Feelings that can't Ignore [D...

Door nctwayzenkei

2.5K 130 89

Tagalog Fanfic of JaeYong (NCT rather) After 5 years of being together, Jaehyun and Taeyong broke up. Pero bu... Meer

FOREWORD
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 4

106 6 3
Door nctwayzenkei

Sama-samang nagpapalipas ng oras sina Donghyuck, Renjun, Xiaojun at Kun sa ilalim ng isang puno malapit sa building nila. Pareparehong arts ang course nila at nagkataon na sabay ang vacants nila. 2 hours kay Kun at pareparehong 1 hour yung tatlo.

"Bat di mo kasama si Winwin?" Xiaojun asked Kun habang nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook. Baka kasi gumagawa ng lyrics.

"Chismoso ka na din ha Xiaojun."

"Grabe tinatanong lang eh." Sagot naman ni Xiaojun kaya pinisil na lang sya ni Kun sa pisngi.

"May klase nga. Bakit ba kapag wala si Winwin sakin agad tinatanong?"

"Eh kasi hyung bestfriend mo yon." Sabat ni Renjun habang kumakain ng tinapay. "Hoy Donghyuck muka kang tanga." Sabi nya nang makita nya itong nakatulala na animoy wala din sa sarili.

Kahapon pa syang lutang actually.

"Mas tanga ka. Mangongopya na nalang hindi pa ayusin ng tingin tapos kapag bumagsak penmanship ko sisisihin."

"Kapal ng mukha nito. Kailan ako nangopya sayo?" Ngumiwi si Renjun saka umayos ng upo. "Pero seryoso muka ka ngang tanga. Bakit ba ganyan mukha mo?"

"Baka kasi nag-away sila ni Sungchan? Di mo pansin? Nag-iiwasan kaya sila kagabi."

Napatingin si Donghyuck kay Xiaojun.

Grabe, lakas naman pala makaramdam. Hindi na nga sya halos lumabas ng kwarto nya, napansin pa nya yun?

"Si Donghyuck nang-away pustahan tayo." Hamon ni Renjun.

"Samang ugali talaga nito. Alis nga!"

"Alam mo beh, pwede mo naman sabihin samin yan eh nang hindi puro buntong hininga ang ginagawa mo jan." Kun advised. Tumango naman si Xiaojun.

"Sasabihin ko naman eh, ayoko lang marinig ni Renjun."

"Tangina neto. Yoko na nga!"

Akma syang tatayo pero hinila sya pabalik ni Xiaojun sa tabi nya.

"Spill the beans. Dali na, malay mo makatulong kami."-Kun.

"Paano kung hindi?"

"Well, at least nailabas mo. Minsan kasi hindi mo kailangan ng advice, yung taong makikinig ng hinaing mo sa buhay lang, sapat na." -Xiaojun.

"Tama." Tumango si Kun.

Huminga ng malalim si Donghyuck bago magsalita.

Kesa nga naman sarilihin nya to, baka mabaliw na sya ng tuluyan.

"About nga kay Sungchan. Pero hindi kami nag-away okay?"

"Eh ano?" Tanong ni Renjun sabay kain ulit ng tinapay. Hindi nya inaalok si Kun kasi sabi nito magdadiet sya, kapag kasi sya kumain walang pigilan eh.

"Umamin sya sakin na gusto nya ako." Nahihiyang sabi ni Donghyuck.

Natigilan naman parepareho yung tatlo. Maging ang pagkain ni Renjun ay natigil.

"Yeah. Same reaction ko kahapon. Oo super nagulat ako dahil hindi ko naman ineexpect yun. He said, hindi ko sya kailangang magustuhan agad. But he'll do anything para magustuhan ko sya. I mean, I lowkey have a crush on him naman pero tangina nakakagulat pa din."

"Seryoso?" Renjun asked.

"Oo. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Sungchan eh."

"Akala ko si Mark ang gusto mo?"- Xiaojun.

