Golden Scenery of Tomorrow (U...

By 4reuminct

73.9M 2.9M 10.5M

UNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from... More

PROLOGUE
01
02
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

03

1.4M 59.7K 188K
By 4reuminct


"Last day of school! Saan ka magva-vacation, Via?" 


Nagbabasa lang ako ng libro habang nakatambay kami nila Luna sa bleachers ng covered court. Dahil nga last day na, halos hindi na uma-attend 'yung mga teachers ng klase. Busy na sila kaka-compute ng grades dahil kailangan na nilang ipasa kaya naman halos lahat ng estudyante ay kung saan-saan mo makikita. 


Kami, naghihintay lang ng P.E ngayon. Naka-jogging pants kaming grey at white shirt na may grey linings sa sleeves at collar. May nakalagay lang na "V.H.S" sa jogging pants at logo ng school sa may shirt. Maglalaro daw kami ngayon ng volleyball. Napapabuntong-hininga na lang ako dahil... Volleyball na naman. 


"Hindi ako magba-bakasyon," sabi ko naman kay Luna. "May training kami." 


"Ah, sayang naman! Ngayong vacation na rin 'yung pasahan ng application para sa Student Council! Gusto ko tumakbo as 2nd year representative! Sa tingin mo ba mananalo ako?" Parang kumislap ang mga mata ni Luna nang pagdikitin ang dalawang palad at tumingin sa 'kin. 


Kahit hindi ko naman sabihin ay alam kong malakas ang hatak niya. Marami siyang kaibigan at alam kong lahat ng 2nd year ay iboboto siya kung sakali mang tumakbo siya next school year. Huwag lang nila akong pilitin sa mga ganiyan dahil ayaw ko noon. 


"Kaninong party ka tatakbo niyan?" Tanong ni Kierra sa kaniya. "Sino kayang tatakbong President sa mga 4th year 'no? Wala akong maisip. Sino bang sure win?" 


Habang pinag-iisipan nilang dalawa, napatingin sila sa mga lalaking naglalaro ng basketball sa baba. Binaba ko tuloy ang librong hawak ko para sundan ang tinitignan nila. Nakita ko na naman si Camero, 'yung basketball player, na nakikipaglaro sa mga 2nd year. Breaktime ata niya dahil hindi naman siya nakasuot ng pang-training niya. Sa dalas ko siyang nakikita tuwing may training kami, saulo ko na ata ang suot niya. 


"Balita ko tatakbong Vice President si Camero," sabi ni Kierra. "Siya 'yung kumausap sa 'yo last time sa fishball-an, Luna. Natatandaan mo? Siya rin pala 'yung basketball player na pinagkakaguluhan ng mga kaklase natin." 


"Ah, ganoon." Nagkibit-balikat si Luna at tila walang pakialam. Nakatingin lang siya sa kuko niya dahil nagasgas niya ata sa zipper ng bag. "Sinong President? Wala akong nakakalap na chismis! Ikaw, Ke, ang chismosa mo, ha!" 


"Wala rin akong natutunugang tatakbo bilang President..." 


Napatingin kami sa lalaking natamaan bigla ng bola sa ulo. Nakasuot din siya ng P.E uniform. Naglalakad lang siya sa gilid pero nang hindi masalo ni Camero ang bola, natamaan siya sa ulo. Napangiwi siya at humawak sa likod ng ulo niya pero tuloy-tuloy lang naglakad na parang walang nangyari. Nanginginig pa nga ang tuhod at muntik pang madapa sa sobrang takot. Ang sakit siguro noon. 


"Ayan! Si Acel! Pakiramdam ko tatakbong President!" Tinuro ni Kierra ang lalaki. 


"Totoo ba? 'Yung highest sa batch nila? Saang party siya? Roon na lang ako! Mukhang malakas-" 


Napatigil sila bigla sa pag-uusap nang biglang pumito 'yung teacher namin sa P.E kaya sabay-sabay kaming nagsibabaan sa court. Umalis na rin 'yung mga nagbabasketball dahil pinaalis ng isa pang teacher kaya halos kami na lang ang natira. 


