Fontabella 1: The Businessman...

By TheButterflyReturns

107K 4.8K 457

The Businessman's Trap In an incident where Tristan Barcelona was caught in the act. He had no other choice... More

Fontabella Brothers Series
The Businessman's Trap
Introduction
Prologue [Enough]
Chapter 1 [Lupa]
Chapter 2 [Lubricant]
Chapter 3 [Coincidence]
Chapter 4 [Ginabi]
Chapter 6 [Gentle]
Chapter 7 [Gusto]
Chapter 8 [Ride]
Chapter 9 [Nakatakas]
Chapter 10 [Ice-cream]
Chapter 11 [Bitch]
Chapter 12 [Lips]
Chapter 13 [Cart]
Chapter 14 [Abot-tanaw]
Chapter 15 [Hihintayin]
Chapter 16 [Bradly]
Chapter 17 [Mangga]
Chapter 18 [Mitsa]
Chapter 19 [Sex]
Chapter 20 [Jowain]
Chapter 21 [Soul]
Chpater 22 [Aalis]
Chapter 23 [Adobo]
Chapter 24 [Polaroid]
Chapter 25 [Maisan]
Chapter 26 [Figure]
Chapter 27 [Easy]
Chapter 28 [Clear]
Chapter 29 [Restaurant]
Message
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Epilogue
Broken Chapter 1
Special Chapter

Chapter 5 [Caught]

3.1K 170 8
By TheButterflyReturns

Chapter 5

Kasalukuyan kaming nandito sa kantina para mag-mirienda kasama ang mga kaibigan ni Luke.

"Alam mo, 'tol, kung ganiyan pa rin ang ugali mo magpahanggang ngayon, baka may black eye ka na sa mata," ani Wilbert na kumagat sa mansanas niya. Inirapan ko siya at kumagat sa burger kong hawak.

"Wala kang pake, 'no! At saka ano naman magagawa ko kung magka-black eye ako eh may dean naman para protektahan ako." Inismiran ko siya. Itong si Andrius tinawanan ako ng hayop.

"Tapang talaga, akala mo talaga eh." Napailing-iling siya, para bang hindi makapaniwala sa pinaggagawa ko.

"Manahimik nga kayo! Nananahimik 'yong tao, eh," pagtanggol ni Luke sa akin. Palihim niya akong inabutan ng isang sprite na nabili niya sa counter kanina. "I won't let any hands land on Tristan. Kung meron man, magkakaalaman kami." Ikinuyon ni Luke ang kamao niyang nasa ibabaw ng lamesang gawa sa bato.

"Oooohh, possessive huh?" nanunuyang tinignan ni Hyden si Luke na pinakyuhan siya. "Ito naman, hindi mabiro."

The bell rang, indicating that we have to be in our own classes. Kinuha ko ang bag kong nasa ibabaw ng lamesa saka isinukbit ito sa balikat.

"Mamaya na lang, punta tayo kila Hyden," ani Fhil. Tinanguan ko sila bago naglakad papagawi sa aking silid. Hindi pa man ako nakakailang hakbang ay may nakita akong anino mula sa aking likuran. Nang akin itong tignan ay si Luke.

"Kaya ko na sarili ko, Luke. May klase ka pang papasukan." lumiko kami sa isang hallway at nakita ko ang mga marites na nag-aabang. Nanunuot ang mga tingin nilang ibinabato sa amin ni Luke pero dedma lang kami.

"What? It's not like I'm gonna be late. I can run as fast as a cheetah or even faster and afte" napairap ako sa kahanginan ng lalaking katabi ko.

"Bahala ka. Hindi naman kita pinipilit." ilang lakad pa ay narating na namin ang kwarto ko. I sat in front and saw Luke that is still outside the door of my room.

"Ano?" I mouthed.

"Hintayin mo ako mamaya. Sabay-sabay tayo pupunta kila Hyden."

Umirap ako at tumango. Nakita kong nasa likod ni Luke ang teacher namin na tinapik pa ang likod niya.

"Mr. Fontabella, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Mrs. Hernandez.

