The Playboy's Toy (Dangerous...

By kaizerKKYOS

62.9K 3K 469

ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs ••• "With you, all my playtime is over." - Alfred Tale More

Prologue
TPT OST
TPT - 01
TPT - 02
TPT - 03
TPT - 04
TPT - 05
TPT - 06
TPT - 07
TPT - 08
TPT - 09
TPT - 10
TPT - 11
TPT - 12
TPT - 13
TPT - 14
TPT - 15
TPT - 16
TPT - 17
TPT - 18
TPT - 19
TPT - 21
TPT - 22
TPT - 23
TPT - 24
TPT - 25
TPT - 26
TPT - 27
TPT - 28
TPT - 29

TPT - 20

1.1K 75 36
By kaizerKKYOS

Mark Hope Calvares


* * * * *

M A R K

"Don't you like the food?" nabalik ako mula sa pagkakatulala nang tanungin ako ni Tale. Kahit wala sa sarili ay sinikap ko na tumugon sa kanya.

"Masarap siya." aksidenteng bumaling ang tingin ko kay Natalie na nakatingin na rin pala sa'min. Tumingin ako muli kay Tale na nagtataka pa ring nakatingin sa'kin. Kahit pilit ay sinikap ko siyang ngitian upang hindi na siya masyadong magtaka sa akin. Sana.

Hindi pa rin kasi maproseso sa isip ko na naririto siya ngayon. Kasalo namin sa pagkain. Hindi ko akalain na magtatagpo muli ang landas naming dalawa sa hindi ko inaasahang pagkakataon.

"I'm Natalie."

"I was his toy. So, are you, too?"

"I pity you, girl."

"I didn't know his into boys now."

Isa-isang nanariwa sa aking isipan ang mga sinabi niya sa akin noong una ko siyang nakita sa kasal ni Samantha. Unti-unti ko na sana yung isinawalang-bahala ngunit ito siya sa harapan ko, unti-unting pinapaalala sa akin kung sino siya noon sa buhay ni Tale.

Muli akong napatingin kay Tale.

Nagsisinungaling lang ba si Natalie para sirain ang relasyon na meron kami ngayon ni Tale?

Hindi ko naman kasi napansin ang pagkagulat sa mukha ni Tale kanina nang makita niya si Natalie. Sinalubong pa sila nitong nakangiti kanina. Kaya papaanong naging laruan siya ni Tale noon?

"Excuse me..." pagpaalam ko sa kanila bago tumayo upang tahakin ang daan papuntang cr.

"Are you alright?" nadinig ko pang tanong ni Tale sa akin bago ako magsimulang maglakad ngunit hindi ko na yun pinagtuunan ng pansin hanggang sa makarating ako sa loob ng cr.

Mahigpit akong napakapit sa ibabaw ng sink at mariing pinakatitigan ang aking sarili mula sa repleksyon ko sa salamin. Palagi na lang ba ako magiging ganito sa tuwing nakikilala ko ang mga babaeng dumaan sa buhay ni Tale noon? Palagi na lang ba ako mag-iisip ng kung ano-ano?

Sinikap kong kalmahin ang aking sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata at kalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa akin.

Bakit kailangan palagi ako maging ganito? Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko?

Napapitlag ako nang madinig ko ang pagkatok ng kung sino. Maagap kong pinunasan ang nagbabadyang luha sa aking mata bago pagbuksan ang tao sa labas.

"Hey! You seem so odd today. May nangyari ba kanina?" gusto ko man siyang tingnan sa kanyang mga mata ay tila nawalan ako ng lakas ng loob dahil sa nangyayari.

Sinikap kong ngitian siya para kahit papaano ay hindi na siya magtaka sa kinikilos ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabila kong balikat at di kalaunan ay ikinulong niya ako sa makikisig niyang bisig. Amoy na amoy ko ang suot niyang pabango dahil sa magkadikit naming katawan.

Hindi rin nagtagal ay kumalas na siya sa kanyang yakap at hinalikan ako sa aking noo. Napakagat ako sa aking labi dahil sa ginawa niya.

