REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

By spirit_blossom

124K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 8

1.7K 124 47
By spirit_blossom

Papa did not know of my disappearance last night. Wala akong narinig na kumento habang kumakain kami, kinaumagahan. Hindi ko kasi siya nakita kaninang madaling araw kaya akala ko ngayon niya ko pagagalitan. Ngunit hindi.

Hindi nagsumbong si Gino? Bumaling ako sa harap. Bumagsak ang kilay ko nang makitang nakakamay na kumakain ang ampon. Pakiramdam ko kung wala si Papa rito'y iaangat niya pa ang isang paa sa upuan. Umirap na lang ako. These two are feasting themselves good breakfast of rice, bacon, and eggs. Samantalang ako? Nagpapakasasa sa white bread na isang araw na lang ang expiration!

"Gino, bukas sasama ka samin sa paaralan kaya gumising ka rin ng maaga." sabi ni Papa. "I enrolled you last week. Puwede ka na rin magsimula kaagad bukas."

"San, manong?" tanong ni Gino. Bastos talaga! Sumipa ako sa ilalim ng lamesa. Bumaling agad siya saakin, nagtataka.

"Parehas kayo ng papasukan ni Rhiannon. Dean kasi ang kaibigan ko ro'n." panunuloy naman ni Papa.

Pumintig ang mga tainga ko. "What? Ano ba naman 'yan hanggang sa school makikita ko pa rin—" angal ko sana ngunit natigilan nang may sumipa rin saakin sa ilalim.

Hindi ko na kailangang silipin kung sino. Tumingin ako sa harap. Tumango ang damuho!

"Ano 'yon, Rhiannon?" tanong ni Papa.

Nangangati man ang dila kong magsumbong sa kaniya kaso alam kong di naman ako nito papanigan. Higit pa, baka bumaliktad pa sitwasyon namin pag nagsumbong rin tong kalbong to!

"Nothing. I said, I can't wait for tomorrow." Huminga ako ng malalim at naiinis na humugot ng panibagong slice of bread.

I decided to search for my phone this afternoon kaso ang problema di ko naman makita. Paikot-ikot na ko sa puno ng mangga at panigurado pagtatawanan ako ng mga tauhan namin pag napansin ako. I mean, not that they can laugh infront of my face. Subukan lang nila. Pinag-igihan ko pa ang paghahanap kaso wala talaga. Napapakamot na lang ako ng ulo! Where did that freaking phone go?

Siguro nakita ng isa sa mga katulong namin at ibinigay kay Papa. Sa huli, sumuko na 'ko at nagpahinga sa duyan. Nakahiga kong tiningnan ang mga luntiang dahon ng punong mangga sa itaas. Sumisilip sa siwang ng mga to ang sinag ng araw. Paminsan-minsan, nakakarinig pa ako ng huni ng mga ibon.

Naantala ako sa pamamahinga nang makarinig ng ingay.

Bumangon ako. Tumingin ng diretso sa pinasadyang court ni Papa. Si Gino naglalaro ng basketball. Hindi ko na lang pinansin ang peste. Bumalik ako sa pagkakahiga at mariing pinikit ang mga mata. Naririnig ko pa rin ang dribble niya at tila tinatambol ang dalawang eardrums ko.

Bumangon na naman ako. "Hoy! Ano ba!"

Gino's about to shoot but stopped midway. Tumingin siya ng sideview. Wala yatang pakiramdam ang lalaking to at bumalik sa naudlot niyang pagshoot ng bola. Hindi siya tumigil nang pumasok ang tira. Nag-dribble ulit!

Nakakainis! "Gino!!"

"Ano?" tanong niya mula sa kinatatayuan.

"I'm resting here! Wag kang maingay!"

"Ha? Hindi naman ako nag-iingay. Ikaw 'yung biglang sumisigaw d'yan!" Tumirik ang malalago niyang kilay. Nakita ko iyon kahit nasa distansya siya.

I think I just heard something inside of me snapped. Pasensiya ko siguro!

"Naiistorbo ako sa bola mo! Maglaro ka nga ng di maingay?" sabi ko at pilit nilagyan ng pagtitimpi ang tono.

Tumigil nga siya sa pagdribble at inipit sa kanang parte ng baywang niya ang bola. Pagkatapos, "Saan ka nakakita ng dribble na di tumutunog?" aniya.

