My Alien Soulmate (boyxboy) [...

By Badorita

690K 20.5K 615

Si Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyan... More

My Alien Soulmate
Prologue
Chapter One (The Selected One)
Chapter Two (Unidentified Follower Of abby)
Chapter Three (The Encounter)
Chapter Four (Mission Accomplished)
Chapter Five (Dreams or Reality)
Chapter Six (Reality is stranger than Fiction)
Chapter Seven (A Narrow Escape)
Chapter Eight (Mysterious Man in the Dark)
Chapter Nine (The Outrageous Alpha)
Chapter Ten (Same-sex Reproduction)
Chapter Eleven (A Mess Mind)
Chapter Thirteen (Unintentional Kiss)
Chapter Fourteen (The Beginning of Everything)
Chapter Fifteen (Romance begins in unexpected ways)
Chapter Sixteen (Two Old Friend)
Special Chapter (Valentine's Edition)
Chapter Seventeen (Under the light of a thousand stars)
Chapter Eighteen (Back to Earth)
Chapter Nineteen (Best friends are the best)
Chapter Twenty (Despedida Part One)
Chapter Twenty-One (Despedida Part Two)
Chapter Twenty-Two (Complex Equation of Love)
Chapter Twenty-Three (Love in the time of cholera)
Chapter Twenty-Four (Love goes through a bit of a rough patch)
Chapter Twenty-Five (Wear your heart on your sleeve)
Chapter Twenty-Six (Absence make the heart grow fonder)
Chapter Twenty-Seven (Sweet Smile Sweet Kisses)
Chapter Twenty-Eight (The love of two destined soul)
Chapter Twenty-Nine (The Mated Alpha)
Chapter Thirty (Something is coming)
Chapter Thirty-One (A grand adventure is about to begin)
Chapter Thirty-Two (First Trimester)
Chapter Thirty-Three (Vertigo of Love)
Chapter Thirty-Four (Congratulations)
Chapter Thirty-Five (Patrem Philcan's Confession)
Chapter Thirty-Six (Sometimes knowledge is disgusting)
Chapter Thirty-Seven (F.E.A.R.S)
Chapter Thirty-Eight (Secret Mission)
Chapter Thirty-Nine (Emergence of Clue)
Chapter Forty (The Battle of White and Red)
Special Chapter (A Tribute for the Graduates)
Chapter Forty-One (Abby versus Philcan)
Chapter Forty-Two (Serendipity of Love)
Chapter Forty-Three (First Move)
Chapter Forty-Four (Round One)
Chapter Forty-Five (Recrudescence)
Chapter Forty-Six (Old friend)
Chapter Forty-Seven (The Battle Plan)
Chapter Forty-Eight (Xenica War II Part 1)
Chapter Fifty (Goodbye is not the end)
Epilogue
Author's Note

Chapter Twelve ( The Philetor and the Kleinos)

14.8K 480 21
By Badorita

"Most people don't believe something can happen until it already has. That's not stupidity or weakness, that's just human nature,"

Jurgen Warmbrunn, World War Z

_____

"Philcan, bakit ka nakatunganga r'yan?" Naramdaman na lang niya ang bigat sa kanyang katawan. Ginamitan na naman siya ng gravitional force ng kanyang ama. Mabuti na lang ay isa rin siyang in-line sa pagiging alpha kaya malakas ang kanyang katawan dahil kung hindi kanina pa siya bumagsak. Itinigil lang nito iyon ng makita nitong mayroon na siyang ulirat.

Nakatitig kasi siya sa baba ng hagdan dahil naroon ang munting lalaki na nagpagulo sa isip niya kagabi kaya tuloy kagigising niya lang ngayon. Katabi nito ang kanyang Avunculus Alican. Nakamasid lang din sa kanya ang lalaki. Mukhang hindi ito makapaniwala sa nakita.

Oo, Ako nga. Ngayon alam mo na kung sino ang nakasama mo sa gubat pero bigla ka na lang nawala. Ngayon humanda ka sa gagawin ko sa'yo. You will be my slave forever.

Iyon ang mga nais niyang ipabatid dito sa pamamagitan ng mga titig niya. Naputol ang kanyang pagmumuni-muni ng magsalita muli ang kanyang ama.

"Iwan niyo muna kami," utos ng kanyang ama sa dalawang beta at sa babaeng omega.

Mukhang kinabahan ang munting lalaki, aalis din sana ito pero pinigilan ng kanyang Avunculus Alican. Napangisi siya sa nakikitang pagkabalisa sa mata ng munting lalaki.

Magkasabay silang naglakad pababa ng kanyang ama.

"Kumain na ba kayo ngayong umaga?"

