My Perfect Disaster

Autorstwa HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." Więcej

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Pot

389 35 4
Autorstwa HEYNEENAMOR

Rita's POV


Nakaramdam ako ng init at pinagpawisan na yata ako.. Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa akin tsaka ko kinapa ang isang unan sa gilid ko para yakapin.. Pero sa bawat pagkapa ko sa kama ay wala akong makuhang unan sa paligid ko na ipinagtataka ko. Napadilat ako ng maalala kong wala nga pala ako sa kwarto ko.










Shit! Nakatulog ako sa kama ni Ken.








Pagtayo ko ay nadatnan kong nakaidlip si Ken sa sofa. May hawak pa itong libro.







Nakakahiya naman, hindi ito nakatulog sa kama niya dahil nandidito ako. Hmp. Mabilis kong inayos ang  kama nito at tinupi ko ang kumot—-








"Teka? Hindi naman ako nagkumot kanina ah?" nagtatakang bulong ko sa sarili. Napatingin ako sa natutulog na si Ken. So kinumutan niya ako?














Nang maayos ko na muli ang kama nito ay nagmadali na akong kunin ang Vacuum cleaner at yung mga pinalitan kong kurtina at bedsheet..


















"Hey. Stop!" nagulat ako ng marinig kong nagsalita si Ken. Nagising na pala ito at umayos siya ng upo sa sofa.











"Anong stop? Ano to? Stop dance!!"









"Mag-uusap tayo.."











"Busy ako—-" bigla itong tumayo at inunahan niya ako sa pinto. Ni-lock niya ito para hindi ako makalabas.








"Buksan mo yan! Kundi sisirain ko yang lock mo!"







"Bakit mo binasag ang pot kanina hah?"








"At bakit hindi???"










"Sinabihan kita kanina diba? Na mag behave ka! Pero ano yun? Bakit may pagbasag ng pot? Mabuti na lang at hindi ka nakita ni Rebecca.."












"Narinig mo naman siguro yung sinabi niya tungkol sa akin diba? Sinong hindi magagalit dun hah??? As if naman na gusto ko ding gawin yung project niya? No way!"






"You have no choice! Ikaw ang i-aassign ko sa project ni Rebecca.."






"Ken naman! Magkakagulo lang yung project kapag ako ang nilagay mo doon. Ni hindi ko nga alam na nakapag bitaw ka na ng salita sa kanya na ako ang i-aassign mo! Ngayon ko lang nalaman!"







"Hindi ko alam na ugali mo palang makinig sa pag-uusap ng iba. Sa narinig mo, by monday ko pa dapat sasabihin sayo diba? Kahapon ko lang naman iyon nasabi sa kanya..Hindi ko alam na may reklamo pala siya sayo.."











"Kita mo! Wala pa akong ginagawa at tinatrabaho sa kanya, may reklamo na agad siya sa akin! Hinuhusgahan niya agad ako ! Wala siyang tiwala eh! Narinig ko! Mas lalo namang wala akong tiwala sa kanya!"











"As I said, wala kang choice. You need to accept that projet. Mahalagang kliyente si Rebecca—"









"Gaano ba kahalaga? Hmm.. Mahalaga para sa kumpanya or mahalaga para sayo? Ano ba? Pumunta ba yan dito bilang kliyente o bilang babae mo? Mabilis ang kamay eh! Kitang-kita ko kung paano dumapo yung malilikot na kamay niya sa kamay mo!!—"










"You're talking nonsense—-"











"Nonsense? Ngayong alam na niya ang bahay mo, paano kung bumulaga na lang yan isang araw dito hah? Problema na naman Ken Chan!" iritang sabi ko dito at napaupo ako sa kama at hinilot hilot ang sentido ko.










"Don't worry, nakausap ko na yung head security ng Village, they will inform us if dumating si Rebecca sa village at hindi nila agad papapasukin kung walang consent natin.."









"Talaga? Kinausap mo yung head security?"









"Oo nga! Para na rin sa safety ni Oslo.." Mabuti naman at naiisip niya na ang safety ni Oslo ngayon. Masyado kasing babaero at yung babae na yung gumagawa ng paraan makita lang ang walanghiya.. Hay naku!












