CHANCES (COMPLETED)

By MrsPurin

166K 4.3K 278

She's a struggling journalist who would do everything to get her biggest breakthrough. He's a popular actor... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
Another Author's Note
33
34

30

4K 109 3
By MrsPurin

"Khamis, uwi na tayo! 2 am na oh, magsasara na 'tong station nila." malungkot na nag-angat ng tingin ang dalaga. Kanina pang-alas-nuebe nung kumanta siya on-air para kay Amos kahit pa hindi siya sigurado kung nakikinig ba ang binata. Sinubukan niya lang, dahil minsan na ngang nasabi sa kanya ng lalaki na lagi siyang nakakikinig sa station na yun, bagay na napansin din niya. Maging sa sasakyan nga di ba nito ay laging naka-tune in si Amos sa Heart FM? Pero limang oras na ang nakakalipas, ni anino nito, hindi pa rin nagpapakita.

"Jean, mauna ka na! May pasok ka pa bukas. Dito lang ako, hihintayin ko lang si Amos dito." pinilit niyang ngumiti kahit pa nakakaramdam na siya ng awa sa sarili. Alam niyang kabaliwan na maghintay sa isang tao na ni hindi nga niya sigurado kung narinig ba ang kanyang ginawa. But she promised him that she will wait for him even if it takes forever, yun ang gagawin niya.

"Sira ka ba? Pwede ba naman kitang pabayaan dito? Ang akin lang, baka hindi na dumating iyon." naupo si Jean sa tabi ng kaibigan.

"Darating yun! Alam kong darating yun..." ani niya na halos ibinulong na niya sa hangin. May isang side ng utak niya na nagsasabi na hindi na darating ang binata, pero ang kanyang puso ay nagkakaisa sa paniniwala na darating si Amos.

Mga sampung minuto pa ang lumipas nang nagsimulang pumatak ang ulan. Una ay mahina lamang hanggang sa lumakas ng lumakas. Nagsisiksikan ang magkaibigan sa maliit na bubong sa gilid ng kalsada na kanilang kinatatayuan. Sarado na kasi ang building ng Heart FM kaya naman doon na lang sila sa harapan nito naghintay.

"Khamis, basang-basa na tayo! Baka magkasakit tayo nito." sabi ni Jean sa nanginginig na tinig.

"Sabi ko naman sa'yo umuwi ka na baks! Okay lang talaga ako dito." pinilit pa din ngumiti ni Khamis kahit pa siya din ay nanginginig na dahil sa lamig.

"Hindi kita iiwan dito, ano ka ba? Kaya lang namumutla ka na oh! Baka kung mapano ka.."


"Wag mo kong intindihin, okay lang ako." paninigurado niya sa nag-aalalang kaibigan. Nakakaramdam na siya ng pag-ingot ng paningin, naalala niya na hindi pa pala siya kumain ng lunch at dinner. Nagsisimula na ding manlambot ang kanyang tuhod, ngunit hindi niya pinapahalata sa kaibigan upang hindi na ito lubhang mag-alala.


"Khamis!!" magkasabay silang napatingin sa pinagmulan ng tinig. Sa nanlalabong paningin ng dalaga, she saw Amos. Naka-suot ito ng jacket na may hood papalapit sa kanila. Muli niyang pinilit na ngumiti.

"I knew you will come!" ang sabi ni Khamis sa nanginginig na tinig. Muntik pa siyang mabuway kung hindi siya mabilis na naalalayan nila Amos at Jean.

"You've waited here? Dapat umuwi ka na lang." puno ng pag-aalala na hinawakan ng binata ang namumutla ng mukha ng babae. She smiles, tila sinusubukan nito na idilat ang mga mata.

"I made a promised to wait for you even if it takes forever, t-that's why I'm here.. I'm sorry..." yun lang at tuluyan ng nawalan ng malay ang dalaga.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Khamis slowly open her eyes. Parang pamilyar sa kanya ang lugar na nabungaran ng mga mata. Saglit siyang nag-isip. Kwarta nya 'to ha! Napablikwas ng bangon ang dalaga. Paano siya nakarating dito? Nandun sila ni Jean sa Heart FM building ha! Si Jean? Akma siyang tatayo para hanapin ang kaibigan ng mapansin ang isang tao na nakayuko sa gilid ng kanyang kama-- si Amos!

