Cassandrila: When The Moon Wi...

By eiaeiael

1.6K 270 34

me·tem·psy·cho·sis /ˌmedəmˌsīˈkōsəs,məˌtemsəˈkōsəs/ noun the supposed transmigration at death of the soul of... More

PROLOGUE
NOTE
1-Licht Clan
3-The Start
4-The Start 2.0
5-Wandering Ro
6-The Wicked Spade
7-Toxin
8-Unfortunate story
9- WHO YOU
10- Humans
11-Hate and Love
12- Black Rose
13- Mischievous Lux
14- Mirror
15-Luxius
16-Speach
17- Deal!
18- Troublesome
19- Vows
20- The Return
21- Morana
22- Curse of Love
23- Israel's Pride
Warm Winter ❄️
24- truth behind his stubborn vow
25-Tension
26- Official
27- The Lost Part Of Me
28- Blood of Gore
29- Emotions Lira, Emotions.
30- No one.
31- Together=Bad Idea
32- Home
33- Please Come Home
34- Tahan, na
Dream Dandelion 🌼
35- I am
36-Commitment
37- What are You
38- Learn to Love, Know how to Fight
39-Lost of Time
40- Two Hearts, One Heart
41-Four Alone
42- Warmth
43- Sisterly Chance
44- Emma Licht
45- Know Little Things
46- Thicker than Water
47- Own Fights
48- Desire
49-Flowers Bloom
Lost Leaves 🍂
50- Missing Scenery
51- The Starting End
Epilogue 1
Epilogue 2
note
fact check!

2-Cassandrila

61 9 1
By eiaeiael

|•Cassandrila's POV•|

September 1, 1865

Masaya akong nag lalakad, pauwi ng bahay. Nanood ako ng isang magandang sarsuwela kanina. Bago umalis ang sundalong kaibigan ko na si Angelito, niyaya niya ako na manood.

Pauwi na ako sa tahanan namin ng kaibigan kong si Klara, kasama ang tinuring ko na ding ina. Si Inang Sinang.

Natigilan ako nang makita ko ang kapatid ni Klara na si, Kiko.
"Lira! Lira!" Tawag niya saakin, at nag mamadaling tumatakbo.

Napatingin ako sakaniya na nag tataka. Anong mayroon? Tinitigan ko siya na parang nag tatanong. Gusto ko mang magsalita, hindi naman ako puwedeng mag salita.

"Si ate!-" Natigilan sa pag sasalita si Kiko, nang makita niya si Klara.

Tumatakbo na di Klara papunta sa gawi naming dalawa, hawak hawak ang isang patpat. Bigla namang nag tago sa likuran ko si Kiko na kabadong kabado.

"Kiko! Maligo ka na!" Galit na sigaw ni Klara na onting hakbang na lang malapit na siya sa kinakatayuan ko.

Natatawang nilingon ko si Kiko, pero pag lingon ko, ay wala na akong nakitang kiko. Kumaripas na ng takbo si Kiko, papunta sa ilog na malapit lang saamin.

Isang pilyong bata talaga si Kiko. Mahilig lang siyang mag laro at matulog. Mahilig din siyang kumain, pero dahil sa kahirapan, hindi siya nakakain ng wasto.


Sabay kami ni Klara na humugot ng malalim na hininga. Nagkibit balikat na lang din ako, at tinitigan si Klara na natatawa.

Makulit at mapag laro din naman na gaya ni Kiko si Klara. Kasing edad ko lang si Klara, pero mas matanda siya ng tatlong buwan.


"May iku-kuwento ako saiyo, Lira!" Biglang sabi ni Klara na tila sabik na sabik.

Kung hindi ako, mag kakamali. Iku-kuwento na naman niya ang manliligaw niyang tsino.

Tinuro ko ang tainga ko na nakangiti. Ibig sabihin non, ay handa akong makinig sa mga sasabihin niya.

Hindi gaya ni Klara at Kiko, hindi ako nakakapag salita. Gustuhin ko mang mag salita, hindi ko pa rin magagawa iyon. Ipinanganak ako na hindi makapagsalita. Suwerte ko na, dahil nakakarinig pa rin ako kahit papaano.

Ito siguro ang dahilan, kung bakit ako iniwan ng kung sino mag magulang ko.


"Nag kita kami muli sa pamilihan ng tsinong nakita ko. Mukhang nakiki baka nanaman siya sa mga negosyante doon sa pamilihan." Kinikilig na kuwento niya saakin.


Napangiti ako ng bajagya doon. Inakbayan ako bigla ni Klara, at nag umpisa na kaming nag lakad lakad. "Hindi na bago ngayon, dahil may nangyarinh mas nakakakilig!" Nakangiting bigkas niya.