Gusto kong sumabog sa kinalalagyan!

"Wag ka na lang maglaro!" Pilosopo kang buwisit ka!

The sun was glaring in heat kaso tila sanay na ang binatang iyon sa katirikan ng araw. Tumatagaktak man ang pawis niya at namamasa na ang sando t-shirt kaso may kung ano sa buwisit at di siya nagmumukhang dugyot. Sa halip, nagpapakintab ito sa moreno niyang balat habang nasa initan, especially his arms and biceps.

Pumunta siya palapit saakin at kada metrong sinasakop niya ay pasama ng pasama ang paninitig ko.

Tumigil siya nang makarating sa harapan ko at umupo sa damo. Tumingala siya marahil nakasabit sa sanga ng puno ang duyang kinalalagyan ko. Gumapang ang hiya saakin habang nang titigan niya ko. Napakalamlam naman kasi ng mga matang tila nagpapaamo. Hindi ko lang pinahalata sa pesteng ito!

"Siya ba 'yung friend mo?" tanong bigla ni Gino.

I furrowed my brows. Sumagi sa isip ko 'yung kagabi. "Si Renzo? Ano naman ngayon?"

"Ah, kaya. Pag ganun ba naman friend mo talagang tatakas ka kahit bawal." Tumango siya ng mabagal at ilang ulit tila may napagtanto.

"Excuse me?" tanong kong taas isang kilay.

Gumuhit ang ismid sa labi niya. "Gano'n pala mga type mo ha? Chinito." aniya, pinasisingkit ang mga mata na parang isang hilaw na intsik.

"He's not my type, ok? Drop it." suway ko. I mean, before, yes, but after what has been revealed and happened to me last night, no.

"Gaano na kayo katagal?"

"Ano?"

"Narinig ko tawag niya sayo kagabi. Baby daw." sabi niya habang nakapako ang dalawang mala-uling na mga mata saakin. I saw a hint of unwanted emotion in his gaze.

Bakit niya naman inaalam? "Chismoso ka rin pala 'no?"

Tumawa naman siya at pinunasan ang pawis na namuo sa noo gamit ang kanang kamay. Hindi ko alam sa sarili ba't gumala ang mga mata ko para silipin ang kili-kili niyang may mga maninipis na buhok. Gosh!

"Pag ba inaalam.. chismoso na agad?" sabi niya at tila nakikipagkulitan ang tono.

"Oo! May iba pa ba?"

"Hindi ba puwedeng gusto lang kitang makilala?" aniya.

Namaang ako. Huh? Nahuli ko na lamang ang sariling nakatulala sa kaniya. Umupo ng mas kumportable si Gino. Nakaunat ang mga binti sa luntiang dahon habang nakatukod ang dalawang kamay patalikod. Nasa gilid ang kaniyang bola.

"Dalawang linggo na ko sa inyo kaso di pa tayo masyadong magkakilala. Sa lahat ng nandito, ikaw lang di ko nakakausap ng matino. Alam mo ba 'yun?" sabi niyang napakakaswal.

I'm aware it's been a couple of weeks since he was brought here kaso ngayon lang din sumagi saakin ang sinabi niya. Sa mga linggong iyon kasi, wala kaming ginawa kundi ang magtagisan ng tingin, magsagutan, at ngayon magsipaan sa ilalim ng lamesa. We're like fighting a secret war!

Simula pa lang ayoko na talaga sa kaniya at di ko gusto ang pang-iinis at pagngisi niya saakin. But now that he's said it.. does it mean he's doing that on purpose para mapansin ko siya?

Tumibok ng mabilis ang puso ko. Hindi, Rhiannon. Don't be fooled. He's doing that to easily savotage you behind your back!

"We're in a relationship for months now. Ok na? Go, tell Papa." Tinuro ko ang kinatatayuan ng aming bahay.

"Ba't ko naman sasabihin sa tatay mo?" sabi niya. Sumilip ang isang partikular na emosyon sa titig niya. I saw it. Hindi ko lang gustong tukuyin dahil gumapang kaagad ang konsensiya saakin!

"You're savotaging me behind my back, right? Mapagpanggap ka." sabi ko na lamang. I lied about having a relationship with Renzo. Gusto ko kasing tingnan kung nakakarating sa ama ko ang mga nalalaman niya. Ba't niya ko ganiyan tingnan? Hindi ako ang masama saaming dalawa!

