My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Vacuum

298 36 4
By HEYNEENAMOR

Rita's POV











Nakasimangot ako habang inaalala ko yung nangyari kahapon.. Habang pinipresent ko ang Magazine cover ng team ko ay hindi natuloy dahil sa biglaang pagsulpot ng Rebecca Solidad na iyon. The same girl na kameeting ni Ken with Miss Claudia. Ang sabi sa office ay bigating CEO daw iyon ng isang Cosmetic Company at nakikipag partner sa Ka-Vogue para kami ang mag published ng magazine for launching ng bago nilang make up line. Hmmp. Kung dumating kasi yun sa tamang oras ay hindi siguro ako nanggagalaiti sa inis ngayon dito sa bahay. Pero hello! Kasagsagan ng presentation ko!!! Nabastos ako! Hindi lang ako kundi pati ang team ko. At ang Tsinoy naman ay nagpakaladkad din at umalis ng conference room ng hindi manlang nagbitaw ng salita. Ilang araw kong pinaghandaan ang presentation na iyon tapos mababalewala lang!!! Nakakainis!!











Dinidiin ko ang pagmamap ko sa sahig dito sa bahay. Sabado ngayon at nagpasya akong mag general cleaning..
















"Wow. Ang aga mo namang magsipag. Baka pwedeng pakidamay pati yung kwarto ko?" bungad na sabi ni Ken ng madatnan niya akong nagmamap dito sa sala.. Inirapan ko lang ito at tuloy lang ako sa ginagawa ko.










"Nasaan si Oslo?"










"Bakit mo hinahanap hah? Tsaka baka naman pwede mo akong tulungang maglinis ng bahay ko! Nakikitira ka na nga lang dito eh.."












"BAHAY KO." pagtatama niya sa sinabi ko.













"Kumain kana dun! Nagluto na ako.."









"Totoo? Aba! Mukhang ang ganda ng gising mo hah!" nakangiting sabi nito.











"Masama ang tulog at gising ko! Kaya umalis ka sa paningin ko!"









"Oh! Ang aga-aga, nagagalit ka! Nasaan ba kasi si Oslo talaga?"









"Nasa kabilang bahay kasama si RJ, nag gegeneral cleaning ako at maalikabok.. Mas safe siya dun.."










"General cleaning. So ibig sabibin ba nun ay pati yung kwarto ko ay lilinisin mo?"











"Wala akong choice."












"Don't worry. Walang nakakalat na condom sa kwarto ko!" inambahan ko siya ng map at tumakbo ang walanghiya papunta sa kusina.














"Wala akong pakialam sa condom mo! Ang aga-aga Ken Chan!!!"






















Nang matapos ako sa sala ay nagpasya na akong maglinis sa kwarto ni Ken. Bago ako pumasok doon ay kumuha muna ako ng mga pamalit na bedsheet, punda at kurtina. Kumpleto ako dito sa bahay dahil kina-career ko talaga na akin itong bahay. Kinuha ko ang vacuum cleaner at mga basahan tsaka ako pumasok sa kwarto nito.









"Pag natapos ka dito sa kwarto ko, tawagin mo ako sa labas.."











"Oo na, doon ka na! Chupi!!"















Pag-alis nito ay sinarado ko na ang pinto tsaka ko nilibot ng tingin ang kwarto nito. Pagpasok ko pa lang dito ay naaamoy ko na agad ang pabango nito. Pabangong nagsisilbing air purifier ng kwartong ito.. Napansin ko ding nakaayos na pala ang kama nito..









"Aba. Maayos naman palang magtupi ng kumot.. Hmmm.." umupo ako sa kama nito..










"Binili ko itong kama na ito base sa taste ko. At hindi ko alam na ikaw pala ang makakahiga dito. Hmp. Ito dapat ang magiging kwarto ni Mommy at Daddy pag binisita nila ako sa Manila pero sayo na napunta. Masyado kang maswerte Ken Chan.." bulong ko sa sarili habang dinadama ko ang lambot ng kama nito.. Saglit akong humiga sa kama. Kinuha ko ang unan nito at inamoy..









"Infairness! Mabango hah!" nakangiting sabi ko.. Tumayo na ako tsaka ako nagsimulang mag vacuum.. Habang nagvavacuum ako ay tumungo ako sa side table at na curious ako sa drawer.. Hindi kasi ito nakasarado kaya sinilip ko ang laman nun..











Madiin akong napapikit at napailing..









"Sabi ko nga, bakit ko pa sinilip.. Tss.." masasabi kong kwarto nga ito ng lalaki.. Condoms sa drawer, may condoms din sa closet, pagpasok ko sa CR ay meron din sa gilid ng lagayan niya ng toothbrush.










