Our Ill-Fated Love Story

By godisajarel

207 69 98

Sabi nila wala raw koneksyon ang panaginip sa totoong nangyayari sa buhay ng tao. Pero paano kung ang kabalig... More

FOREWORD
Chapter 00
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
OIFLS PLAYLIST
ABOUT THE STORY
AU REVOIR

Chapter 01

18 6 10
By godisajarel


#OIFLS01

Playing (They Long To Be) Close To You by The Carpenters.

Seryoso? Ako ba talaga ito?

Bat ang ganda ko naman hihihiih

Kasalukuyan akong nakaharap sa isang transparent wall dito sa isang cafeteria. Dahil sa pag mamadali ay hindi na ako nakapag ayos. Ewan ko ba naman jan kay Xayn, gustong makipagkita.

Dahil sa pag aayos ko dito ay nakita ko ang isang lalaking napangiwi. Anong problema nito?

Tinarayan ko lang sya.

Hanggang sa dumating na nga si Xayn.

"Pasok na tayo" pag aya ko sa kaniya papasok sa cafeteria. Nakita ko rin na dala dala niya ang libro niya. Sigurado ako na mag aaral lang ito kaya dito niya gusto sa cafeteria magkita.

"Rain, lets break up" walang emosyon nitong wika

Natigilan ako.

"Prank ba to? Isa ka na rin ba sa mga vlogger na kung mag prank akala mo nakakatuwa na sa totoo lang ay mukha silang tanga? Oy Xayn answer me?" Wika ko

"Seryoso ako Rain. Mag break na tayo" si Xayn

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Bat ganon lang kadali sa kaniya.

"Okay salamat nalang sa lahat" pagtataray ko

"Hindi mo ako tatanungin kung bakit?" Tanong nito.

"Bakit naman? Ang dami mo kayang flaws" wika ko na puno ng confident

"Flaws?" Tanong niya at napakunot ang noo.

"Masyado kang masipag mag aral kaya nag mumukha kanang nerd. Wala kang taste sa color combination pag dating sa damit. Ang weird ng taste mo sa pagkain. Wala kang kwentang kausap pag may date tayo. Hindi ka enjoy kasama sa mga rides. Kuripot ka pagdating sa pagkain. Patay gutom ka rin minsan. Feeling gwapo ka at akala mo lahat may gusto sayo. Hindi rin maganda ang ngipin mo. Panget ang hair style mo, hindi bagay sa hugis ng mukha mo---" hindi ko natapos ang sasabihin ko kase sumabat na sya

"Tama na!" Galit na si Xayn

"Hindi pa ako tapo--" ako

"Shut up! Aalis na ako" wika nito at namumula na sa galit.

"Bye babe" wika ko

Tinakpan niya naman ang tenga niya.

Natawa ako.

Agad akong tumalikod.

Hayop na yun?! Huhuhuhuh naiiyak na talaga ako. Kahit ganon yun minahal ko yung gago na yun. Syempre joke lang yung mga flaws na sinabi ko.

Bwiset!

Wala akong magawa. Never akong magmamakaawa sa taong ayaw na sa akin.

Hindi ko na mapigilan maiyak.

Tatlong taon.

Tatlong taon kami tapos ngayon makikipag break sya ng ganon.

Hindi ko napansin na naka
pasok na pala ako sa cafeteria. At natigilan ako ng makitang may hawak akong tinidor at nakikikain ng cake.

Shet ang dugyot ko.

Napatingin ako sa lalaking may ari na cake. Sya yung nakangiwi sa akin habang nag aayos ako. Nakatitig lang sya sa akin na para bang gulat na gulat sa ginawa ko.

Sorry naman diba? Lutang lang talaga ako ngayon. Nag peace sign lang ako.

"Babayaran ko na lang--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kase sumabat na sya

"Sayo na yan" wika nito na para bang nandidiri sa ginawa ko.

Nakikain lang naman ng cake diba?

Arte naman nito. Gwapo sana

"Saan ka pupunta?" Tanong ko ng tumayo ito.

"Cr, May dadating dito na kape na inorder ko. Sana wag mong bawasan nautusan lang akong bumili ng kape nayun. Hindi yun akin" masungit na wika nito

"Hala grabe kana man sakin!" Sigaw ko sa kaniya.

Dumating nga ang kape niya. Napa ngisi ako.

Hoy baka sabihin niyo iinuman ko to'

Hindi kaya, kahit papaano hindi naman ako ganon kapatay gutom.

Dumating sya at agad kinuha ang kape. Nilagpasan niya lang ako.

Pinagmasdan ko ang pag alis niya.

Natigilan sya.

Humarap sa akin, at pinakita ang kape niya sabay turo sa cup ng kape.

