Lay A Glance On Me 1 (Lost an...

By julliacath

29.9K 463 354

Elegancia Lucia is the only girl in the family. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siyang ipanganak. Dahil do... More

Lay A Glance On Me
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 13

626 9 1
By julliacath

Kabanata 13

Third


''Magtatagal ba kayo riyan?'' tanong ni Liana habang nakikita ko siya sa screen na umiinom ng kape.

Bakasyon na ngayon at napagdesisyonan nina Daddy na lumipad kaming tatlo papunta rito sa California dahil titignan niya ang bahay na binili niya. Kuya Roman isn't with us because he's busy with school, kahit na ilang beses siyang pinilit ni Daddy na sumama ay wala pa ring nagpa-oo sa kanya. Kaya ngayon, kaming tatlo lang ang nadito. Wala si Daddy ngayon dahil kinita ang batchmates niyang dito nag migrate habang si Kuya naman ay nasa kwarto pa rin niya, natutulog.

Pangatlong araw na namin at binabalak lang naming magtagal ng isang linggo. Enrollment na ulit next week at hindi ako pwedeng mahuli dahil ayokong mawala sa block namin. Kapag nawala ako ro'n, edi hindi ko makakasama sina Liana at Cyrille. Ayoko makisalamuha sa ibang ka-course ko dahil masyadong matatalino, 'di ko keri makipag-usap. I'd probably be a loner and I don't want that to happen!

''Hindi. One week lang kami rito, ayaw magtagal ni Daddy e,'' I hugged my pillow. ''Anong gusto mong pasalubong? Para mabilhan kita!''

''Umuwi ka lang na safe rito sa Pilipinas, okay na 'ko.''

I scoffed. Kahit kailan talaga, sweet si Liana. Kahit na minsan ay nahihirapan siyang ipakita yung nararamdaman niya. Kita ko 'yon dahil madalas ay nananahimik na lang siya kaysa magsalita. Matagal na kaming mag kaibigan kaya alam na alam ko kung kailan siya komportable, iritable, o kung ano.

Ang hindi ko pa nakikita sa kanya ay kung paano siya mag selos. Lintek, Toran, kilos naman!

After that call, I spent my remaining days roaming around California. Masaya dahil bago sa akin ang klima. Medyo malamig pero dahil palapit na ang summer, may mga oras na mainit ang panahon. Pero hindi naman kasing init katulad sa Pinas. 

Sinubukan namin nina Daddy iyong sikat na burger store rito na in&out. We took several photos together with Kuya Ismael and had it printed. Nakita kong nilagay ni Daddy sa wallet niya ang picture naming tatlo nang matapos. 

Nag shopping din kami para pasalubong sa mga kasambahay, kay Kuya Roman, at kay Liana. Nang natapos ay nag empake na kami para makabalik na sa Pinas.

Vacation went smoothly. Kahit na busy ako dahil sa bakasyon, hindi ko pa rin kinalimutang magparamdam kay Jarrell. Hindi ko naman 'yon ina-araw-araw dahil baka ang dating sa kanya e nakakairita na 'ko. Ayoko namang mangyari 'yon. I made sure that I got to message him every week. Kahit simpleng 'hi' lang para maramdaman niyang may Lucy pa rin.

Pinapansin niya naman ako, e. Katulad na lang nung birthday ko last year. He greeted me! Bago 'yon sa 'kin dahil hindi naman siya nagrereply talaga, madalas hindi niya binabasa o 'di kaya ay sini-seen lang ang messages ko. Kahit pa na munting interaksyon lang 'yon, masaya pa rin ako.

Idagdag pa sa pagpansin niya ay ang makailang beses niyang pagngiti sa 'kin sa mga araw na nanood ako ng mga laro niya. Unfortunately, nalaglag sila nang nag semifinals na kaya't wala na 'kong paraan para makapagpansin ulit.

