BOOK 2: The HIM who loves Her...

By InThatCorner

118K 1.8K 111

From the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live... More

The HIM who loves HER...so much
COM: Certificate of Marriage
PROLOGUE
Chapter 1: The Him who annoys Her
1.2
Chapter 2: HanKe's House
2.2
Chapter 3: Bossy Husband
3.1
Chapter 4: First Weeksary
4.1
Chapter 5: Ring Issue
5.1
Chapter 6: A Rainy Sunday
6.1
Chapter 7: His Gestures and Alibis
7.1
Chapter 8: He's making it Obvious
8.1
Chapter 9: Him comforting Her
9.1
Chapter 10: He's Caressing Her
10.1
Chapter 11: If it makes her Happy
11.1
Chapter 12: Bygone
12.1
Chapter 13: He's Confusing
13.1
Chapter 14: She's Jealous
14.1
Chapter 15: She's Neglected
15.1
Chapter 16: The Man from Her Past
16.1
Chapter 17: The Upcoming Threat
17.1
Chapter 18: A Sweet Escape
18.1
Chapter 19: Bye Kevin
19.1
In That Corner's Note
Chapter 20: Heart Heart
20.1
Chapter 21: I'll Wait
21.1
Chapter 22: Imprisoned Hearts
22.1
Chapter 23: It's Getting Harder
23.1
Chapter 24: Their Shouting Hearts
Chapter 25: His Heart Ruled
25.1
Chapter 26: His Gift for Her
26.1
Chapter 27: A Trip to Remember
27.1
Chapter 28: Borrowed Time
28.1
---
Chapter 29: Being Dumped
29.1
Chapter 30: The Confrontation
30.1
Chapter 31: She Breaks Down
31.1
Chapter 32: She Lied
32.1
Chapter 33: The Last Month
33.1
Chapter 34: Losing Her
34.1
Chapter 35: Done Pretending
35.1
Chapter 36: Anniversary Date
36.1
Chapter 37: She's Gone
37.1
Soon: The Him who loves Her...unconditionally

24.1

1.3K 24 2
By InThatCorner

(K E V I N)

Alas otso na ng gabi ako nakauwi ng Pilipinas, medyo nakaramdam na rin ako ng pagod, pero kailangan ko'ng dumaan muna sa opisina dahil may kailangan ako'ng pirmahan.

     “Sir, pumunta nga ho pala rito kanina si Ma’am Hani.” balita ni Lani sa’kin habang pinipirmahan ko ang financial statements.

     “Si Hani? Ano raw'ng ginagawa niya rito?”

     “Nagdala ho siya ng hapunan para sa inyo.”

     “Nalaman ba niya kung sa’n ako nagpunta?”

     “Gaya na nga ho ng bilin niyo, hindi ko ho pinaalam sa kanya.”

     “Good. Salamat, Lani.”

     “Walang anuman ho yun, Sir. Pero, Sir, muha'ng nagalit po ata si Ma'am Hani kanina.”

   Napangiti ako.

     "Ako na ang bahala'ng sumuyo sa asawa ko."

   Matapos ko'ng pirmahan ang mga papeles ay umalis na si Lani at dinala sa finance department ang na-aprubahan ko'ng budget para sa event.

   Dinampot ko ang cellphone ko at tinawagan si Hani na balita 'ko'y nagalit nang madatnan ako'ng wala sa opisina.

     “Hani.” pagbigkas ko ng pangalan niya.

     “Ba’t ka tumawag?” wala'ng gana niya'ng sagot.

     “Pumunta ka raw rito sa opisina ko?”

     “Nasa opisina ka na?”

     “Oo.”

     “Ganun ba? Eh kumusta naman ang lakad mo?”

   Napangiti ako.

     “Ayos lang.” I enjoyed teasing her.

   Rinig na rinig ko ang malakas na paghinga niya sa kabila'ng linya. Nagpipigil siya'ng sumabog.

     “Sa’n ka ba kasi nagpunta? Ba’t ang sabi mo busy ka sa trabaho mo?”

     “Busy nga ako. Pumunta ako ng Laguna.”

