Forced Marriage - COMPLETE

By whateverrr004

64.5K 1.7K 568

PROLOGUE #2 A fanfic for Ricci Rivero. Zoey Hernandez is a student-athlete from De La Salle University. The m... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 33

1.5K 39 29
By whateverrr004

"Balita?" tanong ko agad pagkapasok ko ng bahay nila Mommy. Lahat sila nasa living room lang.

Humalik ako sa pisngi ni Mom at naupo sa tabi niya saka tumingin kay Rasheed.

Dismayado siyang tumingin at umiling sakin. Lumaylay ang balikat ko.

Kapag pupunta ako dito ay palagi akong umaasa na mayroon nang balita tungkol kay Zoey pero palagi rin akong nadi-disappoint dahil wala.

Mom tapped my back. "Everything's gonna be alright.." she whispered and smiled a little.

Sana nga..

"Cci.."

Tumingin ako kay Kuya na nasa kabilang couch katabi si Rasheed.

"I don't wanna say this but what if.. what if si Grace ang may hawak kay Zoey?"

Natigilan ako sa tanong niya pero kumunot din ang noo ko.

"Imposible 'yan. Palagi siyang nasa bahay kapag umaalis at umuuwi ako."

"Sure ka? Eh paano kapag wala ka sa bahay? Sigurado ka bang hindi siya umaalis?" tanong naman ni Rasheed.

Naitikom ko ang bibig ko nang maalala na tumawag sakin ang receptionist at sinabing umalis si Grace pagkaalis ko.

Sinabihan ko kasi siya na sabihin sakin kung aalis ba si Grace at 'yon nga, umalis nga din siya.

"Pero.. hindi niya magagawa 'yon, Rasheed." pagpipilit ko.

Ilang beses ko nang sinabi na hindi magagawa ni Grace 'yon pero ayaw nilang makinig. Ayaw nilang maniwala, eh mas kilala ko si Grace.

Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makilala si Grace dahil umpisa palang ay ayaw na nila sakaniya at hindi ko rin alam kung bakit.

"Hindi ko man nababantayan si Grace, alam kong hindi niya 'yon gagawin. Ayaw na ayaw niyang gumawa ng mga bagay na alam niyang ikagagalit ko." dagdag ko.

Hindi na sumagot si Rasheed at nag-iwas nalang ng tingin.

Marahas akong nagbuga ng hininga at sinapo ng kamay ang mukha.

Hindi ko na alam ang gagawin. Kung saan ako magsisimulang hanapin siya ulit. Mababaliw na ako sa kakaisip kung sino ang gumawa nito sakaniya, kung sino ang may hawak sakaniya.

Mabilis akong nag-angat ng tingin dahil sa marahas na pagbukas ng pintuan. Pumasok si Kyle.

"Kyle." sabi ko at tumayo saka siya sinalubong. Pati sila Mommy ay sumunod.

"I know..." hinihingal na sabi niya.

"What?"

"I know.. I know where she is!" mabilis niyang sabi na ikinatigil ko.

Tinapik ni Rasheed ang balikat ko at humarap kay Kyle.

"Nasaan siya?"

Lumabas si Kyle at sinabing sundan namin siya. Doon lang ako nakakilos.

Sumakay ako sa kotse at sumunod naman agad si Rasheed at Prince.

Hindi ko alam kung saan kami dadalin ni Kyle pero sumunod lang kami sakaniya. Kinakabahan ako. Sana kahit ilang araw namin siyang hindi nakita, sana ay okay lang siya. Sana ligtas pa rin siya. Sa oras na makita kong may sugat siya ay sinisigurado kong mananagot ang gumawa non sakaniya. Sinusumpa ko.

Mahigit dalawang oras ang naging byahe bago kami nakarating sa.. Antipolo Rizal.

Antipolo Rizal? Anong... Bakit kami nandito? Bakit nandito si Zoey?

Bumaba ako ng sasakyan at lumapit kaming tatlo kay Kyle.

Nagulat ako dahil binigyan niya kaming tatlo ng baril.

"Para saan?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya at naglakad na. Tumingin naman ako kila Rasheed at nagtataka rin sila pero tinapik nalang nila ang balikat ko at sumunod na kay Kyle.

I took a deep breath.

Itinago ko ang baril sa likod ko at sumunod sakanilang tatlo.

Hindi kalayuan sa pwesto namin ay may nakita akong bahay.

Kaninong bahay 'to? Bakit may nag-iisang bahay dito sa lugar na puro damo?

Dahil sa lugar ay nasigurado ko nga na may kumuha sakaniya.

Mabilis kaming nagtago sa likod ng dalawang malaking drum dahil may lumabas na mga lalaki sa bahay.

