(Sky Series #2) Fall Inlove W...

By pinky_tzuyu16

186 1 1

Sky Series #2: Alirah Jane Natividad is a girl who suffer from the ghost of her past she tried so hard to fig... More

Fall Inlove With The Sky
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8

Chapter 9

13 0 0
By pinky_tzuyu16

#FILWTS09 CHAPTER09

Pagmulat ng mata ko may kakaibang pakiramdam akong naramdaman, yung pakiramdam na bago sakin. Ngayon ko lang naramdam 

At dahil sa naisip ko na yun bigla ko nalang napagtanto na nakangiti na pala ako

Sandali nga? Nababaliw na yata ako

Kaya ay sunod sunod kong iniling ang ulo ko at bumangon mula sa kama ko, pagkatayo ko agad kong kinuha yung cellphone ko para tingnan yung oras

5:00 am

Sunod kong tinungo yung c.r para makapagsilpiyo. Pag bukas ko mukha niya ang una kong nakita na tila ba ay payapang natutulong nilibot ko ang tingin ko upang makita ang kabuuan niya

Tyaka ko lang napagtantong matagal na pala ako sa kanya ay nakatitig ng magsalubong ang tingin niya, dahan dahan nalang siyang nagmulat ng mata paraan upang magtagpo ang tingin namin dalawa

Ilang segundo rin ang inabot bago niya mapagtanto ang sitwasyon. Agad agad din naman siya bumangon at inayos ang sarili ng kaunti at tila ba'y hindi mapakaling nakatingin sakin na minsan mo lang mababakas sa mukha niya

"Sorry. Gagamitin mo ba yung C.R sorry uli ha aayusin ko lang yung mga pinaggamitin ko" Sunod sunod na hingi  niya ng tawad na hindi naman kailangan

Talagang diyan nga siya natulog. Lakas

Bakit ba parang balisa siya? Hindi naman siya ganyan kasi madalas ay ang kapal ng mukha niya na para bang wala ng hiya sa katawan

"Sige" Sa dami ng gusto kong sabihin 'sige' lang ang nasabi ko

Hay lagi nalang

Pagkasabi non ay tumungo ako sa mesa para hintayin siyang matapos. Mayroon akong nakitang bag na nakapatong sa mesa at sa tabi non ay cellphone kay Chase siguro to

Sakto naman nung nakatingin ako sa cellphone ay bigla yung umilaw

At may isang text message akong nabasa.

FROM: Bruhilda

   Good Morning, Darling. May utang ka pa sakin hehe. Eat your breakfast and mapahinga ka rin wag puro trabaho. Always remember na i'm here lang always I love you take caree

 Matapos mabasa yun ay napatingin ako sa bandang C.R alam kong may sapak sa ulo si Chase pero nasobrahan na talaga siya sa katangahan para lagi nalang baliwalain ng ganon si Celestine lagi

Pero malay ko rin naman baka sweet din naman siya kay Celestine minsan kasi ganon yung mga magkakarelasyon

Pero bakit ko ba iniisip yun!?

"Okay na"

"Ay bobo!" Nasigaw ko sa gulat ang lalim kasi ng inisip ko tas bigla ng magsasalita diyan

Halatang pinipigilan niya ang sarili niya matawa kaya nag iwas nalang siya ng tingin. Wala ba siya sa mood? 

Hindi naman kasi siya ganyan umasta e

"Nag tataas ka pala ng boses?" Takang tanong niya

"Oo naman" Sagot ko 

"Salamat pala sa pagpapatulog sakin dito, alis na ako" Ani Chase at nagsimula na siyang mag ayos ng gamit niya 

Tumango lang ako

Hindi pa ako makaligo nandito pa kasi siya

Masasabi ko pa rin na hindi ko pa siya pinagkakatiwalaan

Lilingunin ko pa sana siya uli kaso naka alis na pala siya, ang bilis naman?

