Elemental Kingdoms: The Rule...

By RinkakuMayo

2.4M 78.4K 9.3K

In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someon... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
DREAME come true🥰
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
OMG! WE ARE ON THE "WHAT'S HOT!"
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Miss Ai's Note♡
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
What is the meaning of Prophecy?
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Thanks Giving
BOOK II ♡
Miss Ai's echoserang Note ✌

Chapter 2

71K 1.9K 306
By RinkakuMayo

Aria's POV

I blinked my eyes. Hindi ko na nga alam kung ilang ulit kong pinikit at minulat ang mata ko.

Naglagay ba ako ng contact lense? May pagkakataon ba talaga na nag-iiba ang kulay ng mata ko kapag umaga?

This is crazy! Hindi na kapani-paniwala ang nangyayari sa akin. Happy 18th birthday talaga sa'yo, Aria. Ang daming surprises.

Gusto kong sumigaw at tumakbo papunta kay Mama. Jusko naman! Bakit po ba nangyayari ang ganito sa akin? May nagawa ba akong karumal-dumal para maparusahan ng ganito katinding chorvaness?!

Dali-dali kong binuksan ang pinto at paglabas ko ng bathroom, may isang malaking bag na ang nakalagay sa ibabaw ng kama ko habang isa-isang nilalagay ni Mama 'yong mga damit ko sa bag. Biglang naunsyami ang balak kong mag-inarte kay Mama at napalitan ng pagtataka ang kaluluwa ko. Teka? Ano'ng meron?

"Ma, ano 'yan? Aalis tayo?" I asked her. Si Gale, ayun, biglang lumipad palapit sa akin.

"Lahat ng nasa Kaze Kingdom, kulay abo ang mata. But your eyes are perfectly beautiful, Aria," she said.

"Tigilan mo ako, Gale." Lumapit ako kay Mama na patuloy pa rin sa paglagay ng mga damit ko sa loob ng bag.

"Ma, ano ba'ng ginagawa mo? Saan tayo pupunta?" tanong ko. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Alam kong nagpipigil lang si Mama sa pag-iyak kasi halata naman sa mukha niya. Maputi si Mama at talagang namumula ang ilong niya kapag gusto na niyang umiyak.

"Ikaw lang ang aalis, Anak." Ano raw?! Bakit ako lang?!

"Ma, may nagawa ba akong mali kaya pinapalayas mo na ako? Hindi ako magboboyfriend, Ma! Babastedin ko na si Jonathan. You don't have to make me leave, Ma. Ano ba?!" Halos maglupasay ako sa semento noong sinabi ko 'yon kay Mama. Nakakainis lang kasi. All my life, kami lang ni Mama ang magkasama. Hindi kami mayaman. Nasa middle class lang ang buhay namin pero ni minsan hindi ko naramdaman na may kulang. Laging enough sa akin si Mama. Tapos biglang ganito?!

"Aria,makinig ka sa akin." Iniupo ako ni Mama sa kama ko at niyakap niya ako.

"Kailangan mong umalis. Hindi ka pwedeng manatili dito, Anak." Ano ba'ng sinasabi ni Mama?! Bakit hindi ako pwedeng mag-stay?!

"Aria, kailangan nating umalis dahil baka malaman pa ni Valgemon na nandito ka," sabi ni Gale. Valgemon? Sino naman 'yon?!

"Hindi ko iiwan si Mama," I firmly said.

"Aria, Anak, kailangan mo akong iwan. Babalik ka pa naman e. Pwede mo naman akong bisitahin. Pero sa ngayon, kailangan mo nang umalis. Baka ikaw na lang ang hinihintay sa Yoso Academy," sabi ni Mama.

"Yoso?" Ano ba 'yon? School?

"Aria, 'yon ang pupuntahan natin. Doon mo pag-aaralan kung paano mo gagamitin ang kapangyarihan mo," Gale said. Ano ba 'to? Ni hindi ko nga matanggap na anak ako ng Diyos ng Hangin tapos aalis ako at dadalhin sa Yoso or whatsoever na 'yon?! Nahihibang na ba sila?

