Past and Future

By DarkPncyl

227K 5.6K 280

BOOK THREE OF SWEET BACHELOR SERIES |Rated SPG Matt is a gorgeous man. All woman was easily captivated by his... More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Special Chapter

Chapter 13

7.4K 191 13
By DarkPncyl

MAAGANG NAGISING si Margaux kinabukasan upang magluto at ayusan ang sarili dahil sasama siya ngayon kay Matt sa opisina nito. Hindi sana siya sasama pero sadyang mapilit ang binata.

Kahapon nang makauwi sila wala na silang ibang ginawa kundi ang mag-usap nang kung ano-ano. And she admit that she find Matt attractive. At kung noong una ay akala niya na masama ito pero dahil kahapon sa naging 'bonding' nila, nalaman niya na masiyahin talaga ito.

Hindi niya lang alam ang dahilan kung bakit ito biglang naging cold. Siguro may nakaraan ito na sobrang nakasakit rito.

She sighed. Natapos na siyang magluto at tinawag na rin niya ang binata. Nagtitimpla siya ngayon ng kape para sa kanilang dalawa.

"Hey." Napatingin siya sa likod niya nang marinig ang baritono nitong boses. Pero kaagad siyang napasinghap nang magtama ang mga labi nila. Before she had a chance to react, he pulled away. "Good morning."

"Walang maganda sa umaga ko lalo na hinalikan mo ako ng walang paalam!" What good morning. That's her real thought. Naglakad siya palapit sa lamesa at naunang umupo. "Kumain ka na."

"Bakit ang init ng ulo mo?" Tanong nito nang makaupo sa kaharap niyang upuan. "Did something happened?"

"Your kiss happen." Sagot niya at inirapan ito bago kumuha ng pagkain. "Kissing your house maid is wrong."

"Hindi masama ang manghalik. Lalo na kung ikaw ang hahalikan." He said then winked at her. She just rolled her eyes then start eating. "By the way, handa ka na ba para mamaya?"

"Anong meron mamaya?" Takang tanong niya rito. "May mahalaga bang okasyon?"

He smirk. "Basta malalaman mo mamaya. And I'm sure na matutuwa ka."

Umirap siya sa hangin saka pinagpatuloy ang pagkain. Kahit gusto niyang itanong at pilitin ang binata kung ano ang meron mamaya ay hindi niya magawa. Hindi naman kasi siya yung tipo ng tao na namimilit. Kung ayaw sabihin sa kanya, then don't.

Nang matapos silang kumain hinugasan niya ang pinagkainan nila at ang binata naman ay pumasok sa kwarto para ayusan ang sarili. When she's done washing the dishes she walk towards her room and fix herself.

Denim jeans and black sweater ang sinuot niya at pinaresan niya iyon ng rubber shoes. Tinali niya ang medyo may kahabaan niyang buhok saka naglagay ng light make-up sa mukha. Nang maayos na ang sarili saka lang siya lumabas ng kwarto.

Nang makalabas siya nakita niya ang binata na nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto niya. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Anong ginagawa mo r'yan?" Tanong niya rito at sinara ang pintuan ng kwarto. "Bakit hindi ka do'n sa kotse naghintay?"

"Wala lang." Anito at ngumit. Hinawakan siya nito sa kamay at marahan siyang hinala. "You look pretty."

She felt her cheeks blushed. "T-thanks."

Ngumiti lang ito at sumakay sa kotse nang maisara ang pinto ng bahay. Pinagbuksan siya nito ng pinto at nagtataka siyang sumakay. Gentleman na?

Sumakay ito sa driver seat at binuhay ang makina saka pinaandar ang sasakyan. Nagtataka pa rin siya dahil ang lakas ng pakiramdam niya na may nagbabago sa amo niya.

Dati cold treatment siya rito tapos ngayon biglang nagbago.

Makalipas ng kalahating oras nakarating sila sa kompanya nito. Hinawakan nito ang kamay niya at naglakad papasok sa loob ng gusali. Hindi ito ang unang beses na nakapasok siya sa mga ganitong gusali pero ngayon lang siya nakakita ng napakagandang gusali.

Simula kasi ng sanggol pa lang siya hanggang sa nagdalaga siya ay nasa probinsya lang siya. Nakakapunta siya minsan sa syudad pero saglit lang at kadalasan pa ay hindi sila pumapasok sa loob ng gusali.

"Lets go." Wika ng binata na nakapagpagising sa naglalakbay niyang diwa. Hindi niya pinansin na sumakay sila ng elevator at papalabas na sila ngayon. Sobrang lutang niya pala. "Dito ang opisina namin ng kapatid ko."

