South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.4M 744K 403K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!

Chapter 36

169K 9.6K 2.9K
By JFstories

AH, NAG-INOM. Baka kaya ako hinatid dahil may plano na rin siyang pumunta kina Isaiah that night. Nataon lang talaga na pauwi rin ako ng Cavite kaya isinabay niya na ako. Ang dami ko pang pinag-iiisip, iyon lang pala ang dahilan.


"Inindian mo ako!" ang tinis ng boses ni Carlyn nang sagutin ko ang call niya. Hindi na kasi ako sumunod sa SM Rosario kahapon.


"Sorry na, hindi ko maiwan si Tatay Bear e. High blood na naman kasi siya kahapon. Ano bang nangyari? Umuwi rin ba kayo agad ni Baby Boy?" tukoy ko sa inaanak kong may pinagmanahan ng kakulitan.


"Mas high blood ako, girl!" Hindi nagbago ang tinis ng boses niya. "Pag-uwi ba naman, hayun lasing pa rin ang ulirang ama ng inaanak mo! Magkayapos pa ng pinsan niyang hilaw! Ang mga leche, ako pa talaga pinagligpit ng mga kalat nila!"


Hindi ko makuhang matawa dahil hindi ko ma-imagine si Arkanghel sa ganoong sitwasyon.


Ang laki na kasi ng ipinagbago niya. Bukod sa lalo siyang gwumapo, napakaseryoso na ng dating niya para sa akin. Hindi ko siya makitang ganoon na lasing na lasing. Saka bakit nga ba siya naglasing?


Sobrang namiss ba nila ni Isaiah ang isa't isa kaya nagparty-party silang dalawa? Hay, ang hirap iimagine. Kahit nga yata iimagine ko na ngingiti si Arkanghel ay hindi ko magawa. Nakapaskil na sa isip ko na seryoso lang palagi ang reaction niya. Kasi ganoon na siya, nagbago na siya.


Masaya ako na kahit nag-iba na ang estado niya sa buhay ay hindi pa rin siya nakakalimot sa pinagmulan niya. Ako lang naman kasi yata ang nakalimutan niya.


Bumaba ako para uminom ng tubig sa kusina. Natutuliro na naman ako pag naiisip ang text message ni Arkanghel. Hindi ko iyon magawang burahin. Wala naman na siyang kasunod na text pagkatapos.


Malamang hindi na iyon masusundan kasi nga nag-inom na nga siya kina Isaiah. Nalasing na siya dahil mula pa man noon ay hindi na siya sanay uminom.


Pero may iba pa ba kaya akong binanggit sa pagtulog ko maliban sa pangalan niya? Wala naman siguro. Hindi ko naman siguro sinabing "Arkanghel, I miss you."


Kung sinabi ko iyon, hindi niya na kailangang mag-inom. Automatic na siyang masusuka right after.


Shit! Napasabunot ako sa aking buhok pagkatapos kong tunggain ang isang basong tubig. Nakaka-stress. Hindi talaga ako mapapalagay hanggang hindi ko alam kung ano ang sinabi ko! Saka kung paano kung sinabi! Ayoko namang magtanong! Ayoko! Ayoko! Mamamatay na ako pero hinding-hindi ako magtatanong!


"Andres?" tawag mula sa labas ng bahay namin ang pumukaw sa akin.


Sumilip ako sa nakabukas na jalousie ng bintana sa sala. Isang babae na nasa mid forties ang edad ang pasilip-silip sa labas ng aming gate. Maganda kahit may edad. Simple lang siyang manamit. May bitbit siyang supot na puno ng avocado.


Si Aling Teresita. Tere ang pangalan pero Tess na lang daw ang itawag namin ni Tatay Bear sa kanya para maiba naman.


Pagkakita sa akin ay agad siyang ngumiti. "Susana, Tatay Andres mo?"


"Nasa kwarto po, nagpapahinga." Nilapitan ko siya. "Para rito po ba 'yan?" Nagtanong pa ako kahit alam na alam ko namang oo.


"Oo. Sobra kasi iyong nabili ng pamangkin ko galing Batangas."


Ilang taon na bang sobra ang nabibili ng pamangkin niya? Sa loob ng ilang taon ay para kaming may libreng monthly supply ng avocado. Though paborito ito ni Tatay, pero kahit naman paborito mo ay kapag madalas, nakakaduwal na rin.


"Thank you po," pasalamat ko nang abutin ang supot.