Napakamot ng batok si Luke. "May tinignan lang po, ma'am. Hehe una na po ako." Tumango si ma'am at dumiretso na ng pasok sa loob. Nilingon ko ulit si Luke at nakitang nakatayo pa rin sa labas. Nang tanguan ko siya ay umalis din siya agad.

After so long hours of being inside the class, finally, Luke went to get me with Hyden and Fhil. Magkakasabay kaming lumabas ng school para sumakay sa kani-kaniyang sasakyan namin. I don't have a car, but Luke insisted on being with him inside of his car. Hindi naman ako nag-inarte pa kaya sumakay din agad ako. Wilbert said that he needed to be home kaya hindi na siya nakasama sa amin.

"Where are we going? Baka ma gang rape niyo ako," biro ko sa kaniya at nagmasid sa labas ng bintana. It's just 4 in the afternoon, so the sun is producing not-so-hot rays.

Luke chuckled from my side, making me look at him. "I suppose you still don't trust me, huh?"

I rolled my starry eyes. "Of course, I don't. You know, kailan lang naman tayo nagkakilala at saka personal assistant mo ako. Malay ko ba kung anong iutos mo sa akin." Nagkibit-balikat ako at muling nag-iwas ng tingin.

I heard him sighed and we turned right, following Hyden's car. "We will be going to their azucarera. As part of the business I'm trying to run, I'll be merging with his company and my ranch, along with Fhil. Fhil owns lot of poultry farming here like cows, chicken and eggs, and ducks. They produce 3% of Philippines' poultry goods."

"That's good for hIm, then."

Luke nodded. "Yeah. The thing is, Fhil is currently in an arranged marriage with Elina Monte Carlo to grow their business. That's shit, man..." Napailing-iling si Luke sa sinabi niya, ako naman ay humalukipkip dahil sa narinig.

"Well, wala ka namang magagawa kung ipapakasal nga siya sa Elina na 'yon."

"We can do something else, Tristan." Napatingin na sa akin ngayon si Luke na may pag-aalala sa mata. "We can save Fhil and their farm. He's one of my friends and I'll do anything just to make them happy."

Muli akong napa-irap sa irita. "Alam mo, Luke, kung 'yon ang desisyon ng pamilya nila, wala ka sa lugar para pakialaman sila. That's their life. And with Fhil, I think mamahalin naman niya kung sino man ang Elina na 'yon. Mayaman, siguro maganda, maputi, makinis ay may sinasabi. Hindi naman na mahirap na magmahal kung nasa kaniya na ang lahat eh."

"That's not as easy as what you think, Tristan. In my own perspective, Fhil should be happy on his own. Siya dapat ang pumili ng mamahalin niya. Hindi porket mayaman, maganda, makinis ay pwede mo na mahalin. Bakit? Marami namang maganda sa school natin, but I still find you. I'm slowly falling for you when I met you..." nakatanggap ng kurot si Luke sa akin. Ito naman hindi mapigil kakatawa.

Oo na! Aaminin kong bigla akong kinilig sa sinabi niya, kaso alam kong laro lang ang mga ito para sa kaniya. Ilang araw pa lang kami nagkikita at hindi naman pwedeng mahuhulog agad siya sa akin. At isa pa, bakla ako.

BAKLA.

Sa mundong kagaya nito, imposible na makahanap ng lalaking seseryoso sa gaya kong nasa pangatlong kasarian. Maraming tao ang may ayaw sa kagaya ko at mayroon namang sumusuporta. Basta, I'll never be in love with anyone else. Mas lalo na itong lalaking nasa tabi ko. Kupal ito eh.

Boys only want love if it's torture and they love to play. Baka isa ako ro'n sa mga bagay na gusto niyang paglaruan. For the sake of my family, I'll play, but in my own will, I won't.

Huminto kami sa likod ng nakaparadang sasakyan ni Hyden at lumabas ng sasakyan. Hinintay ko muna si Luke dahil ako ang utusan niya rito.

"Let's go."

We found Hyden and Fhil at the front door. Nagmamano sila sa mukhang magulang ni Hyden.

