Too Late, Ellie

By tamestnaive

5.1K 86 0

Ellie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Note for you

CHAPTER 23

77 1 0
By tamestnaive

Chapter 23

"ELLIE!"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag ng pangalan ko galing sa likuran. It was Missy again who's running towards me. Hinintay ko na dahil medyo malayo pa siya sa akin at mabilis siyang mapagod.

"May chika ako!" Lagi naman e.

Kahit ano o sinong tao ang kinekwento niya sa 'kin kahit hindi ko mga kilala ang mga taong iyon.

"Okay, so two days ago in-add friend ko siya tapos kagabi lang in-accept na niya ako. Girl, ako na ang bahalang mag-update sa'yo sa mga nangyayari sa buhay niya, if ever wala kang update sa kanya."

Agad akong napalingon sa likuran namin para silipin kung sino ang mga tao at hinatak si Missy papalayo sa kanila sa sobrang ingay. Tumungo kami sa isang sulok kung saan walang masyadong dumaraan, saka ko siya pinagsabihan.

"Will you shut up? Ang lakas ng boses mo. Alam mo namang maraming tao baka marinig pa nila ang usapin natin." Saad ko habang palingon lingon pa rin sa paligid.

Tinaas niya ang kamay para mag peace sign sa akin pero nakangiti pa rin nang malawak. Napabuntong hininga ako. "Akala ko binibiro mo lang ako sa gagawin mo, tinuloy mo pala?"

Nagkibit balikat siya at maarteng hinawakan ang bewang nito. "You know me, Ellie. Gagawin ko ang lahat pero syempre sinisigurado ko na ikatutuwa mo ang mga ginagawa ko." Preskong saad nito.

Napabuntong hininga ako sa sobrang bibo nito. Wala talagang preno ang bibig nito, daldal. "Nananadya ka ba? Sa tingin mo hindi ako naiinis sa mga pinaggagawa mo, feeling mo natutuwa ako?" Sarkastikong tanong ko.

Walang alinlangan naman siyang tumango dahilan para mainis ako at padabog na bitawan ang kanyang kamay. Tumawa siya. "Biro lang. Natutuwa lang talaga ako kapag nakikita kitang balisa tuwing sinasambit ko pangalan niya." Edi natutuwa nga talaga siya. Enjoy siyang paglaruan ako.

Napangiwi nalang ako at iniwan siyang hindi pa rin tumitigil kakatawa. Habang naghihintay sa aming unang klase ay abala naman ang mga kaibigan ko sa pagpaplano para sa surpsise birthday. Kagabi pa hanggang ngayon ay ito pa rin ang bukambibig nila, malapit na kasi pero wala pang plano.

Caryl : Girls, suggests kayo.

Kath : Kailan ba 'yong surprise?

Vina : Kayong dalawa siguraduhin niyong pupunta kayo ahhh.

Clare : Syempre 'no. Medyo maluwag naman ang schedules namin kaya makakapunta kami. Excited na nga e.

Kesha : Guys, let's plan. Are you free later after class? How about you, Kath and Clare?

Kath : Okay lang din kaso mauunang matapos ang klase ko kaysa kay Clare.

Clare : Isang oras lang naman ang agwat kaya makakahabol kami.

Kesha : Okay, so if that's the case let's just meet later, but I'll gonna send the things that we need to buy so we can canvass about it later.

Sumang-ayon na kami sa plano ni Kesha para wala nang problemahin pa. Mukhang ako lang ata namomoblema rito kasi magca-canvass mamaya ibig sabihin baka malate ako ng uwi.

"Girl, tingnan mo 'yong story niya ohh." Sinundot ako ni Missy sabay pakita ng phone nito.

Nakatayo siya habang nakatitig sa may bintana. Naka uniform na ngayon ko lang nakitang suot niya iyon. Saktong sakto sa malapad niyang katawan at tangkad na nakadagdag sa kakisigan nito. Hula ko magkasing tangkad lang sila ni Lance.

"Tangkad niya talaga 'no." Komento ni Missy habang sabay naming tinitingnan ang litrato.

Makalawang beses ako sa kanyang napatingin dahil sa mga mata nitong nakadikit sa litratong iyon, animo'y nag eenjoy sa nakikita. Nilayo ko ang phone niya dahil sobrang nakatutok siya dito.

"Hoy, pinapaalala ko lang boyfriend mo." Pagbibiro ko.

