To Pay The Price (Belle Ville...

Par TianaVianne

284K 9.8K 6.5K

Belle Ville Series #2. There are so many things that didn't go as Rara planned. Relationship, friendship, car... Plus

Note
Prologue
Chapter 1: The roommate
Chapter 2: The party
Chapter 3: The bestfriend
Chapter 4: De Grande University
Chapter 5: The unexpected
Chapter 6: First session
Chapter 7: The punishment
Chapter 8: The student athlete
Chapter 9: Something unusual
Chapter 10: Slowly falling
Chapter 11: The fall
Chapter 12: All night
Chapter 13: Happy reading
Chapter 14: The confession
Chapter 15: Going home
Chapter 16: Merry Christmas
Chapter 17: Creos cousins
Chapter 18: Happy New Year
Chapter 19: The choice
Chapter 20: Farewell
Chapter 22: Happy birthday
Chapter 23: Tune up
Chapter 24: Shattered
Chapter 25: Painful words
Chapter 26: The call
Chapter 27: The rise
Chapter 28: Empty
Chapter 29: Always
Chapter 30: Endless
Epilogue
Self-published under KPub PH!
Special Chapter 1: Bellamy
Special Chapter 2: Bellamy

Chapter 21: That girl

6.4K 243 50
Par TianaVianne


CHAPTER TWENTY-ONE

That girl


"NICE, Ra!" sigaw ni Markee nang hindi ma-receive ni Carson ang palo ko.

"Parang 'di ka naman na-injured, Ra," komento ni Nimer kaya napangiti ako. Ang sarap marinig ng mga komento nila habang naglalaro kami.

We're the former volleyball players of Belle Ville High, and I must admit, I have missed them so much!

"Daming kulang sa 'tin pero ayos lang, mahalaga wala si Moyen," natatawang sabi ni Gonz saka sila nag-high five ni Trev. Natawa naman ako bigla doon. Talagang ayaw pa rin nila kay Moyen. Nakakairita kasi talaga 'yong ugali ng isang 'yon.

"Si Betty pala nasaan?" tanong ni Nimer.

"Nag-stop na raw sa pag-aaral 'yon eh. Nabuntis no'ng first sem," kuwento ni Kel kaya natigilan kaming lahat.

Seryoso?

Siguradong malungkot 'yon si Betty kasi 'di na siya makakalaro ng volleyball tulad ng dati. Husay na Libero pa naman no'n.

Muli kaming naglaro at pinagtapat na naman kami ni Gonz.

Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay.

"What was that for, Ra?" natatawang sabi niya kaya tumawa ang kambal ko.

"Badtrip 'yan kasi kanina mo pa bina-block mga palo niya," umiiling na sabi ni Trev kaya inis ko silang binato ng bola.

Ayos na rin siguro na hindi ako nakalaro kasama si Bell at ang teammates niya dati sa Realgorez. Hindi kasi kami natuloy dahil nasa Vera pa si Bell at maraming inaasikaso. Kaya ang nangyari, kina Trev at Gonz ako nagpatulong tapos tinawagan nila 'yong mga dati naming kasamahan sa team dito sa Belle Ville para makapaglaro.

"Palit kaya tayo ng setter?" bigla kong sabi kaya napatingin sa 'kin pareho sina Feem at Trev.

"Seryoso ipapamigay mo 'ko, Ra? Napakawalang kuwenta mo talagang kaibigan," reklamo ni Feem kaya humalakhak ako.

"Joke lang! Game na!" sigaw ko dahil naglalandian na naman sina Trev at si Feem sa may net. Palibhasa pareho silang setter kaya madaling maglandian 'pag magkaharap sa net. Tss.

"Tama na 'yan. Naiinggit si Rara," awat ni Gonz kila Feem at Trev kaya pare-pareho silang nagtawanan.

Kahit kailan talaga 'tong tatlong 'to lagi na lang akong pinagkakaisahan!

"Carson! Miss mo na si Moyen?" pang-aasar naman ni Gonz kay Carson. Agad siyang tiningnan nang masama ni Carson.

"Iyong iyo na, Gonz," seryosong sabi ni Carson kaya nagtawanan kami.

No'ng magsimula na ulit kaming maglaro, sunod-sunod ang palo ni Gonz pero hindi nakakalusot lahat ng palo niya dahil naba-block ni Kel ang iba sa mga palo niya.

Mahusay rin na blocker 'tong si Kel eh.

Nakailang palo ako pero this time, hindi na naba-block nila Gonz 'yong palo ko dahil mas lumalakas 'yong opensa namin kesa sa depensa nila.

Pagkatapos naming maglaro, nag-aya si Gonz na kumain sa bahay nila kaya doon kami dumiretso sa kanila.

"Ayos ah. Parang dati lang," nakangiting sabi ni Markee habang umiinom ng malamig na tubig.

Ganito kasi kami lagi dati, tuwing kakatapos lang ng training or ng games namin, tumatambay kami dito sa bahay nila Gonz. Lagi rin dito ginaganap sa bahay nila Gonz 'yong mga party kapag nananalo kami.

Iba pa rin talaga sa pakiramdam 'pag 'yong high school friends mo ang kasama mo. Matagal niyo na kasing kilala ang isa't isa kaya halos parang pamilya na rin 'yong turingan niyo kahit gaano katagal pa kayong hindi nagkita.

"Ra, balita ko kayo na ni Bellamy ah? Puro picture mo ina-upload niya sa social media accounts niya eh," pang-aasar sa 'kin ni Kel.

"Bagay nga kayo eh!" komento naman ni Nimer kaya agad akong napangiti. Lalong gumaganda 'tong si Nimer eh. Nagpaikli na kasi siya ng buhok at mas bumagay sa kanya.