"Tita Tess," aniya. "Tita Tess, Ineng. Wag mo namang kalimutan. Katagal na e."


"Opo, Tita Tess," nakangiwing sabi ko.


Tanda ko naman ang pangalan niya, naiilang lang talaga akong tawagin siyang "tita" kasi kahit matagal na namin siyang kapit-bahay ay hindi ko naman siya ganoon ka-close. Bihirang-bihira nga kami magkita.


"'Yan. Hindi naman na tayo iba e." Ngumiti siya nang matamis. "Tayka, napapagawi na naman ba rine ang nanay mo?"


Nagulat ako sa tanong niya.


"Pakabihira ko na makita ang sasakyan ng nanay mo na nakaparada dine sa tapat niyo e. Siguro napunta na lang riyan kapag nauwi ka, ano Ineng?" Pumalatak siya. "Dang husay rin, ano? Kung kailan malaki ka na at nakatapos na, saka siya magpaparamdam? Dang husay!"


Nangingiti na lamang ako sa babae. Tuloy-tuloy ang kanyang bibig na kahit yata sumingit ako, hindi rin uubra.


"Pero ayos naman 'yan na nadalaw siya sa iyo. Anak ka naman niya, karapatan niya rin madalaw ka. At karapatan mo ring madalaw niya bilang siya'y iyong ina." Tumikhim siya. "Pero ang iyong sa tatay, 'bay hindi maganda tingnan hane? Di ga't may asawa na siyang bago na taga Indang?"


Naghintay siya ng sagot mula sa akin, good thing dahil nagka-chance ako para idispatsa siya. "Sige po. Kailangan ko na po kasing mag-ayos, paluwas na ulit ako ng Manila e. May pasok na po bukas."


"Ay, sige. Pasabi na lang sa tatay mo na dumaan ako, 'neng?"


"Opo. Salamat po ulit." Tinalikuran ko na siya at bumalik na ako sa loob ng bahay.


Paano naman kaya niya nalaman na may asawa nang bago si Mama? Saka paano niya nasabing hindi na bumabalik si Mama rito maliban na lang kung nandito ako? At bakit alam niya ring taga Indang si Mama?


Nang sumapit ang gabi ay bumaba lang ako saglit para kumain. Pagkaligpit ko ng pinagkainan ay nagpaalam na ako kay Tatay Bear na aakyat na ulit sa kwarto ko. Sa kwarto ay inihanda ko na ang ilang gamit na dadalhin at susuutin ko para sa pagluwas ko sa madaling araw.


Maaga akong aalis bukas para makatulog pa ako bago ako pumasok ng gabi. Nakahiga na ako sa kama nang mag-text si Artemi.


Handsome Artemi:

Ate Sussie, are you free on Tues?


Tumikwas ang isang kilay ko pagkabasa. May kasunod siya agad na text message.


Handsome Artemi:

Mom asked me to invite you to come over on Tues. Around 7 pm.


Napatuwid ang mga binti ko nang mabasa ang sumunod na text ni Art. Pinapapunta ako ni Ma'am Ingrid sa kanila? Bakit? May importante ba siyang kailangang sabihin sa akin?


Hindi ko matanong si Art dahil baka tanungin niya si Ma'am Ingrid. Nakakahiya at nakakatakot din na tumanggi. Though mukhang hindi naman galit si Ma'am Ingrid, natatakot pa rin ako. Paano kung nagbago na ang isip niya at gusto niya na pala na ipakulong si Tatay Bear?


Tinap ko ang reply. Hindi na ako nag-isip ng isasagot.


Me:

Pakisabi na pupunta ako.


Hindi ko off ang Tuesday pero aabsent ako. Pupunta ako sa kanila. Bahala na. Si Ma'am Ingrid iyon e. Hindi ko siya kayang tanggihan.


Sa office the next day ay hindi ako mapakali. Hindi ako makapag-concentrate nang maayos dahil napapaisip ako. Ano iyong kailangan ni Ma'am Ingrid? Bakit niya ako pinapapunta? Bakit bigla-bigla?


Hindi ko mapigilang mag-over think. Iyan, hanggang sa matapos ang shift ko ay tuliro ako. Ang dami ko tuloy mali. First time kong mabulyawan ng CX or client. Mabuti na lang walang call barging sa account namin. Kapansin-pansin naman ang aking pagkalutang. Nasita pa ako ng team leader dahil sa pagka-over break ko. Hanggang sa sumunod na araw ay ganoon ako.


