REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

By spirit_blossom

124K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 9

1.7K 126 71
By spirit_blossom

Si Gino ang usapan sa classroom namin nang ilang araw. Ang mga kaklase namin, nang ipakilala siya sa harap, di maitago ang pagkamangha sa kaangasan ng binata. Hindi ko naman talaga dapat papansinin iyon, kaso nakita ko ang mukha ni Ava habang nakikinig sa pagpapakilala ng damuho. Namamangha rin ang kaibigan ko sa kabilang row na parang ngayon lang nakakita ng binatang semi-kalbo!

Ang mga lalaki ay sinisikap na kaibiganin siya, inaayang sumama sa kani-kanilang grupo nila; samantalang ang ibang babae, kahit sabihin nilang intensyon lang nila ay makipagkilala o makipagkaibigan, nakikita ko sa mga kilos nila ang totoong pakay kay Gino.

Si Gino, ang pink kong lunch box, at ang katotohanang ubos na ang natirang pera ko sa wallet dahil sa pandedemonyo ni Ava na pumunta kaming mall, noong isang araw. I don't think I can survive this week without any money. Hindi rin nakakatulong na maya't maya kong naririnig ang pangalan ng binatang iyon. Nai-stress ako lalo!

Nahugot ako sa katinuan nang may tumama sa noo ko. Tumingin ako sa ilalim nang bumagsak iyon. Isang binilog na pilas ng papel.

"Oops, sorry. I thought it's the garbage can!" sabi ni Stephanie 'saka humagikhik.

Lumingon din si Gino. Nakakatawang isipin na nasa harapan ko nakaupo ang dalawang tao na kinaiinisan ko. Magkatabi pati. They seem to get along dahil parati ko silang nakikitang nagdadaldalan. Napaka-iingay nila and their voices annoy me big time.

Pumilas din ako ng papel at ibinilog kaso ang saakin may kasamang maliit na eraser sa loob. Kaya naman nang tumama ito sa bruha'y talagang napaaray siya.

Nangunot ang noo ni Gino. "Para sa'n 'yon?" tanong niya at tila di talaga nagustuhan ang nakita.

Oh! Was he mad 'cause I just hurt his girl friend?

"It's none of your business." at umirap ako.

Bumaling si Gino sa katabi niya, na ngayo'y hinahaplos ang sentido kung saan ko siya tinamaan. Wala ni katiting ng konsensiya ang gumapang saakin. In fact, I was grinning ear to ear. Don't test me, b¡tch. Nananahimik ang brat na 'to!

"Humingi ka ng tawad sa kaniya." ani Gino nang ibalik ang mga mata saakin.

Nabura ang ngiti ko. "What?"

"Mag-sorry ka sa ginawa mo kay Steph."

"No way! Hindi naman ako ang nanguna!"

"Wala sakin kung sino ang nauna sa inyo. Ikaw ang nakita ko kaya ikaw ang mag-sorry." madiin niyang sabi tila pinalalandakan talaga saakin na kasalanan ko ang nangyari kay Stephanie.

Napabuga na lang ako ng hangin at nagpakawala ng pagak na tawa. Unbelievable!

"Paano kung ayoko?" Tumirik ang isa kong kilay.

"Hinahamon mo ko?" balik niya, "Hindi ka talaga takot sakin?"

Naiinis akong sumandal, humalukipkip, at nakipagtagisan ng tingin sa buwisit na si Gino. Hindi rin nagpatinag ang damuho. Nagtitigan kaming dalawa tila mga mortal na magkaaway. We're in the middle of answering a seatwork kaya abala ang iba naming classmates sa pagsagot sa libro. Ganoon rin kami ni Gino. Magsasagutan na rin kami dito sa back row pag nagpumilit pa siya!

Pumupuyos ang damdamin ko sa pagiging epal ni Gino. Bakit ako ang inuutusan niya samantalang iyang katabi niya ang pasimuno? Oh, right. Magkaibigan nga pala sila. Dumoble pa ang inis ko nang marinig ang nakakarinding boses ni Stephanie!

