Glamanour Heights

By black_dollette

254 16 4

[ON-GOING] Viana Fabia is a normal girl who lives in Glamanour Heights. It's a place wherein people seems so... More

Glamanour Heights
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 5

12 1 0
By black_dollette

Boyfriend

"Viana..."

Napatalon ako sa boses ni Jackson nang tinawag niya ako.

Napalingon ako sa gilid ko kung saan nakabukas na ang pinto ng kotse at hinihintay na lamang ako ni Jackson na bumaba.

"Ah..." Tumawa ako para maibsan ang hiyang nararamdaman ko. "Sorry!" Nag madali naman akong bumaba ng kotse at pinasalamatan siya agad.

"'Wag kang kabahan. Lahat ng tao rito ay mabait!"

Napangiti naman ako. Tumingala ako sa malaking bahay na nasa harap ko ngayon. Napapikit ako nang tumama ang simoy ng hangin sa mukha ko, kaya nagulo ang buhok ko.

Inayos ko 'yon at tumango upang suportahan ang aking sarili. Kaya ko 'to. Kakayanin ko 'to. Hindi habang buhay ay kasama ko si Maria.

Sooner or later, maghihiwalay din ang landas naming dalawa, sa ayaw at sa gusto namin. Magkakaroon pa kami ng sarili naming pamilya, at hindi puwedeng nakasunod lang ako sa kanya. Hindi dapat ako dumedepende sa ibang tao.

Sarili ko na lang ang mayroon ako. Sa ayaw man o sa gusto ko, 'yon ang totoo.

Nanliit ang mga mata ko. Tumingala ako sa laki ng bahay. Maituturing na ngang mansyon ito eh. Inikot ko ang mga mata ko sa paligid. Mayroong mga trabahante sa tabi lang namin. Mukhang abala sila sa kung ano man ang ginagawa nila.

"Tara. I'll lead you to your room."

Agad bumaba ang tingin ko para pantayan ng tingin si Jackson. Hindi ko napansin at napatulala na pala ako sa sobrang ganda ng bahay. Tumango ako at sumama na sa kanya papasok sa loob.

Magtatanong pa sana ako tungkol sa mga gamit ko, ngunit napansin ko'ng mayroong nakasunod sa amin na lalaki habang karga-karga ang mga gamit ko.

Kumibit balikat naman ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Halos napasinghap ako sa sobrang ganda ng paligid pagkapasok namin. Simula noong naging Mayor si Mayor Xavier Valeriano, naging mas maunlad ang aming bayan, kaya hindi na ako nagtataka kung gaano kaganda ang mansyong tinitirahan niya ngayon.

Napaisip tuloy ako. Andito rin kaya si Salvatore at ang nanay niya? Nakakahiya kung magkakasalubong man kaming dalawa.

Mas matanda ng dalawang taon sa amin si Salvatore, kaya panghuling taon niya na sa pag-aaral. Tulad namin ay isa rin siyang Political Science na estudyante, top ng klase. Sumasali rin siya sa mga paligsahan ng pagdedebate.

Kaya rin naiintimidahan ako kay Salvatore dahil hindi lamang siya isang anak ng Mayor, kung hindi ay may impluwensiya rin siya sa ibang tao dahil sa katalinuhan niya. Kahit na nakikita ko siya bilang snob na tao, may sabi-sabi na sa likod ng ibang mga ng tulong na nagaganao sa aming bayan, ay siya ang may pakana.

Mayaman na sila bago pa man naging Mayor ang kanyang ama. Kumikita na rin daw kasi si Salvatore sa murang edad pa lamang kaya nagagawa niya ang mga bagay na kanyang gusto.

Wala naman akong alam tungkol sa nanay niya dahil wala namang balita sa kanila madalas. Ang sabi sabi ay hindi raw mahilig sa spot light ang pamilyang Valeriano, kaya madalang lamang silang napag-uusapan, ngunit hindi ko maitatanggi na ang kanilang epekto ay napakalaki.

Napasinghap ako nang malapit ko nang matamaan ang likod ni Jackson ng bigla siyang tumigil sa harap ng isang pinto.

Tumingala ako nang humarap siya sa akin ng nakangiti. Sinulyapan niya ang pinto na gawa sa dalisay na kahoy. Puti 'yon na may guhit na ginto.

"Dito na kita maiwan. Nasa loob na ang mga kasama mo. Mamayang gabi ay magkakaroon kayo ng pulong kasama si Mr. Valeriano. If you have questions regarding how things work around here, just give me a ring." Tinaas niya ang kanyang kamay at inilapat 'yon sa tenga niya bago kumindat.

Napairap na lang ako at humagikhik. Maloko rin ang lalaking 'to eh. Ang daming alam.

"O siya, Jackson. Salamat." Tumango-tango ako.

Binuksan niya ang pintuan ng kwarto at halos manlaki ang mga mata ko nang makitang isa sa mga babaeng kasama ko ay si Krystal!

"Krystal!" malumanay kong tawag sa kanya. May kausap siyang isang mukhang mahinhin na babae. Nagtatawanan sila no'ng makita ko silang dalawa.

Napalingon sa akin si Krystal at kumaway. Ako na mukhang nagulat, siya naman ay kabaligtaran ang ekspresyon. Mukhang inaasahan na niyang ako'y darating dito.

"Viana! Halika!" Masayang sambit niya.

Tumango naman ako at ngumiti. Lumingon muna ako para tignan si Jackson na nakatayo lamang sa labas, bago tinignan ang lalaking kapapasok lang habang karga-karga ang mga bag ko.

"Ah, sa tabi lang po..." sabi ko upang ilagay niya lamang sa tabi ang mga gamit ko, bago lumingon ulit kay Krystal at nilapitan siya.

"Krystal! Andito ka rin!" Nakangiting sabi ko. Hindi ko inaasahang makita siya rito, ngunit sabagay, isa naman sa magagaling na musikera si Krystal, kaya't hindi nakakapagtaka na narito rin siya. Nakakapagtaka lang dahil mayaman naman sina Krystal, at sigurado akong hindi niya naman kailangan mag trabaho.

