Falling in Reverse (Saint Ser...

By gereyzi

99.4K 3.5K 1.7K

4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two bro... More

Falling in Reverse
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 12

2.7K 89 67
By gereyzi

Chapter 12
Sure

Mabilis akong pumasok sa Fire St. Cafe. It's just near Regidor. It's been two months since that bubblegum thing happened. Nagsisimula na rin ang Saints League. It's already running for three weeks.

Ilang buwan na rin malabo ang usapan namin ni Payton. Basta ang alam ko lang ay masaya ako sa kaniya at paniguradong mas lalong masaya siya sa aking piling dahil isa akong dream come true para sa kaniya. Joke.

Mabilis kong inilapag ang libro at laptop ko sa lamesa at pinilit ikalma ang aking sarili dahil sa pagod. Medyo makulimlim ngayon pero mukha namang hindi uulan. Sana. Baka kasi pati notes at laptop ko ay mabasa.

Binuksan ko na ang aking laptop at nagsimula nang mag gawa ng online tasks namin. Sarado kasi ang Giga Pizza kaya naman dito ako dinala ng mga paa ko. And...

Payton's team is having a friendly game against the team of St. Regidor University. Next week pa ang kasunod nilang laro. Pinapunta niya ako rito dahil pinapapunta raw ako ni Romulo. Ang alam ko kasi ay nasa loob si Shanne dahil nanonood din ng laro kasama si Beau. Kunwari lang daw na nagpasama ako.

I don't get him. Bakit siya ganoon ka-torpe? Kung tutuusin naman ay nasa kaniya na ang lahat ng mga tipo ng babae. Ewan ko lang kung bakit ako kay Payton nagkagusto.

Anyway, he's kind and I don't know. All I know is that I'm into him.

Hindi na ako pumasok sa loob dahil patapos na rin naman iyon panigurado. May iilan na dapat din kasi akong gagawin. Naghahabol kasi ako ng lessons dahil two days din akong absent dahil hindi ako pinapasok ni Kuya matapos ng aking check up noong isang araw. Kanina lang uli ako pinayagan.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Natigil lang ako nang makita ko ang anim na magkakaibigan na kasalukuyang tumatawid sa pedestrian lane. Natawa ako nang magtulakan pa sila Chano at Reego.

I shook my head.

Nawala ang atensyon ko sa kanila nang may isang van na kulay itim ang tumigil sa may hindi kalayuan. May ilang lalake na mga nakaitim ang bumaba roon. Lahat ay mga naka kulay itim na whole body. May mga baril din na hawak at mga naka-itim na sumbrero. Halatang mga professionals sila dahil may logo ng isang kilalang security agency ang kanilang suot. Sa harapan ng kanilang itim na sumbrero ay may nakatatak na 'Platoon Z'.

Wow, cool.

Nagulat pa ako nang may dalawa pang lalake ang bumaba. Horiah Galeon and... hey, that's Baraqael Rigel Dominguez! Kilala siyang Brigs sa St. Sebastian! Wow!

"Who are you looking at there?"

Nabalik ako sa reyalidad nang may tumapik ng marahan sa aking pisnge. Sinulyapan ko ulit ng isang beses ang mga lalake na ngayon ay pasakay na ulit sa van. Mukhang may dinaanan lang saglit o tinignan.

Binalingan ko si Payton na ngayon ay kunot ang noo na umupo sa aking tabi habang nakatingin na rin sa van na papaalis.

"I thought he's in Bahamas," he shook his head bago ako binalingan. "You like him?"

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Mabilis akong umiling. Sila Jacos naman ay mga nakangisi na sa akin saka naupo. Si River ang tumabi sa akin sa kabila. I nodded at him.

Si Chano naman ay tahimik na naupo sa kabila ni Payton. Mukhang malalim ang iniisip. Si Reego ay umiling at tumabi kila Rom at Jacos.

Grabe naman itong inuupuan ko. Pang malakasan. Buong pwersa ng Saint Schools ay mga nakapalibot sa akin.

Well, bukod kay Reego.

"Grabe ka-pikon si Wallen, ano?" tumawa si Reego. He even tapped the table and bit his lower lip.