Donghyuck scratched his nape. "Oo nga. Pero sabi ni Mark hindi nya pa ako kayang tingnan ng higit pa sa kaibigan."

"Hindi pa? So may chance pa din."- Kun.

"Taray ng bading ang daming lalake. Wag ka, crush din yan nung taga engineering dept na si Chani at yung babaeng criminology na si Karina ba yun?" Banat ni Xiaojun.

"Haba ng buhok ng kupal. Ang gwapo pakinshet. Notice me oppa!" - Renjun.

"Luh, parang gago."

"So anong plano mo Hyuck?" - Xiaojun.

"Hayaan mo nalang si Sungchan na patunayan sayo kung seryoso sya o hindi. Don't think about Mark muna. Like what you've said, kaibigan palang ang turing nya sayo." Sabi ni Kun at hinaplos sya ng marahan sa braso. Ramdam nya kasi yung frustrations ni Donghyuck.

"Yun naman ang plano ko hyung. Mabait naman si Sungchan eh. Pero kasi ayoko syang masaktan dahil alam ko sa sarili ko na si Mark talaga ang gusto ko."

"Let him do what he wants. Wag mo lang itake advatage yun para paselosin si Mark." Sabi naman ni Xiaojun.

"Oo naman no. Hindi naman ako ganun eh."

"Sinasabi ko lang Hyuck. Kilala ko kasi si Sungchan. Minsan lang yun magkagusto, at ikaw pa ang napili nya."

Until now, hindi pa din makapaniwala si Donghyuck na sya yung nagustuhan ni Sungchan.

Bakit sya? Ang dami namang iba jan eh?

Paano kung at the end of the day hindi nya magustuhan pabalik si Sungchan kasi nga si Mark talaga ang gusto nya?

---

"Shuta ang ingay." Sabi ni Taeyong at marahas na ginulo yung buhok nya. Pinagmasdan nya ang paligid, bakit ganito sila kaingay? Hindi na sila high school para mag ingay ng ganito kapag walang lecturer ah?

Nako, stress nanaman sya.

"Hayaan mo na, minsan lang nila magawa yan." Sabi naman ni Yuta. Kaklase nya ito sa isang subject. Yun nga ay yung subject dapat nila ngayon.

"Hindi ko nga matapos to oh."

"Parang tanga ka naman kasi. Sabing next week pa ang pasa nyan eh."

"Gusto ko na nga tapusin ngayon para matutulog nalang ako next week."

"Wow nagpapakaestudyante ka ah, iba talaga nagagawa ng heart break no?"

"Tangina mo ah. Hindi na ako broken tanga." Inirapan sya ni Taeyong.

"Sus, mula nga nung nagbreak kayo bigla kang sumungit eh. Masungit ka naman noon pa pero mas lumala eh. Tatanggi pa eh kilala naman kita."

Huminga ng malalim si Taeyong at sumandal sa upuan nya. Ang sakit nanaman nga ng ulo nya, pinipilit nya kasing tapusin yung mga activities nya bawat subject at mahilig na din syang mag-advance study these days.

Nagtataka nga yung mga bading nyang kaibigan eh, bakit sya nag eexcel?

May maganda din naman palang naidulot sa kanya yung break up nila ni Jaehyun. Dati kasi basta makapasa sya, okay na. Hindi sya ganoong sobrang palaaral unlike ngayon.

Imbis na magmukmok sya, nag-aral nalang sya. Kaya naman may time din syang maglasing gabigabi ng walang inaalalang assignment kasi tapos na.

"Pero alam mo sa totoo lang, nahihirapan pa din akong makita sya Yuts. I'm trying my best to be okay naman and mind my own business, ang hirap pa din talaga eh. Lalo na last month lang yun." He sighs and ruffles his hair at di sinasadyang dumako ang tingin kay Autumn na ngayon ay masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan nya.

Ang ganda nga naman ni Autumn, no wonder nagustuhan sya ni Jaehyun.