"Kunin mo nga yung tsinelas ko sa labas at isuot mo sa paa ko.." utos ko kay Ken Chan at ang sama ng tingin nito sa akin..









"At bakit ko naman gagawin iyon?"











"Hoy Ken! Baka nakakalimutan mong may usapan tayo kanina! Hindi ko pinalayas yang Kliyente mo, kapalit ng pagsunod mo sa mga inuutos ko!"











"Hindi ko naman nakakalimutan iyon Rita. Pero ikaw yata ang nakalimot.. Ang sabi ko kanina ay mag behave ka lang at kapag hindi ka nag behave ay ikaw ang gagawa ng lahat ng kundisyon mo.. Eh binasag mo yung pot, so hindi ka nag behave... from now on, ikaw ang gagawa ng lahat ng iuutos ko."











"Hoy! Teka— Hindi! Ang sama mo talaga Ken Chan!!!" inis na sigaw ko dito..













"Bakit? Sino bang nakaisip ng kundisyon na iyon hah?"













"Ako!"













"So sinong masama?"











"Ako?"











"Oh. Alam mo naman pala. So mula ngayon, hindi na ako gagastos ng pagpapa laundry ko at plantsa dahil ikaw na ang gagawa nung lahat!"








"Hindi!!!"













"Yes.. Gagawin mo!" nakangiting sabi nito.











"Bahala ka sa Rebecca mo! Gawin mo yung project niyang mag isa mo!" inis na sabi ko dito sabay tayo para lumabas ng pinto pero naka-lock parin pala..











"Hindi ka pwedeng tumanggi sa boss mo..." paalala nito sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.













"A-araaaay!! Rita!!!" tinadyakan ko lang naman ang binti niya tsaka ko binuksan ang pinto at pumasok sa kwarto ko.. Ang aga-agang nasisira ang araw ko at dahil yun sa Rebecca na iyon. Isa pa tong Tsinoy na to! Grrrr..



































Kakatapos ko lang magluto ng dinner at napatulog ko na din si Oslo sa crib nito... Ang sarap ng higa ko sa couch dito sa sala ng dumating si Ken kasama si Attorney Feliciano..






"Hi Dear Rita! Magandang gabi!" nakangiting bati ni Attorney..








"Magandang gabi Attorney!" nakangiting sagot ko dito.. Pero nawala ang ngiti ko ng maalalang baka makita nito si Oslo. Or alam na niyang may bata dito sa bahay?







"Where's Oslo?" tanong ni Attorney sa akin kaya napatingin ako kay Ken..






"A-alam mo ang tungkol kay Oslo?" nagtatakang tanong ko dito kaya napatingin ito kay Ken.




"I'm sorry, hindi ko ba dapat malaman? Hmm.."









"Sinabi ko sa kanya Rita."










"Pero Ken! May usapan tayo na huwag mong ipagsasabi ang tungkol kay—- Wait, sino pang pinagsabihan mo ng tungkol kay Oslo?"






"Wala na. Si Feliciano lang. Tsaka wag kang OA diyan, kung may isang tao na makakatulong sa atin about kay Oslo ay si Feliciano yun. Attorney siya diba?"






"Pero Ken..."







"Si Iza nga alam na din hah? Tsaka safe naman yang kaibigan ko.." napatingin ako kay Attorney at napansin kong natatawa ito.







"Anong tinatawa-tawa mo diyan hah?" iritang tanong ko dito.






"Wala. Naaaliw lang ako sa inyo.."






"Feliciano umayos ka!" rinig kong sabi ni Ken.









"Kumain na ba kayo? Kakaluto ko lang ng dinner.." sabi ko sa kanila tsaka ako tumungo sa kusina..







"Kumain na muna tayo bago tayo umalis.." rinig kong sabi ni Ken kay Attorney. So may pupuntahan pala silang dalawa?












"Nasa kwarto mo ba si Oslo? Pwede bang makita ni Feliciano?" nakasilip na tanong ni Ken sa pinto.