"Paanong hindi mapipikon? Si Pay ang kalaban. Natalo pa!" humalakhak si Romulo. "The ego! The pride!"

Nanlaki ang mata ko saka bumaling kay Payton na ngayon ay pinaglalaruan ng kaniyang daliri ang kaniyang pang ibabang labi habang malamlam na nakatitig sa akin. His arm is at the backrest of my seat. "Nanalo kayo?" I asked.

He sighed and nodded. "Hindi ka nanood."

"Yeah. Kararating ko lang din kasi," I shrugged. Tumango siya. "By the way, what's with Wallen?"

"He likes you. Too bad, you like me," mahangin niyang sabi. Natawa ako at tumango rin naman.

"Gago, hambog!" kantyaw ni Chano saka ako inilingan. Natawa na lang din ako at isinandal sa braso ni Payton ang aking likuran.

Ah, home! Walang label.

Bumalik ako sa aking ginagawa. Ngayon ay magbabasa na lang para kaunting review.

"Ang sarap pala sa pakiramdam ng pinipili, ano?" umakbay si Payton kay Chano matapos akong kindatan. I smiled. Si Chano ay kasalukuyang nakaupo at nakahalukipkip habang nakatulala.

Napailing ako nang mag umpisa na silang asarin si Chano.

Tahimik ko silang pinapanoood at pinapakinggan habang kunwari ay abala sa pag re-review.

Inis na inalis ni Chano ang akbay sa kaniya ni Payton. "Putang ina, malay ko!"

Humagalpak na ng tawanan ang magkakaibigan bukod kay Chano na mukha talagang seryoso at problemado. I pouted.

Mukhang alam ko na kung bakit.

Sabagay, sino ba namang hindi magpupursigi sa babaeng iyon? Very determined and too hard to find.

"Where's Shanne?" tanong ko kay Romulo para matigil na ang pang aasar nila kay Chano.

Naging masama ang timpla ni Rom bigla.

"With Beau," he shrugged. Tumango ako.

"Kailan ka kaya makakawala sa pagiging torpe, ano?" bumuga ng hangin si Reego. He even scratched his nape as if he's too disappointed with Rom.

"Wow, hiyang-hiya naman kami sa style mo na pag attend sa mga ramps ni Astrid! Bakla ka kung sasabihin mong gusto mo lang manood!" bwelta naman ni Feliciano.

"Tanga, malaman lang talaga ng lahat kung sino iyang pinuntahan mo sa Art Festival na iyan, eh!" umirap si Reego.

Kakaiba ang mga ito. Hindi ko malaman kung sino ba talaga ang mga gusto. Lalo na si Feliciano.

Si River kasi, ayon sa nasubaybayan ko, he's head over heels. Itong si Feliciano, hindi ko alam kung sino ba ang tunay na gusto.

Ilan yata ang pinopormahan. Kaya hindi ko malaman kung maniniwala ba ako sa kadramahan niya ngayon.

At gaya ng palaging nangyayare, gumanti si Chano ng pag irap. Hay nako!

Umiling ako at napaharap kay Payton nang makitang nakangiti siya sa akin. "What?"

Payton laughed and shrugged. "Ang ganda ganda mo lang."

Bigla namang nag init ang pisnge ko sa sinabi niya. I nodded and smiled. Napabaling kay Jacos nang umimik ito.

"Si Payton lang naman ang hindi torpe rito bukod sa akin," biglang nangalumbaba si Jacos at ngumuso.

"Oo, tanggap ko na hindi torpe si Pay! Pero ikaw?! Buong buhay mo ay torpe ka-"

"Tanga mo, Chano, hindi torpe iyan! Sadyang madalas lang hindi pinapansin ni Noelle!" at humalakhak si Payton. Napailing ako roon.

Ang pagkakaalam ko ay antisocial si Noelle. Napaka ganda pa naman.

But, it's her choice, though. If she finds peace alone, then it's better that way. Kaysa naman ipilit niya na makipag socialize pero wala naman ang kapanatagan sa kaniya, 'di ba?

"Kailan next game n'yo?" baling ko kay Payton. Mukha kasing magkakapikunan na naman sila.