"Gets naman kita eh, wag ka mag-alala. Alam kong nahihirapan ka. But you know, saksi kaming lahat kung gano nyo kamahal ang isa't isa nun kaya hindi mo din maaalis samin na umasang bumalik ang dati." Marahang sabi ni Yuta at sumandal din sa inuupuan nya. Kumuha sya ng candy sa bulsa nya at inabot kay Taeyong.

Tinanggap naman nya yun at binuksan sabay kain.

"Sorry to pop your bubble but, hindi na yun mangyayari Yuts."

Yuta smirks. "Uy di ka sure."

"Tsk. Tara na nga, mukhang di na yon dadating si sir." Tumayo na sila pareho sa inuupuan at lumapit kay Jeonghan.

"Oyy pa-attendance kami." Kinalabit ni Taeyong si Jeonghan. Kasama nito ngayon si Sungcheol at Joshua and unfortunately, sila palang tatlo yung pinakamaingay.

"Pasaan kayo?"

"Uwi na malamang." Iritadong sagot ni Taeyong.

"Mainit ulo nyan tol." - Yuta.

"Stress ka nanaman Taeyong eh, oh ayan." Inabot ni Joshua yung papel sa kanya pero pabiro nya ding iniwas.

"Ano ba?!" Sinamaan nya ng tingin si Joshua. Wala sya sa mood makipagbiruan kasi.

"Bakit ba ang sungit mo sakin?"

"Hoy Jisoo bigay mo na baka masapak ka nyan." Sabi ni Jeonghan sa kanya.

"Oo nga oy. Bahala ka, sinabihan ka na namin." Dagdag ni Yuta.

"Bibigay mo yan o sasakalin kita?" Banta ni Taeyong sa kanya kaya wala ng nagawa si Joshua kundi ibigay sa kanya.

"Grabe sya. Alam mo mas bagay sayo nakangiti Tae, mas maganda ka kung nakangiti ka."

"Shuta bat naman kita ngingitian? Close tayo?" Sagot nya kay Joshua at inabot ang papel kay Yuta para mag attendance.

"Pano ba makipagclose sayo? Uhm. Do you play games? Duel tayo minsan, ano?" Joshua rubbed his chin at hinintay ang magiging sagot ni Taeyong. "Matalo manlilibre."

Napaisip naman saglit si Taeyong at tiningnan din si Joshua, mali ata ang pinuntahan nito ah.

"Sure ka ako ang hinahamon mo?"

"Oo, may iba pa bang Taeyong dito? Ano? Laban tayo?"

"Pag-iisipan ko."

"Hoy tara na, may niluto daw si Kun na miryenda dali." Sabi ni Yuta at binalik ang papel kay Jeonghan saka hinila paalis si Taeyong.

"Did you just-" Sungcheol was about to ask pero pinutol sya ni Joshua.

"I did."

"Kapal muks ah. Talunin mo muna si Jaehyun." -Jeonghan.

"Sus. Wala na naman sila ah, si Autumn na ang girlfriend nun no. Di nyo alam?"

"Alam, pero malay mo magbalikan sila?" - Sungcheol

"Grabe naman, wala pa nga akong ginagawa ganyan agad sinasabe. Nakakadown promise."

"Hehe sorry na Jisoo. Tara shot mamaya."

"Tanga. Hindi yan umiinom ha gago." -Jeonghan.

----

Nakababad nanaman si Taeyong sa harap ng laptop nya at nagbabasa ng novel. Well, tinamad sya ngayon mag-aral at habang nagbbrowse sa twitter, nakita nyang may nagrecommend ng isang book kaya naman naisipan nya nalang patulan.

Maganda nga naman. Eto nga oh, nahook na sya.

"Binabasa mo?" Taeil asked, roommate nya to eh.