Hinayaan ko lang silang magkuwentuhan saka ko pinuntahan si Gonz sa kusina para tulungan maghanda ng pagkain.

"Halos isang buwan na kaming 'di nagkikita ni Bell," nakasimangot na sabi ko.

Ngumiti lang siya habang kumukuha ng softdrinks sa ref. "Busy lang siguro. Dadalawin ka naman no'n panigurado. 'Wag kang mag-alala," sagot niya sa 'kin kaya mas lalo akong napasimangot.

"Ano palang balak mo sa birthday mo? Lapit na ah," paalala niya sa 'kin kaya nagulat ako. Oo nga pala, nawala sa isip ko ang birthday ko dahil naging abala ako sa paglalaro ng volleyball.

"Three days vacation kaya sa Thailand? What do you think?" bigla kong sabi at agad siyang tumawa.

"Puwede naman," sagot niya.

"You should invite Bell to come with us," dagdag pa niya kaya napasimangot na naman ako.

"Paano? 'Di niya nga ako pinupuntahan. Baka busy pa rin 'yon."

Napangiwi siya. "Call him, Ra. You should still try."

Agad akong tumango at kinuha ang phone sa bulsa ko para tawagan siya pero hindi niya sinasagot.

Napabuntonghininga ako at pinitik ako bigla sa ilong ni Gonz.

"Text mo na lang. 'Wag kang mapagod sa kanya," saad niya kaya tumango ulit ako at nag-send na ng text kay Bell para imbitahan siyang sumama sa 'min nila Trev, Feem at Gonz para magpunta sa Thailand.

Hindi pa siya agad nag-reply kaya tinulungan ko na lang ulit si Gonz maglabas ng pagkain doon sa veranda nila saka na namin tinawag sila Nimer para kumain.

Maya-maya lang ay nag-ring ang phone ko at nakita kong si Bell ang tumatawag kaya agad akong tumayo para pumasok sa loob at sagutin ito.

"Hi," bati ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero nalulungkot talaga ako kasi halos isang buwan na kaming hindi nagkikita.

"Hi, Keen," bati niya rin sa 'kin. "I've read your message."

Tumahimik lang ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Alam ko naman na busy pa rin siya pero umaasa pa rin ako na magagawan niya ng paraan para makasama ko siya sa birthday ko.

"Sorry, I can't go with you."

Pagkasabi niya no'n ay tipid akong napangiti at tumango kahit hindi niya nakikita.

"I understand," I said, trying to hide the sadness behind my voice. "Just take care of yourself and don't skip meals. Alright?" bilin ko sa kanya bago ko binaba ang tawag.

Ayokong patagalin 'yong usap namin lalo na't ganitong may tampo ako sa kanya. Baka may hindi ako magandang masabi sa kanya, ayoko namang mag-away kami.

Matamlay akong umupo sa sofa at nanatiling tahimik.

Napatingin ako kay Gonz na kanina pa pala nakatayo sa gilid.

"It's alright, Ra. You have your friends with you on your birthday. We'll celebrate with you like we always do," he said, flashing me a reassuring smile.

***

"WE'LL wait for you here, Ra. Bilisan mo lang. Male-late tayo sa flight," bilin ni Trev.

Bago ako makalabas ng sasakyan ay hinawakan ni Gonz ang braso ko.

"Samahan kita?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin pero umiling ako. "Hintayin niyo na lang ako dito."

Nagmadali akong pumasok ng dorm nila Bell mula sa backdoor.

Gusto ko kasi muna siyang puntahan bago kami pumuntang Thailand para ma-check ko lang kung naaalagaan ba niya 'yong sarili niya. Baka kasi napapabayaan niya na naman 'yong sarili niya.

Pagkarating ko sa harapan ng pinto ng kuwarto nina Bell, akmang kakatok pa lang sana ako pero nanlaki ang mga ko nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa 'kin si Crissia, 'yong kaklase namin ni Bell sa ibang major subjects namin no'ng MedTech student pa ako.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya ako. Nagtataka ko siyang tiningnan.

Ano'ng ginagawa niya dito?

"H-Hey, Ra," bati niya sa 'kin. Gulo-gulo pa ang buhok niya habang suot-suot ang shirt ni Bell.

Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko nang makita ko iyon.

I felt my tears trying to escape my eyes, so I immediately looked away and turned around.

Akmang lalakad na ako paalis pero bumangga ako sa dibdib ni Gonz na kanina pa pala nakatayo sa likuran ko.

"T-That f*cktard—"

"Let's go, Gonz," pigil ko sa kanya dahil namumula na ang mukha niya sa galit.

Ayaw niya sanang magpaawat sa 'kin pero hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya.

"Please, Gonz. You don't have to do this," sambit ko kasabay ng pagpatak ng luha ko.

So, this is what they all meant when they said that I shouldn't date Bellamy Creos.


____

Tiana:

Naiyak ako, seryoso. ;( Pakiramdam ko, ako si Rara.

9 Chapters to go before the Epilogue. ;)

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

17.3K 2.8K 26
Puro lang, walang halong kemikal. © 2022 isipatsalita
1.4M 43.9K 44
Rich and rebellious, Euphemia Villasenor only wishes for her father's attention and love. But when things get out of hand and she's finally pushed to...
3.3M 85.9K 63
Sa isang pagwawakas, hindi maaaring walang masasaktan. Isa man sa inyo, o kayong dalawa pareho. Sa bawat mga hakbang palayo, ay ang unti-unting pagka...
229K 7.2K 95
"But i Fell inlove with my Best Friend" What if ang dalawang mag bestfriend dati mag kita? ano kayang gagawin nila dahil hindi pa nila kilala ang isa...