Once He Became A Girl

By setyourhairablaze

10.6K 1.2K 402

UNEDITED Badass reincarnation of a former heartthrob gamer to a body of a stupid, idiotic girl. He wants hi... More

Blurb
Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Inconvenience
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Main Interests
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15: Target 3
Chapter 16: Target 2
Chapter 17: Target 4
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 5

464 72 16
By setyourhairablaze

Handsome Lady Heroine's PoV

"Zander......yuhoo? Zander wakey wakey!"

Naalimpungatan ako ng may narinig akong boses. Hindi kaya si Daisy na naman ito? Hindi ba niya alam na pagod ako dahil sa ginawa ko kagabi? Gusto niya ba ng mahigpit na piga? Matinis pa naman ang boses niya at ang sakit sa tenga.

"Ay. Bakit ayaw mong gumising? Zander gising na or else guguhitan ko ng smiley ang mukha mo."

Aish. Bakit ang ingay ng pusang to. Nagawa pa akong i-threaten ng ganun eh pwede ko naman siyang pitikin ng malakas.

"Hindi natakot? Ay naman. Ah! Baka hindi ka nakakaintindi ng tagalog! Sige nga. Why you not wakey? You why sleep in tulo laway?"

Luh. Kailan pa naging wrong grammar si Daisy? Eh mas best in english pa yun kesa sakin eh. Tsaka ko lang napagtanto na hindi pala boses ni Daisy ang nagsasalita. Sino kayang bobong poncio pilato ang gustong sumira ng tulog ko gamit ang wrong grammar words?

Binuksan ko ang isang mata ko at nakita ko ang isang pigura ng babae. Teka, babae?

Dumilat ako at nakita ko si.......Amethyst?

"Hehe! Sabi ko na nga at englishero ang isang to. Hellow!"

Natulog ba akong may salamin sa harap? O baka may nag-prank sa akin? Bakit ko nakikita ang mukha ni Amethyst? Totoo bato?

"Ame....... Amethyst?" Mahinang bulong ko.

"Sa wakas gising kana! Hi Zander."
Nakangiting sabi niya.

Teka, totoo bato? Si Amethyst......buhay siya? Paano ako? I sounded so selfish but I want to live too.

"Hindi na ako magtatagal pa, Zander. Gusto ko nang maging isa sa hangin." Nakangiting wika niya.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.

"Salamat, Zander. Ingatan mo ang buhay mo. Mauuna na ako. Ba-bye!" Masiglang sabi niya.

"Teka lang, sandali! Amethyst!"

Unti-unting nilamon si Amethyst ng isang liwanag. Tatakbo na sana ako para sundan siya pero natigil iyon ng makarinig ako ng isang tambol.

"DEAREST GUEST GUMISING KA NA!"

Nagising ako dahil sa matinis na boses ni Daisy at dahil sa ginawa niyang paghampas ng dalawang cymbals sa harap ko. Asan naman kaya nagmula ang cymbals? Tumambad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Daisy.

Weird. May napanaginipan ako pero hindi ko matandaan.

"Gising na. Madami ka pang aasekasuhin."
Striktong sabi niya.

Bumangon ako at nagtungo sa bathroom. Maliligo na sana ako kaso wala man lang sabon dito. Haist.

"Daisy, may shampoo ang white system? Penge naman ako."

"Meron. Wait lang."

Biglang nawala si Daisy. Pumasok siguro sa white system. Bigla na lang lumitaw si Daisy sa harap ko dala ang isang shampoo at isang body wash. "Thanks."

Nagtagal ako sa cr dahil naiilang parin ako sa katawan na ito. Imagine, ikaw na isang lalaki na naging babae tapos makikita mo ang katawan niya kapag naliligo. Nakakailang kaya. Matapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako sa kwarto. Sa same room lang pa din naman ako natulog.

Nagtaka din ang iba sa pagbabago ng ugali ni Amethyst. Mas lalong nakapagtataka ay bakit walang fire burns ang buffet table. Bahala na silang sumabog sa kakaisip. Basta ako gutom ako.

"Zander, hindi mo ba i-checheck ang information ng first target?" tanong ni Daisy habang naglalakad ako papuntang kusina.

"Mamaya nalang. Gutom na ako eh." maikling sabi ko.

