Written in the Stars (Estrell...

By chiesmosa

121 15 43

Estrella Duology #1 Kyle Nicole Estrella, graduated Bachelor of Arts, A girl who's been in love but never bee... More

Written in the Stars
02
03
04
05
06
07
08
09

01

23 3 13
By chiesmosa


Chapter 1

"Damit ka ba sa online selling? Unang kita ko palang kasi sa 'yo, I want to make you mine na," he confidently said, kinindatan niya ako.

Okay, let me stop right there, starting my story there makes no sense at all.

I suppose, for me that's where it all started,
my love story, our love story, 'yung banat niya na ang corny and punong puno ng kalandian.

A love story that no one expected, I mean sino bang nakakapag predict ng sariling love story nila 'di ba, siguro some of you, but not me.

Ngayon siguro nag tatanong kayo kung ano ang sagot ko sa banat na 'yan, haha I bet you all don't understand a thing that I'm saying.

Sorry, I will start from a little earlier on.

Sabi ko nga ang dami kong sinasabi eh, hindi ko pa kasi natatry mag speech sa isang wedding event kaya sorry ha!

Kyle's weekend (at the library, AGAIN)

I, Kyle Nicole Estrella, gave Lauren a disgusted look as she swipe through her phone, looking for the love of her life on an app called 'tinder'.

She rolled her eyes, "Hoy, don't give me that look Kyle ha," she pouted, "You're looking at me na parang diring-diri ka sa ginagawa ko," dagdag pa niya.

"Wala naman akong sinasabi, I just don't get it, you swipe and swipe lang sa phone mo tapos you'll instantly get a man? Hindi ba parang ang creepy non?" taas kilay na tanong ko bago ko ibalik ang atensyon ko sa librong binabasa.

"Gaga, not all the time parang love story sa librong mga binabasa mo ang buhay 'no, syempre kailangan mo rin humarot, find your own way ganon," she said.

"Ewan ko sa 'yo," I rolled my eyes, "Gusto mo isumbong kita kay Clifford? sasabihin ko sa kaniya na habang siya nag eenjoy magluto sa restaurant nila, ikaw naman busy sa pag sa swipe swipe diyan sa Tinder," sarcastikong saad ko.

Ironic isn't? Lauren and I have been bestfriends since Senior highschool, even I did not expect na magiging bestfriend ko siya.

Lauren's a pretty girl, girly much loves to wear dresses, unlike me who prefers retro style more, spends more time on phone, unlike me na mas prefer ang books, whenever I'm busy with my fictional boys, si Lauren naman ay busy kakascroll sa instagram, and twitter account niya.

Like today, our outfits are so different, she's wearing a cropped white off-shoulder that is fit enough to show her curves, tucked-in her straight cut high waist jeans, and a simple beige open-toe heels to match her outfit. while me? I'm just wearing a slightly loose beige cardigan, tucked in my plaid pants and a simple white shoes.

"Isumbong mo!" she stuck her tongue out, "As if naman na magalit siya sa 'kin," she flipped her hair to show me her visible collarbone, "Eh isang suot ko lang ng revealing clothes tiklop na 'yun ," she gave me a sexy look, "Ano ka ba marupok 'yon si bebe ko clifford eh," tawa niya, napakunot noo nalang ako sa ginawa niya.

"Gago ang kalat mo!" natatawang saad ko, kahit kailan talaga si Lauren, laging ginagamit ang pagiging sexy niya kay Clifford.

"Nag sasabi lang ng totoo! Para saan pa at nag model ako kung hindi ko gagamitin charms ko 'no!" she laughed, "tsaka hindi naman para sa akin 'tong hinahanap ko sa tinder eh," ngumiti siya ng nakakaloko at tinignan ako directly sa mata.

"Charan!" hinarap niya sa 'kin ang phone, nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko, "Lauren hayop ka!" napasubsob nalang ako sa libro ko dahil sa kagagahan nitong kaibigan ko eh.

Sino ba naman ang matutuwa sa ginawa niya? Ginamit lang naman niya ang name at picture ko to find some random guy sa tinder, napabuntong hininga nalang ako.

"Imbes na mag thank you ka nalang eh," irap niya, "tsaka girl mukhang yummy naman eh, tignan mo may pa 6 pack abs te!" tili niya habang tinitignan ang photo ng lalaki na pinakita niya sa akin, "Parehas pa sila ng baby Clifford ko na chef, ano Kyle aarte pa? Hay nako ha, 23 na tayo 'wag ka na umarte," pang aasar niya.

"Anong gagawin ko sa abs Lauren ha? Mapapakain ba ako niyan?" masungit na tanong ko.