Tinignan ko ulit siyang nag tatanong. Gusto kong malaman kung ano naman ang sunod na nangyari. Palagi niyang kinukukwento na lagi silang nag ngingitian ng tsinong iyon.

Magkasing tangkad lang si Klara at ang tsinong iyon. Maliit ang mga mata, matangos ang ilong, sakto lang ang liit ng labi, at nagsak ang buhok. Isama mo pa ang pagka kutis porselana ng binatang tsino. Nakota ko na din iyon ng maraming beses. Ngunit, kung sino man ang pinaka natutuwa kapag nakita ang tsinong iyon, ito si Klara. Tila ba pabor sakaniya ang langit kapag nakita niya ang binatang Tsino na na iyon.

Hindi ako sigurado, ngunit alam konh ipinagbawal na ang mga tsino dito saaming lupain. Mabuti na lang, at hindi nahuhuli ng mga guwardya sibil ang Tsinong binata na iyon.

"May pinaabot siya sa pilipinong taga silbi niya." Nakangiting sabi niya saakin. Bigla akong napatingin sakaniya ng deretso. Kitang kita sa reaksyon ko, na natutuwa ako at gustong gusto nang malaman ang susunod na mangyari.

Kumalas bigla sa pag kaakbay saakin si Klara, kaya napatingin ako sakaniya na nag tataka. Tuwang tuwang inilabas niya mula sa bulsa ng kaniyang saya, ang isang bagay na hindi ako pamilyar. Mukha siyang malaking karayom, ngunit may mga palamuti sa dulo nito.

Tinignan ko siya na may pag tatanong saaking mukha.

"Noong una ay hindi ko din malaman kung ano ito. Ngunit, nalaman ko na isa pala itong importante at eleganteng bagay mula Tsina. Isa siyang palamuti sa buhok ng mga babaeng tsina." Halatang halata ang kilig sa mukha ni Klara. Namumula ang kaniyang mga pisngi na tila ba rosas.

Kita din namna ang pagka mangha sa buong mukha ko. May disensyong isang magandang ibon sa pang ipit na ito. At may pulang tila diyamante sa gitna ng pamalamuti sa dulo nito.


"Hindi ko pa din mawari kung ano nga ba ang pangalan ng binatang Tsino na iyon. Ngunit, tila daw nabighani siya saaking kagandahan, sabi ng taga silbi nito." Nakangiting pag ku-kuwento pa nito saakin.


Nagpakawala ng malalim na hininga si Klara, at inunahan ako sa pag lakad. Inunahan niya ako, para makapag lakad siya ng pabaliktad at makaharap ako.


Gusto ko mag sabihin na mag ingat siya, hindi ko naman masbai sakaniya iyon ng mabilisan. "Te-!" Tanging nasabi ko lang, dahilan ng bajagyang pag tulo ng dugo sa bibig ko.

Ganito ang nangyayari saakin, kapag pinilit kong mag salita. May tumutulong dugo sa bibig ko, at sumasakit ang tiyan ko.


"Wag kang mag alala!" Natatawang sabi niya saakin, at binigyan ako ng isang minis na panyo.

"Ngunit kung nabighani siya saakin, bakit ayaw niya akong kausapin. Nahihiya kaya ang binatang iyon?" Malungkot na pagkukuwento niya saakin.

Marahan na tumango tango ako, at pinakita ang kamao ko. Ibig sbaihin noon, ay pareho kami ng iniisip.

"Lira, Klara." Sabay kaming napalingon ni Klara, dahil sa pamilyar na boses na narinig namin.


Napangiti naman kami ng sabay, at masayang binati ang ginang na tumawag saaming dalawa. "Ina!" Nakangiting sabi ni Klara.

Nakangiting lumapit din naman ako kay Inang Sinang, at sumabay sa pag kayajap ni Klaea dakaniya.

"Masaya ata kayong nag kukuwentuhan." Nakangiting sabi niya saaming dalawa ni Klara. Napatingin pa rin kaming nag tataka ni Klara, dahil sa dala ng mukha ni Inang.

Nawala ang ngiti sa mukha nami ni Klara, dahil sa nag aalalang mukha ni Inang Sinang.


"Anong nangyari?" Nag aalalang tanongni Klara.

Nag aalalang pinunasan ko naman ang luhang, umaagos mula sa mata ni Inang Sinang.



"Nasaan si Kiko? Kailangan na nating umalis ngayon, paparating na ang mga guwardya Sibil, kasama ang Gobernador Silyo." Sa mga salitang binigkas niya, napaatras ako ng bahagya dahil sa kaba.

Nang marinig ko ang nga katagang iyon, isang tao ang agad na pumasok sa isipan ko.


