My Perfect Disaster

Od HEYNEENAMOR

19.6K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." Více

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Chismis

397 40 7
Od HEYNEENAMOR

Rita's POV






"Anong ginagawa mo dito? Gusto mo talaga akong maka-lunch date no?" bungad na tanong ko kay Ken habang papalapit ito sa table namin ni Iza.










"Nanaginip ka pa yata? Or gutom ka na? tssss.." bigla na lang itong naghatak ng isang upuan at tumabi sa akin..









"Nag la-lunch kami ng kaibigan ko, bastos ka din no?"







"Hindi pa nga ako nakahubad, bastos na agad? Anyways, Nakita kita Iza sa tapat ng bahay kanina..."











"Nakita mo ako???"













"And pakiramdam ko ay ito ang topic niyo ngayon. Am I right??"











"Pakialam mo ba hah??? Lumipat ka na nga ng ibang table. Istorbo ka." pagtaboy ko dito dahil hina-highbloob na naman ako kapag nakikita ko ito.






"So alam mo na? Na Live-in na kami ni Rita at may alaga kaming bata?"











"Live in???? Hoy anong live in ka diyan! Feeling ka Ken Chan hah!!!"







"Actually Rita, that was the right term.. Tama si Sir Ken. Live in na kayo." panggatong naman nitong si Iza sa kalokohan nitong hudas barabas na ito.






"Ang term na live in ay para lang sa mag jowa! Housemate. Housemate lang kita! Wag kang umasa diyan Ken Chan.. Baka mapasama ka sa bilang ng lalaking iniyakan ako.." mayabang na sabi ko at sabay na tumawa si Iza at Ken Chan.. Aba! Nakakainsulto ng tawa hah!











"Hoy Iza! Diba magkaibigan tayo? Bakit nakikitawa ka diyan sa lalaking yan hah?"













"Sorry Rita. Hindi ko lang mapigilan."









"Nanaginip ka pa nga yata talaga Rita.." sabi ni Ken kaya mabilis na dumapo ang kamay ko sa braso nito at kinurot ko ito..









"A-araaaaay.. Hoy!"







"Tatawa ka pa hah???"








"Hindi na ako tatawa, Mamaya na lang ulit.." pang aasar nito.











"Alam niyo , ang cute niyong dalawa. Kung hindi ko kilala tong si Rita, mapagkakamalan ko kayong magjowa.."











"At dahil kilalang-kilala mo ako Iza, alam mong impossible yang iniisip mo diba?"











"Ooops.. Who are you???" pang-aasar ni Iza..












"Iza, ireremind ko lang sayo na ang personal na namamagitan sa amin ni Rita ay mananatiling sikreto sa loob ng Ka-Vogue. Ayokong machismis ang pangalan ko kay Rita. Alam niyo ang rules ko sa kumpanya. Ayokong ako mismo ang sisira ng rules ko dahil sa chismis.."









"Walang personal na namamagitan sa atin Ken Chan hooooy!"











"Ang lalim mo mag-isip Rita. Ang sinasabi ko dito ay ayokong may kumalat na issue pa regarding kay Oslo or We're living together.. Kung ano ang nalalaman niya ay itago na lang niya..."








"Okay. Noted." nakangiting sabi ni Iza. Pareho kaming nagulat ni Ken ng ilabas ni Iza ang phone niya at halatang pinicturan niya kami ni Ken. Aba! Mahilig to sa stolen pictures eh! Baka nakanganga ako dun. Tsss












"Ano yan! Iza naman! Bakit mo kami pinicturan??!!"







"Sorry. Ang cute niyo kasi talaga together!!!"








"Delete mo nga yan! Bakit kapag kami ni Oliver ang magkasama, hindi mo kami pinipicturan hah? May pinapanigan ka ba hah?"











"Kay Sir Ken ako boto eh.." pang aasar nito.










"Ano ba! Ang ganda ko naman!!"













"Hala. Feeling." rinig kong sabi ni Ken.














"Iza, ililibre daw tayo ni Sir Ken ng lunch. Diba? Sir? Nang may pakinabang naman ang presensya mo dito."














"Budol." bulong nito at natawa ako.














"Dali na!!"















"Omorder na kayo. 30 minutes na lang oh, matatapos na ang lunch break."



