Sino sila? Sila ba ang may hawak kay Zoey?

Kating-kati na akong makita ka, Zoey. Kating-kati na akong malaman ang kalagayan mo. Kung maayos ka lang ba.

Lumingon sakin si Kyle. "Mauna ka na. Pumasok na kayo ni Rasheed, kami nang bahala dito." mahinang sabi niya.

Tumango ako.

Hinintay naming makalagpas ang mga lalaking lumabas bago kami matahamik na pumasok ni Rasheed sa loob ng bahay.

Pinasadahan ko ng tingin ang bahay. Malaki. Maluwag. Maaliwalas. Hindi siya mukhang lumang bahay. Pero ang tanong ko, sino ang nakatira dito?

Napatingin ako sa may hagdan no'ng narinig kong may bumababa. Mabilis kong hinila si Rasheed at nagtago kami sa ilalim ng hagdan.

"Tawagan mo si Ma'am. Sabihin mong pag nagsawa na siya, satin nalang yung babae. Ang sexy talaga."

Ma'am at babae. Si Zoey ba ang tinutukoy nila? Sinong babae ang may hawak sakaniya?

Sumiksik kami ni Rasheed sa dulo hanggang sa makalabas sila ng bahay. Tumingin kami sa paligid kung may tao pa at mabilis kaming lumabas ni Rasheed nang masigurong wala na.

Tahimik kaming umakyat sa itaas.

Kinabahan ako dahil may tatlong kwarto at hindi ko alam kung saan kami papasok ni Rasheed.

Kapag namali kami ng kwartong pinasukan ay patay na. Mahuhuli kaming dalawa.

Lumingon sakin si Rasheed at inginuso ko ang huling kwarto. Doon kami unang papasok.

Tumingin ako sa likod at sa ibaba kung may tao saka kami mabilis na lumapit sa huling kwarto.

Maliit na binuksan ni Rasheed ang pintuan at sinilip kung may tao pero dahil tahimik ay tuluyan kaming pumasok at halos manghina ang mga tuhod ko nang makita si Zoey na nakatayo at nakatali.

Lumapit ako kay Zoey at mabilis na nangilid ang mga luha ko nang makita ang itsura niya.

Namumutla siya. Puro sugat ang mukha niya, ang labi niya, halos mawalan na ng kulay ang mukha niya. Nakita ko rin ang sugat sa balikat niya at base sa pagkakabuka, ay tama 'yon ng baril.

"Zoey.." sabi ko, hindi makapaniwala sa nakikita.

Biglang pumasok sa isip ko ang magandang mukha niya. Ang matamis na ngiti niya. Bakit nagkaganito ka? Sinong gumawa nito sayo?

Unti-unting bumukas ang mga mata niya at kitang-kita sa mga mata niya ang panghihina. Namumungay.

Hirap siyang ngumiti.

"H-Hey, love..." mahinang sabi niya at pagkatapos ay umubo.

Tuyong-tuyo ang mga labi niya kaya sigurado akong hindi pa siya nakakainom ng tubig.

"Fuck.." rinig kong bulong ni Rasheed.

Humugot ako ng malalim na hininga saka tinanggal ang tali sa kamay niya, si Rasheed sa kabila.

Sobrang nanghihina ang katawan niya at no'ng oras na natanggal ang tali sa mga kamay niya ay bumagsak ang katawan niya sa katawan ko.

"H-Help.." bulong niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang init niya.

"Kailangan siyang madala sa ospital." mabilis na sabi ko, kinakabahan.

Binuhat ko siya at iniupo sa upuan saka sinabihan si Rasheed na tumawag ng ambulansya.

Tumingin ako kay Zoey, nakapikit ulit ang mga mata niya.

"Zoey." sabi ko at tinapik ang pisngi niya.

"Zoey, look at me. Look at me please,"

Marahang bumukas ang mga mata niya pero saglit lang at pumikit ulit.

"Fuck, Rasheed!" natatakot nang sabi ko saka lumingon kay Rasheed.

Bakas din ang takot sa mukha niya. Nakatitig lang siya kay Zoey.

"S-Sophia..." Zoey.

I kissed her forehead. "She's okay. She's okay, love. Please, look at me."

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at pinunasan ang pawis niya sa noo.

"S-She's... she's y-yours.."

Umawang ang bibig ko sa narinig ko. She's mine? How..

Naluluha akong tumingin kay Rasheed at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil tumango siya.

Bakit... bakit negative ang result sa DNA Test? Ibig sabihin nagsinungaling sakin si Doc Raven?

Tumingin ako sa phone ko nang umilaw 'yon at nakita kong tumatawag si Kyle. Si Kyle na akala ko asawa ni Zoey at ama ni Sophia. Hindi pala. Ako pala.

