Chess Pieces Aftermath: Kylo...

By HiroYuu101

11.7M 492K 298K

Hoping to clear her late father's name, Amara Jean Abella decides to become a lawyer and get the justice he d... More

Plutus
Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Special Chapter - Lunch
Special Chapter - Honeymoon

Chapter 7

133K 6.5K 3.3K
By HiroYuu101

The first semester ended, and thankfully, naipasa ko ang lahat ng subjects ko. Hindi naman sa nagkulang ako or tamad akong mag-aral pero kahit na alam kong naging mabuting estudyante naman ako ay nakakakaba pa rin lalo pa at may mga professor na tamad mag-compute ng grades at nagroroleta lang. Kaya hangga't hindi ko nakikita ang final grades ko ay hindi ako makakampante.

Wala namang naging problema sa mga grado ko, lahat ay pasado. And that's the only thing I needed. Ibig sabihin, ang magiging problema ko na lang sa susunod na semester ay ang pag-o-OJT ko. Kailangan ay maganda ang performance ko sa trabaho dahil doon ibabase ang magiging grado namin para sa pinakahuling requirements bago kami maka-graduate.

Fortunately, nakapasa rin si JC sa first semester. Hindi man ganoong kataasan ang grades n'ya kumpara sa akin, still, it's a good thing that he passed. Nangako pa nga s'ya sa akin na pagbubutihin na n'ya sa susunod at magsisipag sa OJT n'ya. Lalo na kung matatanggap s'ya sa firm ni Atttorney Villaraza.

He's still not giving up about that idea. Siguradong-sigurado pa nga s'ya na matatanggap kaming dalawa. Nagpaplano pa na sabay raw kaming papasok araw-araw at ihahatid-sundo n'ya raw ako dahil magkalapit lang ang mga bahay namin at iisang office lang ang pinapasukan namin.

Hindi na ako kumontra. Tinanggap ko na lang na roon nga ako sa firm ni Attorney Villaraza mag-o-OJT kahit na ayoko sa pagiging maangas n'ya at sa pambabastos n'ya sa kaibigan ko.

The second semester came. Sa unang araw ay pumasok kami sa university para alamin ang mga dapat gawin sa pag-o-OJT namin. Nagulat pa nga ako nang malaman na ang iba ay nakahanap na ng kompanyang pag-o-OJT-han nila.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, mag-apply na tayo!" paninisi sa akin ni JC nang malaman n'yang kalahati na ng klase namin ang natanggap at makakapagsimula na. "Baka maunahan pa tayo ro'n!"

"Hindi naman tayo pwedeng basta na lang kumilos nang hindi natin alam ang gagawin!" I hissed. "Isa pa, journalism students tayo. Baka hindi pwedeng sa law firm tayo mag-OJT dahil wala naman 'yong kinalaman sa pagiging journalist!"

"Pwede 'yan!" sagot ni JC na naiinis na sa akin.

Magsasalita na sana ako para kumontra pero nagulat ako nang magtaas s'ya ng kamay at kinuha ang atensiyon ng professor naming busy sa pagsasalita sa harap. Mrs. Garcia stopped and regarded him.

"Yes?" she asked, acknowledging JC's possible concern.

"Ma'am, pwede ba kami sa law firm mag-OJT? Plano po kasi namin nitong si AJ na mag-law school kapag naka-graduate na kami."

"Law firm?" Mrs. Garcia asked.

JC nodded. "Yes, Ma'am. Bale pre-law course namin 'tong Journalism.

Tinitigan kami ni Mrs. Garcia. Palihim kong kinukurot si JC sa tagiliran n'ya dahil napunta na sa amin ang atensiyon ng buong klase.

Nakakainis! Pwede naman s'yang lumapit at kausapin si Ma'am mamaya, hindi 'yung iistorbohin n'ya sa pagsassalita sa harap! Ayan tuloy, nasa amin nang lahat ang atensiyon. At talagang in-announce n'ya pa ang mga plano namin!

Sigurado na akong tatanggi si Mrs. Garcia. Ang alam ko kasi ay kaya requirements ang pag-o-OJT sa graduation ay para magkaroon ng experience ang mga estudyante kung anong trabaho ang kursong kinukuha nila. And if they're lucky, the company might absorb them once they've graduated.