"Hindi. Kinakain ko." Bored na sagot nya kaya binatukan sya ng malakas ni Taeil. "Shuta aray! Oo nga binabasa ko. Kita naman eh." He pouted habang hinihimas ang ulo na nabatukan.

"Para kasing tanga."

"Aba tanga ka din! Di kita inaano jan ha."

"Kita mo yan, nagsusungit agad hindi din naman inaano."

"Luh, binatukan mo kaya ako. Gusto mo ireply ko sayo?"

"Hoy sama kayo?" Biglang bumukas yung pinto nila at iniluwan nun si Johnny at Hansol.

"Uso kumatok mga kupal kayo." Taeyong rolled his eyes.

"Oo na. Sama nga kayo?" -Hansol.

"Pasaan?"-Taeyong.

"Pa impyerno."

"Pota ikaw nalang Johnny hayop ka."

"Seryoso nga. Tara, punta kaming amusement park. Mamaya ka na mag-aral."

"Yoko. Busy ako. Kayo nalang." Tumalikod si Taeyong at tumuloy ng pagbabasa. Puntahan na nila lahat wag lang dun.

"Baklang to ang KJ." Sabi ni Taeil sa kanya.

"Dali na, sasama pati yung mga anak mo."-Johnny.

"Tinatamad nga ako ano ba. Kayo nalang."

"Ipapabuhat kita kay Jaehyun sige."-Hansol

"Edi wow." Taeyong pero wala pa din syang pakialam.

"Jae! Halika muna saglit."

"Pota sasama na nga!!!" Padabog na tumayo si Taeyong at inismiran yung dalawang dambuhalang dumating. Tatawagin nanaman si Jaehyun eh, kitang nananahimik yung tao parang mga gago.

At ang dalawang walanghiya tumawa pa. Trip na trip talaga si Taeyong.

Kahit labag sa loob na lumabas, walang nagawa si Taeyong kundi ang sumunod. Nakasalubong nya ulit si Jaehyun kanina dahil sabay silang lumabas ng room and there, inulan nanaman sila ng panunukso.

He wonder, okay lang kaya kay Jaehyun na pumunta sya dito kasi may masama at masakit nga silang past na nangyari dito.

On the second thought, malamang okay lang sa damuho na yun. Sasama ba sya kung hindi? Duh.

"Ten para kang tanga. Hindi ako tatakas ano ba?"

"Naniniguro lang. Hehe wag ka na kasi maarte. Gustong-gusto mo kaya sa amusement park."

"Noon yon." He whispered.

Walang idea ang barkada nya na sa amusement park sila nagbreak ni Jaehyun kaya ayaw sana ni Taeyong pumunta dahil maaalala nya nanaman.

Well, hindi naman nila kasalanan. Hindi naman nila alam eh at hindi din naman sinabi ni Taeyong kaya hindi nya sinisisi ang barkada nya.

Dinate muna sya ni Jaehyun dito sa amusement park nato bago sila magbreak ng tuluyan.

"Taro. Halika." Tawag nya kay Shotaro na katabi ni Yuta. Sumunod naman agad ito sa kanya at inakbayan nya.

"Ilayo mo ko kay Ten." Sabi nya dito kaya naman hinampas sya ni Ten sa braso.

"Wag ka makikinig jan Taro. Ang KJ kaya ng baklang yan. Kailangang maarawan."

"Baka madiligan." Sabat ni Lucas sa likod kaya natawa yung mga kumag.

"Tangina mo Lucas mabaog ka sana!"

"Uy wag naman, sayang lahi ko. Magpoproduce pa kami ni Jungwoo ng madaming baby. Diba babe?" Baling nya kay Jungwoo kaya pabiro sya nitong tinampal.

"Parang tanga to."

"Malalandi. Lumayo kayo sakin!"

"Taeyong hyung baka makahanap ka ng jowa mo dito. Since maganda ka naman, hindi ka mahihirapan. Kusa ka nilang mapapansin." Lumapit si Yangyang sa kanya.