"Alam mo ba 'yang pinagsasabi mo? Saan mo naman nakuha 'yan?"

Hindi ko na lang pinakinggan ang pag-aaklas saaking dibdib. "I told you before, right? Don't dare me. Palibhasa galit sayo ang totoong tatay mo na nagdemanda sayo kaya inaagawan mo ko—"

"Paano mo nalaman 'yan?" sabat agad ni Gino.

Sh¡t.

Bumilog ang mga mata ko at maagap na tinakpan ang bibig. Hindi ko napigilan ang sarili. I spilled and now it's too late. I said what's supposed to be unsaid. Hindi ko nga pala dapat ipinagsasabi sa iba iyon.. lalo na sa kaniya.

The deafening silence surround us. Wala akong marinig kundi ang paminsan-minsang andar ng mga sasakyang dumaraan sa labas. Sa sobrang tahimik namin tila naririnig ko na rin ang pagpintig ng puso ko.

Gino's looking at me with so many negative feelings. Shock, disbelief, and even pain. Hindi ko na masulyapan ang kinang sa dalawang mata niya. Bumabalot na lamang dito ang mga emosyong di ko na gustong tukuyin dahil nangingirot ang puso ko sa labis na konsensiya.

Bumaba ako ng tingin ngunit natigilan sa paghinga buhat ng nasilayan. Nanginginig ang mga nakakuyom niyang kamay. Oh, no.

"S-Sige, iwan na kita." sabi ko at dali-dali na lumundag sa duyan.

Tumayo rin agad si Gino at madaling hinawakan ang pulsuhan ko. "Wala pa kong sinabing umalis ka."

Bumaling ako sa kaniya nang tila pumintig ang tainga ko sa sinabi at tono ng pananalita niya. Tumama ang mga paningin namin. Did he just command me?

"Anong sabi mo?" tanong ko.

"Hindi ka puwedeng umalis dahil wala pa kong sinasabi." ulit niyang malalim, maaligasgas, at puno ng awtoridad.

Tumawa akong di makapaniwala. "Paalala mo nga sakin kung kailan mo ko naging utusan?"

"Ngayon." sagot ni Gino.

Hindi ako sumagot ngunit kunot-noo ko siyang tiningnan. Pailalim at paitaas. Baba niya lang ang kapantay ng tangkad ko pero di ko 'yun ginawang dahilan para matakot. Nakakalimutan yata ng isang to na nasa pamamahay namin siya!

"Susunod ka sakin, Rhiannon. Gagawin mo lahat ng iuutos ko sayo."

"Paano kung ayoko?" tanong kong mataray at nanunuya.

Tumawa si Gino. Pumuyos ang damdamin ko sa tunog ng halakhak niyang nakakagalit at nakakainsulto. Umiling siya ng ilang beses na para bang wala di ko alam ang pinasok ko. Bumaling na ulit siya saakin at nanatili ang ismid sa mga labi.

"Gusto mo bang itakwil ka ng tatay mo?" aniya.

I was about to answer when Gino fetched something inside his pocket. Bumuntot ang paningin ko roon habang hinahalukay niya ang sariling bulsa. He then showed me my missing cellphone. Bumilog ang mga mata ko. He has it!

"Paano mo nakuha—" sabi ko ngunit natigilan nang ilapag niya sa palad ko ang hinahanap kong gadget.

Tumingala ako sa kaniya. Namamayagpag pa rin ang panganib sa mga mata at labi niya. Bumalik ako ng tingin sa kamay nang pindutin niya ang home button. Sumalubong saakin ang lock screen at isang text message na galing kay Renzo.

Napailing na lang ako ng mabasa iyon. No..

Renz:
Don't tell everyone what happened between us. Please, I swear huling gamit na iyon ng coc. Please, Rhian. Don't tell anyone :(

Hindi ako makaimik nang para bang natuyuan ang lalamunan ko. Hindi rin ako makakilos nang tila nanigas ang mga kamay kong nag-uunahang lumamig. Huminga ako ng malalim at mabagal nang dahan-dahan kong naramdaman ang paggapang ng takot saaking sistema.

Renzo..

"Grabe, gumagamit kayo no'n? Napakarebelde." rinig kong wari ni Gino.

