Just for Christmas, Will You...

By PollyNomial

135K 1K 126

Ang pasko ay panahon ng pagbibigayan. Mga regalo kung saan materyal na bagay ang madalas natatanggap at hinih... More

Just For Christmas, Will You Be Mine?
Chapter 1 **Santa's Warning!**
Chapter 2 **The Perfect Plan**
Chapter 4 **Abnormal Heartbeat**
Chapter 5 **I'll take care of her heart**
Chapter 6 **We're not a real couple.**
Chapter 7 **First real kiss**
Chapter 8 **I love you**
Chapter 9 **Whose kiss?**
Epilogue **The End**

Chapter 3 **Make a move.**

8.3K 73 4
By PollyNomial

 ***

Just For Christmas, Will You Be Mine?

A Short Story by PollyNomial

***

 

#3 --> Make A Move

JULIA’S POV

“Ang chaka mo! Ayoko niyan!” reklamo ni Kath sa inabot na dress ni DJ sa kanya.

“Eh kesa naman yang napili mo. Muka kang tindera ng tilapia.” Balik ni DJ kay Kath.

“Anong sabi mo? Tindera ng tilapia? Nahiya naman ako sa porma mo ngayon, muka kang magtataho!” Ni-head to foot ko si DJ. Pati siya ay tiningnan ang sariling itsura.

Napailing nalang ako. Iba talaga ang naging tingin nitong si Kath sa pinsan ko. Magtataho? Eh si DJ na ata ang pinakagwapo sa lahat ng lalaking namimili dito sa mall na ‘to eh. Ano bang problema ni Kath at pagdating kay DJ ay bulag siya?

“What the! Magtataho? Alalahanin mo, etong magtatahong 'to ang magpapanggap na syota mo! Kung ayaw mo sa'kin, maghanap ka ng iba! Tindera ng tilapia!”

 

“Talaga! Leche ka! Halimaw ka! Magtataho!”

 

“Panget!”

“Halimaw!”

 

“SHUUUT UUUP!” napatigil silang dalawa sa bangayan ng simigaw ako ng malakas. Kahit kailan talaga ay walang pinagkasunduan ang dalawang 'to. Etong si Daniel, siya na nga ang may gusto kay Kath hindi pa umayos. Paano nalang siya magugustuhan ng best friend ko?

Tumikhim ako bago nagsalita. “Paano natin maayos ang plano natin kung ganyan kayo ha? Jusmiyo, maryosep, tulungan niyo po ako.” Ibinalik ko ang mga damit na napili ko para kay Kathryn. Tumalikod ako sa kanilang dalawa. Mabuting mag-walk out nalang. Unang araw palang eh suko na ko sa kanila.

Habang palayo ay narinig ko ang pagbubulungan nila.

“Ikaw kasi eh” boses yun ni DJ.

“Ako pa? Ikaw kaya nagsimulang mang-asar.” Mahinang sani ni Kath.

“Eh ang pangit naman kasi talaga eh. Hindi talaga bagay sa’yo. Mas bagay sa’yo yung mukang sexy.”

 

 “Sabi na nga ba eh. Mamanyakin mo lang ako nito eh. Aminin mo na!”

 

“Kath naman! Manyak ako? At ikaw pa ba?” Ayan nanaman sila. Unti unti na ang paglakas ng mga boses nila.

“Eh ano yung sinasabi mong sexy? Ang sabihin mananantsing ka kasi!” Bago pa magsimula uli ang away nila ay bumalik na ko at pumagitna sa kanila.

“Kayong dalawa! Wala na talaga kayong chance na magkasundo eh 'no?” Tumahimik lang sila. Si Kath ay umirap sa amin ni DJ at bumaling sa kabilang direksyon. Si DJ naman ay wala nalang nagawa kundi sumimangot. Kawawa naman 'tong pinsan ko. Hindi marunong pagdating sa babaeng mahal niya. Ano pa bang dapat na gawin ko?