"Saan 'yon? Malayo ba 'yon dito sa Manila?" I asked. Baka mamaya, sa Mindanao pala 'yon edi boom iyak ako. Ang layo kaya. Saka paano na lang kung mapunta pa ako sa lugar ng mga Rebelde tapos bigla silang nagbarilan sa harapan ko?! Omygod! Paano na lang ang kagandahan ko na labing-walong taon kong iningatan?! Jusko naman!

"Matagal mo nang nadadaanan ang Yoso. Hindi mo nga lang nakikita," sabi ni Gale. Itong tutubi na 'to, namumuro na sa akin 'to. Nadadaanan ko na tapos hindi ko nakikita?! Ano 'yon? Mirmo lang?!

"Anak, basta, mag-iingat ka doon ha? Aalagaan mo ang sarili mo. Ito anak, baunin mo. Para alam mo na nandito lang ako. Hihintayin kita." Isinuot sa akin ni Mama 'yong kwintas niya na may picture naming dalawa. Bigla akong naiyak. Ano ba 'to? Ang weird ng mga nangyayari. Iniisip ko pa lang na wala nang gigising sa akin tuwing umaga ay parang ang hirap na. Feeling ko talaga ay hindi keribels ng pagkatao ko ang malayo kay Mama. Ano ba naman ito? Bakit hindi na lang kasi sumama si Mama sa amin para wala nang problema at hindi na ako mag-eemote ng ganito!

"'Wag kang umiyak, Anak. Pasensya ka na kung hindi ako pwedeng sumama sa'yo. Tao ako anak. Hindi niyo ako katulad," My mom said while crying. Lalo akong umiyak dahil ramdam ko na ayaw din ni Mama na umalis ako. Ako rin naman, ayaw kong umalis.

"Ma, kailangan ko ba talagang umalis at pumunta sa Yoso chuchu na 'yon?" tanong ko habang umiiyak. Si Gale ay umiiyak na rin sa gilid ko. Aba! Kasalanan niya 'to kaya 'wag siyang mag-inarte diyan! Nakakaloka!

"Kailangan, Anak," sagot ni Mama bago niya ako niyakap ng mahigpit.

"Gale!" Bigla kaming napahiwalay ni Mama sa pagkakayakap namin dahil biglang may sumigaw sa baba ng bahay namin. Sino naman daw kaya ang isang 'yon na umeeksena na naman sa dramatic moment namin ni Mama? Jusme!

"Nandiyan na si Derreck," sabi ni Gale na nagpupunas pa ng luha niya. Ang taray! Sino naman si Derreck?

"Katulad ko si Derreck, Aria. Isa rin siyang Zana. Sigurado ako na kasama na niya ang isa sa mga elemental people dito. Tara na?" Gale said. I looked at my mom at hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya. Ayaw kong umalis!

"Ma..."

"Ssshh. 'Wag ka nang umiyak anak. Okay lang ako dito," sabi ni Mama. Biglang may pumasok sa nagmamatalinong neurons ko na isang bright idea.

"Teka, dadalhin ko ang cellphone ko!" Hinanap ko agad ang cellphone ko sa cabinet ko.

"Aria, hindi gumagana ang mga kagamitan na meron ang tao sa pupuntahan natin," sabi ni Gale na siya namang kinainis ng baga at atay ko.

"Ano?! Paano ko makakausap ang nanay ko kung hindi naman pala gumagana ang cellphone do'n?!" Nakakainis! Are they expecting me to just accept this crap nang walang reklamo?!

"Anak, okay lang ako. 'Wag mo na akong alalahanin. Bukas darating ang pinsan mo dito at siya ang makakasama ko. 'Wag ka nang mag alala pa, Anak," sabi ni Mama habang niyayakap ako.

"Pero, Ma, mamimiss kita," I said. Gusto ko nang humagulgol sa iyak kasi talagang hindi mag-sink-in sa akin na kailangan kong umalis at kailangan kong iwan si Mama.