"If you're already tired, you better take a rest, Mark." mabilis akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Maraming senaryo ang pumasok agad sa isip ko kung iiwan ko silang tatlo - kung iiwan ko si Tale sa babaeng yun. Hindi ako makapapayag.

"Hindi! Nakakahiya naman kung hindi---"

"You don't have to. I'll just explain to them that you're not feeling well..."

"Tale." tawag ko sa pangalan niya sa gitna ng kanyang pagsasalita.

"They will understand."

"Tale..." mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay para ipahatid sa kanya na ayos lang ako at hindi ko kailangang hindi sila daluhan.

Napabuntong-hininga siya kalaunan at wala ring nagawa bandang huli. Alam ko sa sarili kong hindi masama ang pakiramdam ko. Sadyang maraming mga bagay lang talaga ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

Huwag ka dapat panghinaan ng loob, Mark. Alam mo kung saan ka dapat lulugar at kung ano ang dapat mong ipaglaban.

Sabay kaming dalawa ni Tale na bumalik sa hapag-kainan at naabutan ang dalawang babae na may pinaguusapan na kung ano. Mukhang tapos na rin silang kumain dahil sa naubos nang pagkain sa kanilang pinggan samantalang sa akin ay hindi pa nagagalaw.

"What took you so long, Mark? Naubos na tuloy namin yung foods." magiliw na pakikipag-usap sa akin ni Samantha, tila walang ideya sa nagsisimulang tensyon sa aming dalawa ng kasama niya.

Hilaw ko itong nginitian.

"Ayos lang. Masarap ba?" pagtugon ko sa kanya. Saglit na bumaling ang tingin ko kay Natalie nang pasimple itong nagpunas ng table napking sa kanyang bibig. Ngayon ko lang napansin na masyadong halata ang cleavage niya sa suot niyang black glittery dress. Sinadya niya bang ganyan ang isuot dahil bibisitahin niya si Tale.

Napairap ako sa aking isip.

"It tastes good." muli kong tinapunan ng tingin si Natalie nang siya ang sumagot sa tanong ko. Maging si Samantha ay nabaling rin ang atensyon sa kanya.

"No wonder Alfred Tale cooked this for us. Right?" tumuon ang makahulugang tingin nito kay Tale na mukhang walang ideya sa ginagawa ng babae. Abala kasi siya sa pagkain.

"Hmm? Actually, Mark will supposed to cook this but---" hindi na natapos sa pagsasalita si Tale nang bigla namang sumingit si Samantha.

"Why is that?" marahan pa akong tinapik nito sa aking braso sa kuryusidad.

"Aksidente ko kasing nahiwa ang daliri ko."

"Probably, that was hurt." saglit itong tumingin sa kanyang katabi na si Natalie bago ibalik ang tingin sa akin. "Does it still hurt?"

"Hindi naman na masyado. Gusto ko pa sanang tumulong sa pagluluto pero ayaw na akong patulungin ni Tale. Nagmukha tuloy na naputulan ako ng daliri." agad na rumihestro ang malakas na tawa ni Samantha dahil sa sinabi ko. Maging ako at si Tale ay natawa rin.

"Thankfully, Alfred Tale got your back. I know he's also a good cook like you so no wonder na masarap 'tong dinner natin. Actually, Natalie ang Tale went to same culinary school."

Nawala ang aking ngiti dahil sa huling sinabi ni Samantha. Biglang natahimik ang hapag na tila napuno ng awkwardness sa aksidenteng nabitawan niyang rebelasyon.

Hindi ko alam na nag-aral rin pala sa culinary school si Tale. Ni minsan ay hindi niya nabanggit sa akin ang bagay na yun.

"Gusto niyo ba ng wine?" nakangiting pag-alok ni Tale sa amin dahilan para mabalik ako sa aking sarili.

"It's a pleasure to have some wine with you, Tale." patutsada naman ni Natalie sa alok ni Tale.

Tatayo na sana si Tale sa kanyang kinauupuan nang maagap akong tumayo upang magpresinta.

"Ako na ang kukuha ng wine." hindi ko na hinintay pang makasagot si Tale at tulad kanina ay maagap akong naglakad patungo sa kusina at hinanap kung saan nakalagay ang hilera ng mga wine.