Sinagot ko ang tawag.

["Papunta sila diyan."]

Nanlaki ang mga mata ko.

"Papunta sila dito." sabi ko kay Rasheed.

"Ilan sila?" kinakabahan kong tanong kay Kyle.

["I don't know! Wait—"]

Pinatay niya ang tawag at saktong nakarinig kami ng malalakas na pagkatok.

"Fucking shit.." bulong ni Rasheed.

Hindi namin binubuksan ang pinto. Good thing nandito sa loob ang susi.

Tumingin ako kay Zoey at lalong nadagdagan ang takot ko dahil hindi normal ang paghinga niya.

Kailangan na namin makaalis dito pero paano? Argh! Putangina!

Paulit-ulit ang paghalik ko sa noo at labi niya.

"Don't leave me, love. Don't leave me. Kailangan mo pang magpaliwanag sakin. Please.."

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at yumuko. Please..

Tumunog ang phone ko at text 'yon ni Kyle.

Open the door.

Binuksan ni Rasheed ang pinto at deretsong itinutok ang hawak niyang baril sa lalaking kumakatok sa pinto kanina.

Lumapit si Prince at hinampas ng baril ang lalaki dahilan para mawalan ng malay.

Binuhat ko si Zoey at nagmamadali kaming lumabas ni Rasheed ng bahay.

"Wait. Sila Prince." sabi ko.

"Kaya na nila 'yon. Importante dito si Zoey!" sigaw niya.

Tumango ako at mabilis na pumunta sa sasakyan namin. Sakto na papalapit na ang ambulansya at ang mga pulis.

Minabuti kong sa ambulansya na isakay si Zoey at si Rasheed ang gumamit ng kotse ko matapos kausapin ang mga pulis.

Habang nasa byahe ay hindi nababawasan ang kaba at takot na nararamdaman ko.

"Pakibilisan pa, please." sabi ko sa driver.

Takot na takot na ako.

Wala nang kakulay-kulay ang mukha niya dahil sa mataas na lagnat at sigurado akong dahil din 'yon sa dami ng dugo na nawala sa katawan niya.

I'm sorry.

Dinikit ko ang kamay niya sa pisngi ko at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

Nang makarating sa ospital ay mabilis nilang ibinaba si Zoey at pinasok sa loob, hanggang sa Emergency Room.

Tahimik akong nagdasal at naghintay.

"what if si Grace ang may hawak kay Zoey?"

Naimulat ko ang mga mata nang maalala ang sinabi ni Prince kanina.

Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan ang receptionist na nakakausap ko about Grace.

"Hello?"

["Ma'am Grace is already here, Sir."] sagot niya agad.

"Okay. Thank you."

Tumayo ako at naghintay na lumabas ang nurse na kasama ni Zoey sa loob pero si Rasheed ang dumating.

"Dito ka muna. Uuwi lang ako." simpleng sabi ko at tumalikod na matapos kuhanin ang susi sakaniya.

Mabilis ang naging byahe ko mula sa Antipolo hanggang makauwi dahil baka umalis na naman si Grace bago pa ako makarating.

Tumango lang ako sa receptionist na nakausap ko at nagtuloy na sa elevator. Habang laman ng elevator ay ang bilis ng tibok ng puso ko. May hindi tama.

Lumabas agad ako ng elevator matapos non huminto sa floor namin at pumasok sa unit.

Hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko ipaalam na nandito na ako. Ang bagal ng kilos ko, nag-iingat.

Wala siya sa living area at sa kitchen. Papunta palang ako sa room namin para tingnan siya don pero nakumpirma ko agad na nandoon nga siya dahil rinig ko na ang malakas na boses niya.

"What?! Ricci was there?! What about Zoey?! Nasaan siya?!" sigaw niya.

Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa matinding pagpipigil ng emosyon. Fuck! Zoey was right. Prince was right. Rasheed was right. They are all right! Si Grace ang may gawa ng lahat. Kasalanan niya lahat! Ganito ba ako katanga para hindi maniwala sakanila? Para hindi maniwala sa babaeng mahal ko? Ganito ba ako kabulag para hindi makita ang katotohanan kahit paulit-ulit na nilang sinabi? Bakit..

"I told you to lock all the doors, diba?! What happened?! Paanong nalaman nila Ricci na nandiyan si Zoey?!"

Nasapo ko ang mukha ko habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko.

Maayos akong tumayo nang marinig ang pagbukas ng pinto.

"Find the—R-Ricci.."

Nabitawan niya ang phone niya dahil sa gulat.

Mapait akong ngumiti sakaniya. "I don't know what to say.."

