STS #2: Give Me More [COMPLET...

By Missflorendo

2.2M 45.3K 12.4K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... More

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 54
Kabanata 55

Kabanata 53

19K 645 179
By Missflorendo

Angel's note: maghanda ng isang basong tubig bago magbasa. Char.

***

Kabanata 53

Pagkatapos kong literal na ngumawa kanina ay tahimik na nag-drive si Justine. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil wala pa 'ko sa huwisyo para magtanong, pero huminto kami sa isang coffee shop na 24/7 yatang nakabukas.

"Thank you," sabi ko pagkaabot niya sa 'kin ng inorder niyang iced coffee. Sabi niya kanina ay ilibre ko siya pero no'ng oorder na ay siya naman ang nagbayad. Abnormal talaga.

Umupo kami sa bakanteng table sa sulok dahil gusto ko nang tahimik na pwesto. Tho wala namang masyadong tao rito kaya tahimik talaga ang paligid. Medyo nakakabadtrip lang 'yung soundtrip nilang 'till my heartaches ends.

"Sorry sa nakita mo kanina."

"Ano bang nakita ko?"

"Yung kay...ano..." Naglaro ang mga daliri ko sa ilalim ng lamesa. Ni hindi ko na magawang banggitin pati pangalan niya!

"Wala akong maalalang may nakita o narinig ako kanina," masungit na tugon ni Justine at saka sumimsim sa kanyang mainit na kape. Saglit akong napatulala sa kanya bago unti-unting kumurba paitaas ang dalawang sulok ng labi ko.

He really didn't want me to feel embarassed about it at nagpapasalamat ako na siya ang kasama ko kanina. Dahil kung ako lang mag-isa 'yon, hindi ko na alam kung ano ang posibleng nagawa ko. Either nagpakamatay na siguro ako o baka ako na ang nakapatay.

Pakiramdam ko ay nabuhayan ako ng dugo pagkainom ko ng kape ko. Halos makalahati ko tuloy agad ito para lang maramdaman ko ng todo na buhay pa rin talaga ako. Ang sakit kasi, e. Feeling ko kanina mamamatay na 'ko sa sobrang kirot ng puso ko. Hanggang ngayon naman sa tuwing naaalala ko 'yong nakita ko, parang pinipilipit 'yung mga lamang loob ko sa sobrang sakit.

"Justine," nakayukong tawag ko sa pangalan niya.

"Oh?"

"May alam ka bang pinakamabilis na paraan para makalimot?" Pinagsiklop ko ang mga palad kong nanlalamig. "Kahit gamot o kahit ano pa 'yan...gusto kong malaman."

Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na araw araw mararamdaman ang ganitong klase ng sakit sa puso ko. Iniisip ko pa lang ay parang mababaliw na 'ko. Alam kong matatag ako pero pagdating sa kanya, nawawala lahat ng lakas meron ako.

"Leave. Go somewhere far. Somewhere that won't remind you of the thing you want to forget."

Dahan-dahan akong napatango. "That sounds...great. Pero paano ako aalis kung nandito ang buhay ko? Ang trabaho ko na lang sa PBN ang nagpapatino sa 'kin. At saka...saan naman ako pupunta?"

Inilapag niya ang hawak na tasa sa lamesa. He folded his arms accrossed his chest and looked me deeply in the eyes.

"Naalala mo 'yong local station natin sa Cebu?"

"Yung mag-lo-launch pa lang this month? Diba taga ro'n ka?"

Tumango siya. "Kaya nga ako ang pinapadala ro'n ng mga boss. I'm leaving next week already."

"What?! Aalis ka?! For good?!" Napatingin ang ilang mga staff sa pwesto namin dahil sa lakas ng boses ko. "Seryoso 'yan?!" halos pabulong na dugtong ko na lang tuloy.

"6 months lang naman. Kailangan lang nila ng tulong doon while establishing the station. Pero ang sabi ng mga boss, kung magustuhan ko raw do'n nasa 'kin na ang desisyon kung babalik pa 'ko rito sa main."

"Grabe bakit wala man lang akong nabalitaan tungkol d'yan sa transfer mo?" nakalabi kong tanong. Nagulat kasi talaga ako.

"Meron kaya. A month ago pa. Di mo lang siguro napansin sa daming laman ng utak mo."

Napabuntong hininga na lang ako. "Siguro nga."