Pagdating ko sa kusina ay nadatnan ko ang ilang maids. Pamilyar ang mga mukha nila. Isa sila sa mga katulong na nagpapahirap kay Amy nuon. Pero wala akong ganang makipag-away ngayon kaya palalampasin ko muna ang mga ginawa nila.

Umalis ang dalawa at isang maid nalang ang natira.

"I want pancakes with strawberry syrup. Bilis." Utos ko sa kanila.

"Hah. Narinig mo yun. Sino ka para utusan ako?" nakataas ang isang kilay na sabi ni Shella, oo tama nga. Umiinom siya ng kape. Siya palagi ang namumuno sa pag-bubully kay Amethyst kung wala si Lucia, Chanel or ang head maid.

Napakunot naman ang aking nuo dahil sa sinabi niya. "Sino ako? Ako si Amethyst." With smile na sabi ko.

Ugh. You just ruined my appetite. Okay lang naman sigurong awayin kita.

"Maglinis kang punyeta ka. Hindi pa nga nakakain si mistress at si young lady. Tapos may pa-pancake pancake kapa. Ano ka? Sosyal? Sardinas lang ang kakainin mo letse ka."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Oi, Zander. Ano naman ba ang balak mo. Hoy!" Hindi ako nakinig kay Daisy.

"Ano? Anong tingitingin mo diyan? Umalis ka na, bruha. Maglinis ka."

Tahimik lang ako pero ngumiti ako ng matamis. Nakakainis to ah. Pwedeng hampasin siya ng keyboard hanggang sa matanggal lahat ng ngipin niya? "Shella, you're just a lowly maid. Why not act like one?"

Natigilan si Shella sa sinabi ko. Malamang, first time niyang marinig si Amethyst na bobita at isip bata since birth na mag-salita ng english fluently.

Kinuha ko ang mug ng kape mula sa kamay niya at ibinuhos sa kanya ang laman. Napasigaw siya. "Aaaah! Punyeta! Ang init! Putangina! Lagot ka sa akin!" Hahampasin na sana niya ako pero agad ko iyong nailagan.

"As far as I know, trabaho ng mga katulong ang magsilbi ng maayos sa amo nila. Kasama ba duon ang pagbubully nila sa mga amo nila? I wonder." Sabi ko habang nakahawak sa baba ko, kunwari nagiisip ako.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Shella at agad naman siyang napatingin sa kamay ko. Pulang-pula ang mukha ni Shella. Alam ko namang hindi na masyadong mainit ang kape kaya okay lang na ibuhos sa kanya dahil hindi naman siya masusugatan.

"Listen here, Shella. AKO ang anak ni Don Amalio. AKO ang may-ari ng mansion na ito. AKO ang mayaman at higit sa lahat, AKO ang amo mo. Anyways, you're fired." Malamig at madiin na sabi ko.

"Hindi mo maaring gawin to! H-hindi ikaw ang amo ko!" Nauutal na wika niya.

Ngumisi ako. "Shella, ako ang bida sa storyang to. Extra ka lang kaya wag kang epal. Wag na wag ka nang magpakita dito dahil kung oo, mapipilitan akong kaladkarin ka gamit ang buhok mo." Malamig na sabi ko.

I gave her a deadly stare. Amethyst's is tall, probably a few inches shorter than my original body. So I easily towered over Sheila who's probably at 4'11.

Natulala siya. Nag-inat ako ng katawan sa harap niya. "Hay. Wala na akong gana. Maka-alis na nga."

Umalis na ako sa kusina at sumunod si Daisy na kumakain ng popcorn. Wow. Feel na feel niya talaga na nasa sinehan siya habang nanonood sa akin at kay Shella.

"Pengeng popcorn." Paghingi ko kay Daisy pero inirapan lang niya ako.

"Sabi mo wala kang gana. Bili ka ng sa iyo."
Sabi niya.

"Hmp. Damot mo. Dali, punta tayo sa labas."

Mabuti nalang at wala kaming nakasalubong na kampon ng kadiliman. Malaya kaming nakalabas patungo sa garden. Tumambad sa amin ang nakakaawang scene ng flower garden ng mansion. Madumi na ito at patay na halos lahat ng halaman. Malawak at maganda dati ang hardin na pinaghirapan ng papa ni Amethyst mismo para sa kanya at sa mama niya. Isa sa mga hobby ng papa niya ang gardening kaya ito. Pero simula ng yumao ito ay pinabayaan na ito ni Lucia. Pinatanggal kasi niya ang mga dating katiwala sa mansyon at pinalitan ng mga walang kwentang mga tauhan.

