My Alien Soulmate (boyxboy) [...

By Badorita

690K 20.5K 615

Si Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyan... More

My Alien Soulmate
Prologue
Chapter One (The Selected One)
Chapter Two (Unidentified Follower Of abby)
Chapter Three (The Encounter)
Chapter Four (Mission Accomplished)
Chapter Five (Dreams or Reality)
Chapter Six (Reality is stranger than Fiction)
Chapter Seven (A Narrow Escape)
Chapter Eight (Mysterious Man in the Dark)
Chapter Nine (The Outrageous Alpha)
Chapter Ten (Same-sex Reproduction)
Chapter Eleven (A Mess Mind)
Chapter Twelve ( The Philetor and the Kleinos)
Chapter Fourteen (The Beginning of Everything)
Chapter Fifteen (Romance begins in unexpected ways)
Chapter Sixteen (Two Old Friend)
Special Chapter (Valentine's Edition)
Chapter Seventeen (Under the light of a thousand stars)
Chapter Eighteen (Back to Earth)
Chapter Nineteen (Best friends are the best)
Chapter Twenty (Despedida Part One)
Chapter Twenty-One (Despedida Part Two)
Chapter Twenty-Two (Complex Equation of Love)
Chapter Twenty-Three (Love in the time of cholera)
Chapter Twenty-Four (Love goes through a bit of a rough patch)
Chapter Twenty-Five (Wear your heart on your sleeve)
Chapter Twenty-Six (Absence make the heart grow fonder)
Chapter Twenty-Seven (Sweet Smile Sweet Kisses)
Chapter Twenty-Eight (The love of two destined soul)
Chapter Twenty-Nine (The Mated Alpha)
Chapter Thirty (Something is coming)
Chapter Thirty-One (A grand adventure is about to begin)
Chapter Thirty-Two (First Trimester)
Chapter Thirty-Three (Vertigo of Love)
Chapter Thirty-Four (Congratulations)
Chapter Thirty-Five (Patrem Philcan's Confession)
Chapter Thirty-Six (Sometimes knowledge is disgusting)
Chapter Thirty-Seven (F.E.A.R.S)
Chapter Thirty-Eight (Secret Mission)
Chapter Thirty-Nine (Emergence of Clue)
Chapter Forty (The Battle of White and Red)
Special Chapter (A Tribute for the Graduates)
Chapter Forty-One (Abby versus Philcan)
Chapter Forty-Two (Serendipity of Love)
Chapter Forty-Three (First Move)
Chapter Forty-Four (Round One)
Chapter Forty-Five (Recrudescence)
Chapter Forty-Six (Old friend)
Chapter Forty-Seven (The Battle Plan)
Chapter Forty-Eight (Xenica War II Part 1)
Chapter Fifty (Goodbye is not the end)
Epilogue
Author's Note

Chapter Thirteen (Unintentional Kiss)

13.5K 479 8
By Badorita

"If we have souls, they're made of the love we share. Undimmed by time, unbound by death,"

Jack Harper, Oblivion (2013)

_____

Pagbaba ng pagbaba nila sa lupa at ng maramdaman na ng munting nilalang na nakayakap sa kanya na nakatapak na ang paa nito sa lupa bigla na lang siya nitong sinugod at pinagpapalo.

"Siraulo ka! Gusto mo ba akong patayin sa nerbyos!" pinigil niya ang kamay nito. Hinawakan niya muli iyon. Masarap sa pakiramdam na hawak ang kamay nito. Nakakarelax.

"Saan mo ba talaga kami dadalhin?! Kung gusto mo palang mamasyal dapat sa mall tayo pumunta! Nasa gubat na naman tayo, sawang-sawa na ako sa gubat! although maganda ang gubat ninyo rito kaysa sa planeta namin! pero hindi ko feel mamasyal ngayon sa gubat, mayr'on ba kayong mall dito? Naturingan pa namang napaka-advance ninyo sa technology pero..!"

"Please shut up!" sigaw niya. Hindi pa nga sila nakakatagal sa lupa ang dami ng nasabi nito. Ganito ba talaga ito? So annoying.

Natigil ito kaya nagpatuloy na siya sa paglalakad. Hila-hila niya na naman ito.

"Alala, wala ba kayong mall dito?"

"Ano po 'yon?"

"Ano, ahm..building 'yon na malaki tapos marami kang mabibili d'on, pwede kang manood ng movie, teka may mga movie ba kayo rito?"

"Ano po ulit 'yon?"