Kumunot ang kanyang noo sa tanong ng kanyang ama, bakit nito tinatanong ang isang peregrinus, sino ba ito?

Tumango lang ang munting lalaki. Tinitingnan niya ito pero hindi ito tumitingin sa kanya. Bigla na naman tuloy uminit ang ulo niya.

"Ikaw!" duro niya sa munting lalaki, "Diba sabi ko sayo, hintayin mo ako! bakit ka umalis?! Ha?!" kinabig niya ang braso nito.

"Philcan, anong ginagawa mo?" naramdaman niya na naman ang bigat sa katawan mas lalo itong bumigat kumpara kanina. Bakit ito pinagtatanggol ng kanyang ama. Sino ba talaga ito?

Nagtago ito sa likod ng kanyang Avunculus Alican.

"Magkakilala kayo?" takang tanong ng kanyang Avunculus Alican.

"Oo!" sabi niya.

"Hindi!" sabi naman nito.

Magkasabay sila ng pagsagot pero magka-iba nga lang. "Anong sabi mo?" hindi niya na malapitan ang munting lalaki dahil baka mas lalong bumigat ang pwersa sa katawan niya.

"Hindi ko siya kilala, ngayon lang kami nagkita," pagsisinungaling nito. Gan'on? Humanda ka sa akin.

"Tama na 'yan, Philcan siya ang Apolectus Unum," lumaki ang kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ng ama. Ito ang Apolectus Unum.

"What?! What do you mean?!" hindi makapaniwala niyang tanong.

"You heard it right my dear nepos, " nakangiting sabi ng kanyang Avunculus.

Nagpabalik-balik ang tingin niya sa kanyang ama, sa kanyang Avunculus at sa munting lalaki. Napagtanto niya lahat ng mga pangyayari simula kagabi. Kaya pala tumatakas ito dahil ito ang hinahanap ng searching team at hindi siya. Kaya pala hanggang ngayon ay hindi pa rin niya natitikman ang galit ng kanyang ama. Wala talaga itong alam sa napurnadang pagtakas niya. Ngayon lang din niya napansin na nakaputi ito katulad ng sa mga alpha at magiging alpha. Kaya pala mukhang ibang iba ito sa mga Xygus dahil hindi naman talaga ito taga-Xenica. At kaya pala hindi siya nito makilala n'ong una nilang pagkikita sa gubat. Umiral ang katangahan sa kanyang katawan.

Hindi maari ito. Pa'no na ang balak niya, ang parusahan ito dahil sa hindi siya nakilala. Kanina ay natuwa pa siya dahil nasa harapan na niya ito at magagawa na niya ang mga pinaplano kagabi. Ang akala niya ay nahuli ito ng mga beta kanina dahil pakalat-kalat sa gubat at dinala rito sa bahay nila para iharap sa Alpha. 'Yon pala ay bantay nito ang mga beta at alalay nito ang omega. Bakit ngayon niya lang naisip iyon?

Sobrang naukupa kasi nito ang kanyang isip simula kagabi kaya hindi na siya nakapag-isip ng matino. Umiral tuloy ang katangahan sa kanya.

"Mag-usap muna kayo Abby, Vulcan may sasabihin pala ako sa'yo, samahan na kita mag-almusal," pagputol ng kanyang Avunculus sa katahimikan.

Nagpatiunod naman ang kanyang ama, si Avunculus lang talaga ang sinusunod nito. Wala ng iba. Sobrang malapit kasi ang magkapatid pero sobrang magkaiba naman ng ugali. Kung ang kanyang ama ay matapang at nakakatakot ang kanyang Avunculus naman ay mabait at sobrang cool. Napansin niyang nakatayo lang ang Apolectus Unum sa harap niya ng iwan sila ng kanyang ama at Avunculus, Abby pala ang pangalan nito. Mukhang bagay naman sa kanya.

"You don't need to pretend that you don't know me, wala na sila," aniya.

"I'm sorry, I didn't have to because I don't even know you," ani nito.

"What!? Are you trying to pissed me off?!" nilapitan niya ito. Hindi niya alam kung bakit gusto niya ang parating malapit ang katawan niya sa katawan nito katulad ng nangyari sa gubat.

Umurong ito. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya nito tinitingnan sa mga mata. Lalo tuloy siyang nainis! Hinila niya ito papunta sa kanyang kwarto.

"Saan mo ako dadalhin!"

Nang makarating sila sa taas, "Diyan ka lang! Huwag mo na ulit tangkaing tumakas!" banta niya.

