Seducing The Bad Boy (AWESOME...

由 HopelessPen

13.3M 243K 24.3K

AEGGIS Series# 1 (WATTY'S 2015 TALK OF THE TOWN WINNER) Stanley Montreal - AEGGIS' Drummer 更多

Seducing The Bad Boy
Prologue
The Bitter Queen
The Bitter Plan
Bulsa ng Pantalon
Cookies, Cookies
A Vs. S
Halik
Carnival
I Choose You
Tinkerbell
Sagot Sa Mga Tanong
Overdose
Pabayaan Mo Siya
Surrender
AEGIS
Maganda Yan, Gwapo Ako
Version 2.0
Sorry
Insecurities Kill
Decision
Passport
Smile,Though Your Heart Is Aching
Banana Split
Human Heat
Zipper
My Turn
Walang Pinagbago
Effortless
Kapag Lasing, Nababaliw
Good
Last Kiss
Hurt
About Time
Badboy
Ang Taho Ni Badboy
One
Oh! Victoria
Beads And Diamonds On Christmas Day
Kay Stanley Lang
Nakakapagpagaan
Leria Morales
Markado
Si A at S
Phone
Ang Batayan
Not A Dog
Errors and Reasons
Ang Pulang Maserati
So Inlove
Endlessly
EPILOGUE
Married To The Bad Boy SC #1
Married To The Bad Boy SC#3
Married To The Bad Boy SC#4
MARRIED TO THE BAD BOY LAST SPECIAL CHAPTER
01
02
03
04
05
SELF-PUB
PUBLISHING DETAILS
AEGGIS ORDER FORM

Married To The Bad Boy SC#2

187K 3.6K 251
由 HopelessPen

Empathy Daw, Sabi ni August

 

 

 

Nagising na lang ako na parang lumulutang. Sa sobrang antok ko habang hinihintay si Stanley ay nakatulog na ako sa sofa. Sunod ko na lamang nalaman ay ang pag-akyat niya habang kinakarga ako papanhik sa aming kwarto.

Noong nilapag niya ako at kinumutan ay doon na ako dumilat. Ilang beses akong kumurap para masigurong hindi na naman ito panaginip.

"Hi." Ngiti ko noong makita ko ang pagod niyang mukha na nakatunghay sa akin. Ngumiti siya pabalik at agad na pumasok sa ilalim ng kumot. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"Leria's a monster." Parang bata niyang sabi. Lumayo ako ng kaunti para makita ko ang mukha niya. Nakanguso siya habang bakas sa kanyang mukha ang pagod at inis.

"Ano na namang ginawa niya?" tanong ko habang hinihilot ang kanyang sentido. Kahit medyo nahihirapan na akong kumilos dahil sa laki ng tiyan ko ay pinilit kong maupo para matanggal ko ang medyas niya at ang t-shirt niya.

Tumayo ako at kumuha ng pajama at sando niya. Noong bumalik ako ay mahimbing na ang tulog niya at hindi na niya naituloy ang kanyang kwento sa akin tungkol kay Ria. Nang matanggal ko na ang pantalon niya ay marahan ko siyang tinapik para maisuot niya ang kanyang pantulog. Bahagya lamang siyang nagising at agad ding nakatulog ulit noong maisuot na niya ang inihanda kong pantulog. Tumabi ako sa kanya at agad kong pinulupot ang mga braso ko sa paligid ng kanyang beywang at natulog na rin ulit.

----------------------------------

Nagising ako nang makaramdam ng ingay sa ibaba ng aming kusina. Dahan dahan akong tumayo at bumaba para makita kung anong gulo ang nangyayari.

"Mauuna nga kasi muna yung patatas. Mga tanga."

Napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Iñigo noong nasa hagdan pa lamang ako. Sumilip ako at napapikit na lamang ulit ng makita ko ang estado ng kusina namin.

Nakaapron silang anim. Oo silang anim, ang buong AEGIS, habang ang kusina ko ay mukhang nasalanta ng giyera. Basang basa ang sahig mula sa umaapaw na tubig galing sa lababo. Nakakalat ang pinagbalatan ng mga gulay sa buong lamesa habang ang buong counter ay puno ng harina, asukal at kung ano ano pa.

"Wag mo kasi akong pinipressure!" sigaw ni August habang inaabot ang sandok na nakasawsaw sa binabaran ng karne nila. Napangiwi ako sa nakita.

"Wala namang nangpepressure sayo." Malamig na sabi ni Athan habang sinusubkang linisin ang kalat na mula kay August. Ngumuso lang si Pangit at kinuha ang toyo at suka bago iyon binuhos sa sabaw na hinahalo.

"Anong?! August! Anong ginawa mo?!" sigaw ni Stanley noong makita niya ang ginawa ni August. Agad kinuha ng asawa ko ang kaldero at tinanggal sa stove.

