That Breakup

By HippityHoppityAzure

341K 5.6K 392

(Informally written and not yet edited) Siya si Micki Magdayo, isang frustrated girlfriend. Lagi na lang niya... More

That Break-up
< i >
< ii >
< iii >
< iv >
< v >
< vi >
< vii >
< viii >
< x >
< xi >
< xii >
< xiii >
< xiv >
< final >

< ix >

15.8K 279 18
By HippityHoppityAzure

< ix > 




[MICKI's PoV] 


Dumating ang Lunes. 


Ayoko sanang pumasok sa school. Parang ang bigat ng katawan ko eh. Pakiramdam ko wala akong lakas dahil sa pag-iyak na ginawa ko magdamag. Pero no choice ako. Kailangan kong pumasok kasi finals week na. 


Sa dalawang subject lang kami nag-exam ngayon. At swerte na lang kung may maipasa ako sa mga yun. Lutang ba naman ako buong araw eh. 


Tulala, buntung-hininga, maluha-- yan ang drama ko mula paggising ko hanggang ngayon. Wala ngang maka-kausap sakin nang maayos at wala akong pakealam kung anumang meron o nangyayari sa paligid ko. 


Basta ang iniisip ko lang ay... masakit.. nagsisisi ako.. tanga ako.. at sana makausap ko pa ulit si Kiel.. 


Oo, sumuko na ko kahapon sa relasyon namin pero dumarating pa rin yung point na gusto ko ulit makipag-ayos sakanya. Kung makikita ko nga lang sya ngayon, lalapitan ko sya at kakausapin pero malas.. papauwi na ko eh at di ko pa nakikita ni anino nya.. 


Naisipan ko ring itext sya pero.. di ko na tinuloy.. Alam kong iisnabin nya lang ako at ayoko nun.. Ayoko nang madagdagan pa tong sakit na nararamdaman ko.. 


Natawa ko bigla. Puro na lang ako sakit, sakit, sakit. Aba, ngayon lang ako nagdamdam ng ganito ah? Haha.. Pag-ibig nga naman oh.. Kaleche.. 


Dahil sa pagtawa ko eh yung mukha kong walang expression kanina ay nagka-ngiti na. Half-smile nga lang. 


Ayun. Nagpatuloy ako sa paglakad palabas ng campus ng nakahalf smile hanggang sa yung lakad ko eh unti-unting bumagal. 


Naalala ko lang yung times na itetext ako ni Kiel para asarin pero nandun lagi yung tanong nya na 'asan ka?'. Tapos bigla na lang sya susulpot sa kung nasaan ako para mas asarin ako pero sa huli, ihahatid nya ko pauwi. 


Ngayon ko lang narealize na madalas nya pala yun gawin sakin? At.. sa ganung way pala nya pinaparamdam ang pagmamahal nya sakin pero di ko man lang yun napansin noon.. Ngayon lang..ngayon ko pa yun napansin kung kailan wala na kami.. 


Nakangiti pa rin ako pero di napigilan ng ngiti ko ang pamumuo ng mga luha ko. 


Sana naman kasi.. Sana bumalik pa kami sa dati.. Sana.. Sana maulit pa yung mga times na yun.. 


Tumigil na ko maglakad at pinunasan ang mga luha ko nang may biglang humatak sa braso ko. 


"Hoy, Micki." 


Lumingon ako sa lalaking humatak at tumawag sakin. Sus. Si Haji pala toh, yung bestfriend ko. 


"Oh.. Haji.." nginitian ko sya. 


"Kanina pa kita tinatawag pero di mo yata ko naririnig." reklamo nya. 


"Baka naman pabulong mo kong tinawag kaya di kita narinig." 


"Adik." natawa sya. Hindi naman kasi sya loud na tao at mahina talaga ang boses nya pag nagsasalita. Pero pag kumanta ang lalaking toh..naku.. Parang di sakanya galing yung boses.. 


"Bakit mo ba pala ko tinatawag?" tanong ko. 


"Makikisabay lang palabas." 


"Ganun.. Edi tara.." naglakad na kami ulit nang sabay. 


"Pauwi ka na ba? Hatid na kita." 


"Oo pero wag na.. Iniisip ko pa kung dadaan ako ng bookstore eh.." Bookstore? Kailangan ko nga bang pumunta dun? O iniiwasan ko lang tong kaibigan ko? 


Ganun na nga siguro.. Gusto ko munang mapag-isa eh.. 