Pumunta kami sa may side ng volleyball at umupo sa sahig habang gino-group kami ng teacher namin. Agad nag-taas ng kamay si Luna para mag-prisintang mag-lista ng mga magugrupo. Nang magtama ang tingin namin, kinindatan niya 'ko kasama ang makahulugang ngiti. Alam ko na 'yon... Ililista niya ang pangalan niya at ni Kierra kasama ako. Napailing na lang ako sa kaniya. 


Tama nga ako at magkakagrupo kami kasama ang tatlo pang miyembro. Binigyan kami ng oras para mag-meeting para sa mga roles namin pero halata namang wala silang kaalam-alam tungkol doon kaya lahat sila ay nakatingin sa 'kin. 


"Kaya kong mag-spike, Via! Trust me!" Hinampas pa ni Luna ang dibdib niya at mukhang proud pa siya. "Tawagin n'yo 'kong... Ace!" 


Napangiwi ako sa sinabi niya. Sa kaniya ko ise-set ang bola, huh? Ang hirap naman no'n pero wala naman akong choice. Si Kierra nag-volunteer naman mag-block. Actually, hindi naman ganoon ka-strict pero para lang hindi sila magkagulo sa court at para hindi ako ma-stress, mas mabuting alam nila ang gagawin nila. Kami pa naman ang unang lalaban kasama 'yung kabilang group. 


Nang tinawag na kami ni Sir, pumwesto na 'ko sa court. Sinabihan ko na rin sila sa rotation namin dahil hindi rin nila alam 'yon kahit na-lesson na namin. Ang kabila ang nag-serve pero out kaagad. 


Makalat ang buong laro namin. Nakakailang set ako ng bola pero walang sumasalo o kaya naman hinahampas nga, tumatama naman sa net at bumabalik lang sa amin. Ako halos ang takbo nang takbo sa court para lang sumalo dahil parang napapako ang mga paa nila sa pwesto nila at pinapanood lang ang bolang bumagsak sa sahig. 


"Go Via! Whoo!" Napatigil ako bigla sa pagtakbo nang bigla kong marinig ang boses ni kumag. 


Napakunot ang noo ko at tumingin sa gilid kung nasaan si Arkin. Nakaupo siya sa sahig at kasama ang mga tropa. Mukhang breaktime nila o kaya kakatapos lang ng P.E class dahil naka-suot din siya ng P.E uniform. Ngumisi siya sa 'kin at binigyan ako ng thumbs up pero nanlaki rin ang mata niya at nag-iba ang ekspresyon. Saka ko lang naintindihan kung bakit nang biglang may tumamang bola sa mukha ko. 


"Waaa, sorry!" Sigaw ni Luna sabay takbo sa 'kin. 


Napahawak ako sa ilong ko sa sobrang lakas ng hampas sa 'kin. Tama nga si Luna... Marunong siyang mag-spike... Pero bakit sa mukha ko?


"Sub muna kay Diaz!" Sigaw ng teacher namin. 


Hawak ko pa rin ang mukha ko nang naglakad ako palabas ng court para maghugas ng mukha sa likod. Naramdaman kong may tumatakbo pasunod sa akin kaya binilisan ko lalo ang lakad ko. Huminto lang ako sa tapat ng lababo at naghugas ng mukha. Nagdugo rin ang ilong ko kaya pinisil ko 'yon at hinugasan. 


Nakatayo lang si Arkin sa gilid ko at nakasandal sa may gilid ng lababo habang pinapanood ako. Nang tignan ko siya, nakita kong kagat niya ang ilalim ng labi at gustong gustong tumawa pero hindi magawa. Nang sumama ang tingin ko, tinakpan niya ang bibig niya at umiwas ng tingin. Narinig ko pa ang pinipigilang tawa niya. 


"Lumayas ka na nga rito. Naiinis lang ako," sabi ko habang nakahawak sa ilong ko. 