Tumingala akong umiiling. "No, t-this is a misunderstanding. I didn't use it. Swear. Hindi ko alam ba't ganito text ni Renz. S-Siya lang gumagamit no'n—"

"Ba't tingin mo ba maniniwala sayo tatay mo?" sabat niya.

The words hit me like some freaking reality truck. Hindi ko man aminin ngunit alam kong tama siya. Papa will not listen to me and will choose to favor Gino instead. Walang kaso kung sino ang tama o mali saaming dalawa ng ampon niya.

Bumagsak ang mga balikat ko. What have you done, Renzo?

Gino held my chin, motioning it upwards to meet his gaze. Those deep and expressive black eyes are shrouded with such mystery. Then, his lips curled into a dangerous smile.

"Susunod ka sa lahat ng ipapagawa ko sayo, spoiled brat. Hindi ba't pinagbibintangan mo naman ako? Tara, totohanin natin. Wag ka lang magkakamali sa gagawin mo kasi sisiguraduhin ko.. sa kangkungan talaga ang bagsak mo."

Buntung-hininga akong sumunod sa dalawa paalis ng bahay. Mondays are really the worst. I really hate this day dahil makakasalamuha ko na naman ang mga panget kong kaaway!

Hindi na lang sila Stephanie ang makikita ko kaya lalo akong naiinis. Pati na rin si Gino. I can already imagine myself enduring hours of torture at school then coming back home only to see his irritating face again. Oh, the nightmare. Bakit kaya di siya pinasok ni Papa sa Pamantasang Lungsod samantalang naroon naman ang mga scholars niya? What, because he's adopted; a special case?

Nakatapak na ang isang paa ko sa balkonahe nang may boses na tumawag sa loob. "Ma'am!"

Lumingon ako at nakita ang pinakamatanda naming katulong na nagmamadaling humabol. Hindi ko kabisado ang pangalan ng mga maids namin dito pero kung di ako nagkakamali, siya yata si Flor.

She's really old, with wrinkled skin all over her face and not a single strand of color can be seen on her hair, except white. Maliit na tao ngunit malakas pa ring kumilos sa kaniyang edad. Siya ang sinusunod ng mga ibang katulong namin dito dahil sa matagal niya nang paninilbihan. She's been serving our family for forty years.

Huminga muna to ng mabuti, sapo-sapo ang dibdib. She was exhausted. Hindi ko naman siya sinabihang magmadali kaya 'wag niya kong sisihin.

"What?"

"Baon n'yo ho. Pinaghandaan ko ire para sa iyo." sabi ni Flor sabay pakita saakin ng 'baon' ko.

Pumaibaba ang mga mata ko 'saka pumaitaas naman ang mga kilay ko nang makita ang nasa kamay niya.

A freaking pink lunch box.

Wala pa man din ako sa paaralan pero naisip ko na agad kung anong sasabihin ng mga makakakita saakin doon. Si Rhiannon, ang anak ng mayor, isa sa mga sosyal na tao sa school, nagbabaon.. at nakakatawa.

Pumikit ako ng mariin. Naramdaman ko. Naramdaman ko ang pamumuo ng aking inis kahit umaga pa lang. Pakiwari ko'y mas titirik pa sa sikat ng araw. Huminga ako ng malalim. Hanggang saan ba ang sukdalan nitong parusa ko?

I can say I was recommended to a nutritionist 'cause I am sick or something. Hindi muna ako puwedeng kumain ng kung ano-ano kaya ako nagbabaon. I can always deny the truth pero hindi ang katotohanan kung ba't ako may dala niyan. Oo, may parusa akong magbabaon na simula ngayong araw, pero wala naman sa usapan namin ni Papa na magbibitbit ako ng ganiyan!

Am I a freaking grade-schooler? Nakakairita!

Pairap na sana ako kaso nakita ko sila Papa at Gino'ng nakatingin din saakin sa gilid ng hagdan.

Nakatuon ang mga mata ni Papa saamin, saakin. Hindi man siya umiimik pero alam ko ang pinaparating ng tingin niya. Pag sinungitan ko 'tong matanda ay tiyak na may naghihintay saaking bagong parusa. Nakadepende pa ang epektibo no'n kung gaano ako kalala magtaray. Ganoon rin ang binatang katabi niya na tila may mata ng lawin. Naiinis ako kasi para akong nakakakita ng iisang tao!

