahin. Nilabhan niya ang lahat ng pinamiling damit upang mawala ang factory smell nito, kasama na ang mga damit ni Callix na bagong pinamili.

"Ilang taon na kayong magkasintahan ni Callix, Gia?" Pag-uumpisa ng mga tanong ni Aling Ame. Since they already knew their lovestory, how Mang Dencio found her despite their distance before—siya naman itong tinatanong tungkol sa kanila ni Callix.

This time, siya na naman ang magsisinungaling. Napag-usapan na na nila ito kagabi para magka-synchronize ang kanilang sasabihin kapag may nagtanong. They made a love story—2 years being together. Nagkita sa Cebu during the celebration of her graduation. Long-distance relationship since Callix is from Manila. Also, galing ito sa USA nag-aral. Iyon lamang ang totoo doon, ang pag-aaral nito sa abroad.

"Hmm, two years pa lang po kami." She answered habang kinukusot ang mga damit.

"Gano'n ba, siguro naman nakilala mo na siya ng lubos. Mabait si Callix. Nakikita ko sa kanya ang pagiging mabuting asawa. Maasikaso, mapagmahal, at masayahing tao."

"Ganoon po ba. Sana ganoon parin siya kapag nagpakasal at nagsama na kami." Sang-ayon niya. Hopefully.

'Hmp! Kung alam niyo lang Aling Ame kung ilang babae ang pinagsasabay-sabay ni Callix!' Bulong ng kanyang isipan.

Iniisa-isa niya ang pagkusot sa mga mumurahing brief and boxers na pinamili ni Callix. Napangiwi siya, it's her first time na maglaba ng underwear ng lalaki. Buti na lamang at bago ang mga ito, hindi pa nasuot. Baka matempt siyang amuyin ang mga ito kung sakaling nagamit na ito ni Callix. Curious about the smell of his big—penis? She bites her lower lip at napailing-iling. Ano ba itong mga iniisip niya? Why she's thinking about the smell of his penis? And the size! Goodness, ilang beses na niya nakita ang malaking umbok ng pagkalalaki nito dahil nagtatabi naman sila ng tulog at sa mga sinusout nito na nababakat lalo na kapag nababasa ito.

"Okay ka lang ba Gia?"

"Huh?" Napatanga siya kay Aling Ame. "Ano po 'yon?"

Natawa si Aling Ame sa reaksyon niya, "Kako, okay ka lang ba? Medyo natahimik ka bigla at nanggigigil sa mga pinaglalabhan mo." Nakangiti nitong sabi.

"Ah eh, opo, okay lang po." Namumula niyang sagot habang inaalala ang kanyang kapilyahan.

"Hindi ka kasi sanay maglaba gamit ang kamay. Nasanay ka siguro sa laundry o washing machine. 'Yong anak ko, ganoon din. Hindi naglalaba gamit ang kamay. Paa ang ginagamit, inaapakan ng paulit-ulit at ginagamitan ng palo-palo. Ayaw niyang masugat mga kamay niya dahil sa tapang ng sabon." Pag-uumpisa ng kwento nito.

"Ganoon po ba. Hindi po talaga ako masyadong naglalaba. May labandera naman po kasi kina lola. At sa Cebu, nagpapalaba lang ako kay Aling Gusing, yong labandera sa buong apartment building po." Saglit niyang naalala si Aling Gusing na isang solo parent.

Bilib siya kay Nanay Gusing—ang tawag ng karamihan ng building. Dahil sa paglalabandera nito, napapaaral nito ang nag-iisang anak na si Danica. Minsan siya pa ang nagbibigay allowance sa dalaga. Pasikreto niya itong binibigyan dahil ayaw ng ina nito na umasa sila sa ibang tao o di kaya'y kaawaan. Mahirap lamang sila pero may dignidad at prinsipyo. Pagbalik niya ng Cebu, gusto niyang kunin si Danica bilang working student dahil kawawa na ang nanay nito na nagpapakahirap para mapag-aral lamang ang anak.

