Black Mafia 9: Rix Navarro

By RHNA24

67K 1.8K 20

-I live like a princess. Not until I met him and become his slave- Rix Navarro known as a typical playboy. He... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
EPILOGUE

CHAPTER 27

1.6K 47 0
By RHNA24

Angela

"Are you serious dad?!" I just snapped out like that when I confirmed that he will be my private body guard.

But what the hell?! Karma ko ba ito o coincidence? Bakit sa dinami-daming kunin ni dad ay siya pa? And wait, may alam ba siya sa pagiging body guard? As far as I remember, pasarap lang ang gawain niya sa buhay.

Nandito ako sa library ni dad kasama siya. Nakaupo siya sa kanyang lamesa habang ako ay hindi mapakali na pabalik-balik ng lakad. Mukhang kanina pa nga nahihilo si dad sa akin pero hindi ko mapigilan!

Hindi alam ni dad at mom ang isyu namin ni Rix dahil hindi ko naman binabanggit sa kanila ang tungkol duon. I don't want to talk about it and I just want to forget. But what now?! Bakit pinagtagpo na naman kami?!

"Anak, calm down. Umupo ka nga diyan. Nahihilo na ako kapapanood sayo." Suway pa ni dad sa akin.

Frustrated na sinabunutan ko ang aking buhok. Kasi naman eh! Gusto ko sanang sabihin sa kanila ang nangyari sa amin pero ayoko namang ungkatin ang nakaraan! Masasaktan na naman ulit ako.

I sigh and choose to sit in the sofa. Pagod akong sumandal sa couch at napatitig sa kawalan.

"Marami namang iba diyan na pwede mong i-hire, dad. Bakit siya pa?"

"Why not him? He's expert on everything. Martial arts and firing. Kaya ka niyang protektahan. Mapapanatag na kami ng mommy mo. Hindi ko naman siya pwedeng palitan nalang dahil nakapirma na ako ng kontrata na magiging private body guard mo siya hanggang sa mahuli ang gustong magpapatay sa pamilya natin."

Mas lalo lang yatang pinabibigat ni dad ang ulo ko dahil sa kanyang mga sinabi. Hanggang sa mahuli ang tumatangka sa buhay namin?! When? Hindi ko alam kung kailan basta ang alam ko, matagal pa bago mangyari yun.

I look at dad tiredly. "Hindi ba pwedeng magbayad kana lang? You can do it right? Basta wag lang siya dad."

"I'm sorry hija, but it's against on their Organization. Kapag nagkapirmahan na kami, wala ng atrasan. Hindi ko magagawa ang gusto mo hija."

Bumuntong hininga ako at marahas na pinakawalan ito. I guess wala na nga akong magagawa tungkol dito. May ganun bang Organisasyon? Pwede naman sanang magbayad nalang para mapalitan. Pero bakit hindi pwede?

And I have a question too. Anong Organisasyon ang kinabibilangan ni Rix? Bakit wala akong alam tungkol duon?

I stilled at shook my head. Pasimple kong hinaplos ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko dahil kumirot na naman ito. Muli ay napabuntong hininga ako.

"Bakit parang ayaw mo kay Rix, anak? Kilala mo ba yung tao?"

Nanigas ang katawan ko sa tanong ni dad sa akin. Tumahimik ang buong paligid at tanging malakas na pagkabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko.

Tumikhim ako at mabilis na tumayo. "It's not like that, dad. Lalaki kasi siya tapos babae ako. And weird naman kung palagi ko siyang kasama diba?" Binuntunan ko pa iyon ng mahinang tawa pero nagmukha lang akong tanga.

"Ah, okay. Pero mas mainam ng lalaki ang magbabantay sayo para sigurado kami ng mommy mo. Konting tiis lang anak. Hindi naman siya habambuhay na nakabantay sayo. Hanggang sa matapos lang itong problema ng pamilya natin."

