Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

20.1K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 29

210 56 123
By night-firefly



First pov;

"Are you okay?" mahina kong sambit kay Dad.

Nag-iwas lang siya ng tingin bago tumango.

Kahit nasaktan ako dahil sa paglihis ng tingin niya, pinipilit ko pa ring huwag bumigay at maiyak na naman sa harap niya.

Mataman ko lang siyang tinignan. Natatakot akong lumapit ng husto sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mayakap ko na naman siya. Baka magmakaawa na naman ako para tanggapin niya lang akong anak niya.

Tumalikod na ako at mabigat ang mga hakbang na lumabas ng ospital room. Umaasa akong tawagin niya ako pero nakalabas na lang ako sa pinto, hindi ko pa rin marinig ang boses niya.

Sabagay, bakit pa ba niya ako tatawagin kung ako din naman ang may dahilan kung bakit siya naospital.

Napabuntong hininga na lang ako. Nadagdagan pa ata ang kasalanan at konsomisyong binibigay ko kay dad. Nagkasakit pa siya sa puso ng dahil sa akin.

Mabigat ang dibdib kong naglakad palabas ng ospital ng may biglang humawak sa kamay ko kaya napalingon ako dito. Bibigwasan ko na sana kung hindi ko pa napansin kung sino.

Tsk! Bakit ang hilig nitong humawak ng kamay ngayon? Nakakatatlo na ang impaktong ito ah.

—una, sa harap ng magulang niya, pangalawa naman kanina sa loob ng kwarto ni Dad at pinakita pa talaga sa fiance niya at sa impakta kong madrasta.. at ngayon naman umulit pa. Tsk! Nag-enjoy lang?

Tinaasan ko siya ng kilay habang palipat-lipat ang tingin ko sa kamay at mukha niya.

"Where are we going?" tanong nito sa akin at hindi man lang pinansin ang nakataas kong kilay at ang pagtingin ko sa kamay niya.

"Tsk!" singhal ko lang at winaksi ang kamay niya pero ang kulit ng loko. Humawak ulit.

Ngumiti pa ito ng samaan ko siya ng tingin.

"Nawawala ka ba?" mataray kong tanong sa kanya.

"Bakit?" ngisi nito.

"Kanina ka pa hawak ng hawak ng kamay para kang batang nawawala."

Natawa lang ito sa sinabi ko at nakakalokong tumingin sa akin. "Hindi ako bata pero pwedi mo akong maging baby!"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o mapapatampal sa noo ko kaya napangiwi na lang ako sa banat niya. Banatan ko din kaya ito?

Magkahawak kamay kaming lumabas ng ospital papunta sa sasakyan niya at babanatan ko na talaga sana siya kung hindi niya pa binitawan ang kamay ko.

Pinagbuksan niya muna ako ng pinto bago siya pumunta sa kabilang side.

"So where are we going?" tanong niya ulit sa akin ng makaupo na kami sa loob ng kotse niya. Katunog niya si Dora the Explorer kung makatanong kung saan kami pupunta. Maglabas kaya ako ng mapa. Tsk!

"I want to go home." tamad kong sagot sa kanya at pumikit habang nakasandal ang ulo ko sa bintana. Hinintay kong paandarin na niya ang kotse pero iba ang ginawa niya.

Tsk!

Hinatak niya ako at biglang niyakap. Hinagod pa niya ang likod ko habang nakabaon ang mukha ko sa dibdib niya.

"I'm here First. I'm always here for you." bulong niya sa akin. "I know what you really feel right now kaya wag mo nang itago sa akin kung anong nararamdaman mo ngayon."

Mapait lang akong napangiti habang yakap niya pa rin ako. Alam ko namang pinapagaan lang niya ang nararamdaman ko ngayon.

Rinig na rinig ko kanina ang usapan ni Dad at ng madrasta ko. She wants Dad to despised me completely kaya ayaw niyang mag-alala pa si Dad sa akin. Matutuwa na sana ako doon eh, na may pakialam pa si Dad pero naaawa lang din pala siya sa akin kaya hindi niya ako magawang alisin sa buhay niya. Tsk! Totoo mo akong anak dad, kelan mo pa kaya maiisip iyon?

"I'm fine Craige." bulong ko sa kanya. Mahina ko siyang tinulak at pumikit muli habang nakasandal ang ulo ko salamin ng bintana. Hindi ko na tinagalan ang yakap niya dahil baka maiyak lang ako.

Bumuntong hininga muna siya bago paandarin ang sasakyan at tinahak namin ang daan papunta sa condo ko.

Ilang minuto ang nagdaan ng makarating kami sa parking ng hotel at huli ko ng naisip na hindi niya pala pweding makita ang hitsura ng unit ko ngayon. Magulong-magulo doon at batid kong kalat-kalat pa ang mga sirang bagay doon baka matakot lang siya at magtanong sa akin.

Napagdesiyon kong tumuloy na lang sa unit ni Clover. Nagtaka pa si Craige kung bakit number 9 ang pinindot ko imbes na 8 na numero ng floor ng unit ko pero tinaasan ko lang siya ng kilay upang hindi na siya magtanong pa.

