AX4 (Book 1 & 2)

By Hopelessloner

108K 3.4K 649

Be careful criminals. More

Warning
Prologue
Chapter 1 - Confusing shits
Chapter 2 - Proofs
Chapter 3 - Way of having no choice
Chapter 4 - Another crime
Chapter 5 - Base
Chapter 6 - This isn't fantasy
Chapter 7 - The story telling
Chapter 8 - New life
Chapter 9 - On the job
Chapter 10 - Coffee break
Chapter 11 - Thinking out
Chapter 12 - The holdaper
Chapter 13 - Partnership
Chapter 14 - Training
Chapter 15 - He steamed her up
Chapter 16 - The reason
Chapter 17 - Tough girls cry too
Chapter 18 - The trouble
Chapter 19 - Snared by
Chapter 20 - Alteration
Chapter 21 - Heart Attack
Chapter 22 - Behindhand
Chapter 23 - Like a warrior
Chapter 24 - Erstwhile
Chapter 25 - Who are they?
Chapter 26 - Connected
Chapter 27 - Codenames
Chapter 28 - Bomb hunting
Chapter 29 - Agents on duty
Chapter 30 - The do
Chapter 31 - Perhaps not today
Chapter 32 - When emotion interfere
Chapter 33 - Agency's matter
Chapter 34 - The leader
Chapter 35 - Thoughts
Chapter 36 - In question
Chapter 37 - Operation X
Chapter 38 - Breakdown
Chapter 39 - Amiss jugdements
Chapter 40 - The culprit
Final Chapter
EPILOGUE
Dedication corner
Writer's note
AX4 II: Prologue
AX4 II: 1.
AX4 II: 2
AX4 Trailer
AX4 II: 3.

Chapter 21 - Quick-witted

1.6K 64 16
By Hopelessloner

Chapter 21

Quick-witted

“Ahhh!” biglang napabaligwas si Rhanna ng pagkakasandal sa kanyang ulo sa headborad ng van na sinasakyan. Napahinto naman sa pagdadrive si Waxx, itinabi muna ito sa gilid at napatingin sa kanya. Nasa shotgun seat ang dalaga. Nakaidlip ito kanina habang nagbabyahe sila. Iba na din ang sasakyan na ginagamit, isang ordinaryong puting van.

“Rhanna?” sabay tapik ng binata sa braso niya. “Bakit ka sumisigaw?” Napatingin naman sa kanya ang dalaga na halatang gulat, pagkatapos ay kinusot nito ang sariling mga mata bago nagsalita at umayos ng upo.

“Did I just took a nap?” tanong niya kay Waxx kaya’t tumango ito. “Oh, shit na manipis! Nakakatakot namang panaginip ‘yun!” aniya.

Kumunot ang noo ng binata. “Anong napaginipan mo? Bigla ka nalang sumigaw diyan, siguro nirarape ka ni Vinch sa panaginip mo no!”

Nanlaki ang mata ni Rhanna at mabilis na dumapo ang kamay niya sa braso ni Waxx, hinampas niya ito ng buong lakas. “Yuck lang Waxx, mangilabot ka nga diyan sa pinagsasabi mo. Like, eww!” Natawa nalang ang binata sa sagot sa kanya ni Rhanna. Pagkatapos ay itinuloy nalang ang pagdadrive.

“But what the packing tape, nakakamatay pala ang halik ng lalaking ‘to. Kahit gumunaw man ang mundo, hinding hindi. As in, hinding hindi ko talaga siya hahalikan. Gusto ko pang mabuhay ng mahaba, kailangan ko pang hanapin ang kapatid ko!” bulong ni Rhanna sa sarili habang inisip pa din ang napaginipan kanina. Hindi an din siya nagtaka kung nakaidlip man siya, napuyat kasi siya kagabi sa kaka-isip ng mga personal niyang problema.

Napasulyap naman si Waxx sa kanya. “May sinasabi ka?” tanong niya sabay balik sa daan ng mga mata.

Mabilis na sumagot ang dalaga. “None of your biz, just drive!” sabay tanggal niya ng kanyang seat belt at nagpunta sa likuran. Pagka-upo niya, inayos niya ang kulay itim na boots merong gun pocket ang mga ito, dito niya itinatago ang mga baril na dala.