"Ako rin naman, Anak. Iisipin ko na lang na sa bawat hangin na mararamdaman ko, ikaw 'yon at niyayakap mo ako," she said. Lalo akong naiyak. Ano ba naman 'to? Feeling ko tuloy ay nasa pelikula kami ni Mama at ang title ay, Bakit kailangan kong umalis? Jusko naman!

"Aria, kailangan na nating umalis," sabi ni Gale. Eksena naman ang tutubi na 'to. Nag-eemote pa nga ako e. Hinalikan ko si Mama sa noo niya at niyakap ng mahigpit.

"Bumaba ka na, Anak. Hindi na kita ihahatid sa baba at baka maglupasay pa ako doon at hindi na kita payagan na umalis," sabi ni Mama. Lalo namang nasaktan ang kaloob-looban ko sa sinabi ni Mama.

"Basta, Ma, babalik po ako. 'Wag na kayong magpapagabi diyan sa kalsada ha? Minsan inaabot kayo ng alas otso sa pakikipagtsismisan kay Aling Lucia e. Ma, mag-iingat kayo rito ha? Kakain kayo palagi. 'Wag puro pancit canton ang kainin niyo. Kilala ko kayo, Ma. Baka naman pagbalik ko ay ang payat niyo na. Ma, —— "

"Oo na, Anak. Loka-loka ka talaga. Ikaw pa ang nagbilin. Ikaw ang dapat na mag-ingat doon. 'Wag mong papairalin ang kabaliwan mo do'n at baka hindi ka na makabalik dito," sabi ni Mama. Grabe naman ang nanay ko na 'to! Ang galing magpalakas ng loob!

"Oo na po!" Nag-ngitian muna kami ni Mama bago ko ulit siya niyakap.

"Bye, Ma." Muli kong hinalikan si Mama sa noo niya at saka kami bumaba ni Gale sa bahay namin.

Tama si Gale. May isang tutubing tao este Zana na naghihintay sa amin. Katulad ni Gale ay abo rin ang pakpak ng tutubi na 'to. At aba, ang gwapo niya! Medyo mahaba ang buhok ng lalaking tutubi na 'to pero bumagay naman sa itsura niya.

"Magandang araw, Kamahalan," sabi ni Derreck. Tiningnan ko kung sino 'yong kasama niya. Lalaki? May bitbit din siyang bag na akala mo ay lumayas siya sa kanila at binitbit niya ang buong bahay niya. Maputi ang lalaking ito. Maganda ang mga mata niya na katulad kong kulay abo rin. Mahaba ang pilik mata ni Kuya at talaga nga naman, halata sa medyo fitted niyang T-shirt na malaki ang katawan niya. Manipis ang labi niya. Matangos ang ilong. Well-defined ang jaw line. Jusko! Sinaniban ba ito ni Adonis?!

"Kamahalan, siya po si Tyrone. Isa sa Kaze kingdom." Tumingin siya sa akin sabay tanong nang, "Is it just a dream or what?"

"Birthday mo rin ngayon?" 'Yon lang ang naisagot ko sa kaniya. He nodded his head before he smiled at me. Ay hala! Perfect set of white teeth din pala siya! Nakakaloka!

"Sa tingin ko, kailangan na nating umalis bago pa tayo abutan ng dilim." Derreck said. Nag-umpisa na silang lumipad ni Gale at sinundan naman namin sila ni Tyrone. Naglalakad kami nang biglang kinuha ni Tyrone 'yong bag ko.

"Ako na lang ang magbubuhat. Mukhang mabigat e," he said. Ngumiti lang ako sa kaniya at hindi ko pa magawa ang kiligin dahil hanggang ngayon ay ramdam ko 'yong lungkot. Umalis na ako ng bahay. Hindi ko na makikita si Mama. Wala nang magagalit sa akin kapag napupuyat ako sa kakalaro ng Dota. Wala nang eeksena sa mga kadramahan ko.

