Lhiya's POV
Nagmamadali akong maglakad dahil 5 minutes nalang late nako ng biglang may bumangga sakin.
Shit. Tumama ako dun sa may bakal ang sakit. Mamatay na sana yung nakabangga sakin di manlang ako tinulungan. Agad kong dinampot yung mga libro kong nagkalat hindi ko na muna ininda yung sakit ng balakang ko dahil masungit at terror ang teacher naming yun at kakasabi lang nya kahapon na ayaw ng late eh. Pagkatapos kong damputin yung mga libro ko patayo na sana ako ng biglang kumirot yung balakang ko.
Fcvk. Ang sakit di ako makagalaw.
Napagdesisyunan kong hindi nlang pumasok ngayon dahil late narin ako plus yung balakang ko ang sakit eh.
San ba tahimik at walang makakakita sakin dito? Dinala ako ng paa ko sa rooftop ng school may rooftop pala dito?
Papasok na sana ako ng may makita akong phone na nakapatong dun sa table bago ka makapasok sa loob kinuha ko yun at nagbakasakaling makikita ko yung may-ari sa rooftop nato habang naglalakad ako biglang tumunog yung phone na hawak ko...
"Chels, miss na kita. Miss na miss na kita kelan kaba babalik? *sniff* Di-diba sabi mo mahal moko? Bat di kapa bumabalik? Mahal na mahal kita. Bumalik kana please. *sniff* I miss you so much my girl. Bumalik kana *sniff* miss na miss kana ni miks. " sabi nung lalake sa record
Baket parang kaboses ni Darwin? Kung si darwin man to o hinde nakakaawa sya. Mukhang miss na miss na nga nya yung chels. Tapos sa pagbigkas nya pa nung mahal eh ramdam na ramdam mong mahal na mahal nga nya yung babae. Kaya lang iniwan ata sya nung babae. Ang swerte naman nung babae sa kabila ng pagiwang ginawa nya mahal parin sya siguro mahal na mahal nya yung babae. Kaya---------
Naputol yung nasa isip ko ng biglang may umagaw nung hawak kong phone. Napalingon agad ako at nakita ko si darwin na masama ang tingin sakin.
Wag nyong sabihing si darwin nga yung may-ari nung phone?
"Sa-sa-sayo yan?"
"Baket? May narinig kaba?"
"Me-me-meron" nauutal kong sagot tae naman eh nakakatakot yung tingin nyaaa.
"Hays. Pakilamera."
"A-ano ikaw yu-yun?"
"Wala kang pake" cold nyang sagot at umupo tinabihan ko sya at tinitigan kitang-kita yung lungkot sa mga mata nya.
Ngayon ko lang sya nakitang ganyan kadalasan maangas at walang reaksyon ang ekspresyon ng mukha nya pero ngayon lungkot yan ang nakikita ko sa mukha nya ngayon.
Nakakawa sya. Ano bang maitutulong ko? Ughhhh magisip ka nga lhiya. Magpatawa kaya ako sa harap nya?
"Bleeeehhh" sabi ko habang nakadila at nagduduling-dulingan baka sakaling mapatawa ko sya
"Alam mo. Mukha kang tanga."
Hinde epekto yung pagmamake-face ko. Tama sya mukha akong tanga. Ano kayang pwede kong gawin? Kung kilitiin ko kaya sya? Matry nga.
Sinundot ko yung tagiliran nya imbis na ngumiti sya tinignan nyako ng masama nakakatakot.
"Ano bang ginagawa mo?" cold nyang sabi
"Pano ba kita mapapangite?"
"Pano? Lubayan moko."
"Eh. Tadyakan kita jan eh. Pano nga?"
"Gusto mokong pangitien pero tatadyakan moko?"
"Joke lang. Pano na?"
"Okay lang ako kaya iwan mo nako."
"Okay? Sino niloko mo?"
"Just leave me alone"
Hindi ako umalis kahit pinapaalis na nya ako dito lang muna ako sa tabi nya sa tingin ko kasi kelangan nya ng kausap eh. Hindi ko alam kung bakit ko sya sinasamahan eh pero naawa kasi ako sakanya eh lalo na nung makita ko yung gwapo nyang mukha na napakalungkot parang nalulungkot din ako.
"Di ka talaga aalis?" tanong nya
"Hinde. Kahit paalisin moko dito lang ako sa tabi mo."
"Tsk. Ang tinde ng pagkakagusto mo saken. Di kana nakuntentong nahalikan moko ng isang beses. Katabi at kapartner moko sa lahat. Hanggang dito ba naman didikitan moko?" nakangising sabi nya
"Hinde ah! Ang kapal ng mukha mo. May gusto ako sayo? Asa kapa."
"Wag mo nang ideny halatang-halata naman eh."
"Eh. Letse gusto kitang samahan kasi ang lungkot-lungkot mo. Baka mamaya tumalon ka nalang bigla dyan eh."