"Salamat sa libreng lunch.." nakangiting sabi ko kay Ken habang papalabas kami ng restaurant.






"Humahaba yung listahan ng utang mo sa akin.." sabi nito sabay lakad taliwas sa direksyon namin ni Iza.









"Hoy! Hindi iyon utang!" sigaw ko dito pero hindi na ito lumingon pa bago lumiko sa ibang daan..







"Kita mo yan Iza! Tignan mo yung ugali!! Mabuti nga at natitiis ko yang kupal na yan eh! Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi niya akong ginagalit!"












"Mabait naman pala siya Rita."











"Anong mabait? Yung libre niya ng lunch? Narinig mo bang utang ko daw iyon?! Tsss.."








"Gwapo na, galante pa! Bagay kayo!!"






"Gwapo? Yung ganung itsura? Gwapo? Girl, tumaas na yata yang grado ng mata mo. Napakababaero naman.."






"Wait, tell me , nagdadala siya ng babae sa bahay niyo?"












"Hindi lang nagdadala, naririnig ko pa kung paano sila mag-sex—- Hmmmp.. Okay, tara na sa office.."









"OMG!! Seryoso? At paano mo natitiis yun girl? Anong feeling????"







"Ano bang tanong yan? Anong anong feeling? May dapat ba akong maramdaman?" iritang sabi ko dito..








"Girl! Anong feeling na hindi ikaw yung kasama niya sa kwartong iyon? Hindi ka ba naiinggit sa mga babaeng dinadala niya? Hello! Live mong naririnig, hindi ka talaga naiinggit?!"














"Hoy Iza!!! Ang baboy mo! Tigil tigilan mo ako sa mga tanong na ganyan hah! Nasusuka ako!!"












"Sus. For sure naiimagine mo na ikaw yung kasex ni Sir Ken!"









"Bunganga mo!  May makarinig sayo!!"









"Umamin ka muna!"









"May maitatago ba ako sayo hah? Napapraning na nga tong utak ko eh. Ikaw kaya makarinig ng sex noise gabi-gabi!!! At yan ang dahilan kung bakit pumapasok akong puyat dati! Hindi ako makatulog! Ang hirap matulog!!!! Pero noon yun. Ngayon, hindi na siya nagdadala ng babae sa bahay.."










"Oy, so ikaw na yung babae niya ngayon?"









"Iza! Hindi! Ano kaba! Nagtataka nga din ako eh, mag iisang buwan na siyang walang sex life or meron parin kaso di ko lang alam siguro , hmm siguro sinunod niya yung payo ko na sa hotel na lang nila gawin yung ganun.."









"So ikaw pa talaga ang nag advice hah? Okay ka lang girl?"








"May bata sa bahay ngayon. Mahiya naman siya sa bata!"








"Sa bagay. Pero late ba siya umuuwi tuwing gabi hah?"











"Hindi. Maaga nga eh."












"Oh! That's it! Wala na nga siyang sex life at kasalanan mo iyon. Kaya humanda ka dahil sisingilin ka niya, FOR SURE." bigla akong kinabahan sa sinabi ni Iza at nagmadali akong naglakad kasunod niya..













"Hoy ! Anong ibig mong sabihin hah!!!"













"Isipin mo!"













"Iza, dinadagdagan mo yung problema ko!!"




































Malapit ng matapos ang working hours ko kaya excited na akong umuwi para makita si Oslo. Medyo patapos narin ako sa editing ko kaya sinimulan ko na ang pag-aayos ng bag ko.










"Guys! May sasabihin ako!!" magmamadaling sabi ni Tosh. Galing kasi ito sa labas at halos nagkukumahog sa pagpasok.








"Walang gustong makinig. Lahat gusto ng umuwi.." sabi ni Iza at umirap tuloy si Tosh.











"Bruha ka! Hmp. May chika kasi ako! Si Ms. Claudia, nasa office na naman ni Sir Ken! And hindi lang siya nag-iisa. May kasama itong isa pang babae! Mukhang modela dahil sa tangkad at napakakinis ng balat!!" Babae na naman. Tsss. Ano bang bago.









"Ang dami namang babae niyang boss natin!!" rinig kong sabi ni Iza at napatingin ako sa kanya. Parang inaasar ako nito.. Aba!