"Oh, it hurts.." sabi niya habang sapo-sapo ang gilid ng noo.

Nasagad na talaga ang inis ko at napasutsot sa bruha. "B¡tch, stop acting. Malayo sa bituka 'yan di mo ikamamatay 'yan!"

"Stop calling her that." suway ni Gino.

Na sinundan naman ni Stephanie. "Why did you have to do that? Are you happy hurting other people?"

I just want the freaking weekend already nang di ko na makita ang isa sa dalawang to!

Naluluha ang mga mata ni Stephanie. Nakakaawa talaga ang itsura niya at kung di ko pa alam kung gaano ka-tuso ang babaeng ito baka nadala na rin ako sa arte niya. Tulad ni Gino.

"Hindi ka talaga magso-sorry?" tanong niya ngunit may halo na ng pagbabanta.

Mamuti man ang mga mata niya di pa rin makakarinig iyang bruha ng patawad galing saakin. But Gino looking at me like that made me remember Papa. Pareho sila ng binibigay na tingin tuwing may ginagawa akong mali sa mga mata nila. Two different people yet same disappointed eyes!

"Sorry! Ok na ba," wari ko kay Gino, "Sorry ha but you deserved it," sabi ko naman kay Stephanie, "Sa susunod na batuhan mo pa ko ng papel.. sapatos ko na lilipad sayo!"

The disappointment in his eyes doubled, making my heart clenched to the same degree. "Tama ba 'yan—"

"Shut up!"

Bumaling ang mga kaklase namin at bumalot ang bulungan nila sa kaninang tahimik na silid. Walang hupang tumatambol ang puso ko. Hindi ako makapaniwala na ang tulad ko pa ang magpapakumbaba sa kaaway ko. Na kung tutuusi'y di naman ako ang nauna. Pakiwari'y ako na nga ang nagawan ng kasalanan, tapos ako pa ang hihingi ng tawad sa may sala. Hindi makuha iyon ni Gino. Palibhasa kaibigan niya kaya pinapanigan niya!

Nangingilid ang mga luha kong nakatitig sa kaniya pero pinigilan ko lamang ang humikbi.

"Fuego." tawag ng guro sa harapan na nakaunat ang leeg para silipin kami sa dulo. "Ano 'yan?"

"I-I need to use the restroom, sir." Tumayo ako sa kinauupuan at kinuha ang pass sa bulletin board na nasa kaliwa. Hindi ko narinig kung pumayag ang adviser namin pero lumabas pa rin ako.

Bumalik ako sa room after ten minutes. Pa-dismiss na rin kasi ang subject namin nang mag-away kami ni Gino kaya naisipan kong bumalik pag nakaalis na ang adviser. May ilan sa mga kaklase namin ang nakaabang saakin marahil hinihintay ang pass. Wala naman silang kumento at kung mayroon man ay di ko na lang papansinin dahil tapos na kong magtaray.

Hindi ko tuloy natapos sagutan 'yung seatwork namin kasi nga sa nangyari. Nakatulala man ako nang mga sandaling 'yun pero kahit na. Hindi na lang sana nakisali si Gino. Sana di ako lumabas ng room para magpalamig ng ulo!

Tumaas ang kilay ko nang makitang nakasarado ang libro ko sa armchair. I remember leaving it open. Nahuli ko na lang ang sariling binuklat ito sa pahinang sinagutan namin. I blinked, finding out my seatwork was answered and done correctly. Perfect score. Hindi ko penmanship 'yung nandito. Tumingin ako sa seatmate kong lalaki kaso abala ito sa pakikipagdaldalan.

Sino ang sumagot?

Bumaling ako sa harapan. Nakita kong nakalingon si Gino at bago pa man ako makaimik, ngumiti ito saakin at humarap na uli.

Ava and I had our lunch break at the school's cafeteria.

Nakakapanibago kasi di na kami pumupuntang Starbucks o kung saan mang naisipan naming tambayan. Nalulungkot ako pag naiisip kong dala-dala ko itong lunch box, pupunta rito sa mataong kainan, at kakainin ang inihanda para saakin. But what choice do I have? I don't have any money with me. I can't let myself starve, let alone eating this lunch at some place outside. Nakakahiya lang lalo sa makakakita saakin doon!