"Masakit ba?" Natatawang tanong niya ulit. "Buti na lang maaga kaming natapos sa P.E! Nasaksihan ko! Salamat, Sir Raymond!" 


Gustong gusto ko na siyang sapakin pero mas pinagtuonan ko ng pansin ang dumudugo kong ilong. Naghugas ulit ako ng mukha at kinapa ang panyo sa jogging pants ko pero na-realize ko lang din na naiwan ko sa loob. Napabuntong-hininga ako at nilagpasan na lang si Arkin para bumalik sa covered court, basa pa ang mukha. 


"Teka." Napatigil ako sa paglalakad nang hawakan niya ang pala-pulsuhan ko at hinatak ako pabalik. Akala ko aasarin niya ulit ako pero kinuha niya ang towel niya at pinunasan ang mukha ko. 


Hindi na siya tumatawa ngayon at seryoso nang pinupunasan ang mukha ko. Nilagay niya pa sa ilalim ng ilong ko ang towel pagkatapos dahil baka may dugo pa ring tumutulo. Pagkatapos, hinawakan niya ang mukha ko gamit ang isang kamay, tinitignan kung nagkaroon ba ng pasa. 


"Mukhang okay naman... Bakit kasi hindi ka tumitingin sa bola? Volleyball player ka niyan? Saan ka ba nakatingin?" Napailing siya at hinaplos ulit ang mukha ko. 


Tinulak ko kaagad siya palayo sa 'kin at hinawakan ang towel na nasa ilalim ng ilong ko. Anong saan ako nakatingin? Sa kaniya! Tinawag niya kaya ako kaya natamaan ako ng bola! Napailing na lang ako sa inis at naglakad na ulit pabalik sa covered court. Tapos na ang laro namin at nanalo kami kahit papaano kakasalo ko ng bola para sa kanila. Dahil doon, mataas ang nakuha naming marka.


"Via, sorry talaga! Nag-punta ka na bang clinic?! Tara, samahan kita!" Halos paiyak na si Luna nang bumalik ako. 


"Lagot ka," pang-aasar ni Arkin. "Nakalimutan niya nga ang pangalan niya, e. Noong sinundan ko, hindi na niya 'ko kilala." 


Babatukan sana siya ni Luna kaso biglang dumating ang boyfriend niya at tinawag siya. Tumakbo kaagad siya palapit doon kaya sinundan ko siya ng tingin. Nakita kong galit na naman si Lance at parang pinapagalitan si Luna. Tungkol saan na naman kaya? Naiinis na naman ako kapag nakikita ko ang mukha niya. 


"Nagkaaway na ba kayo ni Lance? Ayaw ko sa kaniya," sabi ko kay Arkin. 


"Si Lance?" Kumunot ang noo niya at sinundan ang tinitignan ko. "Ah, nakaaway na 'yan ng mga tropa ko. Nanood lang ako pero ayaw ko rin diyan. Bakit? Anong ginawa sa 'yo?" Tanong niya kaagad na parang nananakot. 


Umiling na lang ako at hindi nagsalita. Nang matapos na ang mga laro, kinuha ko na rin ang bag ko at sabay-sabay na kaming naglakad paalis nila Luna. Wala na kasi kaming klase pagkatapos kaya naman pwede nang umuwi pero masyado pang maaga kaya nag-iisip sila kung saan kami kakain. 


"Kilala mo 'yung sinasabi ko sa 'yo dati? Si Yanna? Narinig ko lang na pinag-uusapan ng mga babae sa room. Malandi raw 'yon, e? Mana raw sa nanay?" Rinig kong sabi ni Lance kay Luna habang naglalakad kami. Hindi ko rin alam kung bakit namin siya kasama. 


"At bakit?" Tanong ni Luna. "Paano mo 'yan nasabi?" 