---

Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinggan kasi dito na ako naka-assign hindi na sa cashier

"Sayang hindi ko naabutan si Kuya Evan dito pala siya nagtatrabaho noon, sayang" Bigla bigla nalang talaga siyang nagsasalita sobrang daldal niya. Pero kilala niya si Chase? 

"Mabuti lang yun" Wika ko

"Ang sama, alam mo crush ko lang si kuya Evan hindi lang kasi siya gwapo napaka ganda pa ng boses niya!" Sang-ayon naman ako sa sinabi niya pwera sa gwapo si Chase

Tyaka bakit ang daming may gusto sa kanya e parang normal lang naman siya sakin

Hindi, mali hindi pala siya normal!

Abnormal nga pala siya.

"Mag trabaho ka nalang, Nyx" Sabi ko para naman tumigil na siya lagi nalang siya maingay pero ang nakakaasar sakin lang siya ganyan kadaldal hindi niya ba alam na sawang sawa na ako sa kadaldalan niya?

Nalingon ko naman yung gawi niya kasi natigilan siya at pagtingin ko sa kanya at naka nga nga pa ito. Ano na namang kabaliwan ang pinaggagagawa ng babae na ito?

"Tinawag mo ba ako gamit ang pangalan ko?" Takang tanong na para bang hindi makapaniwala sa narinig

Tumango lang ako.

"Halaa! Grabee isa pa nga!" Hirit niya pa pero hindi ako kumibo at hindi siya nilingon

Ganon ba ka big deal sa kanya yun?

"Grabe na ito, minsan napapaisip ako kung tao ka ba talaga? Sobrang dalang mo kasing magsalita tapos sobrang tipid pag nagsalita ka na paano mo nakakaya yun?" Daldal talaga napapaisip din ako kung normal pa ba siya? kasi sobrang daldal niya yung tipong lahat yata ng nasa isip niya sinasabi niya

Hindi ba napapagod bibig niya?

"Hindi lang ako interesadong kausap ka" Sagot ko. 

Ayoko rin na mapalapit pa sa kahit sino

"Grabe talaga sige hindi na kita kakausapin" Banta niya pero halatang nagpapa-awa lang siya 

Bakit ba kasi gusto niya laging kausap ako e wala nga akong pake

At ayokong magsalita

Hindi naman ako madaldal

Sa kanya lang

Sana kung nasan man yung taong yun ayos lang siya at makita ko na sana siya uli

"Minsan nalang hehe" Alam ko naman na hindi talaga siya magpapaawat sa pagiging madaldal

Nung matapos ang trabaho ko diretso ako agad sa Velestial Academy second day palang kaya wala akong balak na ma-late

Tatawid na sa ako papasok sa gate nang mayroong humintong kotse sa harap ko kaya napaatras pa ako ng kaunti at laking gulat ko kung sino yung lumabas sa kotseng yun

Bakas din ako gulat sa mukha niya ng makita ako sa harap niya, pero napatingin ako sa guard na lumapit sa kanya pero hindi tulad ko hindi nawala yung tingin niya sakin

"Sir sa usual spot po?" Tanong nung guard, natatandaan kong guard ito dito sa Velestial Academy dahil nakita ko siya kahapon nung pumasok ako

Tumango lang si Chase at may parang susing binigay sa guard nasigurado kong susi yung dahil ang sunod na ginawa nung guard ay minameho yung kotse paalis

"Wala kang balak pumasok?" Tanong niya kaya natauhan ako "Akin na nga yan" Sambit niya pang muli sabay agaw sa nung bag ko hindi ko naman napansin na kukuhanin niya yun masyadong biglaan, at parang wala pa ako sa sarili

Sinukbit niya sa balikat niya bag ko at nagsimula nang maglakad. Nung makabawi ay hinabol ko siya upang agawin yung bag ko 

"Wag mo na kunin ayos lang naman sakin, wag kana mahiya" Wika niya habang mayroong ngiti sa labi niya

Sinamaan ko ng tingin

"Pwes, para sa akin hindi ayos" Sagot ko at sinubukang kunin yung bag kong muli pero masyado siyang matangkad kaya mas lalong mahirap agawin sa kanya yung bag