"Pero infairness masarap nga luto ng katulong n'yo." ani Ava nang tikman ang baon kong Sinigang.

I smiled weakly. "Hindi na mainit.."

"Ayaw mong nililibre ta's ngayon ang drama-drama? Arte!"

Huminga ako ng malalim. These days she did offer me her treat kaso tumatanggi ako. Hindi sa ayoko. Gusto ko. The capabilities of my father were just too much. Paniguradong pag nalaman niyang sinasagot ako ni Ava, na nagiging dahilan para di ako matuto, makakarating ito sa mga magulang ni Ava.

We've known their family dahil bukod sa pagkakaibigan namin ay nakakausap rin ni Papa ang mga magulang ni Ava. Pag renewal ng Mayor's Permit para sa hotel nila na nakatayo sa bayan.

"You know I can't let you do that." sabi ko na lamang at nagsimulang kumain.

"Nakakahiya naman kasi rito, girl. Hindi tayo to. We don't belong here. Nakikita mo ba kung gaanong karaming tao ang nandito?" ani Ava at tila nag-ingat kung may ibang taong nakarinig. Yumuko siya ng kaunti at luminga.

I laughed. The hotel heiress and the politician's child. Our friendship's really one of a kind.

"We should be thankful of Renz's teammates. Siguro kung di nila tayo pinaupo baka hanggang ngayon nakatayo pa rin tayo." panunuloy ni Ava.

Tumigil ako sa pagnguya nang marinig ang pangalan ni Renzo. Ava noticed. Tumigil din siya sa paghigop ng hawak niyang milk tea.

"Hindi mo pa pala nakuwento sakin yung nangyari sa party. Are you two not ok?"

"We stop seeing each other na."

The shock on her face was expected. She, of all people, knows my love for that guy was beyond words and my father's orders. Tumakas pa ko para sa lalaking iyon at balak pang magregalo ng mamahaling behikulo kaya alam kong mawiwindang si Ava.

"Bakit?" tanong niya, at nang maikwento ko ang lahat, "That jérk! Ginawa niya 'yun?"

Bumugso na naman ang pamilyar na pakiramdam ng galit nang malaman kong pinagsasabay niya kami ng nobya niya. Bumulong ako, "He even tried to rape me."

Napalapag na siya ng hawak. "Seriously? Good thing nakausap ko pala that time si Gino.. or else!"

"Nakausap mo si Gino?" tanong kong kurap-mata.

"Yeah!"

"Ba't di mo sinabi sakin?"

"Nakalimutan ko na rin, girl. Anyways, that night hinahanap kita kasi bigla kang naglaho. So I called your phone. Nagulat ako kasi malalim na boses ang sumagot. He's also searching for you. He asked me kung nasaan tayo so sinabi ko. Then he hung up. Hindi mo naman kasi sinabi saking di mo dala cellphone mo."

"Naiwan ko kasi nalaglag.." tangi ko na lamang sagot sa mahabang kuwento ni Ava.

She didn't know of it that night. Hindi ko nasabi sa kaniya. Gino coming up to the party was a mystery to me. Pati kung paano niya nakuha ang cellphone ko. The information seeped through me like a puzzle piece.

Hindi nga talaga alam ni Papa ang pagtakas ko ng gabing iyon.

Bumalik ako sa wisyo nang mapansin kong gumawi ang paningin ni Ava sa gilid ko.

Bago pa man ako makatingin nang marinig ko ang nakakairitang boses ni Gino. "Pasabay!"

He was indeed here at katabi ko pa! "Excuse me?"

"Wala akong maupuan." ani Gino at sinimulan nang kainin ang hawak niyang burger. "Hi," ngiti niya sa harap; kay Ava. "Pasabay ha?"

"Sure!"

"Ava!" I hissed. She doesn't seem to mind me dahil tumuloy na uli siya sa pag-inom ng milk tea. Bumaling na lang ako sa katabi ko, "Would you mind? We're talking about you. Give us some privacy!"

