My Perfect Disaster

Von HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." Mehr

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Pandesal

362 34 5
Von HEYNEENAMOR

Rita's POV







Maganda ang salubong sa akin ng umaga dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw na pumasok sa bintana ng kwarto ko. Sinilip ko si Oslo sa crib nito at napangiti ako ng makita kong gising na pala ito pero himala yatang hindi ito umiyak.








"Good Boy si Oslo hah! Smile smile ka kay Tata hah? Maganda ba si Tata?" pagbbaby talk ko dito. Para namang may isip na itong baby dahil tinatawanan lang ako na para bang nang-aasar.














Karga-karga ko si Oslo palabas ng kwarto ko ng mapatingin ako sa labas ng bahay. Nakabukas ang pinto at kitang-kita ko ang nakatalikod na si Ken Chan na busy sa pagcacarwash. Huminto ako sa paglalakad at nakatingin lang sa kanya. May hawak itong hose at nakatutok sa kotse niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng makita kong nagtanggal ito ng sando niya at ngayon ay topless na siya. Sa mga sandaling ito, ang tanging hiling ko lang ay humarap ito para naman makita ko ang pandesal niya at ——-"















"Uwaaaa—Uwaaaaaa—-"

















"Sh*t.." mabilis kong pinatahan si Oslo ng bigla itong ngumawa. Bigla akong kinabahan ng lumingon si Ken sa direksyon ko at nanlaki ang mata ko ng bumalandra nga sa akin ang pandesal nito at may bonus pang bakat ng —- hmmmp. Patay malisya lang akong naglakad papasok ng kusina. Pagpasok ko ay mabilis akong napasandal sa pader sa gilid ng ref habang nakahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba..











"Ay pandesal—-! Ano baaaaaa! Bakit ba bigla kang nanggugulat diyan hah!!!" inis na tanong ko kay Ken ng bigla itong sumunod sa amin ni Oslo dito sa kusina.












"Alam mo, nasosobrahan ka ng kape! Masyado kang magugulatin!"










"Wala kang pakialam!" sabi ko dito sabay walk out at naglakad ako palapit sa lamesa para maghanda ng pagkain.











"Huwag mo na akong gawan ng kape. Nakapagkape na ako." rinig kong sabi nito.











"At sino namang nagsabi sayong gagawan kita ng kape hah? Ano ka? Sinuswerte? May dalawang kamay ka naman! Anong silbi ng mga kamay na yan hah kung di mo kayang pagsilbihan ang sarili mo??!"










"Gusto mo ba talagang malaman kung anong gamit ng mga kamay kong ito??" may tonong pang-aasar na papunta na sa pagkaberde ang sasabihin niya.











"Umayos ka!"













"Kaya ko namang pagsilbihan ang sarili ko."














"Eh ako? Kaya mo ba akong pagsilbihan?" biglang tanong ko dito at pareho kaming nagulat sa natanong ko. Ano ba Rita. Saan nanggaling yung tanong na iyon.










"Gusto mo ba?" may halong pang iinis yung tono niya. Kung wala lang akong hawak na baby ngayon ay naihampas ko na sa kanya yung mug.












Nakaisip ako ng ideya,












Umupo ako sa upuan tsaka ko siya sinagot.










"Sige nga! Pagsilbihan mo ako." panghahamon ko dito.










"Sinong mas makapal ang mukha sa atin hah? Bakit naman kita pagsisilbihan? Ako ang boss mo." inis na sabi nito. Kita mo yan! Siya din tumapos ng kalokohan niyang pagsasagot ng ganun kanina! Di naman pala kayang panindigan!









"See! Hindi mo magawa ! Kaya huwag kang magbitaw ng mga salita kung di mo naman kayang panindigan." seryosong sabi ko dito.








"Mabilis kasi kayong maniwala at umasa sa mga sinasabi at simpleng ginagawa ng mga lalaki sa inyo tapos lagi kayong nagrereklamo na nasasaktan kayo dahil sa amin. Come on! Hindi kami ang nananakit sa inyo, sarili niyong isip ang nananakit sa inyo."









"Ayan. speech ng mga babaero. Playing safe ano?"










"Oh. Speech ng mga pa-victim." sabi nito. Bigla na namang uminit ang ulo ko sa sinasabi nito.