Pero wala namang kinalaman ang magiging trabaho namin sa loob ng law firm sa pagiging journalist. Kung law-to-journalism ay pwede pa dahil kailangang matuto ang mga lawyer for public speaking, kaya nga ito ang kinuha kong kurso for pre-law. Pero ang journalism-to-law, hindi ko makitaan ng koneksyon.

Kaya naman nagulat ako nang tumango si Ma'am nang mga ilang minuto s'yang nag-isip.

"If this is your chance to learn before going to law school, then it's okay," sabi ni Mrs. Garcia. "Kayo naman ang bahala kung saan n'yo gustong mag-OJT. It's not necessarily needed to have a connection about journalism. Basta roon kayo kung saan n'yo magagamit ang mga natutunan ninyo."

Tumingin sa akin si JC na parang nagyayabang dahil tama s'ya matapos sabihin iyon ni Ma'am. Umirap ako at tinanggap na lang na wala na ngang makakapigil sa pag-o-OJT namin sa Cervantes and Villaraza Law Offices.

Nagpatuloy sa discussion si Ma'am na ilang minuto lang ang itinagal dahil nagbilin lang naman s'ya para doon sa mga hindi pa nakakahanap ng mapag-o-OJT-ihan. Pagkatapos ay kinausap n'ya iyong mga pwede nang magsimula at isa-isa silang binigyan ng endorsement letter.

Wala tuloy kaming magawa nang mga panahong iyon. Ang iba ay nagkukuwentuhan at nagpaplano kung saan mag-a-apply. Limang buwan lang kasi ay dapat matapos na namin ang pag-o-OJT. Kung hindi ay baka hindi pa kami maka-graduate kapag hindi namin natapos ang required na eight hundred hours.

"E di sana makakapagsimula na rin tayo!" paninisi sa akin ni JC habang pinapanood ang mga kaklase namin na kinukuha ang mga endorsement letter nila. "Paano kung naunahan na tayo? Ayokong mag-OJT sa iba!"

"Hindi 'yan," pang-aalo ko sa kanya kahit ako mismo ay hindi sigurado.

Paano nga kung naunahan na kami at may natanggap na sila for OJT? Siguradong patay ako nito kay JC!

He looked at me. Ang katawan n'ya ay nakaharap sa akin bago ako tinitigan nang seryoso.

"Mag-apply na tayo mamaya."

Napamulagat ako.

"Agad-agad?!"

Napairap s'ya kaya hindi ko maiwasan ang matawa. Mukhang inis na inis na s'ya sa akin dahil sobrang excited na s'ya na makatrabaho si Attorney Villaraza pero ako ay walang kainte-interes.

"Kailan mo gusto? Next year?" inis n'yang tanong. "Gusto mong nagmamartsa na ang mga kaklase na'tin while we're still stuck finisihing the eight-hundred hours?!"

Tinawanan ko ang nakitang inis sa mukha n'ya na mas lalo n'yang ikinainis. Magkasalubong ang mga kilay n'ya habang nakatitig sa akin na hindi matapos sa kakatawa. Tumigil lang ako nang makitang seryoso na nga s'ya.

Binibiro lang, e.

"Okay." I cleared my throat. "Good thing na medyo formal naman ang suot ko ngayon... pero nasaan ang resume na'tin?"

"Nasa kotse," sagot n'yang parang balewala lang pero ikinagulat ko iyon.

"Ginawan mo na ako?" I asked, surprised was in my voice.

Hindi ko alam 'yon? I mean paano roon sa mga credential na kailangang ilagay rin doon pampabango man lang?

He sighed. "Magkasama na tayo mula pagkabata, AJ. Alam ko na ang lahat nang tungkol sa 'yo," he said na parang nabasa kung anong pinoproblema ko kanina.

Tinitigan ko s'ya pero maya-maya ay tumango na lang. Ang galing naman n'ya? Ako nga ay may ilang mga bagay na hindi pa alam tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa business matters na pinuntahan n'ya kasama ang Dad n'ya kaya bigla s'yang nagyaya na pumunta sa firm ni Attorney Villaraza kinabukasan noon. And stuffs like if he likes someone right now. Wala pa kasi akong nababalitaang nagugustuhan n'ya.

Ang daming mga babae ang hayagang nagpapakita ng pagkagusto para sa kanya pero kahit kailan ay wala s'yang sinabi sa akin tungkol doon. O kahit man lang na gusto n'yang ligawan, wala.