"15 minutes nalang, uwian na. Di pa ba kayo magreready?" tanong ko sa kanila.









"Uwing-uwi naman to! Hindi ba tayo pupunta ng club hah? Di niyo ba namimiss?"












"Next time na lang ako Tosh. Kailangan ko ng umuwi."


















6pm, mabilis kong hinablot ang bag ko tsaka ako lumabas ng office. Habang naglalakad ako sa hallway ay sakto ang paglabas ni Ken, Claudia at yung Girl na tinutukoy ni Tosh mula sa office nito. Ngayon ko lang nakita ang mukha ng babae pero halatang mahalaga kay Ken ang babae dahil todo ngiti ito habang nagsasalita ang babae. Na para bang sa bawat pagbanggit ng isang salita ng babae ay todo kinig at tango ang tsinoy na ito.








"So ano? Tuloy natin ang usapan .. hmm Dinner? What'ya think?" rinig kong pag-aya ng babae sa kanila.. Bakit kasi huminto sila sa gitna ng hallway hah? At dahil uwing-uwi na ako ay dumaan ako sa gilid nila at wala akong pakialam kung makaka istorbo ba ako sa pag-uusap nila. Paglabas ko ng building ay nagsimula na akong maglakad sa gilid ng kalsada papunta sa footbridge para makasakay ng jeep sa kabilang way.. Kapit na kapit ako sa bag ko kahit na madami parin namang dumadaan dito.. Mahirap na, ayokong manakawan.













"So late nang makakauwi si Ken ngayon? For sure." bulong ko sa sarili habang pababa ng footbridge.









Habang nakapila ako sa terminal ng jeep sa gilid ng kalsada ay panay ring ang phone ko. Ayokong sagutin ito dahil nasa daan ako. Mahirap na, baka manakawan pa ako ng cellphone ngayon. Ayokong mag end na malas ang araw na ito..





Ayaw paring tumigil ang pag-ring ng phone ko kaya napapatingin na yung mga nakapila sa akin. Wala akong magawa kundi silipin ang phone ko. Bakit kasi hindi ko na-silent eh. Tsss..












Ken Chan? Bakit siya tumatawag? Akmang sasagutin ko na ang tawag ng mag end ito. Another missed calls.. Irita kong binalik ang phone ko sa bag ko ng may bumusina sa gilid ng daan.














Kotse ni Ken?
















Lumapit ako sa kotse niya at ibinaba nito ang bintana niya..
















"Pumasok ka na." utos nito.









"Hah? Bakit?"












"Akala ko ba mag didinner tayo?" tanong nito.











"Pe-pero nilibre mo na kami ng lunch kanina. Tsaka diba may ka-dinner ka ngayon? Si Ms. Claudia tsaka yung babae—-"












"Pumasok ka na bago pa magalit yung barker oh, harang tayo sa pila.." mabilis akong pumasok sa loob ng kotse nito..

















"Kanina pa kita tinatawagan, hindi mo talaga sinasagot."











"Nasa daan ako. Ayokong ma-snatched ang phone ko no!"














"As if naman interesado yung snatcher sa cellphone mong di naman latest model ng Iphone."













"Hoy! Napakayabang mo talaga!!! Babaero na, mayabang pa.."














"Hindi ako babaero."















"Wow! Hindi nga. Hindi nga halata."












"Wag mo ng problemahin yung mga babae ko. Ang dapat na pinoproblema mo ay si Oslo at ang bahay."










"Di ko tinuturing na problema si Oslo. Ang problema ko ay ikaw at ang bahay."










"Nagpapatulong na ako kay Feliciano tungkol sa bahay.. Ihahanap ka niya ng ibang bahay na matitirhan—-"










"No way! Ken Chan! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na bahay ko iyon. Akin iyon."








"Pero sa akin din iyon Rita!"










"Ikaw ang mag give up! Tutal kaya mo namang bumili ng madaming bahay! Iwan mo na sa akin ang bahay.."







"No."









Napapikit ako at sumasakit na naman ang ulo ko sa pakikipag diskusyon ko sa lalaking ito.










"Pwede bang wag na muna nating pag usapan ang bahay. Ano? Magdidinner pa ba tayo? Libre to hah. Kinaklaro ko lang sayo. Baka idagdag mo sa listahan mo.."