"'Yung boyfriend ng kakilala ko, inakit daw ni Yanna kaya sila nag-break. Tapos ang sabi nila, nakikipag-halikan daw 'yun sa C.R. Sabi nila, ah... Nakita ko noong isang araw lang, nakipagsampalan pa siya sa girlfriend. Tama lang sa kaniya 'yun, 'no? Kasi 'yung nanay niya-" 


"May ibabalik lang akong libro sa library," paalam ko sa kanila. Napatingin kaagad sa akin si Arkin at parang nagmamakaawa ang mukha pero umiling ako. "Huwag ka nang sumama. Babalik din ako." Mas lalong nalungkot ang mukha niya pero hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang papuntang library. 


Pagkapasok ko, halos wala nang tao. Nilabas ko ang librong ibabalik ko at pinakita sa estudyanteng nagbabantay sa counter. Pina-pirma niya lang ako at sinabing ako na ang mag-balik. Malamang ay tinatamad lang siyang hanapin. 


Naglakad na lang ako ulit papunta sa shelves, inaalala kung saan ko ba kinuha 'yon, pero agad din akong napatigil nang makita ko na naman 'yung 2nd year na nakaupo sa sahig at yakap ang tuhod. Nakadukmo siya kaya hindi ko alam kung natutulog o umiiyak. Nakaharang siya sa dadaanan ko pero hindi ko alam kung paano ko sasabihing umurong siya.


Napatingin ako sa likod ng kamay niya. May sugat 'yon at nagdudugo pero mukhang wala siyang pakialam. Tinignan ko ang bag ko at nag-labas ng band-aid bago lumuhod sa harapan niya. Kakalabitin ko sana siya nang bigla na lang umalog ang mga balikat niya, umiiyak. Narinig ko pa ang hikbi niya kaya hindi ako makapagsalita. 


"Uhm..." Hindi ko alam ang gagawin ko. Dahan-dahan kong kinuha ang kamay niya para sana lagyan ng band-aid ang sugat niya pero agad umangat ang tingin niya sa 'kin kaya napaupo ako sa sahig at napaatras, gulat. 


Sumama kaagad ang tingin niya sa 'kin pero saglit lang 'yon at umiwas na rin siya kaagad at pinunasan ang mga luha sabay tumayo. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad paalis pero napahinto nang biglang may nakabungguang isa pang babae. Namukhaan ko... Siya 'yung 2nd year na inaway niya sa canteen. 


"Ano ba! Paharang-harang ka!" Inis na sabi ni Yanna sa kaniya. 


"Oh, I'm sorry... Are you crying?" Mahinhing tanong ng babae at sinilip pa ang mukha ni Yanna kaya mas lalo itong nainis. 


"Ano bang pakialam mo? Papansin, pucha." Binunggo niya pa ang balikat nito bago umalis. 


Nang tumayo ako, nag-tama ang tingin namin ng babae. Kahit mukhang nasaktan siya sa nangyari, ngumiti pa rin siya sa 'kin. Tumango na lang ako at binalik na ang librong hiniram ko. Aalis na sana ako pero may tumawag sa 'kin. 


"Hey..." Napatingin ulit ako sa babae at tinaasan siya ng isang kilay, nagtatanong kung bakit niya 'ko tinawag. "I'm Samantha. Uh... Are you friends with that girl?" Mukhang kinakabahan pa siya. 


"Huh? Hindi, ah. Hindi ko kilala 'yun," tanggi ko kaagad. Totoo naman, e. 


"Oh, okay. Thank you." Ngumiti siya sa 'kin bago umalis. 


Dahil natagalan ako, nakita ko si Arkin na naghihintay sa labas ng library, sumisilip-silip pa sa loob, mukhang hinahanap ako. Lumiwanag kaagad ang mukha niya nang lumabas na ako at naglakad pabalik kila Luna. Masaya naman siyang sumunod sa akin na parang aso. 


"O, nasaan na si Luna?" Tanong ni Arkin pagkabalik dahil si Kierra na lang ang natitira. 


"Ah, uwi na lang tayo! Magkausap sila ni Lance ngayon. Mukhang nag-aaway na naman, e." Napailing si Kierra. "Uuwi na lang din ako! Kita-kita na lang tayo kapag may time kayong gumala sa bakasyon!" Kumaway si Kierra bago umalis.