"Ang gana naman dito." Aniya at pinalibot ang paningin. Mataas ang ceiling at may chandelier sa gitna. Merong apat na pinto at baway pinto ay may nakasulat. Ang pintong nasa bandang kanan niya ay 'Restroom' ang isa naman ay 'Office Of CEO'. Sa gitna ay may isang malawak na lamesa. Sa bandang kaliwa naman niya ay ang pinto na may nakasulat na 'Kitchen' ang isa naman ay 'Office Of President'. "Ang lawak dito."

"I know." Anito. Napatingin siya sa restroom nang bigla iyong bumukas at lumabas ang isang babae na sa palagay niya ay kaedadan niya lang. "Marie., you're still here."

"Good morning, President." Bati nito sa binata. Ito pala ang president ng kompanya. "Kinuha ko lang po ang nga gamit ko tapos po aalis na rin ako."

"Yeah." He said then look at her. Napatingin rin sa kanya ang babaeng nagngangalang Marie. "Marie, this Margaux Fernandez. Margaux, she's Marie Abligo my secretary. Aalis na siya ngayon dahil ikakasal na siya kaya ikaw na ang papalit sa kanya."

Nanlaki ang mga niya sa sinabi nito at mabilis na napatingin sa binata.

"Seryoso ka?" Tanong niya. Hindi ba siya nananaginip? "Ako? Magiging sekretarya mo?"

"Yeah. Wala na akong mahanap na iba kaya naisip kita." Anito at ngumiti sa kanya ng matamis. "And besides, naghahanap ka rin naman ng trabaho 'di ba? Kaya ngayon hindi mo na kailangang maghanap kasi may trabaho ka na."

"Oh god. Thank you!" Masayang pasalamat niya rito at hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito. "Maraming salamag talaga."

"No problem."

Bumitaw siya sa pagkakayakap niya rito at lumapit kay Marie.

"Thank you, Marie." Aniya at niyakap rin ito pero hindi mahigpita. Bumitaw siya sa yakap at nginitian ito ng matamis. "Masaya ako para sayo kasi ikakasal ka na."

"Think you." Anito at ngumiti. "Sige na, aalis na ako ha."

"Sige. Salamat ulit." Pasalamat niya ulit at sinundan ito ng tingin hanggang makasakay ito sa elevator. "Ang ganda niya."

"Yeah. Pero mas maganda ka." Bulong nito pero sapat na para marinig niya at magtatambol ng malakas ang puso niya. Anong... "By the way, 'yan ang magiging table mo. Kapag nay kailangan kang papirmahan o sabihin sakin, doon lang ako sa opisina ko. Alam mo naman siguro kung saan 'di ba?"

"O-oo." Utal niyang sagot saka tinuro ang ang pinto kung saan may nakasulat na 'Office of President'. "'Yan ang opisina mo."

"Good." Anito at nginitian siya. "Do'n lang ako sa loob. Pasok ka lang kung gusto mo."

Before he leaves he kiss her lips then walk towarda his office. Naiwan na nakatunganga si Margaux sa kawalan habang inaalalan kung ano ang nangyari.

Marahas niyang ipinilig ang ulo at naglakad palapit sa table niya. Naupo siya sa swivel chair at isa-isang tinignan ang mga naiwan na folder sa ibabaw ng table.

NANGINGITI SI Matt habang nakaupo sa swivel chair niya. Ang totoo hindi naman nagresign si Marie bilang sekretarya niya. Pinilipat niya lang ito ng opisina kung saan alam niyang hindi makikita ng dalaga.

Ayaw niyang iwan ang dalaga sa bahay dahil alam niyang magpupuntahan ang mga kaibigan niya sa bahay kaya pinalipat niya ng opisina si Marie. Wala rin masyadong gagawin ang dalaga kundi ang basahin ang bawat files sa table nito at ibigay sa kanya kung sakaling may kailangan siyang pirmahan.

Nagpakawala siya ng buntong hininga at umayos ng pagkakaupo sa swivel chair niya at nag-umpisang magtipa sa computer.

Ilang oras din siyang nakatutok lang sa harap ng monitor ng kanyang computer. Napatigil lang siya sa ginagawa ng mapansing nananakit na ang mga mata niya.

Tumingin siya sa relong pambisig upang alamin ang oras.

11:45am.

