Bitter Since Birth

By Pathchot

598 22 28

Paano nga ba nagiging bitter ang isang tao? At bakit nagiging bitter ang isang tao? "BSB ako. BSB as in, “Bit... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: THROWBACK THURSDAY
CHAPTER 2: THROWBACK THURSDAY (Part 2)
CHAPTER 3: LET THE WORDS FALL OUT
CHAPTER 4: LATE NIGHT THOUGHTS
CHAPTER 6: SOMETHING TO GET OFF MY CHEST
CHAPTER 7: TAKING CHANCES
CHAPTER 8: YOU OR THE MEMORIES
Chapter 9: IF YOU'RE NOT THE ONE
Chapter 10: SINCE YOU'VE BEEN GONE

CHAPTER 5: EVERYTHING HAS CHANGED

52 2 2
By Pathchot

KLEIN’S POV

Hooraaaaaay for Saturday! Buti na lang hindi KJ yung schedule ko. Wala akong pasok tuwing weekend. Kaso nga lang, may kailangan akong bilhing book na requirement namin sa major subject ko. Kailangan kong aralin. I REALLY LOVE NURSING! Enjoy, pero lagi na lang akong pinapahirapan. -_-

Yung mga kasama ko sa condo, ayun ang sarap pa ng mga hilik. 9am na kaya! Wala tuloy akong kasamang bumili ng book. Nakakatakot pa namang maglakad sa may patawid ng condo namin. Mag-ooverpass pa ko para makarating ng SM North/Trinoma. Dapat kasi hindi na ko nag-demand nun kay Daddy na mag-condo. Nag-iinarte lang naman ako nun kasi nga naiinggit ako sa mga kaklase ko na malayang nagagawa ang gusto nila sa labas.

Buti na nga lang malapit lang ang mall dito sa condo ko. Tinatamad kasi ako ngayong araw. Wala pa kong halos tulog this week. Finals na at nagsisimula na naman akong kabahan. Hindi pa kasi nagbibigay ng grades sa major subject ko. Huhu. May hindi kasi ako na-perfect na isang quiz nun sa Microbiology. Grade conscious eh? Badtrip ako ng araw na yun simula nung matapos yung debate. Sino ba naman kasing hindi?

Naglakad ako palabas ng condo at nagsimulang ilagay ang earphones sa tenga ko.

“So what did you think I would say? You can’t run away, you can’t run away. So what did you think I would say? You can’t run away, you can’t run away. You wouldn’t… I never wanted to say this. You never wanted to say. I put my faith in you, so much faith and then you just threw it away! You threw it away…” (NOW PLAYING: For a Pessimist, I’m Pretty Optimistic by Paramore)

Habang nagmamasid sa mga sasakyang nakahinto sa paligid ko dahil sa traffic, di ko napansin na may papasalubong sakin kaya nagkabanggaan kami bago umakyat ng overpass.

“Ay, sorry.”, sabay hakbang ko paakyat ng overpass.

Ooops! Wait! Kilala ko yung lalaking yun ah? Paglingon ko nakayuko siya at inaayos yung gamit niya na nalaglag. Dumere-diretso na lang ako ng lakad ko. Pagpasok ko ng mall, nagulat ako sa kumalabit sa akin pero di pa ko napapalingon ay nagsalita na siya.

“Ate, yung panyo mo nalaglag kanina nung nagbanggaan tayo sa labas. Pasensya na---“

 

Naputol yung sinasabi niya at nagulat ako sa nakita ko.

“Robi?!”

 

“Oh, Klein! Ikaw pala, long time no see ah.”

 

“Ah… Oo nga eh. Si-sige… Salamat.”

 

Nagmadali akong maglakad palayo. Ano kayang ginagawa niya dito? Kelan pa siya umuwi dito sa Pinas galing U.S.?

“Wait lang, Klein! Sandali!”

 

Nagmadali ako pero nasundan niya pa din ako.

“Oh? Bakit?”

 

“Umiiwas ka ba?”

 

“Uh? Hi-hindi no. Nagmamadali lang ako may kailangan kasi akong bilhin.”

 

“Ah. Eh di samahan na kita.”, nag-smile sabay akbay sakin pero inalis ko agad yung kamay niya.

Hinayaan ko siyang sumunod sakin. Hindi ko siya pinapansin. Tahimik at parang naghihintayan na may magsalita. Nauna siyang magsalita.

“Ano nga palang bibilhin mo?”

 

“Book.”

 

“Ah. Akala ko kasi gamot pampatanggal ng sungit.”

 

Umirap lang ako. Nagpatuloy siyang magsalita.

“Sungit mo naman. Grabe ka.”

 

“Kulit mo naman. Grabe ka.”

 

“Hahaha! Pag nagsungit ka pa, iki-kiss kita. Joke!”

 

“Ang kulit mo eh no. Bakit ka ba nandito?!”

