Hades Academy ( Completed )

elyjnxx द्वारा

280K 10.4K 644

Zouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as... अधिक

Hades Academy
Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Epilogue
Author's Note
Book Covers
Announcement

Chapter 9

4.3K 185 9
elyjnxx द्वारा

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 9

Zouie's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Ysa papasok sa aming room habang nag-uusap.

"Sino ba kasi talaga yung inalagaan mo kahapon at hindi ka nakapasok?" makulit na tanong ni Ysa.

Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang totoo.

"Si Vin yung inalagaan ko."

Agad namang nangunot ang kanyang noo.

"Ha? Isa sa mga kaklase mo sa section októ?" tanong niya at tumango naman ako.

"E diba binubully ka nila?" takang tanong niya.

"Oo nga't binubully nila ako pero hindi naman ako ganoon kasama para hindi siya alagaan lalo na't alam kong may sakit siya at mag-isa lang siya." sabi ko at nakita ko naman siyang napangiti.

"Aww. Ang bait mo naman." asar niya sa akin kaya inirapan ko siya habang natatawa.

Hindi namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng room niya.

"Oh siya. Dito na ako." sabi niya at tumango naman ako at tumuloy na sa paglalakad papuntang room ko.

Pagdating ko ay agad akong nilingon ng mga kaklase ko at nagulat ako ng bigla nilang ako batiin.

"Hi, Zouie!" bati sa akin ni Seth.

"Good morning, Zouie!" bati rin sa akin ni Van.

Nangunot ang noo ko dahil lahat sila ay binati ako pwera na lamang sa hudas at doon sa kasama niya dahil wala pa sila dito sa room.

Bakit nila ako binabati? Anyare?

"Anong meron? Anong nakain niyo?" takang tanong ko.

"Hotdog ang nakain ko!"

"Ako naman itlog!"

"Adobo sa akin!"

"Ay wow pre! Sana all!"

Napatampal na lang ako sa aking noo dahil sa kabobohang sagot nila. Hindi naman kasi literal na anong kinain nila ang tinatanong ko.

Napabuntong hininga naman ako bago ulit magtanong.

"Ang ibig kong sabihin, anong nangyari sa inyo? Feeling close lang?" takang tanong ko at napakamot naman sila sa kanilang batok.

"Wala naman, Zouie. Good mood lang kami ngayon." nakangiting sabi ni Asher.

Oh diba. May improvement! Alam ko na yung mga pangalan nila.

Napatango tango naman ako sa sinabi niya. Good mood lang pala sila. Sana palagi na lang ganito yung hindi nila ako binubully.

"Upo ka na dito, Zouie!"

"Oo nga, baka mangawit ka diyan."

"Halika na dito."

Agad namang nagsalubong ang kilay ko dahil sa inaasta nila ngayon.

Anong meron sa upuan ko?

"Anong nilagay niyo sa upuan ko ha?" tanong ko sa kanila at agad naman silang nagtaka.

"Ha? Wala naman kaming nilalagay sa upuan mo ah." nagtatakang sabi ni Alex.

"E bakit niyo ako pinapaupo sa upuan ko?" nanunuring tanong ko sa kanila.

"Alangan namang magdamag ka diyang nakatayo?"

"Ano ka? Statue?"

"Di wag. Huwag kang umupo at magdamag kang tumayo diyan."

Pang-aasar nilang sabi kaya inirapan ko na lanang sila.

Mga bwisit!

Agad naman akong naglakad palapit sa upuan ko at nakita ko na nakatingin sila kaya ng makita nilang nakatingin ako ay agad silang nag-iwas ng tingin.

Sinuri ko ang upuan ko at hinawakan na din. Nang walang nangyari ay umupo na ako.

Bumalik na rin sila sa kanya-kanya nilang gawain at ako naman ay nangalumbaba sa aking mesa.

Lumipas ang ilang sandali at pumasok na rin ang hudas kasama ang kanyang asungot. Pati si KN ay pumasok na rin at agad akong binati.

"Good morning, Zouie!" bati niya sa akin at binati ko rin siya.

"Good morning!"

Agad naman siyang umupo sa tabi ko at hinintay naming dumating ang aming prof pero napag-alaman naming may urgent meeting daw sila.

At dahil wala akong magawa ay nagtake a nap na lang ako tutal medyo inaantok ako.

"Yes! Success!"

"Hahahaha!"

Nakarinig ako ng bulungan pero hindi ko na inabala pang tingnan ito dahil tuluyan ng pumikit ang talukap ng mga mata ko.