"Uhm, Mom, Dad, this is Tristan. He's new in town and our new friend. He's with Luke pala." Tinignan ako ng ginang at ginoo. Nahihiya akong lumapit sa kanila at nagmano

"Hi po, Tita, Tito."

"Bakla ka?" nanlaki ang mata ko mula sa sinabi ng ginang. Naramdaman kong natigilan din ang mga kasama ko.

"Mom..." bawal ni Hyden sa ina. Umiiling na bumalik sa loob ang mag-asawa kaya naiwan kaming apat sa labas. Hyden sighed and looked straight into my eyes.

"I'm sorry for mom. Hindi lang siya sanay sa bagong tao."

I nodded. "It's fine."

Muli kaming sumakay sa sasakyan dahil nasa kalayuan pa ang production area ng mga asukal. Kinuha lang pala ni Hyden ang mga susi sa magulang niya. Nang marating namin ang mismong azucarera, namangha ako dahil ang laki at ang lawak ng lupain nito. Idadag mo pa ang malawak nilang taniman ng tubo or sugarcane na siyang ginagawang asukal.

"Actually, I want to grow this azucarera into a Candy Factory someday, but I don't have the funds," ani Hyden at bumuntong hininga. Nandito kami sa malamig na opisina niya nakaupo matapos maglibot sa labas.

"I can invest my money in my company," suhestiyon ni Luke kay Hyden na mukhang nawawalan na ng pag-asa. Napansadal si Hyden sa backrest ng upuan niya at napasigaw.

"Fuck! Mom and Dad don't want to."

"Then start a small candy company first. It's still the same, though. If we're going to pool people's money to create more funds for your company, it is still a big risk since you're holding a lot of money that isn't yours. First thing's first, magkano na lang ba ang meron ka?"

Umayos ng upo si Hyden at tinignan si Luke. "5 million peso."

Napaisip si Luke. "I studied engineering and I'm currently in business administration, but I suggest that you risk the half while the other half would be the working capital of your company. Kaya 'yan and we'll try to gather investors in your company What do you think?"

"Yes, I think it's good to share you stocks with other people," saad ko kaya napatingin din sa akin si Hyden.

"I-i'll talk to the board."

Nang kinahapunan ay umuwi rin kami at hinatid naman ako ni Luke sa bahay. Masaya ang nangyari kahapon pero ngayon, biglang sumama ang umaga ko.

I'm inside of his car and we're heading to his house. Napakaaga niya akong sinundo dito sa amin, sila lola naman ay diretso siyang pinatuloy sa bahay namin at ipinaghanda pa ng kape. I'm a little bit embarrassed about it baka hindi siya umiinom ng mga kape katulad ng normal na tao.

What I mean normal is the typical coffee you can buy in sari-sari store. Baka kasi mga mamahalin at branded pa na mga kape ang iniinom niya at kapag ininom niya ang katulad ng kape ng sa amin ay baka magkasakit pa siya at ikamatay niya.

"Grabe, ang aga-aga mo namang manundo sa bahay and bakit mo ako sinundo?" Tumingin ako sa labas ng bintana habang ang dalawang braso ay nasa dibdib na nakahalukipkip.

"Gusto mo ba maglakad papunta sa bahay? Sige, ibababa kita rito." Akmang ihihinto niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan nang hawakan ko ang kaniyang braso. Nanlaki ang mata ko dahil naramdaman ko ang mainit niyang balat at matigas na braso. Nang inangat ko ang aking mata, nakita ko si Luke na nakatingin sa kamay kong nakahawak sa kaniya.

Binawi ko ang kamay ko na para bang napaso sa kaniya at umayos ng pagkakaupo.

"That's not what I mean. Ang sabi ko, bakit napaka aga mong manundo?" pag-uulit ko ng sinabi ko sa kaniya kanina.

"Para maaga tayo sa mansion at para marami ka agad malinis," pang-iinis niya sa akin kaya mabilis akong napairap. Heh, bahala siya diyan.

Pumasok kami sa isang daan na halos puro putik at nakikita ko ang mga sakahan dito. Malawak ang animo'y dagat na luntian dahil ang pag-ihip ng isang mahinahong hangin ay ginagawang pasayawin ang mga palay na nakatanim.