Dahil doon ay natauhan siya't biglang humalakhak sa harapan ko. "Gaga, parang tinititigan ko lang ang mukha ng lalaking nagpahulog sayo."

Napakunot noo ako dahil sa kakornihan nito. Geez napakalalim naman ng salitang iyon, cringe. Hindi ko nalang pinansin para tumahimik na. 

Pagkatapos ng klase ay nagkita kami gaya ng napag-usapan. Medyo nahirapan pa kami kasi gustong sumama ni Marie pero mabuti nalang ay nakausap namin ang ate niya kaya naging maayos ang lakad nung umuwi na siya.

"Guys, kunin niyo agad 'yong mga pagkain sa office ni tito. Ako na ang bahalang maglibang kay Marie tapos diretso agad sa meeting place."

Matapos ang ilang araw na paghahanda ay nagawa rin namin ang napagplanuhan ng lahat. Naghahanda nalang kami habang naghihintay sa hudyat. Dito kami sa canteen, mamadaliin nalang namin 'to kasi thirty minutes lang ang break time namin.

Si Vina ang pumunta kay Marie para libangin ito, papunta na kaming office ni tito para kunin ang mga pagkain dahil kompleto na kami.

"Oy, anong may----"

"Surprise! Happy birthday, Marie!"

Gulat na gulat si Marie pagkakita sa amin. Saktong pagpasok niya sa opisina ni tito na papa ni Kesha ay hindi maipinta ang mukha nito sa naging reaksyon gayunpaman, hindi niya pa rin kami binigo sa aming pagsisikap nang bigyan niya kami ng isang malawak at nakakapagpanatag loob na ngiti. Alam kong sa gano'ng paraan, nailahad niya ang totoong nararamdaman sa mga oras na ito.

"Salamat sa inyong lahat. Kahit walang ganito, naa-appreciate ko pa rin ang bagay na mayro'n tayo at iyon ay ang pagkakaibigan nating lalong nagiging matatag sa paglipas ng panahon." Awwwe.

Tinapos niya ang kasiyahan sa isang nakakadamang mensaheng iyon para sa amin. Pagkatapos niyang magsalita saka niya hinipan ang kandilang nakaibabaw sa keyk na pinaghatian namin ng bayad.

"Ang saya ko, guys. Akala ko nakalimutan niyo na birthday ko e." Napanguso ito.

Ngayon lang kami nakapag-celebrate nang maayos kasi pagkatapos ng surprise kanina ay nagsipasok kami sa mga klase kung kaya't pagkatapos no'n ay dumiretso kami agad sa isang cafe malapit sa school, libre niya naman ang gastos.

"Ano ka ba naman, makakalimutan ba namin birthday mo. Siguro sa iba oo, pero kaming mga kaibigan mo, hindi." Sagot ni Kesha, sumang-ayon lahat.

Bigla akong napatigil nang may maalala ako. Si Kendrick na naman. Kainis naman 'to lumalala na ata 'tong sayad sa utak ko't lahat lahat nalang ay konektado sa kanya. Kahit kaklase ko lang siya pero gano'n ako ka walang pakialam sa kanya na ultimo maliit na bagay tungkol sa kanya ay wala akong alam.

Nakita ko ang masayang mukha ni Marie habang nag-eenjoy pa rin sa araw niya. Naisip ko tuloy, masaya rin kaya si Kendrick nung birthday niya. Syempre espesyal na araw iyon para sa isang tao, kahit sino naman matutuwa.

"Salamat ulit, guys. Ingat kayo sa pag-uwi. Tag ko nalang kayo sa mga litrato."

We had a long day. We talked, laughed, played and enjoyed the day. Pansamantala kong nakalimutan ang problema sa school, sa nangyari sa 'min ni Nate nung nakita ko siya at kay Kendrick na bigla kong naalala dahil sa birthday.

"Anong nangyari sa'yo? Ba't ganyan itsura mo?"

Kinabukasan, tahimik ako sa upuan kung kaya't napansin ni Missy. Hindi ko nalang siya pinansin at dahan dahang tinanggal ang sapatos ko para tingnan kung anong nangyari sa may bandang ankle ko. Masakit kasi siya at humahapdi. Pagtingin ko ay may sugat nga siya sa magkabilang ankle kaya pala masakit maglakad .

"Ba't ka nagkasugat?" Takang tanong nito habang nakasilip sa paa ko.