Payton pouted and shook his head. Ipinatong ang kaniyang baba sa aking balikat. Mabilis na tinapik siya ni River papalayo sa akin.

We all laughed at that.

"Bitter naman, puta ka!" binato ni Romulo ng tissue paper si River na talagang masama ang timpla.

"Um-order na nga muna tayo!"

Biglang tayo ni River. Tumatawa namang nagsi-samahan sa kaniya ang apat bukod kay Payton na nanatili sa aking tabi.

Tinignan niya ang laptop ko. May ilan pa akong hindi nasasagutan doon, sa totoo lang. Tinatamad na lang ako. Kanina pa ako sumagot nang sumagot.

"Alin pa ba ang kulang mo rito? Ipagsasagot kita," he said. Mabilis akong umiling.

"Ayaw ko, Pay-"

"I will help you study, then," kinindatan at nginitian niya ako. I pouted. Nagtitigan kami at kalaunan ay tumango ako saka umiwas ng tingin sa kaniya.

Kinikilig ako.

"Our next game is in Saturday. You have classes?" sabi niya nang magsimula na siya sa pagtitipa sa aking laptop.

Nangalumbaba ako at tumango. Nakitingin sa kaniyang ginagawa.

"Half day lang naman. Susunod ako-"

"Have dinner with me tonight," bigla niyang putol sa akin.

Mabilis akong natigilan. "Sige-"

"Family dinner, Shawntell."

Kagaya kanina, natigilan uli ako. Ang pagkakaiba lang, may kaba na biglang sumilay sa aking dibdib.

"Papa's coming home tonight. Probobly the reason why Horiah's here," seryoso niyang sabi. Nakatitig sa akin. Ayaw na lubayan ko ang mga titig niya.

Tumango ako kahit mas dumoble ang aking kaba. "S-sure.".

Nang marinig niya iyon ay bumalik sa normal ang kaniyang itsura. Parang kinakabahan din kasi siya kanina kung papayag ba ako o hindi.

Bumalik na rin siya sa kaniyang ginagawa. Ako naman ay pinilit na mag focus sa pagbabasa ng notes.

Ayon kasi sa kwento ni Payton, anak siya sa labas ng ama niya na si Nazareth Napoleon Galeon. Hindi niya pinsan sila Horiah dahil mga kapatid niya ito at sila Stout at Anzel. Payton's mother died due to heart attack while giving birth on him.

That's painful. He's currently living with the Galeons. They're known as cousins para mapagtakpan ang kasalanan ni Napoleon. Itinatago si Payton sa apelido ng ina niya na si Ashanti Meiran. Nitong naging legal age siya ay pinlano nila Napoleon na ipakilala na siya sa mga tao as Galeon, but he refuses. He wants his mother's name with his. As a memory.

But, I can say, Ashanti is filthy rich. Kahit kusing ay hindi humihingi si Payton sa kaniyang ama. At the age of 18, siya na ang may ari ng MAIran International Airport. Siya lang ang mamumuno noon once he graduated. Kaunting panahon na lang at talagang out of reach na si Payton.

I will be the proudest girl ever. Not because he's rich, but because I trust him that he'll succeed.

"Wow, ang study hard n'yo naman!" biglang dating ng apat na may mga dala nang pagkain.

Naupo ulit si Chano sa tabi ko at ganoon din ang apat.

"Absent ka raw nitong nakaraang araw?" tanong ni Jacos. Tumango ako.

"Kuya wanted me to rest. Pinagbigyan ko na para hindi na manggulo pa," tumawa ako ng mahina. Siniko naman ako ni Payton. I pouted.

"That's what you needed. You're fainting last Sunday. You're over fatigue," he said strictly. Natigilan ako at tumango.

"Yeah, Sir. I know," I only smiled at him. Napangiti rin siya bigla. He bit his lower lip and shook his head while smiling.

I feel my heart jumping at that.

"When kaya?" nangalumbaba si Chano habang pinapanood kaming dalawa ni Payton na mag ngitian.

"Gago, huwag kasi puro stalk at friend techniques!" bwelta ni River. Badtrip pa rin.