     “Sa Laguna?”

     “Oo, may inasikaso lang ako ron.”

     “Ganun? Eh ba’t kailangan mo'ng isekreto sa’kin?”

   Napangiti ako at sinagot ang tanong niya.

     “Sinabi ko kay Lani na 'wag sabihin sa’yo kasi gusto ko ako mismo ang magsabi.”

     “At bakit?”

     “Trip ko lang.”

     “May pa-trip-trip ka pa'ng nalalaman.”

     “Bakit? Ano ba'ng iniisip mo?”

     “Wala.”

     “Posible ba'ng wala? Hindi ka ma—”

     “Oo posible. Bye na nga, inaantok na ako.”

   She hang up.

   Natawa nalang ako at tinapos na ang naiwan ko pa'ng trabaho.

  


Pag-uwi ko ng bahay ay tulog na si Hani—yakap-yakap ang binili'ng stuff toy ni Stan sa kanya. Nakabukas ang bibig niya at may mahihina'ng paghilik. 

   Kumunot ang noo ko at pumasok sa walk in closet. Tinago ko muna ang binili ko'ng miniature ng carousel sa likod ng mga damit ko. Plano ko na sa susunod na araw ko nalang ibigay kay Hani ang regalo ko sa kanya.

   Matapos ko'ng magbihis ay nakaramdam ako ng gutom kaya pumanhik muna ako sa kusina. Pagbukas ko ng ref ay nakita ko ang isa'ng kahon ng manok galing sa isa'ng fast food chain at may katabi pa'ng softdrink. May nakalagay rin na note sa kahon.

Kinainan ko ng konti yung manok, natakam kasi ako sa balat eh. Pasensya na :)

   Napangiti ako tapos ay kinuha ko na ang pagkain at ininit sa microwave. Habang hinihintay ko na uminit 'yun ay nakatingin lang ako sa hawak ko'ng note.

     “Ang takaw mo talaga.” nakangiti'ng sabi ko.

   Every thing she does is cute.

   Nag-enjoy ako sa dinner ng binili ni Hani. Espesyal 'yun dahil pinuntahan pa niya ako sa opisina para dalhan ako ng hapunan. Napaka-maasikaso rin talaga niya kahit na nag-aasaran lang kami parati.

   Matapos ko'ng kumain at nang itatapon ko na ang kahon ng manok ay napansin ko ang isa'ng nakalukot na papel na kakulay ng note na nabasa ko kanina. Dinampot ko ang lukot na papel mula sa basurahan at bigla ako'ng napangiti sa nabasa ko.

WAG MONG KAKAININ ‘TO! BINILI KO ‘TO PARA SA’KIN! UUBUSIN KO PA ‘TO BUKAS KAYA KEEP OFF! GETS MO?!

     “Kailangan talaga capslock?” nakangisi'ng tanong ko.

   Siguro sinulat niya ‘yun bago ako tumawag sa kanya at nang malaman na niya 'yun'g dahilan ko ay siguro nag-iba na rin 'yun'g mood niya at binago ang note. Ikaw talaga, Hani, akala mo siguro maiisahan mo 'ko. Alam ko naman na para sa’kin talaga ang binili mo.

    

“May cake pa ba tayo sa ref? Parang gusto ko ata'ng kumain ng dessert.” tanong ko sa kanya kalagitnaan ng almusal namin sa sumunod na araw.

     “Wala na, gagawa nga ako mamaya pagdating ko galing Jacksbridge.”

     “Marunong ka'ng gumawa?”

     “Tinuruan ako ni Mama at nakasulat naman sa notebook ko ang procedures at ingredients kaya 'yun nalang ang susundin ko.”

     “Hintayin mo 'ko mamaya.”

     “Ha? Bakit?”

     “Tutulungan kita sa paggawa.”

     “Talaga?!” gulat pero may tuwa'ng reaksyon niya.

     “Oo, hindi ako kampante na ikaw lang mag-isa ang gagawa, baka magsayang ka lang ng gamit.” pang-aasar ko na nagpawala ng ngiti niya.