"Oo na nga Ken Chan! Ikaw na safe at protected! Hmp!"










Hindi ko pa tinu-turn off yung Vacuum ng hawiin ko ang kurtina dito sa kwarto niya. Nasilaw ako sa tindi ng liwanag ng sikat ng araw. Itong room na ito ang isa sa pinakamagandang space sa buong bahay dahil direct ang sunlight sa kwartong ito. Na para bang bawat paggising mo ay ma-iinspired kang bumangon para salubungin ang bagong umaga. Ganoon ko inimagine ang kwarto na ito noong inaayos pa ang interior nito. Ewan ko lang sa Tsinoy na natutulog dito. Baka lagi lang nakalaglag ang kurtina para hindi siya maarawan.. Tsss..























Ken's POV


Maaliwalas ang umaga. Nagpasya akong umupo sa labas ng bahay. Dala-dala ko ang hindi ko pa nauubos na kape. Ayokong dalhin ang trabaho ko dito sa bahay kaya nag-iisip ako ng pwedeng gawin sa dalawang araw na off ko. Napatingin ako sa balcoy ng bahay nila Lola sa kabilang bahay. Ang sabi ni Rita ay nandodoon si Oslo. Gising na kaya iyon? Or natutulog? O baka naman umiiyak ngayon.





Napangiti ako habang naaalala ko ang mukha ni Oslo. Mukha naman itong mabait na bata. Naawa ako dito at hanggang ngayon ay nangungulila parin ito sa magulang..






Napatingin ako sa gate ng may mag doorbell dito. Napatayo ako at pumasok sa bahay para tanungin si Rita kung may inaasahan ba siyang bisita.












"Rita, may bisita ka ba ngayon?? Rita!!" wala akong narinig na sagot mula dito. Hindi na ako nagpasya pang pasukin ito sa kwarto ko dahil baka busy sa paglilinis. Ako na ang lumabas para buksan ang gate..

















"Rebecca?? A-anong ginagawa mo dito? Papaano mo nalamang dito ako nakatira?" gulat na tanong ko dito..







"Well, nag research ako about sayo and.. May mga ilang nakapagsabi lang naman na dito ang address mo— Hmmm.. So this is your house hah. Mukha itong old but classic. Ang cute!" nakangiting sabi nito.. Hindi ko alam kung papapasukin ko ba ito dahil hindi niya pwedeng makita si Rita dito. Pero magiging bastos naman ako sa client ng kumpanya kung hinid ko ito papapasukin. Shit. Gulo ito. Nagsisimula na akong kabahan ng sumilip-silip ito..









"Ah. Come in!" sabi ko dito at mas lalong lumaki ang ngiti nito ng binuksan ko ng malaki ng gate at pinapasok siya..











"Ano iyon? Vacuum Cleaner ba iyon? May kasama ka sa loob? Akala ko ba single ka and living alone?" usisa nito..







"Ah! Yes! Vacuum cleaner. Ngayon kasi ako nagpa Cleaning service para sa bahay! Kaya dito muna tayo sa labas.. Maupo ka muna.. Hmm.. Coffee? dadalhan kita ng kape.. Wait me here.." sabi ko dito. Mabuti naman at medyo naniwala siya. Ganoon nga ang ginawa niya, umupo ito at pumasok na ako sa bahay para kunyaring kukuha ng kape para sa kanya.. Pagpasok ko ay nagmadali akong pumasok ng room ko kung nasaan si Rita..











Pagpasok ko ay naabutan ko pa itong sumasayaw-sayaw habang hawak hawak ang vacuum cleaner..










"Rita!!"










"Rita!!"










Hindi niya yata ako naririnig kaya hinawakan ko na yung kamay niya para tumingin siya sa akin. Nagulat pa ito sa ginawa ko..









"Ano ba!!! Makahatak naman!"











"Shhhh.. Wag kang maingay. Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ako naririnig?"










"Naka airpods ako oh!"










"Haays.. Hmmm.. May problema tayo."










"Hoy! wag mo akong madamay-damay sa problema mo hah!!"










"Rita. Listen. Nasa labas ng bahay si Rebecca—"









"Ano? Sinong nagsabi sayong pwede mong papasukin yung mangkukulam na iyon hah??? Humanda yan at papalayasin ko siya sa bahay ko——"










"Rita!! Come on! Mag behave ka nga muna please! Problema to kapag nalaman niyang magkasama tayo sa bahay!"










"Bakit ka kasi nag iinvite ng client sa bahay hah???!" inis na sabi nito.










