THE PLAYMATE

By PagOng1991

547K 9.7K 2.5K

"Taguan tayo, ako ang taya. Kapag nakita kita, PATAY ka." More

Pagkabilang kong tatlo nakatago na kayo... Isa.. Dalawa... Tatlo...
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Anim
Pito
Walo - Flashback
Siyam
Sampu
Labing-isa
Labing-dalawa
Labing-tatlo
Labing-apat
Labing-lima
Labing-anim
Labing-pito
Labing-walo
Labing-siyam
Dalawampu
Dalawampu't Isa
Dalawampu't dalawa
Dalawampu't tatlo
Dalawampu't apat
Dalawampu't lima
Dalawampu't anim
Dalawampu't pito
Dalawampu't walo
Dalawampu't siyam
Tatlumpu
Tatlumpu't isa
Tatlumpu't dalawa
Tatlumpu't tatlo
Tatlumpu't lima
Tatlumpu't anim
Tatlumpu't pito
Tatlumpu't walo
Epilogue
Author's Note
Special Chapter: The Whore
Announcement!
Manila International Book Fair 2015
Special Chapter: The Traitor

Tatlumpu't apat

5.7K 123 21
By PagOng1991

Faye's P.O.V

Nasaan ako? Anong ginagawa ko rito? Bakit ako nakasuot ng damit pang-ospital?

Hindi ako pamilyar sa kuwartong ito.  Para bang isang lumang ospital. Ang buong paligid ay kinagat ng kadiliman. Tanging ilaw lamang sa pasilyo ang nagsisilbing liwanag na pumapasok sa silid.

Dugo?

Tama ba ang naaaninag ko?

Nagkalat ang dugo sa sa dingding. Hindi ako sigurado pero mukhang dugo nga ito.

Hinang-hinang ako at masakit ang aking katawan. Mistula akong isang lantang gulay. Para bang may isang malaking bagay ang bumagsak sa akin. Minabuti kong hindi muna gumalaw upang mabawasan ang pananakit nito.

Hindi ko maalala kung paano ako napunta dito. Sa tuwing binabalikan ko ang mga huling pangyayari ay matinding sakit lang ng ulo ang aking napapala.

Nang makabawi ng kaunting lakas ay pinilit kong bumangon para makaalis sa lugar na kinalalagyan ko. Malamang ay hinahanap na ako ni Mama.

Kahit mabagal ay nakarating pa rin ako sa pinto. Marahan kong binuksan ito at sa wakas ay nakalabas na rin ako. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid.

Doon ko nasiguro na nasa ospital nga ako, pero bakit walang katao-tao? Anong klaseng ospital ito?

Isa pa, bakit ako na-ospital? Nasaan sina mama? Si Miguel? Si—? 

Si Isay! Kasama ko si Isay kanina na pupunta—

Si Mama! Nasa ospital nga pala si Mama. Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala. Pinilit kong maglakad nang mabilis at tinahak ang nakapangingilabot na pasilyo.

Bawat kuwartong madadaanan ko ay saglit kong sinusulyapan.Pero lahat ng mga ito ay walang tao dahil nakapatay ang ilaw. 

Binalot ako ng hilakbot nang marinig ko ang isang nakapangingilabot na tinig. Paulit-ulit na umaalingawngaw ang isang matinis na boses sa unti-unting nagpatayo ng aking balahibo.

"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan.."

Hinanap ko kung saan nanggagaling iyon pero wala akong makitang tao sa paligid. Nagmadali ako sa paglalakad at mas ninais kong makaalis sa lugar na ito. 

masarap maglaro sa dilim-diliman..

Sino iyon?

Hindi ko maintindihan ngunit pakiramdam ko ay palapit siya nang palapit sa akin. 

wala sa likod, wala sa harap..

pagkabilang kong tatlo nakatago na kayo..

Hindi ko mawari ang aking takot na nararamdaman. Napakabilis ng pagtibok ng aking puso. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad.

ISA..

DALAWA..

TATLO.."

Biglang may isang hindi kilalang nilalang ang humila sa akin papasok sa isang kuwarto. Bago pa man ako makasigaw ay natakpan na niya ang aking bibig upang hindi ako makalikha ng anumang ingay. Madilim sa kuwartong ito. Noong umpisa ay nagpupumiglas ako, ngunit nang makilala ko ang boses niya ay biglang nawala ang aking kaba at halos mapaiyak na ako.

"Ate Faye, ako ito. Si Isay." Tinanggal niya ang kanyang kamay sa aking bibig at nagpakilala siya sa mahinang pamamaraan.

Nagsimula nang pumatak ang mga luha sa aking mata. Para akong nabunutan ng tinik nang tingnan ko siya, si Isay nga. 