"Ops. Wait. Never akong magiging victim mo." seryosong sabi ko dito.
















"Sa lagay na yan, di ka pa ba victim? Inis na inis ka na naman sa akin."








"Paano akong hindi maiinis sayo hah? Ginulo mo na yung tahimik na buhay ko.. At hindi ko alam kung kailan ulit babalik ang lahat sa dati."
















"Iwan mo ang bahay sa akin at ibalik mo na yang batang iyan sa pinanggalingan niya." sagot nito.








"No."









"Then hindi na ulit tatahimik yung buhay mo." sabi nito sabay iwan sa akin dito sa loob ng kusina.































-
Habang nagtutupi ako ng mga damit ni Oslo ay himbing ito sa pagtulog. Sinisipat ko pa mula sa sala ang kusina para ma-check ang sinaing kung kumukulo na. Tinatamad kasi akong gumamit ng rice cooker ngayon dahil nagtitipid nga ako sa kuryente. Ang hirap hirap naman kasing magtipid ng kuryente hanggat may kasama kang walang pakialam sa mga nangyayari. Haays..





"Yes. I will call you back if tapos na ako sa ginagawa ko. Bye!" napalingon ako sa hudas barabas na lumabas ng kwarto niya. May kausap ito sa phone niya.







"Kumukulo na yung sinaing oh!" sabi nito tsaka ko lang tiningnan muli ang sinaing. Nagmadali akong tumayo para sana tumungo ng kusina ng biglang umiyak si Oslo. Nagmadali naman akong bumalik kay Oslo para patahanin ito..








"Puntahan mo na yung sinaing, ako ng bahala kay Oslo."







"Sure?" di makapaniwalang tanong ko dito.










"Isa pang sure mo, mag la-lunch kang tutong ang kanin." seryosong sabi nito. Bakit ganyan siya magbiro, seryoso parin yung face. Napakasungit talaga! Haaays. Di lang naman ako makapaniwalang papatahanin niya si Oslo dahil may titingnan akong sinaing eh. Baka may sanib nga siya?












"Anong titig yan hah?" masungit na tanong nito habang nakatingin ako sa kanya. Karga karga kasi niya si Oslo na ngayon ay kakatigil lang umiyak at nakatulog na. Nagising na ito at hirap na naman kaming ilapag ito dahil alam kong iiyak. Namomroblema tuloy ako kung paano kami makakapag lunch ng sabay ni Ken nito.







"Mauna ka ng kumain, ako na munang bahala kay Oslo. " sabi nito.












"Ikaw na lang ang mauna.."








"Rita. Ikaw na. Mahimbing pa ang tulog nito sa kamay ko oh. Baka kapag nilapag ko ay biglang umiyak, pareho pa tayong di makakain niyan. Sige na. Mauna kana."






"Sigurado ka?"








"Baka umiyak lang si Oslo kapag binigay ko sayo." sabi nito at natawa ako.









"Ang yabang naman nito! Sa akin kaya unang nahulog ang loob ni Oslo! Hindi yan iiyak sa akin! Hmp. Porket nakatulog lang sayo, feeling kana agad diyan!"








"Look. Kahit baby, gustong-gusto sa akin. Tapos nagtataka ka kung bakit ang daming babaeng gustong magpaalaga sa aki——-"






"Oh! Sinisingit mo talaga yang pagiging babaero mo sa usapan ah? Huwag mong hawaan ng pagiging babaero si Oslo hah! Mapapatay kita."











"Ano? Kakain ka ba o hindi?"














"Sabay na lang tayo.." nahihiyang sabi ko. Totoo naman. Nakakahiya yung sinasabi nito na mauna na akong kumain lalo na't nasa iisang bahay lang naman kami at siya pa yung nag insist na alagaan si Oslo. May soft side din naman ako at ngayon yata iyon. Aminado ako na nawala bigla yung inis ko sa tao dahil sa pinapakita niyang care for Oslo.










"Gusto mo talagang sabay tayong kumain?" tumango ako.


















"Rita, asskskkk—mainit pa yung kanin naman!" reklamo nito pagkatapos ko siyang subuan. Inirapan ko ito at kumuha pa ako ng kanin at ulam at diniretso muli sa bibig niya. Nahinto ang isusubo kong kutsara sa kanya dahil ayaw na nitong ngumanga.