"Oo nga eh! Upo ka!" Tinapik niya ang gilid ng inuupuan niya. Inikot ko ang paningin ko bago umupo. Malaki ang kwarto. May tatlong kama na nakahilera sa bandang inuupuan namin.

Tumabi ako kay Krystal kung saan hinarap namin ang babae. Nakaupo rin siya sa kabilang kama.

Ngumiti ako. "Viana, si Larissa nga pala. Rissa, si Viana!" Puno ng giliw na pagpapakilala ni Krystal sa aming dalawa.

Inilahad ko ang kamay ko at tinanguan si Larissa. "Viana Fabia."

Agad niya namang tinanggap ang kamay ko at nakipag-kamayan kami sa isa't isa. "Rissa na lang."

Tumango naman ako. "Rissa..." paninigurado ko na ikinatango niya rin.

Pumalakpak naman si Krystal at lumingon sa may pinto. "Okay na Jack! Ako na ang magsasabi kay Viana!"

Napalingon naman ako ng binanggit niya ang pangalan ni Jackson. Nakita kong nakatayo pa rin sa may pintuan si Jackson.

Sumulyap siya sa akin at tumango.

"Fine. Take care of her. Goodbye then."

Siya na mismo ang sumara sa pinto. Tumaas lang ang kilay ko bago humarap ulit kay Krystal.

"Okay! Mamaya na tayo mag-usap usap at mag-ayos muna tayo ng mga gamit!" Tumayo si Krystal at itinaas ang kanyang kamao.

Tumayo naman kaming sabay ni Rissa pagkatapos no'n.

"Ikaw sa dulo, ayos lang ba?" malumanay na tanong ni Rissa habang tinuturo ang panghuling kama.

"Oo, ayos lang," sagot ko habang sinusulyapan ang kamang mas malaki pa sa kama namin ni Mama dati sa bahay namin.

Lumapit ako sa mga gamit ko at binitbit 'yon at inilapag sa may baba lang ng kama. Umupo ako sa kama ko at yumuko para abutin ang zipper ng bag ko.

Mayroong naglalakihang closet sa tabi lamang ng kama ko. Tatlo 'yon, kaya alam kong ang ibang kabinet ay para sa kanila rin. Katabi ng kabinet ay ang malaking bintana na tanaw ang hardin kung titignan ang labas.

May sarili rin kaming lamesa na mayroong salamin. Malaki 'yon at may silya na. May tv din sa may harap lamang ng kama naming tatlo. Malaki 'yon kaya kahit na sa sariling kama kami manonood, ay kitang-kita pa rin ang pinapanood.

Hindi kami nagkibuan hanggang sa natapos kami mag-ayos ng mga gamit namin. Bago lang din pala sila dumating. Magkakilala si Krystal at Rissa dahil sa isang paligsahan na kanilang sinalihan dati.

"Nakakapagod!" singhap ni Krystal at humiga sa kama niya.

Napalingon naman ako sa kanya at ngumiti. "Oo nga..."

"Hindi pa kayo nagugutom?" tanong ni Rissa at tumayo sa may harapan namin. "Kain na tayo?"

Napatingala ako at sinandal ang siko ko sa kama upang suportahan ang aking sarili. Kumurap kurap ako bago ibaba ang aking paningin kay Rissa at tumango.

"Sige!"

Nag-ayos muna kami bago lumabas ng kwarto. Naglalakad lamang ako sa likod nina Krystal sapagkat hindi ko naman alam kung saan kami pupunta, 'tsaka, nahihiya pa ako. Mayroon kaming nadadaanan na mga taga-ayos ng gamit, hindi naman nila kami tinitignan dahil abala sila sa pag-aayos.

"Ano'ng oras na ba?" tanong ni Krystal habang naglalakad kami papuntang kung saang lupalop ng Heights House.

"Mag-gagabi na rin," sagot naman ni Rissa habang tinitignan ang relo na nasa palapulsuhan niya.

Tulad ng isang likas na ugali, agad naman akong napatingin sa labas. Madilim na nga at nakararamdam na ako ng lamig.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at halos manlaki na ang mga mata ko nang makita ang missed calls ni Maria.

Nakalimutan kong tawagan siya!

Buti na lamang at mayroon akong load, kaya agad ko naman siyang tinawagan. Wala pang dalawang ring ay sinagot na ni Maria ang tawag.

"Ba't ngayon ka lang tumawag?!"

Napapikit ako sa bungad niya. Heto na naman at galit na naman sa akin si Maria.

Binasa ko muna ang aking mga labi bago ipinaliwanag sa kanya na nawala sa isip ko na tawagan siya, at isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko naisagot ang kanyang tawag ay dahil abala ako sa pagliligpit ng aking mga gamit.

Pagkatapos no'n, huminahon naman si Maria. Tinanong ko agad kung kumusta ba siya. Ayos naman daw siya, ngunit alam ko na tulad ko, hindi kami sanay na magkalayo ng matagal. Ilang taon din kaming magkasama parati kahit na minsan ay inaaway niya ako.

Hindi ko alam kung paano nangyari ngunit pagkatapos ng tawag ay kumain na kami sa isang hapagkainan. Hindi ko man lang namalayan ang aming mga dinaanan, sana pala ay binigyang pansin ko ang dinaadan namin upang hindi ako maligaw kung sakaling hindi ko kasama sina Krystal.

Pagkatapos namin kumain ay may tumawag sa amin upang papuntahin sa opisina ng Mayor. Nanlalamig pa ang mga kamay ko habang iniisip kung ano ang maaari kong sabihin.

Sa isang iglap, nakita ko ang aming mga sarili sa harap ng Mayor na nakaupo habang kami ay nakatayo lamang.

Abala si Mr. Valeriano sa kanyang mga gawain pagkapasok namin, ngunit agad niya naman iyon isinantabi no'ng pumasok kami.

Ngayon ay tinitignan niya kaming tatlo habang nakangiti.

Kumurap-kurap ako habang pinagmamasdan din siya. Kamukha niya si Salvatore. Malamang ay siya ang tatay.