Kwentuhan lang kami tungkol sa final exams namin habang naglalakad. Hanggang sa marating na namin yung gate kung saan maghihiwalay na kami ng daan. 


"Nga pala Micki." biglang humarap sakin si Haji. "Totoo ba yung kinwento ni Kiel sakin kagabi?" 


Nakaramdam ako ng kaba. May kinwento si Kiel sakanya kagabi? Ano naman yun? Yung break-up ba namin? At yung.. yung ginawa ko? 


"Kagabi kasi nagkita kami sa Sylveries at ayun.. Nakwento nya na.. na nagbreak na raw kayo.." 


Masakit na naman. Parang gusto ko na namang umiyak. Para kay Kiel, talagang wala na kami, talagang wala na syang balak na makipag-ayos sakin. Binalita ba naman nya agad-agad sa barkada namin ang paghihiwalay namin. 


"Saglit nga lang kami nakapagusap kagabi kasi kailangan ko ring umuwi agad. Pero parang ayaw ko maniwala sa kwento nya. Kayo, naghiwalay kasi nagsawa na kayo at wala na kayong nararamdaman para sa isa't isa? Eh ang sweet-sweet nyo nga kahit lagi kayong nagtatalo." 


Natigilan ako sa kwento ni Haji. Sabi raw ni Kiel, naghiwalay kami kasi nagsawa na kami at di na namin mahal ang isa't isa? 


"Ano na nga ba, Micki?" bumalik ang tingin ko kay Haji. "Break na nga ba talaga kayo ni Kiel?" 


Pilit akong napangiti sa tanong nya. Ayoko sanang umoo kasi napakasakit pa rin talaga na tanggapin nun pero yun ang totoo eh.. 


"Oo Haji.. Wala na kami.." 


Natahimik sya saglit tapos tumango sya at ibinulsa ang mga kamay nya. "Sayang.. Bagay pa naman kayo.." 


Mas napangiti ako sa sinabi nya pero mas nasaktan din ako. Bagay nga kami pero ano naman? Wala na kami ni Kiel at ayaw na nya sakin-- sa tulad kong man.. manloloko.. 


"Pero mas mabuti na yung ganyan." sabi ulit ni Haji. "Kaysa naman ipilit nyo ang sarili nyo sa isa't isa nang wala naman kayong nararamdaman..diba?" 


Napaisip ako dun. Wala daw kaming nararamdaman para sa isa't isa eh hindi naman. Mahal kaya namin ang isa't isa kaso..nagloko ako..niloko ko sya.. Pero bakit nga ba iba ang dinahilan ni Kiel sa paghihiwalay namin? Bakit di nya sinabi yung totoo? Pinagtatakpan nya ba ko? 


Eh.. Haha.. Asa ka Micki.. Ayaw nya lang ipaalam sa ibang tao na niloko na naman sya ng isang babae noh.. Haha.. 


"Micki, alis na pala ko." biglang paalam ni Haji na tumingin sa wristwatch nya. 


"Sige. Ingat ka." 


Nagwave kami sa isa't isa at tumalikod na para umalis. 


Pero ako, napapaisip pa rin.. Pwede ngang nagsinungaling si Kiel para di sya magmukhang kawawa pero..ano ba toh..parang mas gusto ko paniwalaan na nagsinungaling sya para di ako magmukhang masama sa mga kaibigan namin.. 


Tch. Tama na nga tong pag-assume ko. Baka madisappoint lang ako sa huli. Dapat simulan ko na lang na magfocus sa ibang bagay para naman kahit unti-unti eh makalimot ako..at makamove-on.. 


Sa mga sumunod na araw, pinilit kong magfocus na lang sa pag-aaral. Nagreview ako at ang pagpasa sa finals na lang ang inisip ko. Pero may gumulo naman sa konsentrasyon ko. 


Una na sa gumulo sakin eh yung pagkakaalam na ng buong barkada tungkol sa paghihiwalay namin ni Kiel. Sina Candy, todo tanong sakin ng 'bakit, bakit, bakit' na puro di ko masagot. Tinatawanan ko lang sila at ang dahilan din ni Kiel ang lagi kong binibigay na dahilan sakanila. 


Isa pa sa gumulo sakin si Kiel. 


