ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBE...

By bitchymee06

770K 26.7K 2.9K

R18|MatureContent|Romance|Action #COMPLETED - - - One organization; five merciless women. Behind their innoce... More

AO2
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
EPILOGUE

CHAPTER 15

20.2K 728 24
By bitchymee06

"That's the reason why you're chasing them."

Bumalik ako sa reyalidad nang nagsalita si Jairon sa aking tabi. Mapait akong ngumiti at itinigil ang paggalaw ng swing.

"Napag-alaman ko na isang sindikato ang dumukot at nagpahirap kay Quenevere. Mula no'ng araw na 'yon ay nagsimula akong mag-aral ng iba't ibang armas hanggang sa maging eksperto ako sa paggagawa ng mga bomba. Bumukod ako sa pamilya ko dahil alam kong hindi nila ikatutuwa ang aking ginagawa, bukod pa ro'n ay hindi ko kayang tumagal sa lugar na palaging nagpapaalala sa 'kin sa kapatid ko," mahabang saad ko.

Hindi naman siya umimik. Nanatili ang katahimikan sa 'ming dalawa habang pinanunuod ang payapang kalangitan.

"You need to see a psychologist," aniya at maingat na tumingin sa 'kin na animo'y natatakot na ma-offend ako bigla.

Tipid akong ngumiti saka pinagmasdan ang kumikislap na bituin. "I want to stay here... kahit masakit... kahit mahirap. Gusto kong manatili sa bangungot na ito dahil ito ang pinagkukunan ko ng lakas para lumaban," bulong ko sa kawalan. "Hindi patas ang tao. Kailangan kong gamitin ang galit para makasabay sa agos ng hustisya na gusto ko para kay Quenevere."

"Can I help? Marami akong koneksyon sa mga nakakataas na awtoridad," sambit ni Jairon.

Hindi ko maiwasan na mapatawa sa kanyang tinuran. "Tingin mo ba ay gugugulin ko ang aking panahon sa pag-eensayo at pag-aaral ng mga armas kung rehas ang gusto kong iparanas sa kanila?" tanong ko habang malamig na nakatingin sa kanya. "Kahit ang kamatayan ay kulang sa kahayupan na ginawa nila sa kapatid ko," nagngingitngit kong patuloy.

He looked at me softly. "Hindi mo kailangang ilagay sa kamay mo ang kaparusahan sa kanila, Quennie."

Umangat ang kabilang gilid ng aking labi kasabay nang pagkawala ng lahat ng emosyon ko. "Wala rin silang karapatan na ilagay sa kanilang kamay ang buhay ng kapatid ko, Dela Merced," pagbabalik ko.

Nagtitigan kaming dalawa hanggang siya ang unang nagbawi ng tingin. He took a deep breath and stood up from the swing. Naglakad siya patungo sa 'king likuran saka marahan na itinulak ang inuupuan ko. Hindi naman ako nagsalita o gumawa ng anuman na pagtutol dahil kahit papaano ay gusto ko rin na kasama ang presensya niya sa oras na ito.

"The company, you're always rejecting to handle it because of your brother, right?" hindi iyon tunog tanong kung hindi nangungumpirma.

Natigilan ako saglit at mabilis ding nakabawi. "Yeah," simple kong tugon at dinama ang pagsalubong sa hangin.

I closed my eyes to enjoy the cold breeze more. "I knew, he wanted to manage it so bad. Si Daddy lang talaga itong mapilit na palagi akong itinutulak sa kumpanya gay'ong may sarili naman akong negosyo na akin," singhal ko.

I heard him chuckled at my back, causing me to bit my lower lip.

Damn. I miss those.

Itinigil niya bigla ang swing at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

He hugged me from behind.

"You did well, bae. You did well," he murmured softly.

I bit my lower lip as my eyes watered because of the sudden emotion that I am feeling. "Did I?" basag kong tanong.

He nodded his head on my shoulder. "Always remember that you are doing well, Quennie."



LATER that day, I went to our company because Dad wanted me to manage it for a week. Wala na akong nagawa kun'di ang sundin siya. I felt sorry to my brother, but I think I should boost himself first. Kailangan ay siya mismo ang lumabas sa kanyang lungga para gawain ang lahat ng ito, kailangan niyang lakasan ang kanyang loob para mabago ang sistema na nangyayari.

"What's the schedule for today?" I formally asked the secretary.

"Wala po kayong meeting ngayon, Ma'am. Kailangan niyo lang po subaybayan ang photoshoot na mangyayari mamaya dahil gusto ni Mr. Rado na hands on sa lahat," magalang na tugon niya.

Natigilan ako at napatitig sa kanya, tila na conscious naman siya kaya nanuwid ito sa tayo at tumikhim.

"Photoshoot?" tipid na pang-uusisa ko.