Mabilis ko siyang niyakap at saka tuluyang humagulgol. 

"Shhh. Ate, huwag kang maingay. Baka marinig tayo nung bata," bulong niya. Sinigurado niyang naka-lock ang kuwarto at para bang may sinisilip sa labas. Halata sa kanya ang pagkataranta.

"Sinong bata?" Lumapit ako sa kanya at muling siyang niyakap. Narinig ko ang mahina niyang pag-iyak.

"Papatayin niya tayo Ate, papatayin niya tayo." Mahina ngunit sapat na para maintindihan ko ang kanyang sinasabi.

Papatayin? Kami? Bakit? Sino?

"Sinong gustong pumatay sa atin?" Iniharap ko siya sa akin upang malaman ang sagot. Ngunit gumapang ang kilabot sa aking buong katawan nang makita kong puro dugo ang kanyang mukha. Galing ito sa kanyang mata na para bang pinilit tanggalin.

"Anong nangyari sa iyo Isay? Sino ang gumawa sa iyo niyan?" nanginginig kong tanong. Dahil sa sobrang takot ay dahan-dahan akong umaatras palayo sa kanya.

Mas lalo akong nilamon ng takot nang mapansin ko na hindi na si Isay ang kaharap ko. Ang kaninang si Isay ay biglang naging bata. Nakangiti siya sa akin. Isang ngiti na para bang may balak siyang masama. 

"Sino ka?" Tanging ngiti lang ang naging sagot niya sa akin.

Naiiyak na ako. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Naramdaman ko ang matinding pagsakit ng aking tiyan. Ang anak ko.

"Ate Faye!" Napalingon ako sa aking likuran dahil nakita ko si Isay na nasa loob ng banyo ng kuwartong iyon.

Paglingon ko dun sa bata ay marahan siyang naglalakad papunta sa akin. Tumakbo ako papunta kay Isay at kaagad naman niyang ni-lock ang pinto.

Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Ayaw kong lumapit sa kanya dahil baka mamaya ay hindi na naman siya ang tunay na Isay.

"Anong ginagawa mo rito Ate?" nanginginig niyang tanong. 

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ako sigurado kung siya ba talaga si Isay kaya tinitigan ko nang mabuti ang kanyang mga mata. 

"Bakit?" 

Hindi ko maintindihan pero bigla ko na lang naramdaman ang kapanatagan ng loob matapos iyon. Niyakap ko siya at humagulgol na ako.

"Anong nangyayari? Naguguluhan ako." Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Hindi ko din alam Ate Faye, nagising na lang ako na nasa isang kuwarto na puro dugo. Hinabol ako nung bata kaya nagtago ako rito," tugon niya.

Maya-maya ay biglang kumalabog ang pinto. Halos tumalon ang puso ko nang dahil sa gulat. Puwersahan itong binubuksan mula sa labas. 

Pinagkasya namin ang aming sarili sa maliit na sulok ng banyong iyon. Magkayakap kaming nakaupo habang nagdarasal na walang mangyaring masama sa aming dalawa.

"Natatakot ako Isay." Hindi matigil ang pag-iyak naming dalawa.

"Ako din Ate Faye. Ayaw ko pang mamatay."

Maya-maya ay biglang natigil ang mga kalabog. Pero kahit na tumahimik ay hindi natigil ang takot na aking nararamdaman. Sigurado akong hindi pa tapos ang bangungot na ito.

"Ah—" BIgla akong nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng sakit. Hindi ko kayang ipaliwanag. Walang katulad. 

Diyos ko, maawa ka. Huwag ang anak ko.

"Ate Faye, anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Isay.

"Ahhhh!" Sobrang sakit talaga. Para bang dinudurog ang aking puson. 

Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis sa aking buong mukha. Hindi ko na kaya. Mas gugustuhin ko na lang ang mamatay kaysa maramdaman ang ganitong klaseng sakit.

Habang tumatagal ay mas lalong tumitindi ang sakit na aking nararamdaman. 

Sinubukan akong itayo ni Isay ngunit hindi ko talaga kaya. Maya-maya pa ay may naramdaman akong bumubulwak sa aking puwerta. Umaagas ang napakaraming dugo mula dito. 

Ramdam na ramdam ko na parang winawasak ang aking pagkababae. 

"Ahhhhh!" Hindi ko napigilan ang sumigaw nang pagkalakas-lakas. 

Lumabas yung bata sa akin. Doon siya nagmula sa aking puwerta. Balot na balot siya ng napakaraming dugo.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata dahil sa sobrang sakit at pagod.

Maya-maya ay naramdaman ko na sinasampal-sampal ako ni Isay. 