Ngunit ang Mayor ay maputi habang si Salvatore naman ay moreno. Tulad ni Salvatore ay mayroon ding mapanakot na aura ang nakapaligid sa Mayor, ngunit dahil nakangiti siya ay naibsan naman ang aking kaba.

"Maupo kayo." Isang matigas na baritonong boses ang kanyang inilabas. Agad naman kaming umupo nina Krystal. Hinawakan ni Krystal ang isa kong kamay. Umupo ako sa tabi ni Krystal habang siya ay nasa gitna namin ni Rissa.

Maingat at halos nanginginig ang aking mga tuhod noong umupo ako. Pakiramdam ko nga ay naririnig na ni Krystal ang lakas ng tibok ng aking puso.

"It's a great evening. I would like to formally welcome you to the Heights House. I hope we made a good impression, and I follow that you are all doing well?" Itinaas niya ang kanyang kilay, sinisigurado ang kanyang tanong.

Siyempre naman at sumagot naman kaming tatlo na maayos naman kami. Ngumiti naman si Mayor at nagpatuloy.

"You'll start tomorrow. Just me in the audience. You may do whatever you want as long as we'll be interested in you for two hours. Puwedeng sabay kayong mag-perform o hindi. Kayo na ang bahala sa kung ano ba ang gusto niyong gawin, malinaw?" Tumikhim siya at tumango.

Tumango kami bilang tugon sa kanyang tanong. Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap, tumayo na kami upang bumalik sa aming silid, ngunit bago tuluyang makalabas, tumigil ako at humarap sa may banda niya.

"Ms. Fabia? Did you forget something?" Tumaas ang tingin sa akin ni Mayor ng mapansin niyang tumigil ako. Narinig ko rin ang pag tawag sa akin ni Krystal no'ng tumigil ako, sinenyasan ko lang sila na susunod ako bago hinarap si mayor.

"Ah, no Mayor. I just wanted to thank you for this opportunity. Good night po." Tumungo ako bago siya tinalikuran at sumunod na papuntang kwarto namin.

"Oh! Kumusta?" Nilingunan ako ni Maria nang tawagin ko siya. Kararating niya lamang sa paaralan at gano'n din kami.

Kumaway muna ako kay Krystal bago dumeretso sa tabi ni Maria upang sabayan siyang mag lakad.

"Ayos lang! Ikaw? Hindi ka ba dinalaw ng multo kagabi?" Nakangisi kong tanong at siniko siya.

Nakita ko naman ang panlalaki ng kanyang mga mata at ang pag lunok niya bago umirap sa akin. "Ha! Wala kaya no'n."

Tinaas ko ang kilay ko dahil ramdam ko ang takot niya, kaya mas lalo akong nagiyak na takutin siya. "Sigurado ka ba?"

Hinampas niya ako sa aking balikat at umirap. Binilisan nya ang kanyang pag lakad at hindi na ako nilingunan. Mukhang napikon ko talaga ang babae. Natawa na lamang ako at binilisan din ang aking yapak upang masundan siya.

"Uy! Joke lang! 'To naman... namiss lang kita 'no!" Paglalambing ko sa kanya.

Tinignan niya naman ako at batid kong natatawa na siya, kaya naman ngumuso ako. Ayon natawa kami ng sabay at umiling na lamang.

Lumipas din ang araw, at dahil tapos na ang aming klase, agad kong naalala ang mga salita ng mayor kagabi. Magtatanghal kami ngayon!

"Kinakabahan ako!" Inabot ni Krystal ang kamay ko at pinisil 'yon.

Nasa loob kami ng sasakyan bagamat kasusundo lang sa amin ng driver.

Napatingin naman ako sa kanya at tumango. "Ako rin," pagsasang-ayon ko sa kanyang sinabi.

Sabay kaming bumuga ng hangin. Ramdam ko na ang pawis na bumubuo sa aking noo. Kahit na malamig, pinagpapawisan pa rin ako.

No'ng dumating kami sa Heights House, naroon na si Rissa sa aming silid.

"Oh! Andito na kayo! Binigyan tayo ng damit. Ito raw ang ating susuotin." Napalingon sa amin si Rissa nang mapansin niyang pumasok kami sa kwarto.

Binaba niya ang hawak-hawak niyang damit na kulay pula at nginitian kami.

Agad lumipad ang aking tingin sa kulay asul na damit na nakalapag sa aking kama.

Inilapag ko muna ang aking mga gamit sa tabi ng aking kama bago tuluyang nilapitan ang damit.

It was a very nice satin blue dress. Hindi siya gano'n kahaba sa akin. Hanggang tuhod ko lamang siya at sa tingin ko ay kasyang-kaya 'yon sa akin.

"Sino kaya ang nag bigay sa atin ni 'to?" tanong ni Rissa habang tumitingin sa kanyang repleksyon sa salamin. Nag-aayos na kami at suot suot na namin ang aming mga damit.

Rissa's dress is red, while Krystal's dress is lavender. Napagdesisyonan naming kunin ang damit na unang pumukaw sa aming atensyon. Buti na lang at hindi kami magkakatulad ng pinili, kaya sa huli ay nakuha ko ang kulay na asul na damit.

"Is it not clear with you guys?! Malamang ang Mayor!" masayang sambit ni Krystal habang inaayos ang kanyang buhok.

Hindi ako pala-ayos, ngunit sumama ako rito kaya dapat ayusin ko rin ang aking sarili sa harap ng makapangyarihang mga tao.

Napatango ako sinabi ni Krystal dahil batid ko rin na ang Mayor ang nag bigay ng mga damit sa amin. Ngunit paano niya napagtantong kasya sa amin ang binigay niyang damit?

Hindi ko na lang inabala ang aking sarili sa mga pala-isipan na 'yon at nag patuloy na lamang sa pag-ayos ng aking sarili. May mga make-up naman kasi rito sa cr kaya wala kaming problema sa pag-aayos.

"Heto na talaga!" Pinisil ni Krystal ang kamay kong hawak hawak niya na ngayon.