Napasapo nalang ako sa noo nang may mapagtanto. "Dahil ata 'to sa nangyari kahapon. Mahaba kasi ang nilakad namin para magcanvass, kaya pala kumukurot na siya kagabi. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit." Sagot ko habang minamasahe ang paa.

"Dalawang paa talaga nagkasugat ahhh." Napangiti ako nang maramdaman ang pag-aalala ni Missy sa akin habang nakatingin ito sa sugat. Natatawa ako sa naiisip ko't hindi makapaghintay sa magiging reaksyon niya.

"Alam mo ba dati sobrang caring din niya sa 'kin kasi kada may problema ako siya agad ang laging nakakapansin at tumutulong sa akin." Pagdadaldal ko na naman .

Dahil do'n ay mabilis niyang inangat ang ulo para tingnan ako kaya mas lalo akong natawa. Hindi maipinta ang mukha nito nang makita niyang pinagtatawanan ko siya at mapagtantong binibiro ko lamang.

"Pambihira 'to. Crush lang daw pero grabe kung makaalala. Akala mo naman may past, lahat nalang konektado sa kanya e." Napatigil ako sa pagtawa at natameme sa sinabi nito.

Siya naman ngayon ang nagkaroon ng tyansang pagtawanan ako. "Grabe siya oh." Sagot ko.

Nagkibit balikat siya at hindi nagsalita sabay alis sa tabi ko. Akala ko nagtampo siya pero nagulat nalang akong bumalik siya nang may dalang bandaid na.

"Bandaid? Alam mo ba dati nilagyan niya ako ng bandaid sa kamay at hinawakan niya pa ako rito ohh." Turo ko sa daliri ko nung ginamot ni Kendrick.

Napaface palm si Missy dahil sa mga pinagsasabi ko at tuluyan nang nainis. "Hindi naman ako informed na ganyan ka pala kapag nai-inlove. Kulang nalang ata kwento mo sa akin ang buhay niya, nahiya ka pa."

Natawa ako sa naging reaksyon nito. Parang binibiro lang siya e, natatawa kasi ako sa tuwing nakikita ko ang nakabusangot nitong mukha. Binigay niya sa akin ang bandaid na agad kong kinuha sa mga kamay niya.

"Nakita ko myday niya. Nasa cafe siya, hindi mo ba nakita?" Natigil ako sa ginagawa at tiningnan siya.

Nakalimutan ko na nama siyang i-stalk. Hays masyado na talaga akong nabubusy sa mga nangyayari sa 'kin lately. "Hindi e, screenshot mo nalang 'yong mga day niya para makita ko sakaling hindi ko makita."

She lift her head and arched her brows, I gave her a wide smile to convince. She shook her head. "Feeling mo naman. Hindi naman lahat 'no. Iyong feel ko lang din ipakita sa'yo." Napangiwi ako nung tumawa siya.

Ilang buwan ulit ang lumipas at nasisiguro kong marami nang nangyari kay Kendrick nang hindi ko nalalaman sa sobrang abala ko. Hindi ko nga alam kung paanong may update pa rin si Missy tungkol sa kanya e pareho kaming busy sa mga aralin. Grabe talaga ang isang iyon, sipag. 

Nasa library lang ako para mag-aral ulit habang lumabas naman muna sina Missy para bumili ng pagkain. A message arrived from Millie who's in Cebu also, so we had a little chitchat since it's been months since we last saw and talk with each other.

"Huli ka!"

Palaka! Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa pagpapagulat sa akin. Inis kong lumingon ang taong iyon na rinig na rinig ko ang tawa nito. "Ano baaa, kainis ka naman e." Reklamo ko habang minamasahe ang dibdib.

Hindi niya ako sinagot at umupo lang sa tabi ko na akala mo walang nangyari. "Sinong nginingitian mo na naman diyan?" Usisa nito.

Sumilip pa siya sa phone ko kaya tinaas ko ang kamay para makita niya. Agad naman siyang napatango nang makita niya kung sino ang kausap ko.

"Oyy si Millie, kumusta na siya?" Usisa ni Kesha sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at hinayaang basahin ang convo namin para hindi na magtanong. Nang tinamad na siya ay lumayo na ito sa akin, ang boring naman kasi ng ginagawa niya, tamang basa sa convo namin.