Nagfile ako ng leave para sa mamayang shift. Hanggang matapos ang shift kanina ay hindi ko pa alam kung approve iyong biglaang leave ko. Kulang na kasi sa log in hours tapos queuing pa madalas dahil may bagong bukas na hotel na hawak din ng account namin.


Kung hindi ma-approve ang leave ko ay mapipilitan akong mag-call in. Kapag hindi pa rin pinayagan, mauuwi na tagala ako sa absent o NCNS. No call no show. Sana naman wag, ayaw kong magka-written warning. Kung sakali, first time kong magkakaroon ng ganoon.


"Hello, Hugo?" sinagot ko agad si Hugo nang makita siyang tumatawag. Ngayon na lang siya ulit nagparamdam.


Kauuwi ko lang sa apartment ko at iidlip lang sana ako dahil mamaya lang ay pupunta na nga ako kina Ma'am Ingrid sa QC.


"Nasa apartment ka na?" tanong niya. Hindi ko masabi kung ano ang mood niya ngayon. Casual lang ang boses niya.


"Oo. Kakauwi ko lang. Patulog na ako. Why?" Sumampa ako sa kama at nahiga na habang kausap siya sa phone.


"Nothing. Nasa Manila ako. Baka lang gusto mong magkita tayo."


Natawa ako sa kanya. "Bakit naman tayo magkikita?"


Hindi siya sumagot.


"At ikaw, ha? Akala mo ba hindi kita nakita noong gabi sa Cavite pagkatapos nating magusap doon sa phone? Nakita kaya kita! Nakaparada iyong big bike mo sa tapat ng bahay namin tapos bigla ka na lang umarangkada paalis! Tapos pag-uwi mo pa, nag-inom ka pa raw sabi ni Mrs. Aguilar!"


Napaungol siya sa kabilang linya. Nakikinita ko na siya habang hinihilamos niya ang kanyang palad sa mukha niya.


"Ano ba may prob ka ba ha?" Sumeryoso na ako sa pagsasalita. "Kaya ba gusto mong makipagkita sa akin kasi may prob ka?"


Hindi pa rin siya nagsasalita kaya alam ko na agad na may problema nga siya. Kabisado ko na siya sa tagal naming magkaibigan.


"Kita tayo maya," biglang yaya niya.


"Uhm, sorry. I have work later." Hindi ko sasabihin sa kanya na sa QC din ang punta ko at hindi talaga ako papasok, baka kasi magpumilit siya na makipagkita. Makulit pa naman ito.


"Fine. After your shift tomorrow, I'll drop by."


"Hmn, pwede." Okay na iyon, siya na lang pumunta para hindi na ako masayangan ng pamasahe.


Kailangan kong magtipid. Sunod-sunod na ang gastos ko mula nang birthday ni Art. Tapos mamaya papuntang QC ay maga-Grab car pa ako. Ayaw ko kasing mag-commute papunta. Wala lang. Kinakabahan ako kaya kailangang naka-AC on the way. Baka lang pawisan kili-kili ko, nakakahiya kay Ma'am Ingrid.


Humiga na ulit ako sa kama. Hindi na nagtext ulit si Hugo pero isang oras pa lang yata ang tulog ko nang biglang may kumatok. Mahilo-hilo pa ako nang tumayo para pagbuksan ito ng pinto.


"Sandali!" sigaw ko. Sunod-sunod kasi iyong katok. Parang replay lang itong nangyayaring ito e. Nanggigigil ako.


Nagsampay lang ulit ako ng tuwalya sa tapat ng dibdib ko dahil kinatamaran ko nang magsuot ng bra. Hindi rin ako takot magbukas ng pinto dahil matao naman sa labas ngayong tanghali.


Pagbukas ko ng pinto ay agad pumasok ang matangkad na lalaking naka-black shirt and jeans. Nanlaki ang mga mata ko nang dire-diretso siya sa kama ko at pabalandrang humiga doon.


"O akala ko bukas pa?" Pinamewangan ko siya.


Nakangiti siya nang bumangon at inabot ang kamay ko. "Patulog. Tabi tayo?"


JF

Continue Reading

You'll Also Like

16.3M 25.2K 6
Ako si Tina, isang probinsyana. Lumuwas ako ng Maynila upang mag-aral, para maiahon sa kahirapan ang aking mga magulang. Pero dahil di sapat ang ipin...
737K 37.2K 21
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
1.9M 131K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...