Tumaas ang dalawang kilay ni Gino. "Talaga? O di ngayon mas masasagot ang kung ano mang pinag-uusapan n'yo. Puwede n'yo kong tanungin."

Umiinit na naman ang dugo ko sa lalaking ito!

Bumalik na naman ako sa masamang paninitig sa kaniya. Hindi na ako nilalabanan ng titig ni Gino di tulad kanina. Nakatingin man siya saakin pero pakurap-kurap lang ang mga mata niya; hanggang sa gayahin niya ang pagsimangot ko kaso sa pabirong paraan!

Tumawa si Ava. "Oh, gosh."

"Hindi nakakatawa!" suway ko sa kaniya kaso inirapan lamang ako nito, nangingisi. Bumaling uli ako sa damuho, "Ba't ka ba nandito ha? Naiinis ako sayo!" at nagiging pranka na talaga ako dahil di niya alam ang lugar niya!

Napakakapal naman ng mukha niya! Bakit akala niya gano'n na lang ang ginawa niya kanina? Harapan niyang pinamukha sa kaaway kong nakakaya niya ko! Tapos ano? Pupunta siya rito para—

Umangat ang kaliwang kamay niya, "Peace offering." aniya, sabay pakita saakin ng supot ng milk tea. "Pasensiya na kanina."

H-ha?

"Wag ka nang magalit," panunuloy niya at inilapag na ang hawak sa mesa, "Mamaya isumbong mo pa ko sa tatay mo." sabi niya.

Ang paimpit na tili ni Ava ang naririnig ko sa gilid, kaso ang talagang humugot ng atensyon ko ang mga mata ni Gino saaking harapan. Those charcoal black eyes are sending messages I cannot conclude. Maaamo at tila nagpapalambing. Hindi gaya ng karaniwan niyang tingin pag nagtatalo kami. The intensity it gave made my heart beat in an abrupt manner. Nahirapan akong huminga at tuluyan nang nakalimutan ang kinakain.

Lumapit saakin si Gino at bawat dangkal na sinasakop niya sa pagitan namin ay dumadagdag sa kaba ko, hanggang sa maamoy ko ang pabango niyang maskulado, hanggang sa ilapit niya ang bibig sa kanang tainga ko upang bumulong. "Bati na tayo, prinsesa, ha? Hindi pa tayo tapos sa usapan natin. Marami pa kong papagawa sayo."

Gino then gave me the space we had a while ago, leaving me completely speechless, smiling foolishly.

"Sige, alis na ko. Nando'n na mga tropa ko," paalam ni Gino saamin, "Dalawa 'yan." nang balingan niya si Ava.

"Aww~ Thank you. I have another one ulit!" wari ni Ava na napalagay pa ng kamay sa dibdib niya.

Tumayo na si Gino at pumunta na nga sa mga kaklase naming kalalakihan na naging kaibigan niya. Bumuntot ang paningin ko sa kaniya habang sama-sama silang lumabas ng cafeteria.

Sa pag-alis niya ay napansin ko si Stephanie na nakaupo sa isang mesa na malapit sa entrada. She's with her group, too. She was looking at me, taas ang isang kilay at naka-arko ang labi sa mapanuyang paraan.

Siguro nga naka-isa siya saakin nang kampihan siya ni Gino kanina, pero kailanma'y walang pipigil saakin kung mananalbahe ako. Umirap din ako gaya ng pag-irap niya saakin ngayon.

I survived my first week of punishment miraculously. And within those days ay may mga ilan akong napagtanto.

Una, naisip kong napakaluho ko nga talaga. Hindi ako marunong magpahalaga at basta maisipan ko, basta mayroon, gagastos ako. Tatlong araw na kong di pumupunta ng Starbucks o mall. Huli ko iyong dinemonyo ako ni Ava na mag-shopping kaya nalustay ang natitirang pera sa wallet ko.