"Akala ko abala ka naman sa pag stalk kay Kendrick e. Matagal tagal na rin nung hindi natin siya pinag-uusapan ahh." Rinig kong saad ni Kesha sa tabi.

Tinigil ko ang ginagawa at nilingon siya na may malawak na ngiti sa akin. "Busy e. Ano ka ba, hindi naman ako baliw sa kanya para araw arawin ang pag stalk. Nakakatamad kaya, alangan naman gawin ko pa iyon sa kalagitnaan ng mga ginagawa ko."

Nagkibit balikat siya at hindi na nagsalita bilang pagsang-ayon. Nakapokus na ako kay Millie ngayon at abala naman siya sa telepono nito kung kaya't walang nag-uusap sa amin.

"Mag-isa ka lang dito? Nasa'n mga kasama mo?" Sasagutin ko na sana siya nang may biglang nagsalita.

"Hi Kesha." Bati ni Missy sa likuran niyan.

Agad nilingon ni Kesha ang nagsalita sa likuran nito. "Oy, kayo pala kasama niya. Saan kayo galing?" Tanong nito.

"Canteen lang." Sagot nito at umupo sa tabi namin.

Hindi pa man kami nagkakausap nang maayos nung bigla nalang nagpaalam si Kesha, oras na kasi para sa susunod niyang klase. Natahimik na ako habang iniisip ang mga activities na hindi ko pa nagagawa. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko sa sobrang dami ng nakatambak.

"Tahimik mo naman, miss mo siya?" Bulong ni Missy. Kaharap lang namin ang mga lalaki na naglalaro. 

Kunot noo ko itong tiningnan dahil sa pinagsasabi. "Isa ka pa. Hindi nga, alam mo namang masyadong maraming gawain sa school tapos uunahin ko pa 'yon." Lahat nalang ba sila gano'n ang tatanungin sa akin.

Bigla siyang dumistansya sa akin nang may pagtataka. "Nagbibiro lang naman ako, masyado ka namang seryoso riyan." Napanguso ito na parang nagtatampo.

"Anong nangyari sa inyo?" Sabay kaming napalingon sa harapan namin nang mausisa ang mga lalaki.

"Wala. Mag-aral nalang kayo riyan kaysa maglaro para kami naman ang umasa sa inyo." Tamad na sagot ko.

Agad silang napalingon dahil sa sinabi ko pati si Missy na animo'y gulat ang mga itsura. "Sorry na, Ellie. Ito naman 'di mabiro. Sige na, aral ka na riyan." Sagot ni Missy.

Napailing nalang ako sa kakulitan ng mga kasama ko. Naging tahimik na ulit kami matapos no'n kaya nakaka-aral ako nang mabuti kasi walang istorbo ngayong kanya kanyang gawa ang lahat. Akala ko tatahimik na kami pero nagsalita ulit si Lance.

"Para hindi kayo magtampo, tara pasyal tayo mamaya tapos kain na rin." Suggest nito.

Napintig ang mga tenga namin ni Missy dahil sa sinabi ni Lance kaya nag eye contact kami. Hinayaan ko nang siya ang sumagot dahil mukhang pareho lang naman ata kami ng iniisip.

"Sige na nga, pampatanggal stress dahil kailangan nating lahat, lalo na ni Ellie." Napakunot noo ako nung na special mention pa ako nito.

Ano na namang trip ng babaeng 'to. Pati tuloy iyong dalawang lalaki e nagtatakang tumingin sa akin, syempre lalo na ako na hindi alam kung bakit dinadamay na naman ako nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Pangunguna ni Lance na nalilito.

"Ellie, stress ka?" Dagdag ni Lay.

Sunod sunod na tanong nila ang bumungad sa akin. Hindi ko alam ang isasagot kasi hindi ko alam kung bakit ako na naman ang nakita nito. Hindi ko sila pinansin at mas nag pokus lang kay Missy para tanungin.

"Hoy, bakit ako na naman nakita mo riyan. Hindi ba sa ating dalawa, ikaw ang mas stress." Sinagot niya lang ako ng isang tawa at iling.

Samantalang si Lance naman sa tapat ko ay hindi matigil kakatanong sa akin. Chismoso rin 'to e, hindi ko aakalaing paniniwalaan niya mga kalokohan ni Missy.

"Tanungin niyo siya." Napapikit ako ng mata para kumalma.

"Hoy Ellie, ikaw hindi ka nagkwekwento sa amin ahhh." Patampong saad ni Lance.