Kaya ba umalis na kaagad si Angelito? Kaya ba sobrang saya niya kanina? Dahilan ba nag pag paalam niya iyon. Balita ko na, bihira lang ang mga umuuwinh buhay na lalake ngayon.



"Paanong nangyari iyon? Akala ko ba ay may sapat na abg kasunduan na inilahad ni Tatang noon?" Kinakabahang tanong ni Klara kay Inang Sinang, napatingin din naman ako kay Inang Sinang upang malaman ang sagot.

Umiling iling si Inang sinang. "Patay na ang ama mo." Kita ko ang takot sa mga kamay niya. Nangangatog ang mga kamay niya na may hawak na rosaryo. Kinakabhang hinawakan ang kamay naminh dalawa ni Klara, at sinabing. "Tama na ang tanong, kailangan nating mabuhay at umalis ng Cavite."




Tumango tango ako. Pero, iling ang ibinigay ni Klara. Kita ko ang pag aalinlangan sa mga mata ni Klara. Bakit? Ano ang bumabagabag saiyo, Klara? Bakit ayaw mong umalis?


"Si Kiko? Nasaan si Kiko-"



Natigilan kami sa pag uusap, nang may narinig kaming malakas na pag sabog. Lumingon kami kung saan galing iyon.



Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. May mga pasabog na nag sisiliparan sa paligid ko. May mga taong nag tatakbuhan, may mga batang umiiyak sa paligid. May mga nasusunog na puno, at may mga sundalonh papalapit.



Ngunit, ang isa sa nag pataas ng balahubo. Ay si Kiko, na umiiyak. Napaluhod sa kaba si Inang, at inaalalayan ito ni Klara. Hawka hawak siya ng isang guwardya sibil.


"INANG! ATE KLARA! ATE LIRA! TULONG!" Buong lakas na sigaw ni Kiko. Malayo, man alam kong takot na takot si Kiko sa mga nangyayari. Kinakabhan soya ng husto.


Humugot ako ng malalim na hininga, at tinitigan ang umiiyak na si Inang. "A-ako...Na...ba-bahala. Mag e-empake na kayo, su-dunod ka-kami ni Ki-ko."pinilit kong mag salita.



Napahawak ako sa tiyan ko, at napayuko, dahil sa mga dugong lumabas aa bibig ko. Patang hinahatak ang mga ugat sa buong toyan ko, at tila sinisikmitaan ako ng paulit ulit. Pero bumalik ako sa wisyo ko, at tinitigan silang naka ngiti. Pinunasan ko gamit ang oanyomg bigay saakin ni Klara ang mg dugo.


Umiling iling si Klara, at nag aalalang tinitigan ako. "Hindi puwede-"


Nang may narinig nanaman kaming pag dabok, itinulak ko n asila paalis.



"Lira!" Sabay sabay na sigaw ni Inang at Klara. Hindi na ako lumingon, at agad na tumakbo papalayo sakanila.


Wag kang lilingon, kailangna ka ni Kiko. Wag kang Lilingon, Lira kailangan ka ni Kiko..


Tumakbo lang ako ng tumakbo, at habang tumatakbo inilabas ko ang punyal na bigay saakin ni Pedro. Kahit mga babae kami ni Klara, tinuruan pa rin kami ni Tatay Pedro, ang yumaong ama nila kung paano makipag laban. May nagaganap na giyera, kaya kailangan namin ito.



"ATE LIRA!" Buong lakas na sigaw ni Kiko. Nang makita ko na siya hawak hawak siya ng mga sundalong espanyol.


"AAAAH!" Buong lakas na sigaw ko, at tumakbo papalapit sa mga espanyol may hawak kay Kiko.


Pero bago pa ako, makalapit, hinawakan ako ng isang espanyol sa bewang, at pilit akong pinipigilang makalaput.



"Cállate!" Sigaw ng espanyol, pero hindi ko maintindihan kung ano man ang sinasabi niya.

Natigilan ako nang biglang hinagis sa ere ang batang si Kiko. Pag tapos nito ay, may narinig akobg putok ng baril. Binaril sa mula sa ere si Kiko. Nang marinig ko ang tunog ng baril na iyon, tila ba bumagal na din ang pag ikot ng mundo ko. Wala na akong naririnig, kung hindi ang parang iyak ni Kiko. Bumagsak si Kiko, na tila ba walang malay. Lahat ng dugo ay tumalsik saakin. Dugo ni Kiko.




Wag kang matakot, wag kang matakot Lira. Wag kang matakot. Buing lakas kong ibinalibag ang lalakeng may hawak saakin, at agad na sinaksak ito sa mata.