"Isa! Ngumanga ka! Gusto mo yan diba?" iritang sabi ko.







"Pumayag ka naman!"









"Dali na kasi! Wag na tayong mag away. Aayusin ko na! Para matapos na!" sabi ko dito . Salitan ang ginagawa ko. Kumakain ako at sinusubuan ko naman siya gamit ang ibang kutsara. Hindi kasi talaga namin nilapag si Oslo para hindi magising at umiyak. Nagpapalakas din ako kay Ken dahil balak kong iwan muna sa kanya si Oslo ngayong gabi. Tonight kasi gaganapin ang photoshoot kay Miss Anne Curtis. Humahanap lang ako ng timing kay Ken kung paano ako makakapagpaalam para makaalis ng hindi niya alam ang totoong dahilan.























"Hello! Mommy! Sorry po! Sige po, magpapadala ako ngayon ng pera. Opo. Sige po." kunyaring kinakabahan ako habang nakatingin kay Ken dahil sa pekeng phone call ko kay Mommy. Actually wala naman talaga akong kausap. Pinaparinig ko lang lay Ken para payagan niya akong makaalis ng bahay ngayon.














Ken's POV


"Hello! Mommy! Sorry po! Sige po, magpapadala ako ngayon ng pera. Opo. Sige po."  seryoso kong tinitingnan si Rita habang inilalapag niya ang phone niya sa center table. Mukha itong problemado dahil sa last phone call niya. I think Mommy niya ang kausap niya..










"Gisingin ko na kaya si Oslo para masama ko siya.." sabi nito.








"Tulog yung bata, gigisingin mo. Saan ba ang punta mo?"







"Magpapadala ako ng pera kay Mommy."











"Ako ng magbabantay kay Oslo. Sige na, umalis ka na."









"Hala, sigurado ka?"









"Emergency yan. Naiintindihan ko."








"Salamat Ken."













Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa pumasok ito sa kwarto niya para yata magbihis. Napatingin ako sa batang himbing ang pagtulog sa crib. Nailapag namin si Oslo ng hindi umiiyak kaya medyo madali na lang ito. Makakagawa naman siguro ako ng reports habang tulog ito diba?





















"Ssshhh Ano bang gusto mo? Ayaw mo ng milk hah? itong toy? You want?" aligaga akong kinakausap si Oslo. Bigla kasi itong bumulahaw ng iyak at hindi na ako nakapag focus pa sa ginagawa ko. Kinuha ko ito sa crib niya para ihele dahil iyak ng iyak.. Kung may makakakita man sa akin ngayon ay sobrang nakakahiya dahil nakailang sayaw na yata ang ginawa ko mapatahan ko lang itong bata pero ayaw niya tumahan.. Nakailang tawag na ako kay Rita para pauwiin na ito pero walang sumasagot. 9pm na kasi at hindi pa ito umuuwi. Hindi ko alam kung nagpadala lang ba talaga iyon ng pera o may pinuntahan pang iba, Isa lang ang sigurado ko, mukhang magkakagulo na naman kami nito pag-uwi niya.















"Nakatulog na siya iho. Ganun lang iyon, kailangan mong palitan yung diaper niya kapag puno na ng ihi kasi hindi sila komportable kapag ganoon.."











"Salamat po Lola. Pasensya na sa abala."







"Ayos lang iho. Ganyan din naman kami ng asawa ko noong unang beses kaming magkaanak. Nangangapa pa sa una pero eventually, masasanay rin. Sige na, uuwi na muna ako.. Tawagin mo lang ako kung kailangan mo ulit ng tulong."










"Salamat po talaga.."




















Napaupo ako sa sofa. Nilamon ako ng hiya, inis at galit. 10pm na at wala pa si Rita. Ayoko man abalahin si Lola pero wala akong choice dahil hindi ko talaga mapatahan si Oslo kanina pa.















Nagising ako ng makarinig ako ng pagbusina ng sasakyan. Mabilis kong sinilip ang labas ng bahay at nakita ko ang pagkaway ni Rita sa isang papaalis na puting fortuner.





















Kilala ko kung kaninong sasakyan iyon.
























Kaya pala hindi niya masagot-sagot ang mga tawag ko ay kasama niya si Oliver.







❤️

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

97.2K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
39.3K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
31.9K 1.1K 44
"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is...