"Napapanood 'yon sa tv, ang lalaki pa naman ng flat screen niyo rito, sarap lang manood dito ng movie, kaso mukhang wala kayong movie rito, marami nga akong napapanood na mga alien d'on parang tulad niyo,"

"Talaga po?"

"Oo, alam mo ba, ibang iba ang alien sa movie namin, hindi nga ako makapaniwala..." hindi na nito naituloy ang mga sasabihin dahil idinikit niya na ang kanyang mga labi sa labi nito. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito. Matagal ang pagkakadikit ng mga labi nila. Pareho silang nakatitig sa isa't isa. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito samantalang siya naman ay naging blangko ang isip. Iba sa pakiramdam ang labi nito na nakadikit sa labi niya, mas masarap kaysa sa pagyakap nito. Kusa na sanang gagalaw ang mga labi niya kaso bigla nitong inalis  ang mga labi. Nakita rin niya ang pamumula ng pisngi nito.

Matapos ng ginawa niyang iyon, hindi na muli itong nagsalita. Good. Ngayon alam niya na kung pa'no ito patatahimikin kapag maingay. Two points. Advantage ng pagiging Alpha. Hum. Ha.

Pero siya naman ang hindi nakatiis, nabibingi na siya sa katahimikan tanging naririnig niya na lang ay mga yabag nila at mga tunog sa paligid. Pasimple nitong inaalis ang kamay na nahahawakan niya pero hindi niya hinahayaan 'yon mas lalo niya pang hinihigpitan, pinagsalikop na nga niya ang kanilang mga daliri para hindi na nito mabawi.

"Bakit hindi ka na nagkukwento?" hindi na niya natiis magtanong.

"Tinatamad na ako, gusto ko na sanang bumalik sa bahay ni Alican, napapagod na kasi ako," nakayukong sabi nito, nahimigan niya ang lungkot sa sinabi nito.

"Anong problema?" usisa niya.

"Wala, napapagod lang ako," pag-iiwas nito.

"Okay, sa susunod na lang natin ituloy ang pamamasyal," subalit bago pa man sila makabalik naramdaman niya na nag-iba ang wind temperature.

Agad niyang in-alerto ang Omega, "Bantayan mo ang Apolectus Unum," tumango naman ito.

"Anong nangyayari?" tanong nito.

"Dito lang kayo,"

Mabilis niyang tiningnan ang pinanggalingan ng pagbabago ng temperatura sa hangin. Impossibleng magkaroon ng ferus sa parteng ito ng gubat. Kabisado niya na ang pasikot sikot sa parteng ito kaya nga dadalhin niya sana ang munting nilalang sa isang talon subalit mukhang napagod agad ito dahil hindi ito sanay lumipad.

Mayamaya pa ay bumalik na sa dati ang temperatura, "That's unusual," isinawalang bahala niya na lang iyon, baka naging irregular lang ang wind temperature, mukhang guni-guni niya lang. Bumalik na siya sa kinaroroon ng munting nilalang at omega.

Hindi pa nga siya nakakalapit ay napapakunot noo na siya, naririnig na naman kasi niya ang lintaya ng madaldal na lalaki.

"Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko, dinala mo ako sa ganitong lugar para ipakain sa halimaw, iiwan mo na lang akong bigla rito tapos susunggaban na lang ako bigla ng mga malalaking halimaw. Sinabi ko naman diba pag-iisipan ko ang mga sinabi sa akin ni Alican. Huwag niyo naman akong madaliin. Mahirap din ito para sa akin."

"Hindi ka ba hiningal sa haba ng sinabi mo?"

"Ewan ko sayo!"

Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman gusto niyang kurutin ang mga pisngi nito dahil sa reaksiyon ng mukha nito ngayon.

Hinawakan niya ang kamay nito, "Hindi kita iiwan dito, saka kung gusto ko mang idispatsa ka, hindi sapat ang pagpapakain sa'yo sa halimaw na sinasabi mo," naramdaman niya na lang na binatukan siya nito, walang epekto iyon sa kanya pero imbis na mainis bakit parang nagustuhan niya iyon?

"Bakit mo ginawa 'yon?!" kunyaring asik niya.

Inirapan siya nito, sa ginawa nito ay nagmukha na naman tuloy itong isang lepus, isang hayop dito sa kanila na sobrang sarap alagaan dahil sa sobrang nakakagigil. Binabawi na naman nito ang kamay pero nungka hindi niya iyon bibitawan.

