Calle Crisologo 4PM

By YvanNavs

536 8 0

All of us wants to connect with someone without boundaries. All of us dream to be with someone but sometimes... More

DISCLAIMER AND NOTE
Chapter 1 : Seoul
Chapter 2: Vigan
Chapter 3: Necklace
Chapter 4: Souvenir
Chapter 5: Liham (Letter)
Chapter 6: Bus
Chapter 7: Gift
Chapter 9: Manila
INNER MONOLOGUE: MARIA (DATE: NOVEMBER, 19, 2018)
INNER MONOLOUGE: MARIA (THE FINAL MONOLOGUE) (2023)
Chapter 10: Intramuros
Chapter 11: Hapagkainan
Chapter 12: Higaan (Masaya)

Chapter 8: Pag - Ibig (Love)

22 0 0
By YvanNavs


*Pictures presented are credited to their rightful owner

Bat ba di ako mapakali? Ewan ko ba parang may kakaiba kay Merlin.

"Beep"

' Sure sama ako Maria sa Vacation niyo sa Manila if ever message niyo lang ako kung kailan niyo balak pumunta goodnight'

Wow di ko akalain na papayag agad si Merlin ng bigla bigla.

" Friend oks ka lang? Ang lalim ng iniisip mo ah" tanong ni emma habang winagayway niya yung kamay niya para magising yung diwa ko.

" Ha? oo oks lang ako mediyo malalim lang yung iniisip ko tiyaka nagmessage kasi si Merlin"

'Knock Knock'

"Maria may kumakatok pagbuksan mo ng pinto" sigaw ni Mama; nako naman sino ba kasi yung kumakatok sa dis-oras ng gabi.

Siyempre ako lang naman yung mauutusan nila edi pinagbuksan ko nalang ng pinto kung sino man yun.

" Vince?"

" Ayyy may pacomeback si friend late na late ng dating ah~" biro ni Emma

Ngumiti sakin si Vince ng pabiro bwisit tong lalaking to alam niya na galit ako sa kaniya pero ginagawa nanaman niya tong pacute na mukha niya para mawala galit ko.

"Maria sorry na may urgent kasi akong kailangang gawin sayang di ko nameet yung sinasabi mong client mo" sabay hawak siya sa kamay ko.

Siyempre tampo ako kaya umiling ako sa tingin niya at sabay buntong-hininga para halatang nagtampo ako sa kaniya.

"Okay lang kahit ano namang gawin mo di naman ako magagalit" sabay ngiti at pasideway ng buhok pak! Shocks kainis tong si Vince bat ba ganiyan siya ngumiti sakin? Parang bawat ngiti niya tumitibok tong puso ko.

"Ay wow Maria rupok ah buhusan kita ng tubig diyan eh" sabay hampas sakin sa braso ni Emma bwisit talaga tong babaeng to.

"Emma grabe ah wala kang pinagbago bungisngis ka parin HAHAHAHAH"

"Siraulo manahimik ka nga diyan HAHAHAH ikaw talaga harina"

Eto talaga tong dalawang to. Hayssss kamiss lang parang dati mga bata pa kami ngayon ko lang narealize kung gaano kadami ng mga pinagbago.

"Nako friend late ka na talaga edi sana nakilala mo si handsome client ni Maria awtsuuusi Maria laging nagsisideway ng buhok kanina eh"

Gaga talaga tong si Emma!

"Hoy hindi ah siraulo ka Emma! Nako wag ka maniwala diyan Vince client ko yun gusto niyo ba akong masesante?" Siraulo to nako baka seryosohin ni Vince yun.

" Ininvite niyo ba siya para bukas? Gusto ko tuloy makilala siya para atleast makilala ko na yung type ni Maria" hoy!!! Vince!

Bigla kong sinapak si Vince sa braso sa gulat ko.

"Aray!" Sigaw niya

"Hala sorry ikaw kasi nangugulat ka eh" biro ko habang tinitignan ko yung braso ni Vince.

"Maria sobrang rupok talaga" biglang binatukan ako ni Emma. Napa aray nalang ako walang hiya tong babaeng to. Napatingin nalang ako sa mukha ni Vince shocks bat ba ganiyan siya makatingin at makangiti sakin? May dumi ba sa mukha ko? Or ganiyan lang talaga siya? Shocks bat ba tibok ng tibok tong puso ko?

"Sige salamat nalang sa lahat iwan ko nalang kaya kayo diyyan? Magtimpla na tayo gc mga tsokolate mga guys galaw galaw naman" tong si Emma panira talaga eh kung kailan mediyo nagiging sweet na kami ni vince duon pa siya naninira. Tama ba na nahuhlog parin ako sa kaniya? o wag ko nalang siya pansinin? ARGHH!! kainis ka maria.