"Ate Faye, gising!" Idinilat ko ang aking mga mata at nakita kong umiiyak siya.

"Ate Faye. Gumising ka." 

Iniupo niya ako at pinasandal sa pader.

Kitang-kita ko na dahan dahang tumayo yung batang babae at humarap sa amin. 

Hinang-hina pa rin ako. Hindi ako makakilos, ni kahit daliri ay hindi ko magawang igalaw.

"Mga ate, laro tayo." Papikit-pikit kong sinusulyapan yung batang babae.

"Tigilan mo na kami!" singhal ni Isay. 

"Ate, kaya mo ba? Umalis na tayo dito," baling sa akin ni Isay.

"Walang makakalabas dito nang buhay! Maglalaro tayo sa ayaw at sa gusto ninyo!" Nakapangingilabot ang boses niya. 

Unti-unti kong naalala ang lahat. Ang aksidente, ang pagkatao ni Miguel, ang demonyo na gustong umagaw sa katawan ni Liza.

Tama! Gusto niya kaming patayin upang maagaw ang katawang tao ni Liza.

"Parang awa mo na." Yumakap sa akin si Isay. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan.

"Kaninong ulo kaya ang mas magandang pugutin?" Sabay hagikgik niya.

"Isa lang sa inyo ang maaaring makalabas dito nang buhay." Hindi pa din nawawala ang ngiti niyang nakakakilabot..

Iyak pa din nang iyak si Isay habang ako naman ay hinang-hina. 

"Eenie meenie miney mo--" 

"Ako na! Ako na lang ang patayin mo!" Pinilit kong magsalita dahil alam ko ang gusto niya. Mas gugustuhin kong mamatay kaysa makitang pinapatay niya si Isay. Hindi iyon kakayanin ng aking konsensya.

"Hindi, Ate Faye. Sabay tayong aalis sa lugar na ito. Walang mamamatay." Pinipilit akong itayo ni Isay ngunit hindi niya kaya ang bigat ko. 

"Pen pen de sarapen,  de kutsilyo de almasen

Nagsimula na siyang kumanta at maglakad papunta sa amin. Inilabas niya ang isang napakahabang itak mula sa kanyang bibig. Habang naglalakad ay isinayad niya ang dulo ng itak sa lapag. Naglikha ito ng napakatinis na tunog dahil sa pagkiskis ng bakal sa semento.

Haw, haw de carabao de batutin  

"Tara na, Ate Faye." Muli ay sinubukan niya akong patayuin, pero hindi ko na talaga kaya. Tinanggap ko na lang ang kahihinatnan ko.

Sipit namimilipit ginto't pilak

"Tumakbo ka na, Isay. Pabayaan mo na ako. Kailangan mong mabuhay."  Biglang na lang akong napaiyak nang hindi inaasahan. 

"Hindi, Ate Faye. Hindi ako papayag." Walang tigil ang paghagulgol ni Faye.

Namumulaklak sa tabi ng dagat.  

"Sabihin mo kay Mama, mahal na mahal ko siya. Pakisabi na hindi ko na matutupad ang pangako kong aalagaan ko siya kapag tumanda." Patuloy ang pag-agos ng aming mga luha.

"Sabihin mo na palagi ko siyang babantayan kahit wala na ako." 

"Tumakbo ka na. Kailangan ka pa ng mga magulang mo." Niyakap niya ako nang mahigpit. Alam kong ang ibig sabihin ng yakap na iyon ay pagpapaalam.

Saya kong pula tatlong pera

"Salamat, Ate Faye. Minahal kita ng parang isang kapatid," paghikbi ni Isay. Ngiti lang ang tangi kong isinagot sa kanya.

Nagmamadaling tumakbo si Isay palabas ng banyo. Alam kong katapusan ko na, kaya sana kahit man lang siya ay makaligtas sa kapahamakan.

Saya kong puti tatlong salapi

Tinitigan ko siya sa mata, kitang-kita ko ang kagustuhan niyang patayin ako. 

Nang makalapit siya sa akin ay bigla niyang hinila ang aking buhok. Kinaladkad niya ako papunta sa inidoro na punong-puno ng tubig at dumi. Inuntog niya ang ulo ko doon at saka tumawa.

Wala akong nararamdaman na kahit anong sakit sa mga ginagawa niya. 

Marahas niyang nilubog ang aking ulo sa tubig.

Hindi ako makahinga. 

Hanggang sa makainom na ako ng napakaraming tubig. 

Ilang minuto pa ay ramdam ko ang pagkaubos ng hangin sa aking katawan, hanggang sa unti-unti na lang akong nalagutan ng hininga.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 106K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
3.7M 64.4K 50
Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo-halong kuwento ng; katatakutan, mystery...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
2.2M 75.3K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...