Puro lang yata kalokohan nasa utak nitong lalaking ito at pati ako nadadamay sa kalokohang iyon

At mukhang yung bag ko ang target niya ngayon

"Ayos lang talaga, ito naman ganyan ka bang mahiya? Nako Alirah naman ako lang to" Pang-aasar niya pa at diretso parin ang lakad na parang wala lang sakanya yung pang aagaw ko ng bag ko mula sa kanya

Tangkad kasi nahahawakan ko naman yung bag ko pero hindi ko maagaw ng tuluyan

Mukhang hindi ko napansin na narating na pala namin yung room namin dahil nandito na kami sa harap ng pinto ng classroom namin

Natulala ako ng mapagtanto yun at naramdaman yung pagod malamang ay dahil sa pag agaw ko sa bag ko kanina. Nakakainis

"Ito na bag mo, Welcome" Sambit niya sabay abot sakin ng bag ko at tumungo na papasok sa classroom namin

Medyo hingal pa akong naiwan sa labas nakakainis naman

At! hindi naman ako nag thank you ah bakit siya nag-we-welcome? At kahit kailan hindi ako mag papasalamat dahil hindi tulong ang ginawa niya pangiinis!

"Hindi ka pa papasok?" Rinig kong sabi mula sa likuran ko at nung lingunin ko yun para makita kung sino yung nagsalita ay isang lalaking mayroong matamis na ngiti sa labi ang nakita ko

Medyo napa-awang ang labi ko nung makita siya

Hindi ko rin alam.

"Kaiser?" Tawag ko rito

"Hmm? Bat nandito ka pa sa labas? Wag mong sabihing nahihiya kang pumasok?" Sunod sunod na tanong niya kahit kailan talaga mukha siya anghel lalo pa ngayon at nakangiti siya

Normal pa ba sa ito para sa isang tao?

Madalang akong humanga sa isang lalaki dahil ayoko sa mga lalaki

Pero iba siya. Iba

"Ah hindi. " Tanging na sagot ko sa mga tanong niya

Nangiti lang siya

Mauuna na sana siyang pumasok nung bigla niya akong lingunin muli

"Panyo. " Sambit niya sabay abot sakin nung panyo niya at kasunod ay tinuro yung noo ko

Tyaka ko lang napagtantong pinagpapawisan pala ako. Dahil siguro sa paghabol ko kay Chase

Tinanggap ko naman yung panyo

"Salamat" Tipid kong pasasalamat

"Pagpasensyahan mo na si Evan na suspend kasi siya last year at mukhang na excite mag-aral ngayon at sayo pa yatang napiling ibuhos lahat ng atensyon niya" Kwento niya. Pero hindi ba itatanong ni Chase kung gusto ko yung atensyon na yun!?  matapos ay tumawa siya hanggang sa mawala yung mata niya

Ano na ngayon yung salitang yun? 'Cute'?

Ang cute niyang tingnan habang tumatawa ng ganoon

Gusto ko ring ngumiti pero..

"Kanina pa kita hinihintay pumasok bakit ba ang tagal mo?" Nang bigla siya lumabas muli kaya biglang nawala yung ngiti pinagpaplanuhan kong iguhit sa labi ko kanina

Panira.

"Kaiser? " Takang tanong niya nung makita si Kaiser

"Pasok na ako" Wika ni Kaiser at nagsimula nang maglakad at nung matapat kay Chase ay pinatong nito saglit ang kamay niya sa kaliwang balikat ni Chase at nilagpasan din ito bigla

Matapos ay sakin siya mula tumingin

"Hoy babae wala ka ba talagang balak pumasok?" Sambit niya magsasalamat na ako ng marami kapag natapos ang isang araw na hindi niya ako pinapansin "Sige sasabihin ko sa prof natin na i-absent ka na" Dagdag niya pa napairap lang ako at nilagpasan siya

At simpleng pinunas yung pawis ko gamit yung panyong inalok ni Kaiser sakin kanina

Ang bango non.