"Tssss. Sabing okay lang ako."
Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nya at nagisip ng kung pano ko sya matutulungan.
Makalipas ang ilang minuto meron narin akong naisip na matino. Tama siguro naman matutulungan ko syang magmove-on diba? Ang galing mo lhiya tas ang talino mo pa
"Darwin!" sigaw ko
"Makasigaw ka kala mo ang layo ko" sagot nya at tinignan ako ng masama nag peace sign nalang ako sakanya
"May naisip nako" sigaw ko ulit
"Ano nanamang katangahan yan?"
"Payag ako."
"Ha?"
"Sabi ko payag ako."
"Ano nga? Payag kang ano?"
"Payag akong maging Ms.Rebound"
Darwin's POV
"Payag akong maging Ms.Rebound" sabi nya kaya agad akong napatingin sakanya.
Anong rebound pinagsasabi neto?
"Ano?!"
"Paulet-ulet Miko Darwin San Luis?"
"Ugh. Are you serious?"
"Mukha bakong di seryoso?"
"Wag ako iba nalang."
"Bahala ka. Basta simula ngayon tayo na" sabi nya at ngintian ako
Tangina sabog bato? Kami na daw? Sabi ko na nga ba may gusto sakin tong babaeng to eh
"Nasisiraan ka naba?!" sigaw ko
"Hinde. Gusto lang kitang tulungan." ngiting-ngiti parin nyang sabi.
"Tulong?!"
"Oo. Pagnaging rebound moko makakamove ka dun sa chels." sabi nya habang kinakalikot yung phone nya. Teka? Pano nya nalaman yung tungkol kay chelsea? Dont tell me narinig nya? Ugh. Ang tanga mo darwin. Bat kasi naiwan mo pa yung phone mo? Ayan may nakaalam tuloy na babaeng siraulo.
"Dars!" sigaw nya
"Dars? Yuck ambading."
"Cute kayaaa."
"Ewan ko sayo"
"Ahahaha sige na tingin kana dito. Selfie tayooo." sigaw nya habang nakangiti sa phone
"Ayoko."
"Dali na. Picture na tayo?" sabi nya sabay tingin sakin at nagpacute. Wala nakong nagawa at sumama nalang din sa pagseselfie nya. Nakakabanas ayoko ng selfie na yan eh ang bakla amputa. Makaalis na nga dito baka mahawa pako ng kabaliwan sa babaeng to eh
Palakad nako ng biglang...
"Ahhhhh! Aray kooo" sigaw nya kaya napalingon agad ako sakanya nakadapa na sya sa sahig at nakabaluktot. Anong nanyari sakanya? Nilapitan ko agad sya at hinawi yung buhok nyang nakaharang sa mukha nya umiiyak sya ano bang nangyari?
"Baket? Anong masaket?"
"Huhuhu. Yung balakang ko."
"What happen?"
"Hahabulin sana kita eh. Nakalimutan kong masakit pala balakang ko."
"Bat moko hahabulin?"
"Sye-syempre boyfriend kita."
"Ha?" natulala ako sa sinabi nya
"Diba sabi ko kanina tayo na?"
"Tsk. Ewan ko sayo. Lika na nga dadalhin kitang clinic" sabi ko at binuhat sya nagulat ako nung bigla syang sumigaw
"Ahhhh! Aray ko Darwinnnn. Huhuhu..." humahagulgol nyang sabi habang nakadukdok sa dibdib ko at umiiyak. Nakalimutan ko kasing dahan-dahanin nabigla ko tuloy kaya ayun.
"Shhhhh. Sorry." Alo ko sakanya at habang naglalakad pinagtitinginan kami. Bwiset talaga malamang ako at ang baliw na babaeng ito nanaman ang laman ng page ng school namin at ng internet.
Joyce's POV
Nandito ako ngayon sa room. Langyang lhiya yan di pumasok. Ano kayang nangyare dun? Naaning na siguro kakaisip sa pagkakakuha ng first kiss nya.
By the way recess na at dahil wala si lhiya si fafa louie ang kasabay kong magrecess. Ano nanamang meron? Bat andaming tao? Ay ang tanga ko recess nga pala pero bakit nagkukumulan sila dun? Ano ba meron?
"Sila ba?" -Girl 1
"Baka nung nakaraan nagkiss eh." -Girl 2
"Huhuhu. Nakakaiyakkkkk!" -Girl 3
"Oo nga. Wahhhhh!" -Girl 4 at nagyakapan silang apat ang OA talaga ng mga students dito.
"Joyce? Si lhiya ba yung buhat ni Darwin?" tanong sakin ni louie
"Ha?" tanong ko
"Ayun oh?" turo ni Louie sa naglalakad na si Darwin wait....
Ohmygee! Is that my bessy?!
-----------------------------
----------------
Okay lang po ba? Hahaha.
Vote&Comment.
Miles_noona
------------------------------
------------------