In Love with a Heartbreaker

By rrejiena

271 42 0

When you hate this Heartbreaker but you already fell inlove with him. And this Heartbreaker fell inlove with... More

In Love with a Heartbreaker
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 04
Chapter 05

Chapter 03

27 7 0
By rrejiena


Chapter 03

'Thank you pa rin sa phone. Kahit may kasalanan ka din sakin - Crystal.'

'Yun lang ang sinend 'kong message sa kanya kagabi, wala rin namang reply mula kagabi kahit ngayon.

Pagkagising ko wala na si Kuya, mukhang maaga s'yang pumasok kaya mag tatricycle na lang ako.

Paglabas 'ko ng gate, kaysa tricycle ang bumungad sakin, kotse at isang perperktong lalaki ang nasa harapan ko.

"Sabay na tayo." at dahil hindi naman ako makakatanggi tumango na lang ako at pumasok sa passenger seat.

"Did you eat your breakfast? You want to go the restaurant? We still have time to eat hindi naman tayo malelate." sunod-sunod nyang tanong.

Hindi ako makapaniwalang sinundo nya pa talaga ako! "Ah no, I'm full pa naman." he just nodded.

Nang makarating na kami nakita ko agad na maraming tao sa parking lot kaya agad akong tumingin kay Marcus.

"Ang daming tao sa labas oh, paano tayo makakababa? Hindi naman pwedeng makita tayong mag kasama."

Tumingin na rin s'ya sa labas at mukhang nag iisip s'ya ng paraan. "Sa likod na lang, dun kita ibababa." i agreed.

Pagkababa ko nag paalam sya sakin at umalis na. Umakyat na ako sa floor namin.

Napatingin ako sa phone na hawak ko ng mag vibrate to.

Nakita ko ang isang message ni Ivo.

'After your third subject, let's meet.'

'Where?'

Natapilok pa ako sa hagdan habang nag tatype. Bobo ko ah.

'Library'

Bakit sa library? Bahala na nga lang.

'Okay'

Pag pasok ko sa classroom, Napakatinis na boses ni Kyla ang agad na sumalubong sakin.

"Crystal! Crystal!"

Niyugyog n'ya pa ako bago hinila sa upuan namin.

"Ano ba 'yun? Bakit ka ganyan mkareact?" i put down my bag. Mukhang excited na excited s'ya sa sasabihin n'ya sakin.

"Ayun nga girl! Yung kadate ko kahapon, may guy s'yang kasama and guess what? Ang gwapo nung guy!" aish akala ko naman kung anong meron, nakakita lang pala ng gwapo.

"Akala ko naman kung ano." she rolled her eyes.

"God Crystal! Gwapo nga tapos nahuhuli ko rin syang tumitingin sakin kahit nasa ibang table sya!"

"Baka sa likod mo talaga nakatingin."

"Hindi e, Nung nahuli ko nga s'yang nakatingin sakin bigla s'yang umiwas! Ako nga 'yun! "

"Baka curious lang sayo." tamad akong tumingin sa phone ko.

May text kay Kuya at Marcus. Una kong binasa 'yung kay Kuya.

'Tomorrow pa ako makakauwi, don't skip your meals and go home before 7pm okay?'

'Okay take care.' i replied.

Napangiti naman ako sa sunod na nabasa ko. 'I'm sorry hindi kita nahatid sa classroom n'yo.' si Marcus. Nag reply lang ako ng 'it's okay;)'.

"Ang kj mo no! Hindi porque nag date na kayo ni Marcus ganyan ka na." padabog n'ya pang binaba ang bag n'ya.

Tumawa ako. "'Di ka naman mabiro! Syempre type ka nun kaya tumitingin sayo. Ang ganda ganda ng friend ko, hindi pwedeng di ka type nun."

She tried to hide her smile. "Ayun nga e, siguro like n'ya ako no? The way he stare naman kasi halatang like nya ako."

Para pa syang uod na binudbudan ng asin kung kiligin.

We just talked about her 'gwapong guy' until our professor came.

Mabilis lang ang naging oras. Patapos na ako sa pag lettering ng pangalan ni Marcus nang mag bell na.

"Saan tayo kakain Crystal?"

I looked at Kyla. "Mauna ka na may dadaan lang ako sa library."

"Need mo ba ng kasama?" she asked.

"Nope, may titignan lang naman akong libro." i know that my alibi didn't work to her but she just let me go.

Sa dulong building pa ang library at wala na masyadong tao dun.

Hingal na hingal ako ng makarating ako sa library. Argh! Para akong naubusan ng tubig sa katawan sa sobrang pawis ko.

Bwisit na Ivo 'yun! Bakit pa sa library napiling magkita kami! Kita 'ko ang lawak ng library pag pasok ko.

May iilan pa rin palang nag pupunta dito sa library pero hindi ganon karami.

Hinanap ko bawat lamesa si Ivo ngunit hindi ko sya nakita. Baka nauna lang ako. Argh! Tumakbo pa ako akala ko naman nandito na sya.

Umupo muna ako sa isang lamesa malapit sa mga bookshelves.

Tinignan ko ang relo ko. 30 minutes na lang fourth subject na namin, hind pa ako nakakakain.

Tumayo na ako at nag hanap na lang ng magazine about painting.

Hindi ko mahanap kung saan nakalagay ang mga magazine, sa lawak ba naman ng library na to.

Nag tanong na lang ako sa librarian kung nasaan ang mga magazine.

"Nakikita mo yung nasa kanang dulo ng library?" sinundan ko ng tingin ang tinuro nya. "Wala dun."

Natutop ako sa sinabi ng librarian. "H-Huh?"

"Nasa left side ng library nandun yun." nag thank you na lang ako at pumunta sa itinuro nya. Gosh!