Papunta na ako sa upuan ko ng mapunta ang tingin ko kay Eira na saktong nakatingin din sakin pero nung makita niyang napatingin ako sa kanya ay dali dali siyang nag iwas ng tingin

Anong problema niya?

Akala ko ay tapos na ang kalbaryo ko pero bigla ko na namang naramdaman yung presensya niya mula sa likuran. Pero hindi ko yun pinansin at tinungo yun upuan ko pero naalala kong sa likuran ko lang din pala siya nakaupo

Malapit ko na talagang ipagdasal na sana ay kahit isang araw lang ay walang Chase na parang asong laging nakabuntot na mukhang tangang bobo

"Good afternoon, Alirah!" Bati ni Celestine sa tabi ko na siya nakaupo ngayon

"Hi" Tanging naisagot ko

Dahil bigla kong naalalang sa apartment ko nga pala natulog si Chase kagabi at parang kasalanan ko yun sa kanya

"Hello Good Afternoon, Med-A" Mayroong biglang pumasok na grupo ng mga tao pero mukhang estudyante lang din naman sila

"Music Club kayo hano?" Paniniguradong tanong nung Loki

Kahit naman wala akong balak kaibiganin sila o kaya ay kausapin man lang ay hindi ko maiwasang maalala yung mga pangalan nila dahil bawat isa sa kanila ay maiingay at laging laman ng usapan

At madali pa naman akong makatanda ng mga bagay bagay.

"Yes po" Sagot nung Leader siguro nila

Mayroon pa palang Club dito?

"Sobrang higpit ng sched tas may club club pa?" Manghang tanong ni Loki

"Optional naman po ito, kung gusto at mahal niyo po talaga ang music at alam niyo po yung bagay na tinatawag na time management ay bagay at pasado po kayo sa club na ito" Tila ba inis na sagot nung leader ng club pero wala pa rin akong pake kahit pa magbasagan sila ng bungo diyan sa harapan ko

Tila ba'y hindi makapaniwala si Loki sa narinig at mukhang kahit anong oras ay handa na siya manakit

Siya naman nanimulang mang-gago sinabay lang siya pero mukhang hindi niya kinaya?

"Kindly write your name and contact number nalang po dito if gusto and willing po kayong mag join sa amin. " Wika nung leader at mayroong papel na nilapag sa teachers table

Kung ako lang din ang tatanungin sa sobrang dami kong ginagawa sa buhay at wala akong paki-alam sa mga bagay na ganyan. Intindihin lang yan at pa-epal sa oras ay hinding hindi ako sasali sa ganyan

At pinaka important hindi ako marunong kumanta o kahit gumamit man lang ng instrumentong ginagamit sa pagkanta

Nagulat naman ako nung tumayo si Chase pero medyo inasahan ko na rin kasi narinig ko na siyang kumanta at talaga namang magaling siya sa bagay na iyon

Sunod na ring tumayo yung isang babaeng sakto lang ang tangkad mahaba ang buhok niya na itim na itim ang kulay nito mayroon din siyang bangs pero ang pinaka mapansin ko talaga ay ang walang buhay niya mga mata

Ganoon din dati ang mga mata ko pero mula nung dumating si Chase kahit ayaw ko ay nagkakaroon ng ekspresyon ang mukha at mga mata ko

Pero kadalasan naman ay galit at inis lamang.

"Okay so tingin ko yung lang ang mga gustong sumali. A total of three people our team will be contacting you on the following days. Thank you and have a lovely day especially you Mr. Loki" Wika nito at umalis na parang mga bata naman simpleng ganon lang akala mo naman nakakamatay yun?

"Gunggong! Pumiyok ka sana!" Sigaw ni Loki pero naka-alis na ang mga iyon

Pero saglit bakit tatlo daw ang sumali e si Chase at yung isang babae lang naman yung nakita kong tumayo upang magsulat doon sa papel pero baka hindi ko lang napansin yung isa

Bahala nga sila.

Wala akong pake.



Continue Reading

You'll Also Like

28.5M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
635K 39.6K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.1M 84.7K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...