Lalapit sana siya sakin pero mabilis akong umatras.

"Don't." sabi ko.

Nagsimulang manginig ang mga labi niya dahil naiiyak na siya.

"I wanna hurt you. So bad. Pero hindi ko magawa. Alam mo kung bakit?" deretso akong tumingin sa mga mata niya. "Because you're sick. Ayaw ko nang makonsensya. Ang dami kong nasayang. Ang dami kong napabayaan dahil lang nakonsesnya ako kasi may sakit ka."

"Ricci.."

"Gusto ko lang malaman kung bakit? Bakit mo nagawa sakin 'to? Bakit ginawa mo sakaniya 'to? She doesn't deserve what you did, Grace. She doesn't deserve this."

Sumama ang tingin agad ang tingin niya sakin.

"Dahil sayo! Dahil sayo kaya ko nagawa 'yon sakaniya! Bakit?! Kasi kahit ako ang kasama mo, alam kong siya pa rin ang iniisip mo! Ilang taon, Ricci. Ilang taon tayong magkasama pero alam kong siya pa rin ang gusto mo! Siya na ang mahal mo at hindi na ako!" umiiyak niyang sigaw.

Napapikit ako.

"I defended you to anyone. I defended you, Grace. Sinabi kong hindi mo 'yon magagawa kay Zoey. Hindi ako naniwala sakanila. Kasi kilala kita, akala ko lang pala. Akala ko kilala kita. Hindi pala. Ngayon, nahihiya na akong humarap sakanila. Nahihiya na akong humarap kay Zoey dahil hindi ako naniwala sa mga sinabi niya. Nahihiya ako, Grace."

"Wala akong pakialam sa babae na 'yon!"

"Pero ako meron. May pakialam ako sakaniya dahil mahal ko siya at siya ang ina ng anak ko."

Nagulat siya sa sinabi ko.

"A-Alam mo.."

"Mahal ko 'yon eh. Pero hiniwalayan ko, para sayo. Kasi nagka-sakit ka. Gustong-gusto kong balikan at makasama 'yon pero tiniis ko para sayo. Ayaw kong saktan siya pero ginawa ko, para sayo. Lahat ng ginawa ko, ginawa ko 'yon para sayo. Pero ganito ang ginawa mo sakin? Sakaniya?"

Pinunasan ko ang mga luha ko. Ang sakit lang isipin na nabalewala ang lahat ng ginawa ko.

"Ginawa ko 'yon dahil malandi siya! Inagaw ka niya sakin kaya binawi ko lang ang talagang sakin! Nagpanggap akong may sakit para iwan mo siya dahil akin ka eh! Akin ka lang dapat! Akin lang dapat ang atensyon mo pero mula nang dumating ang babaeng 'yon nakalimutan mo na ako!"

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nagpanggap lang siya na may sakit?

Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi niya at hindi ko napigilan ang sarili kong masampal siya.

"Ang daming taon ang nasayang dahil sa putanginang pagpapanggap mo, Grace! Hindi ko nakilala ang anak ko dahil mas inisip kita! Hiniwalayan ko siya dahil mas inisip kita! Mas inisip kita ng ilang taon tapos ganito lang ang matatanggap ko sayo? Bakit.."

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko.

"Gusto kong umalis ka na dito. Umalis ka na sa bahay ko, at sa buhay ko." malamig na sabi ko.

"R-Ricci.. no,"

"I don't wanna be with you. I don't wanna see you anymore."

Mabilis siyang lumapit sakin at umiiyak na lumuhod saka hinawakan ang mga kamay ko na mabilis konv inalis.

"No.. Ayoko. Ayoko, Ricci." umiiyak na sabi niya.

"Fuck. Get out of my life, Grace! I don't want you anymore! I don't love you anymore!"

Natahimik siya at maya maya ay tumayo saka masamang tumingin sakin.

"Hindi kayo magiging masaya. Tandaan mo 'yan." sabi niya saka tumalikod at kinuha ang phone at bag niya saka padabog na lumabas.

Nanghihina akong napaupo at wala nang nagawa kundi umiyak dahil sa sobrang panghihinayang.

Hindi ko na alam ngayon kung paano ko pa siya haharapin matapos kong hindi maniwala sa mga sinabi niya.

I'm sorry, love. Sorry dahil hindi ako naniwala at nagtiwala sayo.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 52.1K 98
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
330K 11.6K 52
𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 Ellie Sloan reunites with her older brother when her hospital merges with his jackson avery x ellie sloan (oc) season six ━ season se...
101K 3.2K 77
Alastor X Female Reader You and Alastor have been best friends since you were 5 years old. With Alastor being the famous serial killer of your time...
878K 53.9K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...