Hindi nagtagal nagluto na kami nila Emma ng tsokolate na mainit, panlaban sa malamig na panahon. Fresh from Baguio kaya in-fairness masarap siya HAHAHAHAH. Ganito pala pag galing baguio, masarap kainin nako ang sarap den ng strawberries.

" Friend, eto na tsokolate mo gawa ni vince" sabi ni Emma
"Thank you Vince"
"Walang problema" sabay ngiti niya arghhh sarap kurutin.

Bakit ba ganito yung pag - ibig? Ang sarap maramdaman. Parang pakiramdam mo babagsak na yung buong mundo sayo. Parang lagi kang tinitira ng pana sa puso. Ano bang dapat kong maramdaman? Bakit ba ganito ang pag - ibig?

Di nagtagal umupo kami sa labas para magpahangin, yung simoy ng hangin ay parang sa baguio. Patuloy na dumadaloy sa balat at sarap amoyin. Simula ng maliit ako siguro eto yung dahilan kung bakit nagstay ako. Yung maaliwalas na panahon sa Vigan.

"So Maria akala ko plano mo na mag aral sa Maynila anong nangyari?" Tanong ni Vince

"Ewan ko den, baka natatakot ako? O baka di ako komportable? Di ko alam eh parang di ko kayang iwan sila lola"

"Friend di yan once na nakarating tayo ng Maynila tignan mo baka makikita mo den yung hinahanap mo at isa pa dito naman ako para mag alaga kina lola mo no!-" sabay kurot sa tagiliran ko si Emma HAHAH bwisit tong babae na to.

"Ayy oo nga pala Maria tsaka Emma bukas alas - otso ng umaga aalis, inform mo nalang den yung bagong friend mo Maria ah"

Oo nga pala si Merlin, di ko alam kung anong dahilan kung bakit ko siya niyaya. May nararamdaman lang ako na willingness na yayain siya. Mukha naman den siyang mabait tsaka disente na tao.

"Merlin 8 AM alis natin ah kasama yung dalawang friend ko wag ka magalala mabait yung dalawang yun"

*Press Send

*received

Ayyy di na active? Aga naman matulog neto... anong oras na ba?

* 3 AM

Ha????? Hala late na pala, unting puyat nalang ata mamamatay nako eh. Ininform ko na sila Vince at Emma na umuwi na since sobrang late na. Yung totoo ayoko pa sana paalisin si Vince kasi gusto ko pa makipagkwentuhan sa kaniya. Habang papaalis siya ngumingiti pa siya ng pabiro. May padila tapos may pa pabebewave pang nalalaman. Bwisit tong si Vince di na ba naka move on to sa Aldub era? Pero yun ata advantage pag gwapo, kahit anong gawin bagay parin. (Ang hirap pag marupok huhuhu)

Pagka akyat sa kwarto at higa sa higaan

"HAYSSSS FINALLY!!!"

Iniisip ko na agad kung anong mangyayari bukas. Magiging masaya ba ako? O malulungkot?? Arghhh ewan ko ba!!!

*6:50

"Aghhhh!!" Sigaw ko.

Ang sakit ng ulo ko shocks! Parang feeling ko walking corpse na ako. Hirap mag impake tapos ang hirap pa maligo sa umaga. Buti nalang talaga nagdeclare ng suspension sa school. Meron daw academic break for 1 week. Talaga ba? Parang di maglalagay ng maraming gawain.

Siyempre di maaalis ang pagpapaganda natin, kahit naman puyat ako dapat magulat sila sa pagpapaganda ko no.

"Merlin saan ka na? Ready ka na ba?" Message ko kay merlin.

"Oo actually nasa labas na ako. Kausap yung mama mo" HA????

Bigla akong napahablot sa gamit ko tiyaka sa jacket ko. Biglang napa track and field ako sa pagbaba, hala nakakahiya ang aga pa ah. Tapos duon ko nakita si Merlin.

Sobrang puti niya. Parang rosas yung mga labi niya. Nakasuot siya ng blue na jacket tiyaka puti na t shirt, tapos naka black na pants siya. Biglang tumibok yung puso ko, napaisip ako.... Mukha ba akong jejemon? Okay lang ba buhok ko? Hala bat ba kasi ako nakaputi na dress. Aattend ba ako sa patay? Aghh nakakahiya.

" Merlin bakit ang aga mo?" Tanong ko

" Nako Maria ang bait na bata niyang si Merlin, sobrang charming at mapagbiro HAHHAH ang cute cute netong bata na to" nako mama tumigil ka nga diyan.

"Buti nga kay tita, maria di ako nabored ang galing niya pala magkuwento"

"Kaninang alas - sinko yang si Merlin dami na ngang naming napagkwentuhan eh hayyy nako tagal talaga ng batang to" ayy wow?? Talaga ma??

"Ma, 7:20 palang oh? Ang bilis ko nga eh"

"Maria!!! Ready na kayo??" Sigaw ni Vince.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...