Napangiwi ako dahil do'n. "Wala nga. Huwag nga kayong magpapaniwala sa kanya, kung ano ano lang sinasabi niyan e. Tingnan niyo, nagsisinungaling lang."

Tinuro ko pa si Missy para ipaglaban ang sarili ko. Napakamot nalang sa ulo iyong dalawa. Mabuti nalang at nag time na kasi hindi ko na matiis pa si Missy na kanina pa nagdadaldal. Nagpapahalata naman 'to e.

Habang naglalakad, pinauna ko iyong dalawa sa amin para masolo ko rito si Missy. "Missy, ano ba. Tigilan mo na nga iyon o kung hindi, huwag ka na manlang magpahalata 'no. Ako kinakabahan sa'yo e."  Reklamo ko agad.

Bigla naman siyang nagtaka sa sinabi ko. "Ano? Hindi naman halata ahhh." Inosenteng sagot nito.

Napahalukipkip ako. "Hindi nga halata pero 'wag kang kumilos ng gano'n. Alam mo naman ugali ni Lance, baka madulas pa siya sa harapan ni Fia sakaling malaman niya." Pagpapaliwanag ko para lang maintindihan niya.

Tinaas niya ang kamay na parang sumusuko. "Okay, pero bakit ka ba malungkot kanina pa?"

Kunot noo ko siyang tiningnan. "Sinong may sabing malungkot ako? Hindi ba pwedeng walang gana lang kasi ang daming iniisip?"

"Ano nga kasi iyang mga iniisip mo? O sino iyang iniisip mo?" Pagkaklaro nito. Mahirap bang intindihin na wala lang ako sa mood ngayon. Pagod lang ako, hindi pang katawan kundi ang utak ko.

Kinabukasan, medyo marami pa ring gawain kaya busy pa rin ang lahat pati ako dahil sa mga homeworks at reportings ko. Hinihintay ko nalang na si Missy magkwento ng nalalaman niya tungkol kay Kendrick pero wala rin ata siyang maikwekwento.

"Ellie, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. Omg!"

Pinagpatuloy ko lang ang paggawa ng report ko habang hinihintay siyang masabi ang sasabihin niya. Medyo marami pa siyang sinabi na hindi ko naiintindihan dahil sa mabilis nitong pagsasalita.

"Hindi ka naman nakikinig e, pero rito siguradong mapapahinto ka." Daldal niya pa, hindi nalang dinediresto e.

"Sabihin mo na nga." Pinapatagal pa e.  Nalilito na tuloy ako sa ginagawa ko.

"Kahapon nagtingin tingin lang ako ng mga stories ng mga friends ko since boring naman, pero nagulat ako dahil sa biglang pagpop up ng pangalan ni Kendrick at mas nakakaloka pa ang nalaman ko, girl." Hindi pa pala nakakaloka iyong sinabi niya.

Tiningnan ko siya nang masama kasi pinapatagal na naman. Hilig nitong mambitin e. Medyo may pag-aalinlangan ang mukhang iyon, mas nausisa tuloy ako sa sasabihin.

"Ano kasi.....pakiramdam ko may girlfriend na siya."

Mabilis ko siyang binigyan ng isang tinging hindi kapani paniwala. "Ano?" Baka binibiro lang ako ng babaeng 'to para mapansin siya. 

Tinawanan lang ba niya ako. "Kita mo na, binanggit ko lang siya bigla mo na akong nilingon. Ang dami kong kinwento kanina na hindi ka nakikinig pero nung binanggit ko lang siya agad kang napahinto." Nagtatampong sagot nito.

Napaismid nalang ako dahil do'n at mas umusisa. "Ano nga?" Pasimple ngunit desidido akong malaman iyon.

What the heck is she talking? Or is she even serious with her words. And why am I nervous? Pa'no ba naman kasi 'yong mga kwento niya kanina lahat tungkol sa date nila ng boyfriend niya. Hindi ko alam ngunit nang titigan ko siya bigla akong nakaramdam ng kung ano.

"Curious siya ohh. Hindi pa naman ako sigurado pero there was this one picture in which a girl is hugging him."

Napakunot ang noo ko. Girlfriend niya 'yon? E pero wala naman siyang binabanggit sa gc namin ahhh siguradong ipagmamalaki niya pa 'yon. O baka naman gusto niyang pribado lang ang relasyon nila.