"Hindi ako tuma..," hindi na niya ito pinatapos magsalita. Narinig niya ang panggigil nito. Nagmadali siyang magbihis. Puting t-shirt na pinatungan niya ng puting leather jacket at puting maong pants. Hindi siya nagsusuot ng vestitus ng mga Xygus  katulad ng kanyang ama at nang karamihan, pareho sila ng kanyang Avunculus Alican.

Paglabas niya ng kanyang kwarto ay mabuti naman at naroon pa ang munting lalaki. Pinagmamasdan siya nito, hindi niya mabasa ang nasa isip nito, sayang wala siyang kakayahang bumasa ng isip. Dahil sa pagtitig nito ay gusto na naman niya tuloy ilapit ang kanyang katawan dito at ginawa niya nga iyon, umatras naman ito pero ng wala na itong maatrasan napahinto na lang at yumuko. Magaling.

"Apolectus Unum!" tawag dito ng omega. Binalingan niya ang omega, ito ang makakatikim ng galit niya sa ginawa nitong pang-iistorbo sa kanila.

"Patawad Alpha," yumuko ito.

"Out!" sigaw niya.

"Bakit mo siya inaaway! Inaano ka ba niya!" pagtatanggol ng munting lalaki sa omega. Nilapitan pa talaga nito ang omega at hinawakan sa balikat para tanungin, "Okay ka lang Alala? Pasensiya na. Tara na. Iwan na natin ang lalaking 'yan, sobrang mainitin ang ulo," nanlaki ang mga mata niya.

"What are you doing!?" talagang pinagtanggol pa nito ang isang omega at tinawag sa pangalan nito. Labag iyon sa lex ng mga Xygus.

"What?!" asik din nito.

"Omega! Tell him!"

"Bawal po kasi kaming tawagin sa pangalan ng mga Alpha at magiging kleinos ng Alpha. Labag po 'yon sa lex bilang respeto po sa genus ng mga Xygus," paliwanag ng omega.

"Grabe naman 'yan, mas malala pa pala sa discrimination sa mga gay sa planeta namin, okay lang naman sa akin 'yon, hindi naman ako taga-rito kaya tatawagin kita sa gusto ko at diba sabi ko sayo tawagin mo rin akong Abby, saka si Alican nga tinatawag kang Alala," napakunot noo siya sa narinig.

"Pero hindi po..,"

Pinutol nito ang sasabihin ng Omega, "Huwag mo siyang sundin," itinuro pa talaga siya nito, " Hayaan mo siya, tara na!"

"Saan kayo pupunta?" usisa niya.

"Wala ka na d'on?" naglakad na ito pababa. May katigasan ang ulo ng nilalang na ito at nabubwusit na siya.

"Hindi pwede dahil sa ikaw ang Apolectus Unum susundin mo ako dahil ako ang iyong Philetor, siguro naman naipaliwanag na saiyo iyon," nakangisi siya dito.

"Hindi, tumabi ka nga, magpapaalam kami kay Alican saka sa ama mo," pagbabalewala nito sa sinabi niya.

Umusok na ang kanyang tainga sa tigas ng ulo nito dahil sa inis dito hinila niya ang kamay nito papunta sa kinaroroonan ng kanyang ama at Avunculus nakasunod lang sa kanila ang omega.

Pagdating sa kusina ay nagtatakang napabaling sa kanila ang kanyang ama at Avunculus. Pinagmasdan sila ng mga ito pati ang pagkakahawak niya sa kamay ng katabi niyang matigas ang ulo.

"What is it?" nakangiting tanong ng kanyang Avunculus.

"Patrem, I decided to make him my Kleinos and to be his Philetor," pahayag niya.

"Akala ko ba..," hindi na naituloy ng kanyang ama ang sasabihin dahil inunahan ito ng kanyang Avunculus.

"I told you Vulcan, magkakasundo sila," nakangiti ang kanyang Avunculus.

"What's the sudden changed of mind, filius?"

Nagkibit balikat lang siya, "I just realized I have to do this, afterall it's for the sake of the entire planet,"

Tiningnan niya ang makulit na munting lalaki sa tabi niya, naguguluhan pa rin ito. Humanda ka sa akin ngayon. Hinila niya na ulit ito palabas ng kusina.

"Saan kayo pupunta?!" tanong ng kanyang ama. Huminto siya at bumaling muli sa mga ito.

"Ipapasyal ko lang siya," nakangiti niyang sabi.

"Hindi ka na kakain ng pang-umaga?"

"No,"

"Bring the two beta,"

"No need, I can protect him,"

"Okay my dear nepos, enjoy! see you later Abby!" sabi naman ng kanyang Avunculus.

