My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Menudo

294 36 2
By HEYNEENAMOR

Ken's POV








Saturday afternoon. Wala akong ganang magtrabaho kaya I decided na umalis ng office by 2pm. Dumiretso ako sa law office ni Feliciano.

















"F*ck you Ken Chan! Anong ginagawa mo ditong hayop ka?" inis na sigaw nito ng bigla akong pumasok sa office niya. Naabutan ko kasi itong may nakakandong na babae sa kanya at mukhang naka-istorbo ako sa kanila. Mabilis na tumayo ang babae at lumabas ng office.



















"Wow! Feliciano my Maaaaan! First time kitang mahuli na mambabae hah! Proud pa naman ang ate mo sayo na ikaw ang pinakamatino sa barkada!"


















"Atleast ako, single ako Ken! Kaya okay lang mambabae."




















"Pareho tayo!"
















"Ay, hindi tayo pareho Ken. You have Rita—-"














"Wait. What? Bakit naman napasok sa usapan yung babaeng iyon?" inis na tanong ko dito.









"Kita mo yan! Inis na inis ka sa tao. Siya lang yata yung babaeng nakakapagpainis sayo ng ganyan! Tell me, may problema ba kayo?"








"Sa simula pa lang, malaki na ang problema namin , alam mo yan! At itong kaibigan kong naturingang highest paid lawyer ng bansa, hindi ako matulungan! Damn it Feliciano! I need that house back to me! Yung akin lang. Gawan mo naman ng paraan na mapalayas yung babaeng iyon!"








"Relax ka nga muna Ken! Hindi ka ba naaawa kay Rita? Ikaw na kaya ang mag give up——"









"No! That's my house!!"









"Tara nga dito at mag-usap tayo. Yung bahay parin ba yung problema niyo or may iba pa?"















Pumunta talaga ako dito to tell him about Oslo. Hindi ako nagka chance na masabi sa kanya ito last time na pumunta ako sa bahay niya pero ngayon, sasabihin ko na. I don't care kung magalit si Rita sa akin pero ito ang tama. Alam kong matutulungan kami ni Feliciano about kay Oslo at ano ba ang dapat gawin. Naaawa na ako sa bata. At nasasayang ng bata ang dapat sanang oras ni Rita sa trabaho.






















"A baby? For real?"









"Yes. Believe me! Noong unang gabi pa lang na napulot namin siya, gusto ko ng ipaalam sa pulis pero ayaw ni Rita."







"Bakit ayaw niya?"







"May suspetya kasi si Rita na ang mga magulang ng bata ang gustong pumatay sa kanya. Biruin mo, nilagay sa ilalim ng kotse ko. Kung napaandar ko ang kotse ay baka nga napatay ko na ang bata. Natatakot si Rita na baka masasama nga ang magulang nito at baka kapag naibalik ito ay pagtangkaan na namang patayin ang bata. Pero diba mali iyon? Ang magtago ng bata lalo na't hindi mo naman kilala yung bata at parents nito. May possibility na makulong si Rita sa ginagawa niya diba? Siya na lang daw ang gagawa ng paraan para mahanap ang magulang ni Oslo. Tss...May suspetya pa siyang anak ko daw yung bata. Hah."





"Hmm. May point ka Ken pero may point din si Rita. I never know na ganyan kabuti ang puso ni Rita. Biruin mo, hindi niya kaano-ano yung bata pero inako niya yung responsibility for that baby para maalagaan lang ito. Teka, baka anak mo nga talaga yun?"






"Isa ka pa! Wala akong anak okay? Hindi akin iyon. Sigurado ako."










"Sa dami ng babae mo—-"










"Pareho kayong mag isip ni Rita! Sinasabi niyong akin yung bata pero hindi nga! Tsaka ako yung kaibigan mo dito , bakit parang panig ka kay Rita??? Hindi ako gagawa ng bata dahil alam kong wala siyang maayos na future sa akin. Ayokong magkaroon ng anak. Alam mo yan. Hmmm..Pumunta ako dito para humingi ng tulong kung ano ang tama or dapat gawin kay Oslo. Hindi yung papanigan mo yung bulok na dahilan ni Rita!"










"Anong dapat niyong gawin? Iyon ba ang ipinunta mo dito? Hmm. Alam ko na."











"Ano?"












"Tulungan mong mag-alaga si Rita dahil mahirap mag-alaga ng bata ng mag-isa.."



















"Are you serious Feliciano??!! Sinasayang mo yung oras ko!!"








"Ken. Alam kong alam mo ang tamang gawin. Pero alam mo din ang dapat na gawin. Mamimili ka kung anong gagawin mo, yung dapat or yung Tama?"










"Dapat or Tama? Anong pinagkaiba nun? Tss.."












"Malaki ang pinagkaiba nun. Isipin mo."












"Bahala ka nga! Sinasayang mo yung oras ko dito Feliciano. Ako parin pala yung pinagsosolve mo sa problema. Tss.." Inis akong naglakad palabas ng law office nito.











"Oh! Baka magpatulfo ka pa niyan hah! hahahah" rinig kong sigaw nito.












Siraulo talaga. Tss..





























Habang pauwi ako ng bahay ay iniisip ko ang sinabi ni Feliciano. Tama o dapat na gawin? Pati ako ay nalilito na.






