Napagdesisyonan namin na magtatanghal na lamang muna kami isa-isa, sapagkat hindi kami nagkaroon ng oras upang mag ensayo ng sabay. 'Tsaka, ang Mayor lang naman siguro ang manonood sa amin ngayon. Ngunit nakakakaba pa rin 'yon. Siyempre, pinili kami ng Mayor para rito, dapat lang at maabot namin ang kanyang ekspektasyon.

Nasa harap na kami ng pintuan kung saan kami ay manonood ng pagtatanghal ng mga musikera. Ngayon ang panghuling araw na sila ay magtatanghal. Ang narinig kong sabi ni Krystal ay aalis na raw sila dahil ilang taon na rin silang nagtatrabaho para sa Mayor.

Napabuntong hininga ako no'ng bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang himig ng isang babae. May mga kasama siyang tumutugtog sa kaniyang likod, habang siya ay abala sa pagkanta. Hindi ko mawari kung bakit may iba akong naramdaman sa paraan ng kanilang pagtugtog. Hindi ko na lamang pinansin dahil pakiramdam ko ay dahil lang 'yon sa kaba ko.

Maraming mata ang pumako sa amin pagkapasok namin. Inikot ko ang aking paningin at nginitian ang Mayor. May mga kasama siyang bodyguard. Ang babaeng kumakanta ay nagpatuloy sa kaniyang ginagawa, habang ang kaniyang mga kasamahan ay sumulyap sa amin.

"Ladies! Dito kayo!" Napalingon kaming tatlo sa tumawag. Isang lalaking naka itim na itinuturo ang tatlong bakanteng upuan habang nakatingin sa amin.

Malumanay naman kaming lumapit tatlo habang nakatingin sa isa't isa.

"Enjoy the show. On Friday night, you'll be the one who's going to perform there. Good luck!" Tinignan kami ng seryoso ng mga tumutugtog, at kasama na roon ang vocalist na nagsalita. Mas lalo tuloy pumintig ang puso ko sa paraan ng kanilang pagtingin sa amin, para bang may gusto silang sabihin pero hindi ko lang mawari kung ano 'yon.

Buong oras ay pinanood lamang namin ang pag kanta ng mga magagaling na musikera.

Namangha kami sa kung gaano sila kagaling, sayang lamang at hindi na sila ulit tutogtog dito. Ngunit dahil doon, nagkaroon naman kami ng pagkakataong magtanghal para sa Masyor mismo ng aming siyudad.

"Ang galing nila!" ani Rissa.

"Oo nga eh! They look so professional. Sana maging kasing galing din nila ako," mapangaraping sagot ni Krystal.

Umiling na lang ako at ngumiti. Totoo ang kanilang sinasabi. Magagaling nga talaga 'yong mga babaeng nagtanghal.

Dahil nga nagtapos na silang tumanghal, ibig sabihin lang no'n ay kami na.

Napatayo ang Mayor at pinalakpakan sila, kaya gano'n din ang ginawa naming tatlo.

Nakaramdam ako ng malamig na kamay na humawak sa braso ko, kaya naman ay napalingon ako sa tabi ko. Nakita kong si Krystal na minamataan ang Mayor habang pinipisil ang aking braso, dahil din yata sa kaba.

"Thank you!" Ang huling sabi ng Mayor sa mag kababaihan bago siya kumaway at hinarap ang kaniyang mga bodyguard. "You can leave us here." Sinenyasan niya sila na agad namang nawala sa aming paningin.

Nakalabas na silang lahat at kaming tatlo na lamang kasama ang Mayor ang naiwan sa loob ng silid.

Narinig ko ang buntong hininga ni Rissa kasama ang pagpapasalamat ni Krystal. Natawa na lamang ako sa kanilang reaksyon kasabay ng aking pagkurap. Medyo nabawasan na ang aking kaba, ngunit siyemre, nakakakaba pa rin ang presensya ng Mayor.

Saktong hinarap niya kami at nginitian. "Now, it's your time to shine, ladies. Show me what you got anytime!" sabi niya kasabay ng kaniyang pag-upo.

Nagtinginan kaming tatlo. Pinandilatan ako ng mata ni Krystal habang napansin ko namang nanginginig na si Rissa sa tabi.

Napakagat ako ng labi at napapikit. Alam ko kung ano ang pinapahiwatig nila. Ayaw nilang mauna. Nakuha ko 'yon kaya naman ay tumango ako bago dumilat.

Tumango ako sa kanilang dalawa bago inalis ang hawak ni Krystal sa aking braso.

"Thank you..." Narinig kong sabi nilang dalawa bago ko sila tinalikuran para dumeretso sa entablado.

Dumeretso ako sa piano na nakaayos na sa entablado. Puno ng instrumento ang silid, hindi ko iyon masyadong napansin, ngunit napagdesisyonan ko nang tumugtog na lamang ng piano.

Nang humarap ako sa Mayor para yumuko bago tumugtog, tanging ang pintig na lamang ng aking puso ang aking naririnig. Hindi ko napansin na binigyan pala ako ng palakpak ng Mayor at nina Krystal at Rissa.

After I bowed, I went straight ahead to the piano and sat there.

Itinaas ko muna ang aking kamay bago inilagay 'yon sa piano keys.

Kumuha muna ako ng tyempo bago sinimulan tugtugin ang Moonlight Sonata ni Beethoven.

Ngayon ko na lamang ito tinugtog matapos mamatay ni Mama. This is the first piece of Beethoven that I was able to learn. Pinilit kong matutuhan ito dahil dati ay gustong-gusto ni mama ang marinig ang himig ng Moonlight Sonata.

Naalala ko pa kung paano ako umiyak noong oras na nakabisado ko ang pyesang ito. Masaya ako no'n dahil sa wakas ay matutugtog ko na ang piyesang nagpapasaya kay Mama.

Napangiwi ako ng marinig ko ang hindi pagkasabay ng notang natugtog ko. Matagal ko na rin itong hindi natutugtog kaya naiintindihan ko kung bakit nagkamali ako. Hindi rin naman siguro nila napansin dahil wala naman akong nakuhang negatibong reaksyon galing kay Mayor o kina Krystal at Rissa.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagtutugtog at matapos ang mahigit na labinlimang minuto ay natapos na rin ako.