We entered their gate and he parked at the front of their door. Nakita kong napahinto ang mga taong manggagawa sa kani-kaniya nitong ginagawa at napatingin sa sasakyan. Lumabas kami ng kotse at binati siya ng mga trabahante.

"Magandang araw, senyorito." Iniyuko ng isang ginoo ang ulo nito nang batiin si Luke.

"Magandang araw din, at huwag niyo na ako tatawaging senyorito, ayos lang kahit sir."

"Pero, senyorito-"

"Kapag nandito lang sila Dad, okay?" Tumango 'yong lalaki.

Pumasok na kami sa loob at nakita ko si tita Rover sa loob na mukhang may kinuha. Nagulat siya nang makita niya ako at ganoon din ang naging reaksiyon ko.

"Hi, Tita! Kamusta po!" bungad ko sa kaniya. Noong una, maasim ang ekspresyon ng mukha niya, pero kalaunan ay nawala rin.

"Ayos lang ako, hijo. Ikaw, anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin at tumingin sa katabi kong si Luke at iniyuko ang ulo.

"Naghahanap kasi ako ng trabaho eh siya po ang nag-aalok sa akin." turo ko sa tabi ko. Nakarinig naman kami ng tumatawag sa pangalan ni tita Rover kaya pinasintabi niya ang sarili niya sa amin at umalis na.

"This is my house, maybe kapag weekend dito tayo or baka sa field," ani Luke at naunang maglakad. Inilibot ko ang tingin ko sa buong bahay at namangha sa nakita. May chandelier sila na pagkakaganda at 'yong mga painting sa pader ay halatang mamahalin pati 'yong mga vase.

Nakarating kami sa kusina nila at nakita ang isang manang na nag-aayos ng kusina. Kumuha si Luke ng isang pitchel ng tubig at uminom. Grabe, even his gulp of water is very sexy as fuck.

"Tara, sundan mo ako sa taas." Umakyat kami sa second floor nila at nauna siyang pumasok sa paniguradong kwarto niya.

"Apparently, this is my room. Upo ka riyan sa kama." Sinunod ko ang utos niyang maupo sa pinakadulo ng kama at naglibot ng tingin sa buong silid.

Simple lang ito ngunit mamahalin ang mga gamit. Maganda rin ang disenyo at gaya ng opisina niya, kakaunti lang ang kulay. Kung hindi puro black, royal blue naman ang pintura.

"What do you want? Juice? Water? Or me?" Napagawi ang mata ko sa nang-aakit na mukha ni Luke saka inirapan siya.

"Don't treat me like I'm your visitor, utusan mo 'ko." Umirap ulit ako at nag-iwas ng mat.la.

"Nice room pala," bati ko. Napansin ko rin na kaamoy niya itong kuwarto dahil na rin siguro sa pamamalagi niya rito. Kaamoy ko rin ang sarili kong kwarto dahil nandoon ako palagi. Kung ano ang nasa paligid mo, ganoon ka rin.

In life, it depends on how you adopt your surroundings and on how it will make you grow as a person who you are now and in the near future.

Kung pangit at masama ang nasa paligid mo, it's either gagayahin mo sila o gagawa ka ng paraan para maiba sa kanila at pagbutihin ang 'yong sarili. Learn to adopt, asshole. Life is a mirror. What you show, what you'll see.

"You like it?" he asked me while smirking. I can't resist myself not to look at his handsome face. Tumayo na lang ako at pinuntahan 'yong malaking picture frame na nakalagay sa isang estante ng mga gamit niya.

"That's our family picture, the baby girl in the picture was a stranger and cute. Sumama lang 'yan sa shoot. I remember that day we were like happy family, we smiled from ear to ear," paliwanag niya sa akin habang nakatayo siya sa tabi ko.

Tiningala ko ang matangkad na si Luke panandalian at binalik din agad sa frame ang aking mata.

"That was me," turo niya sa picture niya. Bata pa sila sa mga picture na 'to like they're like 16 or 15 years old. "That's Jared, the next to me." turo niya sa isang lalaking gwapo rin. "And that's the triplets. The first one is Asher, the next one is Aljon and the last one is Austin," he explained everything.