Dinala ko sila sa isang fastfood para makakain muna. Sa totoo lang ay gusto ko nang sumuko sa dalawa dahil nakakawala ng pag-asa ang mga kinikilos nila. Oo nagkakilala sila sa maling sitwasyon pero pwede naman sigurong kalimutan nalang yun 'di ba? Kung bakit naman kasi hindi nalang siya kinaibigan ni Daniel noon pa eh. Wala ibang ginawa si Daniel kundi inisin si Kath. Asarin at galitin. Yan ang expertise niya pagdating sa best friend ko. Siguro nga yun ang paraan niya para magpapansin kay Kath pero yun nalang ba ang paraan?

“Sorry sa nangyari kanina, Julia. Hindi ko na nagawang kumalma. Nakakaasar naman kasi talaga si Daniel eh. Sana naiintindihan mo ko.” hinging paumanhin ni Kath nang maiwan kaming dalawa sa table. Si Daniel ang umo-order ng pagkain.

“Mabuti naman at alam mo yung mali mo.” Matabang kong sagot sa kanya. “You’ve been like this for three years, Kath. Hindi pa ba kayo nagsasawa? Hindi na kayo mga bata.” Sinimulan ko siyang pagsabihan. Siya naman ay nakatingin sa akin at halata sa mukha ang pagsisisi.

“I don’t know Julia. We’ve met in the most humiliating way.” Sumimangot siya at parang inaalala ang unang beses na nakilala niya si Daniel.

Napangisi naman ako sa description niya nang araw na yun.

“Can’t you just forget it?” tanong ko at inintay ang kanyang sagot.

Nangalumbaba lang siya at nag-pout.

“Halos parehas lang kami ng ugali ng pinsan ko, Kath. Anong mahirap at hindi mo siya makasundo?”

 

“Hindi ko din alam. May something kay Daniel na once na makita ko siya, nag-iinit na agad ang dugo ko. I just can’t name it. Parang feeling ko kailangan kong magalit, mainis, at maasar 'pag nasa harap ko siya. It’s like I need to be like that dahil kung hindi, may masamang mangyayari.” paliwanag niya sa akin. “But I’ll try. Susubukan kong tiisin siya.”

“Gawin mo Kath. Dahil pwede yang makasira sa mga plano natin.” Bumuntong hininga ako. “Ayan na siya. Yung pinag-usapan natin, Kath ah.”

DANIEL’S POV

Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang usapan nila Kathryn at Julia kanina. Alam ni Julia na nakikinig ako sa kanila. At inaamin ako, nakaka-good mood ang narinig kong mga sinabi niya. Susubukan niyang kasunduin ako.

Oo kasalanan ko kung bakit ganyan nalang ang trato ni Kath sa akin. Sa simula pa lang ay wala na akong ginawa kundi asarin at inisin siya. Pero masisisi niyo ba ko? Kapag kaharap ko si Kath, hindi ko na alam ang mga ginagawa ko. Ang gusto ko lang ay matapos ang buong araw na kasama ay kausap ko siya. At mangyayari lang yun kapag inaasar ko siya at nakikipagsagutan sa akin. I just love it when she gets mad at me. Buo ang araw ko kapag nakikita ko siyang nakabusangot nang dahil sa akin. Dahil alam ko na kahit sa ganung paraan ay nagiging parte ako ng buong araw niya. Na kung wala si Daniel Padilla ay hindi exciting ang araw niya. At least yan ang gusto kong maramdaman niya.

“Huy, DJ anong nginingiti-ngiti mo diyan?” napapitlag ako nang magsalita si Julia sa harap ng mukha ko. Winawagayway pa niya ang kamay niya sa harap ko.

Tiningnan ko si Kath at nakatingin rin siya sa akin. Maya maya ay umirap siya at sumubo ng fries niya.

“Wala. May naisip lang kasi ako.” Hindi ko naman gustong sabihin na si Kath ang nasa isip ko mula kaninang pag-upo ko sa table namin. Lalo na’t kasama namin siya ni Julia.

“Weh. If I know minamanyak mo na ko sa isip mo eh.” nagtaasan lahat ng balahibo ko sa sinabi ni Kath.

Kanina pa niya ako pinagbibintangan na minamanyak ko siya. Kung alam mo lang Kath, hindi ko kailan man naisip yan kapag ikaw na ang babaeng kasama ko. Oo noon ganun ako pero sa’yo, nakakalimutan ko ang gawain kong yun.