Kasabay ng pag-angat ng aking kamay mula sa piyesa ng piano, ay siya ring nawala ang aking kaba. Naging maayos na ang paghinga ko pero parang nanlambot din ang aking mga tuhod no'ng tumayo na ako para tumungo ulit.

Napangiti ako sa hiyawan nina Krystal at Rissa. Pumalakpak naman ang Mayor na may ngiti sa kaniyang mukha.

Matapos no'n ay bumaba na ako sa entablado. Nang maabot ko ang inuupuan namin kanina, agad akong inakap nina Krystal.

"Ang galing mo!" Pag-pupuri ni Rissa. Naramdaman ko naman na uminit ang aking mga pisngi bago siya pinasalamatan. Pinuri rin ako ni Krystal, pero hindi ko na siya napasalamatan dahil nagpaalam na siya na siya na ang susunod na magtatanghal.

"Good luck!" sabi ko sa kaniya na ikinatango niya saka dumereso sa entablado.

Dumeretso siya sa gilid bago siya nagposisyon sa gitna. Kumuha pala siya ng mikropono, kasabay ng pagtugtog ng musika sa likod.

Nagpalakpakan kami ni Rissa no'ng nag simulang kumanta si Krystal.

Nakakataba ng puso ang pag kanta niya, at ramdam mo ang emosyong gusto niyang ipahiwatig. Hindi ko maisip kung bakit niyang piniling manatili sa ganitong sitwasyon kung marami naman siyang iba pang oportunidad. Mayaman naman sila kaya nasisigurdo kong maraming maiimpluwensyang tao ang lumalapit sa kaniya.

Matapos niyang kumanta ay agad siyang bumaba ng entablado at patalon na lumapit sa amin.

"Sawakas ay tapos na rin!" sabi niya pa ng may nanginginig na boses.

"Great job!" sabi ni Rissa na ikinatango ko naman bilang pagsasang-ayon.

Nginitian niya ako bago namin hinarap si Rissa.

"Kaya mo 'yan!" pag-aalo namin kay Rissa bago siya dumeretso a entablado.

"Last na talaga!" bulong sa akin ni Krystal.

"Oo nga! Kinakabahan ako kahit tapos na ako."

"Same!"

Hindi na namin natuloy ang pag-uusap nang marinig namin ang pagtugtog ni Rissa.

Pinili niya palang tugtugin ang violin.

Hindi na namin napag-usapan kung ano ang gagawin namin isa-isa, kaya nakakagulat din ang aming pagganap ngayon.

Inaamin ko na mas magaling si Rissa tumugtog ng violin keysa sa akin. Nakakapukaw siya ng atensyon, nakasisigla tuloy isipin at gusto ko tuloy mag-ensayo para maging kasing galing ni Rissa.

Napapikit ako bago pumalakpak ng matapos na si Rissa sa pagtugtog. Ako ata ang pinakamatagal na nagperform kanina, nakakahiya naman!

Nang bumaba na si Rissa sa entablado, tumayo na ang Mayor at siya naman ngayon ang pumanhik sa entablado.

Ngumiti siya bago kumuha ng mikropono sa tabi.

"Good evening, ladies," bati niya sa amin. Tumango at ngumiti naman kami bilang sagot bago siya nagpatuloy. "If I were to word out what I'm feeling about your performance, all I could say is wow! I expected you to be good, but I did not expect you to be this good!" Binigyang-diin niya ang huling pangungusa na kaniyang sinabi.

"Considering that you didn't have the time to practice." Kumindat siya bago nagpatuloy, "Don't ask me why I know it, I just have eyes everywhere," pabirong sabi ni Mayor. "And considering that I have put a lot of pressure in you, ladies... That is if I looked intimidating!"

Tumawa kaming tatlo. Hindi naman pala nakakatakot ang Mayor. Sinadya niya lang pala na pakabahan kami. Nakakaloka naman.

"Anyway, I have no problem with your performance at all. It did not take you two hours to perform though. Maybe it is a little bit too much to ask since you ladies are still new to this. But those things put aside, I have no problems at all!" Tinignan niya kami isa isa. "Ms. Viana has shown her magnificent piano skills, and how long she could perform with little mistakes." Tinuro niya ako na ikinatango ko lamang.

It was a compliment, and I couldn't wrap my head around it because I just got a compliment from the Mayor himself! Hindi ako makapaniwala. Nakakataba ng puso. Mas lalo tuloy akong ginanahan gawin ang best ko.

"Ms. Krystal, the song you sang may be a hard song to sing, but you did it without even straining your voice. You were on fire with your delivery and I could feel the message that you were trying to convey," pagpapatuloy ni mayor. Narinig ko naman ang pagpapasalamat ni Krystal sa tabi ko na ikinatango naman ni Mayor.

"And last, but certainly not the least, Ms. Larissa. You showed your personality and it was done flawlessly. I couldn't ask for more from you ladies, but sadly I need to inform you that you must impress us more next Friday. Of course, I know you'll impress me, but remember it won't just be me. I'll be giving you an ample amount of time so please use it wisely. For the rest of the days, I hope you can adjust in time." Tumikhim siya. "That is all for tonight. Thank you for your lovely performances, ladies! Good night."

Nang magpaalam na si Mayor, parang bumalik ulit ang kaluluwa namin sa aming mga katawan.

"Nakakakaba!" ani Krystal. "Sana maabot natin ang expectation ni Mayor!"

"Totoo. Sana nga, pero sa ngayon ay magpahinga muna tayong tatlo," pagsasang-ayon ko sa kaniya.

"Oo nga. Nakakapagod din isipin. Bukas nalang tayo mag-usap usap," sabi naman ni Rissa.

Pumayag naman kaming tatlo na mag pahinga na lang muna. Nang dumating kami sa aming silid, wala ni isa sa amin ang kumibo. Lahat kami ay abala sa sarili naming mundo. Pagkatapos naming mag bihis ay nakatulog din naman kami kaagad.