Doon pa lang biglang naalala ng dalaga ang lahat. Ang huli niyang natatandaan ay dumating ang lalaki, ang panghihina, ang pag-ikot ng paningin. Muli siyang nahiga. Dumating si Amos, dumating siya! She smiles. Saka niya lamang napansin na iba na ang kanyang damit na suot, pati ang kanyang UNDERWEAR?

"Eeeeeeeeeeeeeee! Hoy, Amos, amos!! Amos!! Gumising ka diyan!!" tili ng dalaga na ikinagulat ng lalaki na naalimpungatan mula sa pagkakatulog na nakayuko sa gilid na kanyang kama.

"Khamis, gees! Thank God gising ka na." nagliwanag ang mukha nito ng makita na gising na ang babae. Lalapit sana si Amos sa dalaga ng mabilis niya itong pigilan.

"Hep! Diyan ka lang! Wag kang lalapit sa akin hanggat hindi mo naipapaliwanag kung paano at sino ang nagpalit ng damit ko pati, pati, pati, eeeeeeeeeeeeeee, pati underwears ko!!" mangiyak-ngiyak ng tanong ni Khamis sa lalaki na napamaang sa kanyang reaksiyon. Ngunit maya-maya lang ay may ngiting sumilay sa mga labi ng binata.

"Hmm, well, basang-basa ka kasi eh, and you need to change clothes, kaso nawalan ka ng malay so I, i, hmmm" he stammered. Bagay na nagpalaki sa mata ng dalaga.

"You what? Manyak, manyak!! Perv, perv!! Nakita mo na ang lahat sa akin?" tila nanghihilakbot na sambit ni Khamis. Ang binata naman ay tumawa ng pagkalakas-lakas. He is amused sa reaksiyon ng babae.

"Ha ha ha ha What I meant to say was, I asked Jean to changed your clothes. It was Jean, hindi ako, kahit pa okay din kung ako.." nakakalokong sambit niya sa dalaga na lalong nanlalaki ang mata.

"Yuccccckkk! Eeeeeeeewwww!" patirik-tirik pa ang mata ng dalaga na kunwari ay diring-diri. Si Amos ay nagpatuloy lang din sa pagtawa. That's what he misses about Khamis, her being funny and amusing without even trying too hard.

"Nasaan pala si Jean? Okay lang ba siya?" tanong ng babae ng maalala ang kanyang kaibigan na kanina ay kasama niya maging sa ilalim ng ulan. Lumapit si Amos sa gawi niya at naupo sa gilid ng kanyang kama.

"Umuwi na muna. Ayaw nga niya eh, di ka daw iiwan. But I made a promised that I won't do anything bad to you. Besides, she looks tired na din eh!" masuyong hinawakan ng binata ang kanyang kamay at hinila siya upang maupo. Napangiti si Khamis; si Jean talaga! Kahit sobrang daldal at may kaharutan talaga ang kaibigan niya na yun, she always genuinely care for her! yun ang kanyang nasa isip. She remind herself to thank her friend later, and maybe treat her for a lunch.

"Why are you smiling, Misis ko?" tanong ng binata ng mapansin ang kanyang ginawang pag ngiti.

"Wala naman! Naalala ko lang si Jean. Di niya talaga ako iniwan kahit pa ang tigas ng ulo ko kanina. She's a real friend." napamaang si Amos sa sinabi ng babae. Pakiramdam niya ay tinamaan siya sa mga salitang binigkas nito.

"K-khamis, I'm sorry! I-i didn't mean to make you wait. P-pero akala ko kasi hindi ka aalis ka na lang after an hour or 2. S-sorry talaga ka--"

"Hey, it's okay! Naiintindihan kita, Amos. Alam ko kung gaano kahirap magtiwala ulit after all you've been through. Pero sana next time, ask me! And I promise, I will never lie to you. Amos, hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Hindi ko na kayang ayusin kung ano man ang nasira, but I can promise na matiyaga akong maghahantay hanggang sa maghilom lahat-lahat ng sugat na meron ka. Miski hannggang lahat ng bubog na meron ka, handa mo nang palayain." Khamis gently caress his face. Mariing pumikit si Amos dahil pakiramdam niya, her touch has a healing power and calming force.

"S-sorry, maniwala ka sa akin, I-i am trying. Natatakot lang kasi a-ako na muli n-na namang masaktan umiyak..."