Mula sa kaso pa lang ni Pablo at sa mga sinusulat kong issues tungkol kina Vasquez ay wala ng paglalagyan pa ang maliliit na impormasyong katulad nito sa utak ko. Pati nga 'yung mga bagong death threats na natanggap ko simula noong ipatuloy sa 'kin ang issue ng korapsyon ng mga nasa kongreso ay hindi ko na rin halos napapansin pa.

Siguro kapag tinambangan na 'ko ay doon ko pa lang ma-re-realize na legit ang mga bantang natatanggap ko. Chos! Eh kase naman, ang daming threats pero wala namang nangyayaring masama sa 'kin. Feeling ko nga ay tinatakot lang talaga nila 'ko.

Kaso malas lang nila, hindi ako natakot.

"Kailangan din nila ng reporter." Napaangat agad ako ng tingin sa kanya na mukhang seryoso talaga sa pag-aabang ng reaksyon ko. "Baka gusto mo. 6 months lang naman. Malay mo pagbalik mo ay limot mo na ang bagay na gusto mong kalimutan."

Hindi ako nakatulog ng ilang gabi kakaisip sa sinabing iyon ni Justine. Tatlong araw na lang ay aalis na siya pero naguguluhan pa rin ako. Hindi ako makapag-decide. Bukod sa panibagong ikagagalit na naman ito ni Daddy, may parte pa rin sa 'kin ang ayaw iwan ang Maynila.

Pero may parte rin sa 'kin ang gustong magbaka sakali.

"Huy! Ano sasama ka ba??" tanong ni Dei. "Lumilipad na naman 'yang isip mo."

"Sorry...sasama ako." Inayos ko na ang mga gamit ko at naghanda sa pagpunta namin sa korte. Papunta kami ngayon sa isa sa pinaka-importanteng paglilitis kay Pablo kaya pati media ay pinahintulutan nilang pumasok sa loob.

Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko. Alam ko namang hindi pa 'ko gaanong handa para makita siya ulit pero masyadong importante ang hearing na 'to para mas pairalin ko ang nararamdaman ko.

Gusto kong maging saksi sa kung papaano siya matalo sa unang pagkakataon. Dahil sa oras na mangyari 'yon, ako ang pinakaunang magdiriwang sa pagkatalo niya.

Pawang mga nag-aalalang tingin ang ibinigay sa 'kin ng mga pinsan ko nang makita nila 'ko sa bandang likuran kasama ng iba pa mga taga-media. I kept my face straight to avoid this kind of stares from them, but maybe I was too transparent to able to hid what I don't want them to see.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Dei nang pumosisyon na ang mga camera sa pagdating niya. He looked so confident and that's what makes me more scared.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya patungo sa harapan. Sa likuran niya ay ang mga tao ng mga Vasquez at kabilang na rin do'n si Jenny.

They both looked so professional who would do anything for the sake of their evil goals. Although I couldn't still believe how he could do that, pero siguro ay masyado lang akong nabulag ng pagmamahal ko sa kanya para makita ang tunay niyang intensyon.

I always admire him for his talent and achievements. Kahit nga kami na noon, sobrang humahanga pa rin ako sa kanya. At isa sa ni-lu-look forward ko ay ang mapanood siya nang harapan sa loob ng korte.

Pero hindi sa ganitong paraan.

This wasn't the scene I looked forward to witness. It looks so cruel. He looked so evil trying to save a devil from hell and I couldn't stand to watch him for long. My legs were shaking as I stood up from my seat.

Hindi ko na kaya.

Hindi ko na kayang panoorin siya. Ang sama niya. Ang sama sama niya!

Nangangatal ang mga tuhod ko pero pinilit kong makapaglakad at makalabas. Hindi ako makahinga ng maayos sa isang lugar na kasama siya. Para akong malulunod sa presensya niya. Nakakasakal siyang panoorin.

Bumalik ako sa parking at pagod na sumandal sa sasakyan ko. Nasa tapat ng dibdib ko ang isang kamay ko habang humahangos. Sobrang unhealthy na nitong nararamdaman ko. Kailangan ko na yata talagang kumilos para isalba ang sarili ko dahil natatakot ako sa kung hanggang saan ang kakayanin kong pagpapahirap sa sarili nang dahil sa kanya.

Pumasok ako sa sasakyan at nilabas ang cellphone ko. Agad na nagtipa ako ng mensahe para kay Boss Amara.

'I need your help. Let's talk later."