Baka itinatago n'ya lang? Kung ganoon ay magtatampo ako sa kanya. Kilalang-kilala n'ya na ako na nakagawa pa nga s'ya ng resume ko tapos ay maglilihim s'ya sa akin sa babaeng nagugustuhan n'ya?

Dahil iisang subject lang ang klase namin noong araw na iyon at isa't kalahating oras lang ang itinagal ay pumayag na ako sa kagustuhan ni JC na ngayon na rin mag-apply sa Cervantes and Villaraza Law Offices. Wala na akong takas, e. Nakagawa na s'ya ng resume namin, maayos naman ang damit ko ngayon, maaga pa para umuwi, at wala rin naman akong gagawin sa bahay.

"JC," I called his name while we're eating. Nagdesisyon muna kaming kumain bago dumeretso roon sa law firm.

"Hmm?" he just mumbled while chewing his food.

"Do you have a girl you like?"

Dahil nasa harapan ko lang s'ya ay kitang-kita ko na nabulunan s'ya sa pagkabigla dahil sa tinanong ko. Pinukpok n'ya ng ilang beses ang dibdib n'ya habang umiinom ng tubig at ako naman ay patuloy lang sa pagkain.

Guilty 'to, sigurado ako. Ang OA ng reaction, e.

"Ano?" he asked. Bahagya pang tumaas ang boses n'ya kaya napatingin sa amin ang katabi naming table sa fast-food chain na iyon.

"I was asking if you have any girl you like?" I asked again.

Nag-iwas s'ya ng tingin sa akin at mas napatunayan kong guilty nga s'ya! Ano ba 'yan? Mag-aabogado pero hindi magaling magtago ng feelings!

Tumikhim s'ya. "Bakit mo natanong?"

I shrugged my shoulders. "Curious lang." Dumukwang ako palapit sa kanya. "Ano? Meron nga? Sino?"

Nag-iwas ulit s'ya ng tingin, mukhang walang balak sagutin kaya nawala ang excitement ko. I can't believe that he's hiding this to me!

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na nagsalita. I got it. Nirerespeto ko ang privacy n'ya. Hindi naman dahil alam n'ya na halos lahat ng tungkol sa akin ay ganoon na rin ako sa kanya. Choice ko rin naman na sabihin ang lahat ng iyon sa kanya.

Pero nakakatampo pa rin pala. Feeling ko kasi ay hindi s'ya nagtitiwala sa akin gaya ng pagtitiwala ko sa kanya?

Hindi na ulit ako nagsalita pa sa mga sumunod na minuto. Tahimik ko lang pinagpatuloy ang pagkain ko at nahahalata ko naman ang pasulyap-sulyap sa akin ni JC. Kung masama lang akong kaibigan ay iiwan ko s'ya rito at s'ya na lang mag-isa ang pag-apply-in sa law firm na gusto n'ya. But that would be too immature.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni JC.

"Manhid 'yon," he said so suddenly. Napaangat tuloy ang tingin ko sa kanya. "'Yong babaeng gusto ko. Sobrang manhid."

"Hindi n'ya alam na gusto mo s'ya?" I asked. Umiling s'ya.

"Hindi. And I don't think she's ready for a relationship. She'll surely reject me if I confess."

"Sa 'yo? May mambabasted?" hindi makapaniwala kong tanong. Gwapo rin kaya si JC!

He has a cream-colored skin. Makakapal ang mga kilay. Malamlam ang mga mata n'ya na parang hindi kayang magalit ng sobra. He has a pointed nose and reddish lips. His facial features were soft. Bagay na bagay sa ugali n'yang kahit sobra akong mang-asar sa kanya ay hindi nagalit sa akin kailanman.

Plus factor pa 'yung well-built body n'ya. Kaya hindi ko talaga maisip na may babaeng magre-reject sa kanya.

"Yeah. Hindi naman lahat ng babae ay magkakagusto sa akin." Then he looked at me. "Ikaw ba? Kung sakaling sabihin kong may gusto ako sa 'yo, ano'ng magiging reaction mo?"

"Yuck!" agad kong sabi. Napahimas pa ako sa dalawang mga braso ko dahil bigla kong naramdaman ang pananayo ng mga balahibo ko. "Kilabutan ka nga! Kadiri ka."

He chuckled. "See?" he said like he's proving a point. "Sigurado akong ire-reject ako nito."