Pagkatapos ay kinuha ang bag sa gilid, inilabas ang kanyang make up kit. Inayos ang light make-up na inilagay niya kanina sa mukha. Matapos lagyan ng lipgloss ang labi, itinali naman niya ng pataas ang buhok na kulot sa dulo. Inayos na din ang suot na polo shirt na kulay itim habang nakatuck-in sa kanyang itim na short.

Sinulyapan naman siya ni Waxx sa rearvier mirror. “Rhanna, paalala lang hindi pageant ang pupuntahan natin.”

Sinumangutan niya ito pagkatapos ay ibinalik na ang mga ginamit na gamit sa loob ng bag. “Wag ka ngang panira Waxx! First time kong mangingidnap no, kailangan pretty pa din ako with poise para bongga!”

Napa-iling nalang ang binata habang ipinagpatuloy ang pagdadrive.

*****

Pagka-alis nila Rhanna at Waxx tumambay muna sina Michigan at Vinch sa apartment ni Lei. Maaga pa naman para pumasok sa eskwelahan kaya’t heto sila ngayon nang-gugulo sa assistant ng Doktora.

“Pwede ba umuwi na kayo sa sarili niyong bahay?” giit ni Lei habang nakatayo sa may sala, nakalagay ang magkabila niyang kamay sa kanyang bewang.

“Si Vinch ang pauwian mo Lei, hindi naman siya invited dito e.” Sambit ni Michigan kaya’t napatingin si Vinch sa kanya habang may hawak ng kape.

“Aray ah! Why you like that to me?” pahayag ng binata pagkatapos ay ngumuso. Napa-iling nalang si Michigan at hindi na siya pinansin, bagkus ibinaling niya ang kanyang tingin kay Lei.

“Can I borrow your lappy Lei? Please!” pinagdikit niya pa ang magkabilang palad kaya’t para tuloy siyang nagdarasal. Napahawak ng kanyang ulo si Lei at huminga ng malalim.

“Sumasakit ang ulo ko sa inyo!” aniya. “Fine, get it in my room..” mabilis naman na tumalon si Michigan mula sa pagkaka-upo. Ningitian niya ang dalaga pagkatapos ay nagtungo na siya sa kwarto nito.

Pagkarating niya doon sa loob, nakita niya kaagad niyang nakita ang laptop ni Lei na nakapatong pa din sa mini table nito sa gilid ng aparador. Hinila niya ang upuan pagkatapos ay umupo doon at in-on na nito ang laptop.

Naghintay lang ito bago tuluyang nagamit. Abot sa tenga ang kanyang ngiti habang naglolog-in sa facebook, twitter, skype, wattpad at sa kahit ano pang account niya. Iisa lang naman ang password ng mga ito kaya’t hindi siya nalilito.

Una niyang tinignan ang kanyang facebook, una niyang binuksan ang notifications niya at halos lumuwa ang kanyang mata ng makitang galing lahat kay Vinch. Binaha siya ng likes ng binata sa kanyang account.

“Stalker much?” bulong niya sa sarili pagkatapos nagtungo sa kanyang messages. Nakita niyang may message sa kanya ang binata.

‘Accept mo naman po ako. :) Thanks Idol!’

“What the fish! Abnormal talaga ‘tong isang ‘to,” aniya ulit sa sarili at sineen lang ang mensaheng ‘yun. Binasa niyang muli ang isa pang natanggap na mensahe at nakita niyang galing ‘yun sa kaibigan niyang si Pauline.

‘Michi! Michi! Michi! Online ka sa skype, daliiiiiii.’

Tinignan niya kung anong oras nasend ‘yun, 2hrs ago pa. Nagtaka naman siya kung bakit ganoon kaaga ay gising na ang kanyang kaibigan. Sa pagkakakilala niya dito, sleepyhead si Pauline kaya’t napataas nalang siya ng kilay. Napatingin naman siya ng biglang sumulpot sa harapan niya ang isang Skype Notification.

Pauline Estrada is calling...