Naiwan tuloy kami ni Arkin pero hindi naman na bago para sa amin 'yon. Sabay kaming umuwi at kami na rin ang sumundo sa mga kapatid ko dahil maaga naman kaming lumabas. Nang makauwi sa bahay, nag-luto na 'ko para sa hapunan habang si Arkin ay nakikipaglaro kay Aidan para hindi umiyak. Wala pa si Papa dahil natanggap siya sa isa pa niyang trabaho kaya late na siyang nakakauwi. 


Dahil late na siyang umuuwi, binibilin na niya 'ko kay Arkin. Madalas na tuloy sa bahay natutulog si Arkin simula noong nag-bakasyon. Dahil may training ako paminsan-minsan, siya ang naiiwan sa bahay para sa mga kapatid ko dahil may trabaho si Papa. 


"Tulog na si Aidan?" Tanong ko kay Arkin nang pumasok siya sa kwarto ko, nakaligo at toothbrush na. May nakasabit pang twalya sa leeg. 


"Oo. Pauwi naman na Papa mo kaya pwede ka nang matulog." Umupo siya sa foam na nasa sahig ng kwarto ko. Roon siya natutulog kapag narito siya. Maliit lang din naman ang kama ko. Wala namang kaso sa 'kin kung magtatabi kami dahil ganoon naman kami matulog noong bata pa kami pero hindi lang talaga kami kasya dahil matangkad na siya ngayon, hindi tulad dati. 


Pinatay ko ang ilaw at iniwan na lang bukas ang maliit na lamp sa side table para makatulog na. Maaga akong gigising kinabukasan para sa training. Patulog na sana ako pero narinig kong kinuha ni Arkin ang gitara ko sa gilid at nag-simulang mag-strum. Mabagal lang iyon kaya inantok din ako. 


"Via, tulog ka na ba?" Tanong niya pero hindi ako sumagot kahit gising pa 'ko. "Gusto kong sumali sa editorial board ng school. Magpho-photojournalism ako next school year. Sana ako rin mag-cover ng mga sports event sa school." 


"Para saan?" Mahinang tanong ko habang nakatalikod sa kaniya. 


"Para naroon ako sa mga laro mo," maikling sagot niya. 


Napakunot ang noo ko at hindi na nakapagsalita. Iyon talaga ang rason niya? Para talagang masisira ang mundo ng lalaking 'to kapag nahiwalay sa 'kin, e. Sabagay, at the end of the day, kami lang naman ang dadamay sa isa't isa. Lahat ng problema ko, alam niya. Lahat ng problema niya, alam ko. Kahit masungit ako sa kaniya at madalas niya 'kong iniinis, hindi ko maitatangging hindi na rin ako sanay nang wala siya. 


Lumipas ang bakasyon na halos sa amin na nakatira si Arkin. Wala namang problema ang mga magulang niya roon dahil malapit lang din naman ang bahay nila at kayang lakarin. Naiintindihan din nila na walang naiiwan sa mga kapatid ko kapag umaalis ako. 


"Avianna, baon ko?" Bungad sa 'kin ni Arkin pagkapasok ng bahay. 


Nakasuot na siya ng backpack at naka-uniform na rin. Bago na ang necktie naming dalawa. 2nd Year H.S. na ang nakalagay doon. Hindi ko alam kung paano pero ito pala ang kapalit ng pagbabantay niya sa mga kapatid ko... 'Yung baon niya! Nakikihati na ulit siya ngayon! Wala naman akong magawa dahil totoo namang marami siyang nagawa para sa amin! 


"Pa, lunchbox mo. Uuwi ka ba para sa dinner? Kung hindi, bumili ka ng pagkain sa labas ha. Huwag kang magpapalipas. Kung pwede, send-an mo 'ko ng picture ng pagkain para alam kong kumain ka talaga," paalala ko kay Papa bago siya umalis. 


"Oo, anak. Salamat." Nakangiti niyang kinuha ang lunchbox at nilagay sa bag. Hinalikan niya sa noo ang mga kapatid ko at ako bago siya umalis. 