Gusto ko sanang sabihin na magkaiba naman kami. Na hindi naman ako ang babaeng nagugustuhan n'ya kaya siguro ay may tiyansa s'ya. Pero tumayo na s'ya at nagyaya nang pumunta na kami roon sa firm.

Sa biyahe ay napansin ko ang pananahimik ni JC. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang nagda-drive s'ya at nakitang seryoso lang s'ya sa pagmamaneho. Nanahimik na lang ako. Siguro ay kabado s'ya sa pag-a-apply namin at sa gagawing interview sa amin.

I just hope na pareho kaming matanggap. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kung isa lang sa amin ang matanggap. Kapag ako lang, malamang ay hindi ako tumuloy. Ayaw ko nga sana sa law firm na iyon kung hindi lang sa pamimilit ni JC. Kung si JC lang naman ang matanggap, kawawa naman ako. Mag-isang maghahanap ng ibang law firm.

"Hi, Miss!" bati ni JC doon sa receptionist na nasa may lobby nang makarating kami sa Cervantes and Villaraza Law Offices. Pinigilan ko ang mapahagikgik nang ngitian n'ya pa ang babae.

"Good afternoon, Sir," tipid ang ngiting sabi ng receptionist pero halatang nakaabang sa sasabihin ng kaibigan ko.

"Mag-a-apply sana kami for OJT," JC said. "Pwede pa ba?"

"May resume po ba kayong dala, Sir?" magalang na tanong n'ong babae. Agad naman ibinigay ni JC ang resume namin sa kanya. "Wait lang, Sir, a? Iko-confirm ko lang."

"No problem, Miss. Take your time," JC said.

Napairap ako nang tumingin sa akin si JC sa nakikiusap na mga mata habang may tinatawagan sa telepeno iyong babae. Halatang-halata na nagdadasal s'ya na sana ay wala pa nga silang natatanggap na OJT dito.

"Sir," sabi ng babae nang balingan na kami. Pareho kaming napatingin sa kanya. May inabot s'ya sa aming ID na may nakasulat na 'Visitor.' "Swipe n'yo po 'to sa may scanner. Then akyat na po kayong seventh floor."

Ibinalik sa amin ng babae ang resume namin kasama na ang ID na kailangan naming i-swipe roon sa may scanner. Ang laki ng ngiti na nakapaskil sa mukha ni JC nang kunin namin iyon.

"Kinakabahan ako," bulong n'ya sa akin nang makapasok na kami sa elevator. Napairap na lang ako.

Hindi ako kinakabahan kanina pero dahil sinabi n'ya ay kinabahan na rin ako. Tiningnan ko si JC pero mas lamang pa yata ang excitement na nararamdaman n'ya kaysa sa kaba.

The elevator door dinged when it reached the seventh floor. Wala sa sariling napahawak ako sa braso ni JC nang naging triple pa yata ang kabang nararamdaman ko. Lalo na noong makita ko ang isa pang sliding glass door na kailangan naming pasukan at sigurado akong sa loob ay nandoon na ang office ng dalawang abogado.

How could I not know that it was their offices when I could read it on the reception desk inside?

Kusang bumukas ang sliding door nang mapatapat kami roon. Nginitian kami n'ong babae sa reception desk na mas maliit ang espasyo kaysa roon sa nasa baba.

"For OJT, Miss." Si JC na ang nagsalita. Nanginginig na rin ang mga tuhod ko sa sobrang kaba!

Pinaupo kami noong babae sa tanggapan ng bisita roon. May mga sofa at ilang magazines ang nandoon pero ako ay kinakabahang umupo na lang. Hindi pa nga nakakailang segundo kaming nakakaupo nang tinawag na si JC ng babae sa reception desk at sinabing doon sa pinakadulong office pumasok.

He chuckled. "Relax," sabi n'ya nang makita ang itsura ko. E, s'ya nga ang tinawag para interview-hin na pero mukhang ako pa ang mas kinakabahan!

May tatlong office ang nasa loob, lahat ay nakasara ang blinds kaya hindi ko makita ang nasa loob. Doon sa dulo ang pinasukan ni JC.

I tried to calm myself down and waited for JC to finish. Hindi nakatulong ang lamig ng airconditioner sa kabang nararamdaman ko. Mukhang naiihi pa nga yata ko!