The desire was still there. The frustrations of not satisfying my leisure. Hindi nawawala ang kagustuhan kong magpatangay sa layaw kaso wala naman akong magagawa lalo na't wala naman akong pambili. Nakakahiya lalo pag na-decline ang credit cards ko. Higit sa lahat, naiisip ko ang mga taong madadamay ko tulad ni Ava. Nakakakonsensiya.

There goes my second apprehension.. I am indeed self-centered.

Naaalala ko pa rin ang pintadong kalungkutan sa mukha ni Manang Flor nang unang beses ko sa kaniyang iabot ang lunch box. Hindi ko kasi kinain dahil alam ko noong mga nakaraang araw ay may pera pa ako. I remember not giving a dámn about her feelings. Parte iyon ng trabaho niya, ang paglingkuran kami, at kainin ko man o hindi ang inihanda niya'y labas na siya roon.

Nagpapasalamat ako sa dedikasyon niya lalo na nang wala na kong choice kundi kainin ang ipinapabaon niya araw-araw. She was delighted. Siya na yata ang pinakamasayang tao na nakita ko dahil lang kinain ko ang inihanda niya. I didn't have any choice back then. Kaya ko lang naman kinain iyon dahil ayokong magutom. Then it hit me. Manang Flor was doing it from the heart and not solely of duty. She was serving our family for four decades at siguro'y itinuturing niya na rin kaming pamilya. Humaplos ang kung anong pakiramdam sa puso ko nang makita ang ngiti sa labi niya.. at ayoko mang aminin ngunit naantig ito kahit papaano.

I decided to call her Manang Flor after that.

Hindi pa rin kami magkasundo ni Gino. We still bicker like cat and dog. And like the dog he is natutuwa siya pag naiirita ako. Nakakabuwisit! Bakit ba ang galing-galing kawitin ng lalaking iyon ang inis ko?

"Look at them, Ava. Can you believe it? Papa actually let them drink here!" sabi ko sabay pindot ng back camera sa screen, hinawi ang kurtina, saka itinutok ang cellphone sa bintana para makita ng mabuti ni Ava.

Gino and his friends are having a drink this Friday night. Narinig ko ang pag-imbita niya sa kanila kanina bago kami umuwi. At totoo nga. Naroon sila sa garden namin. Tatlong case ng beer ang nakikita ko at hinuha ko'y madadagdagan pa!

Lumapit ang mukha ni Ava sa screen, "Oh, you're right," aniya, naniningkit lalo ang mga mata, "Wait, si Joseph ba 'yun? Oh, my gosh! He's there, too?"

Napansin niya pa 'yung crush niya!

"Ava, that's not the point," sabi ko sabay pindot sa front camera. Tumungo ako sa kama at umupo sa gilid, "What I'm saying is ba't ganun? Pag ako, bawal. Pag si Gino, pwede?"

"Ano gusto mong iparating?"

"He's being unfair na talaga!"

Napangiwi si Ava sa screen. "You sounded jealous, girl."

"I am not!"

"Yes, you are. It's written all over your face rin!" sagot ni Ava.

Tumigil ako panandalian. Tumitig ako sa screen saa'y nagsusuklay ng buhok si Ava. Hindi ko maintindihan kung ba't nakarating siya sa ganoong konklusyon. Nagpapakatotoo lang ako. Unfair talaga!

"Magpakalalaki ka kaya nang matigil na 'yang problema mo." sabi bigla ni Ava.

Nangunot ang noo ko, "Pag ako nagpakalalaki ikaw liligawan ko!" sindak ko sa kaniya.

Horror became visible on her face. "Ew! Mamaya ako pa pagkamalang lesbi satin! Mas babae ka pa satin minsan!"

"See?" irap ko.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang kakulangan ko bilang anak. Well, sa mga mata ni Papa. Kahit na. Naniniwala pa rin ako na may mga paraan pa para maibalik saakin ang atensyon niya. Sa ganoong aspeto lang naman ako nalalamangan ni Gino!

Pero ano? "I need to know something that will oust that rebel here."

Tumigil siya sa pagsuklay at nakita ko ang pagtutol sa mukha niya. "Huh? Gino's nice naman. I mean, sure, mukhang maangas pero mabait naman siya."