Pagkabukas ay nag-usap usap kaming tatlo tungkol sa pagtatanghal namin at napagdesisyonan namin na sa sabado na lamang kami mag-eensayo. Sa bahay nalang daw ni Krystal dahil malayo-layo pala ang bahay ni Rissa. Pumayag naman kami at si Krystal din naman mismo ang nagsabing doon na lamang kami.

Sa sabado pa kami makakapag-ensayo dahil nga abala kaming lahat sa aming paaralan. Ang tanging oras lang ang meron kami ay pag naka-uwi na kami galing sa Academy, pero madalas ay abala kami sa gawain, kaya wala talagang oras para mag-ensayo.

Kinakapa ko pa rin kasi kung paano ako mag-aaral dahil nasanay ako na sabay kami lagi ni Maria sa mga gawain namin para sa paaralan. Nahihiya rin kasi akong humingi ng tulong kay Krystal. 'Tsaka, magkaiba rin kami ng course. Si Rissa naman ay iba ang paaralan.

Mabilis lumipas ang mga araw at Biyernes na. Wala kaming masyadong ginawa dahil kinikilala pa lang namin ang lugar at ang mga tao. Hindi rin naman kami minamadali ng Mayor.

Nakakataba ng puso dahil ramdam namin ang kanilang mainit na pagtanggap sa amin.

"How are you? Buti naman at makakauwi ka ngayon?" Nakangiting saad ni Maria habang kami ay nag lalakad pauwi.

Kagabi pa ay inayos ko na ang aking mga gamit upang hindi na ako bumalik sa Heights House at dumeretso na sa aming apartment. Ayaw ko rin naman kasing mag-isa si Maria sa pag-uwi kung puwede ko naman siyang samahan.

"Syempre, baka nakalimutan mong makakauwi ako pag biyernes." Nginisian niya lang ako bilang sagot at bumingisngis.

Buong gabi ay nagpahinga lamang ako. Si Maria naman ay kinukulit lamang ako at tinatanong kung kumusta ba raw ang buhay prinsesa. Sinabi ko naman na naroon ako para sa trabaho, hindi para makapag-pahinga. 'Tsaka, nakakakaba ang Mayor at hindi kami nakakapagpahinga ng maayos. Sabi nga niya, marami siyang mga mata.

Hindi naman siya naniniwala dahil sabi niya ay sigurado raw ang turing sa amin ay mga prinsesa. Umiling na lang ako sa kanyang komento. 'Di naman 'yon gano'n, siguro dahil lagi rin naman akong nasa paaralan, na hindi ko napapansin ang mga naninilbi sa amin.

Lumipas ang gabi, at pagkabukas ay sinundo ako ni Krystal.

Nasa loob na ng kotse si Rissa no'ng sinundo niya ako. Nakapagpaalam na rin ako kay Maria na may ensayo kami ngayong araw. Gusto niya pa sanang sumama pero ang sabi ko ay nakakahiya naman kay Krystal, 'tsaka nakakahiya pag andoon siya. Baka pag tawanan niya lang ako kapag nagkamali ako.

Tahimik lang kami sa sasakyan. Maaga pa kasi at pakiramdam ko ay inaantok din sila.

Nang tumigil ang sasakyan, agad akong napatingin sa labas at halos malaglag na ang panga ko sa sobrang pagkakamangha ko sa bahay nina Krystal.

Malaki siya at makikita mo kung gaano kayaman sinaq Krystal sa unang sulyap pa lamang.

"Ang yaman niyo, ba't naisipan mo pang magtrabaho sa Heights House," sabi ko kay Krystal ng makababa na kami at naglalakad papasok sa bahay nila.

"I know you'll ask me that one day." Tumingala siya, tila ba ay nag-iisip. "You know being able to perform in front of influential people are a really big help when you want to pursue any career, so I took the opportunity they gave me. Sayang naman ang experience." Kumibit-balikat siya.

Sabagay, masusundan kami ng maraming oportunidad pag nalaman nilang nag trabaho kami para sa Mayor ng Heights House. Napakalaking karangalan no'n sa totoo lang.

Hindi naman nagtagal at nag simula na rin kami kaagad sa pag-eensayo.

Kakanta kaming tatlo pero hindi sabay sabay, para humaba ang oras ng aming pagtatanghal. Gaya ng gusto ni Mayor, gusto namin makaabot ng dalawang oras ng pagtatanghal.

Ang mga kantang pinili namin ay iyong madali lang kantahin at tugtugin, at siguradong hindi kami mapapagod ng mabilis.

"Ayos 'to!" sabi ni Krystal ng ayusin niya ang mga pyesang nakakalat sa sahig. Nag print kasi kami ng mga tutugtugin namin.

Inayos niya 'yon sa magkakasunod sunod na ayos. Nasa pinakataas ang unang tatanghalin namin at naka sunod na ang iba.

"Kumain na muna tayo at magpahinga. Magtatanghali na rin pala," pag-aaya sa amin ni Krystal.

Buti at wala ang kanyang mga magulag. Nakakahiya naman kasi pag andito sila. Sa isang silid din kami na puno ng iba't ibang instrumento nag ensayo, kaya kaming tatlo lang ang nakakakita sa isa't isa.

Sinundan lang namin si Krystal papunta sa kanilang hapag-kainan.

Nang dumating na kami sa kanilang hapag-kainan, napaawa ang bibig ko sa sobrang ganda, pero hindi na ako nakapagsalita ng nakuha ng mga pagkaing nakahanda sa lamesa. Pinaupo kami agad ni Krystal at matapos mag bigay alay sa pagkain ay deretso na kaming kumain.

Hindi na kami nagsalita pa sa isa't isa. Pinagtuuanan lang namin ang pansin namin sa pagkain, at hindi na nagkibuan.

Matapos kong kumain, kinuha ko muna ang cellphone ko at tinext si Maria. Sinabihan ko lang siya na natapos na akong kumain at dapat siya rin. Matapos no'n ay binaba ko naman agad ang cellphone ko.