     “Akala ko kung ano na.”

     “Bakit? Ano ba'ng akala mo?”

     “Akala ko naaawa ka sa’kin kaya tutulungan mo 'ko, pero 'yun pala mas concern ka pa sa mga ingredients.”

     “Dapat lang, pera ko ang ginamit pambili nun.”

     “He!”

     “O, ba’t ka nagagalit?

     “Itanong mo sa sarili mo.”

     “Ewan ko sa’yo.”

     “Mas ewan ko sa’yo, ang gulo mo.”

     “Mas magulo ka.”

     “Hay ewan!” naiinis niya'ng ekspresyon at tinuon ang atensyon sa pagkain na nasa plato niya.

   Napangiti ako noon'g hindi na siya nakatingin.

   Kung alam lang niya na inaasar ko lang siya at gusto ko lang makabonding ulit siya.





( H A  N  I )

Sa loob ng Jacksbridge ay medyo naging busy ako sa pagrereview sa lawn dun sa may fountain. Ang dami ko'ng kailangan'g memoryahin na terms para sa Biology quiz namin. Sasabog na ata ang utak ko sa overloaded na lessons.

   Bigla'ng lumapit si Boom at nagtaka ako nang makita ko'ng nakasimangot ito.

     “Ano'ng nangyari?”

     “Nagtalo kami ni Bree." sabay upo sa tabi ko.

   Tumaas ang dalawa'ng kilay ko dahil sa pagtataka.

     "Kasi diba ga-graduate na ako sa buwan'g ‘to? At nasabi ko sa kanya na sa Aklan na ako titira.”

     “Ha?! Ibig sabihin nun, maglalayo kayo?”

     “Ilan'g buwan lang naman eh, pero hindi niya maintindihan kasi ang iniisip niya lolokohin ko lang siya.”

     “Mahal ka ni Bree kaya natatakot 'yun na baka may makita ka'ng iba habang magkalayo kayo. Posible naman din kasi'ng mangyari 'yun.”

     “At mahal ko rin si Bree kaya sinisiguro ko na hindi ako magloloko. Babalik naman ako eh, babalikan ko siya.”

     “Kahit na, hindi mo pa rin maaalis sa kanya na matakot. Mahirap panghawakan ang mga salita lang, Boom.”

   Bumuntong-hinga siya.

     “Susubukan ko'ng kausapin ulit si Bree at ipapaintindi ko sa kanya na mahal ko siya. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng relasyon namin'g dalawa.”

   Napangiti ako. Siguro ganun rin sina Monique at Kevin.

     “Maswerte si Bree sa’yo.” seryoso'ng pagkakasabi ko.

     “Ayoko'ng mawala sa’kin si Bree.”

   Ngumiti ulit ako.

   Sana may magsabi rin sa’kin ng ganyan, sana may isa'ng tao rin na hindi makakaya kapag nawala ako sa kanya. Hay, the one. Sa’n ka ba kasi nagsususuot?

   Maging hanggang sa pag-uwi ko ng bahay ay napag-isip-isip ko ang sinabi ni Boom.

     “Buti pa si Bree, may Boom na nagmamahal sa kanya.” habang nakaupo ako sa sofa, ume-emote.

     “Ano'ng sabi mo?” sabi ng boses na gumulat sa’kin, napalingon agad ako at nakita ko'ng nakatayo sa likod ko si Kevin! Nasa isa'ng bulsa ng shorts nito ang isa niya'ng kamay, bagsak ang buhok, naka-plain white tank top at sobra'ng bango nang wala'ng hiya. Bwesit, ang gwapo nang gago.

     “Ka—kanina ka pa diyan?” nauutal ko'ng tanong sa kanya.

   Ay sira! Nadaanan ko nga pala ang kotse niya kanina nang papasok ako ng bahay.

     “Kabababa ko lang nung magsalita ka. Teka nga, nababaliw ka na naman? Kaya kinakausap mo na lang ang sarili mo."

   Napailing-iling siya.

     "Mukha'ng hindi na maganda 'to ah, baliw 'yun'g asawa ko.”