My lips thinned and just nod on what my father said. Maybe I can endure a short period of time right? Maybe I can endure the little pain everytime I saw him right?

I sigh. Hindi ko alam kung magagawa ko ba pero sana naman oo. Siguro kailangan ko lang siyang iwasan. Hindi kausapin at hayaan siyang panisan ng laway. After all, sanay naman siyang hindi magsalita.

Isang katok ang nagpabalik sa realidad ko dahilan para mapailing ako.

"Dinner is ready!" Mula sa labas ang ay narinig ko ang boses ni mommy.

Sabay kaming lumabas ni dad sa kanyang library at pamunta sa dining area. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang hindi sinasadyang magkasalubong ang aming tingin. Naduon siya. Nakatayo sa gilid at nagbabantay.

I silently scoffed and rolled my eyes. Kung hindi lang kay dad at mom, nuncang papayag ako na siya ang magiging private body guard ko.

Haler? The pain in my heart is still fresh. Naghihilom palang pero sa'tuwing tumitingin ako sa itim at malalim niyang mata ay parang pinipilipit na naman itong puso kong nagpakatanga. Nahulog pa sa maling tao.

But I swear, I already move one and I don't.. love him.. anymore.

"Anak, are you okay? May problema ba?"

Napakurap-kurap ako at napatingin kay mom. Pati si daddy ay napatingin din sa akin kaya agad akong ngumiti para hindi na sila mag-alala.

"I'm fine mom. May iniisip lang ako." I lied.

Tumango-tango naman siya. "Then eat. Kailangan mong magpalakas."

I silently nod and eat my food. Actually parang nawala yung gana ko dahil hindi ko man siya tingnan, alam kong nakatitig siya sa akin dahil nakikita ko siya sa peripheral vision ko. Tanging si mom at dad lang ang maingay sa hapagkainan.

"Join us here, hijo. Marami pa namang pagkain." Alok ni dad sa kanya dahilan kung bakit ako natigilan.

"I'm fine Tito. Busog pa naman po ako. Naparami kasi yung kain ko sa binake na cupcake ni Tita. Sobrang sarap po kasi."

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses niya. Pero hindi lang yun ang dahilan kung bakit nanlalaki ang mata ko.

Did he just call mom and dad, Tita and Tito? TITA AND TITO???? What's happening?

"I'm flattered hijo. Hayaan mo sa susunod, hindi lang cupcake ang ibi-bake ko para sayo." Sagot naman ni mom na para bang hindi na bago sa kanya na tinawag siya ni Rix na Tita.

"It's just a cup cake hijo. Iba parin kapag kanin at ulam ang kainin mo. Don't be shy. Umupo kana sa tabi ng anak ko."

Gusto ko sanang samaan ng tingin si daddy pero baka magtaka naman siya kung bakit ko yun gagawin. I just rolled my eyes.

"But—"

"No buts hijo." Naging maotoridad ang boses ni dad kahit nakangiti pa siya.

He looks scary. I admit it. Pero mas nakakatakot si dad kapag masaya. And weird ng ginagawa niya.

Hindi ko narinig ang kanyang tugon bagaman ay naramdaman ko ang kanyang presensya sa tabi ko. I shut my eyes close when his manly scent envaded in my nostrils.

Binilisan ko nalang ang pagkain ko at hindi nalang pinansin ang kanyang presensya. Ayoko namang umalis nalang dito bigla nang dahil sa kanya dahil magmumukha lang akong bitter. Gusto kong malaman niya na hindi na ako naapektuhan sa kanya.

Si mom at dad lang ang kumakausap sa kanya na sinasagot din naman niya. Mabilis ang naging subo ko dahil gusto ko magpahinga. Yeah. Gusto ko ng magpahinga.

"Don't you have girlfriend hijo?"

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni dad dahilan kung bakit napatingin si mommy sa akin. Nagtataka.

"Are you okay hija?"