“Kath!” agaran siyang sinuway ni Julia. Buti nalang at good mood ako ngayon kaya hindi ko na sinagot ang asar ni Kath sa akin. Gusto kong matupad ang sinabi niyang pakikipagsundo sa akin kaya iiwasan ko munang inisin at asarin siya.

“Okay, okay. Sorry.” Sabi ni Kath saka medyo tinaas ang dalawang palad. Sign ng pagsuko.

Binasa muna siya ni Julia kung hindi na talaga siya hihirit. Pati ako ay sinulyapan din ni Julia bago muling nagsalita. “Alright. So here’s the plan. My beloved cousin and best friend, please listen okay?.” Tumikhim si Julia. Para bang naghahanda siya sa mahabang sasabihin niya.

“This plan won’t work kung ngayon palang ay ganyan na ang trato ninyo sa isa’t isa. We need to change that, sa ayaw man o sa gusto ninyo. From now on, always put on your mind that you two are in a relationship. You’re a couple.”

 

“Teka, ngayon? 'Di ba dapat sa Christmas Eve pa yun?” angal ni Kath sa sinabi ni Julia.

Kahit ako ay nagulat rin sa sinabi niya pero 'di gaya ni Kath, hindi ako aangal dito. Chance ko na 'to eh. Ano kayang nasa isip ng pinsan ko at ganyan ginagawa niya 'to? Talaga bang tinutulungan niya ako kay Kath? Kung alam niya lang kung gaano ko kay thankful sa kanya.

“Yes, ngayon palang ay magsisimula na kayo. Siyempre kailangan niyong maging komportable sa isa’t isa. So that when the day comes, natural nalang ang mga inaakto niyo. Hindi yung para kayong aso’t pusa kapag magkasama. You need to show Qeun how much you love each other. If not, this whole thing would just be a failure. Don’t let that happen. Especially you, Kath.” Turo niya Julia kay Kathryn.

Tama si Julia. Kung ngayon palang ang sisimulan na namin 'to ay magiging mas madali sa amin sa araw mismo. Hindi na kami maiilang sa isa’t isa. At mas magkakaroon ako ng pagkakataong ipakita, ipakilala, at iparamdam kay Kathryn ang pagmamahal ko.

“Alam ko yan, Julia. Hindi mo na kailangan sabihin yan sa akin. Sabi ko naman sa’yo sa susubukan ko eh.”

 

“I know Kath. Starting today, you need to change yourself. DJ’s right. Kailangan mong baguhin ang pananamit mo. Ang mukha mo by putting on some make up. Make yourself sexy. Feel sexy. Malaking factor na agad yan Kath. Kung sakali, baka makaramdam ng pagsisisi si Quen kapag nakita ka niya ulit sa bagong ikaw.”

Tahimik lang si Kath habang matamang nakikinig sa bawat sinasabi ni Julia. Hindi ko mapigilan ang ngisi ko. Pakiramdam ko kasi ay kino-consider na niya ang mga payo ko sa kanya kanina nung namimili kami ng mga damit niya.

“Get rid of all your clothes. Para san paa ng marami mong pera kung hindi mo naman ginagamit ang pera mo pambili ng mga magpapaganda sa’yo.”

 

Sa wakas ay tumango rin si Kathryn. Sign na susundin niya na kami ni Julia.

“I told you. Be sexy sometimes. Oo, mas gusto naming mga lalaki ang simple. Pero hindi mo ba alam na mas turn on sa’min kung sexy ang mga girlfriend namin?” hindi ko napigilan ang pagsabi ko nun kay Kath. Saka ko nalang narealize ang sinabi ko ng lumabas na yun sa bibig ko.

 

“Excuse me, hindi mo ko girlfriend 'no.” seryoso niyang sabi. Nalalag ang panga ko sa sinabi ni Kath.

Narinig ko ang pagpalatak ni Julia.

“And you, DJ. That’s not the right way to treat your girlfriend. Haven’t you learned from your past relationships?” hindi ako nakasagot sa tanong ni Julia. Wala pa naman kasi akong seryosong naging karelasyon noong nasa America pa ko eh. Lahat puro fling lang.