"Hindi din naman halata sayo ang batak sa gawaing bagay. Ang kinis-kinis nga ng balat mo kahit wala kang lotion. May dugong foreigner ka ba, Gia?"

Napangiti siya sa papuri ni Aling Ame. Maraming nagsasabi sa kanya tungkol sa makinis niyang balat pero para sa kanya, there's nothing special about it. Physical appearance doesn't qualify the person's genuine heart and soul.

"Opo. Ang mama ko po isang African-Australian. Ang papa ko naman is isang Cebuano na lumaki na dito sa Mindanao, sa San Jose po."

"Ah gano'n ba. Nasaan ang mga magulang mo ngayon?" Pang-uusisa nito.

"Nasa Australia na po silang lahat, kasama ang dalawa kong mga nakatatandang kapatid."

"Bakit hindi ka sumunod sa kanila doon?"

Napangiti siya. She's expecting that kind of question. Marami din ang nagtatanong sa kanya tungkol sa bagay na iyan. She needs to stay here, not just she's afraid of airplane but ayaw na niyang iwan ang kanyang lola sa San Jose. Patay na ang lolo niya, wala na itong kasama. Balak na nga niya itong isama sa Cebu pagbalik niya.

"Hmm, ayaw ko pong iwan ang Lola eh. Wala kasi siyang balak na pumunta ng Australia." She reasoned out. Iyon naman talaga ang pinakatop reasons niya.

"Ganoon ba. Mabuti at andyan ka pa para samahan ang lola mo. Kami nga matagal ng patay ang mga magulang namin ni Dencio. Lumaki ako kay nanay Pacita, nanay ng Mama ko." Pag-uumpisa nito ng pagkuwento.

Madaldal si Aling Ame pero may sense naman kausap. Maraming alam sa buhay dahil nga mataas ang experience. Naikuwento din niya ang tungkol sa buhay at pag-aaral niya, sa kanyang pamilya at napag-usapan din nila ang background nilang mag-asawa at karanasan nito sa bukirin. Interesting naman para sa kanya dahil may makukuha naman siyang aral.

"You're done?"

Napatingin siya sa nagmumulang boses. There she saw Servo, standing like a goddamn Hollywood actor—na parang leadingman ng isang action movie, basang-basa ito ng pawis at nanunoot ang mga muscles nito. Nakalugay din ang shoulder level nitong buhok. He looks so hot with his strong sex appeal. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito nang magtama ang kanilang mga mata. She didn't say a thing and looked away. Nahuli siyang nakatitig sa kabuuan nito, kaya kailangan niyang magkunwari na hindi siya apektado.

"Buhatin mo na lahat ng ito para maisampay ko na." Utos niya na parang isang amo.

"Sure, boss!" Sagot nito na sumaludo pa.

Natatawa naman si Aling Ame sa inasal ni Servo.

"Makulit talaga itong kasintahan mo, Gia."

"Naku, hindi po kayo nagkakamali. Subrang kulit." She agreed. Tumawa lamang si Callix sa sinabi niya.

Bago nito binuhat at dalawang baldeng nilabhan, ninakawan muna siya nito ng halik sa pisngi bago siya tinalikuran dala ang sa magkabilang kamay ang balde. Napapailing na lamang siya habang sinusundan ito.

"Ganyan din kami ni Dencio noong mga bagong kasal pa lamang kami, nagkukulitan, naghaharutan, minsan nauuwi pa sa pag-aaway. Pero bawat sa pagdaan ng araw pinipili parin naming manatili sa isa't-isa." Nakangiting wika ni Aling Ame.

Iniwan nito ang mga nilabhan sa may spring at ipapabuhat na lamang nito kay Mang Dencio mamaya pagkatapos nilang mananghalian.

She started to get attach with Callix day by day. Sana makauwi na sila upang matapos na itong kalbaryo niya na sa bawat pagdaan ng mga araw ay mas lalong nahuhulog ang loob niya kay Callix.

But deep inside...gusto pa niya itong makasama. 

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...