Pagdating ko ng bahay ay nakita ko na agad si Rita na nakatulog na. Nakadapa sa dibdib nito si Oslo na tulog na din. Naglatag ito ng airbed sa sala at doon silang pareho na nakatulog. Siguro ay balak lang niyang patulugin si Oslo pero pati siya ay inantok na rin. Lumapit ako sa kanya tsaka ko kinuha ang nakataob na librong hawak nito.. Parenting book? Inilapag ko sa side table yung book. Nakatingin ako sa nakapikit na si Rita at kay Oslo.











"Rita.." tinawag ko siya at tinapik ko ang kamay niya para magising siya..









"What?" inis na tanong nito ng magising siya at ako ang bumungad sa kanya. Dahan-dahan itong bumangon para hindi magising si Oslo na nakatulog na nga sa dibdib niya. Inihiga niya si Oslo sa air bed tsaka niya inayos ang kanyang damit. Halata ko sa kanya na irita siya. Tila nagalit ito dahil ginising ko siya.










"Hindi mo sinarado ang pinto. What if pasukin tayo ng akyat bahay hah? Pareho pa kayong tulog ng bata."






"May akyat bahay bang dadaan sa pinto? Duuuuh!" pambabara nito.








"Rita. I'm just stating the possibilities——"





"Shut up okay? Kita mong tulog si Oslo diba? Panira ka ng tulog alam mo ba iyon?"







"Mabuti nga at ginising kita! Alam mo bang hirap na hirap yung bata sa posisyon niya sa pagtulog at nakasubsob pa sa—- dibdib mo yung mukha ng bata! Baka hindi na pala nakakahinga yung bata."








"OA! Hindi siya nakasubsob. Nakatingin si Oslo sa right side! Siguro kanina ka pa nakatitig sa dibdib ko no??!! Umamin ka!" lihim akong natawa at napailing.








"Wala naman akong makita—— Hey!!! Magising yung bata!!" napatakbo ako ng ambahan niya akong hagisan ng libro. Nakakatakot pala tong gisingin.














"Umalis ka sa paningin ko!" gigil pero pabulong na sabi nito. Alam kong iniiwasan niyang sumigaw dahil tulog si Oslo.































Rita's POV


HINDI ko alam kung may sanib ba yung lalaking iyon eh. Muntik ko pa siyang mabato ng libro at ang walanghiya ay tumakbo papunta sa pinto ng kwarto niya. Ayokong sumigaw dahil baka magising si Oslo pero ang loko ay sinasagad ako, kasabay pa ng pagtawa nito dahil naiinis na ako ay ang pagkindat niya bago tuluyang pumasok ng kwarto niya.







"Kindat-kindat ka diyan! Move ng mga babaero!! Grrrrr.." bulong ko sa isip ko. Nagpasya akong buhatin si Oslo at ipapasok ko na ng kwarto para makatulog na ito ng maayos sa crib niya.













Mag-isa akong nagdidinner ngayon dito sa kusina. Sa bawat pagsubo ko ng pagkain ay lumilipad na naman ang isip ko. Bigla ko na lang naisip kung nakapag dinner na ba yung halimaw sa kabilang kwarto. Medyo maaga kasi ito nakauwi ngayon sa bahay. Feeling ko ay hindi pa ito nakakakain pero ayoko naman siyang alukin ng pagkain. Galit parin ako sa kanya. At hindi iyon mawawala.


Nang mapansin kong nagbukas ang pinto ng kwarto niya ay mabilis kong kinuha ang baso ng tubig tsaka ko iyon ininom. Naglakad si Ken papasok ng kusina. Wearing his usual porma kapag nasa bahay, sando at jogging pants. Nagbukas ito ng ref at tila naghahanap ng makakakain.











Masyadong maawain ang puso ko at sinasabing yayain itong kumain dahil may ulam pa naman. Pero may part ng utak ko na sinasabing wag na dahil mayaman naman ito at kung gusto niyang kumain ay magpadeliver na lang siya.














"Are you okay? Uhaw na uhaw ka naman, wala ng lamang tubig yang baso mo oh." rinig kong sabi nito tsaka ko lang napansin ang basong iniinom ko na wala na palang tubig. Shonga ka girl?















"Cereals? Sa gabi? Eh ikaw? Okay ka lang?" mataray na tanong ko dito. Irita ko siyang tiningnan ng tumabi ito sa upuan ko.
















"Bakit? May tinira ka bang pagkain para sa akin?" tanong nito.

















"Syempre wala!"














"So okay naman siguro ang cereals for dinner." sabi nito tsaka niya binuksan ang milk na kinuha niya sa ref.




















"May menudo pa sa kawali. May kanin parin sa rice cooker. Hugasan mo yung pinagkainan mo pagkatapos mo." seryosong sabi ko dito sabay tayo tsaka ako pumunta sa sink at hinugasan ang sarili kong plato.















"Salamat." rinig kong sabi nito pero hindi na ako kumibo. Mabilis lang akong naghugas tsaka pumasok na agad sa kwarto.























"Marunong naman palang magpasalamat." bulong ko habang nakatitig sa maamong mukha ni Oslo.














❤️

Continue Reading

You'll Also Like

95.8K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
201K 8.5K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
38.9K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
6.3K 283 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...