Majbritt
HINDI gaanong maganda ang pakiramdam ko nang pumatak ang tanghalian. Ngunit, dahil may kailangan pa akong i-train haggang alas-dos ng hapon, ini-inom ko na lamang ng gamot.
"Akala ko may katulong na kayo? Ba't walang pa-foods si Mayora?" Usisa ni Joyce habang kumakain ng aming lunch sa school canteen.
"Yamarrrnnn!" sigaw ni Miles. "Taray naman ng kambal ko. Tara tambay sa inyo, may yaya pala eh."
"Gago ka talaga," sabi ko sabay tawa.
HALOS kalahating oras na lamang ang natitira at alas-tres na ng hapon. Halos patapos na din ang klase ko, hindi na ako makaka abot pa. I choose to stay in our training room instead of attending my last class. Narito din naman si Austine at mukhang napagod din sa mga ginawa. He was also a photojournalist kaya siya narito. Austine happened to have the same as mine.
Tumabi siya sa high chair malapit sa'kin at sumandal duon. He slightly massage his head.
"It's exhausted, right?" I suddenly asked.
"Yup. More difficult that I expected," He answered. "They're hard to teach."
Natawa ako at napatingin sa mga trainees na mukhang hindi naman kami naririnig. "Slightly agreed."
"By the way, send me some of your shots later at night," He said. "Will elaborate something."
"Yeah sure. Gusto mo pati pictures ni Miles eh." pang aasar ko. He suddenly stopped kaya't natawa ako. "Oopss, I forgot, marami ka na pala noon."
He looks startled. "What are you talking about?"
"Duh, Santiago. We ran the same blood when it comes to photography, I know if someone's taking pictures of me, or the things around me."
"Shut up, Reyes." he seriously said. "You don't know a thing or two."
"You guess so? But not the thought that you like Miles but tried to hide it." Umangat pa ang dalawa kong balikat. I saw him clenching jaws.
"What the hell."
"Back off, Santiago. Miles' already taken. You are too late for that." banta ko sabay ikot ng aking upuan. I smiled nautly.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at saka umalis roon kahit hindi nag papaalam sa mga taong na'ron. Seryoso akong nag tungo sa aming canteen at umorder dahil nagutom sa ilang oras na pag tuturo. I eat a lot this past few days. Perhaps because I wasn't eating at home, especially breakfast.
About Russel, hindi na naman kami nag kita matapos ang pag tatalo sa may parking lot. I used to understand dahil nga college na siya at busy sa tinake na course. I heard mahirap ang accountancy. Well, may madali bang course?
Sa palagay ko ay malapit na din ang anniversary namin at wala pa akong maisip na ipang regalo. Hindi ko nga sigurado ang date, sa totoo lamang. I don't have any sense of date. Kahit birthday ng mga kaibigan ko, limot ko na. Sa isang banda, mukhang hindi din naman naaalala ni Russel ang petsang iyon. It's not a big deal anyways. Maayos pa naman kami ni Russel and I don't see any wrong about that. As long as maayos kami, as long as we're okay, I think we can still make it.
I was in the middle of eating my miryenda when I saw Mendoza approaching the main door. He's with his typical school uniform, dala niya rin ang itim niyang bag na naka sukbit sa iisang balikat niya, hair are brush up neatly, Nikkolai looks very fresh. I expected his very good smell nang tuluyan siyang maka pasok.
Hindi ko naman siya binati, tinawag o pinansin pa. Nag tuloy lang ako sa pag kain. Maya-maya ay nagulat na lamang ako ng may mag lapag ng tray sa harap ko. It has coke in can, a slice of pizza, nachos and half ube eche plan. Napa tingala ako, seeing him makes my blood to boil.
"What?"
"Whatawat." nang iinis niyang sagot. Naka ngiti siyang umupo sa tapat ko at nag simulang alisin sa tray ang mga pag kain.
"Patay gutom." kumento ko.
"Patay gutom agad?" nginusan niya ako. He slightly open the coke and sip to it. He even muttered "Ahhh" at the end.
Kainis!
"Ang daming table, why bothered to sit here?" seryoso kong tanong.
"Sa'yo ba 'to?"
"May sinabi ba ako?"
"Nag tatanong ako. Wala naman kasing Majbratt na naka lagay rito." napa maang ako sa kanyang sinabi.
"Excuse me?" medyo naiinis na ako.
"Daraan ka? Sige lang, lods." pilosopong aniya at parang wala lang na kumagat sa kanyang pizza. Umirap ako at saka naiinis siyang tinignan.
"First, it's Majbritt and not Majbratt, you airhead!" buwelta ko. "May you take your leave, please? Just leave!"
Mukha rin siyang nagulat sa sinabi ko. "Airhead? Sinong—aba't! Airhead ba kamo?" galit niyang kuwestyon. "Ano yun? hehehehe." at biglang tumawa ang tanga.