"Ano?" Tanong ko. Kunwari walang alam

"Tsk" masungit nitong tugon.

Natawa ako.

Pasalamat sya at binigay ko cellphone number ko sa kaniya.

Oo na, ako na maharot ng taon. Naka move on na kase ako eh.

Ganon kadali.

Crush ko ata yung masungit na yun.

Sana malaman ko ang pangalan niya.

* * *

Ang init.

Sa sobrang init gusto ko ng maghubad dito!

Mabuti nalang at dumating na ang kaibigan ko na si Mezzy at inabot sa akin ang isang milk tea.

"Ano Rain suko kana ba? Sinabi ko na sayo wala kang mapapala dito sa paraffle nato. Scam ito!" Wika ni Mezzy

Guguho na ata ang mundo ko.

May pa raffle kase ng mga wattpad books at 1000 ang per slot. Tatlo ang kinuha ko. Ehh natukso kase ako dun sa tatlong series na books. Akala ko legit yun.

Tapos ito ako, isa sa mga nagrereklamo na nascam kami nung paraffle nayun

"Umuwi na lang tayo" nanglulumo na wika ko.

"Sinayang molang energy mo jan" si Mezzy.

Naiiyak na talaga ako.

Akmang aalis na kami sa pila ng may isang lalaki ang bumaba sa sasakyan at may dalang mga box ng libro.

Tinanggal niya ang shade niya at nagkagulo ang mga tao.

"About po sa raffle wag po kayong magulo. Humihingi po ako ng pasensya sa ginawa ng kapatid ko. Sana po wag na kayo mag reklamo--" yung lalaki

"Anong wag mag reklamo?! Sayang yung pera namin!" Sigaw nung isang babae

Namukhaan ko yung lalaki.

Sya yung nasa Cafe, yung kinainan ko ng cake!

"Makinig po kayong mabuti. Lahat po kayo na sumali ay bibigyan ng libro na nasa raffle item" wika nito.

At may nga lalaking nag abot sa amin ng libro.

Wahh totoo bato?

"Pasensya napo sa ginawa ng kapatid ko kaya ako na po ang mag babayad sa lahat ng ginawa niya. Yang mga libro na yan ay sobra pa sa slot na binili niyo." Yunf lalaki.

"Ehh paano ako na tatlong slot ang binili ko?" Tanong ko

"1000 ang per slot so 3000 lahat ng nagastos mo. Worth of 5000 yang mga binigay ko. If titinginan may utang ka sakin ng 2000" wika nito at napangisi.

Natigilan ako

"Wag ka na ngang maarte girl" wika nung isa.

"Pasalamat nalang tayo" wika naman nung isa

"Tama sila Rain. " Wika ni Mezzy at tawa ng tawa dahil nag mukha akong tanga sa ginawa ko.

Tinarayan ko silang lahat.

"Rain pasensya kana hindi kita masasamahan ngayon kase tumawag si mommy kailangan ko raw umuwi" si Mezzy.

"Ahh sige una kana" wika ko.

Sabay tingin dun sa lalaki.

Nilapitan ko ang lalaki.

Pinagmasdan niya lang ako.

"Ikaw yung patay gutom sa cake diba? At yung babae kanina na umangal?" Wika nito

"Hoy hindi ako patay gutom!"pag dedepinsa ko

"Tsk" yung lalaki.

"Tsk" pang gagaya ko sa kaniya.

"Pierre bat ang tagal mo?" Wika ng isang babae na bigla nalang sumulpot.

Pierre pala pangalan niya

Tiningnan ko ang babae. Ang ganda niya. Girlfriend ata.

Bigla akong nahiya sa sarili ko.

May girlfriend na pala ang tao. Hindi tama na guguluhin ko pa sya.

Agad akong umalis.

Nanlumo ako.

Ang tanga mo naman Rain.

Bakit niloloko mo sarili mo na nakamove on kana kay Xayn?

Hanggang sa may nabangga ako.

"Sorry" wika nito.

Tinitigan ko sya.

Sya yung babae kanina.

"Sorry talaga nagmamadali kase ako ehh. I have your number naman kaya tatawagan kita mamaya nag mamadali lang ako ngayon.

Sya yung girlfriend nung Pierre diba? And my number sya sakin?

What the heal?! Heal talaga ang tama hindi hell sana mainform kayo.

Ibig sabihin nito yung kape ay sa girlfriend ni Pierre.

Naku nakakahiya!

Hindi ko namalayan na nasira pala ang heels ko nang magkabangga kami.

Pisti.

Wala pa naman akong extra money para makabili ng tsinelas. Sakto lang pera ko para sa pamasahe.

Ibenta ko kaya itong librong dala ko?

Naku hindi pwede. Uuwi nalang ako ng naka paa!

*  *  *

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
237K 7.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...