Nagkakitaan na kami sa school eh. Nakakatuwa sana kasi matapos nung Lunes na buong araw ko syang hindi nakita eh nakita ko na rin sya ulit. Pero dapat pa ba ko matuwa kung nagkakitaan nga kami pero kung tignan naman nya ko parang di nya ko kilala? Pag magkakasalubong kami, lalagpasan nya lang ako eh. Pero pag nagkakataong nakakasama namin sina Haji at Luke, kakausapin nya ko-- nang unti-- na para bang ayos nga ang lahat samin. Pero pag wala na ang barkada namin, balik na sya sa di pamamansin sakin. 


Naiinis na ko. Naiinis ako kasi nasasaktan ako. Naiinis ako kasi gusto ko sya sigawan pero di ko magawa. Ako ang may mali, kaya kailangan ko magdusa. Kahit ba di ko sinasadya ang pagkakamaling nagawa ko eh mali pa rin ako. Di na mababago yung katotohanan na niloko ko sya at sinaktan-- na nawala na ang tiwala nya sakin, na ayaw na nya sakin. 


Ayoko nang ganun kami, o ayoko ng ginaganun nya ko. Kaya pasimple muna kong umiwas sa barkada ko. Idinahilan ko na lang yung pagrireview ko kaya ayun, di naman na nila ko kinulit. 


Pati yung banda ko, iniiwasan ko na, lalo na si Lou. Di na ko nagpakita sakanila mula nung nagkaaway sina Lou at Kiel. Ewan. May parte sa loob ko na sinisisi ko si Lou sa nangyari samin ni Kiel. Pero may parte rin sakin na nahihiya ako sakanya. 


Lahat ng kabanda ko eh kinokontak ako para makipagkita sakanila at mapag-usapan yung tungkol sa kontrata. Pero tulad ng idinahilan ko sa barkada ko, sinabi ko na busy ako magreview. Hinayaan naman nila ko. Pag tapos na lang daw ng exams ko ako magpunta sa studio namin. 


Napasigh ako at sumandal dito sa swivel chair ko. 


Ayoko na. Nawalan na ko ng gana na tumugtog at kumanta sa isang banda. Pero di ko sila dapat basta iwanan. Naging mabait naman sila sakin kahit papaano kaya dapat magpaalam ako nang maayos sakanila. 


Kaya nung Friday, nung matapos na lahat-lahat ng exams namin, pumunta ko sa studio nina Jommel. 


"Oh, Micki." binati ako ni Jommel na nakaupo sa sofa, nagyoyosi at nagbabasa ng music sheet. "Kamusta exams nyo?" 


"Ayos lang.." umupo ako sa tapat nya. "Si Joseph?" 


"Nasa school ka pa. Exams din nila eh." 


"Ah.." inikot ko ang tingin ko sa paligid. Wala si Lou dito. 


"Si Lou naman on the way pa lang dito." seryosong pahabol ni Jommel na ikinagulat ko. Di ko naman kasi tinatanong si Lou. 


Pero on the way na raw si Lou dito.. Dapat masabi ko na ang gusto kong sabihin kay Jommel bago pa sya makapunta dito. 


"Nga pala, may manager nang maghahandle satin. At yung kontrata, na--" 


"Sorry Jommel." pinutol ko ang sinasabi nya. Ang lakas ng loob ko pero kalaunan ay kinabahan na rin ako. "S-Sorry pero magku-quit na ko..sa grupo.. Sorry.." 


Napapikit ako at napayuko. May namuong luha sa mga mata ko na pinigilan kong tumulo. 


Kasi naman, mahal ko ang pagtugtog at pagkanta pero ngayon, pinipili ko na 'tong bitawan dahil kay Lou..dahil sa ginawa ko kay Kiel.. 


Nagsigh si Jommel. "Dahil kay Lou kaya ka magkuquit noh?" 


Napatingin ako sakanya. Alam na ba nya ang mga nangyari? 


"Pasensya na Micki.. Kami.. kami dapat ang humihingi ng pasensya sayo dahil kay Lou.. Akala namin kasi, iibahin ka nya dahil sinali ka nya sa grupo namin pero.. hindi pala.." 


"Huh? Anong ibig mong sabihin, Jommel?" pagtataka ko naman. 


"Uhm, si Lou kasi.. Nakasanayan na nyang mang-agaw ng syota ng may syota.." 


What the.. 


"Naging habit na nya ang manira ng mga relasyon at di namin maintindihan kung bakit.. Pinagsasabihan namin sya na mali yun at tigilan na nyang gawin yun pero ewan, hindi pa rin sya natigil.. Di rin naman namin sya matalikuran kasi nga matagal na namin syang kaibigan.." 


Di ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon. 