Inayos ko ang palda at blouse ni Ysha at Mira bago kami umalis ng bahay. Iniwan ko na ulit si Aidan sa kapitbahay. Sanay na nga siya ngayon at hindi na umiiyak katulad noon. Mas mabuti 'yon dahil sumasakit ang puso ko kapag hinahanap niya si Mama. 


"Magpakabait, Ysha, ha. Mira, sabihin mo sa akin kapag uuwi na kayo," bilin ko nang mahatid na namin ni Arkin sa tapat ng school ang dalawa kong kapatid. "Tawagan mo si Ate, ha." 


Dahil hindi ko sila nasusundo kapag may training, sumasabay na lang sila sa magulang ng kaklase ni Mira pauwi ng bahay dahil malapit lang din sila roon. Tinuruan ko rin si Mira magbukas ng bahay at mag-lock. Ganoon na ang ginagawa namin dati pa. 


"Tara na, Via. Male-late na tayo. Maghihimutok ka na naman at sasabihing malas ako!" Reklamo ni Arkin sa 'kin. 


Kumaway ako sa mga kapatid ko at pinanood ko silang makapasok bago ako nag-para ng jeep. Sumunod kaagad si Arkin at umupo sa tabi ko, dala-dala pa ang camera niya dahil totoo ngang sasali raw siya sa editorial board. Ako, wala naman akong plano sumali sa ibang club. Okay na 'ko sa volleyball. Wala na 'kong oras magdagdag ng isa pang responsibilidad. 


"Huwag mo na 'kong i-hatid sa room," paalala ko kay Arkin pagkababa namin ng jeep. 


"Bakit naman?" Reklamo niya habang sinusundan ako. Binilisan ko na nga ang lakad ko, naabutan niya pa rin ako dahil mas matangkad siya. "Gusto kitang i-hatid sa room n'yo!" 


"Bakit ba? Epal ka talaga." Inis kong tinulak ang pagmumukha niya.


Wala akong nagawa dahil sumunod pa rin siya hanggang sa labas ng room. Mabuti na lang at hanggang doon na lang siya. Kumaway lang siya sa mga tropa niyang lalaki sa room namin bago ko siya pinagsarhan ng pinto. Akala ko tahimik na ang buhay ko... Pero... 


"Via! Omg, na-miss mo ba 'ko?! Ako, na-miss kita kahit kakakita lang natin last Friday! Sabihin mo naman sa 'king na-miss mo 'ko para naman maganda ang simula ng araw ko! Alam mo ba ang weather for today? It's sunny! Ibig sabihin, maraming magagandang mangyayari!" Parang hindi nauubusan ng bala ang bibig ni Luna. 


"Ganoon ba 'yon? Gawa-gawa mo lang 'yon, e," sabi naman ni Kierra. 


"Ewan ko sa 'yo, Ke! Hindi ka na lang maniwala sa pinsan mo." Napailing si Luna at tinuro ang upuan sa tabi niya. "Dito ka! Dito ka! Ako bahala kay Ma'am!" 


Kahit papaano, maganda ring katabi si Luna sa klase dahil tinuturuan niya 'ko kapag hindi ko naiintindihan ang lesson. Pati sa seatwork at recitation ay tinutulungan niya rin ako. Top 1 nga pala namin siya noong 1st year. Hindi na rin ako nagulat, e. Deserve naman niya 'yon. 


"Malapit na ang campaign period! Gusto mo bang tumulong sa mga posters? Na-hire ko na si Ke! Naalala mo 'yung project nating tatlo? Ang ganda ng kinalabasan, 'di ba?! Tutulong ka for me, Via, 'di ba? 'Di ba?! Artistic ka rin, e!" Pangungulit ni Luna sa 'kin. 


Tumango na lang ako sa kaniya para manahimik na siya. Noong recess at lunch, hindi nagpakita sa 'kin si Arkin kaya nanibago ako. Alam kong may something... Kapag ganoon, ibig sabihin may away na naman. Nakikipag-away na naman siya kasama mga tropa niya, siguro sa likod ng school. Wala akong pakialam. Bahala siya. Huwag niya lang ako idadamay. 