Hindi na niya itinuro 'yong mga magulang nila dahil obvious naman na. "And like what I've said, that little baby girl was a complete stranger, we don't know her at all but she's cute after all kaya napasama na siya sa amin."

Pare-parehas na naka barong tagalog ang mga lalaki at ang dalawang babae ay naka sayang tagalog. Napakagandang pagmasdan.

"Ano, may nagugustuhan ka na ba sa kanilang apat na kapatid ko?" tanong niya sa akin. Napa-angat ako ng tingin sa kaniya. I saw a playful smile on his lips.

Okay, I'll play.

"Actually, ang pogi noong bunso ninyo! Gusto kong kurutin pisngi niya. Nasaan na ba siya ngayon and latest photos niya?" kunwaring na aakit kong sigaw habang itinuturo pa ang picture na hawak ko. Pagtingin ko sa kaniya ay wala na ang mapaglarong ngisi niya sa labi.

Natawa ako nang malakas kaya naman kumunot ang nuo niya. "Gagong ito! Joke lang, ano 'to, exam? Multiple choice?" Binitawan ko rin ang picture frame saka bumalik sa pagkakaupo.

This time, sa isang reading chair dito sa loob ng kwarto niya ako naupo. I like it. Mahilig akong magbasa ng mga romance book and, you know, some smut.

"Wala, naninigurado lang na baka lokohin mo pa mga kapatid ko." Pumasok siya sa isang pinto at narinig ko siyang nagsalita.

"Cook me food, gusto ko ikaw magluluto. Kapag hindi ikaw ang nagluto, hindi ko kakainin, kailangan ikaw magluto." he said then I heard a door shut. "Don't burn the fucking house!" dagdag pa niyang sigaw na ikinangisi ko.

Gago talaga.

"Okay," bulong ko sa sarili at napagpasiyahang bumaba. Naabutan ko si Manang na naglilinis ng lababo gamit ang isang basahang kulay blue.

"Ahm, may pinapaluto po si Luke. Pwede naman po akong magluto rito, hindi ba?" tanong ko rito. Magiliw itong tumango sa akin.

"Oo naman, hijo. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka, nandiyan lang ako sa terrace nagwawalis." Itinuro ni manang ang isang pinto.

"Sige po."

I gathered all of my thoughts, courage and some power from the Bathaluman of the world to guide me. I've never cooked food for someone else except for my family and I. Kung si Luke lang naman, hindi ko alam. Pumayag at sinabi naman niyang ako ang magluto, 'di ba? Kaso 'wag ko raw sunugin ang bahay.

An evil smile curved on my lips.

Scanning the fridge to think of something to cook, I came across the eggs, hotdogs from the fridge and chicken. Itlog at hotdog lang naman ang alam kong lutuin kaya ito na lang.

Don't get me wrong pala. Alam ko namang magluto pero sa pangsarili ko lang. Malay ko ba kung magugustuhan niya ito o hindi.

I chopped some garlic and gathered the rice from the rice cooker. While waiting for the oil to be in my desired heat, biglang dumating si Tita Rover. Without looking at her, I am feeling her aura and atmosphere beside me. It's not usual.

This is not good.

Sinimulan kong igisa ang bawang at nang makalipas ang isang minuto ay isinunod ko na ang minced chicken na nakuha ko sa ref.

After cooking fried rice, I fried the hotdog and eggs. Kung hindi ko lang talaga trabaho pagsilbihan ang lalaking 'yon, hindi ko ito ginagawa ngayon.

With an orange juice as source of 'panulak', plateful of fried rice, two hotdogs, and two eggs, dala-dala ko ang tray paakyat sa kwarto ng senyorito kuno. Kakatok na sana ako sa pintuan nang may makasalubong akong mga katulong.

May panghuhusga sa mga mata nito at tinawanan ako nang lagpasan ako. Maswerte sila at may hawak akong tray at baka nasupalpal ko na sila ng kamao ko. Kaliwa't kanan para mag-asawa.

Kumatok ako sa pintuan nang tatlong beses at naghintay na magbukas ang pinto. The door opened slowly at nakita kong sumilip ang mukha ni Luke. I saw him smirked and opened the door widely.