"Patingin nga." Pakiusap ko.

Agad siyang naghanap sa phone niya para maipakita ang pruweba. Nang mahanap na niya ay agad niya itong pinakita sa 'kin Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko nang makita ang litratong iyon. Pabalik balik ang tingin ko sa kanya nang mag pagtataka.

"Gaga ka pala e." Iniwas ko ang phone sa harapan ko. "Kapatid niya 'yan. Tingnan mo nga, hindi ba halata sa mukha?"

Nanlaki ang mga mata nito nang marinig ang sinabi ko. Agad niyang tiningnan ang phone para tingnan nang maayos ang litrato. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita.

"Talaga ba?! Hala, so wala palang sense iyong excitement ko kagabi para lang maipakita 'to sa'yo." Napakamot noo siya.

Ang kaninang masayang mukha ay napalitan ng pagkabigo. Hindi talaga siya makapaniwala at inusisa pa ang litrato. Natatawa akong napailing sa kanya.

"Alam mo, Missy. Napaka...hindi ako makapaniwalang hindi mo iyon napansin e halatang magkamukha oh." Natatawang saad ko.

Hindi naman sa pagmamayabang pero Kendrick is a person who loves to brag when it comes to his love life kaya nagtaka talaga ako sa biglang sinabi niya e wala akong naririnig o nalalaman tungkol sa lovelife niya ngayon. Napahinga tuloy ako nang maluwag dahil do'n.

"Tanga. Sige na, wala naman pala tayong mapag-uusapan e, tsaka na kapag naging totoo na nga." Saad nito sabay alis.

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa kong report. Ngunit habang ginagawa ko iyon hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na kakaiba nang marinig ko iyon. Kinabahan ako nung sinabi niya ang tungkol do'n ahhh mabuti nalang at hindi totoo.

Pero paano nga kung maging totoo. Ano kaya magiging reaksyon ko? Makakaya ko kayang tanggapin ang totoo.

Tss dahil kay Missy kaya hindi ako napapakali nito e. I get my phone and went to our gc to view some photos. Tiningnan ko ulit ang litrato na sinend niya dati sa gc. Iyong contacts niya na puro 'babe' ang naka phonebook dahilan para magkagulo sa gc dati. 

"Paano nga kaya kung magka totoo 'yong sinabi ni Missy. Hindi naman malabong mangyari iyon e." Bulong ko sa sarili.

Haayss huwag munang mag-isip ng kung ano ano, Ellie. Kailangan mag pokus sa pag-aaral saka na si Kendrick pag naging okay na lahat.


"Paano kung....nalaman mong nagka girlfriend na iyong taong gusto mo, anong gagawin mo?"

I asked Kesha out of nowhere. Hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa 'kin 'yong sinabi ni Missy kahapon. Nasa office lang kami ng papa niya habang hinihintay na matapos ang oras ng vacant namin.

Napatigil siya sa pagsusulat. "Bakit mo natanong?" Nagulat ako nung lumingon siya sa 'kin. "Bakit, may girlfriend na si Kendrick?"

Nagulat ako sa biglang tanong nito na animo'y walang alinlangan. Tinanong niya agad iyon ahhh na parang sigurado na siya sa lalaking tinutukoy ko.

Nag-iwas tingin ako nang kinabahan ako sa mukhang iyon. "Wala naman." Nagpanggap akong abala sa ginagawa pero hindi siya natigil.

"Bakit mo nga natanong? Hindi ka naman mangbibigla riyan kung wala lang." Pagpupumilit nito.

Dahil do'n ay hindi ako nakapagsalita para bang nahuli niya agad ako roon. Ni hindi ako makatingin sa mga mata niya kaya siguro nahalata ako.

"Kasi si Missy napagkamalan niyang girlfriend ni Kendrick 'yong kapatid niya, at sa mga sandaling binanggit niya ang salitang 'girlfriend' kinabahan ako bigla." Pag-amin ko sa kanya. Pasulyap sulyap lang ako sa kanya pero hindi ko diretsahang tinitingnan siya.

"Bakit ka naman kakabahan?" Hindi ako nakasagot. "O baka naman natatakot ka kaya kinabahan ka bigla." Dagdag nito.