"Tama na ang hugot, pare. Mabibilaukan ka na," pigil na ni Payton dito saka inabutan ng pagkain. Natawa na lang ako sa anim na ito.

Natapos ang pagkain namin. Nagkan'ya-kan'ya na rin kami pagkatapos dahil umuwi na rin naman pala si Shanne kaya wala nang inaabangan si Romulo. Kami naman ni Payton ay lumabas na.

Magkasabay kaming lumakad sa sidewalk ng St. Regidor. Hindi ko malaman kung bakit biglang wala nang nagsasalita sa amin. Basta maya't maya kami lumilingon sa isa't isa. He will smile and I'll just do the same.

Naging ganoon ang aming scenario habang naglalakad. Natigilan na lang ako at napaisip...

"Where's your car again?" tanong ko. Ngayon ko lang iyon napansin.

Todo lakad kami basta.

Bigla naman din siyang natigilan. Napatingin kami sa waiting shed sa may crossing ng St. Regidor at Javier. Doon ko lang napansin na ganoon na pala kalayo ang aming nalalakad. Nagkatinginan uli kaming dalawa.

Napatampal siya sa kaniyang noo at natawa na. Hindi ko na napigilan at natawa na rin ako.

"What the?! I forgot my car there!" natatawa niyang itinuro ang daan pabalik sa cafe. "All I know awhile ago is I'm staring at you then, shit! We're here!" dagdag niya.

Natawa na lang din ako at tumango. I sighed right after. "Tara na balik na tayo para makapaghanda ako sa dinner."

"Right," ngumiti siya at tumalikod na. Nagtaka lang ako nang pumunta siya sa harapan ko at doon tumalikod. Ibinaba pa niya ng kaunti ang kaniyang katawan.

"Ha?"

"Ride on me," he then tapped his shoulder. I think he's indicating that I should hold onto it. Don't be green minded, Shawny! Boba!

"Hala? Ayaw ko nakaka hiya! Naglalabasan na 'yong mga estudyante!" mabilis akong umiling. Hindi naman siya umalis sa kaniyang pwesto.

"Sumakay ka na lang para hindi ka mapagod," marahan niya akong nilingon at hinigit sa kamay.

Bumuntong hininga ako at lumapit na. Sumakay ako sa kaniyang likuran at siya naman ay hinawakan na ako sa dalawang hita para hindi ako mahulog. Yumakap naman ako sa kaniyang leeg.

"Ang gaan mo. Are you even eating well?" tanong niya. Pilit akong nililingon.

Ipinatong ko ang aking baba sa kaniyang balikat. Walang mapaglagyan ang gaan at kasiyahan na nadarama ko ngayon.

Basta sigurado ako kay Payton.

"Yep," sagot ko at inamoy ang kaniyang batok. I kissed it a bit kaya natawa siya.

Maya't maya kami nililingon ng mga nakakasalubong namin. Binalewala ko na lang dahil gusto ko ang nangyayare. "Ang bango mo naman!"

"Huwag ka namang magpahalata na adik ka na sa akin," he said sarcastically. Natigilan ako dahil doon.

"Nahiya naman ako sa paghahabol mo," ganti ko. Natawa si Payton at kalaunan ay nagkibit balikat.

"It is better to meet failure because you tried, than meeting failure without trying."

Napanganga ako sa sinabi niya. Napaisip ako doon at kalaunan ay isinubsob ang aking mukha sa kaniyang leeg at hindi na nakipagtalo pa. He was right. He's right.

He made me believe again.

Gaya ng plano, dumaan muna kami sa aming bahay. Saktong naroon sila Mommy. Kumpleto.

"Good evening po," mabilis na nag mano si Payton kay Mommy.

Isa iyan sa bagay na kinahahangaan ko sa kaniya. He's just really pure. I adore him to death.

"Oh, napadalaw ka, hijo!" gulat na sabi ni Mommy at nginisian naman ako ni Daddy na abala sa panonood ng TV. Replay iyon ng laro ni Kuya kahapon.

Tumatawang lumapit kay Daddy si Payton at doon nagmano. Nakipag fistbump siya kay Kuya kalaunan.

"Ipagpapaalam ko lang po sana si Shawntell kung p'wede na isamang mag dinner sa bahay? Dad came home po," sagot ni Payton sa sinabi ni Mommy.