These men may be looking at me almost identically but the intensity of their stares are different. Si Gino, maski alam kong inaantabayanan niya rin ang kilos ko, di maikubling naninindak siya sa mga titig niya. Those charcoal black eyes are threatening me not to make a mistake else it will be bloody hell.

Tumango siya saakin at palihim na gumawi ang mga mata kay Papa. Nagngitngit ang mga ngipin ko!

"Give me that."

Mabilis namang inilusot ni Flor ang strap saaking kamay. Dumistansya siya ng kaunti bago yumuko. "Mag-enjoy ka ire sa paaralan, ma'am. Sinarapan ko po ireng luto ko para sa iyo!"

"Oh, believe me. I will." sarkastikong sagot ko bago siya tinalikuran. Nauna na akong pumanaog sa dalawa.

The weather seems fine pero pakiramdam ko'y sinusundan ako ng maitim na ulap sa ulunan. Nangangasim ang sikmura ko nang maisip na makakatabi ko si Gino. Papa always take a sit infront, at the shotgun, not unless he's willing to give his favorite spot to his other son.

Pumasok ako sa kotse at padabog na ibinagsak ang likod. Pumasok na rin si Papa. Sa harapan nga siya gaya ng inaasahan. Saka ko lang din napansin na di pala sumunod si Gino. Napakurap ang mga mata ko at luminga.

Nasaan si kalbo?

Bumaling ako sa bintana at halos magsalubong ang sariling mga kilay nang makitang nakasakay na naman si Gino sa motor ko!

Bumaba ang salamin sa side ng shotgun. "Gino."

Tumingin ang binatang lulan ng mamahaling behikulo; ng behikulo ko.

"Helmet," sabi ni Papa. Walang tunog ng awtoridad o utos sa tono niya kundi purong pagpapaalala. Bumaba ang binata sa motor at tumungo sa garahe. Dala na nito ang isang itim na full face helmet nang makabalik. "Lisensiya," wari naman niya sumunod.

Tumingin ako sa harap nang may maalala. We have our fair share of our petty fights but that was the worst for me. Hindi niya ako pinakinggan noon at basta na lamang akong inakusahan.

Gino flashed his license hidden inside his wallet.

"Sige na't alam kong gusto mong mauna. I took you there last time. Natatandaan mo naman ang daan, di ba?" sabi ni Papa.

Thumbs up ang minuwestra ni Gino samantalang ako tila nabingi sa kinauupuan.

Why haven't I know of it?

The vehicle's engine roared like it was long waiting to be of use by its master. Gino was wearing a black leather jacket, white t-shirt, a pair of fresh jeans and sneakers. He was looking like a real bad boy. He wore his helmet and his aura pumped nth fold.

Hindi ko alam kung ba't nangangarera ang puso ko habang nakatitig sa kaniya. The savage looked good riding that big bike.

Bumukas ang malapad naming entrada. The mayor's convoys were already waiting outside.

"Wag kaskasero, Gino. Drive safe." paalala ni Papa.

Humarurot naman ang buwisit. Hindi nakinig sa pasabi ni Papa.

"Nagustuhan talaga ng batang 'yun ang motor ni ma'am, ano, mayor?" pag-alam ng driver namin nang tumulak na rin kami.

"Oo." tipid na tugon ni Papa at dahan-dahang umangat ang bintana niya.

Hindi man siya nakaharap saakin pero kita ko sa repleksyon ng kaniyang bintana ang ngiti sa labi. Papa really longed having a son. I was supposed to be that son but I can't force myself just to please him. Then came Gino. Nabura ako sa paningin niya ng dahan-dahan dahil mayroon nang bumubuo ngayon ng mga pangarap niya.

Bumaling na lang ako sa bintana na nakasimangot ang labi.

Pagkarating namin ay kapansin-pansin ang kumpulan ng ibang estudyante sa may gate. Bumaba kaming mag-ama at inasikaso ng mga securities. Tumungo kami kay Gino na naka-parke ang motor di kalayuan sa may gate.

Gino looked like he was modeling for an expensive vehicle. Sa suot niya, at sa kung paano siya sumandal sa mamahaling motor. Girls around him can't stop ogling their eyes.

Pasikat.