Ngumiti ng nakakaloko si Lauren, tinaas baba niya ang kaniyang kilay at tumawa.

"Oo, mapapakain ka girl! anim na pandesal kaya 'yon, saan ka pa?" natatawang saad niya, napa sapo nalang ako sa noo ko, "Gaga! puro ka kalokohan! Bahala ka diyan!" I said bago ako tumayo para iwan siya sa loob ng library tutal hindi naman ako makapag focus dahil sa ingay ng babaeng 'to.

"Wala ka nang magagawa, nag match na kayo," nag mamadaling sambit ni Lauren habang inaayos ang off-shoulder niya, bago siya kumapit sa braso ko.

"Sabi ko sa 'yo 'wag ka na mag heels eh! Ang liit ko nanaman tignan kapag ikaw katabi ko!" parehas kaming 5'7 ang height pero nag mumukha akong maliit lagi tuwing kasama ko siya dahil sa heels niya.

"Wala kang magagawa! Model bestfriend mo!" she smiled widely, "'wag mo iniiba topic Kyle ha!" she slightly slapped my arms.

"Isesend ko nalang sa 'yo para makilala mo, nakalagay naman dito details niya eh," she moved her eyebrows up and down.

"Sinasabi ko sa 'yo Lauren, Hindi ako interesado!" diniin ko talaga ang pag kakasabi ko sa interesado para naman tumigil na siya.

Tumigil sa paglalakad si Lauren kaya napatigil rin ako, "Eto naman! Minsan lang eh, gusto mo ba talagang tumanda ng dalaga ha! Hindi mabubuhay 'yang mga lalaki sa libro girl 'wag ka ng umasa," naaasar na saad niya.  She bit her lip, sinamaan ko lang siya ng tingin, "'Wag ka ng umarte Kyle ha, sasampalin kita ng heels ko!" pag bibiro pa niya.

"Ah basta isesend ko sa 'yo! Babye na may date pa kami ng Bebe ko Clifford," nakipag-beso siya sa 'kin bago siya tumakbo papunta sa kotse niya.

"Madapa ka sana sa taas ng heels mo!" tumawa naman si Lauren.

"Mag ka-jowa ka na sana!" pang aasar niya before siya pumasok sa kotse.

Tumawa ako ng mahina, kinuha ko ang phone sa loob ng bag ko nang marinig kong tumunog ito.

"Siraulo talaga," tawa ko sa sarili.

I opened the message that Lauren sent me. It's that man's details sa tinder. Napailing nalang ako at natawa sa kagagahan niya.

"Taxi!" sigaw ko.

Nang masabi ko kung saan ako bababa chineck ko ulit ang message ni Lauren, wala namang mawawala kung ichecheck ko 'di ba.

Avery Zeus

I saw the picture Lauren showed me kanina, his face caught my attention... may itsura naman, abs lang kasi napansin ko kanina eh masiyadong bida-bida, sinong tanga ba naman kasi ang mag luluto ng walang damit pantaas? mapag panggap.

In-exit ko muna ulit, his name is enough na for today wala naman akong pakielam, mapilit lang talaga si Lauren. I opened my playlist on spotify dahil mediyo matagal pa naman ang byahe ko.

"Ma'am nandito na po tayo," the driver said.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Inilagay ko na ang earphones at phone ko sa loob ng bag.

"Kuya eto po," pag ka-baba ko may dalawang haliparot na nag haharutan sa labas ng dorm ko.

"Excuse me, pwede 'wag kayo dito maglandian?"

Inirapan ako nung babae bago niya hilahin ang lalaking kalandian niya, ang dami daming space sa lugar na 'to, dito pa sila sa harap ng dorm ko. Napairap ako.

"Maganda sana maharot lang," I whispered before entering my dorm.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama, tinatamad pa ako magbihis kaya pumikit muna ako. Ramdam ko na ang antok nang marinig kong tumunog ang phone ko, bumuntong hininga ako ng malakas.

"Yes?" tamad na tamad na saad ko.

"Baklaaa!" sigaw ni Eivan sa kabilang linya.

"Ano? anong oras na ang lakas lakas nanaman ng boses mo," nakapikit na tugon ko.

"Eto nga kasi sis," masayang sambit niya, "May roommate ka na!" excited na dagdag pa niya.

"Ano!" gulat na tanong ko, "Anong roommate? Bakit agad-agad? Hindi naman ako nag hahanap ng kasama? Bakit!" bumuntong hininga ako ng malakas para marinig ni Eivan.

Lord masaya na akong mag-isa dito sa dorm ko bakit naman biglang may epal.