Nang matapos ang klase, hinatak ako ni Luna at Kierra para sa meeting about sa campaign ng Student Council. Talagang tumakbo nga siya. Hula ko para rin sa extracurricular points. Malaki rin 'yon, ah. 


"Dito ata meeting..." Umakyat kami sa room ng isang section ng 4th year students. 


"Woy! Pasok kayo! Candidates ba kayo?" Halos mapatalon kami sa gulat nang makita si Camero na nakaupo sa may table at may hawak na meter stick. May iba pang mga 4th year na naroon, mga kasama rin siguro sa partido nila. 


"Ah, opo..." Sagot ni Luna sabay pasok at upo roon sa bakanteng upuan. "Mga kaklase ko po..." Turo niya sa amin ni Kierra. 


"Hindi ako tatakbong President, ah! Ako lang magsasalita rito kasi mahina boses nitong si Acel! Kilala n'yo ba? Si Ace nga pala! Acel Chelvea Peña. President natin!" Ang lakas nga ng boses niya. Ang ingay niya. 


Nahihiyang tumayo 'yung lalaki at nag-bow lang sa amin bago bumalik sa upuan niya, tahimik na ulit. "Hello," mahinang sabi niya. Halos hindi ko 'yon narinig. "Che... Chevy..." 


"Ah, ang sinasabi niya, pwede n'yo siyang tawaging Chevy pero Ace na lang kasi baka lumingon din ako!" Tumawa si Camero at umakbay pa siya roon sa lalaki. 


Wala akong pakialam sa pinag-uusapan nila. Ano bang ginagawa ko rito? Gusto ko nang umuwi kaagad, ah. 


"Ah, sorry, am I late?" Napatingin ako sa likod nang bumukas ulit ang pinto at pumasok naman 'yung... babae dati. Ano ulit pangalan niya? "I'm Samantha Vera! Candidate for 3rd year representative," pagpapakilala niya. 


"Eh? Tapos na kami mag-meeting, e," seryosong sabi ni Camero. Sinandal niya pa ang baba niya roon sa meter stick na hawak niya at umaktong suplado. 


"W-what?" Napatingin si Samantha sa relo niya. "But... I thought... 5 PM, right?" 


"Late ka ng 5 minutes. Ang dami na naming napag-usapan. Candidate ka nga, late ka naman. Ano ba 'yan?" Tumaas ang kilay ni Camero. Napakunot ang noo ko dahil alam kong nagsisinungaling siya at pinagtitripan niya lang 'yung babae. 


"Oh... I'm... I'm so sorry." Napatingin sa sahig si Samantha at mukhang paiyak na, pinipigilan lang. "My teacher went overtime so I just-" 


"Uy, joke lang! Gagi!" Bawi kaagad ni Camero nang makitang malapit na ngang umiyak si Samantha. "Upo ka muna! Ikaw naman, joke lang, e! Seryoso ba, paiyak ka na?" Nag-aalalang tanong niya. 


Doon umupo sa kabilang side si Samantha, kung saan wala masyadong tao. Mahaba ang buhok niya at maganda rin ang kutis. Mukha nga talaga siyang anghel, pati ang boses niya mahinhin din, parang hindi siya nagagalit. 


Nang makompleto 'yung candidates, hindi na 'ko nakinig sa meeting. Doon lang sa part ng campaign posters ako nakinig dahil doon lang naman ako kailangan. Pagkatapos ng meeting, nagsi-alisan na kaagad 'yung iba at natira kami nila Luna dahil pinag-uusapan pa nila ni Kierra 'yung gagawin sa poster. 


Naiwan din 'yung basketball player na nakaupo sa teacher's table, hawak pa rin ang meter stick. Si Samantha naman, mukhang hindi makaalis kahit nakasuot na ang backpack dahil magmumukha siyang walang respeto kung bigla na lang siyang aalis pero hindi rin naman niya alam kung paano magpapaalam sa amin. Ang awkward. 