Nang matapos na kaming lahat kumain, nag pahinga muna kami ng sandali bago napagdesisyunang mag-ensayo na ulit.

"Okay na ba?" tanong ni Krystal nang matapos namin lahat ng kanta.

Hindi naman kami nahirapan sa pagtugtog dahil may pyesa naman kami ng mga kanta, ngunit nakakapagod lang na kumanta dahil nakakatuyo siya ng lalamunan.

"Ayos na," pagsasang-ayon ni Rissa. Tumango na rin ako bilang sagot at umupo sa sahig.

Napayuko ako kasabay ng paghabol ko sa paghinga ko. May naramdaman akong tumapik sa balikat ko kaya naman napatingala ako. Nakita ko namang may inaabot na bote ng tubig si Rissa sa akin. Agad ko 'yon kinuha at nagpasalamat.

Umupo siya sa tabi ko at nginitian ako.

"Nakakapagod talaga," sabi niya.

"'Yon nga eh. Pero pinili natin 'to kaya dapat lang tayo maging masikap."

"Oo, para na rin sa mga pangarap natin."

Tumango ako. Napaisip tuloy ako. Masaya ako sa pagtugtog ng musika, ngunit gusto ko rin mag politika. Maayos naman ang siyudad namin, at nasisigurado kong dahil 'yon kay Mayor. Kahit na hindi lagi lumalabas ang mga nagagawa niya para sa aming siyudad sa news, lagi naman siyang pinag-uusapan ng mga kaklase namin. Siyempre dahil anak mayaman din sila at may mga pamilya rin silang nasa politika, kaya may nakakalap silang balita na hindi ko alam.

"Busy kayo ha!" Napalingon kami ni Rissa kay Krystal na umupo sa harap namin.

Bigla siyang nawala matapos niyang tanungin kung ayos na ba ang pagtatanghal namin, at ngayon naman ay bigla na lamang siyang sumusulpot.

"Wala! Nag-uusap lang kami."

"Ahh..." Tumango-tango si Krystal. "Sorry pala bigla akong umalis. My sister called me saying that her boyfriend is here, and she can't open the door because she is not yet ready for their date, kaya ako na lang ang bumukas. Hindi kasi puwedeng malaman ng parents namin na may boyfriend siya. Eh ang mga yaya namin, alagad nina Mommy, kaya kailangan namin mag-ingat," pag-kukwento niya.

"Hindi namin alam na may kapatid ka pala," sagot ko. Nakakatuwa dahil napakamakwento ni Krystal, kaya hindi kami nababagot ni Rissa eh.

"Oh yeah! She doesn't go to our school, that's why people don't know her. Plus she's a year older than me."

Napatango naman ako. Hindi na ako nagtanong pa dahil nagpatuloy naman siya sa pagkukwento.

"The course that she wants to take is not available in our school, that's why she was sent to another city to study. But now she's here because she said they have a break, and that she really wants to be with her boyfriend. The nerve though! Hindi man lang niya kami namiss. Speaking of boyfriends, do you guys have one?" Tinaasan niya kami ng kilay at tinignan na parang nang-aasar.

Natawa naman ako. Sa sobrang busy ko sa buhay, wala akong oras para diyan. 'Tsaka, wala namang nagkakagusto sa akin kaya wala akong boyfriend hanggang nagyon.

"Wala," sagot ko sa tanong niya.

"Siguro," sagot naman ni Rissa.

"'Di mo sigurado?" tanong ni Krystal.

"Ewan eh. Parang manliligaw pa rin kasi, kaya baka hindi niya alam na sinagot ko na pala siya," nahihiyang sambit ni Rissa. Nakita ko namang nag-simulang pumula ang kaniyang pisngi kaya agad ko siyang sinundot sa kaniyang tagiliran.

Nagtawanan kami at nagpatuloy mag kwentuhan. Matapos no'n ay nag ligpit na kami ng aming mga kalat para umuwi na. Mag-ga-gabi na rin kasi at kailangan na naming umuwi.

Pagkalabas ng silid ay nagulat ako nang makita si Leon na nakaupo sa malaking sofa sa sala nina Krystal. Siya na ba ang boyfriend ng ate niya?

Parang sumikip ang puso ko sa naisip ko. Hindi dahil nasasaktan ako para sa sarili ko, kundi ay dahil kay Maria.

"Babe!" narinig kong sambit ng isang may napakahinhing boses sa tabi, kaya agad kaming napalingon sa babaeng kabababa lamang ng hagdan.

"Karina!" rinig kong sabi ni Leon. Tumayo siya at nilapitan ang kapatid ni Krystal.

Maganda siya. Magkamukha sila ni Krystal, ngunit mas matangkad lamang si Krystal at mas malaki ang mga mata niya. Petite lamang ang katawan ni Karina, at no'ng nilapitan siya ni Leon, ay masasabi mo talagang mapayat siya. Hindi naman 'yong mapayat na sobra-sobra na. Bagay naman sa kaniya ang kaniyang katawan sapagkat maliit din ang kaniyang napakagandang mukha.

"Oh sis, aalis na kami ah. Ikaw na ang bahala kayna Mommy pag hindi pa ako nakauwi," malumanay na sabi ng ate ni Krystal habang nakaharap sakanya. Kumaway si Karina, at no'ng napansin niya kami ni Rissa ay natigilan siya. "So these must be your friends. Hi! I'd love to chat with you girls about my sister, but I have to keep going, so I guess next time? Ciao!"

Kumaway siya ulit at naglakad na papalabas. Nakasunod sa kaniya si Leon na mukhang nagulat no'ng nakita ako, pero hindi na siya nakapagsalita pa dahil tinawag na siya ni Karina.

"My God! Ako na naman ang mayayari kayna Mommy ne'to eh," umiiling na sabi ni Krystal bago niya kaming inayang umuwi na.

"Thank you ulit!" Kumaway ako kasabay ng pagsara nila sa bintana. Nakauwi na ako at laking gulat ko na hinihintay pala ako ni Maria sa labas.