Accept    Decline

Inaccept niya ‘yun at nag-ayos muna ng upo bago tuluyang nakita si Pauline sa kabilang linya. Nakangiti ito sa kanya ng abot tenga, nakasuot ng sweater na may print sa harap na ‘Bitch, I’m gorgeous!’ Napa-iling nalang siya.

“Michi! Omg, I miss you!” sigaw ni Pauline at halos magtatalon na sa tuwa. Natawa nalang siya dahil doon.

“Gaga! I miss you more. Where the hell are you? Ang sabi mo next week ka mawawala, Friday palang ngayon. Duh!” sabay irap niya.

Bigla namang lumiit yung ngiti ni Pauline sa kanya pagkatapos ay napakagat labi. “Hehe, Michi! Don’t get mad at me, aryt? Nandito kasi ako sa---“

“Oh my gosh!” sigaw ni Michigan kaya’t hindi na natuloy ang sinasabi ng kaibigan. May nakita kasi siyang dumaan sa likuran ng dalaga. Nanlalaki pa din ang kanyang mata habang nakaturo sa screen. “D-Dont tell me, nasa... nasa Australia ka?”

“Hala, paano mo nalaman?” nagtatakang tanong ni Pauline, hindi niya kasi alam kung paano nalaman ni Michigan hindi niya pa nga sinasabi e. “Pagiging Psychic na ba ang sideline mo ngayon?”

“Shut up Pau!” mabilis niyang sagot. “It w-was.... it was—“

“Hi Michigan!” putol sa kanya ng isang lalaking mestizo, nakangiti ito sa kanya kaya’t kita ng dalaga ang mapuputing ngipin nito. Blonde ang kulay ng buhok na lalong nagpapaputi ng kanyang balat, matangos ang ilong at may mahabang pilik mata. Katabi nito ang kaibigan niyang si Pauline.

Biglang napanganga si Michigan sa nakikita. Hindi siya makapaniwala, nang makabawi na sa pagkagulat. Gumihit sa kanyang labi ang isang ngiti.

“Cark!” aniya.

*****

Ipinarada na ni Waxx ang sasakyan sa parking lot ng Airport. Tinignan niyang muli si Rhanna sa rearview mirror, nakangisi ito sa kanya.

“In few minutes, lalapag na ang eroplano nina Nej at Russel. Saulo na natin ang mga mukha nila kaya’t hindi na tayo mahihirapan pang kidnapin sila,” seryosong giit niya habang nakatingin sa kanyang relo. Tila, tinitignan niya ang oras at inaabangan ang paggalaw ng bawat kamay nito.

“I know right! Madali lang naman ako maka-intindi Waxx, alam ko na ang gagawin kaya wag kang mag-alala,” mabilis na sagot ni Rhanna. “This is going to be exciting. Kidnapping is cool dude!”

Inilibot naman ni Waxx ang paningin sa buong lugar habang nasa loob ng van. Wala namang kakaiba bukod sa isang puting van sa di kalayuan, nakita niyang bumaba doon ang dalawang lalaking may malaking pangangatawan. Tila, nagbubulungan ang mga ito habang nakatingin sa sasakyan na susundo dapat sa mga pamangkin ni Mr Cortez.

Ibinalik niyang muli ang paningin sa orasan. It’s already 7:02 am..

“It’s showtime!” sambit niya kay Rhanna habang at kinuha ang baril na nasa dashboard ng van at ikinasa pagkatapos ay tinapunan niya ng tingin ang sasakyan ng mga totoong kidnappers. "Be ready Rhanna,"

"I'm always ready Waxxy boy, since birth!" sagot ng dalaga atsaka niya ito ningisian.

End of Chapter 21

Vote. Comment. Spread. Thank youuu. <333

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
699K 21.5K 74
COMPLETE yet UNEDITED highest rank #49 in teen fiction NOTE:This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced. Always re...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
602K 21.3K 47
[Wattys 2016 Winner] [2021 UPDATE: ON MAJOR REVISIONS] Si Arielle ay ang babaeng nagsisimbolo na hindi lahat ng tao ay perpekto. Siya ay literal na...