Kaya ngayon na bago na ang school year, sisiguraduhin kong mas maglalapit kami. Last year niya na rito sa Adamson, graduate na siya kasabay nina Lionel at Toran pero dahil basketball player siya, may isang year pa siyang pwedeng gamitin. 'Yun kasi ang rule sa UAAP, nasa player na lang talaga kung gagamitin ba o hindi.

Nang makauwi kami sa Pilipinas ay agad 'kong inasikaso ang mga papeles ko para makapag enroll. Unlike the other days, simpleng itim na fitted jeans at v-neck shirt lang ang suot ko nang pumunta sa university. Nakapusod lang din ang buhok ko dahil mainit, summer pa naman.

Mabilis akong nakapag-enroll. Pagkatapos kong sabihin ang year at course ko ay agad din akong nagbayad ng tuition fee. I don't know why but I immediately felt pressured upon seeing my batchmates again after two months. Iyong mga may dalang libro at kahit bakasyon, nagbabasa pa rin. Nasa benches kasi sila at napansin kong busy sa pagbabasa. Iyong mga studyanteng mukhang pursigidong mag-aral kahit na para sa 'kin, boring naman 'yon. 

Ngayong third year na 'ko, mas lalo akong namomroblema sa bagay na gusto kong gawin habang buhay. A dream, per se. Kasi simula noong bata ako hanggang ngayon na malapit na 'kong makagraduate ng kolehiyo ay hindi ko pa rin alam ang gusto ko. Para 'kong nakikisabay lang sa ihip ng hangin at tinatanggap kung saan ako dinadala nito.

I wanna be like my batchmates, too. I want to be like them: certain and decided. Gusto ko ring maging sigurado sa mga bagay na ginagawa ko. Gusto ko rin mangarap, magpursiging abutin 'yon, at magtagumpay.

Dahil malayo 'yon sa nakikita ko sa sarili ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ba papunta ang buhay ko. Maganda nga ang course ko, tinitingala ng lahat, pang matalino raw. Kaso ang tanong: gusto ko ba? Eh hirap na hirap nga 'kong sumagot kahit sa recit, e. 'Di naman ako bobo. Mabilis naman akong umintindi. Pero bakit ang hirap?

Iba talaga kapag gusto mo ang ginagawa mo. Siguro kung alam ko lang kung ano 'yon, 'di ako namomroblema ngayon. Ang hirap naman. Ang hirap maging ganito.

I held my bag firmly. Paano kaya kung lumaki akong may nanay? Dad provided me all of the things I wanted while I was growing up, kahit hanggang ngayon. Ganoon din sina Kuya Ismael at Roman. Well, except for an absolute freedom. Mga protective pa naman iyong tatlo.

Kailanman sa buhay ko ay hindi ko naramdaman na pinagkaitan nila ako dahil binibigay naman nila ang lahat. Kaso, aminin ko man o hindi, habang lumalaki ay kinaiinggitan ko ang mga taong may nanay habang lumalaki. I've seen how my friends grew up with their mother. May taga turo, kakampi, at.. kaibigan sila. They have a figure who can guide them. Ang kaso, wala akong gano'n.

If Mom didn't die while giving birth on me, am I going to be this dreamless? Am I going to be this confused and hopeless?

Siguro, hindi.. 

Nakaka-stress. Baka mabawasan pa ganda ko nito. Hindi ko na lang iisipin. Ma-haggard lang ako, e.

''Papasok ka na ba, Lucy?'' ani Kuya Ismael. 

Simple lang ang suot niya at mukhang hindi pa nakakapag-ayos nang pangpasok. Nakaupo siya sa mesa at sumisimsim ng kape, mag-isa lang at walang kasama. Ganito kami palagi tuwing umaga lalo na noong summer at ngayong simula na ulit ng klase, mukhang magbabago na. He has classes, too. Graduating na kasi siya.

