Mafia Siblings 1:When the Day...

By 7teenz

29 7 9

Don't find the love, let the love find you even when the day becomes dark. More

Chapter 1
chapter 2
chapter 4

chapter 3

4 1 0
By 7teenz

Walang teacher ang pumasok sa hapon. Kami lang tatlong babae ang nandito sa loob ng room pero pareho kaming walang pakialam sa isa't isa. Si Maddy natutulog lang, si Unika nagbabasa ng mga teenfiction stories. Habang ako nag iisip kung saan ko to ibigay ang hawak ko ngayong invitation dahil walang Weland ang pumasok.

Bwesit talaga siya! Pahirap masyado. Bakit ko rin ba to tinanggap sa babaeng di ko kilala? Siguro dahil naawa ako sa kanya

"O gusto mo lang talagang malapit kay Weland" napatayo ako dahil sa pumasok sa isip ko.

"No way!" Sigaw ko

"Anong no way, na pinagsasabi mo diyan?" Gulat na tanong ni Unika at lumapit sakin.

"Wala, may naisip lang" alangan siyang tumango

"Baliw ka na" napalingon kami kay Maddy.
Pero nakasubsob na ang mukha niya sa mesa.

"Unika ikaw ang magbigay kay Weland nito" inabot ko sa kanya. Ngiting aso niyang tinanggap yun"Naks! May pa love letter ka pang nalalaman. Di naman ako magtataka gwapo naman talaga si Weland kaya nga kahit bully yun marami parin ang nagkakagusto sa kanya-aray!" Binatukan ko siya daming sinasabi e.

"Ano bang pinagsasabi mo. Di yan sakin galing dun yan sa babae kanina. Pinapabigay daw ni Brienne" kumunot ang noo niya. Halos mapunit na niya ang hawak.

"Gosh! That girl!" Gigil niyang sabi. Sino ba siya? Ipinakita niya sakin ang picture ng birthday celebrant. Nagulat ako pero ngumisi ako kalaunan. Nandito lang pala siya ha!

"What a small word" sabi ko. "Kilala mo siya?" Tanong ni Unika. "Kilalang-kilala" sinong di makakilala sa isang Brienne. Sikat kaya yan sa school ko dati.

"Bakit mo siya kilala?" Tanong niya "You will know sooner or later but for now lets go. Tayo lang naman ang nandito"ginising namin si Maddy at sabay kaming lumabas.

Pinagtitinginan kami ng nga studyante si Unika nakayuko kami ni Maddy walang paki. Nagbulong- bulungan pa sila. Napahinto kami nong may nakita kaming kumpulan ng tao.

"Yumi wag mo na lang pansinin sila, masasanay ka rin" hinawakan pa ako ni Unika. "Di ako makikisali, titingin lang natin" nakisiksik kami sa kumpulan ng mga studyante.

"Si Brienne na naman!" Bulong ni Maddy sapat lang na narinig namin ni Uni yon. Pinaliligiran nila Brienne ang babae na nagpasuyo sakin kanina patungkol sa invitation card.

"Bakit hindi nakarating kay Weland ang invitation ha!"sinambunutan niya ang babae halata na nasasaktan na ito pero tiniis na lang niya. May pasa na rin ito sa kabilang pisngi. Hinawakan ng dalawang lalaki ang babaeng nakaluhod at pilit na pinatingala.

"Leave her!. Ito ba ang hinahanap mo" itinaas ko ang card. Nagulat siya di dahil nasa akin ang card kundi. Nasa harap niya ako. "O bakit gulat na gulat ka?" Ang gulat niyang mukha napalitan bigla ng isang malaking ngisi.

"No, this can't be" hindi makapaniwalang sabi niya habang nakatitig sa akin. Patuloy pa rin ang paglalakad ko papalapit sa kanila kaya dinig na dinig ko lalo ang bulungan sa paligid. Maraming nagtanong kung sino ako Pero ni Isa man walang sumagot

"Hindi ka nananaginip Brienne this is me! This is Mayumi the queen of bitches. Wala bang welcome back diyan galing sayo?"