"Proud ako sa desisyon mong 'yan." Tinapik ako ng mahina sa balikat ni Kairo. "Ayusin mo muna ang sarili mo bago ka tumulong sa iba. And don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko, Portia, at ipinapangako ko sa 'yong hindi ako matatalo sa laban na 'to."

Niyakap ako ni Kairo kasabay nang mahihinang paghikbi ng iba ko pang mga pinsan na nandito ngayon sa unit niya. Pumunta silang lahat dito sa pag-aakalang gusto ko lang na ayain silang uminom. Kaya gulat silang lahat dahil heto ako ngayon at nagpapaalam.

"Ang duwag ko ba?" mahinang tanong ko habang nakayakap pa rin na parang bata kay Kairo. Hindi ko alintana ang mga luhang patuloy na umaagos sa pisngi ko. Pagod na 'kong punasan sila kaya gusto ko na lang na hayaan silang kusang mapagod sa pagtulo.

"You are not a coward, Portia. Siguro noon oo dahil hinayaan mo lang ang sarili mo na masaktan. But now you already have the courage to get up immediately before you completely lose yourself again. And that's what makes you brave."

"Nakakainis kang bruha ka." Unang lumapit sa amin si Lyra at tumabi sa amin sa mahabang sofa. Sumunod sina Mona at Dior na pare-parehong mga sumisinghot na sumali sa group hug.

"Sino na lang aapihin ko rito kapag umalis ka?" nakasimangot pero umiiyak na tanong ni Mona. Kahit madalas kaming mag-asaran ng babaeng 'to ay siya ang madalas na laging handa sa kahit anong emergency. Isang tawag lang ng sinuman sa amin kapag kailangan siya ay agad na darating siya.

"Nasa digital age na tayo kaya 'wag kang mag-alala, palagi pa rin kitang ibabash sa mga pictures mo."

"Hayop!" tumatawa niya 'kong sinapak ng mahina sa likod pero niyakap naman ako ng mahigpit pagkatapos. Sweet na bayolente talaga!

"Wag kang magpapatuyot do'n, ha?" panimulang bilin naman ni Lyra. "Make sure you get watered properly even though you lost your fave gardener." Umiiyak siya habang sinasabi 'yon kaya hindi ko alam kung ma-o-offend ba 'ko or diretsong sasapukin ko na lang siya. But in the end, pinabayaan ko na lang din siyang yakapin ako.

Nag-angat ako ng tingin kay Dior na nakatayo lang sa harapan namin. Tinititigan lang niya kami pero may mga luha sa pisngi niya.

"Dior, naman..." Napaupo siya at umiiyak na tinakpan ang mukha ng mga palad niya.

"Bakit ba kase napakamalas mo sa lalake?" ngumangawa niyang tanong. Natawa naman ako.

"Hindi ko nga rin alam kung alin sa mga balat ko sa katawan ang sanhi ng kamalasan kong 'to."

"Feeling ko 'yung utak mo talaga ang may balat," singit ni Lyra.

"Feeling ko rin you're right," pagsang-ayon din ni Mona. Para talagang timang ang mga 'to. Posible bang magkabalat ang utak? Mga siraulo talaga.

Nakangusong umupo sa paanan namin si Dior at ipinatong ang ulo sa lap ko.

"Kapag ba umalis ka, can you assure us that you will surely get fine?"

"Oo naman," confident na sagot ko. Kahit ang totoo ay hindi ko naman talaga sigurado kung kaya ko nga ba siyang kalimutan.

Wala, e. Minahal ko talaga siya ng sobra.

Pagkaalis ng mga pinsan ko ay kaming dalawa na lang ni Kairo ang naiwan sa unit niya. Ayaw sana nilang umalis kaso may mga commitment sila ngayong gabi. Si Lyra may flight papuntang France para sa isang fashion show habang si Dior naman ay kasalukuyan ang filming ng bagong pelikula ni Pierre kung saan siya ang direktok. Tapos si Mona, mukha lang talagang walang ginagawa 'yon sa buhay pero ang totoo ay busy 'yon sa launching ng sarili nitong brand ng bag.

I'm really happy for them. Dahil parang lahat sila ay abala na sa pag-build ng future nila. Habang ako heto, tumatakbo palayo para lang makalimot. Saklap talagang magkaro'ng ng marupok na puso. Sana talaga ay pwedeng maging kasing tigas na lang ng bato ang mga puso, 'no? Para kahit papaano matibay sa kahit anong klase ng sakit.