"Here." Iniabot sa akin ni Tyrone ang panyo niya. Nagtataka naman akong napatitig sa kaniya bago ko kinuha 'yong panyo at pinunasan ang luha ko.

"I know, it's hard for us to just accept this unbelievable fact. Pero, no choice naman tayo e. 'Wag ka nang malungkot. Sabi naman ni Derreck, pwede naman tayong bumalik dito kapag nanalo tayo sa bawat battle sa Yoso," he muttered. Ano raw? Battle?

"Battle?" Tumingin ako kay Gale na kasalukuyang lumilipad sa gilid ko.

"Yes, Aria. Battle. Sa pag aaral niyo sa Yoso, gagamitin niyo rin ang kapangyarihan ninyo. Battle ang magsisilbing pagsusulit ninyo kung papasa ba kayo o hindi." Wow. Parang Final exam lang ang peg? Nakakaloka! Akala ko pa naman, ligtas na ako sa mga test chorva na 'yan 'yon pala ay may gano'n din sa pupuntahan ko.

Biglang lumiko sina Gale at Derreck sa isang eskinita na unti-unting nagbabago ang kulay ng pader. Akala ko noong una, deretso lang ang daanan pero biglang huminto sina Gale. Pagtingin ko ay wala na kaming lilikuan. Inilagay nina Gale at Derreck ang kamay nila sa pader na nasa harapan namin at bigla na lamang may lumitaw na pinto. Ay ang bongga!

May inilabas na susi sina Derreck at saka nila binuksan ang pinto. Pagkabukas nito ay may panibagong eskinita na naman na tumambad sa amin. Hindi ito katulad kanina na puro pader lang. Ngayon ay napaliligiran ito ng mga bulaklak at talagang ang ganda ng daanan na ito dahil ang daming paruparo na lumilipad. Pagpasok namin ay biglang sumara ang pinto at bigla itong nawala. Hala! Anyare?

"Teka nga, kanina pa tayo naglalakad ah. Saka nasaan na tayo? Hindi ko na alam ang eskinita na 'to!" sabi ko. Kanina aware pa ako na nasa Manila pa ako pero ngayon hindi na. Ibang lugar na ang nadadaanan namin.

"Nasa daan na tayo papunta sa Yoso," sabi ni Derreck. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa mga nakikita ko. Gumagalaw ang mga halaman. Mas malalaki ang mga bulaklak nila kumpara sa mga bulaklak na meron sa bahay namin.

"Paanong biglang nagbago ang daan nang hindi namin alam?" Asked by Tyrone. Isa na namang kababalaghan na bigla na lang parang nasa ibang dimensyon na kami ng mundo.

"Ganito talaga ang daan, Tyrone at Aria. Hindi niyo namamalayan na nasa Yoso na pala tayo." Tumigil sina Derreck at Gale sa paglipad at tumambad sa amin ang isang malaking gate na bakal.

"Welcome sa Yoso Academy, Kamahalan," Derreck said at unti-unting bumukas ang gate. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nandito na kami agad? Really? Ang akala ko pa naman, may sasakyan pa kami at napakahabang biyahe ang magaganap. 'Yon pala, lakad lang talaga?!

"Aria, tara na." Hinila ako ni Tyrone pero natigil kami sa paglalakad kasi bigla nalang naging tao sina Derreck at Gale.

"Tao kayo?!" I surprisingly asked. E ano'ng trip ng pagkatutubi nila?!

"Zana kami. Pero dahil tapos na ang pagbabantay namin sa inyo, bumalik na kami sa dati naming anyo. Tapos na ang pagiging Zana namin," Gale said. Ay nakakaloka! May mega transformation na nagaganap?!

"Tara na." Nag-umpisa na ulit kaming maglakad. Maraming tao akong nakikita. Kagaya ko, may iba na kulay abo ang mata. 'Yong iba, red. 'Yong iba naman blue at green. Aba. Ayos sa mata ang mga ito ah!