   Kumunot ang noo ko at tumayo para hampasin ang braso ni ulupong.

     “Hindi ako baliw!” naiinis ko'ng sigaw sa kanya.

   Hinaplos niya ang braso niya'ng nahampas ko nang malakas.

     “Eh ano ba kasi ang sinasabi mo kanina?”

   Kumalma ako.

     “Si Boom kasi, nag-away sila'ng dalawa ni Bree.”

     “So?”

     “Wala lang, mai-share ko lang sa’yo.”

   Tumango-tango lang si ulupong. Pero obvious naman'g wala talaga siya'ng pakialam, ganyan naman talaga siya eh—sarili lang niya ang iniisip niya at ewan ko ba kung ba’t na-inlove ako sa selfish na ulupong na’to.

     “Ok. Kumain na tayo para makapagbake na tayo ng cake.” pag-iiba niya ng topic.

     “Magbibihis lang ako.” naiinis ko'ng sagot sa kanya.

     “Sige, ihahanda ko lang ang mga ingredients.”

   Hindi ako kumibo.



 (K E V I N)

Nang umakyat na ng hagdan si Hani ay nagtaka ako. Ba’t kaya sa’kin siya naiinis? Wala naman ako'ng kinalaman sa away ng mga kaibigan niya. Ang problema kasi sa kanya, ang hilig niya'ng mangialam sa buhay ng iba kaya pati siya naaabala.








( H A  N  I )

Nadatnan ko'ng busy sa paghahanda ng mga ingredients si Kevin, naka-apron pa siya. Sakto lang naman 'yun'g braso niya na medyo may muscles muscles din. Nakakamangha talaga ang ulupong na ‘to kapag pinapakita niya 'yun'g magandang braso niya. Hindi ko tuloy mapigilan'g tumitig sa kanya. Pero nang tumingin siya sa’kin ay nasamid naman ako ng laway ko.

     “Hoy, tumulong ka nga rito.” utos niya sa’kin habang napapaubo ako.

   Nilunok ko muna ang laway ko tapos ay nagtaray kay ulupong para mawala 'yun'g nararamdaman ko'ng hiya sa nagawa ko.

     “Oo na!”

(K E V I N)

Matapos namin'g maghapunan ni Hani ay nagsimula na kami'ng mag-bake. Gumawa nga kami'ng dalawa ng cake pero kung tutuusin wala naman'g nagawa si kutong-lupa. Ako 'to'ng nagmi-mix ng mga ingredients at naglagay ng whip cream pati ng chocolate frosting at chocolate sprinkles. Tumulong lang siya sa pagtitig at pagbabasa ng procedures na matagal ko na naman'g alam. May ginawa pala siya—ang pagmemelt nga lang ng chocolate. Pero hindi pa nga namin nalalagay 'yun sa gagawin'g cake ay pinapak na niya 'yun. Ilan'g beses ko rin siya'ng nasigawan at ila'ng beses rin niya ako/ng sinigawan. Himala talaga na natapos namin ang paggawa ng cake.

   Nang mailagay ang cake sa loob ng ref ay napansin ko'ng pinapak na naman niya ang mga tira'ng melted chocolate sa kawali.

   Nilapitan ko siya at tinitigan.

     “O, ano'ng meron?” habang ginagawa'ng kutsara ang daliri niya.

     “Tingnan mo nga 'yan'g mukha mo, puno ng tsokolate. Ang takaw-takaw mo talaga.”

     “At sa’yo talaga nanggaling 'yan? Wow, nahiya ako. Sobra'ng nanliliit ako.”

     “Aba!” reaksyon ko sabay akto'ng taas ng braso ko pero hindi man lang siya umilag.

     “Sus, hindi mo naman kaya eh.”

     Aah, kaya sumusobra ka kasi alam mo'ng hindi naman kita kaya'ng saktan.”

   Tumitig si Hani sa’kin, nailang ako saglit.

   Pero maya-maya ay ngumiti siya.

     “Ewan ko sa’yo.” nakangiti'ng reaksyon nya.