"Close the door," I heard him said, kaya isinarado at isinara ko ang pinto. Paglingon ko sa kaniya ay halos malunok ko na ang dila ko dahil nakatapis lang siya ng tuwalya at nagsusuot ng boxers sa harapan ko.

Napatingin ako sa ari niyang nakabakat sa tuwalya. Grabe, mukhang malaki kahit dalawang metro lang ang layo naming dalawa. Umangat nang umangat ang paningin ko hanggang mapunta ang tingin ko sa mga braso at dibdib niyang bato-bato sa tigas. Not to mention his hot oozing abs.

Umangat pa ang tingin ko at nagtama ang paningin naming dalawa. Nakatitig lang ako sa kaniya habang isinusuot niya 'yong boxers niya at pati 'yong sando niyang puti. Halos pumutok na sa laki 'yong braso niya. Arghh, I'm daydreaming about this man. He looks very scrumptious.

"Want to taste me?" his words that put me back in reality.

"A-ano?!" gulat ko pang tanong sa kaniya. Natawa na lang si Luke at iniling ang ulo.

"Nothing. Did you cook the food?" Nilagay ko ang hawak ko sa ibabaw ng kama at tumango.

"Oo naman. I don't really cook that much for someone else. Sana naman magustuhan mo." Kinuha ko ang baso ng orange juice sa tray at nilagay muna ito sa side table.

Luke sat near the tray and look at me. "You taste it first."

My brows creased. "Huh?! Bobo ka ba? Niluto ko nga para sa 'yo 'yan tapos sa 'kin mo ipapakain?"

Luke rolled his eyes. "I just said taste it, tikman mo, hindi ko sinabing kainin mo," aniya na ikinaikot din ng mata ko. "Malay ko bang baka lasunin mo ako..." Napalaki ako ng mata sa sinabi niya.

"Huh?! E 'di mas gago ka nga! Anong lalasunin?" I gasped some air because of disbelief.

"Just take a spoon and get some, hindi naman agad mauubos 'yan ng isang kutsara lang."

"Fine." Kinuha ko 'yong kutsara at kumuha ng konting itlog at kanin.

Isinubo ko ang kutsara at nalasahang maalat ang itlog. Pagkatapos ko ay kumuha siya ng kaunting piraso ng itlog pati noong kanin at sinubo. Siya naman ngayon ang sumubo ng pagkain.

I just stared at him eating the meal I prepared for him. 'Yong paglunok niya ng pagkain, 'yong tubig. Bakit napakasexy lahat ng bagay na ginagawa niya?

Shocks, kinain niya 'yong pagkain kahit maalat. And he just used the spoon I just used? Hindi niya ba alam 'yong proper hygiene?

Inagaw ko sa kaniya 'yong kutsara pero ayaw niyang ibigay. "Akin na 'yan, ikukuha kitang bagong kutsara, baka may sakit ako at mahahawa ka pa!" sigaw ko sa kaniya at nakikipag-agawan pa rin pero inilayo niya lang 'yong kutsara gamit ang kaniyang kaliwang kamay.

"It's fine, kung magkakasakit ako, magkakasakit ka rin naman, e 'di parehas tayong wala sa klase." Tinignan niya 'yong orange juice na nakapatong sa side table at tumingin pabalik sa akin.

"You drink that first before I." he said. Ano ba 'yan, bakit kailangan ko pa tikman lahat ng pinaluto niya sa akin?

"Okay..." tamad kong sabi at kinuha 'yong baso at uminom ng kaunti.

"Yeah, thanks," sabi niya at doon din sa baso uminom kung saan ako uminom, what I mean na doon ay doon talaga sa parteng isinubo ko sa bibig ko.

"Dapat masanay ka na magluto. Balang araw, araw-araw mo ako lulutuan," aniya at nahiga sa kama. "You can eat me, too, but I'm not edible..." he murmured. Hinampas ko lang 'yong hita niya sa inis at kilig na naramdaman ko.

"Awww! What was that for?"

"Manyak!"

"Totoo naman ah!"