Sabay-sabay na nilingon ako ng tatlo. Nagkibit balikat ako at nag umpisa nang maglakad sa hagdan papunta sa ikalawang palapag.

"Sana all isinasama sa family dinner tapos walang label!" parinig ni Kuya. Nagtawanan silang lahat doon.

Hinarap ko si Kuya si inirapan saka ako nagpatuloy sa paglakad hanggang sa makalapit sa aking kwarto.

"Siya lang naman itong ayaw ako bigyan ng label. Ilang buwan na akong binabakuran."

Natawa na lang ako sa huling sinabi ni Payton at tuluyang pumasok sa aking kwarto.

He's right though.

Naalala ko noong opening ng Saints League, nagkaaway kami noon dahil pumayag na magpahalik sa pisnge kay Drixy Montelle ng St. Louis.

Hindi bale ba kung simpleng halik lang! Humalik sa malapit na sa labi! Tinawanan lang iyon noon ni Payton!

Sarap kalbuhin!

Pasado alas syete ng gabi nang makarating kami sa mansyon ng mga Galeon. Para na akong aatakihin sa puso kahit nasa sasakyan pa lang kami.

Mas dumoble ang kaba ko nang makita ko ang bahay nila na parang palasyo sa sobrang laki.

It is a Spanish style mansion. From the gate up to its walls. Ang yard ay talagang napakalawak. Ilang sports at formal car ang nakaparada doon. Lahat ay mamahalin.

"You fine?" bulong ni Payton nang mapansin ang pananahimik ko habang nilalakad namin ang kanilang pasilyo na napakahaba. Papunta kaming garden sa backyard dahil doon daw ang dinner.

Para kaming nasa isang Disney movie dahil sa ambiance ng kanilang bahay. Pakiramdam ko ay bawal mapautikan ang sahig nilang marmol.

"Y-yeah," mahina kong sagot saka umiwas ng tingin sa kaniya.

Natawa si Payton saka ako hinawakan sa kamay. He then whisper, "Don't worry. Kung hindi ka nila magugustuhan ay ayos lang. Maganda ka pa rin at ikaw ang gusto ko. Stay unbothered."

I feel my heart aches at his remark.

Knowing that we're here, facing his parents, nervous, he still managed to lighten up my mood.

I smiled at him and held on his hand. I kissed the back of it.

"Be my boyfriend," marahan kong sabi.

Natigilan si Payton at halatang nagulat. Nanatili kami sa gitna ng pasilyo nila. Nakatitig lang siya sa akin. Natawa ako .

"Ayaw mo ba? Are you turned off-"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang marahan niya akong hinigit palapit sa kaniya. He kissed my lips tenderly.

Gulat na gulat ako roon, pero nang mag umpisa nang gumalaw ang kaniyang labi ay napapikit na ako at humawak na sa kaniyang batok.

I pulled him a little para mas maabot ko siya. Hinapit naman niya ako sa bewang at mas pinalalim ang halik. Para akong matutumba dahil sa kaba at panginginig ng tuhod ko.

"Wow, hindi kayo PDA, Kuya,"

Natigilan kami parehas ni Payton nang may magsalita.

Mabilis akong napabitaw kay Payton nang makita si Stout na ngayon ay nakapamewang sa aming harapan.

She rolled her eyes.

Kinabahan ako dahil akala ko ay susugurin kami pero nagulat ako nang hawakan niya ako sa kamay at higitin papunta sa garden. Si Payton ay pamura-mura na sumunod sa amin.

"Ang ingay mo naman, Kuya! Bitin na bitin?"

Puna ni Stout sa kapatid.

Hindi ko alam na mas matanda pala sa kaniya si Payton.

"Ang daldal mo. Panira ka," Payton shook his head. Nang makita na nakatitig ako sa kaniya ay mabilis siyang nag iwas tingin.

"Hay nako! Dinner muna bago kayo magkainan!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Stout pero hindi na rin nakaangal nang tuluyan kaming nakalabas sa backdoor.

Naabutan namin ang kanilang pamilya na kumpleto sa lamesa. Even Napoleon.