"Ssshhh!" ipinatong ng dalaga ang hintuturo sa kanyang bibig." Love makes you crazy. Hindi ka nagmahal kung di ka nabulag o nabaliw. Wag kang mag-sorry for loving. Sure, iiyak ka ng mahabang panahon, alam mo kung bakit? Kasi nagmahal ka ng tama! You should be proud of that. But please allow me to show you that love is worth a second chance, or even a third chance." she hold his hands tightly and place it on her heart as if him hearing her heart beat could transpire what she's really feeling inside.


"Thank you, Khamis! Maybe all I need is someone who can stay no matter how hard it is to be with me, and I know I already have found that person. It's you, my loves!" buong pagmamahal na pahayag ng binata, at unti-unting nilapit ang kanyang mukha sa dalaga. He planted a soft kiss at first, pero nang maramdaman niya ang pagtugon ni Khamis sa kanyang mga halik, nagsimulang maging mapusok ang kanyang mga naging paghalik. Deep.

And suddenly, Amos felt this wanton desire. Inihiga niya ang dalaga, while still kissing her passionately.

"I-i'm s-sorry, Khamis!" bigla ang naging pagtigil ng binata  sa paghalik sa babae. Kung hindi kasi siya titigil ay baka lubusan na silang matangay ng kanilang damdamin. Not that he don't like, lalaki din naman siya eh. But he respects Khamis so much. Ang dalaga naman ay tila napapahiyang nagyuko ng ulo. Mabilis na inayos ni Amos ang sarili at nilapitan ang babae.

"Hey, are you blushing? ha ha ha ha! Don't worry, hindi na yun mauulit. I am willing to wait for the right time! But for now, magpahinga ka na. I will phone your station na hindi ka makakapasok mamaya." nag-angat ng tingin si Khamis na pulang-pula pa rin ang mukha. Miski siya ay hindi alam kung ano ang pumasok sa ulo niya para muntik ng magpatangay sa bugso ng kanilang damdamin. Pero ang alam niya lang kanina, gusto niyang iparamdam sa lalaki na mahal niya ito ng buong-buo. Nagpapasalamat na lamang siya na ang binata na mismo ang huminto kung hindi ay baka tuluyan na niyang naipagkaloob ang sarili dito.

"But, I have lots of things to do pa saka---"

"No buts, my loves! You need to rest. Wala din akong shooting for today, so we can spend the whole day together. Pero uuwi muna ako to get myself some clothes while you sleep, wifey! Tulog ka na, malapit na din mag-umaga oh." nakangiting putol ni Amos sa kanya pang gagawing pagtanggi. Inayos nito ang kanyang pagkakaunan at kinumutan siya. "I'll be back even before you know it. Rest well, my loves!" ngumiti si Khamis. Mga ilang sandali pa ay tuluyan ng nakatulog ang dalaga.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Magaan ang pakiramdam na nagising si Khamis. Tiningnan niya ang oras sa kanyang wall clock. Alas-diyes na nang umaga! Naiiling ang dalaga. Ngayon na lang siya muli nagising ng ganito ka-late sa loob ng maraming taon. Bumangon ang dalaga at naupo saglit. Maya-maya ay may ngiting sumungaw sa kanyang labi ng maalala ang mga nangyari kagabi. Napatunayan niya kung gaano ka-gentleman si Amos. He could've taken advantage, pero hindi. Mas nanaig pa din ang self-control at paggalang nito sa kanya.


"Speaking of Amos, nasaan na pala yung lalaking yun? Sabi niya, babalik siya kaagad!" bulong ng dalaga sa isip. Bumangon siya at lumabas sa sala. Nagulat pa siya ng makitang malinis ang buong kabahayan. Maging ang mga libro niya na nakaka-kalat ay masinop na nakatabi sa maliit na bookshelf na nasa tabi ng kanyang study table.

Admittedly, talagang hindi naman siya ganon kaayos sa kanyang apartment. Hindi na nga niya maalala when was the last time she did general cleaning. Maging ang kanyang kurtina ay bagong kabit. Natakpan pa niya ang kanyang bibig ng makita sa labas ng bintana ang kanyang mga damit maging ang ilang underwears na nakasampay na at bagong laba. Nakarinig siya ng ingay sa loob ng kanyang  maliit na kusina kaya naman agad na tumungo doon ang dalaga.