"Baliw ka talaga." Natatawang sabi ni Ethan habang kinakain ang apple sa mesa. Sinapok siya ni Athan dahil nagkakalat na naman ito ng balat.

"Atleast, tumutulong ako." Katwiran ni August. Napailing na lamang ako at tuluyan ng bumaba. Si Greg ang unang nakapansin sa akin. Mabilis siyang tumakbo at nilapitan ako.

"Kanina ka pa diyan?" nakangiti niyang tanong. Tumango ako at lumapit sa mga lalaki na nangugulo sa aming kusina. Lahat sila ay tumahimik noong nakababa na ako at pinagtaasan sila ng kilay.

"Bakit ang kalat?" masungit kong tanong. Isa isang kumuha ang anim ng kanilang basahan at nilinis ang mga dumi. Pinilit kong itago ang ngiti ko habang nagmamadali silang maglinis.

So much for being their queen.

Dahan dahan akong umupo sa stool at hinintay na matapos ang anim. Nilagyan pa ako ni Stanley ng isang baso ng gatas bago niya hinalikan ang aking noo.

"Sungit mo." Tukso niya. Pinandilatan ko lang siya habang nagmomop ng sahig.

Kinuha ko ang baso at uminom roon. Ibaba ko na sana ang gatas noong maramdaman ko ang kirot sa aking tiyan. Pumikit lang ako ng mariin dahil sa biglaang pagsalakay ng contractions. Tiningnan ko ang AEGIS at mukhang wala namang nakahalata.

Nasanay na ak sa biglaang paghihilab ng tiyan ko. Pero si Stanley ay hindi pa. Sa bawat pagkakataon na sumakit ang tiyan ko ay agad siyang namumutla at mukhang mauuna pang mahimatay kesa sa akin. And I know, the other AEGIS won't help. Malala na silang anim.

Kinagat ko ang labi ko noong tumindi ang sakit. Lumapit si August sa akin pero napatigil siya ng makita ang sahig sa ibaba ko.

"Stan, akala ko ba nag-mop ka na? Basa pa rin yung sahig. Baka madulas si Sungit." Nagtatakang sabi ni August. Napasinghap ako at tiningnan ang paanan ko. Basa na ang pink kong pajamas. Nanlalaki ang mat akong tumingin kay Pangit na nagpupunas lamang ng lamesa.

"Namumutla ka." Si Athan ang pumansin sa akin. Pinilit kong kumalma pero umatake ulit ang sakit.

"S-Stan!" sigaw ko. Lumapit ito sa akin pero natigilan siya ng makita ang pagngiwi ko.

"Anong ginawa mo?!" sigaw ni Stanley kay Athan na mabilis na lumayo sa akin.

"Wala akong ginawa. Si August yung huli niyang kausap." Depensa nito. Si August naman ang napanganga.

"Hala? Ako?" turo niya sa sarili niya. Kung hindi lang talaga masakit itong nararamdaman ko ay matatawa na sana ako.

"Stan.." tawag ko. Kumapit ako sa braso ni Athan dahil sa kirot.

"Manganganak ka na ba kamahalan?" tanong ni Ethan. Katulad ng inaasahan ay agad namutla si Stanley sa narinig. Ngumiwi ako at huminga ng malalim.

"Stan..manganganak na yata ako." Pabulong kong sabi. Narinig ko ang pagmumura ni Iñigo sa gilid. Sunod ko na lamang nalaman ay ang maingay na gulo ng AEGIS sa paligid habang isinasakay ako ni Stanley sa kotse.

"Sama ako!" sigaw ni August at sumiksik sa backseat. Sumunod si Ethan at Greg sa kanya habang si Athan at Iñigo ay nasa kanikanilang mga sasakyan.

"Stanley!" sigaw ko na noong hindi niya pa rin mapaandar ang kotse. Nanginginig ang kamay niya sa sobrang kaba habang ako ay hindi na makagalaw sa sakit.

"Stan!" sigaw ko ulit. Napaluha na ako noong hindi ko na nakayanan ang sakit.

"Akina nga yang susi." Si Ethan na ang nagsalita at dumukwang para magdrive. Nagpalit sila ng pwesto at nasa likuran ko na si Stanley.

"Hirap ng napepressure no?" tanong ni August kay Stanley. Pinandilatan lamang siya ni Tan Tan.

"Empathy dude." Natatawang sabi ni August at hinawakan ng mahigpit ang balikat ni Stanley.

------------------------------------

Kumpleto na ang AEGIS. Pakicheck na lang po sa profile ko. :)

*pen<310

繼續閱讀

You'll Also Like

8.1M 73.3K 58
Alysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong i...
21.4M 313K 54
It hurts the most when the person that made you feel special yesterday can make you feel unwanted today.
1M 10.9K 32
Sikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show...
6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...