 

“May bibilhin din sana ko eh. Kaso ayun, nagkita tayo accidentally.”

 

 

Pagkabayad sa cashier. Nagpaalam na ko kay Robi.

“Nice meeting you. Uwi na ko.”

 

“Wait lang. Kain muna tayo.”

 

“Wag na. Busog pa ko.”

 

“Sige na, minsan lang ‘to. Treat ko. Tara!”

 

Hinatak niya ako. Di na ko nakaimik kaya sumunod na lang ako. Ang insensitive niya naman? Ganun ba talaga ang mga lalaki? Parang walang nangyari ah?

Dinala niya ko sa Starbucks. Habang siya nag-oorder, ako naman ine-explore ko yung book na binili ko...

 - - -

Si Robi. Ex-boyfriend ko. Should I say EX-BOYFRIEND? Hindi naging kami pero parang naging kami. Ang pangit naman kasi kung tatawagin ko siyang “EX-M.U.” kaya tinuring ko na rin siyang NAGING BOYFRIEND ko kahit hindi naging kami.

It took me 2 years para mag-move on noon kay Kelvin na first boyfriend ko. Actually mag-best friends nga sila ni Kelvin. Nauna siyang manligaw noon pero si Kelvin ang pinansin ko. Gwapo si Robi. Matalino. Hindi kagaya ni Kelvin na puro papogi lang ang alam. Mahiyain lang talaga si Robi kaya si Kelvin ang mas napansin ko. Tsaka, ewan? Masyado lang siguro akong nauto nun ni Kelvin.

So nung wala na kami ni Kelvin, tinuloy na ulit ni Robi ang panliligaw sakin. Walang closure na nangyari sa amin ni Kelvin dahil ako na ang kusang lumayo sa kanya. Habang siya, MASAYA, ako naman, NAGDUDUSA. Hindi ako masyadong kinikilig kay Robi noon, siguro dahil mahiyain siya. Sweet siya at ma-effort, pero NAPAKATORPE. Hindi siya masyadong makapagsalita pag magkasama kami. Pero pag sa text at tawag, dun niya nasasabi lahat.

Nagkaroon kami ng mutual understanding ni Robi for almost 4 months. Masaya siyang kasama. Marami kaming similarities, like sa favorite bands and foods. Pareho kaming simple. Almost perfect na kami. PERO BAKIT HINDI NAGING KAMI?

“Sorry, medyo natagalan. Chocolate Chip Cream frappe for you.” ^_^

 

“Ah, okay lang. Thanks!”

 

“So, totoo nga ang balita ko na nursing ang course mo.”

 

“Oo. Eto talaga gusto ko eh. Ikaw ba, nag-aaral ka?”

 

“Yes. Business administration sa U.S. Bumalik lang ako dito for vacation. Kamusta ka?”

 

“Okay naman. Busy sa school. Ikaw?”

 

“Busy din mag-aral kagaya mo. Kaya nga wala akong girlfriend eh.”

 

“Eh kasi nang-iiwan ka.” (pabulong na sabi ko, habang nagbubuklat ng page sa book)

 

“Look. Hindi ko sinabi sa’yo yung dahilan. Klein, natakot ako. Duwag ako, inaamin ko. But one thing is for sure, I still love you.”

 

“WOW. Gumaganyan ka na ngayon ah. Ano bang nakain mo? Actually hindi mo naman kailangang mag-explain eh. Alam ko namang duwag ka, matagal na.”

 

“Hindi ako nagparamdam sa’yo. Almost 3 years? Tama ka hindi ko na kailangang mag-explain kasi hindi naman naging tayo. Gusto ko lang maging clear ang lahat. Bumalik ako dito, kasi ngayon alam ko nang matapang ako. Na kaya ko nang mag-explain.”

 

“You know, you’re just wasting my time. May kailangan pa kong gawin. Nice meeting you. Salamat sa libre.”

 

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita, tumayo na ko at lumabas. LORD, BAKIT PO? ALAM NIYO NAMANG MAHINA AKO. HINDI AKO READY. BAKIT KAILANGAN PA NAMING MAGKITA? NAKA-MOVED ON NA KO EH. 

Continue Reading

You'll Also Like

97.7K 3K 55
Maibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakata...
9.5K 235 52
"Don't expect me to love you. I never wanted this marriage in the first place!", he coldly said that made my heart bleed in pain. I blink my eyes to...
138K 3.2K 69
(Under Renovation) SYNOPSIS Minsan ang pagmamahal natin sa isang tao ang siyang nagtutulak sa atin para gumawa tayo ng mga bagay na pwedeng ikasira a...
63.7K 2.5K 52
[Prologue] NBSB? Yan ako! No Boyfriend since Birth! Haha, eh ano naman kung NBSB ako? May nanliligaw naman sakin kahit papano no! I have my first lov...
Wattpad App - Unlock exclusive features