"If you are wondering, those who are having blue colored eyes are water people. Green colored eyes are earth people. Red colored eyes are fire people, and the ash colored eyes, like us, are air people," explained by Derreck. Wow. This is interesting.

Habang busy ako sa paglingon sa apat na malalaking building dito, hindi ko napansin ang dinadaanan ko kaya bigla akong may nabangga.

"Look where you are walking," he said. Pula ang mata niya kaya alam kong fire person siya. Halos hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay sinusunog niya ako sa pamamagitan ng pagtitig niya sa akin. Kinabahan ako kaya naman nag-bow ako sa kaniya at saka ko sinabing,

"Sorry." Katulad ko rin kaya siya na galing sa mundo ng mga tao? Hindi na siya sumagot sa akin at nagderetso siya sa paglalakad. Wow naman! Ang taray ni Kuya!

"Gale, sino 'yong nabangga ko? Do you know him?" I asked. Curious ako. Parang ang sungit kasi niya. Ang init ng ulo. Syempre, apoy nga kasi.

"Siya si Fire. Son of Fuego, the god of fire." Oh. Pareho pala kaming anak ng Gods.

"Ang sungit niya. Akala ko ay matutusta na ako kanina e," sabi ko kay Tyrone pero ngumiti lang siya sa akin.

Masyadong maluwang ang lugar na 'to. Parang kulang ang isang araw para libutin ang buong Yoso Academy. Maraming puno sa palibot. Ang apat na buildings ay parang isang condo building kung ihahalintulad ko sa mundo ng mga tao.

Maraming tao ang nakikita kong nag-eensayo. Gumagamit sila ng iba't-ibang kapangyarihan. May ilan na nakikita kong naglalabas ng apoy. Ang iba naman ay naglalabas ng tubig. Ang iba ay pinapagalaw ang mga puno. Halos mapanganga na lang ako sa mga nakikita ko. Hindi ako makapaniwala na totoo ang mga ganito. Nakakaloka!

Pero may isa lang akong napansin. Umaga pa lang kanina noong umalis kami pero bakit medyo madilim na rito?

"Gale, bakit parang gabi na yata dito?" nagtatakang tanong ko kay Gale.

"Iba ang takbo ng oras dito kumpara sa mundo ng mga tao, Aria. Kaya nga sinabi ko sa'yo kanina na kailangan na nating umalis agad dahil aabutan na tayo ng dilim kapag hindi pa tayo umalis. Sakto lang naman ang dating natin," she said. Napalingon ako kay Tyrone at nagkibit-balikat na lang siya tungkol sa sinabi ni Gale. Nakakakulot ng baby bangs ang ganito!

Dumeretso kami sa isang gym ba ito? Ang laki! Pabilog ang style tapos open ang taas.

Marami na ang tao sa loob. Pumwesto kami sa tabi ng mga air people.

"Okay. Mukhang nandito naman na yata ang lahat. Magandang gabi sa inyo. I am Heiro, from Kaze Kingdom. Apat kami na mamamahala sa Yoso Academy. Kasama ko sina Zeira na mula sa Chi Kingdom, si Ciero na nagmula sa Sui Kingdom at si Ferno na mula sa Ka Kingdom. Alam kong marami sa inyo ang nanggaling sa mundo ng mga tao. At alam din namin na marami kayong katanungan. Kapag nag-umpisa na ang klase, doon niyo malalaman lahat ng sagot sa mga tanong ninyo. Sa ngayon ay pumunta na muna kayo sa inyong mga silid kasama ang inyong magiging kagrupo sa loob ng tatlong taon."

Biglang may nag-abot ng susi sa mga katabi ko pero sa akin, wala.

"Gale, bakit wala akong susi? Ano 'yon? Dito lang ako sa labas for life?" Natawa si Gale sa sinabi ko. Si Tyrone medyo nagtataka rin kung bakit walang susi na ibinigay sa akin.