Agad akong tumakbo papunta sa binagsakan ni Kiko. Nababalot siya ng sarili niyang dugo. Gamit ang nanginginig kong mga kamay, dala ng takot, naiiyak na hinawakan ko ang kaniyang pisngi.


"¡tu niña loca!" Sigaw ng isang Espanyol na bumaril kay Kiko. Hindi ko naiintindihan, ano ang sinasabi niya. Ano ang binibigkas ng mga labi niya. Hindi ko man lang sila kayang masigawan sa galit, o maintindihan man lang.


Naramdaman ko ang isang mainit at malakas na tumama sa leeg ko. Bumagsak ako sa lupa, sa tabi mismo ni Kiko. Alam kong binaril nila ako.


Ito na ba ang pakiramdam ng mamatay? Patay na ba ako, at nanaginip na lang? Patawad, Klara, Inang, hindi na kami makakauwi ni Kiko.



Handa na akong mamatay, ngunit bakit ganito? Bakit wala akong nararamdaman?


Nag panggap akong namatay, yakap yakap ang malamig na bangkay ni Kiko.

Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi na masakit, hindi na masakit ang balang tumagos sa leeg ko. Bakit hindi ako namatay?


Tinignan ko ulit si Kiko, kung buhay din siya. Tinignan ko ang pulso nito, at itinapat ang daliri ko sa ilong niya kung humihingapa siya.


"Ki...ko." Naiiyak na banggit ko sa pangalan niya, kahit namimilipit ang tiyan ko sa sakit, at may tumutulong dugo saaking bibig. Huli na, patay na siya.



Agad akong bumangon, at kinuha ang malamig na bangkay ni Kiko. Kung namatay siya dahil sa bala ng baril, bakit hindi ako namatay?



Nanghihina ang mga tuhod ko, nanginginig ang mga kamay ko. Pero kailangan kong tumayo at tumakbo. Buhat buhat ko ang bangkay ni Kiko, at agad na tumakbo.


Tama, tatakbo na lang ako. Kailangan kong tumakbo ng tumakbo, hanggang sa makasama ko na ulit sila Klara.



Takbo lang, takbo lang Lira. Sunod sunod ang pag sabog sa likuran ko. Madami nang patay na tao sa paligid, madami na ring mga tumatakbo paalis ng lugar.


Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin, natigilan ako sa mga nakita ko. Bakit ganito? Bakit ganito, ang nangyayari sa buhay ko?



Kasabay ng pag putok ng mga baril, ay ang pag nagsak sa lupa nila Klara at Inang Sinang.



"Klara! Inang!" Buong lakas na sigaw ko. Na kahit pa ay namimilipit na ako sa sakit, at madaming tumutulong mga dugo sa bibig ko. Bitbit ko pa din si Kiko, at napayakap ako sa batang bangkay, dahil sa takot.


Sa panginginig ko, nabitawan ko bigla si Kiko.



Hindi ko alam, sumasakit ang ulo ko. Pero tumakbo lang ako at agad na pinuntahan ang bangkay nila Klara at Inang Sinang. Pero ang pinag tataka ko, bakit hindi ako nakikita ng mga espanyol?





"Ellas estan muertas eso es bueno." Sabi ng isang espanyol nang lumapit ito sa bangkay nila Inang at Klara, hindi ko pa din maintindihan ang sinasabi nila. At hindi ko maintindihan, bakit hindi nila ako makita.




Nakita ko si Noli, na kapit bahay namin , agad ko siyang pinuntahan at tumayo sa harapan niya, pero bigla lang akong tumagos.


Anong nangyayari saakin? Patay ma ba ako?


"WAAAAH!" Sigaw ko dala ng takot. Bigla akong napapilipit sa sakit, at sumuka ng dugo dahil sa pag sigaw ko.


Ano ba talagang nangyaari saakin?


Babalik na sana ako sa bangkay nila Inang at Klara, nang may nakita akong mga kakaibang tao.



May mga espada ang mga taong ito, naka itim silang lahat. Hindi, may isang naka puti. Sino ang nakaputing iyon?

Anong gagawin nila? Bakit nila kukunin sila Inang?
"Wa-AAAAH!" Buong sigaw ko, gusto ko man silang pigilan pero hindi ko magawa, dahil sa sakit na nararamdaman ko.




Anong mangyayari? Ano ito? Bakit ako nag kakaganito? Ano itong nararamdaman ko.


Agad akong tumayo, at pilit na tumakbo papunta sa isang lalakeng nakita ko.




"WAIT-how the-bakit mo kami nakikita?-Hindi ka tao!"







Note!
Hello there! Hehe! Ayos ba? Don't worry, babawi ako sa ibang mga chapter ( ◜‿◝ )♡

Continue Reading

You'll Also Like

873K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...