Nag titimpi ko siyang hinarap at may nang gigigil na ngiti sa labi. "Pwede ba, Mendoza? Tigilan mo ako."
"Hindi pwede eh." Aniya at saka umiling pa.
"What do you want in certain? Na'ron naman si Miles, o si Jam, o kaya si Zhara! Why me? Of all people? Bakit ako pa ang kailangan mong buwisitin?" nag mamaktol kong reklamo.
Tinawanan niya ko. "Hindi sila available. Nasa klase eh, ikaw lang nag cut class ngayon."
"What? I don't cut class!"
"What? I don't cut class!" he mocked!
Oh God!
Hindi na ako nakipag talo pa at nag tuloy na lang sa pag kain. Para siyang patay gutom na kumain sa harap ko at talagang paikot-ikot pa ang mata. Tinitignan niya pa ako at saka tatawa. Ako naman ay napapa hawak sa aking mukha dahil baka mayroong dumi.
"Stop!" suway ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.
"Ba't ba ang init ng ulo mo? Oh." kumento niya sabay abot ng ube leche flan. "Sweets para 'di ka na bad trip."
Ngumiwi ako at saka kinutsara ang dessert. Muli na naman siyang natawa. Inilabas niya ang kanyang phone, laking gulat ko ng marinig ang pag capture niya ng aking litrato.
"Hoy!!!" I gulped an air and shouts.
I saw him laughing before taking his phone back on his pocket. Ano ba talagang trip ng isang 'to? Why did he had to take pictures of me, for Pete's sake?! Nakaka inis talaga!
"Ide-delete mo o babasagin ko ang phone mo?" I made him choose.
"Neither of the two." nang aasar niyang ani at saka pabirong tinuro ang bulsa. "Huwag mo nang balaking kunin sa bulsa ko. Baka iba ang mahawakan mo."
Napa nganga ako. "W-what the heck? Bastos ka!"
"Anong bastos? Ang ibig kong sabihin—teka nga! Ano bang iniisip mo, Reyes? Ang tinutukoy kong baka mahawakan mo ay yung wallet sa bulsa ko. Hindi yung...a-ano ko."
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya at biglang lumabas ang picture na iyon sa aking isipan. Ang posibilidad ay nakita ko na sa aking isipan. At nakakahiya!
"F-fuck..." bulong ko pa ng manahimik siya bigla pero may nakaka lokong ngisi.
"Ikaw ha!" kantyaw niya pagkakuwan.
Umirap ako at umiwas ng tingin dahil sa hiya. Ano ba?!
"Ang cute mo." natatawa niyang ani matapos. "Ubusin mo na 'yan, sayang trenta ko." medyo seryosong utos niya at iniiurong pa ang lalagyan sa harapan ko.
Nahihiya ko itong kinutsarang muli at kinain habang panay pa rin ang iwas ng tingin sa kanya. I was caught up! Nahihiya na tuloy ako ngayon! Hindi ko intensyong pag isipan siya ng ganoon.
I swear!
"Kamusta nga pala kayo ni Russel?" He suddenly open up.
"Walang pag babago." medyo dismayado kong sagot. "Kayo?"
"Jusko naman, ang tagal na 'non!" aniya at saka uminom. "Hindi ko na masyadong naiisip."
"Psh. As if," sabi ko at mahinang tumawa. "Gusto mo si Miles, ano?"
Nanlaki ang mata niya at saka bahagyang nasamid nang marinig ang sinabi ko. Ugh! Masyadong halata ang mga ganiya, hindi ba? Maging si Austine ay ganiyan rin ang naging reaksyon. Gulat na gulat na animoy ako lamang ang nakaka pansin. Na para bang hindi obvious.
"A-anong kalokohan 'yan?" Nag iwas siya ng tingin at saka pekeng tumawa. "Hindi ko 'yon gusto. Masaya lang talaga siyang pag tripan. Isa pa, alam nating dalawa na may boy friend na siya."
"At kung wala? I know you'll take her, right?"
"No." seryosong sagot niya.
"Ba't naman hindi? She's beautiful, smart, masipag, mabait kapag tulog, iyon nga lang, may boy friend na."
"Sa hindi eh, anong magagawa ko? I like someone who's into relationship as well. Ang tagal nga mag hiwalay eh, balita ko wala namang pinag babago."
Tumaas ang kilay ko. "Siraulo."
He smirk. "She doesn't deserve to be treated like that, so want to take her from him."
Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. "Psh, s-sinasabi mo? A-ang malas naman nung babae. I pity her."
"Grabe!" tugon niya saka ako inirapan. "Tara na, tapos na ang klase."
Tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang limang minuto na ang nakaka lipas nang matapos ang klase namin. Tumayo na din ako at inayos ang gamit.
"Baka maiwan pa ako ng biyahe, mahirap na." Sabi ko.