Alanganin akong ngumiti dahil alam kong nasa akin ang mata ng lahat. "Y-Yes mom."

Lihim akong nakahinga ng maluwag nang tumango lang si mom sa akin.

"You didn't answer my question hijo. May girlfriend ka ba?"

Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Wala naman akong interes sa pinag-uusapan nila.

"I don't have any Tito."

"But you have love ones?"

Bigla akong natigilan at napahigpit ang hawak ko sa kubyertos. Akala ko ba hindi kana naaapektuhan? I frown on what my mind said. Of course I'm not affected. Natigilan lang talaga ako.

"I—"

Bigla akong napatayo dahilan para tumigil silang lahat sa ginagawa at napatingin sa akin. I cleared my throat afterwards.

"T-Tapos na po akong kumain. Akyat lang po ako sa taas. Marami pa akong gagawin."

Hindi ko na hinintay ang kanilang sagot at naglalad na ako palayo duon. Kinuha ko ang bag at ilang papeles na iniwan ko sa living room saka ako dumeretso ng akyat sa kuwarto.

Maingat kong inilapag sa lamesa ang dala ko saka ako nanghihinang napaupo sa kama. I silently wipe my tears away. I'm not affected. I'm just still hurt because the pain in my heart is still fresh. Yes I've move on but why? Why I'm hurting again?

Iyon ang katanungan na namalagi sa isipan ko hanggang sa nakatulugan ko ito. Kinabukasan ay mabilis akong naligo at nagpalit ng office attire. Nilagyan ko ng kaunting kolorete ang mukha ko dahil namumutla ito.

Kinuha ko lang ang nga importanteng gamit na kailangan kong dalhin saka ako nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Maaga pa naman pero kailangan ko ng pumasok dahil nakalimutan kong pirmahan ang mga pepeles na dinala ko dito kahapon.

Dumuretso ako sa kusina para magpaalam kay mom dahil naamoy ko na ang niluluto niya.

"Mauna na ako mom. Sa office nalang ako kakain." Saad ko sa kanya bago ko siya halikan sa pisngi.

"Ganun ba? Pakikuha naman yung isang box ng cup cake sa ref. Kainin mo nalang yun sa opisina. I baked it!"

Tumango ako at mabilis na kinuha sa ref ang isang box ng cup cake. Saka ako nagmamadaling lumabas ng bahay at sumakay sa kotseng naghihintay sa akin.

Sa labas lang ako tumitingin habang bumabiyahe. Alam ko kasing siya na ngayon ang kasa-kasama ko kagaya ng sabi ni dad sa akin.

Kailangan kong magpakatatag. Kailangang hindi ako maging mahina kapag nandiyan siya. Kailangan hindi na ulit ako umiyak ng dahil sa kanya.

Galit. Galit ang namumuo dito sa puso ko dahil sa ginawa niya. Yes, nasasaktan pa din ako dahil sa ginawa niya pero mas nanaig ang galit dito sa puso ko dahil walang hiya siya.

Nang makarating kami sa kompanya ay mabilis akong lumabas ng kotse. Binati lang ako ng nga security guard na binati ko din pabalik. Hindi pa man ako nakakalayo ay may biglang humila sa akin at niyakap ako.

Akmang titili ako nang manuot sa ilong ko ang kanyang pamilyar na pabango. I smiled instantly. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. We were both busy kaya hindi kami nagkita sa kompanya kahapon.

"I miss you munchkin." Nakangiting usal niya nang kumalas siya sa akin sa pagkakayakap.

Abo't tengang ngumiti ako sa kanya. "Na miss din kita Noah. Hindi tayo nagkita dito kahapon. Naging busy din kasi ako kaya hindi ako nakalabas."

"That's fine. Your safety is the top priority. Alam ko din namang magiging busy ka kaya hindi na kita inistorbo."

Mas napangiti ako nang malawak pero agad din iyong naputol nang may tumikhim sa likod ko. Hindi ko na kailangang lingunin dahil kilala ko na kung sino ito.