"Hindi ko alam kung bakit niya nalaman ang address ko. Pero hindi ko siya pwedeng paalisin at hindi papasukin dito sa bahay dahil mahalagang kliyente si Rebecca! Alam mo yan Rita!"









"So anong gusto mong gawin ko hah??!!"










"Mag stay ka lang dito sa kwarto ko hanggang makaalis si Rebecca! Wag kang gagawa ng kahit na anong ingay at problema.."










"Ako pa talaga yung binibigyan mo ng rules sa sarili kong bahay!!! Paano kung ayokong sumunod sayo? Eh sa gusto ko siyang palayasin dito ngayon eh!"









"Sssshhh. Rita! Please. Bigay mo na to sa akin ngayon please! Nakikiusap ako! Please!!!"











"Sa dalawang kundisyon..." sabi nito na ikinagulat ko..












"Dalawa talaga?"










"Oo ! Dalawa!"









"Bilisan mo! Anong kundisyon naman yan!"









"Hmmm.."










"Bilisan mong mag-isip! Tumatakbo yung oras!"











"First, Ikaw ang magbabayad ng lahat ng bills sa buong buwan na ito.."








"What???"











"Ayaw mo yata eh, o sige lalabas na ako—-"








"Oo na!!"












"Good. Hmm second is, gagawin mo lahat ng iuutos ko.."











"No way!"











"Okay. Give me that way.. Kailangan kong lumabas at kamustahin si Rebecca—-"











"Fine! Oo na! Basta mag behave ka dito! Dahil kapag gumawa ka ng gulo ngayon, ikaw ang gagawa ng lahat ng kundisyon mo!"











"Okay!"












"Rita! Behave!!"











"Meow , meow!" sagot nito sa akin bago ako tuluyan lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina.. Habang gumagawa ako ng kape ay nakita kong pumasok si Rebecca sa bahay.. Kinabahan na naman ako at napatingin sa kwarto ko.. Sana ay hindi ito pumasok doon. Minadali ko ang kape para salubungin ito sa pagpasok niya..
















"I'm sorry Rebecce, medyo maalikabok dito sa loob. Sa labas muna tayo. Hindi ko alam kung anong oras matatapos yung naglilinis sa room ko eh.."









Sumunod muli ito sa akin papunta sa graden kung saan siya nakaupo kanina..








"Mukhang wrong timing ang punta ko ah.. Hindi din pala kita pwedeng iinvite na kumain sa labas dahil kailangan mong asikasuhin ang pag papalinis mo dito.. Hmmm.."









"Bakit ka nga pala nagpunta? Para yayain akong kumain? Pwede mo naman akong tawagan.."










"Yeah. Pero mas gusto kitang makita eh.." nakangiting sabi nito sabay abot ng kamay kong nakapatong sa lamesa.. Nginitian ko ito at pasimple akong nag ayos ng upo.









"May mga halaman ka din pala ? Mahilig ka sa halaman?" tanong nito ng makita ang isang pot na may bagong tanim na halaman. Kay Rita ang halamang iyon at napagkamalan pang akin.. Bakit ba sa lahat ng sulok ng bahay na ito ay may bakas ni Rita.. Tsss. Nandidito na kami sa labas niyan hah!








"Ah, hindi akin yan. Sa kabilang bahay yan."










"Eh bakit nandidito sa garden mo?"







"Pinalagay lang ng Lola sa kabila. Sinisira kasi ng bagong bili nilang aso.. Eh nagmagandang loob na lang akong ilagay dito, tutal malaki naman ang space ng garden ko.."










"Yeah. Alam mo.. Halaman ang nakakapagpagaan ng isip ko.." hindi ako interesado pero kailangan kong makinig sa sinasabi nito..












"Stress sa work?"














"Speaking of work, ayokong si Miss Rita Daniela ang maghandle ng magazine ng make up line ko. Pwedeng iba na lang?"










"Bakit? Actually hindi ko pa nasasabi sa kanya yung tungkol sa project mo Rebecca.. Pero siya ang unang pumasok sa isip ko na pwedeng gumawa ng magazine mo.."










"I just don't like her. I don't trust her. Iba na lang."








Napatingin kami ni Rebecca sa isang pot na natumba sa gilid ng garden.. Nabasag ito..












"Bakit nahulog yung pot?"











Tumayo ako at sinilip ko ang gilid ng bahay at nakita ko si Rita na nakairap sa akin.. What the hell! Nakikinig siya sa usapan namin? Binuksan niya ang bintana ng kwarto ko?










"Ken! Ano bang meron?"