Malapit na ang lunch. Pinatay niya ang computer at tumayo saka naglakad palabas ng opisina. Nang makalabas siya biglang nag-init ang ulo niya nang makita ang dalaga na masayang nakikipag-usap kay Levi.

Anong ginagawa ng gunggong na 'to dito?

"So, free ka ba mamaya?" Tanong ni Levi sa dalaga. Napaisip naman ang dalaga. "Come on, alam kong free ka."

"What the fuck are you doing here, Levi?" Pigil ang inis na tanong niya rito. "Marga is busy. Marami siyang gagawin so 'wag mo siyang guluhin."

KANINA PA bored si Margaux sa kinauupuan niya dahil wala naman siyang ginagawa masyado. Buti nalang dumating si Levi. Sabi nito na ang pinunta nito ay si Matt pero nang makita daw siya nito ay sa kanya na ito lumapit.

"So, free ka ba mamaya?" Tanong nito sa kanya. Napaisip naman siya ng maaaring isagot. "Come on, alam kong free ka."

Kanina pa kasi siya nito kinukulit na sabay silang kumain mamayang gabi sa restaurant. Pero hindi niya alam ang isasagot.

"What the fuck are you doing here, Levi?" Rinig niyang tanong ng baritonong boses na halata ang pagpipigil ng inis. Nilingon niya ito at nakita ang binata na matalim ang mga matang nakatingin kay Levi. Lumapit ito sa kanila. "Marga is busy. Marami siyang gagawin so 'wag mo siyang guluhin."

"Hanggang gabi busy siya?" Tanong ni Levi na nakatingin sa binata. "Hindi naman siguro 'di ba?"

"She's busy. May gagawin kaming dalawa." Ani ni Matt na nakapagpainit ng pisngi niya. Ano ang ibig sabihin nito sa 'may gagawin kaming dalawa'? "So, fuck off."

"What if sabay-sabay na lang tayong kumain?" Nakangiting tanong ni Levi na nakikipaglabanan pa rin ng titig kay Matt. "Anong masasabi mo?"

"I told you to fuck off." Gigil na ani ni Matt.

Tumayo siya at pumagitna sa dalawa dahil nakikinita na niya na mag-aaway ang dalawa.

"Tama na." Aniya at tinignan ang dalawa sa mga mata. "Levi, sorry pero totoo ang sabi ni sir Matt. Busy ako mamaya kaya hindi ako pwedeng kumain sa labas. Sorry."

"Is that so?" Tanong nito na halata sa mga mata na hindi ito kumbinsido. "Its fine. Well, see you around."

Then, he leave. Napabuntong-hininga siya at tumingin kay Matt na matiim na nakatitig sa kanya.

"What?" Tanong niya rito.

"I told you to stay away from that man." Wika nito na parang nagpipigil ng galit. "Nawala lang ako saglit sa tabi mo nakikipag-usap ka na sa gagong 'yon."

"Ano namang masama kung nakikipag-usap ako kay Levi?" Kunot nuong tanong niya. Nagpipigil siya ng inis dahil hindi makakatulong kung sasabayan niya ang inis nito. "Wala namang ginagawang masama si Levi ah. Ano bang nangyayari sayo?"

"Sa ngayon wala." Anito at kinuha ang kamay niya at marahan siyang hinila patungo sa elevator. "Kapag nakuha ka niya gagawin niya rin sayo ang ginawa niya kay Vaile."

Napatikom siya ng bibig nang marinig ang malamig nitong boses. Ano bang meron kay Levi at ayaw na ayaw nitong lumalapit siya rito? At anong ginawa ni Levi kay Vaile? She's curious.

A/N: Sorry sa late update. Godbless everyone.

Continue Reading

You'll Also Like

126K 2K 31
[COMPLETED] Kira 'n Piacere Series #1 A beautiful drummer entices hundreds of billionaires under her feet. An innocent woman underneath her lustful b...
31.4K 468 30
''This lips and body is mine baby remember that'' sabi ni Clifford ''N-no!'' sabi ko pero iba ang sinasabi ng isipan ko ngumisi lang siya sabay halik...
83K 6.4K 16
𝗦𝗵𝗲 𝗜𝘀 𝗧𝗼𝗼 𝗗𝗲𝗹𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲 𝗙𝗼𝗿 His 𝗗𝗲𝘀𝗶𝗿𝗲 "Fuck, whenever you're in my arms, I feel like I might crush you. You're so delicate," he...
28.8K 352 30
Xavier Series #1 [R-18] OPEN MINDED READERS - "I HATE YOU!" I was so devastated. Anger and pitiness was filling my whole system. I loved him for who...