Nakita niya na may mga pagkaing nakahain. Java rice, bacon, daing na bangus, may isang piling pa ng saging na halatang matatamis. Muli siyang nakarinig ng kaluskos sa may lababo. Muntik pa siyang mapatili ng makita doon si Amos na hubad baro. May hawak itong mga tools na tila inaayos ang gripo ng kanyang kitchen sink. Naalala niyang nasira ito last week pa, palagi niyang nakakalimutan na pagpatawag ng tubero.

Unti-unting lumabas ang sumungaw ang ulo ng binata ng tila maramdaman na may ibang tao sa loob ng kusina. Mabilis itong tumayo nang mapagtantong siya ang naroroon. Si Khamis naman ay di maiwasang mapatingin sa katawan ng lalaki. Ilang beses na rin naman niyang nakita na nakahubad-baro ito, "pero hindi nakakaumay! sheeeyyymmmm!" tili ni Khamis sa utak.

"Good morning, wifey! Gigisingin na sana kita eh, kaso ang sarap ng tulog mo eh, kaya hinayaan na lang muna kita. Anyways, breakfast is ready!" nakangiti nitong sabi. Hinugasan muna nito ang mga kamay bago siya hinila sa lamesa upang maupo na.

"I-ikaw lahat gumawa nito?" hindi makapaniwalang tanong ng dalaga. Amos' smiles.

"Yep! Ang kalat ng bahay mo eh, parang di babae ang nakatira." nakakaloko nitong sabi sa kanya. Pinandilatan ito ng mata ng dalaga.

"Ha! Ang sama mo ha! Busy kasi ako eh. Teka, ikaw din naglaba ng mga damit ko p-p-pati hmm, p-p-pati yung mga undies ko?" she blushed again. Bakit naman kasi pati undies niya pinakelam pa nitong labahan?

"Yeah! Wala kasi akong magawa while waiting for you to wake up eh. Sa machine lang naman." parang pawalang bahala na sagot ng binata na nilagyan pa siya ng java rice sa kanyang pinggan. Tumayo din ito para ipagtimpla siya ng kape.

"Huy, ako na lang gagawa niyan! Ginagawa mo naman akong prinsesa eh.." natatawa niyang pigil kay Amos pero parang wala naman itong narinig.

"Well, you are my princess! And soon to be my Queen. So, sit back and relax lang diyan, your highness!" yumuko pa ito sa kanya na kunwari ay isang kawal. Naiiling na lamang na hinayaan ito ng dalaga.

"Alam mo, I am really surprise na marunong ka ng gawaing bahay! Kasi di ba, wala sa itsura eh." sabi niya dito habang nagsisimula na diyang kumain. In fairness ha, masarap ang gawa nitong java rice.

"Wala lang sa itsura, pero marunong ako noh. I used to travel in the whole world as a model. 16 yrs. old pa lang ako nung nag-start. Ako lang ang gumagawa ng lahat. I do my own laundry, cleaning and everything. Walang PA." paliwanag ni Amos. Inilapag nito ang tasa ng kape sa kanyang harapan. Tumango-tango na lamang ang dalaga dahil lubha siyang nasasarapan sa mga niluto nitong almusal.

"Hey, pagkatapos nating kumain, mamasyal tayo ha!" muling sabi ni Amos sa kanya pagkaraa ng ilang sandali.

"San naman tayo pupunta? Saka baka pagkaguluhan ka pa sa labas! Masabunutan pa ako ng mga fans mo." biro niya sa lalaki na bahagyang natawa.

"Hindi yan! Magka-cap na lang ako saka shades. Basta ako ang bahala! Kaya bilisan mo na, Misis ko!"

"Eh di okay! Ikaw bahala!" yun lang ang sinagot ni Khamis at nagpatuloy na siya sa pagkain.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 7.7K 9
How far can a man handle a woman's rejection? Walang nakakaalam at walang makakaalam maliban nalang kung mapupunta sila sa ganoong sitwasyon just lik...
5.2K 375 39
Everything about her screams perfection, aphrodite herself might feel overshadowed if they stood side by side. - Kivriel Lew Mercer If you can't reme...
72.9K 2.2K 12
"Payag na akong makipagbati sa 'yo, sa isang kondisyon..." "Ano 'yon?" "Pumayag ka munang maging girlfriend ko." Literal na napanganga si Pearl kay L...
159K 2.5K 38
WARNING: SPG/R-18 She's a strong girl. That's what she thought. But deep inside she's weak. She have a fragile heart that can easily be broken. Kaya...