"Yes, Ma'am. May photoshoot po ulit ngayon si Mr. Dela Merced—the model we got the last time," she answered.

Napa O naman ako ng bibig.

Biruin mo nga naman.

"Wait," agap ko nang may napagtanto.

Nakita ko ang pangungunot ng sekretarya ni Dad dahil sa 'king inaaksyon.

"Was that a single photoshoot or partnershoot?" I asked.

"May partner po s'ya, Ma'am. Iyon pa rin pong model last time na pinalitan niyo noon dahil nagkaroon ng kaunting aberya," saad niya.

Tumango ako at palihim na kinagat ang aking labi. "What's her name?" pabulong kong tanong na tila isang kasalanan ang pagtatanong ko niyon.

"Ashley Ford po," sagot niya sa 'kin na ikinaawang ng aking labi.

My hunch is right. She's also a model.

"When will the shoot start?"

"20 minutes from now, Ms. Quennie."

Tumango ako saka kinuha ang bag ko para simulan ang pag-aayos ng aking mukha. Nakita ko ang pangungunot ng noo ng sekretarya kaya naman sinenyasan ko na siyang lumabas na mabilis niyang sinunod.

Kailangan mas maganda ako at presentable!

"Should I change my dress into a daring one?" I talked to myself.

Napatampal nalang ako sa aking noo at napailing.

What the hell am I doing?

"Argh! Bakit ako nakikipagkumpetensya?" muli kong pagkausap sa sarili.

I massage my temples and leaned on my swivel chair.

I am a hopeless case.

Huminga ako nang malalim at kinuha ang cellphone ko. Unconsciously, I dialed for Dra. Cuasay's number.

"Emergency?" bungad niya.

I groaned with frustration. "Pakiramdam ko ay nasisisiraan na ako ng ulo," ani ko.

"Oh? I am impressed na hindi pa pala sira 'yan noon," she said on the line then chuckled lowly.

I rolled my eyes and massage my nape. "I am serious, Dra," I hissed.

"Was that a guy?" she asked suddenly that made me stunned on my seat.

Umayos ako ng upo at tumikhim. "How did you know?"

Manghuhula na rin ba siya?

"Oh my ghosh! Seriously, lahat 'ata kayo kapag nagmamahal/magmamahal nagtatanong sa 'kin sa kakaiba n'yong nararanasan," she stated.

"Nagm-mama—What are you talking about?" kinakabahan kong tanong.

"Oh yes, Rose. You are slowly falling in love kung kaya ka nagkakaganyan dahil sa lalaki. Jeez! Sige na, ibababa ko na ang tawag. Nasa gitna ako ng operasyon, babush!" dire-diretyong turan niya at pinatay ang linya.

My mouth parted as my heart beat wildly. Ayaw tanggapin ng utak ko ang sinabi n'ya ngunit may parte sa 'kin ang sumasang-ayon.

"Oh no, hindi pwede. Fvck!" puno ng frustrasyon kong usal at napahimalos nalang sa aking mukha.

But I want him.

Napatadyak nalang ako sa sariling kahibangan at wala nang nagawa pa kung hindi ipagpatuloy ang kanina kong balak na pag-aayos. I did a little make up on my face, sprayed some perfume again and checked my dress. Nang hindi nakuntento sa 'king suot ay mabilis kong kinontak ang stylist ko at pinakuha ang dress na gusto ko sa 'king mall. Hindi naman nagtagal ay idinating na 'yon sa opisina. Mabilis akong nagpalit ng damit at napangiti nang nakuntento sa itsura. Muli akong nagpaligo sa pabango at tumingin sa 'king relos para suriin ang oras.

It's time.

As on cue, I heard a knock on my door as my dad's secretary came in. Natigilan pa siya sa kanyang tayo at laglag panga na nakatingin sa 'kin. Ilang beses pa siyang kumurap bago tumikhim nang nakabawi sa nakita.

"Magsisimula na po ang photoshoot," aniya, naroon ang paghanga at pagtataka sa kanyang tono.

Sapat na 'yon para palakasin ang loob ko sa kalokohan na aking ginagawa.

"Okay, susunod ako," usal ko at inayos muna ang aking mga gamit.

Narinig ko naman ang muling pagsara ng pinto senyales ng paglabas ng tauhan ni Daddy. I took a deep breath after fixing my belongings and stared on my reflection.

I am wearing a red tube fitted dress with a mini slit on my right thigh. Labas na labas ang hubog ng aking katawan dahil sa pinili kong damit. I took off my pony tail and let my hair fall on a messy style. I smiled on my reflection and turned my back against it to exit the room.

Time to shine, bomber. Let's give him a show.

Continue Reading

You'll Also Like

474K 14.2K 30
HANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanz...
4.5K 607 23
Chandria Jules' love for Jaxon stems from when they were still young and immature. She was quick to draw the line between them once she begins to not...
1.2M 44.7K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...