     “Baliw ka talaga.”

     “Blah blah blah.”

     “Bahala ka, linisin mo nga 'to'ng kusina.”

     “Ako lang mag-isa?”

     “Oo, ikaw lang.”

     “Hindi ka tutulong?”

     “Ayoko.”

     "Fine." napipilitan niya'ng sagot.

   Habang nililinis niya ang kusina ay nasa dining area lang ako, tinitingnan siya.

     “Hoy, titingin ka lang ba talaga diyan?” pansin niya pala ang ginagawa ko habang may hawak-hawak na automatic mixer.

     “Oo.”

     “Bwesit ka talaga.”

   Pilyo ako'ng ngumiti.





( H A  N  I )

Hindi man lang naawa. Napunta na siguro sa ginawa niya'ng cake ang natitira'ng sweetness sa katawan niya.

   Okay lang naman sana na hindi siya tumulong, pero sana umalis siya sa harapan ko. Ayoko'ng nakikita siya, mas lalo ako'ng napipikon dito sa puso ko. Huhugutin ko na 'to't ilalagay sa freezer para tumigas 'pag hindi ito nagtino.

(K E V I N)

Sa oras na abala si Hani sa paghuhugas ng pinggan ay tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya.

     “Usog ka ron.” na may kasama'ng tulak sa kanya.

     “Huh?”

     “Umusog ka, bingi.”

     “Hoy!”

     “O sige, tarayan mo pa 'ko, hindi talaga ako tutulong sa’yo.”

   Sinusumpa na naman ng utak niya ang buo'ng pagkatao ko't inis na sumunod sa utos ko.

   Umusog siya't tumulong ako sa paghuhugas nang mga nagamit namin kanina. Tahimik lang kami sa mga nauna'ng segundo, pero wala talaga'ng pinipili'ng oras ang pang-aasar ni Hani. Hindi ko namalayan na kumukuha pala siya ng bula at mabilis na nilagay sa pisngi ko.

   I glared dagger her.

     Bleh.” tangi'ng sagot niya at kumaripas ng takbo.

     “Bumalik ka dito, kutong-lupa!” sigaw ko habang hinahabol siya.

     Nye-nye nye-nye-nye.” mas lalo pa niya'ng pang-aasar.

     “Humanda ka kapag nahuli kita!” banta ko.

   Nahuli ko siya sa under-construction namin'g swimming pool na siya'ng nagpatili sa kanya. Inakbayan ko agad siya at inipit sa bisig ko saka pinunasan ng dalawa'ng kamay ko ang magkabila'ng pisngi niya.

   Napakalambot din talaga ng mukha niya.

     “Kevin!” naiinis niya'ng pagtawag sa pangalan ko.

     “Sino ba'ng nauna?” natatawa ko'ng sagot.

     "Bwesit ka, 'yun'g pimples ko!" nakurot pa 'ko sa braso.

   Patuloy ako sa pagtawa.

     “Mukha ka'ng babae'ng sponge na may bula.” and I laughed at her face.

   Kunot-noo siya'ng tumingin sa’kin at malakas ako'ng tinulak saka pinunasan ang pisngi niya.

     “Hindi ka talaga nagpapatalo.” cute niya'ng pagkakasabi.

   Ngumiti ako sabay labas ng dila at nauna'ng bumalik sa loob ng bahay.

( H A  N  I )

“May pa-bleh bleh ka pa! Hoy! Bumalik ka rito!”

   Hindi man lang ako pinansin?

   Napairap ako't humakbang na papasok ng bahay.

——

Continue Reading

You'll Also Like

15M 193K 86
Hanggang ngayon, nagsisisi pa rin akong pinakawalan kita. Kasi alam mo, mahal na mahal pa rin kita. - John Christian. [Unedited. Maraming errors dito...
35.3K 1.1K 25
[Self Published] After years of being together with her first boyfriend and her first in everything, Elizabeth "Liz" Summers is already making plans...
3.2K 534 42
My Christian faith and the present time | Randomness and true testimonies | A author who is a believer and also a wattpader <3
958K 33K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.