Matapos ay tinungo ko naman ang cabinet kung saan nakalagay ang mga wine glass. Isa-isa kong nilalapag ang mga ito sa counter nang may sumulpot mula sa likuran ko.

"Need a hand?" plastik na kung plastik, pero mas malala pa siya sa isang plastik kung tutuusin sa naging alok niyang yun.

"Kaya ko na." pagtanggi ko sa alok niya tsaka sinara ang cabinet.

"Obviously, you can't." napairap ako sa hangin dahil na naman sa patutsada niya. Hindi ba siya nakakaintindi ng tagalog o sadyang makitid lang talaga ang isip niya para makaintindi.

"Ayos lang. Kaya ko talaga." sinikap kong hawakan ang apat na wine glass sa isa kong kamay at sa kabila naman ay ang bote ng wine. Maglalakad na sana ako pabalik nang magsalita muli si Natalie.

"Are we good? It seems there's something off between us." walang gana ko siyang hinarap. Sadyang ganito lang ako makitungo sa kanya dahil sa mga sinabi niya sa akin noon nang una kaming magkita. Pero ngayon, ibang-iba siya sa ugali niya noon. Para siyang demonyo na nag-anyong anghel para lang linlangin ang kung sinuman.

"May nagawa ba akong mali? Para kasing may kinikimkim kang galit sa akin." parang may dalang pang-uuyam at kaplastikan ang tono ng boses niya. Sinasadya niya bang inisin ako?

"Paano mo naman nasabi na parang may galit ako sa'yo? Ngayon lang naman tayo nagkita." pagsisinungaling ko upang matapos na ang kung anumang binabalak niya.

Handa na sana akong talikuran siya nang magsalita siya na ikinatigil ko.

"Is it about what Samantha said earlier? Kaya ganyan ka makitungo sa akin ngayon?" nangunot ang aking kilay sa pagtataka. Gusto kong huwag siyang patulan sa mga pinagsasabi niya. Wala akong ganang makipaglaro ngayon sa kanya.

"Don't tell me you're jealous." muli kong napansin ang nang-uuyam niyang tono sa sinabi. Nanghihina ang aking kamay hindi dahil sa kaba kundi sa labis na inis sa mga pinapatama niyang hinala sa akin.

"You don't have to be jealous if that's what you feel, Mark. We both went to same culinary school because we're childhood friends. We're so close to the point we got so attached with each other." gumuhit ang ngisi sa mapula niyang labi samantalang ako ay nagtataka na nakatingin sa kanya.

Anong kalokohan na naman ng babaeng to?

"Anong ibig mong sabihin?" tangi kong nasabi dahil tila umatras na ata ang dila ko sa hindi inaasahan niyang rebelasyon.

"You know, I am his first friend, first crush, and first love." dahan-dahan akong napailing-iling. Hindi totoo yan. Hindi siya ang first love ni Tale dahil sinabi niya sa akin noon kung sino ito. Kaya malabong siya ang unang babaeng minahal ni Tale. Hindi ako naniniwala.

"Huwag mo akong pinagloloko."

Hilaw siyang napatawa at napairap sa hangin. Aktong-akto niya ang mga kontrabidang napapanuod ko sa telebisyon. Kagayang-kagaya niya na handang gawin ang lahat para masira lang ang relasyon ng dalawang bida na nagmamahalan.

"You don't believe me? Why don't you ask him?"

"Hindi na kailangan..."

"Why? Are you scared to ask him because you're just his mere toy?" mas lalong lumapad ang ngisi sa kanyang labi dahil mukhang napagtagumpayan niyang inisin ako sa wakas.

Ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng tulad niya buong buhay ko.

"Bakit hindi mo sabihin sa sarili mo yan? Laruan ka lang din naman niya ah."

"Yes. I admit that I was also his toy, but I was his first love before we agreed to each other to become fuck buddies."

Hilaw akong napatawa sa mga bulgaran niyang mga salita. Ganito ba ang ugali ng babaeng 'to? Masyadong bulgar?

Una, childhood bestfriend, tapos first love at fuck buddies? Baliw na ba siya?