Nakakabwisit naman!

Lamig lang 'to, kaba ang 'to. Hindi talaga ako naiihi!

After fifteen minutes, lumabas na rin si JC. Agad akong napatayo at hindi na nakapagtanong nang sabihin sa akin ng babae na pumasok na ako roon.

Halos hindi na ako makapaglakad nang maayos. Ilang hingang-malalim ang ginawa ko bago kumatok at binuksan ang pinto. Nakita ko kaagad ang bakanteng office table at upuan sa likod n'on bago ko nakita ang isang pinto pa sa loob. Mukhang iyon na ang pinaka-office ng lawyer. Lumapit ako roon at muling kumatok bago binuksan.

Nakita ko kaagad ang isang lalaki na nakaupo sa may couch sa loob, doon sa harapan ng office table noon. He was reading a piece of paper. He looked up and smiled when he saw me.

"Ms. Abella?" he asked. Doon ko nalaman na ang papel na binabasa n'ya ay ang resume ko pala.

"Yes," I said. Tumayo s'ya at inilahad ang kamay sa akin. Walang pag-aalinlangan na lumapit ako sa kanya at tinanggap ang pakikipagkamay nya.

I couldn't help but to stare at the man. He was wearing a three-piece dark blue suit, a black longsleeve for his inner shirt. Mukhang respetadong-respetado sa pananamit pa lang. Plus, he has an intimidating aura, kahit na malawak ang pagkakangiti n'ya sa akin ay hindi ko maiwasan ang mailang.

He has hazel brown eyes. Matangos din ang ilong at may mapupulang mga labi. He has a well-defined jaw and small stubbles were growing on it. Kamukha n'ya iyong artista sa pinapanood kong American series,

"Attorney Creed Cervantes," pakilala n'ya sa sarili n'ya. We shook hands. "Sit down." Itinuro n'ya ang couch sa tapat n'ya.

Tahimik naman akong naupo at nag-abang sa sasabihin n'ya habang pinapasadahan n'ya ng tingin ang resume ko. Hindi matigil ang lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba pero inignora ko na lang iyon.

"How are you related to Attorney Luis Abella?" he asked. Nawala ang ngiti na nasa labi n'ya kanina.

"He's my father," deretso kong sagot. Nakita kong kumunot ang noo n'ya.

"May sarili s'yang law firm, hindi ba? But why is his daughter here in our firm, applying for OJT?"

I cleared my throat. Napaderetso ako ng upo at tinitigan ang abogadong kaharap sa mga mata.

"He's my father, and I know that he wants the best for me. He wants me to work for another firm where I wouldn't get any special treatment just because I am his daughter. So I would learn what I needed to learn. That's why I'm here, Attorney Cervantes."

He stared at me. Nailang ako sa paraan ng pagtitig n'ya. Para kasing inaalam n'ya kung nagsisinungaling ako o hindi. Pagkatapos ay ngumiti s'ya.

"Paano ba 'yan? Alam kong anak ka ni Attorney Abella? One of my colleagues," he chuckled. "Baka hindi na rin kita utusan n'yan."

Napangiwi na lang ako. Sana pala ay hindi ko na lang nilagay ang pangalan nina Daddy at Mommy sa resume ko. Hindi rin pala maiiwasan ang special treatment kahit sa ibang law firm ako mag-apply.

"Ganito na lang," Attorney Cervantes said. "Dahil ako lang naman ang nakakaalam, you will not work under me. Sa ibang lawyer kita ia-assign."

"Sa iba po?"

He smiled. "Too bad. Your friend wanted to work with him, but I guess that he'll just have to work under me instead. Doon ka na lang sa kaibigan ko magtatrabaho."

Kinabahan ako. Mukhang hindi ko magugustuhan kung sino man 'yon pero nagtanong pa rin ako.

"Kanino... po?"

Attorney Cervantes bit his lower lip. Nang pakawalan n'ya ang pang-ibabang labi ay nakangisi na sa akin.

"Kay Attorney Kylo Villaraza."

Continue Reading

You'll Also Like

12.9M 450K 58
Gallagher #3 Tracer The hunter who's chasing his goddess.
855K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
1.1M 52.6K 27
Known for his short temper, Atty. Kylo Villaraza gets the biggest twist in his life as he unexpectedly falls for his secretary, Amara Jean Abella. Bu...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

84.3K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]