"Bago kayo pumunta sa inyong silid, nais ko munang ipakilala sa inyo ang anak ng bawat Diyos at Diyosa ng apat na kaharian sa panahon ngayon. Let's have, Fire, son of Fuego!" Pumunta 'yong lalaking masungit sa harapan. Parang ang gwapo niyang maglakad. Ang astig din ng buhok niyang kulay brown na medyo nakatirik at nakakatakot naman ang mga pula niyang mata.

"Kai, son of Tierra." Isang lalaki na kulay green ang mata ang pumunta sa harapan at tumabi kay Fire. Unlike Fire, nakangiti si Kai at talaga nga naman, ang perfect ng smile niya! Makalaglag ngipin! Sige lang, Aria. Kumerengkeng ka lang!

"Eidothea, daughter of Agua." Nagpalakpakan ang mga water people noong pumunta ang isang babae na nakasuot ng kulay blue na gown sa harapan. Grabe. Ang ganda niya. Para siyang Dyosa. Talbog ang beauty ni Athena.

"And Aria, daughter of Aire." Teka. Aria daw? Ako? Hindi agad ako nakakilos sa kinauupuan ko. Natigil ang pagpalakpak ng mga tao sa gym. Anyare?

"Aria, tinatawag ka. Ano ka ba?" sabi ni Gale. Malay ko ba? Mamaya niyan may iba pa palang Aria dito.

"Tumayo ka na. They are waiting," sabi ni Tyrone. So tumayo na ako at naglakad at pakiramdam ko ay isa akong artista na nanalo sa Oscar's award noong biglang nagpalakpakan na naman ang lahat ng tao sa gym.

"Kayong apat ang unang grupo. Ito ang susi ng inyong silid. Maaari na kayong magpahinga. Muli, welcome to Yoso Academy!" Kaya naman pala walang binibigay sa amin na susi kanina.

"Hi, Aria. Finally, nagkita rin tayo," said by Eidothea. Ang ganda talaga niya. Ang haba ng pilikmata tapos ang tangos pa ng ilong. Ang ganda rin niyang ngumiti. Obvious na anak siya ng isang Dyosa. Unlike sa akin.

"Hello," medyo nahihiya kong sagot sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin ko e.

"Thea, tara na," said by Fire. Magkakilala na sila?

"Let's go?" sabi ni Kai sa akin at gusto kong tumambling sa kilig no'ng ngumiti siya sa akin. Grabe na talaga ito! Hindi na makatarungan ang ganito. Baka hindi kayanin ng hypothalamus ko ang ganitong eksena na laging may gwapong nakapaligid sa akin!

Ngumiti lang ako kay Kai. Kunwari ay isa akong mahinhin na babae na sinapian ni Maria Clara. Nag-umpisa na kaming maglakad at nasalubong ko sina Gale.

"Magkita nalang tayo bukas sa dining hall," she said. Ngumiti ako sa kanila at tumango bago kami muling naglakad nina Kai paalis.

"You are so beautiful, Aria. Hindi kita nakikita sa Kingdom niyo noon. 'Yon pala, sa mundo ng mga tao ka ipinanganak," said by Thea while smiling.

"Gano'n ba?" Grabe. Wala na yata akong masasabi na matino. Ngumiti na lang siya ulit at saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Dumeretso kami sa isang building at naloka ako sa isang paikot na hagdan na nasa gitna nito.

"Mukhang sa itaas yata tayo," sabi ni Kai. Nag-umpisa na silang pumunta sa hagdan samantalang ako ay hindi na makagalaw sa pwesto ko.

"Aria, tara na." hinawakan ni Kai ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa hagdan at kusa itong umikot papunta sa kwarto namin. Jusko naman! Gusto kong himatayin!

Akala ko ay maliit lang ang bawat kwarto kasi halos dikit-dikit ang pinto pero pagpasok namin sa isang kwarto, sobrang luwang.