Walang habas akong nag-doorbell sa labas ng unit ni Clover ng makarating kami sa labas ng pintuan niya at inis naman niya itong binuksan.

Gulat pa siya ng makita ako at napatingin din siya kay Craige bago ulit tumingin sa akin. Magsasalita pa sana siya ng tinakpan ko ng kamay ko ang mukha niya.

"Shut up! I still hate you!" pigil ko sa sasabihin niya at nagtuloy-tuloy ng pumasok sa unit niya.

Hinabol niya ako at nagtataka akong tinignan kaya inikutan ko siya ng mata. Tsk! Gusto niya bang ipaliwanag ko kung bakit naiinis ako sa kanya? Tsk! Manigas siya.

Kasalanan niya dahil umasa ako— Peste! Ano bang nangyayari sa akin!?

Bakit ba ako umasang pupuntahan niya ako kagabi?

Naglakad ako palayo sa kanya kaya napasunod na naman siya sa akin. Napalingon ako kay Craige at nagtataka lang itong nakatingin sa aming dalawa ni Clover.

"Hey! Bakit ka ba nagagalit huh?!" tanong ni Clover sa akin at may halong inis na sa tanong niya kaya napahalukipkip ako sa harap niya.

"So, nagagalit ka din kasi galit ako sayo?!" singhal ko.

"Fuck.! No.." Inis pa rin niyang sagot.

Pansin kong napatingin siya sa mga sugat ko sa kamay at napabaling pa siya sa mukha ko. Napalitan na ng pag-aalala ang naiinis niyang mukha kaya tinalikuran ko na siya. Tsk! Huwag lang niyang ipakita ang naaawa niyang mga tingin sa akin at baka matampal ko pa siya.

Nagtuloy ako sa kusina niya at naghalungkat sa laman ng ref niya. Kinuha ko ang bote ng alak niya doon at mabilis na ininom.

"Fuck!!" sabay pa silang napamura ni Craige kaya masama ko silang tinignan bago muling tinungga ang alak na hawak-hawak ko.

Kelangan ko lang malasing. Kelangan kong makalimot kahit sandali lang.

Lumapit si Clover sa akin at inagaw ang bote ng alak na iniinom ko kaya malakas ko siyang natulak kaya na-out balance siya at natumba sa sahig.

Nagulat ako sa nangyari kaya napatulala ako habang nakatingin sa kanya. Nabitawan ko pa ang hawak kong bote at malakas itong nabasag sa sahig.

Bigla akong nanlambot dahil sa nagawa ko at napasalampak na lang din ako sa sahig. Bakit ko siya nasaktan?

"I'm sorry! I'm sorry.. h-hindi ko sinasadya Clover.. I'm sorry.." paulit-ulit kong sambit habang napayakap sa tuhod ko.

Hindi ko sinasadyang saktan siya. Bigla akong natakot.

Napahikbi ako at nauwi iyon sa malakas na hagulhol.

Naramdaman kong may yumakap sa akin kaya napatingala ako sa taong iyon.

"I'm sorry.. h—hindi ko naman s—sinasadya.." napasinok ako dahil sa hagulhol ko. "Wala naman akong kasalanan diba?" parang bata kong tanong sa kanya. Wala naman akong kasalanan diba? Pero bakit ganito ang buhay ko? Bakit nagawa ni Mommy sa akin ito?

Mabilis niya akong niyakap at lalo akong napaiyak.

"Hush please.. Wala kang kasalanan First. Wala, okay?!" pagpapatahan niya sa akin.

"P—pero bakit g-galit sila sa akin?! Wala naman akong ka—kasalanan diba?"

Patuloy lang na bumubuhos ang luha ko.

Hindi ko alam kung epekto lang ito ng alak na ininom ko o tuluyan na akong nagbreak down sa harap nilang dalawa.

Nakakahiya pero hindi ko na kaya. Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko mula sa ospital pa lang pero habang tumatagal ang pagpigil ko lalo lang akong nasasaktan. Parang sobra ng nalulunod ang puso ko sa hapdi.

Napaharap ako sa kanila at nagmamakaawang tumingin.

"Please.. t-take away this pain." umiiyak kong sambit sa kanila habang tinuturo ang puso ko. "I c—can't take it anymore!"

Naramdamang kong napayakap si Craige sa likod ko habang hawak-hawak ni Clover ang mukha kong basa na ng luha ko.

Sana parang luha na lang ang hapdi sa puso ko na kapag natapos na akong umiyak ay mauubos na din ito.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil tinamaan na ako ng hilo at pagod dahil sa pag-iyak at pagtungga ko ng alak.

Napahiling na naman ako na sana paggising ko ulit mawala na ang hapdi ng puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

899K 23.6K 82
Anong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagm...
78.3K 2.1K 35
Paano kung ang isang makulit na lalaki ay magkaroon ng cold na girlfriend? Magkaka-isa kaya sila, kahit magkaiba ng ugali? Totoo kaya ang kanilang...
468K 10.9K 44
Natie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the...
23.2K 990 20
This is the season 2 of Scarlet Eyes. Makalipas ang isang taon matapos ang mga trahedyang nangyari sa buhay ni Adrianne ay pinilit niya paring mabuha...