"Welcome to hell Mayumi!" Nakangiti niyang sabi.

"Thanks Brienne" I will make sure na buhay mo ang magiging impyerno dito. "Btw, this invitation is cheap kaya napunit ko. Di kasi ako humahawak sa mga cheap na bagay lalo na kapag galing sayo. Sorry babe" nag igting ang panga niya, galit na galit?

"Bye! Ingat ka babe baka may tumaga lang sayo bigla sa daan" sabi ko pa bago umalis kasama ang babaeng binully niya kanina.

"Salamat, dahil kung di dahil sayo baka may nangyari ng masama sakin" nangingiyak niyang sabi. Tumango lang ako at umiwas ng tingin. Ayokong makakakita ng babaeng umiiyak at nagmamakaawa dahil naalaala ko si mommy nong mga panahon na lumuhod pa siya sa harap ni daddy.

"Girl bakit ba kasi di ka lumaban kanina?" Pang uusisa ni Unika. "Scholar lang ako dito baka matanggal ako kapag di ko siya sinunod"

"Dapat nagsumbong ka sa mga teacher diba" sabat ni Maddy. "Hindi pwede, si Brienne ang anak ng may ari ng school nato, lahat naniniwala sa kaniya. Tsaka may boyfriend siyang isang gang leader. Paano kung ipasalvage ako pati ang nanay ko?"

"May pumatol pala dun. Ang cheap naman nong lalaki kapag nagkataon" sabi ko. Tumawa silang tatlo sa sinabi ko. "Kung alam mo lang kung sino Yumi. Sure akong magwawala ka" kinunutan ko ng noo si Unika.

"Bakit naman?"

"Kasi si Weland Shimakata ang boyfriend niya!" Sabay nilang sabi.

"Ano!?, ulitin niyo nga yung mga sinabi niyo nabingi ako ng panandalian e" sabi ko habang hinawakan ang isang tainga ko.

"Si Weland ang boyfriend niya!" Sinigaw yun ni Unika sa mismong tainga ko. Napa aray ako kaya totoo talaga ang narinig ko. Sabagay, bagay sila parehong sira ulo. "O ano, masakit ba Yumi" pang aasar sakin ni Unika.

"Shut up! Uni! Bakit naman ako masasaktan di ko naman yun gusto. Kahit siya na lang ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo di ko siya papatulan!" Sagot ko at iniwan sila dun na nagtatawanan.

Kaasar ah! Yung Shimakata na yun mata lang ang maganda sa kanya wala ng iba. Bagay sila ni Brienne isang walang utak at isang gago.

Wala sa vocabulary ko ang magmahal lalong-lalo na kapag lalaki ang usapan.

Nagtuloy-tuloy ako sa paglakad papunta sa motor ko. Linisan ko ang skwelahan na yun at dumaan sa isang coffee shop. Kanina ko pa gusto pumunta dito e.

"Good afternoon ma'am. Here's your order. Magpapa reserve ba ulit kayo para bukas?" Tanong sakin ng isang waitress. Kilala niya na ako dahil palagi akong nandito. Tumango ako at umupo sa pinaka dulong upuan. Habang umiinom ako ng coffee may narinig ako na parang nag aaway sa likuran ko. Pasimple kong sinilip yun, nakita ko sina Brienne at Weland.

"Weland naman puro ka na lang barkada, paano naman ako ha! Ako ang girlfriend mo tapos sila ang lagi mong kasama" sabi ni Brienne

"Brienne naman alam mo namang ang dahilan diba. Oo girlfriend kita pero kaibigan ko sila noon pa." May sweet side din pala ang gagong to ha. Malunamay ang pagkasabi niya at hinawakan pa ang kamay ni Brienne. "Wag kang mag alala baby babawi ako sayo. Kaya ngumiti ka na ha. Tandaan mo ikaw lang ang mahal ko" hinalikan niya si Brienne sa noo.