"I'm glad," marahan na puna sa akin ni Canary nang makita ako.

Tumayo ito sa inuupuan at napaka pino ng galaw na lumapit sa akin para ako ay ibeso.

"Good evening, Ma'am," balik ko.

She smiled and nodded.

"Girlfriend ka ba ng anak ko? Kung oo ay tawagin mo na lang ako na Tita," she replied.

I didn't expect that.

"Girlfriend mo na nga ba, Pay? Malakas ka?" it was Anzel. Pinagsiklop nito ang kaniyang kamay saka ipinatong ang siko sa lamesa. He smirked at Payton.

"She just answered me awhile ago," Payton said. Hinawakan na ako sa bewang matapos humalik sa pisnge ni Canary.

"Oh, so that's the reason why I saw you two making out in the hallway? Sorry!" and Stout just spilled the tea.

"Wow. Iba ka," ngumisi si Horiah kay Payton saka ako kinindatan. Hindi ko na lang pinansin.

Ipinag higit naman ako ni Payton ng upuan. Magkatabi kaming naupo roon. Doon lang din ako napalingon kay Napoleon.

Seryoso lang ito sa gitnang dulo ng lamesa.

I gulped.

I smiled at nodded at him a bit. He just nodded as a reply and focus on Stout who's currently telling story to him.

"So... let's eat! Family's complete, finally!" it was Canary.

The housemaids are starting to serve the food. Abala ang iba roon kaya naman kinuha ko ang pagkakataon para bulungan si Payton.

"Hindi ko alam na ka-close mo pala sila," I said silently.

Napangiti si Payton at tumango. Inayos niya ang strap ng lacy dress ko na unti unti na palang bumabagsak.

"Family can't resist a family member," he replied and kissed my cheek.

Bumalik kami sa pagkakaupo ng maayos dahil tapos nang ilatag sa lamesa ang mga pagkain.

"I'm happy to hear that," huli kong sabi.

Tumango si Payton at sinimulan na akong bigyan ng pagkain.

"What's your plan about your company in London? You know you can't just put all the work on your assistant," biglang salita ni Napoleon.

Ang lahat ay abala na sa pagkain. Lahat ay tahimik nang magsalita ang kanilang ama.

"I'll give it a visit once I have a time."

Umupo ng tuwid si Payton saka ako nilingon saglit. Bumaling ulit sa kaniyang ama.

"Good. Be responsible. I can sense that you're ready to have a family with this girl. I know she is, too," sinulyapan ako bigla ni Napoleon. May kaunting ngiti sa labi. "Are you?" muli niyang tanong na mabilis kong tinanguhan.

"Good to know that," sabay sabay na sabi nila Anzel, Horiah, at Payton. Natawa at tumango naman ang dalawang babae habang ako ay parang namula sa sobrang hiya.

Nakakatuwa rin na malaman na hindi naman pala mahirap para kay Payton ang ganito. Nakakabilib lant dahil kahit isang pagkakamali siya ng nakaraan ay tinanggap pa rin siya ng mga ito.

And no, I am not kidding when I tell them that I'm ready to have a family with Payton. I am up to the chance that he'll be my husband.

Ngayon lang ako naging sigurado. Noong kami pa kasi ni Reagan ay mga bata pa kami kaya kahit minsan ay hindi pumasok sa isip ko na magiging mag asawa kami. Ni wala sa plano ko noon ang mag asawa.

Pero kahit ganoon, masakit pa rin. But not anymore.

I am super fine and sure with Payton.

I've never been this sure my entire life. Sa kaniya lang.



Continue Reading

You'll Also Like

53.1K 881 48
Grieved for the spoken words, Mourn for the memories on hold, Tears like a domesticated fall How could I remain the desire for so long? You lay down...
364K 11.6K 44
LOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal fait...
9.4K 647 65
Summer Series #2 Devin Bradford Ziegler, a prominent celebrity who'll take a special summer vacation to have a soul-searching journey. Meanwhile, he...
174K 4.4K 46
The Runaway Girls Series #1 Euphony Rae Salazar is the perfect example of a woman with principles. Lahat gagawin niya upang umahon sa hirap dahil nan...