Nagising ako ng makarinig ako ng mga maiingay na boses at nakita kong malapit na palang magbreak time pero as usual ay wala pa ring prof dito sa loob.

Mag-iinat na sana ako ng aking braso pero hindi ko maalis ang kamay ko sa mesa. Nakarinig ako ng bungisngisan at nakita kong nakatingin sa akin ang mga depungal habang pinipigilang tumawa.

Doon ko lang napagtanto na kaya pala ganoon na lang ang asta nila kanina ay dahil may ginawa silang katarantaduhan.

Bakit ba ako umasa na maayos na? Mga bwisit!

"Putangina niyo! Alisin niyo ito!" sigaw ko sa kanila at mas lalong lumakas ang tawa nila.

"Can you tone down your voice?" inis na sabi sa akin ng hudas pero inirapan ko lang siya.

"Manahimik ka na lang diyan, Hudas!" inis kong sabi at binalingan ulit ang mga kaklase ko.

"Alisin niyo ito sabi!" sigaw ko pero umiling lang ang mga animal.

Nakita ko namang may tinatago si Van sa likod niya at kung hindi ako nagkakamali ay maaari iyong makatulong sa akin.

Nag-isip ako ng paraan oara makuha iyon at buti naman ay nakaisip ako.

Sana gumana!

"Ang makakapag-alis sa akin dito ay may matatanggap mula sa akin!" sigaw ko at nag-unahan naman ang mga loko sa paglapit sa akin.

Buti naman at gumana!

"Bakit hindi mo agad sinabi?!"

"Oo nga."

"Ako na pre."

"Hindi ako na."

"Kami na lang pre."

Habang nag-aagawan sila ay napangiti naman ako. Hahaha! Mga uto-uto. Narinig ko naman ang hudas sa likod ko na bumulong.

"Tss. Gullible." bulong niya pero inirapan ko naman siya.

Nang mailagay nila iyon ay sabay sabay nila akong hinatak kaya ang ending ay bumagsak kami sa sahig.

"Tangina! Ang itlog ko! Nabasag ata!" daing ni... Van.

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko na mapagtanto kong siya pala ang nadaganan ko at ang malala pa ay nadaganan ko ang ibaba niya.

Agad naman akong tumayo at inayos ang kabuuan ko.

Tumayo na rin sila sa pagkakahiga at nagpagpag.

"Tangina, Zouie! Ang bigat mo pala!" reklamo ni Asher at sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Hindi ko mabigat 'no! Baka payatot ka lang!" inis kong sabi at natawa naman ang mga kaklase ko.

Tumigil naman sila sa kakatawa at bigla silang lumingon sa akin kaya medyo nagulat ako.

"Tinulungan ka na namin. Ano pala yung matatanggap namin?" tanong sa akin Alex at nanlaki naman ang mata ko.

Shit! Oo nga pala!

"Uhm..."

Nag-isip ako ng word kung anong sasabihin sa kanila at nagpapasalamat naman ako dahil may naisip ako.

"Ang matatanggap niyo sa akin ay..."

Talagang hinihintay nila ang sasabihin ko kaya tinuloy ko na at naghandang kumaripas ng takbo.

"Ang matatanggap niyo sa akin ay... isang malaking THANK YOU!" sigaw ko at agad na kumaripas ng takbo.

"Ay gago! Naloko tayo dun!"

"Nauto tayo!"

"Habulin niyo!"

Narinig ko naman ang kanilang mga yapak kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. Nilingon ko sila at nakita kong malapit na nila akong mahuli kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.

"Sige lang, Zouie!"

"Takbo ka lang!"

"Huwag kang magpapahuli sa amin!"

Sigaw nila kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

At dahil nililingon ko sila dahil baka maabutan nila ako ay hindi ko namalayang pader na pala ang makakaharap ko.

Sobrang bilis ng pangyayari at namalayan ko na lang na nakahiga ako sa sahig habang umiikot ang paningin ko. Naramdaman ko ring may umagos sa noo ko na malapot na likido. Nandidilim na rin ang paningin ko at hindi ko magawang tumayo pa.

"ZOUIE!"

Ang huli ko na lang na narinig ay ang pagtawag nila sa pangalan ko.

Then everything went black.

To be continued...

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
1.2M 35.8K 53
She is Dianne Elissa Venice Irish Louis "DEVIL" Smith-Roswell, a lady who wants to live a normal life with her boyfriend, disregarding the fact tha...
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
Project LOKI ① akosiibarra द्वारा

रहस्य / थ्रिलर

56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...