"Dito ka na matulog. Wala naman si Dior sa condo niya." Tumango na lang ako kay Kairo dahil pagod na rin naman akong bumyahe pa para umuwi.

Pumasok ako sa dati kong kwarto rito. Maayos pa rin naman ang loob. Hindi halatang walang gumagamit.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at muling nakipagtitigan sa kulay puting kisame. Parang kelan lang noong lumipat ako rito para mapalapit sa crush ko. Nakipagtitigan din ako noon sa kisameng ito dahil naubusan na 'ko ng ibabanat sa kanya tapos hindi pa rin niya 'ko pinapansin.

Grabe. Gano'n lang kababaw ang problema ko noon. Ngayon umaapaw na.

Naiiling ako mag-isa at inisip na lang kung paaano kakausapin si Daddy tungkol dito. Sigurado naman akong magagalit siya pero sigurado rin naman ako na kahit pigilan niya pa 'ko ay 'di na magbabago pa ang pasya ko. Sasabihin ko na lang siguro sa kanya kapag nakaalis na 'ko para wala na siyang magawa pa. Isa pa, sure akong busy naman siya sa bago niyang anak.

Simula nang ipanganak ni Allyson ang batang 'yon, tatlong beses ko pa lang 'yong nakita. Noong bago sila lumabas ng ospital at sa tuwing wala sa bahay ang bruha ay tinataon ko ang pagpunta ko. I wasn't even planning to accept that kid pero no'ng pinuntahan ko at biglang nginitian ako, feeling ko nagkamali ng binigay na anak si Lord kay gaga. The baby looks so angelic. Napakaganda niya. Di tulad ng ina niya nasa malayo pa lang ay nangingibabaw na ang mga sungay sa ulo.

Napahawak ako sa ulo ko nang maalala na naman si Adara. She's been calling me nonstop since the day Sam took over the case of Pablo. At sigurado akong nabalitaan na rin ng kaibigan ko ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Sam. Pati si Tito Daryl at Tita Yuka bigla akong gustong makausap noong isang araw pero ni isa sa kanila ay wala akong pinagbigyan. Feeling ko kasi magmumukha lang ako lalong kawawa sa paningin nila. Kahit nakakahiya tuloy ay sinabi ko na medyo busy ako at tatawagan ko na lang sila kapag nagkaroon ako ng libreng oras. And they were too kind to understand me naman. They even told me to call them if I need any help or what.

Haaay. Sana hindi na lang sila naging gano'n kabait sa 'kin para hindi ako nanghihinayang ng ganito sa kanila. Ang swerte ni Adara.

"Shit." Napabangon ako bigla at napaupo. "A-ang baby Tammy ko..."

Napahilamos ako ng palad sa mukha ko. Hindi naman pwedeng isama ko siya dahil baka manibago lang siya sa paligid at magkasakit. At saka hindi ko rin siya maaasikaso ro'n nang nagta-trabaho ako. Putek. Naisubsob ko tuloy ang mukha ko sa unan sa sobrang stress sa baby ko.

Akin naman 'yun, e. Sa kanya lang nakatira pero sa 'kin si Tammy kahit pa galing 'yon sa kanya. Willing ko namang ibalik lahat ng ibinigay niya. Maliban lang kay Tammy. Pero paano?

Bumangon ako at kinuha ang bag ko. Inipon ko 'yung mga dapat kong ibalik sa kanya bago ako umalis. Yung wristband, kwintas, at yung...engagement ring.

Mag-a-alas dose na ng gabi nang mag-decide akong umakyat. Dahan-dahan pa 'kong lumabas ng kwarto dahil baka marinig ako ni Kairo. Malakas pa naman ang pandinig no'n sa kahit anong uri ng kaluskos.

Pagdating ko sa tapat ng unit niya, kabado muna akong lumunok. Nanlalamig at medyo nanginginig pa ang kamay ko na pinindot ang doorbell niya. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pintuan at nakita ko ang gulat na mukha niya.

He just stared at me and didn't say anything. Gumilid siya ng kaunti para bigyan ako ng daan papasok. Agad na sinalubong ako ni Tammy at halos tumalon ito papunta sa 'kin nang makita ako. Naluluha kong niyakap ito ng mahigpit.

"I miss you, baby ko." Hinalikan ko ito ng paulit-ulit. Nanatili akong nakatalikod kay Sam dahil ayokong makita niya 'kong umiiyak. Huminga ako ng malalim at humarap sa direksyon ng dati kong kwarto. "I just need to talk to Tammy. Then we will talk after." I tried not to sound like I just cried and mukhang nagawa ko naman.