"Sinasabi mo jan?" Pinisil nya ito sa pisngi.

"Luh, bat sa kanila hindi ka masungit? Bakit samin?" Reklamo ni Taeil na nasa kabilang gilid.

"Syempre. Sila yung malaki kong support system eh. Sorry kayo." Taeyong rolled his eyes at kumalas sa yakap ni Ten at niyakap si Yangyang at Taro sa magkabilang braso nya.

Sa bandang likod naman, tahimik lang si Sungchan na nakasunod kay Donghyuck. Hindi nya kasama si Mark ngayon since busy pa sya makipagkulitan kay Xiaojun at Hendery.

"Tahimik nyong dalawa ah, may something sa inyo?" Tanong ni Chenle kaya lumingon si Jeno, Jaemin at Jisung sa kanya.

"Anong something? Para kang gago Chenle." Sabi ni Donghyuck. Sungchan chuckled.

"Bat ka galit!" - Jaemin.

"Oo nga. Halatang meron eh." -Jeno.

"Namumula ka pa hyung. Ayiie." Si Jisung naman kaya pinagsasamaan sila ng tingin ni Donghyuck.

"Bitch mind your own business."

"Okay lang kami." Sungchan winks. "Diba?" He nudge the older.

Nakarating na sila sa amusement park at nagsimula ng tumakbo ang mga youngsters.

"Oh grupo-grupo tayo!"

Mabilis na hinila ni Sungchan si Donghyuck at mahigpit itong inakbayan sa braso para di makatakbo.

"Dito ka lang."

"Tamo, sabi na e may something." -Chenle.

"Kaming apat na. NoMin at ChenJi!"

"Sasama kami ni Yangyang kay Hendery at Xiaojun!"-Renjun.

"Hyuck! Sama kami ni Taro sa inyo." Hinila ni Mark si Shotaro palapit dun sa dalawa.

"Di pwede. Magsosolo kami." Sagot ni Sungchan.

"Huh? Magsosolo?"-Mark

"Uy, ano ba. The more the merrier. Tara, apat tayo." He looked at Sungchan meaningfully at wala ng ibang nagawa si Sungchan kundi sumunod.

Biglang nagkanya-kanya na din sina Ten. Syempre sa jowa nila yan sila sasama. Yung iba kasi jan matik na magpartner na tulad ni Yuta at Hansol, Winwin at Kun.

"Hoy Doyoung!" Tinawag sya ni Taeyong.

"Ano?"

"Subukan mokong iwan dito kalimutan mong naging kaibigan moko bwisit ka."

"Luh epal oh, sorry ka si Taeil hyung kasama ko."

"Bakit ba ang hilig nyong magdikit?" Tanong ni Jaehyun sa kanila pero nag shrug lang si Taeil as his answer. Maging si Taeyong nacurious din kasi napapansin nga nya na madalas magdikit tong dalawang to kapag magkakasama sila.

"Tara na nga hyung." Yaya ni Doyoung kay Taeil pero bago sila makaalis binatukan naman sya ni Taeyong ng malakas at naunang maglakad paalis. Sumunod naman si Jaehyun sa kanya.

"Tangina mo Taeyong!"

"Tangina mo din gago!" Balik ni Taeyong sa kanya.

TAEYONG

"Hayaan mo silang magsolo." Sabi ni Jaehyun habang nakasunod sakin at nakapamulsahan.

Problema nito? Bakit sakin sumusunod? Pwede naman sya gumala mag isa oh kaya tawagan nya yung jowa nya.

"At bakit?"

"Di mo ba nasesense? It seems like Doyoung likes him."

I looked at him confusedly. Joke ba yun?

"Talaga?"

"Mm." He nodded.

Hindi na ako sumagot si at diredirechong lumakad. Wala ako sa mood sa totoo lang mag enjoy sa mga ganitong lugar. Lalo na at dito kami madalas magdate ni Jaehyun, at higit sa lahat ang lugar kung san kami nagbreak. Pota naman eh.