"Oh, ba't andito ka? Madilim na ah," sabi ko na lang at nag lakad na paloob ng apartment.

"Malamang ay hinihintay kita." Nakita ko siyang umirap. "Oh, kumusta naman ang practice niyo?"

"Ayos naman. Nakakapagod. Ikaw, ano'ng inabala mo ngayong araw?"

"Nagpunta lang naman ako sa mall. Naglaro ng arcade."

"Ahh..." Tumango-tango ako.

Naalala ko tuloy si Leon at Karina kanina. Sasabihin ko ba kay Maria na may girlfriend na ang crush niya?

Napagdesisyonan kong huwag na lang. Baka masaktan si Maria at kung ano pa ang gagawin 'pag wala ako. Mahirap nang mag-isa lang siya tuwing gabi.

Lumipas ang buong gabi at pagkabukas ay bumalik na ako sa Heights House. Si Maria ay ayaw pa akong pakawalan no'on hinatid niya ako, buti na lamang at dumating sina Krystal at tinulungan nila akong makawala kay Maria.

"Alam niyo, ilang araw na tayong andito pero hindi ko pa rin nakikita ang anak ng Mayor."

Agad napabaling sa direksyon ni Rissa ang tingin namin ni Krystal.

Nakaupo kami sa maliit na silya sa aming kwarto. Dahil sa sobrang laki ng aming kwarto, naisipan nilang lagyan ng maliit na sala set ang aming silid, para raw maayos kaming makapag usap sa isa't isa kung gugustuhin.

"Ngayong nabanggit mo siya, oo nga 'no? Minsan naman nasusulyapan ko ng saglitan ang Mayor, pero siya, ni anino man lang ay wala!" mahabang pahayag ni Krystal.

Napatango naman ako. Kung tutuusin, at saka ang asawa ng Mayor ay hindi pa namin nahahagilap ni minsan. Ilang araw na rin kaming nandito, pero ni isang beses ay hindi talaga namin sila nakita. Baka siguro hindi ako palalabas, 'tsaka baka busy si Salvatore sa kaniyang mga gawain.

"Siguro ay marami silang ginagawa kaya hindi natin sila nakikita," paniguradong sambit ko.Pagkatapos ng aming pagku-kwento, natulog na rin kami bagamat kakailanganin naming magpahinga ng mabuti. Bukas ay susubukan naming mag ensayo, at sa pag sapit ng gabi, kami ay kakanta na rin.

"Ahh! Sayang at hindi pa rin kita makikitang kakanta ulit!"

Umaktong nagtatampo si Maria. Bumusangot siya at humalukipkip.

Kumakain kami ngayon ng tanghalian at kinekwento ko sa kanya na mamayang gabi ay kakanta na rin kami, kaya heto, nagtatampo sapagkat hindi niya raw ako makikitang kumanta.

"Maraming mas magaling sa akin diyan 'no! 'Tsaka, narinig mo na ba akong kumanta?" Umiling ako at nag patuloy na lamang as pag kain.

"Ano'ng hindi?! Bingi ka ba o pa-humble lang? Nako! Gugustuhin ko bang marinig ang boses mo kung alam kong hindi naman 'yan maganda? And have you forgotten? I sometimes hear you singing inside while showering, but I haven't heard you lately kasi nga 'di ba, wala ka na?" Umirap siya. "Basta! Sample-an mo na lang ako para hindi na ako magtatampo sa'yo!" Nginisian niya ako, kaya ako naman ngayon ang umirap.

"Nantitrip ka lang naman eh. Kumain ka na lang dyan dahil bawal daw kumanta habang kumakain!"

"Sino namang nag sabi?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Kumibit-balikat nalang ako bilang sagot sa kaniya. Puno na kasi ng pagkain ang bunganga ko, at naalala ko lang na si Mama ang nagsabi sa akin na bawal daw kumanta kapag nasa harap ng pagkain.

Nang matapos naming kumain, hindi na kami nagkibuan ni Maria dahil dumeretso na kami agad sa aming silid. Klase na naman, at pagkatapos ne'to, uuwi na kami sa Heights House para makapag ensayo ng sandali bago tumuloy sa pagtatanghal.

Pagkatapos ng klase, agd na akong nag paalam kay Maria na aalis na ako. Sinabihan ko rin siya na mag-ingat siya dahil hindi ko na siya masasamahan pang humanap ng masasakyan. Matapos no'n ay dumeretso na ako sa labas kung saan nakita ko na si Krystal na naghihintay. Saktong pagdating ko ay pumara na sa harap namin ang aming sundo.

"May damit na naman tayo," bungad sa amin ni Rissa.

Tulad no'ng una, tatlong magkakaibang kulay ang mga damit. Magkakaiba ang disenyo nila pero halos magkasing hawig lang naman. Pinili namin ang damit na nagustuhan namin, at pagkatapos no'n ay agad din kaming nag bihis. May sapatos din na nakahanda para sa amin. Nakakagulat nga na kasya lang sa amin ang sapatos na nakahanda.

"Ito na talaga!" Pinisil-pisil ni Krystal ang kamay ko noong naglakad na kami papunta sa silid kung saan kami magtatanghal.

Tapos na kaming mag ensayo, at nakapagpahinga naman kami kahit saglit. Tinawag na kami ng isang bodyguard ni Mayor, at sinabi niyang naghihintay na sila para sa amin.

Pagkapasok namin sa silid, agad tumayo ang balahibo ko sa katawan, dahil sa lamig, at dahil na rin sa tingin ng mga taong nasa loob.

Pinasadahan ko ng tingin ang tatlong taong naka-upo sa harap. Isa na roon ang Mayor, at ang dalawa, kung hindi ako nagkakamali ay mga Congressman.

Buti at tatlo lamang sila, ngunit marami ring bodyguard na nakakalat sa loob, kaya nakakakaba pa rin. Maraming mga mata ang nakatingin, at ngayon, hindi lang ang Mayor ang pupuna sa amin.

Bago pa kami masabihan na magsimula na, bigla kong narinig ang impit na sigaw ni Krystal.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...