"Hindi." mariin kong tutol. Kung alam niya lang na hawak ako sa leeg ng kalbong iyon!

Umiling si Ava. "Ayaw mo ba nu'n? May kuya ka na. Pag naging babae ka na may magtatanggol sayo, may magbabantay, o di kaya mangingilatis ng mga manliligaw mo. Trust me, I know."

Sumagi sa isip ko iyong sinabi ni Gino nung nakaraan sa opisina ni ninong. He blatantly opposed Ninong Leo's joke about our brotherhood. Hindi niya raw ako kapatid. Gumapang na naman ang inis saakin. Siya lang ba ang may ayaw? Ayoko rin naman!

Natauhan ako nang marinig uli ang boses ni Ava. "O baka naman kaya ayaw mo kasi.."

"Hoy! Itigil mo nga 'yan? Noong di mo pa nakikita si Gino ganiyan ka na ha!" sabat ko at pinanlakihan siya ng mga mata.

Tumawa lang si Ava. "Galit agad?"

Hindi ko alam kung ba't nang-init ang magkabilang pisngi ko. Ugh!

"Bahala ka. Anyways, kung gusto mo talagang magkaayos kayo ni Tito Jon. Ba't di mo subukang magbago? The best apology is changed behavior. Pakita mo sa kaniya na nagbago ka na.. na nagsisisi ka na sa mga kamalian mo. Who knows?"

"Hindi ba parang mahirap 'yun?" tanong ko.

I mean, sure, nitong mga nakaraang araw napansin ko ang ilan sa mga kasalanan ko, pero di naman ibig sabihin no'n magbabago na agad ako..

"Rhiannon, just try, ok? Sumasakit ulo ko sayo. Pati ako namomoblema!" Umirap ng pabiro si Ava.

Tumawa ako. We continued talking stuff hanggang mapagdesisyunan na naming tapusin ang video call.

Tumayo ako sa kama at bumalik na naman sa bintana. Sumilip ako sa mga kalalakihang nag-iinuman pa rin sa hardin namin. Wala pa yata silang balak tumigil dahil kararating pa lang ng isa naming kaklase. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero naririnig ko hanggang dito sa taas ang mahihinang tawanan nila.

Nahuli ko na lamang ang sariling nakatitig sa morenong binata. Nakaupo siya sa isang case, nakasabit sa kaliwang balikat ang damit, at sa kanilang magkakaibigan siya lang ang may ganoong gupit.

Semi-kalbo. "I hate you."

I decided to sleep after indulging myself a milk bath. Wala na naman akong dahilan para magpuyat dahil tumigil na kaming mag-usap ng palikerong iyon. I shut my eyes after finishing my skin care routine.

Hindi ko alam kung anong oras ako naalimpungatan pero natandaan ko ang sariling gininaw sa lamig ng aircon. I shivered in cold but was literally embraced by an inducing warmth.

"Good night.. prinsesa." rinig kong sabi ng baritonong boses saaking panaginip. The voice was familiar and irritating pero nahila ako nito lalo saaking pagkakahimbing...

Tanghali, kinabukasan, nang mapagpasiyahan kong kumilos at umpisahan ang mungkahi ni Ava.

Lahat ng napagbihisan kong damit ay itinipon ko sa laundry basket. Dinala ko ito sa utility room at naka-ilang balik dahil sa dami ng nasuot ko buong linggo. Napapunas ako sa noo pagkatapos at hingal na tumukod sa washing machine. I haven't even started yet, tapos pagod na ako!

Tumingin ako sa gabundok kong damit. I haven't realized it was this many until now.

Natanong pa man din ako kanina ni Manang Flor kung anong gagawin ko sa mga bitbit ko. Nagpresinta pa nga siya nang malamang maglalaba ako. Tumanggi ako; at ngayon parang gusto kong sabunutan ang sarili sa kagagáhan!