"Sige. Nakabukas naman yung kwarto ko, wag lang kayo masyadong maingay. Kakatulog lang kasi niyan, baka magising.."






















Ken's POV





"Ang cute diba?"






"Oo nga Ken! Ang cute nito. Sigurado kang hindi sayo to?"





"Feli!!!"





"Shhh. Wag kang sumigaw, magigising yung bata! Tsaka tama ka, kailangan na nitong makita ang mga magulang niya.. Tutulong ako. At gagawin ko ang makakaya ko maibalik lang ito. Nakakaawa nga..."





"At sana, mabuti ang mga magulang niya.. Sana mali ang akala namin na pinagtangkaan itong patayin ng sarili niyang magulang.. Mas matatanggap ko pa kung na-kidnap lang ito at napunta dito eh.."






















Paglabas namin ng kwarto ni Rita ay dumiretso na kami sa kusina para kumain. Sakto at nakaready na din ang pagkain, kami na lang ang kulang..











"Ang sarap ng luto mo Rita. Totoo." rinig kong sabi ni Feliciano






"Alam ko! Madalas ko ng naririnig yan sa mga tao na nakakatikim ng luto ko, ewan ko lang sa isa diyan.. Baliktad yata ang panlasa.."






"Kita mo yan Feliciano. Ang hangin diba? Tsss.."







"Mahangin ka diyan! Mas mahangin ka!"








"Eh hindi naman talaga ako nasasarapan sa luto mo eh. Sakto lang naman yung lasa. Walang espesyal."






"Akala mo makakatikim ka pa ng luto ko hah? Magpadeliver ka ng pagkain mo mula bukas!"









"Alam kong hindi mo ako natitiis.." pang iinis ko dito..







"Hey! Hey! Relax!! Com'on guys! Mamaya na kayo mag-away kapag tapos na akong kumain... Nakakahiya naman sa gwapo niyong bisita!"








"Tumahimik ka!" sabay na sabi namin ni Rita kay Feliciano












"Oopps! Okay okay! Kunyari wala akong naririnig.." natatawang sabi ni Feliciano at inis paring nakatingin si Rita sa akin.

























Matapos naming kumain ay tumungo na kami ni Feliciano sa isang lugar kung saan posibleng masagot ang problema namin tungkol kay Oslo.



























Rita's POV



Napadilat ako mula sa pagkakatulog dahil sa ingay ng isang kakarating lang na sasakyan.



Dahan-dahan akong sumilip mula sa kwarto ko at sakto ang pagpasok ni Ken.. Napapikit ako at agad na sumagi sa isip ko na baka may kasama itong babae. Pero nabura agad ang hinala ko ng makita kong kasunod parin nitong pumasok si Attorney Feliciano. Agad akong napatingin sa orasan, 1 am na pero kakauwi palang nila. Curious tuloy ako kung saan sila pumunta...













"Hoy!" umayos ako ng tayo ng makita ako ni Ken na nakasilip dito sa pinto ng kwarto ko. Lumabas ako at lumapit sa kanila.








"Alam niyo bang sa pag-uwi niyo ng late dito sa bahay ay baka magising si Oslo sa pagtulog niya? Ang OA  ng makina ng kotse niyo hah! Bakit ang ingay?"












"Pasensya na Rita, kotse ko iyon. Di ko pa kasi napapa check up yung makina.." Ay, kay Attorney pala..medyo nakaramdam ako ng hiya sa sinabi nito..











"Oh ano? Mag ingat ka sa pananalita mo Rita, Abogado yang kausap mo.." pang aasar ni Ken. Inirapan ko ito at agad akong napatingin sa flashdrive na nilapag ni Ken sa center table..










"Kunin mo yung laptop mo.." utos ni Ken sa akin.






"Hah? At bakit ko naman kukunin aber? May laptop ka diba? Bakit kailangan mo pang manghiram?" inis na tanong ko dito.










"Napakadamot! Edi yung laptop ko na lang yung kunin mo sa kwarto ko!"









"Aba! Laptop ko ba yun hah? Bakit mo ako inuutusan??"










"May nakakalimutan ka yata Rita!" paalala nito tsaka niya ako tiningnan ng nang-iinis..