Nilingon ko siya agad dahil do'n. Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi nito. Bakit nga ba ako nagkakaganito e ano naman kung mayro'n nga siya. Buhay niya naman iyon at wala akong pakialam kasi hindi ko naman siya kaibigan para mag-alala ako. Hindi nalang ako nagsalita kasi hindi ko rin alam ang isasagot do'n.

"Sorry, hindi ko nga pala dapat tinanong iyon sa'yo dahil alam ko kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya." Ngumiti siya sa akin nang marahan, gano'n din ako.

Tumahimik ako. Bigla ko kasing naalala ang nakaraan. Sadyang napakabilis nga ng panahon, parang kahapon lang. Ang bilis ng mga nangyayari sa isang iglap lang. Parang dati, ang tagal tumakbo ng mga oras ngunit ngayon napakabilis.

"Kung hindi siguro ako naging bulag noon, tingin mo nakita ko ang halaga niya?" Tanong ko sa kawalan.

Narinig ko ang padabog na pagbitaw nito sa ballpen na hawak at unti unti akong tiningnan. "Kung hindi siguro umiikot ang mundo ko kay Nathan noon, baka napansin ko rin ang isang taong nasa tabi ko lang." Dagdag ko. 

Lumapit siya ay tinapik ang balikat ko. "Ellie, 'wag ka ngang ganyan. You're bringing up that topic again. Ito lang ang masasabi ko, hindi mo kasalanan ang nangyari. Dati pa iyon, nalilito ka pa."

Tiningnan ko siya. "Tingin mo?"

Walang alinlangan itong tumango. "Oo. Masyado pang maaga para sa ganyan lalo pa't transferee palang siya roon. Hindi madaling makipagkaibigan kaya 'wag mo nang masyadong isipin o dibdibin."

Masyado ko talagang iniisip ang mga ganitong bagay kahit hindi dapat. Ewan ko ba kung bakit ko 'to nararamdaman e hindi ko naman siya boyfriend o ano para magselos o makaramdam ako ng kirot. Tama nga siya, wala pa namang kasiguraduhan. Bakit ba ako nababagabag para lang do'n.

"Ano na namang sasabihin mo?"

Masyadong mabilis ang araw kaya hindi ko namamalayang ilang araw ko nang hindi napapansin si Kendrick dahil sa mga gawain ko kaya si Missy nalang ang nagu-update sa 'kin ng mga bagay. Hindi ko lang alam kung bakit ang tahimik niya ngayon at dahan dahan pa siyang naglakad papunta sa tabi ko dahil tutok na tutok siya sa phone niya.

"Girl, mukhang totoo na nga atang may girlfriend siya." Rinig kong chismis nito.

Napailing ako't hindi manlang siya tiningnan. "Sino na naman ba 'yan? Kapatid niya, kaibigan, pinsan o baka naman guro niya lang na napagkamalan mo na namang girlfriend niya." Pangunguna ko.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat ilang minuto ang lumipas nang maging tahimik lang ito. Dahil hindi ko na narinig ang boses niya ay nilingon ko na ito na hindi maipinta ang mukha sa screen. Sinilip ko pero hindi masyadong kita sa sobrang hina ng brightness ng phone nito.

"Ang tinitingnan mo riyan?" Tanong ko. 

Bigla niya akong tiningnan kaya kinabahan ako nung walang salita lang itong nakatitig sa akin. Tinaas ko ang kilay para takpan ang kaba ko rito. Unti unti siyang kumilos at nilapit ang screen ng phone sa akin. Takang tiningnan ko naman ang pinakita nito pero hindi ko inaasahan iyon.

Ilang buwan na nga kitang hindi napapansin kaya ba hindi ko na alam ang mga nangyayari sayo.

"It's official. Girlfriend na niya kasama niya sa litratong iyan."

Tinitigan ko nang mabuti ang litratong iyon. Hindi para makita kung sino ang babae kundi para makita kung totoong masaya si Kendrick sa piling ng babaeng iyon. Akala ko mali ako ngunit napangiti nalang nang mapagtantong totoong saya ang pinapakita niya sa lahat habang nakangiti sa litrato.

Kendrick, did we come too far? If I go back, will everything return to how they were before, as if nothing happened? Can I still go back to the days when I can still see, touch and look you into your eyes even though I see nothing. I think that's better instead of being like this.

Continue Reading

You'll Also Like

524K 15K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
192M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
214K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
933K 31K 34
She bumped into him when she tried to escape from her abusive boyfriend. The first met that caught his attention. Fate brought them together again fo...