Mukhang naguguluhan pa rin ang munting lalaking ito sa kanyang inasal sa harap ng dalawang makapangyarihan sa buong Xenica. Mabuti nga at ng maintindihan mo kung sino talaga ang totoong dominante sa atin. Hinihila niya ito habang nagrereklamo. Hindi niya ito pinakinggan. Bumaling siya sa omega na nakasunod sa kanila.

"Stay here, dito mo na lang kami hintayin," utos niya sa omega.

"Hindi p'wede, sasama siya sa akin, saan mo ba kasi ako dadalhin?!"

"Fine! Isama natin siya matigil ka lang! please stop quetching, you're annoying,"

"Ako pa itong annoying, eh ikaw 'tong basta na lang nangangaladkad! bitiwan mo nga ang kamay ko!" inaalis nito ang kamay pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak.

"Let's go!" nagulat ito ng umangat silang tatlo sa ere. Bigla na lang siya nitong niyakap. Napangiti siya.

"Anong nangyayari?" mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Alala!?" tawag nito sa Omega. Ngunit hindi ito makalingon-lingon.

"Ano po 'yon Apolectus Unum?"

"Anong nangyayari?! Asan ka?" napapangiti siya dahil mukhang takot na takot ito. Nakapulupot na kasi ang kamay nito sa leeg niya pati ang paa nito ay nakaipit na sa katawan niya.

"Nasa ere po tayo, huwag po kayong mabahala, narito lang po ako sa likod niyo,"

"Bakit tayo lumilipad? nararamdaman kong mataas na tayo!"

"Isa po ito sa kakayahan ni Alpha Philcan, huwag po kayong mag-alala,"

Tiningnan niya ang munting Gekko Gecko na nakakapit sa kanya, muntik na siyang matawa ng makitang nakapikit ito, natutuwa siya sa nakikitang itsura nito at sa sobrang lapit ng mga mukha nila at mga katawan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Katulad ito ng hangin na humahaplos sa katawan.

"Open your eyes and see!"

"No!"

"Just try,"

"I said No!"

"Bahala ka, ang ganda pa naman ng tanawin,"

"Para na! Bababa na ako!"

"Later! Malapit na tayo sa pupuntahan natin!"

"Bakit parang ang bait mo! Hindi ikaw 'yan!"

"I just love the view!" totoo iyon kapag nasa alapaap siya ay parang ang gaan ng pakiramdam niya. At nawala lahat ng pagkainis niya simula kanina ng yakapin siya nito. Hindi niya alam kung bakit. Ano kayang mayr'on sa munting lalaking ito. Kaya siguro mabilis nagbago ang isip niya kanina dahil nacurious siya sa kakaibang hatid ng presensiya nito.

"Sinungaling!"

"Sino kaya ang hindi nagsasabi ng totoo, so bakit mo ako deniny kanina?"

"Ewan!"

Tinangka niyang alisin ang kamay nito, "Waah. Anong ginagawa mo, ano kasi ..hindi ko alam ang sasabihin ko kaya deniny na lang kita ..saka natakot ako kanina ..baka kasi bigla na lang magwala ang ama mo kagaya kagabi ..naunahan lang ako ng kaba kaya hindi ako nakapag-isip," naramdaman niyang humigpit ulit ang yakap nito.

Nagbunyi ang kanyang katawan, ang bilis lang pala paaminin ito, ngayon alam niya na ang gagawin sa tuwing ii-interogate ito. One point. Advantage ng pagiging Alpha. Hum. Ha.

"Malayo pa ba? Maglakad na lang tayo, masusuka na ako!"

"Malapit na!"

"Alala?!"

"Po?"

"Okay ka lang diyan?"

"Opo,"

Nagtataka siya sa pagiging concern nito. Lalong lalo na sa hindi nito kauri. Ganito ba lahat ng mga tao? Siguro napakapeaceful ng earth kung lahat ng tao ay katulad nito. Sa maiksi nilang pagkakakilala nakita niya na agad ang pagiging maalalahanin nito.

Napansin niyang malapit na sila, bibilisan na niya ang lipad.

"Ready?" 'yon lang at tumulin na sila.

Narinig na lang niya ang sigaw nito, "Waaaaah! Ibaba mo na ako! waaaaah! Saklolo! waaaah!"

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
233K 8.9K 34
[BoyXBoy|Yaoi] ~Princess Prince~ Posible nga kaya na ang isang straight guy ay ma-in love sa same gender niya? Eh ang dalawang straight guy, posible...
69.4K 2.5K 24
Si Jiro, lumaking walang magulang at namumuhay kasama ang lolo at lola nya. Normal ang payak nyang buhay hanggang sa dumating ang nagpapakilala nyang...
2025 By boss ni wawie

Science Fiction

611K 39K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...