"Heh bahala ka diyan," sabi ko pa at lumabas na ako ng kwarto niya at lumabas ako ng bahay. Pumunta ako sa bakuran nila at nakita ang maraming mga manggagawa ang nandito. May mga nagtatanim, may nag-aani at 'yong ibang kababaihan naman ay nagsisilbi sa mga kalalakihan.

"Tulungan ko na po kayo, mang Tome," sabi ko sa kaniya at kinuha 'yong dala-dala niyang basket.

"Nako, hijo, ayos na ako, baka mangitim ka," pagbabawal niya sa akin, pero kinuha ko pa rin 'yong basket na hawak niya. Siya 'yong tatay ni Rowena, mabait si tito Tome sa akin.

"Ayos lang ho, trabaho ko rin po 'to," sabi ko at inilagay 'yong basket sa silong ng isang kubo sa malapit kung saan nakita ko ring may mga basket na kagaya ng hawak ko.

Bumalik pa ako at sabay-sabay naming hinakot 'yong mga ani. Ito na siguro ang sinasabing rancho ni Luke sa akin bukod sa Firm niyang pinamamalakad. Hinubad ko ang tsinelas kong suot at pumunta sa putikan para tumulong sa nagtatamim ng palay.

"Paano ba 'yan kuya?" tanong ko sa isang lalaki na mano-manong nagtatanim ng palay. Bakas sa mukha niya na hirap na hirap na siya sa pagtatanim at sa init ng araw.

"Ganto lang 'yan." Iminuwestra niya sa akin kung paano 'yong pagtatanim at paano niya inilubog 'yong palay sa putik.

"Sige po." Kumuha ako ng mga palay na may kaunting tubo na at sinimulan ang pagtatanim.

Linulubog ko ito sa putik nang pahilera dahil nakahilera rin ang mga nagtatanim. Naramdaman kong may tumabi sa akin pero nakayuko ako at may salakot sa ulo kaya hindi ko alam kung sino ito. Pero noong humangin nang malakas ay naamoy ko agad ang pabango niya at alam ko na sino ang katabi ko.

"It's not your work to do here planting rice," Luke said in an irritated voice.

"Senyorito, trabaho ko po ang magtrabaho sa inyong hacienda Fontabella. Ako'y isang alipin lamang," ani ko sa kaniya na puno ng sarkasmo ang aking salita at sa patulang paraan.

"Stop saying that Senyorito, it sounds so wrong if you're calling me that," sabi niya sa tabi ko.

"Bakit? Totoo naman, eh. Ano ba ang gusto mong itawag ko sa 'yo? Babe, baby, hunnybunch, sugarplum? Pumpy-umpy-pumpkin? Daddy?"

He groaned and I continued teasing him, laughing silently.

"What about darling, baby, love? My sweety pie, sweetheart, ummm what else?" tumayo ako nang diretso at kunwaring nag-iisip. "Ahh alam ko na, cupcake? Gumdrop, or maybe the apple of my eye-" naputol ang pagsasalita ko nang hinawakan niya ang balikat ko at inikot ako paharap sa kaniya.

Naramdaman ko ang malambot niyang labi na nakapatong sa mga labi ko. I was so caught up in the moment.

Eyes widened, heart racing but I couldn't bear to let him go yet, so I threw caution to the wind and started listening to my longing heart and then he softly pressed his lips to mine and feelings surfaced I'd suppressed.

I kissed him back, at wala ng pakialam sa mga tao sa paligid ko.

TheButterflyReturns © 2021

Continue Reading

You'll Also Like

1M 34.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
53.5K 3K 53
(Back Series #1) [BxB] Status: Completed Clayn Sarmiento, the in denial and androgynous gay is very popular in boys. Mens flocked at his inbox becaus...
32.1K 1.7K 14
"How about I pay for your night and be my mistress? You'll be perfect for it, aşkım. Perfect to ruin my upcoming wedding," he crooned and giggled. ...
359K 17.4K 54
Axel Enrico de Ayala ang pangalan na laging laman ng balita. Balita tungkol sa bago nitong girlfriend kada araw. Balita tungkol sa nag te-trending ni...