"Yung pusa ng kapitbahay namin, nasagi yung pot sa taas.. Pasensya na, lilinisin ko na lang to mamaya.."










"Okay. Bumalik ka na dito.."







Umayos ako ng upo tsaka nag isip ng dapat nasabihin kay Rebecca..









"Let's go back sa topic kanina.. Hmm.. Regarding kay Rita? Limang taon na siya sa kumpanya . Independent siyang empleyado.. Kaya niyang gawin ang isang project kahit mag-isa lang siya. I believe in her. Madami siyang alam pagdating sa trabahong ito kaya siya ang i-aassign ko sayo.."






"Okay. Okay. dahil ikaw ang nag insist, gusto kong i-try si Rita. Gusto kong mag present siya sa akin by friday ng magiging concept niya for my make up line.."














"Okay, I will informed her by monday.."
































Rita's POV

Alam kong mali itong ginagawa ko pero sumisilip ako dito sa gilid ng bahay mula sa bintana ng kwarto ni Ken. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila. Hindi naman ako makikita ni Rebecca dito dahil nasa kabilang direksyon siya. Si Ken lang ang pwedeng makakita sa akin dahil nasa direksyon ko siya. Mabuti at nagkasya ako sa bintana ni Ken at naririnig ko ang pag-uusap nila. Hindi ko lang pala naririnig, nakikita ko din yung ginagawang paggapang ng kamay ni Rebecca papunta sa kamay ni Ken. Aba! Higad pala!








Mas nag focus ang pakikinig ko ng marinig ko ang pangalan ko sa usapan nila..





"Speaking of work, ayokong si Miss Rita Daniela ang maghandle ng magazine ng make up line ko. Pwedeng iba na lang?" Aba!! Teka lang!! Ako ang maghahandle? Di pa ako nainform regarding dun! Tsaka Hello! As if naman na payag akong i-handle yun? No way!!!








"Bakit? Actually hindi ko pa nasasabi sa kanya yung tungkol sa project mo Rebecca.. Pero siya ang unang pumasok sa isip ko na pwedeng gumawa ng magazine mo.." dapat ba akong matuwa? Tsss..









"I just don't like her. I don't trust her. Iba na lang." kumulo bigla ang dugo ko sa narinig ko kaya automatic na dumako ang mga kamay ko sa isang paso sa gilid ng bintana at ibinagsak malapit sa kanila.. Mabilis akong pumasok para di nila ako makita. Pagsilip ko ay nagtama ang tingin namin ni Ken. Inirapan ko ito tsaka ko sinarado ang bintana at tinuloy ang paglilinis sa kwarto nito..
























Ken's POV

Halos mag-iisang oras din ang tinagal ni Rebecca dito sa bahay bago siya nagpasyang umuwi. Pag-alis nito ay mabilis akong tumungo sa kwarto ko para kausapin si Rita. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang pagbasag ng pot habang nag-uusap kami ni Rebecca.







Pagbukas mo ng pinto ay biglang akong huminahon at ayoko ng magsalita dahil sa nadatnan ko. Lumapit ako sa nakahigang si Rita sa kama ko at sinilip ko kung totoong nakatulog ito.









Yes, totoo nga. Nakatulog ito sa kama ko. Dahil na din siguro sa pagod niya sa paglilinis ng buong bahay..







Napatingin ako sa bagong palit na bedsheet, punda at kurtina.







"Paano niya nakabit ang kurtina ng mag-isa?" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang kurtina. Masyado kasi itong malaki at alam kong mabigat ito. Dapat ay hinintay niya na lang akong pumasok dito para matulungan siya.




Hininaan ko ang aircon ng kwarto ko dahil alam kong nalalamigan si Rita. Naka short lang kasi ito at itim na sando.. Lumapit ako dito at dahan-dahan kong kinuha ang kumot ko at itinakip sa kanya..






Mukhang sarap na sarap naman ito sa pagtulog sa kama ko. Gustuhin ko mang umidlip ngayon ay nagpasya na lang akong umupo sa maliit na sofa at nakaharap sa kanya.. Kinuha ko ang isang libro at pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa.. Ayoko itong gisingin at hihintayin ko na lang itong magising at magpaliwanag sa ginawa niya kanina..


















❤️

Continue Reading

You'll Also Like

27.5K 1.8K 35
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
17.2K 1.1K 36
Paano kung yung taong minahal mo ay may itinatagong madilim na nakaraan?? Isang nakaraang kahit ilang beses niyang kalimutan ay hindi niya magawa.. N...
12.7K 717 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
19.5K 1.6K 47
"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."