Papa's gone out. Maaga siyang umalis at hahapunin yata ng uwi dahil Founding Anniversary ngayon ng Pamantasang Lungsod saamin. I should have take advantage of it. Hindi niya naman makikitang inutos ko sa mga katulong namin ang labada ko. Oh, well. Sisiguraduhin ko na lang na isampay ang mga 'to sa bakuran nang makita niya ang kahusayan ko.

I tied my medium-length hair to a ponytail. "Game."

Wala akong alam sa paglalaba pero di ko iyon inalintana. We have our washing machine over here. Hindi ako mahihirapan sa gagawin ko at mataas ang kumpiyansa ko sa sariling matatapos ko agad ito. What else could go wrong?

"Oh, no." wari ko nang iangat kalaunan ang isang damit na puti.

Bakit iba na ang kulay? Hindi naman 'to pula kanina bago ko ilagay. Paborito ko pa namang shirt to!

Dumungaw ako sa loob. Wala namang problema sa ibang damit lalo na yung may mga kulay. Kumuha uli ako ng isang puti sa washing machine. Ganoon rin ang nangyari sa white skort ko. "What is this.. some sort of magic?"

I was in the middle of figuring this sorcery when Gino came in,

"Aba, aba. Totoo nga sabi ni manang. Naglalaba ang prinsesa!" sabi niya. Tumingin ako sa kaniya't nakita kong sumandal siya sa pintuan.

"Wala akong oras makipagbiruan ngayon, Gino. Hindi maganda mood ko." ani ko naman saka ibinalik ang atensyon sa damit kong mahiwaga. Oh, my poor white skort!

Narinig ko ang yabag niya at di rin katagalan nang maramdaman ko ang presensiya niya sa gilid.

"Anak ng—! Anong ginawa mo?" gulat niya.

"Laundry! Can't you see?" Muwestra ko sa labada.

"Hindi dapat pinagsasama ang mga puti sa de color." He took my laundry one by one out of the freaking washing machine.

"Gino!" Wala akong magawa kundi pasadahan ng tingin ang pagbalik niya ng mga labada ko sa palanggana!

Nang matapos sa pagiging epal niya'y tumingin siya saakin. Napahalukipkip akong bagsak-noo. Naiinis na naman ako sa kaniya! Bakit ba nandito tong lalaking to?

"Kanina ka pa naglalaba?" Nakatukod pareho ang mga kamay niya sa washing machine.

I wanted to lash out my frustrations kaso napansin ko ang pagbadya ng ngisi sa labi niya. Gino's lips are threatening to laugh pero tila pinipigilan niya lamang to. Ganoon rin ang nakikita ko sa mga mata niya. Nakatingin siya saakin na para bang isa akong batang gumawa ng nakakatuwang kasalanan. Nahiya tuloy ako imbis na mainis!

"Oo at t-tapos na sana ako kung di ka dumating!" Tumingin ako sa ibang direksyon.

Gino laughed. I felt my face flare in heat. "Ah, kaya pala delubyo ang naabutan ko? Oo, tapos ka talaga kung di nga ako dumating."

Hindi na lang ako sumagot. He ended his laughter with a sigh. Bumalik ako ng tingin sa kaniya kalaunan. He's still looking at me with that smirk on his lips. Napamulahan na naman ako sa hiya!

"Hali ka. Turuan kita." ani Gino.

Buong akala ko'y nagbibiro lamang siya kaya di ako kumilos. Binuntutan ko lang si Gino ng tingin nang kunin nito ang isang palanggana. Binuhat niya iyon nang walang hirap at inilapag malapit sa drainage. Kumuha siya ng dalawang laundry chair; iyong maliliit na upuan. Umupo siya sa isa, lumingon saakin, at sinenyasan akong lumapit.

Naiinis man ngunit sumunod ako sa damuho.

I settled myself on the remaining laundry chair. Magkatabi kaming dalawa ngunit di gaanong magkalapit. Tama lang para makakilos kami at magkarinigan.

"Ganito.." panimula ni Gino.