"Sumabay ka na sa'kin. Sayang bente mo," alok niya. Sasang-ayon na sana ako ng biglang maalala ang pag tatalo namin ni Russel noong nakaraan dahil sa pag sabay ko kay Nikkolai.
"Thanks but no thanks. Baka kung ano na naman ang sabihin ni Russel."
"Bakit? Ano bang sinabi sa'yo nung nakaraan? Nag away ba kayo dahil sa'kin?"
"Parang ga'non. Pero okay lang 'yon, isa pa, matagal na 'yon. Thank you na lang, Mendoza. I just don't want you to be involved of us again."
"I don't see any reasons para magalit siya sa'yo. Ako naman ang nag alok. Mabuti sana kung bigla ka na lang sumakay sa kotse ko ng walang pasabi."
"Hayaan mo na!" sabi ko sabay tawa. "Mauna na ako. Kahit huwag ka nang mag ingat."
"Are you sure?" habol niya. Ngumiti ako at saka tumango. Ngumiwi lamang siya sa naging sagot ko at biglang tumawa, marahil ay naalala ang pag mumukha ko kanina. Naasar ko siyang sinimangutan at saka nag bad finger. Mas lalo tuloy siyang natawa.
"Ingat sila sa'yo!" pahabol niyang sabi. Natatawa akong lumingon at saka nag bad finger muli. Natatawa siyang umiling. Hindi na ako lumingon pa matapos noon dahil talagang puputok na ang ugat ko sa ka-katawa.
Pababa ako noon ng hagdan habang tuloy pa rin sa pag tawa ng biglang makita si Russel roon. May dalang bulaklak pero naka simangot at mukhang galit. Na'ron din ang mga kaibigan ko, pero ang mga mata ay nasa likuran ko. I saw Nikkolai cluelessly walking towards my direction. Bakit siya narito?!
Fuck! Sa baba nga pala ang parking lot!
I was still. Hindi ko na alam ang gagawin ko o kahit ang laman ng isip ko. Alam kong nakuha nila ang maling ideya. Lalo na si Russel. Humakbang ako papalapit rito, I held his arm pero agad niya din iyong iniiwas sa'kin.
That moment, I felt pain inside. Para akong nabasag.
"L-love..." I called him. Dumako ang mata niya kay Nikkolai. Napalingon ako at nakita ang gulat sa mga mata nito. "R-russel, look at me."
"Of all people, Maj?" He hurtfully asked. "Akala ko kaklase lang? Ano 'to?"
"W-what? Ano bang sinasabi mo?" Sinubukan kong harangan ang matatalim niyang mata. Pero bigo ako.
Humakbang na si Nikkolai palapit sa'min, at bawat hakbang niya ay siya ring bilis ng tibok ng puso ko. Shit!
Pinilit kong hindi siya lingunin kahit na gusto ko, dahil nais kong malaman niya na hindi ko nagugustuhan ang nangyayari. Na sa una pa lamang ay ayoko siyang masangkot sa amin ni Russel. Nakakatwang nilagpasan niya lamang kami na parang wala siyang pakialam.
"Pare." when Russel suddenly called him and stop him in his shoulders.
Kinabahan ako ng dahil 'ron. Nag sisimula na ring manuod ang ibang estudyante dahil uwian at malapit pa kami sa parking lot.
Seryosong dumaan ang mga mata ni Nikkolai sa kamay ni Russel na naka hawak sa kanyang balikat. Padabog na ibinagsak ni Russel sa bulaklak sa sahig, dahilan para magulat ang mga kaibigan ko, at umakyat ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
"Tumigil nga kayong dalawa!" suway ni Miles ngunit walang nag patinag. Sa isang banda'y alam kong nag aalala siya kay Mendoza kahit na kung minsan ay wala siyang pakialam rito.
"Get off, pare. Kailangan ko nang umalis." malumanay na ani Nikkolai.
I saw the smirks of Russel. "I just want you to know that Maj has a boy friend. Don't ever show yourself in front of her again." utos ni Russel. I was ready to protest ngunit biglang ngumisi si Nikkolai.
"Well then, tell her to transfer in different school." sarkastiko niyang sabi at saka padabog na binawi ang balikat. I saw Russel burn on fire before hearing those words.
Akma niyang susuntukin si Nikkolai ngunit sumigaw ako. "Russel, stop!"
He clenched his jaws after facing me. Mabibigat na ang pag hinga niya at talagang galit na galit. Pinulot niya ang bulaklak at lumapit sa'kin. Malakas niyang itinapon sa harap ko ang bulaklak dahilan para tumama ito sa aking dib-dib, ang iilang talulot ng bulaklak ay naiwan sa aking damit.
"Happy anniversary." disappointed niyang sabi, hindi man lamang nakonsyensya sa ginawang pag bato sa'kin at saka ako nilagpasan, he even bumped into my shoulders na parang batang isip.
Nasapo ko ang ulo ko dahil sa dulot nitong sakit. It wasn't like that! Hindi iyon tulad ng iniisip nila!