“Kahit ano pang itsura niya, dapat tanggap mo siya. Panget man o maganda. Simple o magarbong manamit, Mukhang losyang man o sexy. Basta mahal mo, wala ka nang iisipin pang iba. Dahil mahal mo siya. Yun ang dapat mong itatak sa kukote mo.” Mariin niya akong tiningnan. Diretso niya yung sinabi sa akin. Hindi na 'to tungkol pa sa pagpapanggap namin. Gusto niyang yun mismo ang ipakita ko kay Kath.

“Ano, are we clear about those things?” tanong niya sa amin.

Sabay kaming tumango ni Kath. Oo malinaw na malinaw na sa akin at yun din mismo ang gagawin ko. Hindi ko lang alam kay Kathryn. Wala akong alam sa kung anong nasa isip niya ngayon. Kung ako ba yun at ang pagpanggap na mahal ako o si Quen at ang paghihiganti lang niya ang iniisip niya. Sana yung una nalang. 

“Okay.” Tumayo si Julia at isinukbit ang bag sa balikat.

“Oh? San ka pupunta?” tanong ko sabay tayo rin. Si Kath ay nanatiling nakaupo pero nakatingala sa aming dalawa.

“Aalis na.” simpleng sagot niya.

Dun na tumayo si Kathryn at hinarap din si Julia.

“Yun na yun? Aalis na tayo?” tanong niya kay Julia.

“Sino naman may sabi sa’yo na kasama kayong aalis dito? Mag-stay lang kayong dalawa dito.”

 

“Ha? Anong ibig mong sabihin?” napakunot noo ako sa inaasta ni Julia. Ano naman 'tong binabalak niya ngayon? Pagdating talaga sa pinsan ko at sa babaeng mahal mo, nabablangko ako. Lahat ng expertise ko nawawala.

“Mag-date naman kayo. Do the things that boyfriends and girlfriends do. Basta kahit ano. Mag Luneta kayo kung gusto niyo.”

 

“Date? As in date?”

 

“Yes, Kath. And today will be your very first date.” Ngumisi si Julia sabay talikod sa aming dalawa.

“Hoy Julia! Sandali lang!” habol habol ko si Julia. Pati si Kath ay kinuha na rin ang bag at sumunod sa amin.

“Stop right there!” para kaming robot na tumigil ni Kath. “Iiwan ko na kayo. Date niyo yan. Bahala ka na sa best friend ko DJ ah. Ingatan mo yan.” kumindat pa siya sa akin at ngumisi. “Bye!”

 

“Wait Julia!” pigil ni Kath pero imbes na makahabol pa dito ay napahinto siya sa ginawa kong paghablot sa braso niya.

“Narinig mo ang sabi ni Julia. Mula sa umpisa siguro naman naintindihan mo 'di ba?” isang blangkong tingin ang sukli sa akin ni Kathryn. Hanggang sa unti unti siyang tumango at tumitig nalang sa akin. Maya maya ay bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

Agad akong pinalibutan ng matinding kaba. Nauubusan ako ng sasabihin. Eto na nga ba sinasabi ko eh. Hindi ako pwedeng umakto ng ganito sa harap ni Kath. Kailangan kong maging yung Daniel na kilala niya. Pero hindi na pwede. Tapos na ko sa stage na yun kung saan tinatago ko ang tunay kong nararamdaman.

This is it, Daniel. Now, you do your move.

Mula sa braso ni Kathryn ay bumaba ang kamay ko sa kamay niya. Hinawakan ko yun ng mahigpit. Huminga ako ng malalim saka sinabing,

“Kathryn, will you go out on a date with me?” seryoso ako nang sinabi ko yan. Pero ibang ekspresyon ang isinukli ni Kathryn sa akin.

Humalakhak siya. Pero hindi ko yun pinansin. Hindi ko binitawan ang kamay niya at hinila ko siya palabas ng fastfood at hindi na pinansin ang protesta niya.

Yeah. Sa ngayon ito muna. Matinding lakas ng loob ang kailangan ko kaya ganitong galaw lang muna. I wouldn’t miss this opportunity. 

Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 509K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!