Nakakadiri sila tingnan. Maghihiwalay din kayo!

Umalis na ako dun bago pa ako masuka sa ka cheesy-han nila. Inubos ko muna ang kape ko bago tuluyan lumabas. Naibuga ko ang ininom ko nong makita ko si Unika sa harap ko na sobrang laki ng ngisi.

"Ano na naman?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh ngayon naniniwala kana, sinundan mo pa talaga sila ha" napairap ako. Kailan ba ako titigilan ng babaeng to.

"Hindi ko sila sinundan ako kaya ang nauna dito, tsaka lagi akong nandito"

"Sus, naniwala naman ako"

"Edi wag kang maniwala. Problema ba yun" iniwan ko siya dung humalakhak. Kunti na lang talaga at masasapak ko na siya.

"Ito naman ang high blood agad. Wag ka kasing magselos Yumi. Mas maganda ka naman kaysa sa isang yun e" yan na naman siya!

"Mygod shut up Uni! Di ako nagseselos dahil wala akong gusto ni katiting sa lalaking yun. Kung ipagpipilitan mo pa yan masasapak na talaga kita" nagtaas siya ng dalawang kamay na parang sumuko na pero nakakainis ang ngisi niya.

"O...kay...sabi mo e. Teka! Sama ako sayo" di ko siya pinansin. Bakit ba to sunod ng sunod sakin. Tsaka di kami close.

"Uni!"

"Ano yun Yumi" malambing pa niyang sabi at nag puppy eyes.

"Isa Uni, sasamain ka talaga ka. Don't follow me or else you're dead"

"Grabe naman to! Dead agad. Magpapahatid lang naman ako sayo e. Wala akong pamasahe!" Sigaw niya kaya napalingon ako sa kanya pati ang mga tao sa paligid napahinto at tumingin samin.

"Tara!" Nakakahiya talaga ang gagang to! Kapal ng mukha. Di kami close tapos magpapahatid sakin. Malaking ngiti ang iginawad niya sakin.

Tingnan natin kung makangiti ka pa ng ganyan pagdating mo sa bahay niyo, tinaasan niya naman ako ng kulay. Napansin siguro niya na may naisip ako.

Wala akong extrang helmet kaya siya na lang ang pinaghelmet ko. Pagkasakay oa kang niya pinaharurot ko na ang motor ko.

"Jusmeyo ka Yumi! papatayin mo ba ako ha!" Bulyaw niya.

"Sino bang nagsabi sayo na sumabay ka sakin?. Ako ba ha!" Balik kong sigaw.

"Ang sama naman nito" hinampas niya pa ako sa balikat. Tumawa lang ako "I know right"

Napayakap na ng mahigpit si Unika sa baywang ko. Pagkadating naming sa bahay nila para na siyang ewan na nakatulala na lang. Nabatukan ko siya kaya napatingin siya sakin.

"That's really amazing Yumi. Next time ulit ha" laglag panga akong nakatingin sa kaniya. Really?

"Akala ko ba takot ka?"

"Hindi no! Sinong nagsabi sayo? Tsaka ang saya pala kapag ganun ka bilis ang pagpapatakbo no. Thank you Yumi sa pagtupad ng isa sa mga pangarap ko na makasakay ng magandang motor gaya niyang sayo" tapos niyakap niya ako. Kaya for the second time nalaglag na talaga ang panga ko six feet under the ground.

Hanggang sa pag byahe ko pauwi sa mansyon. Hindi ako makapaniwala talaga na nakatupad ako sa isang pangarap, na para sakin ay wala lang pero pangarap pala yun ng iba.

Continue Reading

You'll Also Like

128K 3.2K 93
COMPLETE | UNEDITED ______________ What was done to me, I will do to others more severely―Simula nang masaktan at makaranas na maloko si Anne, naging...
817K 28.1K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
310K 8.8K 35
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1.8M 71K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.