Dumiretso ako ng lakad at pumasok sa kwarto. Ni-lock ko ang pinto bago dinala si Tammy sa kama at tuluyang iniyakan.

"Sorry, Tammy, if ngayon lang ulit nagpakita si mommy." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko habang tinititigan niya 'ko na parang alam ang nararamdaman ko. Sinabi ko sa kanya ang plano ko habang hinahaplos ang ulo niya. Tahimik lang siyang nakikinig.

"Aalis si mommy, pero hindi ibig sabihin hindi kita love. Sobrang love na love kita, Tammy. Kaya habang wala ako you have to stay healthy and happy, okay?"

"Arf! Arf!"

"Good boy naman niyang baby ko na 'yan!"

"Arf!" bigla itong tumayo at dahil medyo tumangkad na ang baby ko ay abot na abot na nito ang mukha ko. Pinagdidilaan ako at hindi ko tuloy napigilan ang mapahagikgik dahil sobrang nakakakiliti ang malambot niyang dila!

"Ang bigat bigat mo na. Baka pagbalik ko maunahan mo pa 'kong mag-asawa? Wag ka munang mag-jo-jowa, ha?"

Inayos ko muna ang sarili ko para 'di masyadong halatang heartbroken ako. Buti pa siya mukhang okay. Sana ako rin gano'n. Kaso ang laki ng diperensya, e. Hindi totoong minahal niya 'ko habang ako...halos buong mundo ko ang ibinigay ko sa kanya.

Ugh. Pucha. Ang tanga kase.

Huminga ako ng malalim at mariing pumikit dahil pakiramdaman ko may bombang sasabog na naman sa dibdib ko anumang sandali. Ayoko ng pakiramdam na 'to pero wala akong magawa para tulungan ang sarili ko. Masyado akong lunod.

"My gosh, Portia. Please lang 'wag mo nang pagmukhain pang tanga ang sarili mo sa harapan niya. Wag kang iiyak...please. You're brave, right? Hindi ka mahina, Portia Deanna. Don't ever...ever forget that."

Paulit-ulit kong pinagsabihan ang sarili ko sa harap ng salamin hanggang sa kumalma na ang puso ko at tingin ko ay ready na 'kong lumabas. Mabigat ang mga hakbang ko na binuksan ang pinto. Pagbalik ko sa sala ay nakaupo lang siya at mukhang hinihintay na 'ko. He's on his white shirt and sweatpants, but his emotionless face makes him more intimidating. I sat on the couch on his left.

"I didn't come here to beg you so you have nothing to worry." He just gave me a slight nod. Napakalupit talaga. "Gusto ko lang na ibalik sa 'yo ang mga 'to."

Ipinatong ko sa coffee table sa harapan namin ang isang maliit na kahon. Saglit niya 'kong sinulyapan bago kinuha iyon at binuksan. Napatitig siya ro'n nang ilang segundo nang buksan niya ito.

"You don't need to return these." He pushed the box back to me.

"Why not?" The corner of my lips lifted a little. Kinuha ko iyong kwintas at wristband. "You just gave me this necklace so you know my exact location because you were worried then. And you gave me this wristband too so you would know immediately if I was in danger." I felt something forming inside my throat kaya agad na binitawan ko ang mga hawak ko. Tears also started to block my sight so I immediately looked away to wipe them quick. Pero nakangiti kong ibinalik ulit ang tingin ko sa kanya. "Binigay mong lahat 'yan para protektahan ako kaya bakit ko pa itatago? I don't think there's still reason for me to keep those. Dahil kahit ulanin pa 'ko ng death threats at patayin bukas, you should not bother yourself about that anymore."

Sunod kong kinuha 'yong engagement ring. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang mga luhang nagbabadya na naman mamuo sa mga mata ko. Nakayuko akong nagpatuloy habang hawak iyong singsing.

"...And this ring. This symbolizes the love I thought you had for me. But that love wasn't even real kaya tama lang siguro na ibalik ko 'to sa 'yo."

"Portia—"

"Don't give me words that might just confuse me again, Sam," I cut him off. Pinunasan ko ang magkabilang pisngi ko gamit ang likod ng palad ko bago siya ulit hinarap. "Sorry for witnessing me cry again. Akala ko hindi na 'ko iiyak sa harapan mo kaso tangina ang hirap pa lang magpigil ng iyak. But don't worry." I gave him a fake smile. "Aalis na rin naman ako kaya ito na ang huling beses na makikita mo 'ko nang ganito kahina."