Akala ko pa naman ginawa yun ni Lou dahil concern sya sakin pero yun pala, habit nya lang manira ng relasyon? 


"Malaki kang kawalan samin, Micki. Talented ka at naniniwala kami na kung di dahil sayo eh di kami makakatanggap ng recording offer. Ayoko sanang iwan mo ang grupo namin pero.. kung yun na ang desisyon mo.." napasigh ulit sya. "Maiintindihan ko.." 


Nagawa ko syang ngitian kahit malungkot ako. Naappreciate ko ang mga sinabi nya at tulad nya, ayoko rin namang iwan ang grupo. Kaso nakapagdesisyon na ko.. Ayoko nang magbanda.. 


Di ko na pinatagal ang usapan namin ni Jommel. Baka kasi dumating na si Lou. Kinuha ko na lang yung luma kong acoustic guitar na lagi kong iniiwan dito tapos nagpaalam na ko kay Jommel. Syempre nagpasalamat din ako sakanya bago ko umalis. 


Habang papauwi, lutang na naman ako. 


Masama ang loob ko, sobra, kay Lou at sa sarili ko. 


Napangisi ako at medyo natawa. Ang tanga-tanga-tanga-tanga ko talaga, nagpauto ako sa tulad ni Lou. Dahil dun, ang dami tuloy na nawala sakin. Yung banda ko.. yung relasyon namin ni Kiel.. ugh. 


Gusto ko lunurin ang sarili ko sa alak. Kaya nagpunta akong Sylveries para uminom. Ang daming tao dun. Palibhasa tapos na kasi ang exams kaya gumigimik na ang mga toh. Nandun din ang buong barkada ko pati si Kiel.. si Kiel na may katabing babae. Masaya silang nagkukwentuhan.


Sa nakita ko, di na ko lumapit sakanila. Umuwi na lang ako nang may mas masamang loob. 


Sa kwarto ko, dun ko na lang nilabas itong nararamdaman ko. Umiyak na lang ako. Umiyak nang umiyak. 


Natigilan na lang ako nang magring ang cellphone ko. 


Si Haji, tumatawag. 


"H-Hello?" sagot ko habang nagsniff pa. Naku naman. 


"Oh Micki? May sakit ka?" 


"Wala ah.. Uhm.. Sinisipon lang.." 


"Eh.. Pano na yan.." 


"Pano na ang ano?" kumuha ko ng tissue sa kalapit kong tissue box at pinunasan ang mukha ko. Kinontrol ko rin ang paghikbi ko. 


"Nagyayaya si Candy na magswimming tayo ngayong weekend eh. Babalik na kasi sya ng Amerika sa Tuesday." 


"Ah.. Wow naman.." 


"Gusto sana nya, kumpleto tayo. Pero makakasama ka ba, Micki?" 


Sasama ba ko? Gusto ko sana kaso malamang na sasama si Kiel dun at di nya ikakatuwa kung sasama ako. Mapipilitan ba naman syang umarte ulit na okay kami eh samantalang deep inside.. galit sya sakin.. 


"Di na.. Di na ko sasama.." mahina kong sagot kay Haji. Di bale nang ako na ang hindi sumaya, wag ko lang sirain ang kasiyahan ni Kiel. 


"Tsk. Di ba pwede kahit sumama ka lang? Kahit di ka na magswimming para di lumala sipon mo.. Pag di ka kasi sumama, hindi rin sasama si Kiel.." 


Biglang nanginig ang hawak ko sa cellphone ko. Para akong natuwa, naexcite pero naguluhan din. Di raw sasama si Kiel kung di ako sasama..pero bakit? 


"Sumama ka na ah? Kundi..malulungkot si Candy.." 


"S-Sige na nga.. Sasama na ko.." hala. Napapayag ako kahit di ko pa yun napapag-isipan nang mabuti!


"Yan! Sasabihin ko na yan sakanila. Nandito kami sa Sylveries eh, nagpaplano. Sunduin na lang kita dyan sa inyo mamayang madaling araw ah? Bye!" 


Natulala na lang ako nang matapos na ang tawag nya. 


Bukas.. swimming.. kasama ang buong barkada.. kasama si.. si Kiel.. 


Tama nga ba na pumayag akong sumama sakanila? 




oxoxox TBC~ 

malapit-lapit na toh.. ^^

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
31.7M 399K 45
[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage and focusing only on her work. And then...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
6.9M 27.7K 16
She was a princess turned nobody. They were the men that every girl wanted to be their prince. They did not plan it but their paths crossed, and so a...