"Naghintay ka ba ng matagal?" ani Papa.

Umalis na sa pagkakasandal si Gino. "Hindi naman, manong."

Huminga ako ng malalim.

"Let's go." sabi ni Papa at sabay-sabay kaming naglakad sa loob na parang isang buo at masayang pamilya.

The Dean was a dear friend of Papa. Siya at ang tatay ko ay nagkakilala dahil pareho raw sila ng kursong kinuha. Political Science. Siya rin ang isa sa mga ninong ko kaya parati ko siyang nakikita sa bahay lalo na pag may okasyon.

Ninong Leonares was the jolly type. Siya lang yata ang head na nakikita kong palangiti. Deans here are scary except him. Pag pumupunta ako rito parating lumalawak ang ngisi niya dahil paborito niya kong inaanak.

Gaya ngayon. "Aba, ngayon ka na lang uli napadaan dito sa opisina ko, inaanak!"

"Sorry, 'nong. I was kind of busy these days."

"No big deal, kasi ibig sabihin rin no'n wala kang ginagawang kalokohan," aniya, taas-baba ang mga kilay 'saka nakangiting binalingan si Papa. Parati niyang ginagawa 'yan, parati niyang pinaririnig sa ama ko na mabait ako rito. "O, di ba, pare? Sabi ko naman sayo mabait anak mo, e."

Matipid na ngiti lamang ang sinagot ni Papa.

Gumawi naman ang paningin ni ninong kay Gino. "Anong pangalan mo uli, hijo?"

"Maginoo." sabi ni Gino na nakaupo mag-isa sa isang single seater sofa na nasa harap.

Tumango ng ilang ulit si ninong. Tumungo uli ang mga nakangiti niyang mata kay Papa. "Siya na ba 'yon, pare?"

"Oo, p're." ani Papa. They always call each other that here. Wala naman daw ibang makakarinig sa kanila. Two men holding respectable titles and still calling each other like old friends. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila.

Sana ganiyan rin kami ni Ava balang araw.

"Naku, inaanak. May kuya ka na pala. Hindi ka na nag-iisa sa bahay."

"Oo nga—"

"Hindi ko siya kapatid." sabat ni Gino. "Hindi niya ko kuya."

The awkward silence took place. Wala ni isang magsalita saamin nang magsalita nang gano'n si Gino. I was supposed to say, 'Oo nga, and what a nightmare it has been; I'd rather be a solo child, ninong' kaso nga nagulat kami sa biglang deklara niya.

Bakit parang siya pa ang galit? Hindi ko rin naman siya gustong maging kapatid 'no!

"Ano nga pa lang gusto mong course, hijo?" Ninong Leonares who was sitting at his desk, asked, diverting the tension.

"Political Science."

Bumaling ang mga mata niya at hinanap ako. "Competitor!" biro niyang pabulong.

I really wanted to answer kaso natatakot ako sa presensiya ni Papa na nasa kaliwa. Ninong Leo, if you only knew our competition's one-sided dahil siya ang pinapanigan ni Papa!

"Gusto mo bang maging katulad ni Jon; ang maging mayor? Si Rhiannon kasi, medyo alanganin. Hindi niya yata alam wala namang gender qualifications sa politics."

"Ninong!" pabiro kong pagtataray.

Tumawa lang ang matanda.

"Oo." sagot ni Gino. "Gusto ko. Higit pa."

"Aba, aba, Jon," tawag ni ninong kay Papa. "Narinig mo? Nevertheless, I still root for Rhiannon. Naniniwala akong susunod sa yapak mo 'tong inaanak ko." at tumingin siya saakin para kumindat.

"We'll see," ani Papa na parang walang sigla ang boses, ngunit ang kinasama talaga ng loob ko ay nang bumaling siya kay Gino. "We'll see," ulit niya pero ngayo'y mas maaliwalas ang mukha.

Napakuyom na lang ako.

Gino was briefed of the school's policies before we left. Hindi na kami lumabas ng school at kinausap na lamang si Papa sa entrada bago siya umalis.

"Pupunta na ko sa city hall. Be good, the two of you." paalala ni Papa. "I expect you will help him with everything. Tulungan mo siyang makipagkaibigan sa mga kaklase mo, ok." sabi niya saakin. "Gino," baling naman nito sa isa. "Wag kang mahihiya. Hayaan mo, balang araw ituturo ko sayo ang pamamaraan ng mga Fuego."