May apat na kwarto din sa loob. May pangalan pa namin sa bawat pinto. Noong binuksan ko ang kwarto ko, gusto kong himatayin. Aba! Ang laki! Doble ng kwarto ko sa bahay namin! Paano naging ganito e ang liit lang naman ng kwarto kung titingnan sa labas?!

"Aria, ilagay mo na 'yong gamit mo sa kwarto mo and let's have dinner together." Sinunod ko ang sinabi ni Thea. Apat lang kami sa loob na 'to. Dalawang lalaki. Dalawang babae. Paano kung..... seryoso, Aria? Ano ba 'yang tumatakbo sa isip mo?!

Pagkatapos kong iayos ang gamit ko sa loob ng kwarto, lumabas na ako. Naabutan ko na nagkwekwentuhan 'yong tatlong kasama ko. Out of place naman ako sa kanila. Mukhang magkakakilala na sila noon pa e.

"Hi, Aria. Sit down." 'Yong bakanteng upuan ay sa pagitan nina Kai at Fire. Kaharap ko si Thea.

"Kumusta naman ang buhay sa mundo ng mga tao, Aria?" Napakabubbly naman ni Thea. Siya lang kasi ang salita nang salita.

"Okay naman. Masaya. Simple lang," I said. Totoo naman e. Hindi kagaya nito. May kung anong kaechosan pa.

Napatingin ako kay Fire na tahimik na kumakain.

"'Wag mo akong titigan." Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya. Ang sungit. Pero kapag si Thea ang tumitingin sa kaniya, okay lang? Aba malupit. May gusto yata siya kay Thea.

"Aria, kung may tanong ka, 'wag kang mahiyang magtanong sa amin. Kaming tatlo, ipinanganak sa kaharian namin. Ikaw lang ang ipinanganak sa mundo ng mga tao. Kaya kung may tanong ka, nandito lang kami," sabi ni Kai. Buti pa ito, mabait.

"Sige. Salamat," I said. Tahimik na lang kaming kumain. Naunang natapos si Fire at sumunod naman si Kai. After nilang kumain ay pumasok na sila sa kwarto nila. Dalawa na lang kami ni Thea na naiwan dito.

"Thea, pwedeng magtanong?"

"Sure. Ano 'yon?"

"Medyo personal. Okay lang?"

Baka mamaya hindi pala 'to totoong mabait e baka mapahamak pa ako.

"Okay lang. Ano 'yon?" She said while smiling.

"Uhmmm. Si Fire." Ano ka ba naman Aria! Ayusin mo ang tanong mo.

"What about him?" she asked.

"Is he your boyfriend?" Biglang tumawa si Thea. Ano naman daw ang nakakatawa sa tanong ko?

"Hey, sorry kung tinanong ko 'yon. Wag mo nang sagutin," I said at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Ano ka ba, Aria. Okay lang. So back to your question, hindi ko siya boyfriend. Ayaw ko pang mamatay," she said. Bigla namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anodaw? Mamatay?

"Mamatay? Bakit ka naman mamamatay? Is that a hyperbole or what?" Naloka kasi ang kaluluwa ko sa sinabi niya.

"Nope. It's a rule. You see, I am Eidothea and I am belong to the Water Kingdom and he is Fire who is obviously belongs to fire kingdom."

"And? Ano naman ang big deal do'n?" I asked. Wala kasi akong alam sa sinasabi niya.

"Well, the thing is, no one is allowed to fall in love with someone who belongs to other kingdom." Aba! May gano'ng kalokohan?

"Bakit? What will happen if you do?" Kasi 'di ba, hindi mo naman mapipigilan kung maiinlove ka sa isang tao.

"If you do, you'll die."



Miss Ai

Continue Reading

You'll Also Like

276K 20.9K 33
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
140K 4.1K 66
2nd Installation of Musical Academy! Highest Rank Achieved: #3 in Musical #248 in teen-fiction #81 in Academy
9.5M 292K 64
Claire Cassidy doesn't show her face , doesn't socialize with people and always prefer to be alone, these are the reasons why she was branded as the...
1.6M 36.1K 102
Ang paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang ma...