"Kumain na kayo?" Tanong bigla ni Camero sa amin. "Ah... Sevi nga pala," pagpapakilala niya. Mukhang bored na bored siya at pinaglalaruan na lang ang meter stick. 


Ang tangkad niya. Nakaupo na siya sa teacher's table pero abot pa rin ng paa niya ang sahig. Mas matangkad siya kay Arkin. Kahit ganoon, hindi siya nakakatakot. Pala-ngiti siya at mukhang friendly naman. Mukhang mahilig nga lang mang-asar katulad kanina. 


"Bakit? Libre mo kami?" Sagot kaagad ni Luna, nakangisi pa. Nanlaki ang mata ko dahil sa hiya. Hindi naman sila close! Si Luna talaga, ang casual na masyado makipag-usap sa ibang tao kapag naka-isa o dalawa na silang encounter.


"Anong gusto mo?" Tinaasan siya ng isang kilay ni Sevi. 


Napatingin ako kay Samantha nang bigla siyang mag-salita. "U-uh... Guys... I need to-" 


"Sam! Sam pangalan mo 'di ba? Sama ka? Kain tayo," aya ni Sevi sa kaniya. "Anong gusto mo? Kikiam, fishball, kwek-kwek, isaw... Kumakain ka ba ng isaw?" 


"What?" Naguluhan bigla si Sam. Napagtanto ko kaagad na hindi niya alam 'yung pinagsasasabi ni Sevi. 


"Hello, Ate Sam! Luna nga pala!" Inalok ni Luna ang kamay niya. "Candidate ako for 2nd year representative! Samantha lang ba pangalan mo? Samantha Vera? Wala na talagang kasunod? Or wait, apelyido mo ba ang Vera?" Tanong kaagad ni Luna. 


"Yes. My second name is Maureen," sagot naman ni Sam. "How about you? Is your name Luna?" 


"Hala, wait, napapasabak ako sa English-an. Ke, ikaw nga," bulong ni Luna sabay siko sa pinsan niya. 


"Bakit ako? Wala akong baon ngayon. Ikaw na." Siniko rin siya pabalik ni Kierra. 


"Ako na nga! Hello, how are you? Are you a foreigner?" Singit ni Sevi. "Do you have dollars? How much?" 


"I'm not a foreigner," maingat na sagot naman ni Sam. "Are you? You're so tall." 


"Hala, shit, mukha ba 'kong foreigner?" Tanong ni Sevi sa amin. "Oy, volleyball player, mukha ba 'kong foreigner?" 


Umiling ako. "Hindi." 


Nawala kaagad ang ngiti sa labi niya. "Okay lang. Ikaw din naman!" Ganti niya pa sa 'kin na parang bata. Wala naman akong sinabing mukha akong foreigner. Siya ang may pasimuno noon. 


Napatigil silang lahat nang biglang bumukas ang pinto at lumitaw si Yanna. Nilibot niya ang paningin niya hanggang sa napako 'yon kay Luna. Nagulat naman ito dahil sa kaniya nakatitig kaya tinuro niya ang sarili niya para manigurado. 


"Hoy, ikaw." Tumuro sa kaniya si Yanna.


Nakita kong natakot si Luna at tumingin pa sa likod niya pero walang tao roon. Natahimik din kami, lalo na si Sam na nagulat kay Yanna. Natatandaan pa siguro nito na hinablot ni Yanna 'yung I.D. niya dati sa canteen at gumawa ng eksena. 


"Nilalandi ako ng boyfriend mo," seryosong sabi ni Yanna. "Kaya pwede ba, paki-tali naman 'yung aso mo." 

________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

118M 2.7M 34
University Series #2 Hiro, a student pilot from DLSU, was very clear with his number one goal in life. It was to study in the best flying school in F...
2M 133K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
419K 5.6K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
9.5K 238 47
Compilation of poems and thoughts Impressive-rankings: #1 in nature poem #1 in wordsworth #3 in poem #6 in poetry #32 in poem out of 182k stories