Tumango ako at dumiretso na do'n. I'm just going to eat a little dahil ayokong mahuli sa klase at first day pa man din. Dahil panibagong taon, gusto konh subukan na mahalin ang course ko. Naisip ko kasing siguro, kung susubukan ko, matututunan kong mahalin at mababawasan na ang paghihirap ko na intindihin ang mga inaaral ko. Sana lang ay gano'n ang kalabasan pagkatapos ng school year na 'to.

''Walang maghahatid sa 'kin, Kuya? Mukhang 'di ka pa nakakapaghanda, e. Ayoko pa namang mahuli,'' sabi ko at kumuha ng itlog sa plato.

''Mag commute ka muna. Walang driver dahil hindi pa nakakauwi galing probinsya. Wala rin si Daddy at hindi naman ako pwede dahil 'di pa ako nakakapag-ayos,'' sumimsim siya sa kape. ''Marunong ka naman nang mag commute, 'di ba?''

I rolled my eyes. ''Sa ilang beses mo 'kong pinag-commute at hinayaang mababad sa araw, sa tingin mo hindi pa 'ko matututo?''

He chuckled. Siguro ay napagtanto niya rin na marunong na ako dahil sa isang taon kong pagpasok, hindi ko na mabilang sa kamay kung ilang beses niya akong hindi hinatid at hinayaang pumasok mag-isa. Aba, pati ba naman ngayong taon?

''Just this once. Susubukan kong maligo nang maaga bukas para maihatid kita,'' nilagyan niya ng tubig ang baso ko at nilagay sa tapat ko. ''Kumain ka na riyan para 'di ka mahuli sa class mo. I'll text Dad.''

Iyon na nga ang ginawa ko. I didn't make it a big deal dahil sanay at natuto na akong mag commute. To be frank, there were days when I enjoyed commuting. Iyong mga araw na hindi ko kailangang magsalita kaya nakakapag-isip ako para sa mga bagay na ginawa ko, 'yong mga araw na tinitignan ko lang ang paggalaw ng ulap, paglipas ng oras, at katahimikan.

It wasn't bad but I wasn't used to it.

Nang nakalabas na ako sa bahay at nagsimulang mag commute ay tumunog ang phone ko dahil sa tawag ni Liana. She must be worried that I might me late again. Ganyan kasi siya simula noong nag grade 12 kaming dalawa at napansin niyang palagi akong late. Palagi siyang tumatawag isang oras o ilang minuto bago ang klase.

''Nasaan ka na?'' bati niya nang sagutin ko ang tawag.

''On my way. Wait for me ha!'' I said. ''Maaga pa naman kaya hindi ako mala-late.''

Pagkatapos nang ilang palitan ay binaba na niya ang tawag. We are already on our 3rd year. It's been so fast but for Jarrell and I, it's slow! Minsan niya pa lang ako pinapansin although there were several times that we talked at kahit papaano, may improvements naman. Jarrell graduated last year but he is still playing for the school. May bonus kasing one year ang playing years ng mga athletes.

Nakapasok na ako sa school. I tapped my ID then proceeded to walk while I'm heading to my class. Pinasadahan ko ng tingin ang unang palapag ng ST building ngunit wala akong nakitang Liana. Siguro ay nasa room na iyon at naghihintay sa 'kin, o 'di kaya ay kausap si Toran sa phone. Graduate na kasi ang isang 'yon kaya 'di na sila makakapagkita rito. 

I'm wearing my school uniform. It's tight that's why my curves can be seen. I'm only 5'5 but I'd say that my body is proportional.

Humahakbang na ako sa hagdan nang nakita si Jarrell. He is holding a brown envelope on his right hand, a tight black shirt hugging his body, and a khaki pants. Naka puting sneakers din siya at halata tuloy ang haba ng paa.

Mabilis akong umakyat at dali-daling lumapit sa kanya. Bwisit naman na sapatos 'to, e! May inch kasi kaya medyo nahirapan akong tumakbo. He's heading to the right part of SB building. Mukhang sa mga department 'to ah?