"Daming tanong girl pwede hinay hinay?" tawa niya, "Ang gwapo 'te!" tili niya.

napabangon ako sa narinig ko, "Ha! Gago anong gwapo? bakit naman lalaki! Hayop ka ayoko!"

"Ayaw mo? Sige mag impake ka na diyan, ako nalang iroroommate niya, tangina aarte pa eh gwapo na nga," mapangasar na sabi niya.

"Ewan ko sa 'yo, basta ayoko! Kung dadating man 'yan ngayon mabulok siya sa labas, hindi ko siya pag bubuksan," hindi ko na hinintay pa na sumagot siya, at binaba ko na ang call.

"Aish!" nag tantrums ako mag-isa sa kama.

"Lord naman eh, bakit naman ganito, hindi naman ako nanghihingi ng kasama eh!" pag rereklamo ko, mag-isa lang ako dito kaya malaya akong nakakapag tantrums dito dahil wala naman makakakita.

Kinuha ko ang unan sa may kama ko, at doon ko nilabas ang sigaw ko, "Wala akong pake, hindi ko siya papapasukin."

Tumayo na ako para mag ayos-ayos ng konti sa dorm ko, hindi para sa kaniya! gusto ko lang mag ayos kasi sobrang tambak-tambak na ang mga gamit ko. Ang mga libro ko kung saan-saan na nakalagay, pati ang mga damit ko hindi pa nakatiklop, although nag pa-palaundry lang ako, nagugulo pa rin ito dahil sa pamimili ko kung ano ang susuotin ko. Nang matapos, naligo na ako para makapag pahinga na rin, kasalukuyan akong nag totoothbrush nang marinig kong may kumakatok.

Napabalikwas ako ng takbo sa pinto para i-lock ito, hindi na ako nag dalawang isip pa sa kilos na gagawin ko at agad-agad kong pinuno ng lock ang pinto, delikado na.

Abot tenga ang ngiti ko habang tinititigan ang maraming lock ang nakalagay sa pintuan, sigurado ako na wala ng makakapasok sa dorm ko ng walang permission. Tinapos ko na ang pag sisipilyo, after I dried my hair, I wore an oversized white shirt and pajamas with cute little bunnies in it.

Nakangiting pumasok ako sa kwarto, sure na sure akong walang epal ang makakapasok dito, pahiga na ako nang may nakita akong anino na naglalakad sa may kusina ko.

"Lord ikaw ba 'yan?" tarantang tanong sa sarili, "Lord minumulto na ata ako," pabirong iyak ko.

Kinuha ko ang libro na nakapatong sa side table dahil 'yon ang unang bagay na nahagip ng mga mata ko, bahala na fiction babies ko ipagtanggol niyo ako.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina para hindi mabulabog ang aninong nang gugulo sa kusina ko, "Lord save me," bulong ko.

Nakita kong pinapakielaman ng multo ang loob ng ref, "Lord naman, kaka-grocery ko lang kahapon eh," hindi na ako nag alinlangan pa at tumakbo ako sa lugar kung nasaan ang lalaking multo at agad-agad kong hinampas ng malakas ang ulo niya.

"Umalis ka dito! Alis! Alis!" sunod-sunod na hampas ko habang nakapikit, ayokong makita ang mukha ng multo, baka guluhin niya ako hanggang panaginip ko.

Ramdam kong dume-depensa 'yung multo kaya nabitawan ko ang librong hawak, tumakbo ako sa loob ng kwarto dahil sa takot, "Lord bakit naman dumedepens—, wait dumedepensa.. nararamdaman ko? Totoong tao??" nanlaki ang mata ko nang marealize ko na hindi multo ang nilalang na nasa kusina.

Kinuha ko na ang walis sa corner ng kwarto, mahirap na, mukhang ninanakawan pa niya ako ng pagkain, bawal niya pakielaman 'yon, ang pagkain ko ay pagkain ko lang dapat!

Muntik na akong madapa kakamadali ko tumakbo nang mag sink-in sa utak ko na may nakapasok pa rin sa dorm ko after ko maglagay ng almost 10 na padlock sa door.

I saw the man eating on my table, ON MY TABLE sa lamesa ko pa talaga, topless.. 6 packs bhie— , nanlaki nanaman ang mata ko, talagang feel at home ang pesteng lalaki na daga na 'to ah, I was about to hit his head with the broom nang bigla siyang humarap.

"Ikaw?!"
"Ikaw —?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 33.8K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
2.6M 150K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
2M 110K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
161K 12.4K 34
Her marriage was fixed which was an arrange marriage but she moved to London for pursuing her career and dreams and after that she would marry. But i...