Nakita ko na ang hinahanap kong magazine, aalis na sana ako ng may narinig ako.

"Please! Isa na lang!" boses babae yun ah.

Unti-unti akong sumilip sa bookshelves, nakita ko dun ang mga lumang upuan.

I saw a guy sitting in the chair while his girl sitting on his lap. Eww!

"Later I'll call you Kristine, so we can do it again.."

Nakita kong hinalikan nung guy yung girl na nakakandong sa kanya. Umangat pati ang kamay nung lalaki sa hita nung girl hanggang sa mahawi na nito ang palda.

Hindi na ako makatagal na manood sa kanila kaya dahan-dahan akong umalis.

"Ay shit!"

Nasagi ko ang maliit na bookshelve at lumikha iyon ng ingay.

Agad kong pinulot ang mga magazine nang may humawi sa buhok ko.

"Crystal?!"

Gulat akong napatingin sa humawi ng buhok 'ko.

"Ivo?!"

Napaayos ako ng tayo nang makita ko si Ivo. Lumingon ako sa likod nya.

"You're here." i looked the girl in his back. Taas kilay syang nakatingin sakin. Maganda sya at matangkad huh. "Kanina ka pa ba?" tumingin ako kay Ivo.

"Oo di ka ata aware na may kikitain ka e," pinulot ko na ang huling librong nasa sahig.  I was surprised to see Ivos here but I'm more surprised by knowing that he's the guy na nandun sa likod ng shelves!

Napasinghap ako ng akbayan nya ako at hinila na paalis sa lugar na yun.

"Ivo!" hindi nya nililingon yung babae kahit ang ilang beses syang tinawag. Nako kapag narinig ka ng librarian yari kang babae ka.

I tried to remove his arms on me pero kapag sinusubukan ko yun mas hinihigpitan nya ang kapit sakin.

Nang malapit na kami sa lamesa kinuha n'ya ang bag ko at sinabit sa balikat n'ya.

Nagulat ako ng bumaba sa bewang ko ang kamay n'ya. "A-Ano bang ginagawa m-mo?! Tanggalin mo nga k-kamay mo sakin!" sinubukan kong tanggalin ulit 'yun.

"'Wag ka ngang malikot! Kakain tayo." tinignan ko sya. Para syang badtrip na ewan kasi naka simangot sya.

"Saan mo naman ako dadalhin?! At tsaka 'di ba pwedeng tanggalin mo na lang yung kamay mo kasi baka may makakakita satin--"

"At malaman pa ng Marcus mo? Tss." kesa bitiwan nya may humigpit pa ang hawak nya.

"Argh! Saan mo ba talaga ako dadalhin?!" hindi dito ang daanan ng cafeteria at mukhang sa likod kami ng building dumadaan.

"Dadalhin kita sa labas, 'dun tayo kakain."

"Kakain lang naman pala bakit sa labas pa?" at sinusubukan pa ring tanggalin yung kamay nya.

"Gusto ko lang. At nakikita mo yun?" turo nya dun sa comfort room. "Kapag di ka tumigil kakapiglas dun kita dadalhin."

Wala sa oras na napapiglas ako sa kanya at nakawala ako dala sa gulat ko.

Hayup na Ivo na'to! "May balak ka sakin?! Pervert!" kinuha ko ang bag ko sa kanya at pinag papalo sya.

"Ano ba Crystal-- argh! stop it-- Crystal!" natigil lang ako ng hawakan nya yung bag. "Fuck! Naniwala ka naman?! Akala mo naman papatulan kita! Hindi kita type no!"

"Tse! Ayoko ng sumama sayo!"

"Bata talaga."

Nakita ko syang bumulong pero hindi ko naman narinig. "Ano na naman sinasabi mo?!"

"Ang sabi ko bingi ka! Tara na nga!" wala rin akong nagawa ng hinila nya ako, baka totohanin talaga e, kaya sumama na lang ako.

Ang kita ko lang sa kanya ay ang likod nya. Malapad ang balikat nya at matangkad sya, siguro mga leeg o balikat lang ako ni Ivo.

Naalala ko na naman yung scene sa library kanina. Grabe! Manyak talaga.

Nakalabas kami dun sa maliit na gate. Sumalubong samin ang isang lote. Ngayon lang ako nakalabas dito ah.

Hila-hila lang ako ni Ivo hanggang sa may makita akong sasakyang kulay puti.

He opened the door at the passenger seat. "Get in." alinlangan akong tumingin sa kanya. "I said get in Crystal."

I had no choice so i went inside but he's still standing there holding the door. Dumungaw ako sa kanya. "What?"

"Kabit mo na seatbelt mo." gulong-gulo ako sa kinikilos nya pero kinabit ko na rin ang seatbelt ko.

"Okay na. Ano pa?" he's still looking at me. Problema nito?

Umiling lang sya at umikot na papuntang driver seat. He's kinda weird huh.

"Ikaw ah. Wala kang pinipiling lugar ah." pinaandar nya na ang sasakyan bago lumingon sakin.

"Tss. Saan mo ba gustong kumain?" nanliit ang mga mata ko ng iniba nya ang usapan. "Argh! Why are you staring me like that? Anong masama sa library? Wala ngang masyado tao."

Napairap ako sa sinabi nya. "School yun Ivo. Malamang masama! Aish!"

"Oo na. Masyado kang nagpapakastress sakin e," nanatili akong nakatingin sa bintana. "Ano ba kakainin mo?"

"Gusto ko ng spaghetti, ikaw na bahala kung saan."

"Alright then."

Continue Reading

You'll Also Like

248K 28.2K 72
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
3.5M 284K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
2.6M 150K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
4.2M 267K 102
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...