''Hi!'' I greeted. Hinihingal ako habang sinasabi iyon. Napagod akong umakyat kanina at may takong ang sapatos ko!

''You again,'' he said with a deep baritone.

Walang nagbago sa pisikal niyang itsura, base sa naaalala ko. Only that he looks more mature than what he looked like last year. Mas makisig siya ngayon at nade-depina rin ang ganda ng moreno niyang balat.

''Yup! Why are you here? I thought you graduated na?'' I asked. Sabay kaming naglalakad dahil sinabayan ko siya, kahit na sa kabilang part ng building ang kwarto ko.

Kahit na hindi papunta doon ang class ko, okay lang. Basta makausap ko lang si Jarrell!

''Yeah. I'm already a graduate,'' maikli niyang sabi. Damot naman sa info.

''So, why are you here nga?'' I repeatedly asked again.

He looked at me with furrowed eyebrows. His stares are blank. ''Why are you nosy?'' he asked intently.

That caught me off guard. Napatigil ako sandali sa paglalakad. What's wrong with being nosy? I just want to know!

Hinabol ko ulit siya sa paglalalakad dahil inunahan ako. ''Ang sungit mo naman, Marco!'' I teased him.

Sabi-sabi ay ayaw niyang tinatawag sa second name niya.

Ang dahilan? Hindi ko alam. Gusto kong malaman pero parang wala namang may alam. Sabi-sabi lang ay naiirita siya kapag tinatawag siya sa pangalan niyang 'yon.

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

''Can you please stop?'' he pleaded. He looks very annoyed. His tone sounds irritated and pissed.

I tried to remain my posture. Nagulat ako sa bigla niyang pagsusungit. He's naturally a snob and rugged but today's different. May kung ano sa aura niya na tila inis siya sa lahat at kasama ako do'n.

Based on what I remember, okay naman ang huling pag-uusap namin. Pumayag pa nga siyang magpa-picture ako pero bakit ngayon, parang iba siya?

''Stop what?'' nagmamaang maangan kong tanong.

''That. Kung ano man 'yang ginagawa mo. It's annoying and distateful,'' he exclaimed. Madiin ang pagkakasabi niya no'n. Nakakunot ang noo at madilim ang mga mata niya.

Mabilis siyang nag lakad at iniwanan ako. While I'm here, I'm standing on the hallway. Shocked. Hurt. Taken aback.

Unang beses ko iyon marinig sa buong buhay ko. Everyone's taking care of me. My Dad, my brothers, si Liana, and my other friends.. All of them made sure that I feel loved and taken care of. But him, iba siya. His words pierced. Masakit. Siya ang unang beses na nagsabi na nakakairita ako. Siguro, pati na rin ang presensya ko.

My heart is aching. I know I have been following him for a year now. Hindi ko naman alam na ayaw niya at naiinis na siya. I'm just.. being a fan. I'm supporting him. I like watching his games. I like seeing him around. And.. I like him so much and I just want him to lay a glance on me.

But I have received too much.. the words he said made me hurt. Parang dumagdag iyong sinabi niya sa mga pinoproblema ko: itong course ko, pangarap ko sa buhay.. lahat. Nagkahalo-halo na ang nararamdaman ko.

There's a pang of pain in my chest. Parang.. wala lang ako. For the past months that I tried to get his attention, I know I made him feel things, at least! Bakit parang wala lang sa kanya?

But then, I remember who am I. I may be hurt but I have to stand steadfast and unfazed.

I don't care if he's annoyed with me. I'm going to get him. I'm going to make him fall in love with me. 

Kahit masakit, susubukan ko. Kahit nakakalason, titiisin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

28.8K 1.1K 45
The Lost Souls on Tour: The Second Tour Wants; are something that can drive us to do everything in order to have what we desire. People frequently re...
1.1M 36.2K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...
7.9K 266 56
Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. B...
47.4K 1.5K 16
story of 13 brother who fell in love with their step sisters.