Pakiwari'y punyal sa puso ang nakikita kong eksena nila. Nanginginang ang mga mata ni Papa habang nakahawak sa magkabilang balikat ng ampon niya. Sumikip ang dibdib ko lalo na nang marinig ang huling sinabi ni Papa.

What did he mean by that?

"Bye, Pa.." pahabol ko nang talikuran niya kami. Ngunit di siya sumagot. Hindi niya yata ako narinig..

Pumunta siya sa sasakyan kung saa'y may mga securities na naghihintay. Nakita ko ang isang escort na hawak ang isang two-way radio at tila may kinakausap nang makasakay si Papa. Tumulak na sila kalaunan nang makasakay ang lahat. Nauna ang isang convoy. Sumunod ang sasakyan ni Papa. Bumuntot sa huli ang isang convoy na naiwan.

I could have that kind of power someday. I could sit at the highest seat this city can give. I just can't imagine myself the way my father wanted me to be, the way other people wanted me to be.

Nahugot ako sa katinuan nang pumatong ang braso ni Gino. "Hali na tayo, prinsesa."

What did he just call me? "A-Alisin mo nga 'tong braso mo! Ano ba!"

Hindi nakinig si Gino at hinigpitan pa lalo ang akbay. Napasinghap ako nang maramdaman ang paglapit ng kaniyang katawan. Naamoy ko ang preskong pabango niya. Naramdaman ko rin ang init niya lalo na ang parteng tumatama saaking batok. Ganito kami kadikit na para bang matalik na magkaibigan!

"Gino!" tili ko ngunit di talaga nakikinig ang damuho, hanggang sa mamalayan ko na lang tinangay niya na ko sa pasilyo.

Tumitingin saamin ang mga estudyante sa daan. I am used being stared at kaso nakakailang ngayon. Hindi ko kasi masigurado kung tumitingin sila dahil saamin ni Gino, o dahil sa bitbit kong matingkad na lunch box.

Gino's really garnering the attention of other girls here. Tumitigil talaga ang ilan para simplehan siya ng tingin. Anong akala nila di ko 'yon napapansin? Umirap pa nga saakin 'yung isa. Pasalamat ang panget na 'yon nakapulupot 'tong braso ng damuho kundi hahabulin ko talaga siya!

"Saan classroom mo?" tanong ni Gino.

"What?" pagtataray kong bagsak-noo.

"Hindi mo pa ko narinig kahit ganito na tayo magkadikit?" tanong uli niya. Pakiramdam ko'y kung sasagot akong 'oo' ay lalo niyang ipaglalapit ang kani-kaniyang katawan namin.

Kaya iniba ko. "Ba't mo ba tinatanong?"

"Gusto kitang ihatid."

"Nagbibiro ka ba?" ani kong taas isang kilay.

Tumawa naman si Gino. "Classmates tayo."

"What?"

"O, 'yan ka na naman. Nabibingi ka na naman," sabi ni Gino at ginawa na nga ang kinasusuklaman ko. Humigpit lalo ang akbay niya kaya dumikit lalo ang kani-kaniyang katawan namin. "Tandaan mo, prinsesa. Susunod ka sakin kung ayaw mong magalit si manong. Nakakalimutan mo na ba usapan natin kahapon? Sisiraan talaga kita."

"Backstabber!"

"Yeah, tumitira talaga ako patalikod." at pilyo siyang umismid.

Hindi ko nakuha ang punto niya pero ramdam kong nang-init ang magkabilang pisngi ko sa pamamaraan ng ngisi niya. Sumubok uli akong tanggaling ang bisig niya, kaso may sa kung ano talaga sa buwisit na 'to at napakabigat ng kamay.

Ugh!

Sa huli, sumuko na lang ako at hinayaan siya. I don't want to stress myself any further. Nakakapangit, nakakatanda, at nakakasira ng ganda ang makipagtalo sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

Munimuni By jelo

Short Story

21K 1.1K 110
"Straight ako, pero bakit ngayon hindi na yata ako sigurado?" - David Musika Series #1
2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
17.5K 1.3K 30
May mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan na makakapagpabago sa takbo ng ating buhay. Totoo talaga na may mga taong mawawala sa agos ng atin...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...