"Bahala ka. Kunin mo—-"









"Rita!"









"Oo na! Ito na nga! Wag kang sumigaw dahil kapag nagising si Oslo ngayon, sa kwarto mo ko siya papatulugin!!!!"














Inis akong pumasok sa kwarto nito tsaka kinuha ang laptop niya. Nakita ko agad ito sa side table ng kama niya..



















"Ano ba kasi yan hah?" inip na tanong ko habang sinasalpak ni Attorney yung flashdrive sa laptop..








"Alam mo, habang naiinip ka diyan , bakit di mo na lang kami dalhan ng tea dito.." inis kong tiningnan si Ken tsaka iritang pumunta ng kusina para gawaan sila ng tea.

















Pagbalik ko, inabot ko sa kanila ang dalawang tea na dala ko tsaka ako nakisilip sa tinitingnan nila sa laptop..












"Astig Ken Chan! Nag s-store ka ng porn video sa company laptop mo?" natatawang tanong ni Attorney. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang laman ng isang folder.. Mabilis akong nagtakip ng mata tsaka ko sinabunutan si Ken.










"A-Araaay! Rita ! Ano ba!!"











"Manonood lang pala kayo ng ganyan! Bakit sinasama niyo pa ako hah!!!"










"No Rita. I'm sorry. Maling folder yung nabuksan ko." hinging paumanhin ni Attorney Feliciano..








"OA ka naman maka react! Parang di ka pa naman nakakanood ng gan—- Araaay! Yung buhok ko! Masakit na!!"








"Ano ba talagang titingnan niyo hah?"







"Galing kami ng  barangay hall Rita. Kinausap ni Feliciano ang namamahala ng mga CCTV sa buong village.. Pero hindi lahat ng video ay nabigay nila. Isang video lang ang naibigay nila at iyan ang video sa tapat ng bahay .. Sana may makita tayong evidence at clue .. Sana makilala na natin kung sino ang naglagay kay Oslo sa ilalim ng kotse ko.."






"Gi-ginawa niyo yun? And nakakuha kayo ng video? Samantalang ako, naka ilang tawag at punta na ako dun pero hindi manlang ako binigyan ng kahit isang video! Tss.."








"Hindi ka kasi mukhang mapagkakatiwalaan . Hahahahahahah.."









"Haha. Nakakatawa! Hmmm.. Paano , hindi ko masabi sa kanila yung totoong dahilan kung bakit kailangan ko ng video eh.. Teka, anong dahilan niyo bakit nila kayo binigyan ng video?"





"Abogado kaya ang kasama ko! Syempre nag recite lang yan ng Articles sa staff dun, ayun, nagbigay naman.." napakayabang talaga.








"Oh bilis na! Hanapin niyo na yung video ng malaman na natin!" iritang sabi ko.. Nagtataka ako kung bakit sabay na napatingin si Ken at Attorney sa akin. Na para bang may nasabi akong mali? hah?








"Handa ka ba?"








"A-anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko kay Ken.








"Kapag nalaman natin kung sino ang nagdala kay Oslo sa ilalim ng kotse ko, magtutuloy-tuloy na ang imbestigasyon.. Sooner or later, aalis na si Oslo dito—"






"Kapag nasigurado nating totoong mabuti ang mga magulang ni Oslo, ibabalik ko siya. Pero kung totoong inabanduna nila ito, hindi ko ibibigay si Oslo."





"A long process ang kailangan para mapunta sayo ang custody ng bata if ever." sabi ni Attorney.











"Alam ko."
















Narinig kong tumikhim si Ken tsaka ito nagsalita..















"I found the file. Panoorin na natin." sabi ni Ken. Huminga ako ng malalim tsaka nagfocus sa nagloloading na video..










❤️

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

19.5K 1.6K 47
"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."
6.6K 284 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
13.5K 99 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
157K 1.8K 31
Tinawag na Boarding House ng mga Manyak ang Bahay ni Keith dahil sa pinsan nyang si Kyle at sa Dalawang kaibigan nya sina Phillip at Dustin na wala n...