"Saan mo ba gustong kumain?"





























"Sigurado ka ba Ken na kumakain ka ng Pares, Mami?"







"Oo naman. Bakit mo natanong?"















"Diba mayaman ka. Baka mas sanay ang bituka mo sa steak.."












"Hindi ako mayaman. Sakto lang."














"Bakit nayayabangan parin ako sa sagot mo?" iiritang sabi ko dito..












"Hindi ko din alam kung bakit nayayabangan ka sa akin. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Hindi ako pinanganak na may pribilehiyo. Lahat ng meron ako ngayon ay pinagsikapan kong makuha.."












"Wait, hindi ka pinanganak na mayaman?"
















"Illegitimate child ako ng kapatid ni Uncle Greg.." pag-amin nito sa akin kaya nagulat ako..











"Bakit mo ito sinasabi sa akin?" tanong ko dito. Nagulat lang ako at nag oopen siya sa akin ng ganito ka personal.

















"Hindi mo pa ba alam? Akala ko ba close kayo ni Oliver? For sure nakukwento na niya iyon sayo. Or hindi pa? Oh , ako ng nagsabi.."














"Close kami pero hindi ka namin napag-uusapan."















"Okay."


















"Pero bakit mo nga to sinasabi sa akin?"














"Bawal ba? Tsaka malalaman din naman ng lahat iyon. Hindi ko iyon ikinakahiya. Kahit anak lang ako sa labas ni Daddy, hindi niya ako tinuring na iba. Daddy ko parin siya."












"Thank you?"












"Thank you para saan?"














"Salamat for telling me this. Masyadong personal iyon for you pero pinagkatiwala mo sa akin na malaman.."












"At kapag kumalat ay ikaw agad ang pagbibintangan kong nagchismis.." pahabol nito kaya nahampas ko na naman yung kamay niyang nakapatong sa lamesa.











"Hey! Ang sakit mong mamisikal!!! Ang bigat kaya mg kamay mo! HAHAHAHAH.."












"Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakikita kitang tumatawa o mabubwisit dahil sa sinabi mong mabigat ang kamay ko.."












"Let's eat. Naghihintay na si Oslo sa bahay." biglang pag serious nito..











"Ano ba yan! Ayoko ng seryosong Ken Chan! Gusto ko yung kanina, yung tumatawa!!! Ibalik mo yun!!!"











"Lah. Gusto mo na ako agad?"
















Lah.













"Hoy! Feeling ka!!!"













"Okay.. Kunyari hindi ko narinig.." natatawang sabi nito.












"Feeling !!!!"











"Lah? May Feelings ka na?" pang iinis muli nito kaya nakasimangot ako buong oras na nagdidinner kami...





















Hindi parin ako makapaniwala. Ito kasi yung unang beses na nag open si Ken sa akin.. Hindi ako nag doubt na hindi iyon totoo dahil pansin ko yung kaunting lungkot sa mga mata nito habang sinasabi niyang illegitimate child siya ng Dad niya.. Sa maiksing pag-amin niyang iyon ay naramdaman ko si Ken.. Naramdaman kong totoong tao siya..




















"Bilisan mo na diyan.. Bakit dito ka ba kasi nagtitinga?" tanong nito habang sinusundot ko yung sumiksik na kanin sa ngipin ko.







"Wait lang kasi!"













"Tara na! Anong oras na oh!"












"Wait lang—Hoooy!!!" wala akong magawa kundi sumunod sa kanya dahil hinablot na nito ang kaliwang kamay ko at hatak hatak niya ako habang papunta kami sa kotse nito.. Nakatitig lang ako sa kamay kong hawak-hawak niya.. Bakit ganito yung pakiramdam ko? Para akong nasasakal at hindi makahinga pero kamay ko lang naman ang hawak niya? Tototo na nga siguro, may sanib na ako.
























❤️

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.7K 74 5
One shot stories about Onince. I hope you all like it! For entertainment purposes only This is a work of fiction. Names, characters, business, events...
879K 17.7K 24
She has no power to fight against her grandfather. kaya naman Nikita Kim choose to left and hide. Sawang sawa na siya sa paulit ulit na pangingialam...
86.8K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
19.6K 1.6K 47
"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."