Kapag nakuha ko ang kayamanan, ito ang unang ipapaayos ko. Maraming memories si Amethyst at ang buong pamilya niya sa harding ito.

"Kawawa naman ang hardin na ito." komento ni Daisy.

SECOND MISSION Unlocked!

Enroll at Wen Valender International
and rank first of the entrance exam!

If mission accomplished, you will be awarded by the following:
■ Speaking three languages fluently
□ Spanish
□ French
Nihongo

■ Be able to read and write the said languages
■ Body senses increase to 20%

Parang kuminang ang mga mata ko pagkatapos kong basahin ang rewards. Wow! Hehehehe kailangan ko talagang mag-enroll sa school na ito. Pero, paano?

"Daisy, paano ako mag-eenroll sa school na ito?" tanong ko.

"Pang mayaman ang school nayan. Pero ang alam ko, tumatanggap sila ng isang tinatawag nilang Diamond scholar. Walang babayaran ang scholar kahit piso. Sila ang magbabayad pero kailangan mo munang ma-perfect ang exam nila. Wala pang nakaka-perfect ng entrance exam dahil sa sobrang hirap. Malay mo, baka ikaw na."

Hmm. Since wala pa akong pera kahit piso, hindi ko din kayang magnakaw sa wallet ni Lucia kahit akin naman sana iyon, I guess let's give it a try.

"Daisy, sabihin mo nga kung kailan ang enrollment?"

Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Ano ako, internet? Di ko alam!"

"Edi alamin mo! Sige na! In exchange, massage kita mamaya for 3 hours."

"Ok. Deal. Teka, wait lang." Naglaho si Daisy at lumitaw ulit.

"Zander! Ngayon na ang last day ng exam!"

"ANO?!"

"Daisy, punta tayong wardobe bilis! Kailan kong magmadali!"

"Yes sir!"

Sa isang iglap ay nagbago ang paligid. Nandito na naman ako sa mala-mall of asia na 'wardobe' kung tawagin. Kung babae lang siguro ang makakita sa mga damit dito, siguradong i-titake home niya lahat.

Hinablot ko ang pinakaunang damit na nakuha ko at saka isinuot yun. Okay naman ang damit. Komportable naman. Tinali ko ang buhok ko at tumingin sa salamin.
"Pogi mo parin, Zander!" Papuri ko sa sarili ko.

"Zander tapos kana-holy catfish! Ano ba yang suot mo?!" Gulat na sigaw ni Daisy.

"What? Ano bang problema sa suot ko? Komportable ako eh." balewalang sabi ko.

"Maybe I shouldn't have let you pick what to wear. Muntik na kitang hindi makilala!" exaggerated na sabi ni Daisy sabay hawak sa kanyang sintido.

"Ang OA mo. Wala na tayong oras para magpalit. Ito na lang ang susuotin ko. Desente naman."

Inikutan lang niya ako ng mata. "Umiiral padin ang pagkalalaki mo. Bahala ka na nga. Halika na!"

Napangiti ako. Ako lang yata ang sasabak sa isang mahirap na labanan (exam) nang hindi man lang handa at wala pang kagamitan (di nag-study dahil biglaan tapos wala man lang ballpen).

"Daisy, paano tayo makakatakas?" bulong ko sa kanya.

"Pwede tayong gumamit ng portal pero mababawasan ang upcoming reward mo. Pwede din naman tayong mag-akyat bakod dahil alam ko namang expert ka dito."

"Akyat nalang ako ng bakod. Ayaw kong mabawasan ang rewards ko."

"Hindi pa nga sure na makukuha mo iyon."

"Hehehe, Daisy. Hindi mo pa siguro alam na kung gusto ko, makukuha ko. Halikana!"
masiglang sabi ko.

Takas muna ako mga chicken! May laban pa ako mamaya. Bwahahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

208K 8.3K 49
(Male Yandere Demons x Female Reader) You are just a normal high school girl living a normal life. . . . Until your life is not normal anymore. ____...
181K 6.5K 62
[Everything is fine but you will die no matter what you do ★] [Synonym for a shitty game of luck ★] [Is there anyone who has seen an ending other tha...
39.4K 3K 43
In their previous life, taehyung had been overweight. His face was covered in acne. Yet jungkook still forcefully ate him up. Exactly how much did h...