I ready my smile and turn my head to him. Tahimik lang siya pero hindi maipinta ang kanyang mukha.

"By the way, Noah. This is Rix, my private body guard. Rix, this is Noah, a close friend of mine." Pakilala ko sa kanilang dalawa habang iminumiwestra ang kamay.

"Hi. Nice to meet you." Pormal na inabot ni Noah ang kanyang kamay na agad namang inabot ni Rix.

"Same."

Muntik na akong mapairap pero pinigilan ko nalang.

"Okay. Ngayong magkakilala na kayo, aalis na ako. Kita nalang tayo Noah." Tinapik ko pa ang kanyang balikat.

"Yeah. See you."

Kumaway pa siya sa akin bilang pamamalaam bago ako dumeretso sa elevator. Este kami pala. Nakasunod kasi si Rix sa akin hanggang sa makapasok kami sa loob.

Napausog tuloy ako sa kabilang sulok ng elevator. Ayoko lang na malapit ako sa kanya. Naalibadbaran ako.

"A close friend huh?" He mockingly said after a while.

Biglang tumaas ang kilay ko pero hindi ako nakatingin sa kanya. "Yes. Any problem with that?"

"Nothing."

I rolled my eyeballs. Nakakapagtaka talaga na nandito siya ngayon imbes na kasama ang babae niya. Haler? As far as I can remember, isa din si Rix sa pinakamayaman na business man dito sa buong mundo.

His family owned a freaking cruise ship all over the world. Kaya bakit siya nagtitiis na maging body guard ko? Whatever his reason, I don't care. 

Nauna akong lumabas ng elevator bago siya sumunod. Hindi ko pa nadatnan si Allan sa kanyang lamesa dahil siyempre, sobrang aga pa ngayon.

Tumigil ako sa harap ng pinto ng aking opisina saka siya hinarap at sinamaan ng tingin. Ngayon na walang ibang tao dito sa opisina maliban sa aming dalawa, malaya ko na siyang tatanungin.

"Kung ano man ang plano mo, hindi na yan uubra sa akin ngayon. Lumayo na ako at hinayaan kita duon. Bakit parang sinusundan mo ako?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

Napakunot ang kanyang noo. "I don't have pla—"

Sarkastiko akong natawa dahilan para mapatigil siya. "Come on Rix! Tayong dalawa lang ang nandito. Hindi uubra sa akin yang mga kasinungalingan mo dahil hindi na ulit ako maniniwala sa isang katulad mo."

"But I'm stating the fact. Wala akong plano gaya ng kung ano yang iniisip mo. This is my job in the Organization. Kung hindi lang dahil sa dad mo, hindi ako magtatrabaho bilang body guard sa katulad mo."

Parang punyal ang kanyang mga salita na siyang dahilan kung bakit parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Bumuka sara ang bibig ko pero walang salitang lumabas duon. Napayuko ako nang biglang mag-init ang magkabilang sulok ng aking mata pero matindi ang pagpipigil ko dito.

Napatango-tango ako bago nag-angat ng tingin. Hindi katulad kanina, naging maamo na ang kanyang mukha.

"Okay. Madali lang naman akong kausap."

Matapos kong sabihin yun ay tululuyan ko na siyang tinalikuran para pumasok sa opisina.





RHNA24 | rhiena manunulat

Vote for more updates❤️

11-23-20

Continue Reading

You'll Also Like

208K 12.9K 36
Alera lost her mother early in life and was raised by a strict king for a father and the many nursemaids who crossed themselves before touching her...
13.7K 920 31
A princess desperate to protect her child. A lone wolf learning to live again. A kingdom in trouble. And a whimsical little boy who sees what others...
578 71 35
[ REVISE, SOON ] "You don't just do it. You feel and savor every seconds while doing it." Cleopatra Guevarra, the 'never been kissed' owner of Guevar...
Wattpad App - Unlock exclusive features