Kung laging ang buhay ay ligaya at saya
Ano pa ang silbi, ano pa ang mahihita
Gumising't lumayo, tiyakin ng diwa
Na ang buha'y gipit, sa oras't laya
Sapagkat ang buhay ay mistulang asin
Minsan naroon, ngayo'y wala na rin
Tandaan ng tunay, ang asin'y isipin
Bagama't maalat, dulot ay kay lalim
Isinulat ko ito bilang isang task noong SHS ako. Hindi kasi nagtuturo guro namin noon kaya pinasusulat na lang kami ng tula na may sukat na lalabindalawahin. haha.
Ikaw, anong masasabi mo sa tulang ito? Mag-comment sa baba. :)