Tinuro niya saakin ang mga alam niya sa paglalaba. Napagtanto ko na agad ang mali ko nang magsimula siyang magturo. Ito kasi ang inuna niya at ito rin daw ang tatandaan ko pag maglalaba. Hindi dapat pinagsasama ang mga puti at de color. Tulad ng sabi niya kanina. Hindi ko naman kasi na-gets agad. Malay ko ba!

Patuloy lang sa panunuro si Gino, hanggang sa mahuli ko ang sariling nakatitig na lang sa kaniya. Hindi rin naman niya kasi ako sinasabihang kumilos. Nakalimutan siguro. Pasimple akong nakatingin sa kaniya habang nagsasalita at nagkukusot ng damit ko. Naiinis man ako kay Gino pero di ko maiwasang mamangha nang mga sandaling iyon.

Bakit niya kaya alam to samantalang kalalaki niyang tao?

"Alam mo ba.. nanay ko labandera?" sabi niya bigla na tila nabasa ang iniisip ko.

Natauhan naman ako. "Ah, talaga?"

"Si nanay araw-araw 'yun naglalaba. Minsan, tumatanggap pa siya ng mga pauwing labada para pang-extra. Dinadala niya 'yun sa bahay. Du'n niya nilalabhan.." ani Gino.

Nangungurap mata ko siyang tiningnan. Hindi siya nakatingin saakin. Nakatuon ang mga mata niya paibaba sa labada; saaking mga damit.

"Noong bata ako niloloko ako ng mga kaklase ko lalo na pag may PTA. Si nanay ko raw amoy clorox. Parati akong napapatawag nu'n kasi binubugbog ko sila sa labas.." panunuloy niya.

Tumigil siya sa pagkusot. Tumawa ng mahina. Umiling pagkatapos. Hindi pa rin siya tumitingin saakin. Hindi ko rin alam kung ba't bigla siyang nagkuwento ng ganiyan. Naglaba lang. Gosh!

"Naaawa ako kay nanay kaya ako na lang naglalaba ng mga damit namin. Minsan, pati 'yung mga inuuwi niya ako na rin naglalaba ta's pinapagpapahinga ko na siya.."

I don't want to interrupt him though. Siguro bilang pasasalamat sa paglaba niya ng mga damit ko? I'll let him talk about his life, sit my áss here, listen. Hindi ko alam.

"Dapat nga may dagdag bayad 'yun. Sa guwapo kong 'to? Hindi nila alam 'yung pinaka-pogi sa Tondo ang naggugusot ng mga damit nila." Tumawa na naman siya.

Umirap ako. Hindi niya naman ako pansin. Naisingit pa ng damuho!

"Noong huling birthday niya niregaluhan ko siya ng lotion. Magaspang na kasi ang kamay ni nanay sa kakalaba. Magaspang na magaspang; pero kahit ganu'n mahal na mahal ko si nanay.."

"You're lucky you have your mom." sabi ko. I decided to help him out. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa kong pagkusot pero ginagaya ko lang ang galaw ni Gino.

I really have a soft spot for mothers. They make me happy and sad at the same time. Pag nakakakita ako ng mga nanay agad kong naaalala si Mama. Hindi ko man gustuhing putulin ang kuwento ng talambuhay ni Gino. Pero ayoko namang malungkot. Hindi niya lang alam kanina pa tumatambol ang puso ko!

"Ay!" sabi ko nang tapunan niya ko ng bubbles.

Tumawa lamang ang damuho. Tumingin ako paibaba at sumambulat ang mga bubbles saaking binti. Nakasimangot akong bumaling. Sumandok rin ako ng mga bubbles at ibinato sa direksyon niya. Umarko ang ngisi saaking labi nang makitang nagkalat ito sa damit niya!

"Ah, ganon?" ani Gino at ginantihan uli ako. Tumili ako nang tapunan niya ko ng mas marami. Sa huli, di na kami nakapaglaba at nagbatuhan na lang ng mga bula na parang mga bata.

Continue Reading

You'll Also Like

111K 7.3K 23
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
2.8M 81.5K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
23.1M 590K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
12.1K 791 56
Coincidence? Luck? Mischief? You can say almost everything. But, Pin knows it's one thing: It's Love. What will you do if your love suddenly appears...