I didn't expect the reaction his face showed me.

"A-are you leaving? Saan ka pupunta?"

"Sa lugar kung saan wala ka. Yung malayo sa 'yo."

"Portia, you don't need do this. You don't have to reach this point just because of me."

"But I have to do something to save myself, Sam. And this is the only way I can think of." Sunud-sunod na ang pagpatak ng mga luha kong hindi ko na napigilan pa. Ang sikip sa dibdib tangina. "Para akong mamamatay araw araw sa sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko kayang manatili sa lugar kung saan nakikita kita. I was like a ticking bomb that is always ready to explode whenever you're near and it's too dangerous for me. It's just a matter of second before you completely destroys me."

Natahimik siya sandali baho tumango.

"If that's what will make you feel better...then go do it. I know how strong you are so you can easily get through it."

What a cold-heartless jerk. Wala talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko. Napakamanhid niya.

My hands trembled as well as my lips. My eyes started to well up too, but I still forced myself to smile.

"Bakit ba kasi hinayaan mong humantong pa tayo sa ganito? D-do you really hate me that much? Parang ang laki ng galit mo sa 'kin, e. Sana diniretso mo na lang ako kung fuck buddy lang ang kailangan mo. I might even consider that kaso..." Isang luha na nakatakas mula sa mata ko. Nasundan pa ng isa...hanggang sa hindi ko na mabilang ang dami ng mga luhang magkakasunod na nahulog. "Bakit kailangan mo 'kong paniwalain na mahal mo 'ko?"

"I'm sorry..."

I sobbed. "Y-you even fucking proposed then suddenly you will tell me you really didn't love me. That's too evil, you know? Pinangako mo sa 'kin na hindi mo 'ko iiwan...na mahal na mahal mo 'ko. Tapos kung kelan nasanay na 'kong lagi kang nasa tabi ko at saka mo naman ako biglang bibitawan."

Napatakip ako ng mga palad sa mukha ko. Tuluy-tuloy na sa pag-agos ang mga luha ko hanggang sa tuluyan na 'kong humagulgol sa harapan niya.

"H-hindi ako handa, Sam." I shook my head while still crying. "Hindi ako handa sa ganitong klase ng sakit." Eveything was too sudden.

Sa totoo lang, minsan nang sumagi sa isip ko noon ang tanong na paano kung dumating ang araw na hindi na niya 'ko mahal? But I ignored that just because he is Sam—he was my Sam.

"I was so wrong for causing you this pain. I'm really sorry, Portia. I really shouldn't have let it lead to this. It's all my fault."

Imbes na gumaan ang pakiramdam ko sa paghingi niya ng tawad, mas lalo lang akong napaiyak ng husto. Dahil isa sa pinakamahirap gawin sa mundong ito ay ang pakawalan ang taong mahal mo. Ayokong gawin 'to dahil alam ng Diyos kung gaano ko kamahal ang lalakeng 'to. Pero handa akong bitawan siya at panoorin siyang matalo kahit maging sanhi pa 'to ng pagkawasak ko. Because just like what I told him before, destroying him means destroying myself too.

"May kasalanan din naman ako kung bakit ako nasasaktan ng ganito." Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Nag-angat siya ng tingin. His gaze looked so wicked, but I bravely met them and smiled. "Masyado akong nagtiwala sa 'yo."

I turned my back on him as another tear escaped my eye.

"Goodbye, Sam."

I love you and I will keep on loving you from a far until I can no longer remember the feelings I had for you.

***
Angel's note: haaaaay. Wawa naman bb Porksha natin. Bigyan n'yo nga ng advice 'yan at pagsabihan n'yo 'yang Attorney n'yo. Amp! Hahahaha.

Kabanata 54 to 74 are now available on Patreon. Subscribe now for only $3. :)

Continue Reading

You'll Also Like

12.1K 489 17
Julia don't believe in love, not until Aries effortlessly sent her tingling sensations. Eventually, even without trying, she fell. Aries Chase was th...
134K 2.6K 39
[Completed] Will Khloe ever find a happiness for her child or will she also find a lifelong love that she's dreaming of? She was once made a mistake...
255K 5.1K 57
Qetsiyah Amara Sillo is a MedTech student, while going home at her apartment, she saw a man full of blood. She helped him and bring him over at her p...
1M 32.1K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...