"Bumalik na nga lang tayo sa asticus, sa susunod na lang kita dadalhin sa lugar na iyon," mukha kasing mapanganib ngayon sa lugar na ito, naramdaman na naman kasi niya ang pag-iba ng temperatura gaya kanina.

"Maglalakad tayo pauwi ha, o kaya sumakay kung may jeep kayo rito, ayoko ng lumipad, nahihilo ako,"

"Omega," tawag niya rito, ayaw niya ng magpaliwanag. Ito na lang ang gumawa para sa kanya.

"Apolectus Unum, tanging paglipad lamang po ang paraan para makabalik tayo sa asticus, wala rin pong sasakyan dito kasi po nasa asticus po lahat ng 'yon," paliwanag ng omega.

"Ano!?" nginisian niya ito.

"Talagang sinadya mo akong dalhin dito para makatyansing ka 'no! Manyak din pala kayong mga alien!"

Hindi man niya alam kung anong sinasabi nito pero sumagot pa rin siya, "Hindi 'no, sa'yo lang," ngumiti pa siya. Sana tama ang sinabi niya pero ng makita niyang babatukan na naman siya nito mukhang mali ata ang naging tugon niya.

"Oh! Sorry! Sorry na!" sinasangga niya ang isang kamay nito ng isang kamay niya dahil ang magkabilang kamay nila ay magkahawak.

"Sa susunod talaga hindi na ako sasama sa'yo, manyak!"

"Tama na nga 'yan," ginamit niya na ang kanyang kakayahan para umangat sila. At sa pag-angat nila kasabay naman niyon ay ang pagyakap nito sa kanya.

"Dito ka sa likod ko," sabi niya habang nasa ere.

"Ayoko, dito lang ako," pabor iyon sa kanya, mas lalo pa ngayon na ang dalawang kamay nito ay nasa leeg niya habang ang mga binti naman nito ay nakapulupot sa kanyang beywang.

"Okay," pero nahihirapan siyang kontrolin ngayon ang hangin kumpara kanina. Kaya niyang pagsabayin ang limang nilalang sa ere kahit nga sampu pa, pero bakit ngayon tatlo lang sila ay nahihirapan na siya. Itinaas niya ang dalawang kamay para maayos na makontrol ang hangin.

"Omega, sa unahan ka," utos niya.

"Opo," simpleng tugon lang nito.

"Anong nangyayari?!" tanong ng munting nakayakap sa kanyang katawan.

Hindi siya tumugon, "Philcan?"

Hindi niya maintindihan ang naramdaman ng marinig niyang tawagin siya nito sa kanyang pangalan. Ang sarap sarap sa pandinig. Iyon na ata ang pinakamagandang narinig niyang tinawag siya sa kanyang pangalan.

"Philcan?" ulit nito, parang binigyan siya nito ng panibagong lakas ng tawagin siya nito sa pangalan. Kanina'y nahihirapan  siyang kontrolin ang hangin, ngayon ay parang kahit ilang libong nilalang pwede niyang isama sa ere.

"Philcan, sumagot ka, kinakabahan na ako rito,"

Sige lang. Tawagin mo lang ako sa pangalan ko. Gusto ko 'yan. Masarap sa pandinig.

"Philcan, isa," ngumiti siya.

"Dalawa,"

Ba't wala na 'yong pangalan ko?

"Tatlo," naramdaman niya na lang na kinurot siya nito sa likod. Walang epekto 'yon.

"Umaray ka naman kahit hindi ka nasaktan! Nakakainis ka na talaga!"

"Aray!"

"Too late, sabihin mo na kasi ano bang nangyayari,"

"Wala nga, napakaparanoid mo naman,"

"Sorry ha, kasi po nasa ere po tayo,"

"So?" hinawakan niya ang pwet nito.

"Manyak!"

"Sa'yo lang,"

Mukhang hindi niya pagsisisihan ang maging philetor nito.

Continue Reading

You'll Also Like

171K 8.4K 59
(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Dalawang magkaibang mundo, na nahulog sa pagmamahalan nila ng tudo, itutuloy ba nila? O isusuko na lang nila bigla? P...
2025 By boss ni wawie

Science Fiction

608K 38.9K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
170K 5.8K 38
His soon to be Series #2: His soon to be Boyfie. (Vayne) BOYXBOY, GAYLOVE, YAOI, BROMANCE STORY! EXO FANFICTION!
197K 6.8K 23
Date Started: December 28, 2016 Date Finished: February 20, 2017 #25 IN HUMOR AS OF 03/04/2017 Book Cover: seolight