"Nahihibang ka na. Sa tingin mo ba maniniwala ako sa mga kahibangan mo?"

"At sa tingin mo ba magagawa kang seryosohin ni Tale? Pampalipas-oras ka lang niya. Huwag ka nang umasa pa, masasaktan ka lang. Mukha kasing asang-asa ka sa kanya."

Sinikap kong kagatin ng mariin ang labi ko upang pigilin ang nagsisimula nang sumibol na galit sa aking sistema. Ngayon lang ako napuno ng ganito dahil lang sa isang babae. Ayoko siyang patulan dahil babae siya pero kung ganito rin naman siya kung makaakto, mukhang  daig niya pa ang isang demonyo na maninira ng katinuan ng isang tao.

"You know what, you look so sophisticated and  classy because of your looks but I can't believe that your attitude is slum-like, basura." napahigpit ang kapit ko sa wine glass dahil sa biglang pagsilab ng mga mata niya. Tila tinamaan ko ang ego niya sa mga binato kong salita sa kanya.

Napapa-english pala ako kapag naiinis.

"What did you say?" kahit mahigpit na ang naging kapit ko sa mga wine glass ay nabitawan ko ang mga ito nang makatanggap ako ng malakas na sapak mula sa kanya. Muntikan pa akong matumba dahil sa lakas nito.

Nakabaling-patagilid ang aking ulo nang marinig ko ang sunod-sunod na mga yabag papalapit sa aming pwesto. Nakita ko ang pagluhod ni Natalie sa mga basag-basag na piraso ng wine glass na ikinagulat ko.

"What happened?" baritonong boses ni Tale ang sunod kong narinig kasunod ang tili ni Samantha mula sa aking likuran.

"Oh my gosh, Natalie." parehong dinaluhan nina Tale at Samantha si Natalie na nakalugmok sa sahig habang duguan. Malayong-malayo ang hitsura niya ngayon sa mapang-uyam niyang tingin sa akin kanina.

"Are you okay?" sinserong tanong ni Tale sa kanya. "Be careful." maingat na inalalayan ni Tale at Samantha si Natalie na makatayo samantalang ako ay nanhahapdi ang pisngi dahil sa ginawa ng huli. Napadaing pa ito dahil sa mga sugat niya sa paa.

Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na yun.

"What did you do, Mark." bumaling ang atensyon ni Tale sa akin na puno ng poot sa inaakala niyang ginawa kong masama kay Natalie.

Hindi ko nagawang depensahan ang sarili ko dahil sa nagsisimulang pagkirot ng dibdib ko. Unti-unti na ring kinakapos ang aking paghinga dahil sa nangyayari.

"I'm just trying to help him carry those wine glass but he refuse me. I insist then he threw the glasses to me. He even pushed me, Tale."

"Hindi totoo yan." sobrang hina ng naging boses ko na nagmistulang walang mga salitang lumabas sa aking bibig.

"We need to bring her to the hospital." nagaalalang suhestiyon ni Samantha.

"No, I'm fine, Sam."

"No you're not. Sam's right." natigilan ako nang salungatin ni Tale ang sinabi ni Natalie.

"I am really alright, Tale."

Nang-init ang aking mga mata nang masulyapan ko ang maingat na pagbuhat ni Tale kay Natalie. Nagaalala namang umalalay si Samantha sa kaibigan.

"Wait me here. We need to talk." sambit niya bago tuluyan silang lumisan bitbit si Natalie.

Nanghihina ang aking katawan na napaluhod sa malamig na sahig nitong kusina sa nasaksihan. Hindi ko man lang nagawang maipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko man lang nagawang ipaliwanag ang sarili ko kay Tale.

Tuluyang dumaloy ang sariwang luha pababa sa aking pisngi. Napadaing pa ako nang mangirot ang aking pisngi. Napahawak ako dito.

Napakagat ako sa aking labi dahil sa kirot, dahil sa sakit, dahil kay Tale.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ


Follow me on Dreame for more updates (◕ᴗ◕✿)

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 99.1K 47
No LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^
29.1M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
125K 6K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
480K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...