"Are you okay?" Jaehyun asked.

Mukha ba akong okay? Kilala naman nya ako, he should know better.

Sana pala sinabi ko nalang sa kanila para hindi nila ako pinilit. Taena din kasi nitonf isa hindi din nagsasabi sa barkada. Para tuloy akong tanga dito.

Ako lang affected eh.

"Oo, bakit naman magiging hindi?" I said sarcastically.

"I know you. Emotional ka, lalo na at dito natapos ang lahat."

Tangina. Tangina naman talaga.

Bakit ba nila hinayaan na magsama kami?

Mga tanga din kasi, sabing hindi na kami magbabalikan eh mga ulupong.

Hindi ko sya pinansin at lumapit ako doon sa tindahan ng cotton candy.

Sumunod naman si Jaehyun sakin. Mas maaappreciate ko pa kung maghiwalay na kami ng landas ngayon.

"Gusto mo?" I asked Jaehyun pero umiling sya. "Kuya dalawa nga."

"Sabi ko ayoko."

"Hindi naman sayo."

"Eh kanino?"

"Edi sakin." I rolled my eyes. Anong akala nya? Pipilitin ko sya? Hell no.

"I'll pay."

"Wag! Ako na." Pigil ko agad. Eh sa ayoko nga magpabayad eh. Bakit ba?

"Bakit?"

"Anong bakit? Ayoko eh. Itabi mo yan."

"Bakit ayaw mo?"

"Gagawin mo nanaman bang big deal to Jaehyun?" Seryosong tanong ko sa kanya kasi nagsisimula nanaman sya sa kakulitan nya eh.

Ano pa bang gustong mangyari nito?

"Ano bang big deal dun? Tinatry ko ngang maging maayos tayo ng tuluyan gaya nung dati eh, ayaw mo naman makicooperate. Taeyong gusto kong maging maayos tayo."

Shuta kaya ayaw kong kasama to eh. Lagi nalang pinapamukha sakin na okay na sya, na pwede na ibalik yung dati.

"Maayos naman tayo ah. Babalik din tayo sa dati soon, wag mong minamadali tangina."

"Sir ito na po yung cotton candy."

Binayaran ko na agad yung lalaki at hindi ko na hinintay yung sukli at umalis na. Gusto ko ng magwalk out at ako'y napuputahan nanaman kay Jaehyun.

Gago kasi. Palibhasa wala na syang feelings eh, pano naman syempre ako diba?

Hirap na hirap akong kumbinsihin ang sarili ko na nakamove on na ako kahit na hindi pa naman. Nasasaktan pa din ako kada makikita ko sya.

Tapos ngayon pilit nyang binabalik sa dati ang lahat as friends, kaya ko naman yun pero tangina wag nya akong minamadali kasi masakit pa. Hindi naman instantly yun eh. Isa pa, hindi ko na naman sya pinapakialaman.

Kakamadali kong lumakad, di ko napansin na may nabangga ako.

"Taeyong?"

Shuta si Autumn.

Great. Makakaalis na ko.

"Oh, babe!" Kinawayan nya si Jaehyun at tumakbo palapit sa kanya.

"Pakisabi sa kanila umuwi na ako." I told him bago tuluyang umalis.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

123K 5.6K 25
Desperate for money to pay off your debts, you sign up for a program that allows you to sell your blood to vampires. At first, everything is fine, an...
462K 16.6K 95
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ’œ my first fanfic...
330K 19.1K 72
Y/N L/N is an enigma. Winner of the Ascension Project, a secret project designed by the JFU to forge the best forwards in the world. Someone who is...
432K 17.6K 61
โ•ฐโ”ˆโžค *โ‹†โ ๐ข'๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐ง๐จ๐ญ ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž ๐ฆ๐ฒ ๐œ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž ๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐š๐ฌ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ญ๐ข๐ฆ๐ž-๐›...